Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanan ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan din sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na nagawang tiwali ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay bumalik na sa katawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na lupain. Ang lahat ng nagpapasailalim sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malalaking pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.
—mula sa Paunang Salita sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Bago tinubos ang tao, marami sa mga lason ni Satanas ang naitanim na sa kalooban niya at, pagkatapos ng libu-libong taon na nagawang tiwali ni Satanas, nasa kanyang kalooban ang matatag at likas na pagkataong lumalaban sa Diyos. Samakatuwid, kapag natubos na ang tao, ito ay walang iba kundi pagtubos kung saan ang tao ay binili sa mataas na halaga, ngunit ang likas na lason sa kanyang kalooban ay hindi pa naaalis. Ang tao na lubhang nadungisan ay kailangang sumailalim sa isang pagbabago bago maging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Sa pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang malalaman ng tao ang marumi at tiwaling diwa sa kanyang sariling kalooban, at magagawa niyang lubos na magbago at maging malinis. Sa ganitong paraan lamang maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng luklukan ng Diyos. Lahat ng gawaing ginawa sa araw na ito ay para malinis at mabago ang tao; sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin sa pagpipino, makakaya ng tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at magawang dalisay. Sa halip na ituring ang yugtong ito ng gawain bilang doon sa pagliligtas, mas akmang sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay. Sa katotohanan, ang yugtong ito ay yaong panlulupig pati na rin ang pangalawang yugto ng pagliligtas.
—mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang alam mo lang ay bababa si Jesus sa mga huling araw, ngunit paano ba talaga Siya bababa? Ang isang makasalanang tulad mo, na katutubos pa lang, at hindi pa nabago, at hindi pa nagawang perpekto ng Diyos, makakaayon ka ba ng puso ng Diyos? Para sa iyo, ang dating ikaw, totoo na ikaw ay iniligtas ni Jesus, at ikaw ay hindi itinuturing na isang makasalanan dahil sa pagliligtas ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay hindi makasalanan, at hindi marumi. Paano ka magiging banal kung hindi ka pa nababago? Sa iyong kalooban, puno ka ng karumihan, kasakiman at kasamaan, ngunit ninanais mo pa ring bumaba na kasama ni Jesus—napakasuwerte mo naman! Nalagpasan mo ang isang hakbang sa iyong pananalig sa Diyos: Natubos ka lang, ngunit hindi pa nabago. Para maging kaayon ka ng puso ng Diyos, kailangan ay ang Diyos Mismo ang gumawa ng gawain ng pagbabago at paglilinis sa iyo; kung ikaw ay tinubos lamang, wala kang kakayahang magtamo ng kabanalan. Dahil dito hindi ka magiging karapat-dapat na makibahagi sa magagandang biyaya ng Diyos, dahil nalagpasan mo ang isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na isang mahalagang hakbang sa pagbabago at pagperpekto. Kaya ikaw, na isang makasalanang katutubos pa lang, ay walang kakayahang direktang manahin ang pamana ng Diyos
—mula sa “Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa pamamagitan ng ano naisasakatuparan ang pagperpekto ng Diyos sa tao? Sa pamamagitan ng Kanyang matuwid na disposisyon. Ang disposisyon ng Diyos ay binubuo pangunahin na ng pagkamakatuwiran, poot, kamahalan, paghatol, at sumpa, at ang Kanyang pagperpekto sa tao ay pangunahin sa pamamagitan ng paghatol. Hindi nauunawaan ng ilang tao, at tinatanong kung bakit nagagawa lamang ng Diyos na gawing perpekto ang tao sa pamamagitan ng paghatol at sumpa. Sinasabi nila, “Kung susumpain ng Diyos ang tao, hindi ba mamamatay ang tao? Kung hahatulan ng Diyos ang tao, hindi ba parurusahan ang tao? Kung gayon paano pa siya magagawang perpekto?” Ang gayon ay ang mga salita ng mga tao na hindi nakauunawa sa gawain ng Diyos. Ang sinusumpa ng Diyos ay ang pagsuway ng tao, at ang Kanyang hinahatulan ay ang mga kasalanan ng tao. Bagama’t nagsasalita Siya nang may kabagsikan, at wala ni katiting ng pagiging sensitibo, ibinubunyag Niya ang lahat ng nasa loob ng tao, at sa pamamagitan ng istriktong mga salitang ito ay ibinubunyag Niya kung ano yaong mahalaga sa loob ng tao, nguni’t sa pamamagitan ng gayong paghatol, binibigyan Niya ang tao ng isang malalim na kaalaman ukol sa diwa ng laman, at kaya ang tao ay nagpapasakop sa pagkamasunurin sa harap ng Diyos. Ang laman ng tao ay ukol sa kasalanan, at ukol kay Satanas, ito ay masuwayin, at ang pakay ng pagkastigo ng Diyos—at kaya, upang tulutang makilala ng tao ang sarili niya, ang mga salita ng paghatol ng Diyos ay dapat sumapit sa kanya at dapat gamitin ang bawat uri ng pagpipino; sa gayon lamang maaaring maging mabisa ang gawain ng Diyos.
Maaaring makita mula sa mga salita na sinabi ng Diyos na sinumpa na Niya ang laman ng tao. Ang mga salita bang ito, kung gayon, ay ang mga salita ng sumpa? Ibinubunyag ng mga salita na sinabi ng Diyos ang tunay na kulay ng tao, at sa pamamagitan ng gayong pahayag siya ay hinahatulan, at kapag nakikita niyang hindi niya nagagawang mapalugod ang kalooban ng Diyos, nadarama niya sa loob ang kalungkutan at pagsisisi, nadarama na mayroon siyang pagkakautang sa Diyos, at kulang para sa kalooban ng Diyos. May mga pagkakataon na dinidisiplina ka ng Banal na Espiritu mula sa loob, at ang disiplinang ito ay magmumula sa paghatol ng Diyos; may mga pagkakataon na dinudusta ka ng Diyos at itinatago ang Kanyang mukha mula sa iyo, kapag hindi ka Niya pinag-uukulan ng pansin, at hindi Siya gumagawa sa kalagitnaan mo, ikaw ay tahimik na kinakastigo upang pinuhin ka. Ang gawain ng Diyos sa tao ay pangunahin para gawing malinaw ang Kanyang matuwid na disposisyon. Anong patotoo ang sa bandang huli ay dinadala ng tao sa Diyos? Pinatototohanan niya na ang Diyos ay Diyos na matuwid, na ang Kanyang disposisyon ay katuwiran, poot, pagkastigo, at paghatol; nagpapatotoo ang tao sa matuwid na disposisyon ng Diyos. Ginagamit ng Diyos ang Kanyang paghatol upang ang tao ay gawing perpekto, Kanyang iniibig ang tao, at inililigtas ang tao—ngunit gaano karami ang nakapaloob sa Kanyang pag-ibig? Naroroon ang paghatol, kamahalan, poot, at sumpa. Bagama’t sinumpa ng Diyos ang tao noong una, hindi Niya ganap na itinapon ang tao sa walang-hanggang kalaliman, ngunit ginamit ang kaparaanang iyon upang pinuhin ang pananampalataya ng tao; hindi Niya inilagay ang tao sa kamatayan, ngunit kumilos upang gawing perpekto ang tao. Ang katuturan ng laman ay yaong nauukol kay Satanas—tamang-tama ang pagkakasabi rito ng Diyos—ngunit ang mga katotohanan na ipinatupad ng Diyos ay hindi nabuo alinsunod sa Kanyang mga salita. Sinusumpa ka Niya upang mangyaring ibigin mo Siya, at upang mangyaring maunawaan mo ang katuturan ng laman; kinakastigo ka Niya upang mangyaring ikaw ay magising, upang tulutan kang makilala ang mga kakulangan sa loob mo, at upang malaman ang lubos na kawalang-kabuluhan ng tao. Kaya, ang mga sumpa ng Diyos, ang Kanyang paghatol, ang Kanyang kamahalan at poot—ang lahat ng ito ay upang gawing perpekto ang tao. Ang lahat ng ginagawa ng Diyos sa kasalukuyan, at ang matuwid na disposisyon na ginagawa Niyang malinaw sa loob ninyo—lahat ng ito ay upang gawing perpekto ang tao, at ang gayon ay ang pag-ibig ng Diyos.
—mula sa “Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa katotohanan, ang gawaing ginagawa ngayon ay upang talikdan ng mga tao si Satanas, talikdan ang kanilang sinaunang ninuno. Lahat ng paghatol sa pamamagitan ng salita ay naglalayong ilantad ang tiwaling disposisyon ng sangkatauhan at bigyang-kakayahan ang mga tao na maunawaan ang diwa ng buhay. Ang paulit-ulit na mga paghatol na ito ay tumutusok lahat sa mga puso ng mga tao. Bawat paghatol ay tuwirang nakakaapekto sa kanilang kapalaran at naglalayong sugatan ang kanilang mga puso para kanilang mapapakawalan ang lahat ng bagay na yaon at sa gayon ay makilala ang buhay, makilala ang maruming mundong ito, at makilala rin ang karunungan at pagka-makapangyarihan sa lahat ng Diyos at makilala ang sangkatauhang ito na ginawang tiwali ni Satanas. Kung mas marami ang ganitong uri ng pagkastigo at paghatol, mas masusugatan ang puso ng tao at mas magigising ang kanyang espiritu. Ang paggising sa espiritu ng mga taong ito na ginawang napakatiwali at lubhang nalinlang ang mithiin ng uring ito ng paghatol. Ang tao ay walang espiritu, ibig sabihin, ang kanyang espiritu ay matagal nang namatay at hindi niya alam na may Langit, hindi niya alam na mayroong Diyos, at tiyak na hindi nalalamang siya ay nakikipagtunggali sa bangin ng kamatayan; paano magiging posibleng malaman niya na siya ay namumuhay sa loob nitong masamang impiyerno sa lupa? Paano magiging posibleng malaman niya na itong nabubulok na bangkay niya, sa pamamagitan ng pagtitiwali ni Satanas, ay nahulog tungo sa Hades ng kamatayan? Paano magiging posibleng malaman niya na ang lahat sa lupa ay matagal nang nawasak nang hindi na maaayos ng sangkatauhan? At paano magiging posibleng malaman niya na ang Lumikha ay dumating na sa lupa ngayon at naghahanap ng isang pangkat ng mga tiwaling tao na maaari Niyang iligtas? Kahit pagkatapos maranasan ng tao ang bawat posibleng pagpipino at paghatol, ang kanyang mapurol na kamalayan ay bahagya pa rin lamang na nagigising at halos hindi tumutugon. Ang sangkatauhan ay masyadong napababa! Bagaman ang uring ito ng paghatol ay tulad ng malupit na bola ng yelong nahuhulog mula sa papawirin, mayroon itong pinakamalaking pakinabang sa tao. Kung hindi sa paghatol sa mga tao na gaya nito, hindi magkakaroon ng bunga at magiging walang-pasubaling imposible na magligtas ng mga tao mula sa bangin ng paghihirap. Kung hindi sa gawaing ito, magiging napakahirap para sa mga tao na lumabas mula sa Hades dahil ang kanilang mga puso ay matagal nang namatay at ang kanilang mga espiritu ay matagal nang niyurakan ni Satanas. Ang pagliligtas sa inyo na napalubog sa pinakamalalim na kalaliman ng pagbaba ay nangangailangan ng pagtawag sa inyo nang napakalakas, paghatol sa inyo nang napakatindi, at saka lamang magigising iyang mala-yelo sa lamig na puso ninyo.
—mula sa “Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol at pagkastigo upang makilala Siya ng tao, at para sa kapakanan ng Kanyang patotoo. Kung hindi sa Kanyang paghatol sa tiwaling disposisyon ng tao, hindi posibleng malaman ng tao ang Kanyang matuwid na disposisyon, na hindi nagpapalampas ng pagkakasala, ni hindi niya mapapalitan ng bago ang dati niyang pagkakilala sa Diyos. Para sa kapakanan ng Kanyang patotoo, at para sa kapakanan ng Kanyang pamamahala, ipinapakita Niya sa publiko ang Kanyang kabuuan, na nagbibigay-daan sa tao, sa pamamagitan ng Kanyang pagpapakita sa publiko, na makilala ang Diyos, baguhin ang kanyang disposisyon, at magbigay ng matunog na patotoo sa Diyos.
—mula sa “Ang mga Nakakakilala Lamang sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Dumating na ang mga huling araw. Lahat ng bagay na nilikha ay isasaayos ayon sa uri nila, at hahatiin sa iba’t ibang kategorya ayon sa kanilang likas na katangian. Ito ang sandali na ibubunyag ng Diyos ang kahihinatnan ng sangkatauhan at ang kanilang hantungan. Kung hindi sasailalim sa pagkastigo at paghatol ang mga tao, walang paraan para ilantad ang kanilang pagsuway at kasamaan. Sa pamamagitan lamang ng pagkastigo at paghatol mahahayag ang kahihinatnan ng lahat ng nilikha. Ipinapakita lamang ng tao ang kanyang tunay na kulay kapag siya ay kinakastigo at hinahatulan. Ang masasama ay isasama sa masasama, ang mabubuti sa mabubuti, at buong sangkatauhan ay isasaayos ayon sa kanilang uri. Sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol, ang kahihinatnan ng lahat ng nilikha ay mahahayag, para maparusahan ang mga masasama at magantimpalaan ang mabubuti, at lahat ng tao ay sumasailalim ng kapangyarihan ng Diyos. Ang buong gawaing ito ay kailangang magawa sa pamamagitan ng matuwid na pagkastigo at paghatol. Dahil umabot na sa sukdulan ang katiwalian ng tao at napakalala na ng kanyang pagsuway, ang matuwid na disposisyon lamang ng Diyos, yaong una sa lahat ay pinagsama-sama sa pagkastigo at paghatol, at inihahayag sa mga huling araw, ang lubos na mababago at magagawang ganap ang tao. Ang disposisyong ito lamang ang makapaglalantad sa kasamaan at sa gayon ay mapaparusahan nang matindi ang lahat ng makasalanan.
—mula sa “Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang kakanyahan ng gawain ng Diyos na pagkastigo at paghatol ay upang linisin ang sangkatauhan, at ito ay para sa araw ng huling kapahingahan. Kung hindi, ang buong sangkatauhan ay hindi makakasunod sa kanilang sariling uri o makapapasok sa kapahingahan. Ang gawaing ito ay ang tanging landas ng sangkatauhan upang pumasok sa kapahingahan. Tanging ang gawain ng Diyos na paglilinis ang lilinis sa sangkatauhan sa kanilang di-pagkamakatuwiran, at tanging ang Kanyang gawain ng pagkastigo at paghatol ang magbibigay-liwanag sa mga masuwaying bagay sa sangkatauhan, sa gayon ay inihihiwalay yaong mga maaaring maligtas mula roon sa mga hindi, at yaong mga mananatili mula roon sa mga hindi. Kapag natapos ang Kanyang gawain, yaong mga tao na nananatili ay lilinisin at magtatamasa ng isang mas kahanga-hangang ikalawang buhay ng tao sa lupa habang sila ay pumapasok sa isang mas mataas na dako ng sangkatauhan; sa ibang salita, sila ay papasok sa araw ng kapahingahan ng sangkatauhan at mamumuhay kasama ng Diyos. Pagkatapos na sumailalim sa pagkastigo at paghatol yaong mga hindi maaaring manatili, ang kanilang orihinal na mga anyo ay ganap na mabubunyag; pagkatapos nito silang lahat ay wawasakin at, gaya ni Satanas, hindi na papayagang manatiling buhay sa ibabaw ng lupa. Ang sangkatauhan sa hinaharap ay hindi na kabibilangan ng alinman sa ganitong uri ng mga tao; ang mga taong ito ay hindi angkop na pumasok sa lupain ng sukdulang kapahingahan, ni naaangkop man sila na pumasok sa araw ng kapahingahan na pagsasaluhan ng Diyos at ng tao, sapagka’t sila ang puntirya ng kaparusahan at ang masasama, at sila ay hindi matutuwid na tao. … Ang Kanyang panghuling gawain ng pagpaparusa sa masama at paggantimpala sa mabuti ay ganap na natatapos upang lubos na dalisayin ang lahat ng sangkatauhan, sa gayon ay maaari Niyang dalhin ang isang ganap na banal na sangkatauhan sa walang hanggang kapahingahan. Ang yugtong ito ng Kanyang gawain ay ang pinakamaselan Niyang gawain. Ito ang huling yugto ng kabuuan ng Kanyang gawaing pamamahala.
—mula sa “Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sanggunian na mga Sipi ng Sermon at Pagbabahagi:
Bakit dapat hatulan at kastiguhin ng Diyos ang tiwaling sangkatauhan, at ano ang ibig sabihin ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa tiwaling sangkatauhan? Napakahalaga ng katotohanang ito, dahil kasama rito ang katotohanan tungkol sa mga pangitain sa gawain ng Diyos. Kung walang pangitain ang mga tao sa kanilang pananampalataya, hindi nila alam kung paano maniniwala sa Diyos; kahit naniniwala nga sila sa Diyos, hindi nila napipili ang tamang daan. Kung gayon ano ang magiging kabuluhan ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa tiwaling sangkatauhang lumalaban at nagtataksil sa Kanya? Kailangan muna nating malinawan ito—ang Diyos ang Lumikha, at may awtoridad Siyang pamahalaan, hatulan, at kastiguhin ang nilikha. Gayundin, ang disposisyon ng Diyos ay matuwid at banal. Hindi Niya pinapayagan ang mga taong iyon na lumalaban at nagtataksil sa Kanya na mamuhay sa Kanyang presensya. Hindi pinahihintulutan ng Diyos ang marumi at tiwaling mga bagay na umiral sa Kanyang presensya. Hindi tinutulutan ng Diyos na umiral ang marumi at tiwaling mga bagay sa kanyang presensya. Samakatuwid, ang paghatol at pagkastigo ng Diyos sa tiwaling sangkatauhan ay tama at matuwid, at pinagpapasiyahan ng disposisyon ng Diyos. Alam nating lahat na matuwid ang Diyos, at na ang Diyos ang katotohanan. Nakita na natin ito mula sa disposisyon na ibinubunyag Niya. Lahat ng salita ng Diyos ay katotohanan. Nilikha ng Diyos ang kalangitan at lupa at lahat ng bagay sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Nagagawang likhain ng mga salita ng Diyos ang lahat ng bagay, at ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan ding maaaring humatol sa lahat ng bagay. Isinasagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol at pagkastigo sa tiwaling sangkatauhan sa mga huling araw. Maaaring itanong ng ilan: “Ginawa na ba ng Diyos noon ang gawain ng paghatol?” Talagang nakagawa na ang Diyos ng maraming gawain ng paghatol at pagkastigo; kaya lang, hindi ito nasaksihan ng mga tao. Bago nagkaroon ng mga tao, nilabanan at ipinagkanulo ni Satanas ang Diyos, at paano hinatulan ng Diyos si Satanas? Itinapon Niya si Satanas sa lupa, at lahat ng anghel na sumunod kay Satanas ay pinababa rin sa lupa kasama ni Satanas. Pinababa sila ng Diyos sa lupa mula sa langit—hindi ba laban kay Satanas ang paghatol na ito? Gayon iyon at isa rin iyong pagkastigo rito. Samakatuwid, bago pa nagkaroon ng mga tao, hinatulan at kinastigo na ng Diyos si Satanas. Mababasa natin ito sa Biblia. Bago nagkaroon nitong sangkatauhan, may iba pa bang mga tao o nilalang na sumasailalim noon sa paghatol at pagkastigo ng Diyos? Masasabi natin nang may katiyakan na lahat ng nawasak na ng Diyos ay mga taong lumaban at naghimagsik laban sa Diyos, at na lahat sila ay sumailalim sa Kanyang paghatol at pagkastigo. Samakatuwid, patuloy na umiral ang paghatol at pagkastigo ng Diyos mula pa nang likhain Niya ang kalangitan at lupa at lahat ng bagay. Ito ay isang aspeto ng gawain ng Diyos sa pamahahala sa lahat ng bagay, dahil hindi nagbabago ang disposisyon ng Diyos—hindi ito magbabago kailanman. Nakikita natin na simula nang magkaroon ng mga tao nagtaksil na sila sa Diyos at sumunod kay Satanas; namuhay silang lahat sa ilalim ng sumpa ng Diyos. Napakarami nang nangamatay mula sa pagkastigo ng Diyos dahil sa sarili nilang masamang gawain, at ang ilan ay nalipol pa. Napakaraming naniniwala sa Diyos subalit lumalaban sa Kanya, at sa huli ay napahamak silang lahat. Ang ilan ay naparusahan sa espirituwal na dako habang ang iba naman ay nakastigo noong nabubuhay pa sila. Kaya nga ibinuod ito ng sangkatauhan nang ganito: “Ang kabutihan ay gagantimpalaan ng kabutihan, at ang kasamaan ng kasamaan.” Lahat ng ito ay paghatol at pagkastigo ng Diyos. Ang gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw ay para sa ikaliligtas ng tiwaling sangkatauhan. Sa pagtanggap sa gawain ng Diyos, tinatanggap natin ang Kanyang paghatol at pagkastigo. Lahat ng naghihimagsik at sumusuway sa Diyos habang sumasailalim sa Kanyang gawain ay tumatanggap ng Kanyang paghatol at pagkastigo. Kadalasa’y napapasailalim ang mga tao sa paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, ngunit kung minsa’y tumatanggap din sila ng paghatol at pagkastigo ng mga tunay na nangyayari sa kanila pati na ng mga kaparusahan ng Diyos. Nakita na nating lahat ito. Sinasabi ng ilan, “Kailanma’y hindi pa tinatanggap ng mga walang pananampalataya ang gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, kaya matatakasan ba nila ang paghatol at pagkastigo ng Diyos?” Tinatanggap man ng mga tao ang gawain ng Diyos sa mga huling araw o hindi, sasailalim silang lahat sa paghatol at pagkastigo ng Diyos. Walang sinumang makakatakas dito—iyan ang totoo. Hindi pa tinatanggap ng mga relihiyoso ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, subalit hindi nila ito matatakasan. Walang sinumang makakatakas sa pagkastigong itinadhana ng Diyos para sa tao—panahon lang ang hinihintay, dahil lahat ay may kanya-kanyang kalalabasan, at Diyos din ang nagpapasiya sa kalalabasan nilang ito. Makikita natin kung anong klaseng paghatol at pagkastigo ang tinatanggap ng bawat tao mula sa kanilang kalalabasan. Tinatanggap ng ilan ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, natatamo ang pagkadalisay mula sa Diyos, lubusang bumabaling sa Kanya, at ang kanilang kalalabasan ay isang magandang hantungan—pagpasok sa kaharian at pagkakamit ng buhay na walang hanggan. Ang gayong klaseng tao ay nagtatamo ng kaligtasan. Yaong mga hindi tinatanggap ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, ibig sabihin, yaong mga hindi tinatanggap ang gawain ng Diyos kalaunan ay mapapahamak at mapupuksa. Ito ang kanilang paghatol at pagkastigong itinakda ng Diyos maging ang kanilang huling kalalabasan na naipasiya na ng paghatol at pagkastigo ng Diyos. Napakaraming lider ngayon ng mga relihiyon ang lumalaban sa Diyos—ano ang kalalabasan nila sa huli? Kung hindi sila magsisisi, malamang na mawasak at mapahamak sila, dahil walang sinumang makakatakas sa paghatol at pagkastigo ng Diyos. Sigurado iyan. Tinanggap na natin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, na ibig sabihin ay tinanggap na natin ang gawain ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan. Tinatanggap at nararanasan natin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos sa isang positibong paraan, tunay tayong nagsisisi, kalaunan ay makikilala natin ang Diyos at magbabago ang ating disposisyon sa buhay. Para sa atin, ang ganitong klaseng paghatol at pagkastigo ang magliligtas sa atin. Para sa mga ayaw tumanggap ng paghatol at pagkastigo ng Diyos, parurusahan sila, at mapapahamak at mawawasak sa huli. Ito ang bunga ng pag-iwas sa paghatol at pagkastigo ng Diyos.
—mula sa “Napakalaki ng Kahulugan ng Pagganap ng Diyos sa Gawain sa Iba’t Ibang Paraan para Iligtas ang Sangkatauhan” sa Mga Sermon at Pagbabahagi Tungkol sa Pagpasok sa Buhay III
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento