Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kaharian. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kaharian. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Marso 17, 2019

Tagalog praise and worship Songs| "Awit Ng Kaharian (I) Nakababa na ang Kaharian sa Mundo"


Tagalog praise and worship Songs| "Awit Ng Kaharian (I) Nakababa na ang Kaharian sa Mundo"


I
Kaharian ng Diyos dumating sa lupa;
persona ng Diyos puno't mayaman.
Sinong titigil at 'di magsasaya?
Sinong tatayo at 'di sasayaw?
O Zion, itaas ang bandila ng tagumpay
upang magdiwang para sa Diyos.
Awitin ang iyong awit ng tagumpay
upang ipalaganap ang Kanyang ngalang banal sa buong mundo.
'Di mabilang na tao pumupuri sa Diyos
at tinataas ngalan N'ya.
Tinitingnan nila mga gawa N'ya.
Ngayon kaharian N'ya'y dumating sa lupa.

Huwebes, Pebrero 21, 2019

Tagalog Christian Music| "Dinala na ng Cristo ng mga Huling Araw ang Panahon ng Kaharian"



Tagalog Christian Music| "Dinala na ng Cristo ng mga Huling Araw ang Panahon ng Kaharian"


I
Nang sa mundo ng tao dumating si Jesus,
dinala N'ya panahon ng Biyaya,
tinapos Panahon ng Kautusan.
Muli Diyos naging tao sa mga huling araw.
Dinala N'ya Panahon ng Kaharian,
tinapos Panahon ng Biyaya.
Gumawa sa gitna ng tao si Jesus
para sangkatauha'y tubusin,
inialay na handog sa sala ng tao ang Sarili.
Pero masamang disposisyon ng tao'y nananatili.
Lahat ng tumatangap
sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos 
aakayin sa Panahon ng Kaharian
at tatanggap ng Kanyang gabay.

Martes, Setyembre 25, 2018

Maikling Dula "Baka Nananaginip Tayo" (Tagalog Dubbed)


Maikling Dula "Baka Nananaginip Tayo" (Tagalog Dubbed)

             Isang pastor ng relihiyosong mundo na may jacket na gawa sa balat ng tupa, isang mabait at matapat na asawa, at isang tapat na Kristiyanong may pagkaunawa na nagmamahal sa katotohanan ang nagsasama-sama sa isang nakakatawang maikling dula na sumisiyasat sa tanong na, "Makakapasok ba ang isang tao sa kaharian ng langit sa pamamagitan ng pagsisikap?" Mapapaisip ang mga manonood dahil sa kabalintunaang lengguwahe at matalinong debate sa pagitan ng naniniwala at ng pastor…

Biyernes, Setyembre 21, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Lahat ng mga Tao ng Diyos ay Naglalabas ng Kanilang mga Damdamin

kaharian, Diyos,  karanasan, buhay, Pananalig sa Diyos




I
Pagmasdan ang kaharian ng Diyos,
kung saan naghahari ang Diyos sa lahat.
Mula noong nagsimula ang paglikha hanggang sa kasalukuyan,
mga anak ng Diyos
na ginabayan sa pagdaranas ng mga paghihirap.
Dumaan sa hirap at ginhawa.
Pero ngayo'y naninirahan sa liwanag N'ya.
Sinong hindi umiiyak
sa kawalan ng katarungan sa panahong lumipas?
Sinong hindi lumuha sa hirap ng buhay ngayon?
Sinong hindi nagsasamantala sa pagkakataong ito
na ilaan ang kanilang puso sa Diyos?
Sinong ayaw magbigay ng boses
sa kanilang pagkahilig at karanasan?
II
Ibinibigay ng mga tao ang kanilang buong makakaya sa Diyos.
Ang iba'y pinagsisisihan ang kanilang mga kahangalan.
Ang ila'y kinamumuhian ang kanilang mga sarili
dahil sa paghabol sa nakalipas.
Nakilala nilang lahat ang kanilang mga sarili,
nakita ang mga gawa ni Satanas, ang himala ng Diyos.
Naroroon ang Diyos sa loob ng kanilang mga puso,
sapagkat ang Kanyang gawai'y natupad.
Sinong hindi umiiyak
sa kawalan ng katarungan sa panahong lumipas?
Sinong hindi lumuha sa hirap ng buhay ngayon?
Sinong hindi nagsasamantala sa pagkakataong ito
na ilaan ang kanilang puso sa Diyos?
Sinong ayaw magbigay ng boses
sa kanilang pagkahilig at karanasan?

Huwebes, Setyembre 20, 2018

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ika-limampu’t walong Pagbigkas

kalooban, kaharian, Panginoong Jesus, Katotohanan, Salita ng Diyos,


    Kung nauunawaan mo ang Aking layunin, makakaya mong magkaroon ng pagsaalang-alang para sa Aking pasanin at nakakamtan mo ang liwanag at pahayag, at nakakamtan ang pagpapalaya at kalayaan, pinalulugod ang Aking puso, pinapayagan ang Aking kalooban para sa iyo na maisagawa, dinadalhan lahat ng mga banal ng pagpapalakas, at ginagawang matibay at matatag ang Aking kaharian sa daigdig. Ang maselang bagay ngayon ay unawain ang Aking layunin, ito ang landas na dapat ninyong pasukin at lalo pa ngang ito ang tungkulin na dapat isakatuparan ng bawat tao.

    Mabisang gamot ang Aking salita na nagpapagaling ng lahat ng uri ng karamdaman. Hanggat nahahanda ka na lumapit sa harapan Ko, pagagalingin Kita, at hahayaang makita mo ang presensya ng Aking pagka-makapangyarihan sa lahat, makita ang Aking kamangha-manghang mga gawa, makita ang Aking pagkamakatuwiran at kamahalan at higit pa na makita ang inyong sariling mga kasamaan at inyong sariling mga kahinaan. Ganap Kong nauunawaan bawat kalagayang nasa loob mo; palagi mong ginagawa ang mga bagay na nasa loob ng puso mo at hindi ito ipinapakita sa labas. Higit pa ngang malinaw sa Akin ang tungkol sa bawat isang bagay na ginagawa mo. Pero alam mo dapat kung aling mga bagay ang pinupuri Ko, at aling mga bagay ang hindi Ko pinupuri; dapat malinaw mong nakikita ang kaibhan sa pagitan ng dalawang ito at hindi mo dapat itinuturing ito na bale-wala.

Martes, Setyembre 18, 2018

Tanong at Sagot ng Ebanghelyo | Ano ang mahalagang kaibhan sa pagitan ng gawain ng Diyos at ng gawain ng tao?


Nauugnay sa pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos

    Ang gawain ng Diyos Mismo ay kinapapalooban ng gawain ng buong sangkatauhan, at ito ay kumakatawan sa gawain ng buong kapanahunan. Ibig sabihin niyan, ang sariling gawain ng Diyos ay kumakatawan sa galaw at kalakaran ng lahat ng gawain ng Banal na Espiritu, samantalang ang gawain ng mga apostol ay sumusunod sa sariling gawain ng Diyos at hindi nangunguna sa kapanahunan, o kumakatawan man ito sa kalakarang gawain ng Banal na Espiritu sa isang buong kapanahunan. Ginagawa lamang nila ang gawain na dapat gawin ng tao, na hindi kinapapalooban kahit kailan ng gawaing pamamahala. Ang sariling gawain ng Diyos ay ang proyekto sa loob ng gawaing pamamahala. Ang gawain ng tao ay tanging ang tungkulin ng mga tao na ginagamit at walang kinalaman sa gawaing pamamahala. Dahil sa iba't-ibang pagkakakilanlan at mga pagkatawan ng gawain, sa kabila ng katotohanan na ang mga iyon ay parehong gawain ng Banal na Espiritu, mayroong malinaw at makabuluhang pagkakaiba sa pag-itan ng sariling gawain ng Diyos at ng gawain ng tao.

mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

    Ang mga salita ng Diyos na nagkatawang-tao ay nagsisimula ng isang bagong kapanahunan, gumagabay sa buong sangkatauhan, ibunyag ang mga hiwaga, at nagpapakita sa tao ng direksyong pasulong sa isang bagong kapanahunan. Ang pagliliwanag na natamo ng tao ay isa lamang simpleng pagsasagawa at kaalaman. Hindi nito magagabayan ang buong sangkatauhan sa isang bagong kapanahunan o ibunyag ang hiwaga ng Diyos Mismo. Ang Diyos, matapos ang lahat, ay Diyos, at ang tao ay tao. Ang Diyos ay may sustansya ng Diyos, at ang tao ay may sustansya ng tao.

Huwebes, Setyembre 13, 2018

Ang Pananalig sa Diyos ay Hindi Dapat Para Lamang sa Paghahanap ng Kapayapaan at mga Pagpapala

🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻🌻


Nauugnay sa pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos

    Ngayon, kailangan mong itakda ang tamang landas dahil ikaw ay naniniwala sa praktikal na Diyos. Sa pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos, hindi ka lamang dapat maghanap ng mga pagpapala, ngunit hanaping mahalin ang Diyos at makilala ang Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang pagliliwanag at ng iyong sariling pagtataguyod, maaari mong kainin at inumin ang Kanyang mga salita, makabuo ng isang totoo na pang-unawa sa Diyos, at magkaroon ng isang tunay na pag-ibig ng Diyos na nanggagaling sa iyong puso. Sa madaling salita, ang inyong pag-ibig para sa Diyos ay tunay, tulad ng walang makasisira o makahahadlang sa daan ng iyong pag-ibig para sa Kanya. Kung gayon, ikaw ay nasa tamang landasin ng pananampalataya sa Diyos. Pinatutunayan nito na pag-aari ka ng Diyos, sapagkat ang puso mo ay naangkin na ng Diyos at sa gayon hindi na maaari pang maangkin ng ibang mga bagay. Dahil sa iyong karanasan, ang halaga na iyong binayaran, at ang gawain ng Diyos, magagawa mong bumuo ng isang nagkukusang pag-ibig para sa Diyos. Sa gayon ikaw ay napapalaya mula sa impluwensya ni Satanas at nabubuhay sa liwanag sa mga salita ng Diyos. Tanging kapag ikaw ay pinalaya na mula sa impluwensya ng kadiliman, masasabing nakamit mo na ang Diyos. Sa inyong paniniwala sa Diyos, dapat ninyong hangarin ang layuning ito. Ito ay ang tungkulin ng bawat isa sa inyo.

Martes, Setyembre 11, 2018

Tagalog Christian Movie | "Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?!" (Clips 1/5)


Madalas ipangaral ng mga pastor at elder ng relihiyon sa mga mananampalataya na ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus para sa mga kasalanan ng lahat ng tao at na ang tao ay tinubos mula sa kasalanan. Ipinapangaral nila na, kung lalayo ang isang tao sa Panginoong Jesus at naniniwala sa Makapangyarihang Diyos, ito ay katumbas ng pagtataksil sa Panginoong Jesus at apostasiya. Ganito ba talaga ang nangyayari? Noong dumating ang Panginoong Jesus para gawin ang Kanyang gawain, hindi ba't ang mga umalis sa templo at sumunod sa Panginoong Jesus ay kinondena rin ng mga Fariseong Judio sa ganitong paraan bilang pagtataksil sa Diyos na Jehova? Kung gayon, ang pagtanggap ba sa bagong gawain ng Diyos ay pag- apostasiya at pagtataksil sa Diyos? O pagsunod ito sa mga yapak ng Cordero at pagkakamit ng kaligtasan ng Diyos? Sama-sama nating aalamin ang mga bagay na ito sa maikling video na ito.

Lunes, Setyembre 10, 2018

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X


Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay (IV)

Pananampalataya sa Diyos, Salita ng Diyos, Kaharian, karanasan, relihiyon


    Sa araw na ito, pag-uusapan natin ang isang natatanging paksa. Para sa bawat isa sa inyo, mayroon lamang dalawang pangunahing bagay ang kailangan ninyong malaman, maranasan at maintindihan—at ano ang dalawang bagay na ito? Ang una ay ang personal na pagpasok sa buhay ng mga tao, at ang ikalawa ay may kaugnayan sa pagkilala sa Diyos. Sa araw na ito ay bibigyan ko kayo ng pagpipilian: Pumili ng isa. Gusto ba ninyong makarinig tungkol sa isang paksa na may kaugnayan sa personal na karanasan sa buhay ng mga tao, o gusto ninyong makarinig ng isang tungkol sa pagkilala sa Diyos Mismo? At bakit Ako nagbibigay sa inyo ng gayong pagpipilian? Sapagkat, sa araw na ito, naiisip Kong salitain sa inyo ang ilang bagong bagay tungkol sa pagkilala sa Diyos. Ngunit, anu’t-anuman, papipiliin Ko muna kayo sa pagitan ng dalawang bagay na kasasabi Ko lang. (Pipiliin Ko yaong tungkol sa pagkilala sa Diyos.) (Naiisip namin na ang pakikipagniig sa kaalaman ng Diyos ay mas mabuti, rin) Naiisip ba ninyo na kung ano ang ating napag-usapan nitong nakaraan lang tungkol sa pagkilala sa Diyos ay maaaring makamit? (Nang isagawa ng Diyos ang unang pakikipag-isa, hindi natin ito naramdamang ganoon. Pagkatapos noon, ang Diyos ay nagsagawa pa ng ilang pakikipag-isa, at nang magbalik tayo sa unang pakikipag-isa, sa mga kapaligirang nilikha ng Diyos, ang mga kapatid ay nakinig sa pagpapakaranas sa lugar na ito.) Makatarungan lamang sabihin na hindi ito maabot ng karamihan sa mga tao. Maaaring hindi kayo makumbinsi ng mga salitang ito. Bakit ko sinasabi ito? Dahil noong kayo ay nakikinig sa mga sinasabi Ko noong una, paano Ko man ito sinabi, o sa kung anong mga salita, nang inyo itong marinig, sa literal at sa teorya ay may kamalayan kayo ukol sa Aking sinasabi, ngunit ang isang lubhang seryosong isyu sa inyo ay, hindi ninyo naintindihan kung bakit Ko nasabi ang mga bagay na ito, bakit Ako nagsalita ukol sa mga paksang ito. Ito ang pinakapunto ng usapin. At kaya, bagamat ang pakikinig sa mga salitang ito ay nakadagdag at napagyaman ang inyong pagkaunawa ukol sa Diyos at sa Kanyang mga gawa, bakit naguguluhan pa rin kayo sa pagkilala sa Diyos? Ang katuwiran ay ito: Pagkarinig sa Aking sinabi, hindi naiintindihan ng karamihan sa inyo kung bakit Ko nasabi ito, at kung anong kaugnayan mayroon ito sa pagkilala sa Diyos. Hindi nga ba? Ano ang kinalaman ng kawalan ninyo ng kakayahan na maintindihan ang kaugnayan nito sa pagkilala sa Diyos? Naisip na ba ninyo kailanman ang ukol dito? Marahil hindi pa. Ang katuwiran kung bakit hindi ninyo naiintindihan ang mga bagay na ito ay sapagkat ang inyong karanasan sa buhay ay masyadong mababaw. Kung ang kaalaman at karanasan ng mga tao ukol sa mga salita ng Diyos ay mananatili sa napakababaw na antas, kung gayon karamihan sa kanilang kaalaman ukol sa Diyos ay magiging malabo at mahirap unawain—ito ay magiging panimula, pandoktrina, at panteorya. Sa teorya, ito ay lumilitaw o masasabing makatwiran at rasonable, ngunit ang kaalaman sa Diyos na lumalabas sa mga bibig ng mga tao ay hungkag. At bakit Ko sinasabing ito ay hungkag? Sapagkat, sa totoo lang, sa iyong mga puso hindi kayo malinaw tungkol sa kung ang mga salita tungkol sa pagkilala sa Diyos na lumabas sa inyong mga bibig ay tama o hindi, kung ang mga ito ay eksakto o hindi. At kaya, bagamat karamihan sa mga tao ay nakarinig ng napakaraming mga impormasyon at mga paksa tungkol sa pagkilala sa Diyos, ang kanilang kaalaman ukol sa Diyos ay hindi pa umaabot lampas sa teorya at malabo at mahirap unawain na doktrina.

Huwebes, Setyembre 6, 2018

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ikadalawampung Pagbigkas

   buhay, langit, kaharian, espiritu, biyaya
    Hindi masukat at hindi maarok ang kayamanan ng Aking sambahayan, gayunma’y hindi kailanman lumapit sa Akin ang tao upang tamasahin ang mga iyon. Wala siyang kakayahang tamasahin ang mga iyon sa kanyang sarili, ni protektahan ang sarili niya gamit ang sarili niyang mga pagsisikap; sa halip, palagi niyang nailalagay sa iba ang kanyang pagtitiwala.

Martes, Setyembre 4, 2018

Bakit sa pamamagitan lamang ng pagdanas at pagsunod sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao makikilala ng isang tao ang Diyos?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

    “At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).

    “Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko. Kung ako'y nangakilala ninyo ay mangakikilala ninyo ang aking Ama: buhat ngayon siya'y inyong mangakikilala, at siya'y inyong nakita” (Juan 14:6-7).

    “na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin …” (Juan 14:10).

    “Ako at ang Ama ay iisa” (Juan 10:30).


  
     Nauugnay sa pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos


    Nang ang Diyos ay hindi pa naging tao, hindi masyadong naintindihan ng mga tao ang Kanyang sinabi sapagkat ito ay nanggaling sa ganap na pagka-Diyos. Ang pananaw at ang nilalaman ng Kanyang sinabi ay hindi nakikita at hindi maabot ng sangkatauhan; ito ay ipinahayag mula sa espirituwal na kaharian na hindi nakikita ng mga tao. Sapagkat ang mga tao na nabubuhay sa laman, hindi sila makadadaan sa espirituwal na kaharian. Ngunit pagkatapos naging tao ang Diyos, nagsalita Siya sa sangkatauhan mula sa pananaw ng pagiging tao, at Siya ay lumabas at dinaig ang saklaw ng espirituwal na kaharian. Maaari Niyang ipahayag ang Kanyang banal na disposisyon, kalooban, at saloobin, sa mga bagay na maiisip ng mga tao at mga bagay na kanilang nakita at nakasagupa sa kanilang mga buhay, at paggamit ng mga pamamaraan na matatanggap ng mga tao, sa isang wika na kanilang maiintindihan, at kaalaman na kanilang mauunawaan, upang tulutan ang mga tao na maintindihan at makilala ang Diyos, upang maintindihan ang Kanyang layunin at ang Kanyang mga kinakailangan na pamantayan sa loob ng saklaw ng kanilang kakayahan, sa antas na kanilang makakaya. Ito ang pamamaraan at panuntunan ng gawain ng Diyos sa pagkatao. Bagamat ang mga pamamaraan ng Diyos at ang Kanyang mga panuntunan sa paggawa sa katawang-tao ay nakakamit karamihan sa pamamagitan mismo ng pagkatao, ito ay totoong nakapagtamo ng mga resulta na hindi matatamo sa pamamagitan ng paggawa sa mismong pagka-Diyos. Ang gawain ng Diyos sa pagkatao ay higit na kongkreto, mapananaligan, at nakatuon, ang mga pamamaraan ay lalong higit na naibabagay sa pangyayari, at sa anyo ay daig ang Kapanahunan ng Kautusan.

Biyernes, Agosto 31, 2018

Tanging ang mga Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos

Espiritu, Jesus, totoo, Buhay, paniniwala
    Batas ito ng langit at panuntunan ng lupa na maniwala sa Diyos at kilalanin ang Diyos, at ngayon—personal Niyang gagawin ang Kanyang gawain sa panahon na nagkatawang tao ang Diyos—isang tiyak na magandang pagkakataon upang makilala ang Diyos. Nakakamit ang pagbibigay-kasiyahan sa Diyos sa pundasyon ng pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at upang maunawaan ang kalooban ng Diyos, kinakailangan na makilala ang Diyos. Ang kaalamang ito ng Diyos ay ang pananaw na dapat magkaroon ang isang mananampalataya; ito ang batayan ng paniniwala ng tao sa Diyos. Kung walang ganitong kaalaman ang tao, sa gayon malabo ang kanyang paniniwala sa Diyos, at nasa walang laman na teorya. Kahit na ito ay kapasiyahan ng mga tao na tulad nito na sundin ang Diyos, wala silang nakamit. Ang mga aalisin ay ang lahat ng mga walang nakamit sa daloy na ito, at sila ang mga tao na gumagawa lamang nang pinaka mababa. Alinmang hakbang ng gawain ng Diyos ang iyong maranasan, dapat kang samahan ng isang makapangyarihang pananaw. Kung walang katulad ng ganitong pananaw, magiging mahirap para sa iyo na tanggapin ang bawat hakbang ng mga bagong gawain, dahil hindi kaya ng tao na ilarawan sa diwa ang mga bagong gawa ng Diyos, lampas ito sa pagkaintindi ng tao. At kaya kung walang pastol na gagabay sa tao, kung walang pastol na nagsama ng tungkol sa mga pananaw, hindi magagawa ng tao na tanggapin ang bagong gawain na ito. Kung hindi kayang tanggapin ng tao itong mga pananaw, sa gayon hindi niya matatanggap ang mga bagong gawain ng Diyos, at kung hindi kayang sundin ng tao ang bagong gawain ng Diyos, sa gayon hindi kayang intindihin ng tao ang kalooban ng Diyos, at pati ang kanyang kaalaman tungkol sa Diyos ay mawawalan ng halaga. Bago tuparin ng tao ang mga salita ng Diyos, dapat niyang malaman ang mga salita ng Diyos, iyon ay, ang maunawaan ang kalooban ng Diyos; sa ganitong paraan lamang maaaring matupad nang tiyak ang mga salita ng Diyos at ayon sa puso ng Diyos. Dapat itong taglayin ng lahat ng mga taong naghahanap ng katotohanan, at ang proseso na dapat maranasan ng lahat ng mga taong sinusubukang kilalanin ang Diyos. Ang proseso ng pagkilala ng mga salita ng Diyos ay ang proseso ng pagkilala sa Diyos, at ang proseso rin ng pag-alam ng gawain ng Diyos. At sa gayon, hindi lamang tumutukoy sa pag-alam ng pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao ang pag-alam ng mga pananaw, ngunit kabilang din ang pagkilala sa mga salita at gawa ng Diyos. Mula sa mga salita ng Diyos ang mga tao ay dumating upang maunawaan ang kalooban ng Diyos, at mula sa gawain ng Diyos dumating sila upang malaman ang disposisyon ng Diyos at katauhan ng Diyos. Ang paniniwala sa Diyos ay ang unang hakbang sa pagkilala sa Diyos. Ang proseso ng pagsulong mula sa paunang paniniwala sa Diyos tungo sa pinakamalalim na paniniwala sa Diyos ay ang proseso ng pagkilala sa Diyos, at ang proseso ng pagdama sa gawa ng Diyos. Kung ikaw ay naniniwala lamang sa Diyos alang-alang sa paniniwala sa Diyos, at hindi naniniwala sa Diyos upang makilala ang Diyos, sa gayon ay walang katotohanan sa iyong paniniwala, at hindi ito maaaring maging dalisay—at gayon ito ay walang duda. Kung, sa oras ng proseso na kung saan nadarama niya ang Diyos, unti-unting nakikilala ng tao ang Diyos, at ang kanyang disposisyon ay unti-unting magbabago, at ang kanyang paniniwala ay unti-unting magiging totoo. Sa ganitong paraan, kapag nakakamit ng tao ang tagumpay sa paniniwala sa Diyos, ganap niyang makakamit ang Diyos. Malayo ang pinagdaanan ng Diyos upang maging tao para sa ikalawang pagkakataon at personal na gawin ang Kanyang gawa upang magawa Siyang kilalanin ng tao, at upang makita Siya. Ang pagkilala sa Diyos[a] ay ang huling epekto na makakamit sa katapusan ng gawain ng Diyos; ito ang huling kinakailangan ng Diyos sa sangkatauhan. Ginagawa Niya ito para sa kapakanan ng Kanyang huling pagpapatotoo, at upang sa wakas at ganap ng makabalik ang tao sa Kanya. Magagawa lamang ng tao na mahalin ang Diyos sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos, at para ibigin ang Diyos dapat niyang makilala ang Diyos. Hindi mahalaga kung paano siya naghahanap, o kung ano ang kanyang hinahangad na makamit, dapat niyang makamit ang pagkilala sa Diyos. Tanging sa paraan lamang na ito makakapagbigay ang tao ng kasiyahan sa puso ng Diyos. Tanging sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos tunay na maniniwala ang tao sa Diyos, at tanging sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos tunay niyang igagalang at susundin ang Diyos. Hindi kailanman tunay na susunod at igagalang ang Diyos ng mga hindi nakakakilala sa Diyos. Kabilang sa pagkilala sa Diyos ang pagkilala sa disposisyon ng Diyos, pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at pagkilala sa katauhan ng Diyos. Ngunit kung ano man itong aspeto ng pagkilala sa Diyos, kinakailangan ng bawat tao na magbayad ng halaga, at kinakailangan ng kalooban na sumunod, na wala kung saan walang makasusunod hanggang sa katapusan. Sadyang salungat sa mga pagkaintindi ng tao ang gawa ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos at sadyang mahirap para sa tao na malaman ang katauhan ng Diyos, at lahat ng sinasabi at ginagawa ng Diyos ay sadyang hindi maunawaan ng tao; kung ninanais ng tao na sumunod sa Diyos, ngunit hindi nais tumupad sa Diyos, sa gayon walang makakamit ang tao. Simula nang lalangin ang sanglibutan hanggang ngayon, marami ng tinupad na mga gawain ang Diyos na hindi kayang unawain ng tao at kung saan nahirapan ang tao na tanggapin, at maraming nasabi ang Diyos na nagpapahirap sa paglunas ng mga pagkaintindi ng tao. Ngunit hindi Siya kailanman tumigil sa Kanyang gawain dahil ang tao ay maraming kahirapan; ipinagpatuloy Niya ang pagtatrabaho at pagsasalita, at kahit na maraming bilang ng mga “mandirigma” ang bumagsak sa gilid ng daan, ginagawa pa rin Niya ang Kanyang gawain, at nagpapatuloy sa pagpili ng grupo ng mga tao na nais sumunod sa Kanyang bagong gawain. Hindi Siya nahahabag sa mga bumagsak na mga “bayani,” ngunit sa halip ay pinapahalagahan ang mga taong tumanggap ng Kanyang bagong gawain at mga salita. Ngunit hanggang saan Siya gagawa sa ganitong paraan, baitang-baitang? Bakit palagi Siyang nagtatanggal at pumipili ng mga tao? Bakit palagi Niyang ginagawa ang ganitong kaparaanan? Ang makilala Siya ng mga tao ang layunin ng Kanyang gawain, at sa gayon makamit Niya. Ang prinsipyo ng Kanyang gawain ay upang gumawa sa mga kayang sumunod sa Kanyang mga gawaing ginagawa Niya ngayon, at hindi gumawa sa mga sumusunod sa Kanyang nakaraang gawain, ngunit sumasalungat sa Kanyang gawain ngayon. Ito ang tunay na dahilan kung bakit Niya inalis ang napakaraming tao.

Martes, Agosto 28, 2018

Best Christian Full Movie HD | Mapanganib Ang Landas Papunta sa Kaharian Ng Langit (Tagalog dubbed)

Bakit mabangis na inuusig, sinusupil at tinutugis ng pamahalaang Chinese Communist ang Makapangyarihang Diyos at ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

    Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

    “Ang lahing ito’y isang masamang lahi” (Lucas 11:29).

    “ang buong sanglibutan ay nakahilig sa masama” (1 Juan 5:19).

    “Ano’t nahulog ka mula sa langit, Oh tala sa umaga, anak ng umaga! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa! At sinabi mo sa iyong sarili, Ako’y sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin ng Dios; at ako’y uupo sa bundok ng kapisanan, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan: Ako’y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako’y magiging gaya ng Kataastaasan” (Isaias 14:12-14).

    “At nagkaroon ng pagbabaka sa langit: si Miguel at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka sa dragon; at ang dragon at ang kaniyang mga anghel ay nakipagbaka; At hindi sila nanganalo, ni nasumpungan pa man ang kanilang dako sa langit. At inihagis ang malaking dragon, ang matandang ahas, ang tinatawag na Diablo at Satanas, ang dumadaya sa buong sanglibutan; siya’y inihagis sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay inihagis na kasama niya. … At nang makita ng dragon na siya’y inihagis sa lupa, ay inusig niya ang babaing nanganak ng sanggol na lalake” (Pahayag 12:7-9, 13).

 








Si Zhong Xin ay pastor sa isang bahay-iglesia sa Chinese mainland. Matagal na siyang nananalig sa Panginoon at palaging naaaresto at pinahihirapan ng CCP. Napakatindi ng galit niya sa CCP, at matagal na niyang naliwanan na napakasama ng rehimen ng CCP na kumakalaban sa Diyos. Nitong nakaraang mga taon, nakita niya ang matinding pagtuligsa, pag-aresto at pagpapahirap ng gobyernong CCP at ng mga relihiyoso sa iglesia ng Kidlat ng Silanganan. Gayunman, ang nakita niyang di-kapani-paniwala ay na hindi lang hindi natalo ang Kidlat ng Silanganan, kundi mas lalo pa itong lumago, kaya muling nag-isip-isip si Zhong Xin: Ang Kidlat ng Silanganan ba ang pagpapakita at gawain ng Panginoon? Natuklasan din niya na lahat ng salitang ginamit ng CCP at mga relihiyoso para tuligsain ang Kidlat ng Silanganan ay mga tsismis at kasinungalingan kaya, para malaman ang katotohanan, siniyasat nila ng kanyang mga kapatid ang Kidlat ng Silanganan. Sa pakikinig sa mga paliwanag ng mga nagpapatotoo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, napagtibay ng karamihan na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan, na ang mga salitang ito ang tinig ng Diyos at na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus. Ngunit sa harap ng malupit na panunupil at pagpapahirap ng gobyernong CCP sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, gayundin sa mabangis na pagsuway at pagtuligsa ng mga pastor at elder ng mga relihiyon, nagtaka ang ilan: Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ang tunay na daan, kaya bakit ito mabangis na sinusuway at tinutuligsa ng mga makapangyarihan sa pulitika at mga relihiyon? Sa pagbasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at pakikinig sa mga paliwanag ng mga nagpapatotoo sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, nauunawaan ng mga kapatid ang tunay na dahilan ng pagsuway ng sangkatauhan sa Diyos, malinaw nilang nakikita kung bakit lubhang mapanganib ang daan patungo sa langit, at naunawaan nila ang tunay na dahilan ng pagkamuhi sa katotohanan at pagkontra sa Diyos ng napakasamang rehimen ng CCP at mga pinuno ng relihiyon. Matatag na iwinaksi ng mga taong katulad ni Zhong Xin ang mga pagbabawal at paghihigpit ng impluwensya ni Satanas, tinanggap na nila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at talagang nagbalik na sila sa harap ng luklukan ng Diyos.

Biyernes, Agosto 24, 2018

Tagalog Christian Music Video "Sa Kapanahunan ng Kaharian, Ginaganap ng Salita ang Lahat ng Bagay"

Aking impresyon: Sinasabi ng Diyos, "Sa Kapanahunan ng Kaharian,naghahatid ang Diyos sa isang bagong kapanahunan ng salita.Binabago Niya ang paraan ng Kanyang gawain, ginagawa ang gawain ng buong kapanahunan gamit ang salita.Ito'y panuntunan ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita." Nakikita ko na ang Diyos ay gumagamit ng mga salita upang mamuno sa tao sa bawat panahon at ang Diyos ay gumagawa ng iba't ibang kaparaanan ayon sa pangangailangan ng tao sa bawat panahon! Ginamit ng Diyos ang mga salita upang likhain ang mundo, na nag-utos kay Adan at Eba na huwag kainin ang bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama; Nagbigay si Jehova ng Sampung Utos upang pamunuan ang mga Israelita upang mabuhay sa lupa sa kapanahunan ng Batas; ang Panginoong Jesus ay nagsalita at nagturo sa atin kung paano mabuhay ang pag-ibig sa kapanahunan ng Biyaya; at ngayon, sa huling kapanahunang ito, ang Diyos ay naging laman at nagsasalita ng mga bagong salita upang dalhin sa kapanahunan ng Kaharian. Ang lahat ng mga pumasok sa panahong ito ay makaranas ng gawain ng Diyos ng pagkastigo at paglilinis sa mga salita ng Diyos. Pagkatapos ay malalaman natin kung paano tayo inililigtas ng plano ng pamamahala ng Diyos mula sa kapangyarihan ni Satanas, kung kaya't alam kung paano pinarurusahan ng matuwid na disposisyon ang tao, magbigay ng awa sa tao at pagpalain ang tao ... Ang hymn ng "Sa Kapanahunan ng Kaharian, Ginaganap ng Salita ang Lahat ng Bagay" alamin pa natin ng higit pa ang kalooban ng Diyos. Gusto kong ibahagi ang himnong ito sa inyo!





I

Sa Kapanahunan ng Kaharian,

naghahatid ang Diyos sa isang bagong kapanahunan ng salita.

Binabago Niya ang paraan ng Kanyang gawain,

ginagawa ang gawain ng buong kapanahunan gamit ang salita.

Ito'y panuntunan ng paggawa ng Diyos

sa Kapanahunan ng Salita.

Siya'y nagkat'wang-tao

upang magsalita mula sa iba't-ibang posisyon,

upang tunay na makita ng tao ang Diyos,

ang Salitang nagpapakita sa katawang-tao,

makita Kanyang himala't makita Kanyang karunungan.

Ang gayong gawai'y upang mas makamit mga layunin

ng paglupig sa tao, pagperpekto sa tao, pag-alis sa tao.

Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit ng salita

upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita,

sa Kapanahunan ng Salita.

Huwebes, Agosto 16, 2018

Tagalog Christian Movie | "Red Re-Education sa Bahay" (Clips 6/7)

Nang maging tao ang Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, mukha siyang tao sa tingin, pero ginawa Niya ang gawain ng maipako sa krus at tubusin ang buong sangkatauhan. Sa mga huling araw, ipinahayag na ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanan para dalisayin at iligtas ang sangkatauhan at nagawa ang paghatol simula sa tahanan ng Diyos. ipinapakita nito ma amg Panginoong Jesus at ang Makapangyarihang Diyos ay parehong si Cristo sa katawang-tao, at ang Diyos Mismo. Kaya bakit inilalarawan ng CCP ang Panginoong Jesus at ang Makapangyarihang Diyos na karaniwang tao at tinatanggihan ang kabanalan ni Cristo? Hindi ba nakakatawa at nahihibang ang CCP?




    Sabi ng Makapangyarihang DiyosAng gawain ng Diyos ay tulad ng makapangyarihang umaalimbukay na alon. Walang sinuman ang maaaring pumigil sa Kanya, at wala ni isang maaaring magpahinto sa Kanyang mga yapak. Tanging ang mga taong nakinig nang mabuti sa Kanyang mga salita, at mga taong naghahanap at nauuhaw sa Kanya, ang maaaring sumunod sa Kanyang mga yapak at tanggapin ang Kanyang pangako. Ang mga taong hindi gagawa ay isasailalim sa napakahirap na kalamidad at karapat-dapat sa kaparusahan.

Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

    Si Jesus ay isinilang sa isang sabsaban sa panahon na hindi mapahintulutan ang Kanyang pag-iral, nguni’t hindi pa rin Siya mahadlangan ng mundo, at Siya ay namuhay kasama ng mga tao sa loob ng tatlumpu’t tatlong taon sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos. Sa maraming mga taong iyon ng pamumuhay, naranasan Niya ang kapaitan ng mundo at natikman ang buhay na puno ng dalamhati sa lupa. Pinasan Niya ang mabigat na pananagutan ng pagkapako sa krus upang tubusin ang buong sangkatauhan. Tinubos Niya ang lahat ng mga makasalanan na patuloy na namumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas, at sa wakas, ang Kanyang katawang muling nabuhay ay bumalik sa Kanyang lugar na pahingahan. Ngayon, nagsimula ang bagong gawain ng Diyos, at ito rin ang simula ng bagong kapanahunan. Dinadala ng Diyos sa Kanyang tahanan ang mga tinubos upang masimulan ang Kanyang bagong gawain ng pagliligtas. Sa pagkakataong ito, ang gawain ng pagliligtas ay mas masusi kaysa nakaraan. Hindi ito gagawin ng Banal na Espiritu na kumikilos sa tao upang pahintulutan siyang magbago sa kanyang sarili, ni hindi rin ito gagawin sa pamamagitan ng katawan ni Jesus na nagpapakita sa gitna ng mga tao, at lalong hindi ito gagawin sa ibang paraan. Sa halip, ang gawain ay gagawin at papatnubayan ng Diyos Mismo na nagkatawang-tao. Ito ay ginagawa upang pangunahan ang tao patungo sa bagong gawain. Hindi ba ito isang dakilang bagay? Hindi ginagawa ng Diyos ang gawaing ito na kabahagi ang ilang mga tao o sa pamamagitan ng mga hula, kundi ng Diyos Mismo. Ang ilan ay maaaring magsabi na ito ay hindi isang dakilang bagay at hindi nito mabibigyan ang tao ng lubos na kaligayahan. Gayunman, sasabihin ko sa iyo na ang gawain ng Diyos ay hindi ito lamang, kundi isang bagay na lalong mas malaki at lalong higit pa.

Lunes, Agosto 13, 2018

Kristianong video | Tanging ang Diyos na Nagkatawang-tao ang Makagagawa ng Gawain ng Paghatol sa mga Huling Araw

✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️




Ang Kidlat ng Silanganan ay nagpapatotoo na ang Diyos ay nagkatawang-tao sa mga huling araw upang gawin Niya mismo ang gawain ng paghatol. Gayunman ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan ay isinagawa sa pamamagitan ng paggamit kay Moises. Kung gayon hindi ba maaaring gawin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw sa gayunding paraan, sa pamamagitan ng paggamit ng mga tao? Bakit kailangang magkatawang-tao ang Diyos at gawin Niya ito mismo? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang gawain ng paghatol ay sariling gawa ng Diyos, kaya kailangang likas na magawa ito ng Diyos Mismo; hindi ito maaaring gawin ng taong Kanyang kahalili. Sapagkat ang paghatol ay ang panlulupig sa tao sa pamamagitan ng katotohanan, hindi mapag-aalinlanganan na nagpapakita pa rin ang Diyos sa nagkatawang-taong imahe upang gawin ang gawaing ito sa mga tao"(Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).


══════════════ ♡♡♡ ════════════

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos

    Ang gawain ng mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano sa pamamahala ng Diyos, sapagka’t ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay nakárátíng na. Dinadala ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan, tungo sa kapanahunan ng Diyos Mismo. Subali’t, hanggang sa pagdating ng kapanahunan ng Diyos Mismo, ang gawaing gagawin ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao o magtanong tungkol sa buhay ng tao, kundi upang hatulan ang kanyang paghihimagsik, sapagka’t dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa harap ng Kanyang luklukan. Lahat ng mga nakásúnód sa mga yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsilapit sa harap ng luklukan ng Diyos, at yamang ganito, ang bawat isang tao na tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng pagdadalisay ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng paghatol ng Diyos.

Martes, Agosto 7, 2018

Bakit hindi ginagamit ng Diyos ang tao para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw sa halip na magkatawang-tao Siya at gawin Niya Mismo iyon?

Pakiramdam pagkatapos ng pagbabasa: Pagbasa ng salita ng Diyos na nagsasabing, "Sa panahon ng pagsisimula ng gawain sa mga huling araw, kung ang tao ang gagawa ng gawaing ito, pinapagpahayag nang tuwiran sa mga salitang ito, kung gayon ay hindi niya magagawang makipag-usap sa kanila, at kung ang propesiya ay ipinahayag, kung gayon ay wala itong kakayahang sa panlulupig ng tao. Sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, dumating ang Diyos upang talunin si Satanas at bigyang-daan ang ganap na pagsuko nito. Lubos Niyang natalo si Satanas, ganap na nalupig ang tao, at lubos na natamo ang tao, at sa gayon ang yugtong ito ng gawain ay makukumpleto, at makakamit ang tagumpay." Tulad ng nasusulat na, “Sapagka’t ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang buong paghatol” (Juan 5:22).Ano kaya kung ang gawain ng paghatol ay ginawa ng tao? Ang tao ay may makasalanang kalikasan na hindi nagmamay-ari ng katotohanan, ni hindi ipinahayag ng mga propeta ang katotohanan na makapagdadala lamang ng salita ng Diyos. Ang Diyos lamang ng mga huling araw na nagkakatawang-tao ang makagagawa ng gawain ng paghatol, pagpapahayag ng katotohanan ay maaaring ang ating Satanikong kalikasan ay mahahayag. Kapag alam natin ang disposisyon ni Satanas sa ating kalooban na laban sa Diyos, tatalikuran natin ang ating makalaman na naisin sa pamamagitan ng pagsasagawa ng salita ng Diyos, at unti-unti, ang lason ni Satanas sa loob natin ay mapadalisay. Sa huli, ang salita ng Diyos ay magiging ating buhay at kapag natapos na ang gawain ng Diyos ng pagliligtas sa mga tao, ang Diyos ay magkakaroon ng isang grupo ng mga tao na may parehong puso at isip na tulad Niya. Nararamdaman ko na ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay napakahalaga para sa atin upang maligtas. Nais kong ibahagi sa inyo, aking mga kaibigan upang malaman ang higit pa tungkol sa aspeto ng katotohanan tungkol sa kung "Bakit hindi ginagamit ng Diyos ang tao para gawin ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw sa halip na magkatawang-tao Siya at gawin Niya Mismo iyon?".

salita ng Diyos,    Biblia,   Diyos,  Kaharian,  Landas
    Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
    “Sapagka’t ang Ama’y hindi humahatol sa kanino mang tao, kundi ipinagkaloob niya sa Anak ang buong paghatol” (Juan 5:22).
    “At binigyan niya siya ng kapamahalaang makahatol, sapagka’t siya’y anak ng tao” (Juan 5:27).
   Nauugnay sa pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos
    Ang gawain sa kabuuang plano sa pamamahala ng Diyos ay personal na isasagawa ng Diyos Mismo. Ang unang yugto—ang paglikha sa mundo—personal na isinagawa ng Diyos Mismo, at kung hindi naging ganoon, hindi makakaya ninuman na likhain ang sangkatauhan; ang ikalawang yugto ay ang pagtubos sa kabuuan ng sangkatauhan, at ito ay personal na isinagawa ng Diyos Mismo; ang ikatlong yugto ay malinaw na malinaw: Mayroon pang higit na pangangailangan para sa katapusan ng lahat ng gawain ng Diyos na gagawin ng Diyos Mismo. Ang gawain ng pagtubos, panlulupig, pagtamo, at pagsakdal sa buong sangkatauhan ay personal na isasakatuparan ng Diyos Mismo. Kung hindi Niya personal na gagawin ang gawaing ito, kung gayon ang Kanyang pagkakakilanlan ay hindi maaaring katawanin ng tao, o gagawin ng tao ang Kanyang gawain. Upang matalo si Satanas, upang matamo ang sangkatauhan, at upang mabigyan ang tao ng isang normal na buhay sa lupa, personal Niyang pangungunahan ang tao at personal na gagawa sa tao; para sa kapakanan ng Kanyang kabuuang plano sa pamamahala, at para sa lahat ng Kanyang gawain, kailangang personal Niyang gawin ang gawain na ito. Kung naniniwala lang ang tao na ang Diyos ay dumating upang mamasdan niya at pasayahin siya, kung gayon ang ganoong paniniwala ay walang halaga, walang kabuluhan ang mga ito. Ang kaalaman ng tao ay masyadong mababaw! Sa pamamagitan lamang ng pagpapatupad nito sa Sarili Niya maaaring gawin ng Diyos ang gawaing ito nang ganap at kumpleto. Walang kakayahan ang tao na gawin ito sa pangalan ng Diyos. Yayamang wala siyang pagkakakilanlan ng Diyos o ng Kanyang diwa, wala siyang kakayahang gawin ang Kanyang gawain, at kahit magkaroon man ang tao, hindi ito magkakaroon ng anumang epekto. Ang unang pagkakataon na naging tao ang Diyos ay para sa kapakanan ng pagtubos, upang tubusin ang kabuuan ng sangkatauhan mula sa kasalanan, upang gawing may kakayahan ang tao na maging malinis at mapatawad sa kanyang mga kasalanan. Ang gawain ng panlulupig ay personal ding isinagawa ng Diyos sa tao. Kung, sa yugtong, magsasalita lamang ang Diyos ukol sa propesiya, kung gayon ang isang propeta o sinumang mayroong kaloob ay maaaring matagpuan upang palitan ang Kanyang puwesto; kung ang mga propesiya ay sinasalita lamang, makapaninindigan ang tao sa Diyos. Ngunit kung personal na gagawin ng tao ang gawain ng Diyos Mismo at siyang gagawa sa buhay ng tao, magiging imposible para sa kanya na gawin ang gawaing ito. Ito ay kailangang personal na gawin ng Diyos Mismo: Kailangang personal na maging tao ang Diyos upang magawa ang gawaing ito. Sa Panahon ng Salita, kung ang propesiya ay ipinahahayag lamang, kung gayon si Elias na propeta ay maaaring masumpungan upang gawin ang gawaing ito, at hindi na kakailanganin na personal itong gawin ng Diyos Mismo. Sapagkat ang gawain na isinasagawa sa yugtong ito ay hindi basta pagpapahayag ng propesiya, at dahil higit na kailangan na ang gawain sa mga salita ay gagamitin upang lupigin ang tao at matalo si Satanas, ang gawaing ito ay hindi maaaring gawin ng tao, at kailangang personal na gawin ng Diyos Mismo. Sa Kapanahunan ng Kautusan si Jehovah ay gumawa ng bahagi sa gawain ng Diyos, pagkatapos nito ay nagpahayag Siya ng ilang mga salita at gumawa ng ilang gawain sa pamamagitan ng mga propeta. Iyon ay dahil maaaring humalili ang tao para sa gawain ni Jehovah, at mahuhulaan ng mga manghuhula ang mga bagay at makapagbibigay-kahulugan sa ilang mga panaginip sa Kanyang pangalan. Ang gawain na isinagawa noong pasimula ay hindi ang gawain sa tuwirang pagbabago sa disposisyon ng tao, at walang kinalaman sa kasalanan ng tao, ang tao ay kinailangan lamang na mamalagi sa kautusan. Kaya si Jehovah ay hindi naging tao at hindi ibinunyag ang Sarili Niya sa tao; sa halip Siya ay nagpahayag nang tuwiran kay Moises at sa iba pa, pinagsalita sila at pinagawa sa Kanyang pangalan, at nagbigay daan sa kanila upang tuwirang gumawa sa gitna ng sangkatauhan. Ang unang yugto ng gawain ng Diyos ay ang pangunguna sa tao. Ito ang simula ng digmaan kay Satanas, ngunit ang digmaang ito ay hindi pa opisyal na nagsisimula. Ang opisyal na pakikidigma kay Satanas ay nagsimula sa unang pagkakatawang-tao ng Diyos, at ito ay nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan. Ang unang pagkakataon ng digmaang ito ay nang ang Diyos na nagkatawang-tao ay ipinako sa krus. Ang pagpapako sa krus ng Diyos na nagkatawang-tao ang tumalo kay Satanas, at ito ang unang matagumpay na yugto ng digmaan. Kapag nagsimula ang Diyos na nagkatawang-tao na trabahuin ang buhay ng tao, ito ang opisyal na pagsisimula ng gawain sa pagbawi sa tao, at dahil ito ang gawain sa pagbabago ng dating disposisyon ng tao, ito ang gawain sa pakikidigma kay Satanas. Ang yugto ng gawaing isinagawa ni Jehovah noong pasimula ay ang pangunguna lang sa buhay ng tao sa lupa. Ito ang simula ng gawain ng Diyos, at bagaman hindi pa kabilang dito ang anumang digmaan, o anumang pangunahing gawain, inilatag nito ang saligan para sa digmaang darating. Kinalaunan, ang ikalawang yugto ng digmaan sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya ay kinabibilangan ng pagpapabago sa dating disposisyon ng tao, ibig sabihin ang Diyos Mismo ang pumanday sa buhay ng tao. Ito ay kinailangang personal na gawin ng Diyos: Kinailangan nito na personal na maging tao ang Diyos, at kung hindi Siya naging tao, walang sinuman ang makapapalit sa Kanya sa yugtong ito ng gawain, dahil kumakatawan ito sa gawain ng tuwirang pakikidigma laban kay Satanas. Kung ito ay isinagawa ng tao sa pangalan ng Diyos, kapag tumayo ang tao sa harapan ni Satanas, hindi susuko si Satanas at magiging imposible na talunin ito. Kinailangan na ang Diyos na nagkatawang-tao ang dumating upang talunin ito, sapagkat ang diwa ng Diyos na nagkatawang-tao ay Diyos pa rin, Siya pa rin ang buhay ng tao, at Siya pa rin ang Lumikha; anumang mangyari, ang Kanyang pagkakakilanlan at diwa ay hindi magbabago. At kaya, Siya ay nagsuklob ng katawang-tao at isinagawa ang gawain at binigyang-daan ang ganap na pagsuko ni Satanas. Sa panahon ng pagsisimula ng gawain sa mga huling araw, kung ang tao ang gagawa ng gawaing ito, pinapagpahayag nang tuwiran sa mga salitang ito, kung gayon ay hindi niya magagawang makipag-usap sa kanila, at kung ang propesiya ay ipinahayag, kung gayon ay wala itong kakayahang sa panlulupig ng tao. Sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, dumating ang Diyos upang talunin si Satanas at bigyang-daan ang ganap na pagsuko nito. Lubos Niyang natalo si Satanas, ganap na nalupig ang tao, at lubos na natamo ang tao, at sa gayon ang yugtong ito ng gawain ay makukumpleto, at makakamit ang tagumpay. Sa pamamahala ng Diyos, hindi maaaring humalili ang tao sa Diyos. Lalo na, ang gawain para sa pangunguna sa panahon at paglulunsad sa bagong gawain ay higit na nangangailangan ng pagiging personal na pagsasagawa ng Diyos Mismo. Ang pagbibigay sa tao ng pagbubunyag at paglalaan sa kanya ng propesiya ay maaaring gawin ng tao, ngunit kung ito ay gawain na kailangang personal na gawin ng Diyos, gawain ukol sa digmaan sa pagitan ng Diyos Mismo at ni Satanas, kung gayon ang ganitong gawain ay hindi maaaring isagawa ng tao. Sa panahon ng unang yugto ng gawain, nang wala pang digmaan laban kay Satanas, personal na pinangunahan ni Jehovah ang mga tao ng Israel gamit ang propesiyang ipinahayag ng mga propeta. Pagkatapos nito, ang ikalawang yugto ng gawain ay ang digmaan kay Satanas, at personal na naging tao ang Diyos Mismo, dumating na nasa katawang-tao upang isagawa ang gawaing ito. Ang anumang may kinalaman sa digmaan kay Satanas ay kinapapalooban din ng pagkakatawang-tao ng Diyos, nangangahulugan na ang digmaang ito ay hindi maaaring isagawa ng tao. Kung ang tao ang makikidigma, hindi niya makakayang talunin si Satanas. Paano siyang magkakaroon ng lakas na makipaglaban dito habang nasa ilalim pa rin ng sakop nito? Ang tao ay nasa gitna: Kung ikaw ay hihilig patungo kay Satanas nabibilang ka kay Satanas, ngunit kung iyong napalugod ang Diyos nabibilang ka sa Diyos. Kung ang tao ay hahalili sa Diyos sa gawain ng digmaang ito, makakaya ba niya? Kung nagawa niya, hindi ba maaaring matagal na siyang namatay? Maaaring matagal na siyang nakapasok sa mundo sa ibaba? At kaya, hindi kayang palitan ng tao ang Diyos sa Kanyang gawain, na ibig sabihin na hindi taglay ng tao ang diwa ng Diyos, at kung ikaw ay nakipagdigma kay Satanas kakayanin mong matalo ito. Maaari lamang gumawa ng ilang gawain ang tao; maaari lamang makahalina ng ilang tao, ngunit hindi siya maaaring humalili sa Diyos sa gawain ng Diyos Mismo. Paano makikidigma ang tao laban kay Satanas? Ikaw ay kukuning bihag ni Satanas bago ka pa man magsimula. Ang Diyos Mismo lamang ang maaaring makidigma kay Satanas, at sa batayang ito ang tao ay maaaring sumunod sa Diyos at sundin Siya. Sa paraan lang na ito maaaring matamo ng Diyos ang tao at makatatakas sa pagkakagapos kay Satanas. Masyadong limitado ang maaaring makamtan ng tao gamit ang kanyang karunungan, awtoridad at mga kakayahan; hindi niya kakayaning gawing buo ang tao, ang pangunahan siya, at, higit pa rito, ang talunin si Satanas. Hindi kakayanin ng talino at karunungan ng tao na hadlangan ang mga pamamaraan ni Satanas, kaya papano siya makikidigma rito?