Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tanong at Sagot ng Ebanghelyo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tanong at Sagot ng Ebanghelyo. Ipakita ang lahat ng mga post

Biyernes, Marso 20, 2020

Tanong : Ang mga tao ay makasalanan, pero ang handog ng Panginoong Jesus para sa kasalanan ay epektibo magpakailanman. Basta’t inamin natin ang ating mga sala sa Panginoon, patatawarin Niya tayo. Wala tayong kasalanan sa paningin ng Panginoon, kaya makakapasok tayo sa kaharian ng langit!


Sagot: Hindi komo napatawad na ng Panginoong Jesus ang mga kasalanan ng sangkatauhan ay wala nang kasalanan ang tao, na hindi na sila nagkakasala o naging banal na sila. Pinatatawad ng Panginoong Jesus ang mga kasalanan ng tao. Ano talaga ang tinutukoy ng “kasalanan” sa kontekstong ito? Tinutukoy nito ang pakikiapid, pagnanakaw, atbp., anumang labag sa mga batas, kautusan o salita ng Diyos ay kasalanan. Kasalanan din ang kumalaban, tumuligsa o humatol sa Diyos. Anumang kalapastanganan sa Diyos ay kasalanan, na walang kapatawaran! Sa Kapanahunan ng Biyaya, naging handog ang Panginoong Jesus para sa kasalanan ng sangkatauhan. Yaon lamang nanalangin sa Panginoon at nagsisi ang hindi parurusahan o mamamatay. Ibig sabihin, hindi na ituturing ng Diyos na makasalanan. Ang taong pinatawad sa kanyang mga kasalanan ay makapagdarasal nang direkta sa Panginoon at makakabahagi sa Kanyang biyaya. ‘Yan ang tunay na kahulugan ng “Pinatawad ang mga kasalanan.” Hindi komo pinatawad na ang mga kasalanan ng tao dahil sa handog ng Panginoong Jesus para sa kasalanan, tumigil na sila sa paggawa ng kasalanan at pagkalaban sa Diyos. Nananatili pa rin ang likas na pagkamakasalanan ng tao, kaya nagagawa pa rin nilang kalabanin at pagtaksilan ang Diyos at ituring Siyang kaaway. Pa’no magiging marapat ang ganyang mga tao na makapasok sa kaharian ng langit? Sabi nga ng Makapangyarihang Diyos, “Ang makasalanang tulad mo, na natubos pa lang, at hindi nabago, at hindi ginawang perpekto ng Diyos, susundin mo ba kung ano ang nais ng Diyos? Para sa iyo, ikaw na siyang nananahan pa rin sa iyong dating sarili, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa kaligtasan ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka nagiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, ikaw ay puno ng karumihan, kasakiman at kasamaan, ngunit ninanais mo pa rin na bumaba kasama ni Jesus—napakapalad mo naman! Nagmintis ka sa isang hakbang sa iyong paniniwala sa Diyos: Ikaw ay natubos lang, ngunit hindi nabago. Upang ikaw ay makasunod sa ninanais ng Diyos, ang Diyos ang personal na gagawa ng pagbabago at paglilinis sa’yo; kung ikaw ay tinubos lang, hindi ka magkakaroon ng kakayahang magtamo ng kabanalan. Sa paraang ito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa mga biyaya ng Diyos, dahil nakalimutan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pag-perpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang tinubos, ay walang kakayahang direktang matamo ang pamana ng Diyos” (“Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang pagtubos ng Panginoong Jesus ay pinatawad lang ang mga kasalanan ng tao; hindi nito nilutas ang kanilang tiwaling disposisyon. Ang kayabangan sa utak, pagkamakasarili, kasakiman, panloloko at nananatili pa rin ang iba pang mga aspeto ng kanilang napakasamang disposisyon. Ang tiwaling disposisyong ito ay mas malalim at mas determinado kaysa kasalanan. Ito ang pinagmumulan ng ating pagkakasala at pagkalaban sa Diyos. Pag hindi nalutas ang tiwali at napakasamang disposisyong ito, patuloy silang magkakasala, kakalaban sa Diyos, at hahatulan at tutuligsain Siya ayon sa kanilang sariling mga imahinasyon at ideya. Pag nagdurusa at pinahihirapan sila, maaari nilang itanggi at itakwil pa ang Diyos tulad ng ginawa ni Judas. Kapag may kapangyarihan sila, maaari silang magtatag ng mga kaharian na malayang kakalaban sa Diyos. Nagnanakaw pa nga ng mga alay sa Diyos ang ilan at sinasaktan ang Kanyang disposisyon; parurusahan at papatayin sila ng Diyos. Karamihan ngayon ng mga pastor at pinuno ng mga relihiyon ay hindi sumusunod sa mga salita ng Panginoong Jesus. Iniinterpret nila ang Biblia batay sa sarili nilang mga ideya. Itinuturing nilang mga salita ng Diyos ang mga salita ng mga tao sa Biblia. Pinupuri nila ang mga salita ng mga tao sa halip na patotohanan ang mga salita ng Panginoong Jesus. Dahil dito, mga tao ang sinasamba at sinusunod ng mga tao, at walang lugar sa puso nila ang Panginoong Jesus. Ang mga nananalig na ito ay nabibitag at kontrolado ng mga pinuno ng mga relihiyon. Totoo ito lalo na pag nagbalik ang Panginoong Jesus para humatol. Hindi hinahanap o inaaral ng mga pastor at pinunong ‘yon ang gawain ng Diyos. Sa halip, tinutuligsa nila ang Kanyang gawain, at hinahatulan at nilalapastangan Siya. Nagtatahi-tahi sila ng mga kasinungalingan para linlangin ang mga nananalig at harangin ang iglesia. Hayagan nilang itinuturing na kaaway ang Diyos at sinasaktan ang Kanyang disposisyon. Ito ang pinakamalubhang pagkalaban sa Diyos. Kasalanan ito na walang kapatawaran! Mas nakakagulat pa ang kanilang kasamaan kaysa sa mga Fariseo sa pagkalaban sa Panginoong Jesus! Kung gayon, pag ‘di nalutas ang ugali ng mga tao na kalabanin ang Diyos, pag ‘di nalinis ang masama at tiwali nilang disposisyon, kaya nilang gumawa ng anumang kasamaan para kalabanin ang Diyos. Pa’no makakapasok ang ganitong klaseng mga tao sa kaharian ng Diyos? Kung gayon, ayon sa Kanyang plano ng pamamahala na iligtas ang sangkatauhan at sa mga aktuwal na kinakailangan ng tiwaling sangkatauhan, nagpapahayag Siya ng iba’t ibang aspeto ng katotohanan sa mga huling araw, at isinasagawa Niya ang Kanyang gawain na tumutupad sa propesiya sa Biblia na, “[kailangang magsimula ang] paghuhukom sa bahay ng Dios,” at nilulutas ang pangunahing problema na ang tiwaling sangkatauhan ay kontrolado ng kanilang kademonyohan. Ganyan dahan-dahang kakawala ang tao mula sa kanilang tiwali at masamang disposisyon, titigil sa paghihimagsik at pagkalaban sa Diyos, magagawang sumunod at magpitagan sa Diyos. Noon lamang sila malilinis at makakapasok sa kaharian ng langit.

mula sa iskrip ng pelikulang Masasakit na Alaala

Pinagmumulan:https://tl.vangelodioggi.org/inamin-ating-sala-Panginoon-makakapasok-kaharian-langit.html

————————————————————

Ang Diyos ay banal at ang kaharian ng Diyos ay banal din. Paano maiiwasan ang kasalanan natin at matanggal ang makasalanang kalikasan upang makapasok sa kaharian ng langit? Dapat nating maranasan ang gawain ng Diyos ng pag-aalis sa kasalanan sa mga huling araw. Pagkatapos lamang nito maaari tayong malinis at makapasok sa kaharian ng langit.


Miyerkules, Marso 18, 2020

Ano ang Kahalagahan ng Muling Pagkabuhay ni Jesus?


Sa Biblia, nakatalang: “At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila’y nagsabi, Kapayapaa’y suma inyo. Datapuwa’t sila’y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu. At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo’y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin. At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa. At samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa galak, at nagsisipanggilalas, ay sinabi niya sa kanila, Mayroon baga kayo ritong anomang makakain? At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw. At kaniyang inabot yaon, at kumain sa harap nila” (Lucas 24:36-43). Sa tuwing babasahin ko ang mga taludtod na ito, nakakaramdam ako ng inggit kina Pedro, Juan at sa iba pa. Habang isinasagawa ni Hesus ang Kanyang gawain sa Judea, palagi Niyang kasama ang Kanyang mga disipulo araw at gabi at, matapos Siyang mabuhay muli, inalagaan Niya ang mga ito gaya ng ginagawa Niya noon, at nagpakita Siya sa kanila, ipinaliwanag ang mga kasulatan sa kanila at pinangaralan sila. Si Pedro at ang iba pa ay mapalad na napili ng Panginoon upang maging Kanyang mga disipulo at nakarinig sila ng mga turo ng Panginoong Jesus sa kanilang sariling mga tainga—napakapalad nila! Pagkatapos, binasa ko ang mga salita ng Diyos, at naintindihan ko na ang kalooban ng Panginoong Hesus ay nasa likod ng Kanyang pagpapakita sa tao matapos ang Kanyang muling pagkabuhay, at na ang gawaing ito ay lalo pang napapaloob sa pagka-makapangyarihan ng Diyos at karunungan. Talaga ngang nakita ko na ang pagpapakita ng Panginoong Hesus sa tao matapos ang Kanyang muling pagkabuhay ay tunay ngang makahulugan!

Sinasabi ng mga salita ng Diyos, “Ang unang bagay na ginawa ng Panginoong Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay ay upang tulutan ang lahat na makita Siya, upang matiyak na Siya ay umiiral, at upang matiyak ang katotohanan ng Kanyang muling pagkabuhay. Bukod dito, pinanumbalik nito ang Kanyang kaugnayan sa mga tao sa kaugnayang mayroon Siya sa kanila nang siya ay gumagawa pa sa katawang-tao, at Siya ang Kristo na nagagawa nilang makita at mahipo. Sa ganitong paraan, ang isang kalalabasan ay na ang mga tao ay walang pagdududa na ang Panginoong Jesus ay nabuhay mag-uli mula sa mga patay pagkatapos mapako sa krus, at walang pagdududa sa gawain ng Panginoong Jesus na tubusin ang sangkatauhan. At ang isa pang kalalabasan ay ang katotohanan ng pagpapakita ng Panginoong Jesus sa mga tao pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay at pagtulot sa mga tao na makita at mahipo Siya ay tiniyak ang katiwasayan ng sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya. Mula sa oras na ito, ang mga tao ay hindi na makabalik sa nakaraang kapanahunan, ang Kapanahunan ng Kautusan, dahil sa ‘pagkawala’ o ‘paglayo’ ng Panginoong Jesus, ngunit sila ay magpapatuloy, susundin ang mga turo ng Panginoong Jesus at ang gawain na Kanyang ginawa. Kaya, isang bagong yugto sa gawain sa Kapanahunan ng Biyaya ang pormal na binuksan, at ang mga tao na nasa ilalim ng kautusan ay pormal na lumabas mula sa kautusan mula noon, at pumasok sa isang bagong panahon, na may isang bagong pasimula. Ito ang sari-saring mga kahulugan ng pagpapakita ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan pagkatapos ng muling pagkabuhay” (“Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III”).

Matapos basahin ang mga salita ng Diyos, sa wakas ay naunawaan ko na may dalawang kahulugan sa likod ng pagpapakita ng Panginoong Hesus sa tao sa loob ng 40 araw pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay. Ang isa ay dumating Siya upang sabihin sa tao na isinasara na ng Diyos ang Kapanahunan ng Kautusan, at na inumpisahan na Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at magdadala sa sangkatauhan patungo sa bagong panahon. Ang iba pang kahulugan ay ginawa ito ng Diyos upang pakilusin ang mga tao na magpatunay na ang Panginoong Hesus ay ang Diyos na nagkatawang-tao, at sa gayon ay tumitibay ang kanilang pananampalataya sa Diyos.

1. Nabuhay Muli ang Panginoong Hesus at Nagpakita sa Tao upang Pamunuan Sila Tungo sa Bagong Panahon at upang Matatag Silang Itayo sa Kapanahunan ng Biyaya

Inumpisahan ng Panginoong Hesus ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Ipinahayag niya ang paraan ng “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17), at nagsagawa ng maraming himala gaya ng pagpapagaling ang mga may sakit, pagpapalayas ng mga demonyo, pagpapalakad sa pilay at makakita ang bulag, at iba pa, upang matamasa ng mga tao ang napakaraming biyaya na nagmula sa Diyos. Ngunit ang mga tao noong panahong iyon ay hindi alam ang gawain ng Diyos, at wala silang tunay na pang-unawa na si Hesus ang Diyos na nagkatawang-tao. Nang ipako sa krus ang Panginoong Hesus, hindi alam ng mga tao na ipinapahayag nito na ang Diyos ay natapos na sa gawain ng pagtubos, at kaya naman sa halip ay nahulog sila sa pagiging negatibo at kahinaan. Ang mga tao ay nagsimulang magduda sa pagkakakilanlan ng Panginoong Hesus, at ang ilan ay bumalik sa templo at nagsimulang obserbahan ang batas ng Lumang Tipan. Sa ganitong paraan, ang mga tao ay nasa panganib pa rin na mamatay sa batas dahil sa kanilang mga kasalanan, at ang gawain na ginawa ng Panginoong Hesus upang tubusin ang sangkatauhan ay nananatiling hindi tapos. Sinuri ng Panginoong Hesus ang kaloob-loobang puso ng tao at lubos Niyang naintindihan ang kanilang mga pangangailangan at ang kanilang mga pagkukulang. Kaya naman, matapos ang Kanyang muling pagkabuhay, nagpakita Siya at unang kinausap ang Kanyang mga disipulo, tunay na nakikipag-ugnayan sa kanila at hinahayaan silang makita na tunay nga Siyang nagbalik mula sa kamatayan, at na natapos na Niya ang Kanyang gawain upang tubusin ang sangkatauhan at nag-umpisa na ng panibagong kapanahunan. Pagkatapos noon, iniwan ng sangkatauhan ang kautusan at pumasok sa bagong panahon—ang Kapanahunan ng Biyaya. Sa ilalim ng patnubay ng gawa at mga salita ng Panginoong Hesus, ang mga tao ay nagsimulang magsanay alinsunod sa Kanyang mga turo, pinasan nila ang krus at sumunod sa Panginoon at sinunod nila ang Kanyang pagtuturo ng “Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal” (Marcos 16:15). Kaya, sinimulan nilang ipalaganap ang ebanghelyo ng makalangit na kaharian at nagpatotoo sila sa ngalan ng Panginoong Hesus upang ang lahat ng tao ay tanggapin ito at matamo ang Kanyang kaligtasan. Sa ngayon, ang ebanghelyo ng Panginoong Hesus ay pinalawak sa buong mundo at ito ay ganap na resulta ng pagpapakita ni Hesus sa tao pagkatapos na Siya ay bumalik mula sa mga kamatayan. Mula dito, makikita natin kung gaano kahalaga ang Kanyang pagpapakita sa tao pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay!

2. Ang Pagpapakita ng Panginoong Hesus sa Tao Matapos ang Kanyang Muling Pagkabuhay ay Hinayaan Sila na Makumpirma na Siya Mismo ang Nagkatawang-taong Diyos, Sa Gayon ay Pinalalakas ang Kanilang Pananampalataya sa Kanya

Sinasabi ng mga salita ng Diyos, “Sa panahong gumawa ang Panginoong Jesus sa katawang-tao, ang karamihan sa Kanyang mga tagasunod ay hindi magawang ganap na matiyak ang Kanyang pagkakakilanlan at ang mga bagay na Kanyang sinabi. Nang Siya ay umakyat sa krus, ang saloobin ng Kanyang mga tagasunod ay yaong naghihintay; nang Siya ay ipinako sa krus hanggang sa Siya ay inilagak sa libingan, ang saloobin ng mga tao tungo sa Kanya ay pagkadismaya. Sa panahong ito, ang mga tao ay nagsimula nang kumilos sa kanilang mga puso mula sa pagdududa hanggang sa pagkakaila sa mga bagay na sinabi ng Panginoong Jesus sa Kanyang panahon na nasa katawang-tao. At nang Siya ay lumabas mula sa libingan, at nagpakita sa mga tao isa-isa, ang karamihan sa mga tao na nakakita sa Kanya sa kanilang sariling mga mata o nakarinig sa balita ng Kanyang muling pagkabuhay ay unti-unting nagbago mula sa pagkakaila hanggang sa pag-aalinlangan. Nang panahong mapadaiti ng Panginoong Jesus ang kamay ni Tomas sa Kanyang tagiliran, nang panahong ang ating Panginoong Jesus ay nagpuputol-putol ng tinapay at kinain ito sa harap ng madla pagkatapos na Siya ay muling mabuhay, at pagkatapos noon ay kinain ang inihaw na isda sa harap nila, noon lamang nila tunay na natanggap ang katotohanan na ang Panginoong Jesus ay ang Cristo sa katawang-tao. Maaari ninyong masabi na parang ang espirituwal na katawan na ito na may katawan at dugo na nakatayo sa harap ng mga taong iyon noon ay ginigising ang bawat isa sa kanila mula sa isang panaginip: Ang Anak ng tao na nakatayo sa kanilang harapan ay Yaong umiiral na nang napakatagal na panahon. Mayroon Siyang isang anyo, at laman at mga buto, at Siya ay namuhay na at nakasamang kumain ng sangkatauhan sa mahabang panahon…. Sa panahong ito, naramdaman ng mga tao na ang Kanyang pag-iral ay talagang totoo, tunay na nakamamangha; sila din ay talagang nagagalak at maligaya, at kasabay nito ay napuno ng emosyon. At ang Kanyang muling pagpapakita ay nagtulot sa mga tao na tunay na makita ang Kanyang kababaang loob, upang madama ang Kanyang pagiging malapit, at ang Kanyang pananabik, ang Kanyang pagkagiliw para sa sangkatauhan. Ang maigsing muling-pagkikita na ito ang nagbigay-daan sa mga taong nakakita sa Panginoong Jesus na madama na parang isang habambuhay na ang nakalipas. Ang kanilang ligaw, nalilito, natatakot, nababahala, naghahangad at manhid na mga puso ay nakasumpong ng kaaliwan. Hindi na sila nag-aalangan o nadidismaya sapagkat naramdaman nila na ngayon ay mayroon ng pag-asa at isang bagay na maasahan. Ang Anak ng tao na nakatayo sa harapan nila ay nasa likod nila magpakailanman, Siya ang kanilang magiging matatag na tore, kanilang kanlungan sa lahat ng oras” (“Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III”).

Tinutukoy ng mga salita ng Diyos ang isa pang kahulugan sa pagpapakita ng Panginoong Hesus sa tao pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay. Ang Panginoong Hesus ay nagkatawang-tao sa gitna ng tao at ginanap ang Kanyang gawain sa loob ng tatlo at kalahating taon, at marami ang tumanggap ng Kanyang kaligtasan at sumunod sa Panginoon. Gayunman, karamihan sa mga tao ay hindi ganap na maintindihan na ang Panginoong Hesus ay si Kristo at na Siya Mismo ang Diyos. Samakatuwid, nang malapit nang ipako sa krus ang Panginoong Hesus, pinanood nila ang mga pangyayari at nagsimula silang mag-alinlangan sa kanilang mga puso, at tinanong nila ang kanilang sarili: Tunay bang Diyos ang Panginoong Hesus? Kung Siya si Kristo at Siya mismo ang Diyos, kung gayon ay paano Siya nahuli ng mga awtoridad ng Roma, binugbog at kinutya ng mga sundalo at pagkatapos ay ipinako sa krus? Lalo na, nang ipinapako sa krus ang Panginoong Hesus, nakaramdam sila ng labis na panghihinayang sa Kanya at itinatwa nila na Siya Mismo ang nagkatawang taong Diyos at tinatwa ang mga salitang Kanyang ipinahayag, sa halip ay naniniwala na mamamatay si Hesus gaya ng isang ordinaryong tao at siguradong hindi Siya makaliligtas. Alam ng Panginoong Hesus na ganoon kaunti ang pananampalataya ng mga tao, na hindi nila kilala ang Panginoon, at na lalong mas marami pang tao ang magiging mahina at malungkot dahil ipinako Siya. Kaya naman, matapos magbalik ng Panginoong Hesus mula sa kamatayan, nagpakita Siya sa Kanyang mga disipulo at kinausap sila, ipinaliwanag Niya ang mga kasulatan at nanalangin ng taimtim kasama nila, kumain Siya kasabay ng mga ito, at hinayaan Niya si Tomas na hawakan ang Kanyang mga kamay at Kanyang tagiliran, at iba pa. Mula sa mga salita na sinabi ng Panginoong Hesus at ang mga gawa na ginawa Niya pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay, pinatotohanan ng Kanyang mga disipulo na si Hesus ay tunay na muling nabuhay, at alam nila na Siya ay iisang Panginoon na kumain, sumunod at nagbahagi ng buhay sa kanila noon, na Siya ay ang parehong Panginoon na nangaral sa kanila, naglaan at namatnubay sa kanila, na nagmahal sa kanila gaya ng ginawa Niya noon, na inalagaan Niya sila at hindi iniwan, at Siya ay naroroon kasama nila. Ang Panginoong Hesus ang nagkatawang-taong Diyos Mismo, ang walang hanggang buhay, ang habambuhay na suporta ng tao, ang matatag na tore ng tao at kanlungan. Kahit na ipinako sa krus ang Panginoong Hesus, Siya ang may hawak ng mga susi sa kabilang buhay at mayroon Siyang kapangyarihan na mabuhay muli, dahil Siya Mismo ang natatanging Diyos … Pagkatapos noon, hindi na nakaramdam ang tao ng pagkawala o pagkalito at hindi na sila nag-alinlangan sa Panginoong Hesus, ngunit sa halip ay naniwala at umasa kay Hesus mula sa kaibuturan ng kanilang mga puso. Ito ay ganap na resulta ng pagpapakita ng Panginoong Hesus sa Kanyang mga alagad at pakikipag-usap sa kanila pagkatapos na Siya ay bumalik mula sa kamatayan.

Mula sa dalawang kahulugang ito na may kinalaman sa pagpapakita ng Panginoong Hesus sa tao matapos ang kanyang muling pagkabuhay, nakita ko sa wakas na binuhay Niya ang mga puso ng tao sa pamamagitan ng pagpapakita Niya sa kanila at hinayaan din Niya tayo na maranasan ang pag-aalaga at pagmamahal ng Diyos sa atin. Ang ganitong uri ng pag-aalaga at pagmamahal ay hindi lamang isang alamat—totoo ang mga ito. Mula rito ay mararamdaman din natin na ang turing sa atin ng Diyos ay Kanyang pamilya; Siya ay palagi nang kasama ng tao at hindi tayo kailanman iniwan, sapagkat nilikha ng Diyos ang tao upang matamo tayo, at inaasahan Niya na maririnig natin ang Kanyang mga salita, susunod sa Kanya at sumamba sa Kanya ng ganap, at maging isa ang isip natin sa Kanya. Samakatuwid, kung ang Panginoong Hesus ay ginagawa ng Kanyang mga gawain at nagsasalita ng Kanyang mga salita sa katawang-tao o kung Siya ay nagpapakita sa tao sa Espiritu pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay, palagi Niyang inaalagaan ang sangkatauhan, at Siya ay lalong nag-aalala sa mga sumunod sa Kanya. Ito ay dahil walang kakayahan ang tao na malagpasan ang kasalanan, at kung wala ang paggabay ng Diyos at wala ang pagkakaloob ng katotohanan, walang paraan ang tao upang itaboy ang kanilang kasamaan at matamo ang tunay na kaligtasan ng Diyos. Sa ating maling paniniwala, naniniwala tayo na iniwan tayo ng Diyos matapos Niyang magawa ang gawain ng pagtubos at na hindi na tayo binigyan ng atensiyon ng Diyos matapos noon. Ngunit ang katotohanan ay hindi gaya ng iniisip natin. Natapos ng Panginoong Hesus ang kanyang gawain ng pagtubos ng sangkatauhan, ngunit hindi Niya iniwan ang tao. Kasama pa rin Niya ang tao, gaya kung paano Siya noon, inaalagaan tayo, nagbibigay sa atin at ginagabayan tayo; ang Panginoon ang ating tulong at suporta tuwing kinakailangan, at kahit sa paanong paraan pa man Siya magpakita sa atin, palagi natin Siyang kasama! Ito ay gaya ng sinasabi ng mga salita ng Diyos, “Bagamat ang Panginoong Jesus ay muling nabuhay, ang Kanyang puso at ang Kanyang gawain ay hindi iniwanan ang sangkatauhan. Sinabi Niya sa mga tao sa Kanyang pagpapakita na sa anumang anyo Siya umiiral, sasamahan Niya ang mga tao, lalakad kasama nila, at sasakanila sa lahat ng oras at sa lahat ng dako. At sa lahat ng oras at sa lahat ng dako, magkakaloob Siya sa sangkatauhan at papastulin sila, tutulutan silang makita at mahipo Siya, at titiyakin na hindi na nila kailanman mararamdaman ang kawalan ng pag-asa. Gusto din ng Panginoong Jesus na malaman ng mga tao ito: Ang kanilang mga buhay sa mundong ito ay hindi nag-iisa. Ang sangkatauhan ay may pagmamalasakit ng Diyos, kasama nila ang Diyos; ang mga tao ay palaging makaaasa sa Diyos; Siya ang pamilya ng bawat isa sa Kanyang mga tagasunod. Kasama ang Diyos para sandigan, ang sangkatauhan ay hindi na magiging malungkot at mawawalan ng pag-asa, at yaong tumanggap sa Kanya bilang handog sa pagkakasala ay hindi na matatali sa kasalanan” (“Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III”).

Ang totoo, bawa’t isa sa atin na naniniwala sa Panginoong Hesus ay makikita na, sa daan ng paniniwala sa Diyos, kapag nakakatagpo tayo ng mga tukso tulad ng pera, katanyagan o kapalaran, pinoprotektahan tayo ng Panginoon at nagbibigay-daan sa atin na lumayo at madaig ang mga ito; tuwing makakatagpo tayo ng mga dagok at kabiguan, pinapatnubayan tayo ng Panginoon sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, binibigyan Niya tayo ng pananampalataya at lakas, na nagpapalakas sa atin; sa tuwing makakatagpo tayo ng paghihirap sa ating buhay, ang Panginoon ang palaging tumutulong sa atin kapag kinakailangan, nagbubukas ng mga daan para sa atin; kapag nagkakaroon tayo ng mga pagsubok at nakakaranas tayo ng paghihirap, ang mga salita ng Panginoon ay nagpapaliwanag at nagbibigay gabay sa atin, na nagbibigay-daan sa atin na maunawaan ang kalooban ng Diyos at para sa atin na makadama ng kapayapaan at kagalakan sa ating espiritu … Tunay na mararamdaman natin na nasa tabi natin ang Diyos, gumagabay at sinasamahan tayo sa bawa’t araw, dahilan upang maintindihan natin ang katotohanan at maintindihan ang Kanyang kalooban …

Labis akong nagalak sa pag-ibig ng Panginoon, at mas lalo ko nang naiintindihan ngayon kung bakit nagpakita sa tao ang Panginoong Hesus sa loob ng 40 araw matapos Niyang mabuhay muli, kumakain kasama ng Kanyang mga disipulo, ipinaliliwanag ang mga kasulatan at nananalangin ng taimtim kasama nila, maraming hinihingi sa kanila, at iba pa. Bawa’t isang bagay na sinabi o ginawa ng Panginoong Hesus ay napupuno ng labis na pangangalaga at pagpapahalaga, at lahat ng Kanyang mga gawa at mga salita ay labis na makahulugan. Sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos, mas malalim na ang pang-unawa ko sa pagpapakita ni Hesus sa tao matapos Niyang mabuhay muli. Papuri sa Diyos!


————————————————————

Mangyaring basahin ang artikulong ito, alamin ang tungkol sa kahalagahan ng pagpapakita ng Panginoong Jesus sa mga tao pagkatapos ng muling pagkabuhay ni Jesus, maunawaan ang mabuting hangarin ng Diyos ng pagliligtas sa tao, at madama ang pag-ibig at kaligtasan ng Diyos.

Linggo, Marso 15, 2020

Ang Propesiya ng Pagbabalik ng Panginoon ay Natutupad Na; Paano Natin Siya Dapat Salubungin?


Ang mga sakunang nagaganap sa buong mundo sa mga nakalipas na taon ay lalong lumalaki at lumalala at, sa pagkagimbal ng tao, mga lindol, baha, tag-tuyot, wildfire, taggutom at pagkalat ng mga sakit ay madalas na nangyayari at nagkalat. Nasa pabago-bago at magulong estado ang mundo, at ang giyera, mga marahas na pagkilos, kaguluhan sa rehiyon at mga pag-atake ng mga terorista ay madalas mangyari at patuloy na tumataas.

Martes, Marso 10, 2020

Alam Mo Ba ang Tunay na Kahulugan ng Pasko ng Pagkabuhay?


Pasko ng Pagkabuhay, o tinatawag din na Linggo ng Pagkabuhay, ay isang pista na nagdiriwang sa muling pagkabuhay ng Panginoong Hesus na naganap tatlong araw matapos Siyang ipako sa krus. Ang eksaktong oras na ito ay nataon sa unang Linggo ng kasunod na unang kabilugan ng buwan matapos ang panahon sa tagsibol kung saan magkasinghaba ang umaga at gabi sa bawa’t taon. Upang gunitain ang muling pagkabuhay ni Hesus at upang alalahanin ang kaligtasan at pag-asang dinala ni Hesus sa sangkatauhan, taun-taon mula Marso hanggang Abril, nagsasagawa ng pagdiriwang ang mga Kristiyano sa buong mundo ng araw ng Pasko ng Pagkabuhay. Kaya habang ipinagdiriwang nating mga Kristiyano ang muling pagkabuhay ni Hesus, alam ba natin kung bakit Siya nagbalik mula sa kamatayan at nagpakita sa tao sa kabila nang natapos na Niya ang gawain ng pagtubos? At ano ang ibig sabihin sa likod ng Kanyang muling pagkabuhay at pagpapakita Niya sa tao?

Martes, Marso 3, 2020

Anong Gantimpala ang Ipinakakaloob sa Matatalinong Dalaga? Daranas ba ng Kalamidad ang mga Mangmang na Dalaga?



        Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

“Ang pagsunod sa gawain ng Banal na Espiritu” ay nangangahulugan ng pagkaunawa sa kalooban ng Diyos sa kasalukuyan, ang magawang kumilos alinsunod sa kasalukuyang mga kinakailangan ng Diyos, ang magawang talimahin at sundin ang Diyos sa kasalukuyan, at pagpasok alinsunod sa pinakabagong mga pagbigkas ng Diyos. Tanging ito ay ang tao na sumusunod sa gawain ng Banal na Espiritu at nasa daloy ng Banal na Espiritu. Ang gayong mga tao ay hindi lamang mayroong kakayahan na tanggapin ang papuri ng Diyos at nakikita ang Diyos, ngunit makakaya ding malaman ang disposisyon ng Diyos mula sa pinakahuling gawain ng Diyos, at makakaya ding malaman ang mga pagkaintindi at pagkamasuwayin ng tao, at kalikasan at katuturan ng tao, mula sa Kanyang pinakahuling gawain; bukod dito, nagagawa nilang unti-unting matamo ang mga pagbabago sa kanilang disposisyon sa panahon ng kanilang paglilingkod. Ang mga tao lamang kagaya nito ang nagagawang kamtin ang Diyos, at tunay na nakasumpong sa tunay na daan. Ang mga taong inalis sa pamamagitan ng gawain ng Banal na Espiritu ay mga tao na walang kakayahan na sundin ang pinakahuling gawain ng Diyos, at mga naghihimagsik laban sa pinakahuling gawain ng Diyos.

Biyernes, Pebrero 28, 2020

Mga Bersikulo sa Biblia Tungkol sa Kaligtasan: Kung Paano Makukuha ang Kaligtasan ng Diyos sa mga Huling Araw


Mga Bersikulo sa Biblia Tungkol sa Kaligtasan: Kung Paano Makukuha ang Kaligtasan ng Diyos sa mga Huling Araw


Ang kaligtasan ng Diyos ay tumutukoy sa Kanyang gawain sa pagliligtas sa sangkatauhan. Sa Panahon ng Batas, ang Diyos ay nagbigay ng kautusan at mga batas upang gabayan ang tao na patnubayan ang kanilang mga buhay sa lupa, na nagpapahintulot sa tao na malaman kung ano ang kasalanan. Sa Panahon ng Biyaya, ginawa ng Diyos ang gawain ng pagtubos, pagpapatawad ng mga kasalanan ng tao. Sa mga huling araw, inihanda rin ng Diyos ang kaligtasan para sa mga naghihintay sa Kanya-ang mga kasalanan ng tao ay ganap na linisin. Ang kaligtasan na ito ay may kaugnayan sa ating mga kalalabasan at patutunguhan, at napakahalaga sa ating naligtas sa kaharian ng langit. Kaya, ano ang kaligtasan na inihahanda ng Diyos para sa atin sa mga huling araw? Paano natin makuha ito? Mangyaring basahin ang mga bersikulong ito sa Biblia.

Lunes, Pebrero 24, 2020

Ang mga Pangunahing Paniniwala ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

(1) Ang mga Doktrina ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang mga doktrina ng Cristianismo ay nagmumula sa Biblia, at ang mga doktrina ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay nagmumula sa lahat ng katotohanan na ipinahayag ng Diyos simula pa noong panahon ng paglikha, sa gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian. Ibig sabihin, ang Lumang Tipan, ang Bagong Tipan, at ang Biblia ng Kapanahunan ng Kaharian—Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao—na ipinahayag ng nagbalik na Panginoong Jesus ng mga huling araw, na Makapangyarihang Diyos, ay ang pangunahing paniniwala at ang mga doktrina ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Itinatala ng Lumang Tipan ang gawain ng Diyos na Jehova na pag-aatas ng mga batas at mga kautusan at paggabay sa buhay ng tao sa Kapanahunan ng Kautusan; itinatala sa Bagong Tipan ang gawain ng pagtubos na isinagawa ng Panginoong Jesus noong Kapanahunan ng Biyaya; at Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao ay ang lahat ng mga katotohanan para sa pagdadalisay at kaligtasan ng sangkatauhan na ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian, na isa ring salaysay ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Ang totoong Biblia ay ang lahat ng mga pagbigkas ng Diyos sa tatlong yugto ng gawain, at ang mga pangunahing paniniwala ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay ang lahat ng mga pagbigkas ng Diyos sa tatlong yugto ng gawain, ibig sabihin, lahat ng katotohanang ipinahayag ng Diyos sa tatlong yugtong ito ng gawain. Ang tatlong banal na kasulatan ay ang mga pangunahing paniniwala at ang mga doktrina ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.

Sabado, Pebrero 15, 2020

Bakit gagawin ng Diyos ang Gawain ng Paghuhukom sa Huling mga Araw?


Mga Saloobin na Talata sa Linggong ito…

Mula sa talatang ito nakikita natin, ang pagbabalik ng Panginoon sa mga huling araw ay upang isagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos. Maraming mga kapatid na lalaki at babae sa Panginoon ang maaaring magtanong, hindi ba tayo direktang dagling-kukunin ng Panginoon patungo sa Kaharian ng Langit kapag Siya ay bumalik sa mga huling araw? Bakit kailangan pa Niyang gawin ang gawain ng paghatol? Sa katunayan, ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay ang gawain ng paglilinis ng tao at pagpeperpekto ng tao. Minsang ang Diyos ay nagsabi,“Kayo’y mangagpakabanal; sapagka’t ako’y banal.” (1 Pedro 1:16). “Mapapalad ang nangaghuhugas ng kanilang damit, upang sila’y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan.” (Pahayag 22:14). Ito ay malinaw na tanging ang mga tumatanggap ng paglilinis ang makakapasok sa kaharian ng langit. Noong tinanggap natin ang pagtubos ng Panginoong Jesus, tayo ay pinatawad sa ating mga kasalanan at iniligtas sa pamamagitan ng Kanyang biyaya; ito ay isang katotohanan. Subalit, habang naniniwala tayo sa Panginoon at sinusunod ang Panginoon, madalas din nating ipinagkakanulo ang mga turo ng Panginoon, at bumigay sa ating mga naisin sa laman na pagkakasala. Ginagawa natin ang mga bagay na tulad ng pagsisinungaling, pagsagawa ng pandaraya, panlilinlang, pakikibahagi sa intriga, paghahanap ng katanyagan at karangyaan, bumibigay tayo sa kawalang-kabuluhan, kasakiman para sa kayamanan, at sumusunod sa masasamang mga uso sa mundo … Sa panahon ng kapaitan at pagsubok, madalas nating hindi maunawaan at sisihin ang Diyos, o kahit pa iwanan at ipagkanulo ang Diyos.

Biyernes, Pebrero 7, 2020

Mga Propesiya ng Bibliya Tungkol sa Pagbabalik ng Panginoong Hesukristo


Mayroong maraming mga propesiya sa Bibliya tungkol sa pagbabalik ng Panginoong Hesukristo, ngunit marami sa atin ang nakatuon lamang sa mga propesiya ng Panginoon tungkol sa pagdating ng lantad sa mga ulap, at hindi iniintindi ang mga propesiya tungkol sa pagdating ng palihim, tulad ng isang magnanakaw. Dito aming pinagsama-sama ang mga propesiyang ito upang matulungan kang maayos na maintindihan at tukuyin ang mga propesiya tungkol sa pagbabalik ng Panginoon at mahanap ang paraan upang masalubong ang pagbabalik ng Panginoon.

Ang Propesiya ng Lantad na Pagbaba ng Panginoon

Pahayag 1:7

“Narito, siya’y pumaparitong nasasa mga alapaap; at makikita siya ng bawa’t mata, at ng nangagsiulos sa kaniya; at ang lahat ng mga angkan sa lupa ay magsisitaghoy dahil sa kaniya. Gayon din, Siya nawa.”

Mateo 24:29-30

“Datapuwa’t karakarakang pagkatapos ng kapighatian sa mga araw na yaon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kaniyang liwanag, at mangalalaglag ang mga bituin mula sa langit, at magsisipangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit: At kung magkagayo’y lilitaw ang tanda ng Anak ng tao sa langit: at kung magkagayo’y magsisitaghoy ang lahat ng mga angkan sa lupa, at mangakikita nila ang Anak ng tao na napaparitong sumasa mga alapaap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.”

(Judas 1:14)

“Narito, dumating ang Panginoon, na kasama ang kaniyang mga laksalaksang banal…”

Mga Gawa 1:11

“Na nangagsabi naman, Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit kayo’y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit.”

Lucas 21:25-27

“At magkakaroon ng mga tanda sa araw at buwan at mga bituin; at sa lupa’y magkakaroon ng kasalatan sa mga bansa, na matitilihan dahil sa ugong ng dagat at mga daluyong; Magsisipanglupaypay ang mga tao dahil sa takot, at dahil sa paghihintay ng mga bagay na darating sa ibabaw ng sanglibutan: sapagka’t mangangatal ang mga kapangyarihan sa mga langit. At kung magkagayo’y makikita nila ang Anak ng tao na pariritong nasa isang alapaap na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian.”

Ang Propesiya ng Lihim na Pagbaba ng Panginoon

Lucas 12:40

Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating.

Mateo 25:6

“Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya.”

Pahayag 3:3

“Kaya’t kung hindi ka magpupuyat ay paririyan akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong panahon paririyan ako sa iyo.”

Pahayag 16:15

“Narito, ako’y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya’y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan.”

Pahayag 3:20

“Narito ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo ko.”

Lucas 17:24-25

“Sapagka’t gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito.”

Mateo 24:27

“Sapagka’t gaya ng kidlat na kumikidlat sa silanganan, at nakikita hanggang sa kalunuran; gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.”

Ngayon, paano eksaktong darating ang Panginoon sa mga huling araw? Kung ang mga tao ay manindigan sa pagbabalik ng Panginoon sa mga alapaap at, kaya, panatilihin ang kanilang titig magpakailanman na nakatutok sa kalangitan, na hindi naghahanap sa lihim na yapak ng pagdating ng Panginoon, masasalubong ba nila ang pagdating ng Panginoon?

Huwebes, Enero 23, 2020

Ano ang tunay na panalangin?


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ano ang ibig sabihin ng manalangin nang tunay? Nangangahulugan ito ng pagsasabi ng mga salita sa loob ng iyong puso sa Diyos, at pakikipagniig sa Diyos na mayroong pagkaunawa sa Kanyang kalooban at batay sa Kanyang mga salita; nangangahulugan ito ng pakiramdam na talagang malapit sa Diyos, nadaramang Siya ay nasa harap mo, at na mayroon kang isang bagay na gustong sabihin sa Kanya; at nangangahulugan ito ng pagiging talagang masigla sa loob ng iyong puso, at damdamin na ang Diyos ay sadyang kaibig-ibig. Madarama mo na ikaw ay sadyang pinukaw, at pagkatapos marinig ang iyong mga salita ang iyong mga kapatid ay malulugod, madadama nila na ang mga salita na iyong sinabi ay ang mga salita sa loob ng kanilang mga puso, mga salitang gusto nilang sabihin, at kinakatawan ng iyong sinasabi kung ano ang gusto nilang sabihin. Ito ang ibig sabihin ng nananalangin nang tunay. Pagkatapos mong manalangin nang tunay, ang iyong puso ay mapapayapa, at malulugod; ang lakas para ibigin ang Diyos ay tataas, at madadama mo na walang anumang bagay sa kabuuan ng iyong buhay ang higit na karapat-dapat o mahalaga kaysa sa pag-ibig sa Diyos—at mapatutunayan nitong lahat na ang iyong mga panalangin ay naging mabisa.

Martes, Enero 14, 2020

Ang Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian ng Makapangyarihang Diyos sa China


Noong 1995, ang gawain ng pagpapatotoo sa ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos ay pormal na sinimulan sa Mainland China. Sa pamamagitan ng ating pasasalamat sa Diyos at may tunay na pagmamahal, nagpatotoo tayo sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga kapatid na lalaki at babae sa iba’t ibang denominasyon at sekta. Hindi natin inasahang dumanas ng matinding pagkalaban at paninirang-puri mula sa kanilang mga pinuno. Ang tangi nating magagawa ay lumapit sa Makapangyarihang Diyos upang taimtim na manalangin, na nagsusumamong personal na magtrabaho ang Diyos. Mula noong 1997, namasdan naming magtrabaho nang malawakan ang Banal na Espiritu. Mabilis na dumami ang mga miyembro ng mga iglesia sa iba’t ibang lugar. Kasabay nito, maraming tanda at kababalaghan ang nangyari, at maraming tao sa iba’t ibang denominasyon at sekta ang bumalik sa Makapangyarihang Diyos dahil tumanggap sila ng mga pagbubunyag mula sa Diyos o nakita nila ang mga tanda at kababalaghang ito. Kung hindi nagtrabaho ang Banal na Espiritu, ano ang magagawa ng tao? Dahil dito natanto natin na: Bagama’t naunawaan natin ang ilang katotohanan, hindi tayo makapagpatotoo tungkol sa Makapangyarihang Diyos sa pamamagitan lamang ng ating sariling lakas. Matapos tanggapin ng mga taong ito mula sa iba’t ibang denominasyon at sekta ang Makapangyarihang Diyos, unti-unti nilang natiyak ang Makapangyarihang Diyos sa kanilang puso sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom at pagkalugod sa salita ng Makapangyarihang Diyos, at pagkaraan ng kaunting panahon, nagkaroon sila ng tunay na pananampalataya at pagsunod. Kaya ang mga tao mula sa lahat ng denominasyon at sekta ay dinala sa harapan ng luklukan, at hindi na inasahang “salubungin ang Panginoon sa hangin ” tulad ng kanilang naisip.

Biyernes, Disyembre 27, 2019

Ano ang pagsunod sa kalooban ng Diyos? Pagsunod ba sa kalooban ng Diyos kung nangangaral at gumagawa lamang ang isang tao para sa Panginoon?


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili” (Mateo 22:37–39).

Martes, Disyembre 24, 2019

Pagkilala sa Diyos | Sa aling mga aspeto pangunahing inihahayag ang pagka-makapangyarihan at karunungan ng Diyos?


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang awtoridad at kapangyarihan ng Lumikha ay naipahayag sa bawat bagong bagay na Kanyang nilikha, at ang Kanyang mga salita at mga nagawa ay nangyari nang sabay, nang wala kahit katiting na kaibahan, at nang wala kahit katiting na pagitan. Ang paglitaw at pagsilang ng lahat nitong mga bagong bagay ay patunay ng awtoridad at kapangyarihan ng Lumikha: kasinggaling Niya ang Kanyang salita, at ang Kanyang salita ay matutupad, at ang natupad na ay mananatili magpakailanman. Hindi kailanman nagbago ang katunayang ito: ganoon sa nakaraan, ganoon din ngayon, at magiging ganoon sa buong kawalang-hanggan.

Biyernes, Nobyembre 22, 2019

Paano eksaktong ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawaing paghatol upang iligtas at linisin ang sangkatauhan sa mga huling araw?


Sagot: Lahat ng kasalukuyang naghahanap at sumisiyasat sa totoong daan ay gustong maintindihan kung paano isinasagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawaing ng paghatol sa mga huling araw. Nagpahayag ang Makapangyarihang Diyos ng maraming salita hinggil sa aspetong ito ng katotohanan. Basahin natin ang ilang sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos.

Huwebes, Nobyembre 14, 2019

Tinubos ng Diyos ang sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya, kaya bakit kailangan pa rin Niyang gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw?


       Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Sundin ninyo ang kapayapaan sa lahat ng mga tao, at ang pagpapakabanal na kung wala ito’y sinoman ay di makakakita sa Panginoon” (Mga Hebreo 12:14).

“At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47–48).

Lunes, Nobyembre 4, 2019

Paghatol sa mga Huling Araw | Bakit kailangang hatulan at kastiguhin ng Diyos ang mga tao?


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na nagawang tiwali ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay bumalik na sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na lupain. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malalaking pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.

Sabado, Nobyembre 2, 2019

Q&A tungkol sa Ebanghelyo | Ano ang paghatol?


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang gawain ng paghatol ay sariling gawain ng Diyos, kaya natural na ang Diyos Mismo ang dapat gumawa nito; hindi ito maaaring gawin ng tao para sa Kanya. Sapagkat ang paghatol ay ang paglupig sa lahi ng tao sa pamamagitan ng katotohanan, hindi mapag-aalinlanganan na nagpapakita pa rin ang Diyos bilang nagkatawang-taong larawan upang gawin ang gawaing ito sa mga tao. Ibig sabihin, sa mga huling araw, gagamitin ni Cristo ang katotohanan upang turuan ang mga tao sa buong mundo at ipaalam ang lahat ng katotohanan sa kanila. Ito ang gawain ng paghatol ng Diyos.

Linggo, Oktubre 27, 2019

Pagkakatawang-tao ng Diyos | Ang Kahalagahan ng Diyos na Naging Tao


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang katawang-tao na ito ay napakahalaga sa sangkatauhan sapagka’t Siya ay tao at lalong higit ay Diyos, sapagka’t maaari Niyang gawin ang mga gawain na hindi kaya ng ordinaryong katawan ng tao, at dahil maaari Siyang magligtas ng tiwaling tao, na naninirahan kasama Niya sa lupa. Bagama’t Siya ay kapareho sa tao, ang nagkatawang-taong Diyos ay mas mahalaga sa sangkatauhan kaysa sa sinumang tao na may halaga, dahil magagawa Niya ang gawain na hindi magagawa ng Espiritu ng Diyos, mas mayroong kakayahan kaysa sa Espiritu ng Diyos upang magpatotoo sa Diyos Mismo, at mas mayroong kakayahan kaysa sa Espiritu ng Diyos upang lubos na makamtan ang sangkatauhan. Bilang resulta, kahit na ang katawang-tao na ito ay karaniwan at ordinaryo, ang Kanyang ambag sa sangkatauhan at ang Kanyang kahalagahan sa pag-iral ng sangkatauhan ay lubos na ginagawa Siyang napakahalaga, at ang tunay na halaga at kabuluhan ng katawang-tao na ito ay hindi masukat ng sinumang tao.

Huwebes, Oktubre 17, 2019

Ipinropesiya ng Panginoong Jesus Mismo na magkakatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw at magpapakita bilang Anak ng tao para gumawa


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka’t sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40).

“At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao” (Mateo 24:37).

Huwebes, Setyembre 19, 2019

Tanong 4: Nabasa namin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at nakita na may ilang mga bagay na napakabagsik. Ito ang paghatol ng sangkatauhan, at pagkondena at sumpa. Sa palagay ko, kung hinahatulan at isinusumpa ng Diyos ang mga tao, hindi ba sila huhusgahan at parurusahan? Paanong masasabi na ang uring ito ng paghatol ay upang dalisayin at iligtas ang sangkatauhan?

Sagot: Sa mga huling araw, inihahayag ng Diyos ang katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol upang makagawa ng grupo ng mananagumpay, isang grupo ng mga taong kaisa sa puso at isip ng Diyos. Pinagpasyahan ito nang nilikha ng Diyos ang mundo. Ngunit may ilang mga tao na nakikita na naglalaman ng pagkondena at pagsumpa sa mga tao ang ilan sa mga salita ng Diyos at bumuo sila ng paniwala. Unang-una dito ay dahil hindi nila alam ang gawain ng Diyos. Ang paghatol ng Diyos sa mga huling araw ay ang dakilang puting trono ng paghatol na ihinula sa Aklat ng Pahayag. Ibinubunyag ng Diyos ang Kanyang disposisyon ng katuwiran, kadakilaan, at poot, at ito'y upang lubusang ilantad ang tao at maibukod ang bawat uri ng tao.