Nauugnay sa pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos
Ang gawain ng Diyos Mismo ay kinapapalooban ng gawain ng buong sangkatauhan, at ito ay kumakatawan sa gawain ng buong kapanahunan. Ibig sabihin niyan, ang sariling gawain ng Diyos ay kumakatawan sa galaw at kalakaran ng lahat ng gawain ng Banal na Espiritu, samantalang ang gawain ng mga apostol ay sumusunod sa sariling gawain ng Diyos at hindi nangunguna sa kapanahunan, o kumakatawan man ito sa kalakarang gawain ng Banal na Espiritu sa isang buong kapanahunan. Ginagawa lamang nila ang gawain na dapat gawin ng tao, na hindi kinapapalooban kahit kailan ng gawaing pamamahala. Ang sariling gawain ng Diyos ay ang proyekto sa loob ng gawaing pamamahala. Ang gawain ng tao ay tanging ang tungkulin ng mga tao na ginagamit at walang kinalaman sa gawaing pamamahala. Dahil sa iba't-ibang pagkakakilanlan at mga pagkatawan ng gawain, sa kabila ng katotohanan na ang mga iyon ay parehong gawain ng Banal na Espiritu, mayroong malinaw at makabuluhang pagkakaiba sa pag-itan ng sariling gawain ng Diyos at ng gawain ng tao.
mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang mga salita ng Diyos na nagkatawang-tao ay nagsisimula ng isang bagong kapanahunan, gumagabay sa buong sangkatauhan, ibunyag ang mga hiwaga, at nagpapakita sa tao ng direksyong pasulong sa isang bagong kapanahunan. Ang pagliliwanag na natamo ng tao ay isa lamang simpleng pagsasagawa at kaalaman. Hindi nito magagabayan ang buong sangkatauhan sa isang bagong kapanahunan o ibunyag ang hiwaga ng Diyos Mismo. Ang Diyos, matapos ang lahat, ay Diyos, at ang tao ay tao. Ang Diyos ay may sustansya ng Diyos, at ang tao ay may sustansya ng tao.