Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay (IV)
Sa araw na ito, pag-uusapan natin ang isang natatanging paksa. Para sa bawat isa sa inyo, mayroon lamang dalawang pangunahing bagay ang kailangan ninyong malaman, maranasan at maintindihan—at ano ang dalawang bagay na ito? Ang una ay ang personal na pagpasok sa buhay ng mga tao, at ang ikalawa ay may kaugnayan sa pagkilala sa Diyos. Sa araw na ito ay bibigyan ko kayo ng pagpipilian: Pumili ng isa. Gusto ba ninyong makarinig tungkol sa isang paksa na may kaugnayan sa personal na karanasan sa buhay ng mga tao, o gusto ninyong makarinig ng isang tungkol sa pagkilala sa Diyos Mismo? At bakit Ako nagbibigay sa inyo ng gayong pagpipilian? Sapagkat, sa araw na ito, naiisip Kong salitain sa inyo ang ilang bagong bagay tungkol sa pagkilala sa Diyos. Ngunit, anu’t-anuman, papipiliin Ko muna kayo sa pagitan ng dalawang bagay na kasasabi Ko lang. (Pipiliin Ko yaong tungkol sa pagkilala sa Diyos.) (Naiisip namin na ang pakikipagniig sa kaalaman ng Diyos ay mas mabuti, rin) Naiisip ba ninyo na kung ano ang ating napag-usapan nitong nakaraan lang tungkol sa pagkilala sa Diyos ay maaaring makamit? (Nang isagawa ng Diyos ang unang pakikipag-isa, hindi natin ito naramdamang ganoon. Pagkatapos noon, ang Diyos ay nagsagawa pa ng ilang pakikipag-isa, at nang magbalik tayo sa unang pakikipag-isa, sa mga kapaligirang nilikha ng Diyos, ang mga kapatid ay nakinig sa pagpapakaranas sa lugar na ito.) Makatarungan lamang sabihin na hindi ito maabot ng karamihan sa mga tao. Maaaring hindi kayo makumbinsi ng mga salitang ito. Bakit ko sinasabi ito? Dahil noong kayo ay nakikinig sa mga sinasabi Ko noong una, paano Ko man ito sinabi, o sa kung anong mga salita, nang inyo itong marinig, sa literal at sa teorya ay may kamalayan kayo ukol sa Aking sinasabi, ngunit ang isang lubhang seryosong isyu sa inyo ay, hindi ninyo naintindihan kung bakit Ko nasabi ang mga bagay na ito, bakit Ako nagsalita ukol sa mga paksang ito. Ito ang pinakapunto ng usapin. At kaya, bagamat ang pakikinig sa mga salitang ito ay nakadagdag at napagyaman ang inyong pagkaunawa ukol sa Diyos at sa Kanyang mga gawa, bakit naguguluhan pa rin kayo sa pagkilala sa Diyos? Ang katuwiran ay ito: Pagkarinig sa Aking sinabi, hindi naiintindihan ng karamihan sa inyo kung bakit Ko nasabi ito, at kung anong kaugnayan mayroon ito sa pagkilala sa Diyos. Hindi nga ba? Ano ang kinalaman ng kawalan ninyo ng kakayahan na maintindihan ang kaugnayan nito sa pagkilala sa Diyos? Naisip na ba ninyo kailanman ang ukol dito? Marahil hindi pa. Ang katuwiran kung bakit hindi ninyo naiintindihan ang mga bagay na ito ay sapagkat ang inyong karanasan sa buhay ay masyadong mababaw. Kung ang kaalaman at karanasan ng mga tao ukol sa mga salita ng Diyos ay mananatili sa napakababaw na antas, kung gayon karamihan sa kanilang kaalaman ukol sa Diyos ay magiging malabo at mahirap unawain—ito ay magiging panimula, pandoktrina, at panteorya. Sa teorya, ito ay lumilitaw o masasabing makatwiran at rasonable, ngunit ang kaalaman sa Diyos na lumalabas sa mga bibig ng mga tao ay hungkag. At bakit Ko sinasabing ito ay hungkag? Sapagkat, sa totoo lang, sa iyong mga puso hindi kayo malinaw tungkol sa kung ang mga salita tungkol sa pagkilala sa Diyos na lumabas sa inyong mga bibig ay tama o hindi, kung ang mga ito ay eksakto o hindi. At kaya, bagamat karamihan sa mga tao ay nakarinig ng napakaraming mga impormasyon at mga paksa tungkol sa pagkilala sa Diyos, ang kanilang kaalaman ukol sa Diyos ay hindi pa umaabot lampas sa teorya at malabo at mahirap unawain na doktrina.
Kaya paano malulutas ang suliraning ito? Naisip niyo na ba kailanman ang ukol diyan? Kapag hindi hinanap ng isang tao ang katotohanan, maaari ba nilang taglayin ang realidad? (Hindi nila maaaring taglayin.) Tama. Tiyak na hindi nila makakayang taglayin. Kapag hindi hinanap ng isang tao ang katotohanan, kung gayon walang pag-aalinlangan na wala silang realidad, at kaya wala talaga silang kaalaman o karanasan ukol sa mga salita ng Diyos. At yaong bang mga hindi nakaaalam sa mga salita ng Diyos ay kilala ang Diyos? Walang pasubali! Ang dalawa ay magkakabit. Kaya, karamihan sa mga tao ay nagsasabi, “Paano naging napakahirap ang pagkilala sa Diyos? Bakit napakahirap nito? Bakit wala akong masabi tungkol sa kaalaman ukol sa Diyos?” Kapag kayo ay nagsasalita ukol sa pagkilala sa inyong sarili maaaring abutin kayo ng maraming oras, ngunit pagdating sa pagkilala sa Diyos wala kayong masabi. Maging kapag nagsalita kayo nang kaunti, ito ay pilit pa, at pangit pakinggan—ito ay saliwa pa sa inyong pandinig kapag naririnig ninyo ang inyong sariling sinasabi ito. Ito ang pinagmumulan. Kapag nararamdaman mo na ang pagkilala sa Diyos ay napakahirap, na ito ay masyadong mabigat para sa iyo, na wala kang masabi—wala talagang maibabahagi at mailalaan sa iba, at upang ilaan sa iyong sarili—kung gayon pinatutunayan lamang nito na hindi ikaw yaong nakaranas na sa mga salita ng Diyos. Ano ang mga salita ng Diyos? Ang mga salita ba ng Diyos ay hindi ang pagpapahayag ng kung anong mayroon at kung ano ang Diyos? Kung hindi mo pa naranasan ang mga salita ng Diyos, maaari ka bang magkaroon ng kaalaman ukol sa kung anong mayroon at kung ano ang Diyos? Siguradong wala, tama? Ang lahat ng mga bagay na ito ay magkakaugnay. Kung wala kang karanasan ukol sa mga salita ng Diyos, kung gayon ay hindi mo mapanghahawakan ang mga kalooban ng Diyos, at hindi malalaman kung ano ang Kanyang disposisyon, ano ang Kanyang mga kagustuhan, ano ang Kanyang mga kinasusuklaman, ano ang Kanyang mga kinakailangan para sa tao, kung ano ang Kanyang saloobin tungo doon sa mabubuti, at tungo sa masasama-ang lahat ng ito ay tiyak na magiging malabo at hindi maliwanag sa iyo. Kung ikaw ay naniniwala sa Diyos sa gitna ng gayong kalabuan, kapag sinasabi mo na isa ka sa mga naghahanap sa katotohanan at sumusunod sa Diyos, ang mga salita bang ito ay makatotohanan? Sila’y hindi! Kaya, ngayon, pumili ka: Anong paksa ang pipiliin niyo sa araw na ito? (Ang pagpasok sa buhay at ang personal na karanasan sa buhay ng isang tao.) (Pipiliin namin ang pagpasok sa buhay.) Sa aling bahagi ng mga paksa ang wala kayo tungkol sa pagpasok sa buhay? Nagsasabi ba ang inyong puso ng anuman? Hindi pa ninyo nalalaman, hindi ba? Anong paksa ang pipiliin ng ibang mga kapatid? Nais ba ninyong marinig ang tungkol sa kaalaman ukol sa Diyos, o tungkol sa karansan sa buhay? (Nais naming marinig ang tungkol sa pagkilala sa Diyos.) (Pagkilala sa Diyos.) Sige kung ganoon, karamihan sa inyo ay napili ang pagkilala sa Diyos. Kaya magpapatuloy tayo sa pag-uusap tungkol sa kaalaman ukol sa Diyos.
Sabik kayong lahat na marinig ang paksa na ating pag-uusapan sa araw na ito, tama? Ang paksa na ating pag-uusapan sa araw na ito ay may kaugnayan din sa paksang “Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay” na ating pinag-uusapan nitong nakaraan. Nagsagawa tayo ng maraming pag-uusap tungkol sa “Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay,” ang layunin niyon ay upang gumamit ng iba’t ibang kaparaanan at pananaw upang ipaalam sa mga tao kung paanong pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng mga bagay, sa paanong mga kaparaanan Siya namamahala sa lahat ng mga bagay, at sa anong mga prinsipyo Niya pinamamahalaan ang lahat ng mga bagay, sa gayon makairal sila sa planetang ito na nilikha ng Diyos. Napag-usapan din natin ang napakarami tungkol sa kung paano nagkakaloob ang Diyos para sa sangkatauhan: sa anong mga kaparaanan Siya nagkakaloob sa sangkatauhan, anong uri ng kapaligiran na pamumuhayan ang ipinagkakaloob Niya sa sangkatauhan, at sa anong mga kaparaanan at puwersa Siya nagkakaloob ng isang matatag na kapaligiran na pamumuhayan para sa tao. Bagamat hindi Ako nagsalita nang tuwiran ukol sa ugnayan sa pagitan ng kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng mga bagay, ang Kanyang pangangasiwa sa lahat ng mga bagay, at Kanyang pamamahala, Ako ay hindi tuwirang nagsalita kung bakit pinangangasiwaan Niya ang lahat ng mga bagay sa ganitong paraan, at kung bakit Siya nagkakaloob at pinakakain ang sangkatauhan sa ganitong paraan—ang lahat ng iyon ay may kaugnayan sa pamamahala ng Diyos. Ang nilalaman ng ating nabanggit ay masyadong malawak ang sinasaklaw: mula sa napakalaking kapaligiran hanggang sa mas maliliit na mga bagay kagaya ng mga pangunahing pangangailangan at pagkain ng mga tao; mula sa kung paano pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng bagay at paano pinatatakbo ang mga ito sa maayos na paraan, hanggang sa tama at wastong kapaligiran na pamumuhayan na nilikha Niya para sa mga taong may iba't ibang kulay ng balat, at iba pa. Ang malawak na nilalaman ito ay nakaugnay lahat sa kung paano mabuhay ang tao sa laman. Na ang ibig sabihin, lahat ng ito ay may kaugnayan sa mga bagay sa materyal na mundo na nakikita ng mata, at na nararamdaman ng mga tao, halimbawa, mga kabundukan, mga ilog, mga karagatan, mga kapatagan…. Ang lahat ng mga bagay na ito ay maaaring makita at mahawakan. Kapag nagsasalita Ako ukol sa hangin at temperatura, maaari ninyong gamitin ang inyong hininga upang tuwirang madama ang pag-iral ng hangin, at ang inyong katawan upang pakiramdaman kung ang temperatura ay mataas o mababa. Ang mga puno, damo, at ang mga ibon at mga hayop sa mga kagubatan, ang mga bagay na lumilipad sa himpapawid, at naglalakad sa lupa, at ang iba’t ibang maliit na hayop na lumalabas mula sa mga lungga, ay maaring makita ng sariling mga mata ng tao at marinig ng kanilang sariling mga tainga. Bagamat ang saklaw ng gayong mga bagay ay malawak, sa gitna ng lahat ng mga bagay kinakatawan lamang nila ang materyal na mundo. Sa mga tao, ano ang mga bagay na nakikita nila? Ang mga ito ay materyal na mga bagay. Ang mga materyal na mga bagay ang siyang nakikita at nahahawakan ng mga tao, na ang ibig sabihin, kapag nahawakan mo ang mga ito, mararamdaman mo sila, at kapag nakita sila ng iyong mga mata, ipakikita ng iyong utak ang isang imahe, isang larawan. Sila ay mga bagay na tunay at totoo; sa iyo hindi sila mahirap unawain, ngunit may hugis at anyo; maaari silang maging parisukat, o bilog, o mataas o mababa, malaki o maliit; at ang bawat isa ay nagbibigay sa inyo ng kakaibang impresyon. Ang lahat ng mga bagay na ito ay kumakatawan sa bahaging iyon ng lahat ng mga bagay na siya ngang materyal na mundo. At kaya, ano ang “lahat ng mga bagay” sa “kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng mga bagay” ang maidadagdag sa Diyos? Hindi lamang nila kinabibilangan ang mga bagay na nakikita at nahahawakan ng mga tao, ngunit, mangyari pa, yaong hindi nakikita at hindi nasasalat. Ito ay isa sa tunay na mga kahulugan ng kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng mga bagay. Kahit na ang mga bagay na ito ay hindi nakikita at hindi nasasalat ng mga tao, sila rin ay mga katotohanan na talagang umiiral. Sa Diyos, hangga’t napagmamasdan sila ng Kanyang mga mata at nasa loob ng saklaw ng Kanyang kapangyarihan, sila ay talagang umiiral. Bagamat, sa sangkatauhan, hindi sila malinaw at hindi maisip—at bagamat, mangyari pa, sila ay hindi nakikita at hindi nasasalat—sa Diyos sila ay tunay at talagang umiiral. Ang gayon ay isa pang mundo ng lahat ng mga bagay na pinamamahalaan ng Diyos, at ito ay isa pang bahagi ng saklaw ng lahat ng mga bagay na pinamamahalaan Niya. Ito ang paksa na ating pinag-uusapan sa araw na ito—kung paanong pinamamahalaan at pinangangasiwaan ng Diyos ang espirituwal na mundo. Yamang ang paksang ito ay sumasaklaw sa kung paano pinamamahalaan at pinangangasiwaan ng Diyos ang lahat ng mga bagay, ito ay may kaugnayan sa mundo sa labas ng materyal na mundo—ang espirituwal na mundo—at kaya lubos ang pangangailangan para sa atin na maintindihan ito. Pagkatapos mapag-usapan at maintindihan ang nilalaman na ito saka pa lamang dalisay na maiintindihan ng mga tao ang tunay na kahulugan ng mga salitang “Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay.” At ang nilalayon ng ganitong paksa ay upang makumpleto ang tema ng “Pinangangasiwaan ng Diyos ang lahat ng mga bagay, at Pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng mga bagay.” Marahil, kapag narinig ninyo ang paksang ito, maaaring madama ninyo na kakaiba o hindi kapani-paniwala sa inyo—ngunit maging anuman ang inyong maramdaman, dahil ang espirituwal na mundo ay isang bahagi ng lahat ng mga bagay na pinamamahalaan ng Diyos, kailangan niyong matutunan ang ilang bagay ukol sa paksang ito. Pagkatapos ninyong magawa ito, magkakaroon kayo ng mas malalim na pagpapahalaga, pagkaunawa at kaalaman sa mga salitang “Ang Diyos ang Siyang Pinagmumulan ng Buhay Para sa Lahat ng mga bagay.”
1. Paano Pinamamahalaan at Pinangangasiwaan ng Diyos ang Espirituwal na Mundo
Para sa materyal na mundo, kung hindi maintindihan ng mga tao ang ilang bagay o mga kakaibang pangyayari maaari silang magbukas ng aklat at maghanap ng kaugnay na impormasyon, o kung hindi man maaari silang gumamit ng iba’t ibang pamamaraan upang hanapin ang kanilang mga pinagmulan at ang kuwento sa likod ng mga ito. Ngunit pagdating sa isa pang mundo na ating pinag-uusapan sa araw na ito—ang espirituwal na mundo na umiiral sa labas ng materyal na mundo—ang mga tao ay tiyak na walang mga pamamaraan o mga daluyan ukol sa pagkatuto tungkol sa panloob na kuwento at katotohanan ukol rito. Bakit ko sinasabi ito? Sapagkat, sa mundo ng sangkatauhan, ang lahat ng mga bagay sa materyal na mundo ay hindi maihihiwalay mula sa pisikal na pag-iral ng tao, at dahil nararamdaman ng tao na ang lahat ng mga bagay sa materyal na mundo ay hindi maihihiwalay mula sa pamumuhay na pisikal at pisikal na buhay, ang nalalaman lamang ng karamihan sa mga tao, o nakikita, ang materyal na mga bagay na nakikita ng kanilang mga mata, ang mga bagay na nakikita lamang nila. Ngunit pagdating sa espirituwal na mundo—na ibig sabihin ay, ang lahat ng mga bagay na nasa isa pang mundo—ito ay makatarungang sabihin na hindi pinaniniwalaan ng karamihan sa mga tao. Iyon ay dahil ito ay hindi nila nakikita, at naniniwala sila na hindi na kailangang ito ay maintindihan, o malaman ang anuman tungkol dito, na walang masabi ukol sa kung paanong ang espirituwal na mundong ito ay lubos na kakaibang mundo sa materyal na mundo. Sa Diyos, ito ay lantad, ngunit sa sangkatauhan ito ay nakatago at hindi lantad, at kaya nahihirapan ang mga tao na maghanap ng isang daluyan kung saan sa pamamagitan nito ay maiintindihan ang iba’t ibang aspeto ng mundong ito. Ang mga bagay na Aking sasabihin tungkol sa espirituwal na mundo ay may kinalaman lamang sa pamamahala at kapangyarihan ng Diyos. Siyempre, nakaugnay din ang mga ito sa kalalabasan at hantungan ng tao—ngunit hindi Ako magbubunyag ng mga misteryo, ni magsasabi Ako ng anumang mga lihim na gusto ninyong malaman, sapagkat ito ay may kaugnayan sa kapangyarihan ng Diyos, pamamahala ng Diyos, at pagkakaloob ng Diyos, at sa gayon kinakailangan Ko lamang magsalita ukol sa bahagi na kailangan ninyong malaman.
Una, hayaan ninyong tanungin ko kayo: Sa inyong isipan, ano ang espirituwal na mundo? Sa malawak na pananalita, ito ay isang mundo sa labas ng materyal na mundo, yaong isa na hindi nakikita o nasasalat ng mga tao. Ngunit sa inyong imahinasyon, anong uri ng mundo dapat ang espirituwal na mundo? Marahil, bilang resulta ng hindi pagkakakita dito, wala kayong kakayahan na ipagpalagay kung ano ito. Ngunit kapag nakaririnig kayo ng mga alamat ukol dito, maiisip pa rin ninyo, hindi ninyo magagawang pigilan ang inyong mga sarili. At bakit Ko sinasabi ito? May isang bagay na nangyayari sa napakaraming tao nang sila ay mga bata: Kapag nagkukuwento ang isang tao ng nakatatakot na kuwento sa kanila—tungkol sa mga multo, mga kaluluwa—sobra ang kanilang pagkatakot. At bakit sila natatakot? Sapagkat inilalarawan nila sa kanilang mga isip ang gayong mga bagay; kahit na hindi nila nakikita ang mga ito, nararamdaman nila na ang lahat ng ito ay nasa loob ng kanilang silid, nakatago kung saan, o sa madilim na lugar, at sila ay takot na takot na hindi sila naglalakas-loob na matulog. Lalong lalo na sa gabi, hindi sila magkalakas-loob na mapag-isa sa silid, o mag-isa sa patyo. Iyan ang espirituwal na mundo ng inyong guni-guni, at ito ay mundo na iniisip ng mga tao na nakatatakot. Ang bawat isa ay may ilang guni-guni, at ang bawat isa ay nakararamdam ng isang bagay.
Magsimula tayo sa espirituwal na mundo. Ano ang espirituwal na mundo? Hayaan ninyong bigyan Ko kayo ng maigsi at payak na paliwanag. Ang espirituwal na mundo ay isang mahalagang lugar, isa na naiiba mula sa materyal na mundo. At bakit Ko sinasabi na ito ay mahalaga? Pag-uusapan natin ang tungkol dito nang detalyado. Ang pag-iral ng espirituwal na mundo ay mayroong hindi maihihiwalay na kaugnayan sa materyal na mundo ng sangkatauhan. Ito ay may malaking papel na ginagampanan sa pag-inog ng buhay at kamatayan ng tao sa kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng mga bagay; ito ang kanyang papel, at ang isa sa mga dahilan kung bakit ang pag-iral nito ay mahalaga. Sapagkat ito ay isang lugar na hindi naaaninaw ng limang pandama, walang makahahatol nang wasto kung ito ay umiiral o hindi. Ang mga pangyayari sa espirituwal na mundo ay matalik na nakaugnay sa pag-iral ng sangkatauhan, bilang resulta nito ang mga pamamaraan ng pamumuhay ng sangkatauhan ay sobrang naimpluwensiyahan ng espirituwal na mundo. May kaugnayan ba ito sa kapangyarihan ng Diyos? Mayroon ito. Kapag sinasabi ko ito, naiintindihan ninyo kung bakit ko tinatalakay ang paksang ito: Sapagkat ito ay may kaugnayan sa kapangyarihan ng Diyos, at sa Kanyang pamamahala. Sa isang mundo na katulad nito—isang hindi nakikita ng mga tao—ito ang bawat kautusan ng langit, batas at sistema sa pamamahala nito ay higit na mas mataas kaysa sa mga kautusan at mga sistema ng alinmang bansa sa materyal na mundo, at walang nilalang na nabubuhay sa mundong ito na mangangahas na labagin o salungatin ang mga ito. Nauugnay ba ito sa kapangyarihan at pamamahala ng Diyos? Sa mundong ito, may mga malinaw na administratibong batas, malinaw na mga panlangit na kautusan, at malinaw na mga palatuntunan. Sa magkakaibang antas at sa magkakaibang lugar, ang mga tagapamahala ay mahigpit na namamalagi sa kanilang tungkulin at sumusunod sa mga patakaran at mga tuntunin, sapagkat alam nila kung ano ang magiging kalalabasan sa paglabag sa mga kautusan ng langit, nalalaman nila nang malinaw kung paano pinarurusahan ng Diyos ang masama at ginagantimpalaan ang mabuti, at kung paano Niya pinangangasiwaan ang lahat ng mga bagay, kung paano Niya pinamamahalaan ang lahat ng mga bagay, at, mangyari pa, malinaw nilang nakikita kung paano pinatutupad ng Diyos ang Kanyang mga panlangit na kautusan at mga batas. Ang mga ito ba ay kaiba sa materyal na mundo na tinitirhan ng sangkatauhan? Malaki ang kanilang pinagkaiba. Ito ay isang mundo na lubos na naiiba sa materyal na mundo. Yamang mayroong mga panlangit na kautusan, at mga batas, may kinalaman ito sa kapangyarihan, pamamahala ng Diyos, at, mangyari pa, sa disposisyon ng Diyos at sa kung anong mayroon at kung ano Siya. Sa pagkarinig nito, hindi ba ninyo nararamdaman na kailangan na talaga para sa Akin na magsalita ukol sa paksang ito? Ayaw ba ninyong malaman ang nakapaloob na mga lihim? Ang gayon ay ang pananaw sa espirituwal na mundo. Bagamat ito ay kasabay na umiiral ng materyal na mundo, at sabay na napaiilalim sa pamamahala at kapangyarihan ng Diyos, ang pamamahala at kapangyarihan ng Diyos sa mundong ito ay higit na mas mahigpit kaysa doon sa materyal na mundo. Pagdating sa mga detalye, dapat tayong magsimula sa kung paanong ang espirituwal na mundo ay may pananagutan para sa gawain ng pag-inog ng buhay at kamatayan ng sangkatauhan, sapagkat ang gawaing ito ay isang malaking bahagi ng gawain ng mga nilalang sa espirituwal na mundo.
Sa gitna ng sangkatauhan, inuuri Ko ang mga tao sa tatlong uri. Ang unang uri ay ang mga hindi sumasampalataya, ang mga walang relihiyosong mga pananampalataya. Sila ang mga tinatawag na hindi sumasampalataya. Ang higit na nakararaming mga hindi sumasampalataya ay naniniwala lamang sa salapi, hinahanap lamang nila ang kanilang sariling mga kapakinabangan, sila ay mga materyoso, at ang pinaniniwalaan lamang nila ay ang materyal na mundo, hindi ang pag-inog ng buhay at kamatayan, at anumang mga kasabihan tungkol sa mga diyos at mga espiritu. Inuuri Ko sila bilang mga hindi sumasampalataya, at sila ang unang uri. Ang ikalawang uri ay ang iba’t ibang tao na may pananampalataya na hiwalay mula sa mga hindi sumasampalataya. Sa gitna ng sangkatauhan, hinahati Ko ang mga taong ito na may pananampalataya sa ilang pangunahing mga uri: Ang una ay ang mga Hudyo, ang ikalawa ay ang mga Katoliko, ang ikatlo ay ang mga Kristiyano, ang ikaapat ay ang mga Muslim, at ang ikalima ay ang mga Budista—may limang uri. Ito ang iba’t ibang uri ng mga taong may pananampalataya. Ang ikatlong uri ay yaong mga naniniwala sa Diyos, na may kinalaman sa inyo. Ang uri ng mga sumasampalatayang ito ay yaong mga sumusunod sa Diyos sa araw na ito. Ang mga taong ito ay nahahati sa dalawang uri: Ang mga taong pinili ng Diyos at ang mga tagapaglingkod. Tama! Malinaw na makikilala ang pagkakaiba ng dalawang pangunahing uring ito. Kaya ngayon, sa inyong mga isip malinaw ninyong makikilala ang pagkakaiba ng mga uri at mga antas ng mga tao. Ang una ay ang mga taong hindi sumasampalataya—nasabi Ko na kung ano ang mga hindi sumasampalataya. Marami sa mga taong hindi samasampalataya ay naniniwala lamang sa Matandang Lalaki sa Langit; naniniwala sila na ang hangin, ulan, at ang kulog ay kontrolado nitong Matandang Lalaki sa Langit, na kanilang inaasahan sa pagtatanim ng mga halaman at ang pag-aani—ngunit sa pagbanggit sa pananampalataya sa Diyos ay umaayaw sila. Matatawag ba itong pananampalataya sa Diyos? Ang gayong mga tao ay nabibilang sa mga taong hindi sumasampalataya. Yaong mga hindi naniniwala sa Diyos at naniniwala lamang sa Matandang Lalaki sa Langit ay lahat mga taong hindi sumasampalataya; ang lahat ng hindi naniniwala sa Diyos, o sumusunod sa Diyos, ay mga taong hindi sumasampalataya. Ang ikalawang uri ay yaong mga kaanib sa limang pangunahing mga relihiyon at mga naniniwala sa malabong Diyos. Ang ikatlong uri ay yaong naniniwala sa praktikal na Diyos na naging tao sa panahon ng huling mga araw—yaong mga sumusunod sa Diyos sa araw na ito. At bakit Ko hinati ang mga tao sa tatlong uri na ito? (Sapagkat sila ay may magkakaibang hantungan at katapusan.) Yaon ay isang aspeto. Sapagkat, kapag yaong iba’t ibang lahi at uri ng mga tao ay magbalik sa espirituwal na mundo, ang bawat isa ay may magkakaibang lugar na pupuntahan, sila ay isasailalim sa iba’t ibang kautusan ng pag-inog ng buhay at kamatayan, at ito ang dahilan kung bakit Ko inuri ang mga tao sa mga pangunahing uring ito.
1) Ang Pag-inog ng Buhay at Kamatayan ng Mga Taong Hindi Sumasampalataya
Simulan natin sa pag-inog ng buhay at kamatayan ng mga taong hindi sumasampalataya. Pagkatapos mamatay ng tao, sila ay kinukuha ng isang tagapamahala mula sa espirituwal na mundo. At ano ang kinukuha sa kanila? Hindi ang kanilang laman, kundi ang kanilang kaluluwa. Kapag ang kanilang kaluluwa ay kinuha na, darating sila sa isang lugar na isang sangay ng espirituwal na mundo, yaong sadyang tumatanggap sa mga kaluluwa ng mga tao na kamamatay pa lamang. (Tandaan: Ang unang lugar na pupuntahan nila pagkatapos mamatay ng isang tao ay kakaiba sa kaluluwa.) Kapag sila ay dinala sa lugar na ito, ang isang opisyal ang magsasagawa ng mga unang pagsisiyasat, titiyakin ang kanilang pangalan, tirahan, edad, at ano ang ginawa nila sa kanilang buhay. Ang lahat ng mga bagay na ginawa nila sa kanilang buhay ay nakatala sa isang aklat at tinitiyak para sa kawastuan. Pagkatapos itong masiyasat lahat, ang pag-uugali at mga pagkilos ng sa buong buhay nila ay ginagamit upang pasiyahan kung sila ay maparurusahan o patuloy na sa muling pagkakatawang-tao bilang tao, na siyang unang yugto. Ang unang yugto bang ito ay nakatatakot? Ito ay hindi gaanong nakatatakot, sapagkat ang tanging bagay na nangyari ay dumating ang tao sa madilim at hindi kilalang lugar. Hindi naman iyon gaanong nakatatakot.
Sa ikalawang yugto, kung ang taong ito ay nakagawa ng maraming masamang bagay sa buong buhay nila, kung sila ay nakagawa ng maraming mga masasamang gawa, kung gayon sila ay dadalhin sa isang lugar ng pagpaparusa upang parusahan. Yaon ang magiging lugar kung saan sila dadalhin, isang lugar na talagang para sa parusa ng mga tao. Ang mga pagtukoy kung paano sila parurusahan ay batay sa mga kasalanan na kanilang ginawa, at kung gaano karaming masasamang bagay na kanilang ginawa bago sila namatay—na siyang unang kalagayan na nangyayari sa ikalawang yugto. Dahil sa mga bagay na kanilang ginawa at ang kasamaan na kanilang ginawa bago sila namatay, kapag sila ay nagkatawang-tao kasunod ng kanilang kaparusahan—kapag sila ay isinilang muli sa materyal na mundo—ang ilang tao ay patuloy na magiging tao, at ang ilan ay magiging mga hayop. Na ang ibig sabihin, pagkabalik ng tao mula sa espirituwal na mundo, sila ay parurusahan dahil sa kasamaan na kanilang nagawa; mangyari pa, dahil sa masasamang bagay na kanilang ginawa, sa kanilang susunod na pagkakatawang-tao hindi sila magiging tao, kundi isang hayop. Ang saklaw ng mga hayop na maari silang maging ay kinabibilangan ng mga baka, mga kabayo, mga baboy, at mga aso. Ang ilang tao ay maaring maging isang ibon sa himpapawid, o isang pato o gansa…. Pagkatapos nilang muling naging laman bilang isang hayop, kapag sila ay namatay babalik sila sa espirituwal na mundo, at, gaya ng dati, batay sa kanilang pag-uugali bago sila namatay ang espirituwal na mundo ay magpapasiya kung maaari o hindi sila magkakatawang-tao bilang tao.
Karamihan sa mga tao ay nakagagawa ng sobrang daming kasamaan, ang kanilang mga kasalanan ay masyadong mabigat, at kaya kapag sila ay muling naging laman sila ay nagiging isang hayop nang makapito o maka-labindalawang beses. Pito hanggang labindalawang beses—hindi ba iyon nakatatakot? Ano ang nakatatakot sa inyo? Ang isang tao magiging isang hayop, yaon ay nakatatakot. At para sa isang tao, ano pa ang pinakamasakit tungkol sa pagiging isang hayop? Ang hindi pagkakaroon ng wika, ang pagkakaroon ng mga payak na saloobin lamang, makagagawa lamang ng mga bagay na ginagawa ng mga hayop at kakainin ang mga bagay na kinakain ng mga hayop, pagkakaroon ng payak na pag-iisip at pakikipag-usap gamit ang katawan ng isang hayop, hindi magagawang maglakad nang tuwid, hindi magagawang makipagtalastasan sa mga tao, at wala sa pag-uugali at mga aktibidad ng mga tao ang nagdadala ng anumang kaugnayan sa mga hayop. Na ang ibig sabihin, sa gitna ng lahat ng mga bagay, ang pagiging hayop ay gagawin kayong pinakamababa sa lahat ng buhay na bagay, at ito ay higit na mas masakit kaysa sa pagiging tao. Ito ay isang aspeto ng parusa ng espirituwal na mundo sa mga nakagawa ng sobrang kasamaan at nakagawa ng malaking mga kasalanan. Pagdating sa tindi ng parusa, ito ay pinapasiyahan sa pamamagitan ng naging uri ng hayop sila. Halimbawa, ang pagiging isang baboy ba ay mainam kaysa sa pagiging isang aso? Ang isang baboy ba ay nabubuhay nang mas mainam o mas malala kaysa sa isang aso? Mas malala, sigurado. Kung ang mga tao ay magiging isang baka o isang kabayo, mabubuhay ba sila nang mas mainam o mas malala kaysa sa isang baboy? (Mas mainam.) Para itong, kung papipiliin, mayroon kayong panlasa. Mas magiging maginhawa ba kung ang isang tao ay magiging isang pusa? Ito ay higit na mas magiging maginhawa kaysa maging isang kabayo o baka. Kung nagkaroon kayo ng pagpipilian sa pagitan ng mga hayop, pipiliin ninyo ang maging isang pusa, at yaon ay mas maginhawa, sapagkat maaari ninyong ipahinga ang karamihan sa inyong oras sa pagtulog. Ang maging isang baka o kabayo ay higit na matrabaho, at kaya kapag ang mga tao ay muling naging laman bilang baka o kabayo, kailangan nilang magtrabaho nang mabigat—na tila ito ay parang isang malupit na parusa. Ang maging isang aso ay medyo mainam kaysa sa isang baka o kabayo, sapagkat ang isang aso ay may mas malapit na kaugnayan sa kanyang panginoon. Ano pa, sa araw na ito, napakaraming tao ang nag-aalaga ng isang aso at pagkatapos ng tatlo o limang taon natutuhan nitong maintindihan ang napakarami sa kanilang sinasabi! Sapagkat naiintindihan ng isang aso ang marami sa mga salita ng kanyang panginoon, ito ay may mabuting pagkaunawa sa kanyang panginoon, at maaari itong umangkop sa kalooban at mga kinakailangan ng kanyang panginoon, kaya tinatrato ng panginoon ang kanyang aso nang mas mainam, at ang aso ay kumakain nang mas mainam at umiinom nang mas mainam, at kapag ito ay may sakit na nararamdaman ito ay lalo pang inaasikaso—kaya hindi ba nagtatamasa ng isang masayang buhay ang isang aso? Kaya, ang pagiging isang aso ay mas mainam kaysa sa isang baka o kabayo. Sa ganito, ang kalubhaan ng parusa sa tao ang nagpapasiya kung ilang beses sila magkakatawang-tao bilang isang hayop, at sa aling uri ng hayop sila magkakatawang-tao. Naiintindihan ninyo, oo?
Sapagkat nakagawa sila ng napakaraming kasalananan habang sila ay nabubuhay, ang ilang tao ay maparurusahan sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao bilang isang hayop nang makapito o maka-labindalawang beses. Sa sapat na bilang ng paulit-ulit na pagkaparusa, kapag sila ay nagbalik sa espirituwal na mundo sila ay dadalhin sa isang lugar. Ang iba’t ibang kaluluwa sa lugar na ito ay naparusahan na, at mga uri na inihahanda upang muling maging laman bilang isang tao. Inuuri ng lugar na ito ang bawat kaluluwa sa isang uri alinsunod sa kung anong uri ng pamilya sila isisilang, anong uri ng tungkulin ang kanilang gagampanan kapag sila ay nagkatawang-tao na, at iba pa. Halimbawa, ang ilang tao ay magiging mga mang-aawit sa pagdating nila sa mundong ito, at kaya inilalagay sila sa mga mang-aawit; ang ilan ay magiging mga negosyante sa pagdating nila sa mundong ito, kaya sila ay inilagay sa gitna ng mga taong negosyante; at kung ang isang tao ay magiging isang siyentipikong mananaliksik kapag sila’y naging tao, kung gayon sila ay ilalagay sa gitna ng mga siyentipikong mananaliksik. Pagkatapos na sila ay mauri, ang bawat isa ay ipadadala alinsunod sa magkakaibang panahon at itinakdang petsa, kagaya lang kung paano magpadala ng mga e-mail ang mga tao sa araw na ito. Sa ganito makukumpleto ang isang pag-inog ng buhay at kamatayan, at ito ay masyadong dramatiko. Magmula sa araw na makarating ang isang tao sa espirituwal na mundo at hanggang sa matapos ang kanilang parusa, sila ay maaaring muling maging laman bilang hayop nang maraming beses, at sila ay maghahanda na muling maging laman bilang isang tao; ito ay isang kumpletong proseso.
At yaon bang mga natapos nang maparusahan, at hindi na magkakatawang-tao bilang mga hayop, ay kaagad na ipadadala sa materyal na mundo upang maging tao? O gaano pa katagal bago sila maaring makisalamuha sa tao? Gaano kadalas kung saan ang mga taong ito ay magiging tao?[a] May mga pansamantalang mga paghihigpit sa ganito. Ang lahat ng nangyayari sa espirituwal na mundo ay isasailalim sa angkop na pansamantalang mga paghihigpit at mga patakaran—kung saan, kung ipaliliwanag Ko ito sa bilang, inyong maiintindihan. Para sa mga muling naging laman sa loob ng maigsing panahon, kapag sila ay namatay ang kanilang muling pagsilang bilang tao ay ihahanda. Ang pinakamaigsing panahon ay tatlong araw. Para sa ilang tao, ito ay tatlong buwan, para sa ilan ito ay tatlong taon, para sa ilan ito ay tatlumpung taon, para sa ilan ito ay tatlong daang taon, para sa ilan ito ay tatlong libong taon pa, at iba pa. Kaya ano ang maaring masabi sa pansamantalang mga patakaran na ito, at ano ang kanilang nilalaman? Ang pagdating ng isang kaluluwa sa materyal na mundo, mundo ng tao, ay ayon sa pangangailangan: Ito ay alinsunod sa papel na gagampanan ng kaluluwang ito dito sa mundo. Kapag ang mga tao ay muling nagkatawang-tao bilang isang karaniwang tao, karamihan sa kanila ay muling magkakatawang-tao kaagad, sapagkat ang mundo ng tao ay may madaliang pangangailangan para sa gayong karaniwang mga tao, at kaya pagkatapos ng tatlong araw sila ay ipadadala muli sa isang pamilya na lubos na naiiba doon sa isa na kinabibilangan nila bago sila namatay. Ngunit may ilan na kailangang gumanap ng natatanging papel sa mundong ito. Ang “natatangi” ay nangangahulugang walang malaking pangangailangan para sa mga taong ito sa mundo ng tao; hindi kailangan ang maraming tao upang gumanap sa gayong papel, at kaya maaari itong umabot ng tatlong daang taon bago sila magkatawang-tao.[b] Na ang ibig sabihin, ang kaluluwang ito ay minsan lamang darating kada tatlong daang taon, o maaari pang minsan kada tatlong libong taon. At bakit ito ganito? Sapagkat sa loob ng tatlong daang taon o tatlong libong taon, ang gayong papel ay hindi kinakailangan sa mundo ng tao, at kaya ay pinananatili sa isang lugar sa espirituwal na mundo. Kunin si Confucius, bilang halimbawa. Nagkaroon siya ng malalim na impluwensiya sa tradisyonal na kulturang Tsino. Malamang lahat kayo ay kilala siya; ang kanyang pagdating ay nagkaroon ng malalim na epekto sa kultura, kaalaman, tradisyon, at pag-iisip ng mga tao sa panahong iyon. Ngunit ang isang tao na kagaya nito ay hindi kinakailangan sa bawat kapanahunan, at kaya kinailangan niyang manatili sa espirituwal na mundo, naghihintay doon sa loob ng tatlong daang taon o tatlong libong taon bago muling magkatawang-tao. Dahil ang mundo ng tao ay walang pangangailangan sa isang taong kagaya nito, kinailangan niyang maghintay na walang ginagawa, sapagkat sobrang kaunti lamang ng mga papel ang kagaya ng sa kanya, kaunti lamang ang kanyang magagawa, at kaya kinailangan niyang manatili sa isang lugar sa espirituwal na mundo nang higit sa lahat ng panahon, walang ginagawa, at ipadadala kung magkaroon ng pangangailangan sa kanya ang mundo ng mga tao. Ang mga gayon ay ang daigdig na espirituwal ng pansamantalang mga patakaran para sa dalas kung saan ay nagkakatawang-tao ang karamihan sa mga tao. Maging sila ay isang taong karaniwan o natatangi, ang espirituwal na mundo ay may angkop na mga patakaran at tamang mga kasanayan para sa pagproseso ng muling pagkakatawang-tao ng mga tao, at ang mga patakaran at mga pagsasagawang ito ay galing sa Diyos, ang mga ito ay ipinadadala mula sa Diyos, at hindi pinapasyahan o pinamamahalaan ng sinumang tagapamahala o nilalang sa espirituwal na mundo. Ngayon naintindihan ninyo, oo?
Para sa alinmang kaluluwa, ang papel na kanilang gagampanan pagkatapos muling magkatawang-tao—kung ano ang kanilang papel ay narito sa buhay na ito—anong pamilya sila maisisilang, at ano ang kanilang magiging buhay ay may malapit na kaugnayan sa kanilang nagdaang buhay. Ang lahat ng uri ng mga tao ay nagpupunta sa mundo ng tao, at ang mga papel na kanilang ginagampanan ay magkakaiba, kagaya ng mga tungkulin na kanilang tutuparin. At anong mga tungkulin ang mga ito? Ang ilang tao ay dumarating upang magbayad ng utang: Kung may utang sila sa iba nang napakaraming salapi sa kanilang nagdaang buhay, sila ay magbabayad ng utang. Ang ilan sa mga tao, samantala, ay dumating upang maningil ng pautang: Sila ay naloko sa napakaraming mga bagay, at napakaraming salapi sa nagdaan nilang buhay, at kaya pagkatapos nilang dumating sa espirituwal na mundo, bibigyan sila ng hustisya ng espirituwal na mundo at tutulutan silang maningil ng kanilang pautang sa buhay na ito. Ang ilang tao ay darating upang magbayad ng utang na loob: Sa panahon ng kanilang nagdaang buhay—bago sila namatay—may isang tao ang naging mabait sa kanila, at sa buhay na ito sila ay nabigyan ng malaking pagkakataon na muling magkatawang-tao at kaya sila ay isinilang muli upang bayaran ang utang na loob na ito. Ang iba naman, samantala, ay muling isinilang sa mundong ito upang umangkin ng buhay. At kaninong buhay ang kanilang aangkinin? Ang tao na pumatay sa kanila sa kanilang nagdaang buhay. Kung susumahin, ang bawat kasalukuyang buhay ng tao ay may dala-dalang matibay na kaugnayan sa kanilang nagdaang buhay, ang kaugnayan nito ay hindi maihihiwalay. Na ang ibig sabihin, ang bawat kasalukuyang buhay ng tao ay apektado nang malaki sa kanilang nagdaang buhay. Halimbawa, bago siya mamatay dinaya ni Zhang si Li ng napakalaking halaga ng salapi. Kaya si Zhang ba ay may utang kay Li? Kung mayroon siya, natural lang ba na singilin ni Li sa kanyang utang si Zhang? At kaya, pagkatapos nilang mamatay, may pagkakautang na dapat na lutasin sa pagitan nilang dalawa, at kapag sila ay muling maging laman at si Zhang ay naging tao, paano siya sisingilin ni Li sa kanyang pagkakautang? Ang isang paraan ay ang sisingilin ni Li ang kanyang utang sa pamamagitan ng pagkasilang muli bilang anak ni Zhang, na si Zhang bilang kanyang ama. Ganito ang mangyayari sa buhay na ito, sa kasalukuyang buhay. Ang ama ni Li na si Zhang ay kumikita ng napakaraming salapi, at ito ay lulustayin ng kanyang anak, na si Li. Gaano man kalaking salapi ang kitain ni Zhang, ang kanyang anak na si Li ay “tinutulungan” siya sa paggugol dito. Gaano man kalaki ang kinikita ni Zhang, ito ay hindi kailanman magiging sapat, at ang kanyang anak, samantala, sa ilang kadahilanan ay palaging nauuwi sa paggastos sa salapi ng kanyang ama sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan at kaparaanan. Si Zhang ay nagtataka: “Ano ang nangyayari? Bakit ang anak ko ay palaging isang malas? Bakit ang mga anak ng ibang mga tao ay masyadong mabuti? Bakit ang aking anak ay walang pangarap, bakit masyado siyang walang silbi at walang kakayahan na kumita ng anumang salapi, bakit palagi kong kailangang suportahan siya? Yamang kailangan kong suportahan siya gagawin ko, ngunit bakit gaano mang halaga ng salapi ang ibigay ko sa kanya, palagi siyang nangangailangan ng mas marami? Bakit hindi siya makapagtrabaho nang maayos? Bakit siya batugan, kumakain, umiinom, nambabae, nagsusugal—ginagawa lahat ng ito? Ano ang nangyayari sa mundo?” Sa gayon si Zhang ay nag-isip sumandali: “Ito ba ay dahil may pananagutan ako sa kanya sa nagdaang buhay? Ah, maaaring ito ay ang pagkautang ko sa kanya sa nagdaang buhay. Kung gayon, babayaran ko ito! Hindi ito matatapos hangga’t hindi ko binayaran ito nang buo!” Maaaring dumating ang araw na mabawi ni Li ang kanyang pautang, at kapag siya ay apatnapu o limampu, darating ang araw na bigla na lang siyang matatauhan: “Hindi ako nakagawa ng kahit isang bagay na mabuti sa unang kalahati ng aking buhay! Nalustay ko ang lahat ng salapi na pinagtrabauhan ng aking ama—dapat akong maging mabuting tao! Patitibayin ko ang sarili ko: Ako ay magiging isang tao na tapat, at mamumuhay nang maayos, at hindi na ako kailanman muling magbibigay ng kalungkutan sa aking ama!” Bakit niya naiisip ang ganito? Bakit siya biglang nagbago at naging mabuti? May dahilan ba para rito? Ano ang dahilan? Sa totoo lang, ito ay dahil nasingil niya ang kanyang pautang; ang pautang ay nabayaran na. Sa ganito, mayroong sanhi at epekto. Ang kuwento ay nagsimula noon, noon pang una, bago pa isilang ang dalawa, at kaya ang kuwentong ito ng kanilang nagdaang buhay ay dinala sa kanilang kasalukuyang buhay, at hindi masisisi ninuman ang sinuman. Anumang ituro ni Zhang sa kanyang anak, ang kanyang anak ay hindi kailanman nakinig, at hindi kailanman nagtrabaho nang maayos—ngunit sa araw na ang utang ay nabayaran, hindi na kailangang turuan pa siya; naintindihan ito kaagad ng kanyang anak. Ito ay isang payak na halimbawa, at mayroong mga, nang walang pag-aalinlangan, marami pang ibang mga ganitong halimbawa. At ano ang isinasaad nito sa mga tao? (Na dapat silang maging mabuti.) Na hindi sila dapat gumawa nang masama, at magkakaroon ng kagantihan sa kanilang masasamang mga gawa! Karamihan sa mga taong hindi sumasampalataya, makikita mo, nakagagawa ng sobra at malabis na kasamaan, at ang kanilang masasamang mga gawa ay lalapatan ng kagantihan, tama? Ngunit hindi ba makatwiran ang kagantihang ito? Ang lahat ng nilalapatan ng kagantihan ay may isang kaugnay na kahulugan at isang dahilan. Iniisip mo ba na walang mangyayari sa iyo matapos mong dayain sa salapi ang isang tao? Iniisip mo ba na, pagkatapos silang malinlang sa salapi, walang magiging bunga sa iyo pagkatapos mong tangayin ang kanilang salapi? Magiging imposible iyon: Anuman ang iyong ginawa gagawin din sa iyo—ito’y talagang totoo! Iyon ay upang sabihin na maging sino man sila, o maniwala man sila o hindi na mayroong Diyos, kailangang managot ng bawat tao para sa kanilang asal, at tiisin ang mga ibubunga ng kanilang mga pagkilos. Tungkol naman sa payak na halimbawang ito—si Zhang na pinarusahan, at si Li na binayaran—ito ba ay makatarungan? Makatarungan ito. Kapag ang mga tao ay gumagawa ng mga bagay kagaya noon, may gayong uri ng resulta. At ito ba ay nakahiwalay sa pamamahala ng espirituwal na mundo? Ito ay hindi maihihiwalay mula sa pamamahala ng espirituwal na mundo. Sa kabila ng pagiging mga taong hindi sumasampalataya, yaong mga hindi naniniwala sa Diyos, ang kanilang pag-iral ay nasa ilalim ng gayong panlangit na mga kautusan at mga batas kung saan walang sinuman ang makatatakas; gaano man kataas ang kanilang posisyon sa mundo ng tao, walang makaiiwas sa katotohanan na ito.
Yaong mga walang pananampalataya ay kadalasang naniniwala na ang lahat ng maaring makita ay umiiral, habang ang lahat nang hindi nakikita, o yaong masyadong malayo mula sa tao, ay hindi. Mas gusto nilang paniwalaan na walang “pag-inog ng buhay at kamatayan,” at walang “parusa,” at kaya sila ay nagkakasala at gumagawa ng masama nang walang pangangamba—pagkatapos kung saan sila ay naparusahan, o muling nagkatawang–tao bilang mga hayop. Karamihan sa iba’t-ibang mga tao sa gitna ng mga taong hindi sumasampalataya ay nahuhulog sa paulit-ulit na pagkakamaling ito. At bakit nagkaganoon? Sapagkat hindi nila alam na ang espirituwal na mundo ay mahigpit sa pamamahala nito sa lahat ng buhay na nilalang. Paniwalaan mo man ito o hindi, ang katotohanang ito ay umiiral, sapagkat wala kahit isang tao o bagay ang makatatakas sa saklaw ng kung anong pinagmamasdan ng mga mata ng Diyos, at wala kahit isang tao o bagay ang makatatakas sa mga patakaran at mga limitasyon ng panlangit na mga kautusan at mga batas ng Diyos. At kaya sinasabi sa bawat isa sa inyo ang payak na halimbawang ito; hindi alintana kung naniniwala ka man sa Diyos o hindi, hindi katanggap-tanggap na magkasala at gumawa ng masama, mayroong mga kahihinatnan, at ito ay tiyak. Kung ang isang tao ay nandaya sa iba dahil sa salapi ay pinarusahan, ang gayong parusa ay makatarungan at makatwiran, at matuwid. Ang pangkaraniwang nakikitang asal kagaya nito ay parurusahan ng espirituwal na mundo, parurusahan ng mga batas at panlangit na kautusan ng Diyos, at kaya ang talamak na kriminal at napakasamang asal—panggagahasa at pagnanakaw, pandaraya at panlilinlang, pang-uumit at panloloob, pagpatay at panununog, at iba pa—ay higit pang isinasailalim sa iba’t ibang parusa na may magkakaibang bigat. At ano ang kabilang sa mga parusa na may magkakaibang bigat na ito? Ang ilan sa mga ito ay gumugugol ng panahon upang itatag ang antas ng kalubhaan, ang ilan ay nagkakagayon sa pamamagitan ng magkakaibang mga sistema, at ang iba ay nagkakagayon sa pamamagitan ng kung saan nagpupunta ang mga tao kapag sila ay muling nagkatawang-tao. Halimbawa, ang ilan sa mga tao ay mahalay ang bibig. Ano ang tinutukoy ng pagiging “mahalay ang bibig”? Nangangahulugan ito nang malimit na pagtutungayaw sa iba at paggamit ng malisyosong pananalita, pananalita na sumusumpa sa mga tao. Ano ang ipinahihiwatig ng malisyosong pananalita? Ipinahihiwatig nito na ang isang tao ay may masamang puso. Ang malisyosong pananalita na sumusumpa sa mga tao ay kadalasang nagmumula sa mga bibig ng gayong mga tao, at ang gayong malisyosong pananalita ay may kakabit na mabigat na kahihinatnan. Pagkatapos mamatay ng mga taong ito at matanggap ang kaukulang parusa, maari silang muling isilang bilang mga pipi. Ang ilang tao ay masyadong tuso nang sila ay nabubuhay, madalas nilang nilalamangan ang iba, ang kanilang maliit na mga pakana ay talagang planado nang husto, at gumagawa sila nang labis na nakapipinsala sa iba. Kapag sila ay isinilang na muli, maaaring bilang isang sintu-sinto o isa na may kapansanan sa pag-iisip. Ang ilang tao ay madalas sumilip sa pagiging pribado ng iba; ang kanilang mga mata ay nakakakita nang sobra na hindi nila dapat pinakikialaman, at marami silang alam na hindi naman dapat malaman, at kaya kung sila ay isisilang muli, maaaring sila’y bulag. Ang ilang tao ay masyadong listo nang sila ay nabubuhay, madalas silang makipag-away, at gumagawa ng maraming kasamaan, at kaya kapag sila ay isinilang muli maaari silang may kapansanan, lumpo o walang isang kamay, o kung hindi ay maging kuba sila, o may tabinging leeg, maaari silang maglakad na paika-ika, o magkaroon ng isang paa na mas maigsi kaysa sa isa, at iba pa. Sa ganito, sila ay isinailalim sa magkakaibang mga parusa batay sa antas ng kasamaan na kanilang ginawa habang nabubuhay. At ano ang masasabi ninyo, bakit ang mga tao ay duling? Marami ba ang gayong mga tao? Napakarami nilang nakapaligid sa panahong ito. Ang ilang tao ay duling sapagkat sa nagdaan nilang buhay ay ginamit nila nang sobra ang kanilang mga mata, gumawa rin sila ng maraming masasamang mga bagay, at kaya nang sila ay isilang muli sa buhay na ito ang kanilang mga mata ay duling, at sa malubhang mga kaso sila ay mga bulag pa. Sa tingin mo ba na ang mga taong duling at magandang pagmasdan? Nag-iiwan ba sila ng magandang impresyon? Tingnan kung paano silang may magandang balangkas na mukha, ang kanilang balat ay malinaw at maputla, sila ay may malalaking mga mata at dobleng pilik-mata—ngunit sa kasawiang palad isa sa kanilang mga mata ay duling. Ano ang nakakamukha nila? Wala ba itong kabuuang epekto sa pag-uugali ng tao? At sa ganitong epekto, anong uri ng buhay mayroon sila? Kapag nakikisalamuha sila sa iba, iniisip nila sa kanilang mga sarili: “Oh, ako ay duling! Hindi ako dapat masyadong tumingin sa mga tao, ayokong makita nila ang aking mga mata. Kailangang nakayuko ako kapag nagsalita, Hindi ko sila matingnan nang harapan.” Ang kanilang mga matang duling ay nakakaepekto sa kanilang pagtingin sa mga bagay, at ang kanilang kakayahang tumingin nang harapan sa mga tao. Sa ganito, hindi ba nila nawala ang gamit ng kanilang mga mata? At kaya, ang kanilang pagmamalabis sa kanilang mga nagdaang buhay? Kaya, sa susunod na buhay, hindi na sila mangangahas na gumawa ng anumang kasing-sama. Ito ang ganti!
Ang ilang tao ay nakakapalagayang-loob ang iba bago sila mamatay, gumagawa sila ng maraming mabuting bagay para sa mga nakapaligid sa kanila, para sa kanilang minamahal sa buhay, mga kaibigan, mga kasamahan, o sa mga taong may kaugnayan sa kanila. Tinutulungan nila ang iba, nagkakawanggawa sila at lumilingap sa iba, o tinutulungan nila sila sa pinansiyal, tinitingala sila ng iba, at kapag ang gayong mga tao ay nagbalik sa espirituwal na mundo sila ay hindi parurusahan. Upang hindi maparusahan ang isang taong hindi sumasampalataya sa anumang paraan nangangahulugan itong sila’y naging napakabuting tao. Sa halip na maniwala sa pag-iral ng Diyos, naniniwala lamang sila sa Matandang Lalaki sa Langit. Naniniwala lamang sila na mayroong espiritu sa ibabaw nila na nanonood sa lahat ng kanilang ginagawa—yaon lamang ang kanilang pinaniniwalaan. At ano ang resulta? Sila ay mas mabuti-pino ang kilos. Ang mga taong ito ay may mabuting puso at mapagkawanggawa, at kapag sa huli ay bumalik sila sa espirituwal na mundo, tatratuhin sila nang maayos ng espirituwal na mundo at kaagad silang muling magkakatawang-tao at isisilang muli. At sa anong uri ng pamilya sila makararating? Bagamat hindi ito magiging mayaman, ang buhay pamilya ay magiging payapa, magkakaroon ng pagtutulungan sa mga miyembro nito, pagdadaanan nila ang tahimik, masayang mga araw, ang lahat ay magiging masaya, at magkakaroon sila ng mabuting buhay. Kapag ang tao ay nakarating sa karampatang gulang, ipanganganak nila ang maraming anak na lalaki at anak na babae, at magkakaroon ng malaki at pinalawig na pamilya, ang kanilang mga anak ay magiging talentado at magtatamasa ng tagumpay, at sila at ang kanilang pamilya ay magtatamasa ng magandang kapalaran—at ang gayong kalalabasan ay may malaking kaugnayan sa nagdaang buhay ng tao. Na ang ibig sabihin, ang buong buhay ng tao, pagkatapos na pagkatapos nilang mamatay at saan sila pupunta kapag sila ay muling nagkatawang-tao, maging sila man ay lalaki o babae, kung ano ang kanilang misyon, kung ano ang pagdadaanan nila sa buhay, ang kanilang mga kasawian, kung anong mga pagpapala ang kanilang tinatamasa, sino ang kanilang makikilala, kung ano ang mangyayari sa kanila—walang makahuhula nito, makaiiwas nito, o makapagtatago mula rito. Na ang ibig sabihin, pagkatapos maitakda ang iyong buhay, sa anumang mangyayari sa iyo, gaano mo man balakin at iwasan ito, sa anumang mga pamamaraan mo balakin at iwasan ito, wala kang paraan para labagin ang pag-inog ng buhay na itinakda para sa iyo ng Diyos sa espiritwual na mundo. Sapagkat kapag ikaw ay muling nagkatawang-tao, ang kapalaran ng iyong buhay ay itinakda na. Maging ito man ay mabuti o masama, kailangang harapin ito ng lahat, at dapat na makapagpatuloy; ito ay isang isyu na walang sinumang nabubuhay sa mundong ito ang makaiiwas, at walang isyu ang mas makatotohanan. Tama, naintindihan mo ang lahat ng ito, oo?
Sa pagkaintindi nito, nakikita ba ninyo na ang Diyos ay mayroong masyadong mapaghanap at mahigpit na pagsisiyasat at pamamahala para sa pag-inog ng buhay at kamatayan ng mga taong hindi sumasampalataya? Una, ang Diyos ay nagtatag ng iba’t ibang panlangit na kautusan, batas, at sistema sa espirituwal na kaharian, at pagkatapos ng pagpapahayag nitong mga panlangit na kautusan, batas, at sistema, ang mga ito ay mahigpit na ipinatutupad, gaya ng itinakda ng Diyos, sa pamamagitan ng mga nilalang sa iba’t ibang opisyal na posisyon sa espirituwal na mundo, at walang sinuman ang nangangahas na labagin ito. At kaya, sa pag-inog ng buhay at kamatayan ng sangkatauhan sa mundo ng tao, maging ang isang tao man ay muling nagkatawang-tao bilang isang tao o isang hayop, may mga batas para sa dalawa. Sapagkat ang mga kautusang ito ay nagmula sa Diyos, walang sinuman ang nangangahas na labagin ang mga ito, ni walang sinuman ang makalalabag sa mga ito. Ito ay dahil lamang sa gayong kapangyarihan ng Diyos, at dahil mayroong gayong mga kautusan, na ang materyal na mundong iyon na nakikita ng mga tao ay karaniwan at may kaayusan; ito ay dahil lamang sa gayong kapangyarihan ng Diyos na ang sangkatauhan ay sabay na umiiral nang payapa sa iba pang mundo na lubos na hindi nakikita ng sangkatauhan, at nagagawang mabuhay nang may pagkakaisa—ang lahat ng ito ay hindi maihihiwalay sa kapangyarihan ng Diyos. Pagkatapos mamatay ng makalamang buhay ng kaluluwa, ang kaluluwa ay mayroon pa ring buhay, at kaya ano ang mangyayari kung wala ang pamamahala ng Diyos? Ang kaluluwa ay maglilibot sa lahat ng lugar, manghihimasok kahit saan, at makapipinsala pa sa mga buhay na bagay sa mundo ng sangkatauhan. Ang gayong pinsala ay hindi lamang tungo sa sangkatauhan, ngunit maaari rin namang tungo sa mga halaman at sa mga hayop—ngunit ang unang mapipinsala ay ang mga tao. Kung ito ay mangyayari—kung ang gayong kaluluwa ay walang kapamahalaan, at talagang napinsala ng mga tao, at talagang gumawa ng napakasamang mga bagay—kung gayon magkakaroon din ng maayos na pag-aasikaso sa kaluluwang ito sa espirituwal na mundo: Kung ang mga bagay ay malubha, ang kaluluwa ay kaagad na titigil sa pag-iral, ito ay mawawasak; hangga’t maaari, ilalagay ito sa isang lugar at pagkatapos ay muling magkakatawang-tao. Na ang ibig sabihin, ang pamamahala ng espirituwal na mundo sa iba’t ibang kaluluwa ay itinakda, at isinasakatuparan alinsunod sa mga hakbang at mga patakaran. Ito ay dahil lamang sa gayong pamamahala na ang materyal na mundo ng tao ay hindi nahulog sa mga kaguluhan, na ang sangkatauhan ng materyal na mundo ay nagtataglay ng normal na kaisipan, normal na pagkamakatuwiran, at isang isinasaayos na makalamang buhay. Pagkatapos lamang na magkaroon ang sangkatauhan ng gayong normal na buhay saka pa lamang makapagpapatuloy yaong mga nabubuhay sa laman sa pagpapaunlad at sa pagpaparami sa loob ng maraming salinlahi.
Ano ang palagay ninyo sa mga salitang karirinig pa lamang ninyo? Bago ba ang mga ito sa inyo? At ano ang inyong nararamdaman pagkatapos Kong sabihin ang mga salitang ito sa araw na ito? Maliban sa ang mga ito ay bago, may iba pa ba kayong nararamdaman? Sabihin ninyo sa Akin. (Ang mga tao ay dapat na maging masunurin, at nakikita na ang Diyos ay dakila at nakatatakot.) (Nararamdaman ko na lalo akong magiging mapitagan tungo sa Diyos, sa hinaharap lalo akong magiging maingat kapag may isang bagay na nangyayari sa akin, mas lalo akong magiging pino sa aking sasabihin at gagawin.) (Pagkarinig pa lang sa pakikipag-isa ng Diyos tungkol sa kung paano nakikitungo ang Diyos sa katapusan ng iba’t-ibang uri ng mga tao, sa isang banda nararamdaman kong hindi pinahihintulutan ng disposisyon ng Diyos ang anumang pagsama ng loob, at kailangang igalang ko Siya; at sa kabilang banda, nababatid ko kung anong uri ng mga tao ang nagugustuhan ng Diyos, at anong uri ang hindi Niya gusto, at kaya nais kong mapabilang sa yaong mga nagugustuhan Niya.) Nakikita ba ninyo na ang Diyos ay may prinsipyo sa Kanyang mga pagkilos sa bahaging ito? Ano ang mga prinsipyo kung saan Siya ay kumikilos? (Itinatakda Niya ang katapusan ng mga tao alinsunod sa lahat ng kanilang ginagawa.) Ito ay may kinalaman tungkol sa iba’t ibang katapusan para sa mga taong hindi sumasampalataya na katatalakay pa lamang natin. Pagdating sa mga taong hindi sumasampalataya, ang prinsipyo ba sa likod ng mga pagkilos ng Diyos ay yaong pinagpapala ang mabuti at pinarurusahan ang masama? Nakikita ba ninyo na mayroong isang prinsipyo sa mga pagkilos ng Diyos? Dapat ninyong makita na mayroon. Ang mga taong hindi sumasampalataya ay hindi naniniwala sa Diyos, hindi nila tinatalima ang katugmaan ng Diyos, at sila ay walang kamalayan sa kapangyarihan ng Diyos, lalong hindi nila kinikilala ang Diyos. Ang mas malala pa, nilalapastangan nila ang Diyos, at isinusumpa Siya, at nangangagalit sa mga naniniwala sa Diyos. Bagamat ang mga taong ito ay mayroong gayong asal tungo sa Diyos, ang pamamahala ng Diyos sa kanila ay hindi lumilihis sa Kanyang mga prinsipyo; pinangangasiwaan Niya sila sa maayos na paraan alinsunod sa Kanyang prinsipyo at Kanyang disposisyon. Paano ipinapalagay ng Diyos ang kanilang poot? Bilang kamangmangan! At kaya pinangyari ng Diyos sa mga taong ito—ang karamihan sa mga taong hindi sumasampalataya—na minsan ay muling maging laman bilang mga hayop. Kaya ano ang iyong masasabi sa mga hindi sumasampalataya sa mga mata ng Diyos? (Mga alagaing hayop.) Sa mga mata ng Diyos, sila ay sa ganitong uri, sila ay mga alagaing hayop. Pinangangasiwaan ng Diyos ang mga alagaing hayop, at pinangangasiwaan Niya ang sangkatauhan, at mayroon Siyang kaparehong mga prinsipyo para sa ganitong uri ng mga tao. Maging sa pamamahala ng Diyos sa mga taong ito at ang Kanyang mga pagkilos tungo sa kanila, mayroon pa ring makikitang disposisyon ng Diyos at ang mga kautusan para sa Kanyang kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. At kaya, nakikita ba ninyo ang kapangyarihan ng Diyos sa mga prinsipyo kung saan ay pinangangasiwaan Niya ang mga taong hindi sumasampalataya na kasasabi Ko lang? Nakikita ba ninyo ang matuwid na disposisyon ng Diyos? (Oo nakikita namin.) Nakikita ninyo ang kapangyarihan ng Diyos, at nakikita ninyo ang Kanyang disposisyon. Na ang ibig sabihin, alinman sa lahat ng mga bagay ang pakitunguhan Niya, ang Diyos ay kumikilos alinsunod sa Kanyang sariling mga prinsipyo at disposisyon. Ito ang diwa ng Diyos. Hindi Siya basta hihiwalay sa mga batas o mga panlangit na kautusan na Kanyang itinakda dahil itinuturing Niya ang ganitong uri ng mga tao bilang alagaing hayop; kumikilos ang Diyos alinsunod sa mga prinsipyo, nang wala ni katiting na kaguluhan, ang Kanyang mga pagkilos ay lubos na di naaapektuhan ng anumang dahilan, at maging anuman ang Kanyang gawin, lahat nito ay sa pagsunod sa Kanyang sariling mga prinsipyo. Ito ay pinagpasyahan sa pamamagitan ng katotohanan na ang Diyos ay mayroong diwa ng Diyos Mismo, na isang natatanging diwa na hindi taglay ng anumang nilikhang nilalang. Ang Diyos ay matapat at responsible sa Kanyang paghawak, pagharap, pamamahala, pangangasiwa, at pamumuno bawat bagay, tao, at buhay na bagay sa gitna ng lahat ng mga bagay na Kanyang nilikha, at hindi Siya kailanman naging pabaya dito. Sa mga mabubuti, Siya ay mapagpala at mabuti; sa mga masasama, nagpapataw Siya ng malupit na parusa; at para sa iba’t-ibang buhay na mga nilalang, Siya ay gumagawa ng angkop na mga pagsasaayos na napapanahon at regular alinsunod sa iba’t-ibang mga kinakailangan sa mundo ng sangkatauhan sa iba’t-ibang mga panahon, nang upang itong mga buhay na mga nilalang ay muling magkatawang-tao alinsunod sa mga papel na kanilang ginagampanan sa maayos na paraan, at lumipat sa pagitan ng materyal na mundo at sa espirituwal na mundo sa maayos na paraan. Ito ang dapat maintindihan at makilala ng sangkatauhan.
Ang kamatayan ng isang buhay na nilalang—ang pagwawakas ng isang pisikal na buhay—nagpapahiwatig na ang buhay na nilalang ay nakaalis mula sa materyal na mundo patungo sa espirituwal na mundo, habang ang pagsilang ng isang bagong pisikal na buhay ay nagpapahiwatig na isang buhay na nilalang ay dumating mula sa espirituwal na mundo patungo sa materyal na mundo at nagsimulang gawin ang papel nito, upang gampanan ang papel nito. Maging ito man ay pag-alis o pagdating ng isang nilalang, kapwa sila hindi maihihiwalay mula sa gawain ng espirituwal na mundo. Kapag ang isang tao ay dumating sa materyal na mundo, ang mga angkop na pagsasaayos at mga pakahulugan ay naisagawa na ng Diyos sa espirtuwal na mundo para sa pamilya na kanilang pupuntahan, ang panahon na kanilang pupuntahan, ang oras ng kanilang pagdating, at ang papel na kanilang gagampanan. At kaya ang buong buhay ng taong ito—ang mga bagay na kanilang ginagawa, at ang mga landas na kanilang tinatahak—ay magpapatuloy alinsunod sa mga pagsasaayos ng espirituwal na mundo, nang wala ni katiting na pagkakamali. Ang panahon kung kailan magwawakas ang isang pisikal na buhay, samantala, at ang paraan at ang lugar kung saan ito magwawakas, ay malinaw at namamalas sa espirituwal na buhay. Pinamamahalaan ng Diyos ang materyal na mundo, at pinamamahalaan Niya ang espirituwal na mundo, at hindi Niya pinatatagal ang normal na pag-inog ng buhay at kamatayan ng isang kaluluwa, ni hindi Siya makagagawa ng anumang mga pagkakamali sa pagsasaayos ng pag-inog ng buhay at kamatayan ng isang kaluluwa. Ang bawat mga namamahala sa opisyal na mga puwesto sa espirituwal na mundo ay tinutupad ang kanilang mga pananagutan, at ginagawa ang kinakailangan nilang gawin, alinsunod sa mga tagubilin at mga patakaran ng Diyos. At kaya, sa mundo ng sangkatauhan, ang bawat materyal na pangyayari na nakikita ng tao ay nasa ayos, at hindi naglalaman ng kaguluhan. Ang lahat ng ito ay dahil sa maayos na pamamahala ng Diyos sa lahat ng mga bagay, at dahil din sa ang awtoridad ng Diyos ang namamahala sa lahat, at kabilang sa lahat ng mga bagay na pinamamahalaan Niya ang materyal na mundo na tinitirhan ng tao, at, mangyari pa, ang hindi nakikitang espirituwal na mundo sa likod ng sangkatauhan. At kaya, kung nagnanais ang sangkatauhan na magkaroon ng mabuting buhay, at nagnanais na manirahan sa magandang mga kapaligiran, bukod sa paglalaan sa buong materyal na mundo na nakikita, ang tao ay kailangan ding paglaanan ng espirituwal na mundo, na walang sinumang nakakakita, na siyang namamahala sa bawat buhay na nilalang sa ngalan ng sangkatauhan, at ito ay maayos. Kaya, kapag sinabi na Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay, hindi ba natin naidagdag sa ating kamalayan at pagkaunawa sa “lahat ng mga bagay”?
2) Ang Pag-inog ng Buhay at Kamatayan ng Iba’t Ibang Tao na Mayroong Panampalataya
Tinalakay pa lang natin ang pag-inog ng buhay at kamatayan ng unang kategorya, ang mga taong hindi sumasampalataya. Ngayon, talakayin naman natin ang tungkol sa ikalawang kategorya, ang iba’t ibang taong may pananampalataya. “Ang pag-inog ng buhay at kamatayan ng iba’t ibang tao na mayroong pananampalataya” ay isa ding napakahalagang paksa, at ito’y kapaki-pakinabang din na magkaroon kayo ng ilang pagkaunawa ukol rito. Una, pag-usapan natin kung aling mga pananampalataya ang tinutukoy ng “pananampalataya” sa “mga taong may pananampalataya”: Ang ibig-sabihin nito ay ang Hudaismo, Kristiyanismo, Katolisismo, Islam, at Budismo, itong limang mga pangunahing relihiyon. Bilang karagdagan sa mga taong hindi sumasampalataya, ang mga tao na naniniwala sa limang mga relihiyong ito ay umookupa sa isang malaking bahagi ng populasyon ng mundo. Kabilang sa limang mga relihiyong ito, yaong mga gumawa ng tungkulin sa kanilang pananampalataya—mga tagasunod na buong panahong gumagawa para sa kanilang pananampalataya—ay kokonti, gayunman ang mga relihiyong ito ay mayroong maraming mananampalataya. Ang kanilang mga mananampalataya ay pupunta sa magkakaibang lugar kapag sila ay namatay. “Kaiba” mula kanino? Mula sa mga taong hindi sumasampalataya, ang mga taong walang pananampalataya, na pinag-uusapan pa lang natin. Pagkatapos nilang mamatay, ang mga mananampalataya ng limang relihiyong ito ay pupunta sa isang lugar, isang lugar na kaiba mula sa mga hindi mananampalataya. Ang espirituwal na mundo ay gagawa rin ng paghatol tungkol sa kanila batay sa lahat ng kanilang ginawa bago sila namatay, kasunod noon ay ipoproseso sila nang naaayon. Ngunit bakit ang mga taong ito ay inilagay sa isang lugar upang iproseso? Mayroong isang mahalagang dahilan para rito. At ano ang dahilang ito? Sasabihin Ko sa inyo sa pamamagitan ng paggamit ng isang halimbawa.
Halimbawa ang Budismo: Magsasabi ako sa inyo ng isang katotohanan. Ang isang Budista ay, una, isang tao na umanib sa Budismo, at sila yaong mga nakaaalam kung ano ang kanilang paniniwala. Kapag pinapuputol ng mga Budista ang kanilang mga buhok at naging isang monghe o isang mongha, ito ay nangangahulugan na inihiwalay nila ang kanilang mga sarili mula sa mundo na walang kinalaman sa relihiyon at iiwan sa malayo ang maingay na mundo ng tao. Araw-araw ay inaawit nila ang mga sutra at kumakain lamang ng pagkaing hindi karne, isinasabuhay nila ang mapagtimping mga pamumuhay, at pinalilipas nila ang kanilang mga araw kasama ng malamig, banayad na ilaw ng gasera. Ginugugol nila ang kanilang buong mga buhay sa ganitong paraan. Kapag ang kanilang pisikal na buhay ay natapos, gumagawa sila ng isang buod ng kanilang buhay, ngunit sa kanilang mga puso hindi nila alam kung saan sila pupunta pagkatapos nilang mamatay, sino ang kanilang makikilala, at anong katapusan ang magkakaroon sila—sa kanilang mga puso hindi malinaw sa kanila ang tungkol sa mga bagay na ito. Wala silang ginawa kundi ang bulag na paggugol sa kanilang buong buhay kasama ng isang pananampalataya, kung saan pagkatapos ay lilisan sila mula sa mundo kasama ng kanilang bulag na mga pag-asam at mga pangarap. Ang gayon ang katapusan ng kanilang pisikal na buhay kapag iniwan nila ang mundo ng mga buhay, at kapag ang kanilang pisikal na buhay ay nagtapos, magbabalik sila sa kanilang katutubong lugar sa espirituwal na mundo. Kung ang taong ito ay muling magkakatawang-tao upang bumalik sa mundo at ipagpatuloy ang paglinang nila sa kanilang mga sarili ay nakasalalay sa kanilang asal at paglinang sa sarili bago pa sila namatay. Kung sila ay walang ginawa sa buong panahon na sila ay nabubuhay, kaagad silang muling magkakatawang-tao at muling pababalikin sa mundo, kung saan muli nilang aahitin ang kanilang ulo at magiging monghe o mongha. Sila ay magiging isang monghe o mongha nang tatlo hanggang pitong beses: Batay sa proseso sa unang pagkakataon, ang kanilang pisikal na katawan ay malilinang nang kusa, kung saan pagkatapos ay mamamatay sila at magbabalik sa espirituwal na mundo, kung saan sila ay sisiyasatin, pagkatapos noon—kung walang mga suliranin—makababalik na ulit sila sa materyal na mundo, at maipagpapatuloy ang kanilang paglinang sa sarili, iyon ay upang sabihin na maaari na silang makabalik muli sa Budismo at maipagpatuloy ang kanilang paglinang sa sarili. Pagkatapos nilang muling magkatawang-tao nang tatlo hanggang pitong beses, sila ay muling babalik sa espirituwal na mundo, kung saan sila pupunta sa bawat panahon na magtatapos ang kanilang pisikal na buhay. Kung ang kanilang mga katangian at asal sa mundo ng tao ay sa pagpapanatili ng panlangit na mga kautusan sa espirituwal na mundo, kung gayon mula sa puntong ito patuloy sila na mananatili doon; hindi na sila muling magkakatawang-tao bilang tao, ni magkakaroon pa ng panganib na sila ay parusahan dahil sa paggawa ng masama sa lupa. Hindi na nila kailanman muling mararanasan pa ang ganitong proseso. Sa halip, batay sa kanilang mga kalagayan, magkakaroon sila ng isang posisyon sa espirituwal na kaharian, iyon ay kung ano ang tinutukoy ng mga Budista bilang ang pagtatamo ng kawalang-kamatayan. Ngayon naintindihan ninyo, oo? Ano ang tinutukoy ng “pagtatamo ng kawalang kamatayan” sa Budismo? Nangangahulugan ito ng pagiging isang opisiyal ng espirituwal na mundo, at doon ay hindi na pagkakaroon ng pagkakataon sa muling pagkakatawang-tao o parusa. Higit pa roon, nangangahulugan ito nang hindi na pagdurusa sa paglala ng pagiging tao pagkatapos na muling magkatawang-tao. Kaya mayroon pa bang pagkakataon na sila ay muling maging laman bilang isang hayop? Tiyak na wala. At ano ang ibig sabihin nito? Na sila ay mananatiling gaganap ng isang papel sa espirituwal na mundo at hindi na muling magkakatawang-tao bilang tao. Ito ay isang halimbawa ng pagtatamo ng kawalang-kamatayan.
At paano naman yaong hindi nagtamo ng kawalang-kamatayan? Sa pagbabalik nila sa espirituwal na mundo, sila ay sinisiyasat at bineberipika ng kaukulang tagapamahala, at napatunayang hindi masigasig na naglilinang ng sarili o naging matapat sa pag-awit ng mga sutra na iniuutos ng Budismo; sa halip, nakagawa sila ng maraming kasamaan, at gumawa ng maraming kasamaan. Kapag bumalik sila sa espirituwal na mundo, isang paghatol ang ginawa para sa kanilang kasamaan, kasunod noon ay parurusahan sila. Sa ganito, walang mga itatangi. Kaya, kailan matatamo ng ganitong uri ng tao ang kawalang-kamatayan? Sa buhay kung kailan hindi na sila gumagawa ng masama—kung, pagkabalik sa espiriutwal na mundo, nakita na hindi sila gumawa ng mali bago sila namatay. OK! Sila ay magpapatuloy sa pagkakatawang-tao, magpapaptuloy sila sa pag-awit ng mga sutra, palilipasin nila ang kanilang mga araw sa malamig, banayad na liwanag ng gasera, hindi sila papatay ng anumang buhay na bagay, hindi kakain ng karne, at hindi makikibahagi sa mundo ng tao, iiwan ang mga kaguluhan nito sa kalayuan, at ang hindi pagkakaroon ng pakikipagtalo sa iba. Sa panahon ng prosesong ito, hindi sila gumagawa ng masama, pagkatapos nito ay babalik sila sa espirituwal na mundo, at pagkatapos masiyasat ang lahat ng kanilang mga pagkilos at asal, sila ay muling ipadadala sa mundo ng tao, sa isang pag-inog na nagpapatuloy ng tatlo hanggang pitong ulit. Kung walang mga pagkagulumihanan sa panahong yaon, kung gayon ang pagtatamo nila ng kawalang-kamatayan ay mananatiling hindi apektado, at sila ay magiging matagumpay. Ito ay isang katangian ng pag-inog ng buhay at kamatayan sa lahat ng tao na may panananampalataya: Sila ay makapagtatamo ng kawalang-kamatayan, at upang gumanap ng isang posisyon sa espiriutwal na mundo. Ito ang pinagkaiba nila sa mga taong hindi sumasampalataya. Una, nang sila ay buhay sa mundo, ano ang asal nilang mga nakaganap ng posisyon sa espirituwal na mundo? Hindi sila dapat makagawa ng kasamaan nang walang pasubali: Hindi sila dapat makagawa ng pagpatay, panununog, panggagahasa, o pagnanakaw; kapag sila ay gumawa ng pandaraya, panlilinlang, pagnanakaw, o panloloob, kung gayon hindi sila magtatamo ng kawalang-kamatayan. Na ang ibig sabihin, kung sila ay may anumang kinalaman o kaugnayan sa paggawa ng masama, hindi sila makatatakas sa parusa ng espirituwal na mundo. Ang espirituwal na mundo ay gumagawa ng angkop na mga pagsasaayos para sa mga Budista na nagtamo ng kawalang-kamatayan: Maaari silang italaga upang mangasiwa sa kanila na lumilitaw na naniniwala sa Budismo, at sa Matandang Lalaki sa Langit, at ng mga Budista ay bibigyan ng isang kapangyarihan, maaari nilang pangasiwaan ang mga taong hindi sumasampalataya, kung hindi maaari silang maging napakababang tagapamahala. Ang gayong gampanin ay alinsunod sa kalagayan ng mga kaluluwang ito. Ito ay isang halimbawa ng Budismo.
Kabilang sa limang mga relihiyon na ating napag-usapan, ang Kristiyanismo ay tila natatangi. At ano ang natatangi sa Kristiyanismo? Ito ang mga tao na naniniwala sa tunay na Diyos. Paanong nangyari na yaong mga naniniwala sa tunay na Diyos ay naitala rito? Sapagkat ang Kristiyanismo ay basta na lamang kumikilala na mayroong isang Diyos, at sinasalungat nila ang Diyos at napopoot sa Kanya. Ipinako nila ulit si Kristo sa krus, at inilagay nila ang kanilang mga sarili sa pakikipag-alitan sa gawain ng Diyos sa huling mga araw, sa resulta na sila ay nabunyag at naibaba sa isang grupo ng mananampalataya. Yamang ang Kristiyanismo ay isang uri ng pananampalataya, kung gayon ito ay, nang walang pag-aalinlangan, may kaugnayan lamang sa pananampalataya—ito ay isang uri ng seremonya, isang uri ng denominasyon, isang uri ng relihiyon, at isang bagay na hiwalay mula sa pananampalataya sa mga tunay na sumusunod sa Diyos. Ang katuwiran kung baki inilista Ko ito sa gitna ng limang pangunahing mga relihiyon ay dahil ang Kristiyanismo ay naibaba sa kaparehong antas ng Hudaismo, Budismo, at Islam. Karamihan sa mga Kristiyano ay hindi naniniwala na mayroong isang Diyos, o na Siya ang namamahala sa lahat ng mga bagay, lalong hindi sila naniniwala sa Kanyang pag-iral. Sa halip, ginagamit lamang nila ang mga Banal na Kasulatan upang magsalita tungkol sa teolohiya, ginagamit ang teolohiya upang turuan ang mga tao na maging mabait, upang magtiis ng pagdurusa, at upang gumawa ng mabubuting bagay. Ganyang uri ng relihiyon ang Krsitiyanismo: Pinagtutuunan lamang nito ng pansin ang mga teoryang panteolohiya, wala itong lubos na kaugnayan sa gawain ng Diyos sa pamamahala at pagliligtas sa tao, ito ay ang relihiyon nilang mga sumusunod sa Diyos na hindi kinikilala ng Diyos. Ngunit ang Diyos ay may patakaran din sa pakikitungo sa kanila. Hindi Siya bigla humaharap at basta makikitungo sa kanila, kagaya sa mga hindi sumasampalataya. Ang Kanyang pakikitungo sa kanila ay kapareho ng sa mga Budista: Kung, habang sila ay buhay, ang isang Kristiyano ay may sariling disiplina, nagagawang mahigpit na sumunod sa sampung utos at sa iba pang mga utos, at sumunod sa mga kautusan sa mga kahilingang kanilang ginagawa sa kanilang sariling asal—at kapag nagawa nila ito sa buong buhay nila—kung gayon kailangan din nilang gumugol nang kaparehong dami ng panahon sa pagpunta sa mga pag-inog ng buhay at kamatayan bago nila tunay na matamo ang tinatawag na rapture. Pagkatapos na matamo itong “pagdala,” mananatili sila sa espirituwal na mundo, kung saan sila gaganap ng isang posisyon at magiging isa sa mga tagapamahala nito. Gayundin, kung sila ay nakagawa ng kasamaan sa lupa, kung sila ay makasalanan at nakagawa ng napakaraming kasalanan, kung gayon ito ay hindi maiiwasan na sila ay parurusahan at didisiplinahin sa magkakaibang kasidhian. Sa Budismo, ang pagtatamo ng “kawalang-kamatayan” ay nangangahulugang pagpasok sa Nirvana, ngunit ano ang tawag nila dito sa Kristiyanismo? Ito ay tinatawag na “pagpasok sa langit” at pagiging “ligtas.” Yaong mga tunay na “ligtas” ay magdaranas din ng pag-inog ng buhay at kamatayan ng tatlo hanggang pitong beses, pagkatapos nito, sa pagkamatay, sila ay darating sa espirituwal na mundo, na para lamang silang nakatulog. Kung sila ay papasa sa pamantayan makapananatili sila upang gumanap ng isang papel, at, hindi kagaya ng mga tao sa lupa, hindi muling magkakatawang-tao sa isang payak na paraan, o alinsunod sa kapulungan.
Sa kalipunan ng lahat ng relihiyong ito, ang katapusan na kanilang sinasabi at pinagsusumikapan ay kapareho ng pagtatamo ng kawalang-kamatayan sa Budismo—ito lamang ay nakakamit sa magkakaibang mga pamamaraan. Pare-pareho lamang sila. Para sa mga tao ng mga relihiyong ito na nagagawang mahigpit na sumunod sa mga relihiyosong panuntunan sa kanilang asal, para sa bahaging ito ng mga tao, binibigyan sila ng Diyos ng isang angkop na hantungan, isang angkop na lugar na pupuntahan, at pangangasiwaan sila nang naaayon. Ang lahat ng ito ay makatuwiran, ngunit hindi ito kagaya ng iniisip ng tao. Ngayon, pagkarinig sa kung anong mangyayari sa mga Kristiyano, paano ninyo ito nararamdaman? Nalungkot ba kayo para sa kanila? Nakikisimpatiya ba kayo sa kanila? (Bahagya.) Wala nang magagawa pa—sarili lamang nila ang kanilang masisisi. Bakit ko sinasabi ito? Ang gawain ng Diyos ay totoo, Ang Diyos ay buhay at totoo, at ang Kanyang gawain ay nakatuon sa lahat ng sangkatauhan at sa bawat tao—kaya bakit hindi ito matanggap ng mga Kristiyano? Bakit sila parang mga baliw na sinasalungat at inuusig ang Diyos? Mapalad pa nga sila sa pagkakaroon ng isang katapusang gaya nito, kaya bakit kayo naaawa sa kanila? Ang pagtrato sa kanila sa ganitong paraan ay nagpapakita ng malaking pagpapaubaya. Batay sa lawak ng kanilang pagsalungat sa Diyos, dapat silang wasakin—gayunman hindi ito ginagawa ng Diyos, at pinakikitunguhan lamang ang Kristiyanismo kagaya ng isang karaniwang relihiyon. Kaya kailangan pa bang magdetalye tungkol sa ibang mga relihiyon? Ano ang kakaibang paniniwala ng lahat ng relihiyong ito? Upang ang mga tao ay maging mabait, at hindi gumawa nang masama. Magtiis ng maraming mga kahirapan, huwag gagawa nang masama, magsalita nang magagandang mga bagay, gumawa ng mabubuting mga gawa, huwag sumumpa sa iba, huwag kaagad hahatol sa iba, ilayo ang inyong sarili mula sa pakikipagtalo, gumawa ng mabubuting mga bagay, maging isang mabuting tao—karamihan sa mga relihiyosong pagtuturo ay ganito. At kaya, kung ang mga taong ito na may pananampalataya—ang mga taong ito ng iba’t ibang relihiyon at denominasyon—ay nagagawang mahigpit na sumusunod sa mga relihiyosong alituntunin, kung gayon hindi sila makagagawa ng malalaking pagkakamali o kasalanan sa panahong sila ay nasa lupa, at pagkatapos muling magkatawang-tao ng tatlo hanggang pitong beses, kung gayon karamihan sa mga taong ito, ang mga tao na nagagawang mahigpit na sumunod sa mga relihiyosong alituntunin, ay mananatiling gaganap ng isang papel sa espirituwal na mundo. At marami ba ng gayong mga tao? Hindi madali ang gumawa nang mabuti, o ang sumunod sa mga relihiyosong mga patakaran at mga kautusan. Hindi hinahayaan ng Budismo na kumain ng karne ang mga tao—magagawa mo ba iyon? Kung kailangan mong magsuot ng abuhing mga balabal at umawit ng mga sutra sa isang templo ng mga Budista nang buong araw, magagawa mo ba ito? Hindi ito magiging madali. Ang Kristiyanismo ay mayroong Sampung Utos at iba pang mga utos, ang mga utos ba at mga batas na ito ay madaling sundin? Sila’y hindi! Huwag sumumpa sa iba: Ang mga tao ay walang kakayahan na sumunod sa patakarang ito, oo? Hindi magawang pigilan ang kanilang mga sarili, sila ay sumusumpa—at pagkatapos sumumpa hindi na nila ito mababawi, kaya ano ang ginagawa nila? Kinukumpisal nila ang kanilang mga kasalanan sa gabi! Hindi nila mapigil ang kanilang mga sarili sa pagsumpa sa iba, at pagkatapos nila itong gawin mayroon pa ring poot sa kanilang mga puso, at nakararating pa sila sa pagpaplano kung kailan nila sila sasaktan. Sa kabuuan, sa kanila na nabubuhay sa gitna nitong patay na doktrina, hindi madali ang hindi magkasala o gumawa ng masama. At kaya, sa bawat relihiyon, konting mga tao lamang ang makapagtatamo ng kawalang-kamatayan. Iniisip mo na dahil napakaraming mga tao ang sumusunod sa mga relihiyong ito, marami ang makapananatili upang gumanap ng tungkulin sa espirituwal na kaharian! Ngunit hindi sila ganoon karami, kokonti lamang ang makapagtatamo nito. Iyan na ang lahat para sa pag-inog ng buhay at kamatayan ng mga taong may pananampalataya. Ang pinagkaiba nila ay ang maaari nilang matamo ang kawalang-kamatayan, kung saan ay iyon ang kanilang kaibahan sa mga taong hindi sumasampalataya.
3) Ang Pag-inog ng Buhay at Kamatayan ng mga Taong Sumusunod sa Diyos
Kasunod, pag-uusapan natin ang ukol sa pag-inog ng buhay at kamatayan ng mga taong sumusunod sa Diyos. Ito ay may kaugnayan sa inyo, kaya makinig nang mabuti. Una, mag-isip ng tungkol sa anong mga kategorya maaaring pagbaha-bahaginin ang mga taong naniniwala sa Diyos. Dalawa ang mga ito: Ang mga taong pinili ng Diyos at ang mga tagapaglingkod. Una ang pag-uusapan natin ay ukol sa mga taong pinili ng Diyos, kung saan sila ay kakaunti. Ano ang tinutukoy sa “mga taong pinili ng Diyos”? Pagkatapos likhain ng Diyos ang lahat ng mga bagay at nagkaroon ng sangkatauhan, pumili ang Diyos ng grupo ng mga tao na sumusunod sa Kanya, at tinawag silang “mga taong pinili ng Diyos.” Mayroong natatanging saklaw at kahalagahan sa pagpili ng Diyos sa mga taong ito. Ang saklaw ay sa bawat sandaling gumagawa ang Diyos ng mahalagang gawain kailangan nilang dumalo—kung saan ay iyon ang una sa mga bagay na ikinatangi nila. At ano ang kanilang kahalagahan? Ang pagpili sa kanila ng Diyos ay nangangahulugan na taglay nila ang malaking kahalagahan. Na ang ibig sabihin, ninanais ng Diyos na gawing buo ang mga taong ito, at gawin silang perpekto, at pagkatapos nang Kanyang gawaing pamamahala ay matapos, makakamit Niya ang mga taong ito. Hindi ba dakila ang kahalagahang ito? Kaya, ang mga taong pinili na ito ay may dakilang kahalagahan sa Diyos, sapagkat sila yaong mga ninanais ng Diyos na makamit. Samantalang ang mga tagapaglingkod—buweno, umalis muna tayo mula sa katalagahan ng Diyos, at una muna nating pag-usapan ang kanilang mga pinagmulan. Ang literal na kahulugan ng “tagapaglingkod” ay yaong naglilingkod. Yaong mga naglilingkod ay pansamantala; hindi nila nagagawa iyon nang matagalan, o nang habang panahon, ngunit mga inuupahan o hinihikayat nang pansamantala. Karamihan sa kanila ay pinili mula sa mga taong hindi sumasampalataya. Sila ay dumarating sa lupa kapag iniutos na gagampanan nila ang papel ng mga tagapaglingkod sa gawain ng Diyos. Maaaring sila ay naging hayop sa nakaraan nilang buhay, ngunit maari rin namang isa sa mga taong hindi sumasampalataya. Ang gayon ay ang mga pinagmulan ng mga tagapaglingkod.
Magbalik tayo sa mga taong pinili ng Diyos. Kapag sila ay namatay, ang mga taong pinili ng Diyos ay nagpupunta sa isang lugar na lubos na kaiba mula sa mga taong hindi sumasampalataya at iba’t ibang taong sumasampalataya. Ito ay isang lugar kung saan ay sinasamahan sila ng mga anghel at mga sugo ng Diyos, at yaong kung saan ay personal na pinangangasiwaan ng Diyos. Bagaman, sa lugar na ito, ang mga taong pinili ng Diyos ay hindi nagagawang makita sa kanilang sariling mga mata ang Diyos, hindi ito kagaya ng anumang lugar sa espirituwal na kaharian; ito ay isang lugar kung saan ang bahaging ito ng mga tao ay magpupunta pagkatapos nilang mamatay. Kapag sila ay namatay, sila rin ay isasailalim sa isang mahigpit na pagsisiyasat ng mga sugo ng Diyos. At ano ang sinisiyasat? Sinisiyasat ng mga sugo ng Diyos ang mga landas na tinahak ng mga taong ito sa kabuuan ng kanilang buhay sa kanilang pananampalataya sa Diyos, totoo man o hindi, sa panahong iyon, kailanman ay sinalungat ang Diyos, o sinumpa Siya, at nakagawa man sila o hindi ng mga mabibigat na kasalanan o kasamaan. Sinasagot ng pagsisiyasat na ito ang tanong kung ang tao ay aalis o mananatili. Ano ang tinutukoy ng “aalis”? At ano ang tinutukoy ng “mananatili”? Ang “aalis” ay tumutukoy sa kung, batay sa kanilang asal, sila ay mananatili sa mga antas ng mga pinili ng Diyos. Ang “mananatili” ay nangangahulugang mananatili sila sa gitna ng mga tao na ginawang ganap ng Diyos sa mga huling araw. Para sa yaong mga mananatili, mayroong natatanging pagsasaayos ang Diyos. Sa bawat panahon ng Kanyang gawain, isusugo ng Diyos ang gayong mga tao upang gumanap bilang mga apostol o upang isagawa ang gawain muling buhayin ang mga simbahan, o pagsilbihan sila. Ngunit ang mga tao na may kakayahang gumawa ng gayong gawain ay hindi madalas na muling nagkakatawang-tao kumpara sa mga taong hindi sumasampalataya, na isinisilang muli nang paulit-ulit; sa halip, sila ay ibinabalik sa lupa alinsunod sa mga pangangailangan at mga hakbang ng gawain ng Diyos, at hindi yaong mga madalas muling magkatawang-tao. Kaya mayroon bang ibang mga patakaran kapag sila ay muling nagkatawang-tao? Dumarating ba sila minsan sa loob ng ilang taon? Dumarating ba sila nang ganoon kadalas? Hindi sila. Ano ang batayan nito? Ito ay nakabatay sa gawain ng Diyos, sa mga hakbang ng Kanyang gawain, at ang Kanyang mga pangangailangan, at walang mga panuntunan. Ano ang kaisa-isang patakaran? Ito ay ang kapag ginagawa ng Diyos ang huling yugto ng Kanyang gawain sa huling mga araw, ang mga taong pinili na ito ay darating lahat sa gitna ng tao. Kapag silang lahat ay dumating, ito ang magiging huling pagkakataon na sila ay muling magkakatawang-tao. At bakit nagkaganoon? Ito ay batay sa kalalabasan ng kailangang makamit sa panahon ng huling yugto ng gawain ng Diyos—dahil sa panahon ng huling yugto ng gawaing ito ng Diyos, gagawin ng Diyos ang mga taong pinili na ito na lubos na ganap. Ano ang ibig sabihin nito? Kung, sa panahon ng kahuli-hulihang bahagi na ito, ang mga taong ito ay ginawang ganap, at ginawang perpekto, kung gayon ay hindi sila muling magkakatawang-tao gaya ng dati; ang proseso ng pagiging tao ay darating sa isang kumpletong katapusan, at gayundin ang proseso ng muling pagkakatawang-tao. Ito ay may kinalaman sa kanilang mga mananatili. Kaya saan mapupunta yaong mga hindi makapananatili? Yaong mga hindi makapananatili ay may isang angkop na lugar na pupuntahan. Una—kagaya ng sa iba—bilang resulta ng kanilang kasamaan, ang mga pagkakamali na kanilang ginawa, at ang mga kasalanan na kanilang ginawa, sila ay parurusahan din. Pagkatapos silang maparusahan, sila ay ipadadala ng Diyos sa gitna ng mga taong hindi sumasampalataya; na angkop sa mga pangyayari, isasaayos Niya para sa kanila na mapabilang sa mga taong hindi sumasampalataya, o kung hindi sa gitna ng mga iba't ibang tao na sumasampalataya. Na ang ibig sabihin, sila ay mayroong dalawang pagpipilian: Ang isa malamang ay mamuhay sa gitna ng mga tao ng isang naturang relihiyon kasunod ng parusa, at ang isa pa ay malamang maging isang tao na hindi sumasampalataya. Kung sila ay maging isang tao na hindi sumasampalatataya, kung gayon ay mawawala nila ang lahat ng pagkakataon. Samantalang kung sila ay magiging isang tao na may pananampalataya—kung, halimbawa, sila ay magiging isang Kristiyano—mayroon pa silang pagkakataon na makabalik sa gitna ng mga antas ng mga taong pinili ng Diyos; mayroong napakaraming masalimuot na mga kaugnayan dito. Sa madaling sabi, kung ang isa sa mga taong pinili ng Diyos ay nakagawa ng isang bagay na nanakit sa Diyos, sila ay parurusahan kagaya ng lahat. Si Pablo, halimbawa, na siyang pinag-usapan natin noong nakaraan. Si Pablo ay isang halimbawa ng mga pinarusahan. Nakakakuha na ba kayo ng ideya tungkol sa aking sinasabi? Ang saklaw ba ng mga taong pinili ng Diyos ay permanente? (Karamihan.) Karamihan nito ay permanente, ngunit ang isang maliit na bahagi nito ay hindi permanente. Bakit ganoon? Sapagkat sila ay nakagawa ng kasamaan. Dito, tinukoy ko ang pinakamalinaw na halimbawa: paggawa ng masama. Kapag sila ay nakagawa ng kasamaan, hindi sila gusto ng Diyos, at kung hindi sila gusto ng Diyos, itinatapon Niya ang mga ito sa gitna ng iba’t ibang lahi at uri ng mga tao, na mag-iiwan sa kanila sa kawalang pag-asa, at magiging mahirap para sa kanila na bumalik. Ang lahat ng ito ay may kinalaman sa pag-inog ng buhay at kamatayan ng mga taong pinili ng Diyos.
Ang susunod ay ang pag-inog ng buhay at kamatayan ng mga tagapaglingkod. Katatalakay pa lamang natin sa mga tagapaglingkod; ano ang kanilang mga pinagmulan? (Ang ilan ay mga taong hindi sumasampalataya, ang ilan ay mga hayop.) Ang mga tagapaglingkod na ito ay muling nagkatawang-tao mula sa mga taong hindi sumasampalataya at mga hayop. Sa pagdating ng huling yugto ng gawain, ang Diyos ay pumili mula sa mga taong hindi sumasampalataya ng isang grupo ng gayong mga tao, at ito ay isang grupo na natatangi. Ang layunin ng Diyos sa pagpili ng gayong mga tao ay para maglingkod sila sa Kanyang gawain. Ang “paglilingkod” ay isang salita na hindi gaanong magandang pakinggan, ni ito ay isang bagay na ang sinuman ay maaaring ilaan, ngunit kailangan tingnan natin kung para kanino ito inilalaan. Mayroong natatanging kahalagahan sa pag-iral ng mga tagapaglingkod ng Diyos. Walang iba pa ang maaaring gumanap sa kanilang papel, sapagkat sila ay pinili ng Diyos, at dito nakasalalay ang kahalagahan ng kanilang pag-iral. At ano ang papel nitong mga tagapaglingkod? Upang maglingkod sa mga taong pinili ng Diyos. Sa pangunahin, ang kanilang papel ay upang maglingkod sa gawain ng Diyos, upang makipagtulungan sa gawain ng Diyos, at upang makipagtulungan sa pagbuo ng Diyos sa Kanyang piniling mga tao. Hindi alintana kung sila ay nagtratrabaho, tumutupad ng ilang gampanin, o nagsasagawa ng naturang mga tungkulin, ano ang kinakailangan ng Diyos sa mga taong ito? Siya ay masyadong mapaghanap sa Kanyang mga kinakailangan sa kanila? (Hinihingi Niya na sila ay maging tapat.) Ang mga tagapaglingkod ay kailangan ding maging tapat. Maging anuman ang iyong mga pinagmulan, o bakit pinili ka ng Diyos, ikaw ay dapat na maging tapat: Dapat kang maging tapat sa Diyos, sa anumang mga inutos sa iyo ng Diyos, gayundin sa gawain na iyong pinananagutan at sa tungkulin na iyong isinasagawa. Kung ang mga tagapaglingkod ay mayroong kakayahang maging tapat, at palugurin ang Diyos, kung gayon ano ang kanilang magiging katapusan? Magagawa nilang manatili. Isa bang pagpapala ang maging isang tagapaglingkod na nananatili? Ano ang kahulugan ng manatili? Ano ang ibig sabihin ng pagpapalang ito? Sa kalagayan, parang hindi sila kagaya ng mga taong pinili ng Diyos, para silang kakaiba. Sa katunayan, gayunman, ang tinatamasa ba nila sa buhay na ito ay hindi kagaya ng sa mga taong pinili ng Diyos? Kahit man lamang, sa buhay na ito ay parehas lamang. Hindi ninyo itatanggi ito, oo? Ang mga pagbigkas ng Diyos, ang mga biyaya ng Diyos, ang paglalaan ng Diyos, ang mga pagpapala ng Diyos—sino ang hindi masisiyahan sa mga bagay na ito? Ang bawat isa ay masisiyahan sa gayong kasaganaan. Ang pagkakakilanlan sa isang tagapaglingkod ay tagapaglingkod, ngunit sa Diyos, sila ay isa sa gitna ng lahat ng mga bagay na nilikha Niya—basta ang kanilang papel ay gaya ng sa tagapaglingkod. Kaya ano ang iyong masasabi, bilang isa sa mga nilalang ng Diyos, may pagkakaiba ba sa pagitan ng isang tagapaglingkod at sa mga taong pinili ng Diyos? Sa totoo lang, walang pagkakaiba. Kung sa pangalan ang pag-uusapan, mayroong pagkakaiba, mayroong pagkakaiba sa diwa, kung ang pag-uusapan ay sa papel na kanilang ginagampanan mayroong pagkakaiba, ngunit ang Diyos ay hindi nagtatangi laban sa mga taong ito. Kaya bakit itinuturing ang taong ito bilang mga tagapaglingkod? Kailangan ninyong maintindihan ito. Ang mga tagapaglingkod ay nagmula sa mga hindi sumasampalataya. Ang pagbanggit sa mga taong hindi sumasampalataya ay nagsasabi sa atin na ang kanilang nakaraan ay masama: Lahat sila ay mga ateista, sa kanilang nakaraan sila ay mga ateista, hindi sila naniniwala sa Diyos, at kinapopootan nila ang Diyos, ang katotohanan, at mga positibong bagay. Hindi sila naniniwala sa Diyos at hindi sila naniniwala na mayroong isang Diyos, kaya may kakayahan ba silang maintindihan ang mga salita ng Diyos? Makatarungang sabihin na, sa kalakihang bahagi, wala silang kakayahan. Kagaya lamang ng mga hayop na walang kakayahang maintindihan ang mga salita ng tao, hindi naiintindihan ng mga tagapaglingkod kung ano ang sinasabi ng Diyos, kung ano ang kinakailangan Niya, bakit Siya gumagawa ng gayong mga pangangailangan—ang mga bagay na ito ay mahirap ipaunawa sa kanila, nananatili silang hindi naliwanagan. At sa kadahilanang ito, ang mga taong ito ay hindi nagtataglay ng buhay na ating pinag-uusapan. Kung walang buhay, maiintindihan kaya ng mga tao ang katotohanan? Nagtataglay ba sila ng katotohanan? Nagtataglay ba sila ng karanasan at kaalaman ng mga salita ng Diyos? Tiyak na hindi. Ang gayon ay ang mga pinagmulan ng mga tagapaglingkod. Ngunit yamang ginawa ng Diyos na mga tagapaglingkod ang mga taong ito, nananatiling mayroong mga pamantayan sa Kanyang mga kinakailangan sa kanila; sila ay hindi Niya minamaliit, at hindi Siya mababaw sa kanila. Bagamat hindi nila naiintindihan ang Kanyang mga salita, at mga walang buhay, ang Diyos ay nananatiling mabait sa kanila, at mayroon pa ring mga panuntunan sa Kanyang mga kinakailangan sa kanila. Kasasabi lamang ninyo sa mga panuntunang ito: Ang pagiging tapat sa Diyos, at ang paggawa sa kung ano ang mga sinasabi Niya. Sa iyong paglilingkod dapat kang maglingkod kung saan kailangan, at dapat maglingkod hanggang sa katapusan. Kung magagawa mong maglingkod hanggang sa katapusan, kung magagawa mong maging isang tapat na tagapaglingkod, makapaglilingkod hanggang sa pagtatapos na bahagi, at perpektong mabuo ang kautusan na ibinigay sa iyo ng Diyos, kung gayon mamumuhay ka ng isang buhay na may katuturan, at kaya magagawa mong manatili. Kung maglalakip ka pa ng konting pagsisikap, kung pagbubutihan mo pa, nadodoble ang iyong mga pagsisikap na makilala ang Diyos, makapagsasabi ng konting kaalaman ukol sa Diyos, magagawang sumaksi sa Diyos, at higit pa rito, kung magagawa mong maintindihan ang isang bagay sa kalooban ng Diyos, magagawang makipagtulungan sa gawain ng Diyos, at sa wari ay alam ang kalooban ng Diyos, sa gayon ikaw, ang tagapaglingkod na ito ay magkakaroon ng isang pagbabago sa kapalaran. At ano ang magiging pagbabago sa kapalaran na ito? Hindi ka na lamang basta mananatili. Batay sa iyong pag-uugali at sa iyong personal na mga mithiin at paghahangad, gagawin ka ng Diyos na isa sa mga taong pinili. Ito ang magiging pagbabago sa iyong kapalaran. Para sa mga tagapaglingkod, ano ang pinakamabuting bagay ukol rito? Ito ay ang maaari silang makabilang sa mga taong pinili ng Diyos. At ano ang ibig sabihin kapag sila ay nakabilang sa mga taong pinili ng Diyos? Nangangahulugan ito na di na sila muling magkakatawang-tao bilang isang hayop tulad ng hindi sumasampalataya. Mabuti ba ang gayon? Mabuti ito, at ito ay magandang balita. Na ang ibig sabihin, maaaring hubugin ang mga tagapaglingkod. Hindi iyan ang usapin para sa mga tagapaglimgkod, kapag itinatalaga ka ng Diyos upang maglingkod, gagawin mo iyon magpakailanman; hindi laging ganoon iyon. Batay sa iyong indibiduwal na pag-uugali, panghahawakan ka ng Diyos sa ibang paraan, at sasagot sa iyo sa ibang paraan.
Ngunit may mga tagapaglingkod na hindi magawang maglingkod hanggang katapusan; sa panahon ng kanilang paglilingkod, may mga sumusuko sa kalagitnaan at tinatalikuran ang Diyos, may mga gumagawa ng maraming masasamang mga bagay, at maging yaong nagdudulot ng matinding pananakit at matinding pinsala sa gawain ng Diyos, may mga tagapaglingkod pa nga na sinusumpa ang Diyos, at iba pa—at ano ang ibig sabihin ng di-malulutas na mga pangyayari na ito? Anumang masasamang mga pagkilos ay mangangahulugan ng pagtatapos sa kanilang paglilingkod. Na ang ibig sabihin, sapagkat ang iyong pag-uugali sa panahon ng iyong paglingkod ay naging masyadong mababa, sapagkat nagmalabis ka sa iyong sarili, kapag nakita ng Diyos na ang iyong paglilingkod ay hindi lubos tatanggalin Niya ang iyong karapatan na maglingkod, hindi ka Niya hahayaang maglingkod, aalisin ka Niya mula sa Kanyang nakikita, at mula sa tahanan ng Diyos. Hindi ba ito dahil sa ayaw mong maglingkod? Hindi mo ba ginugustong gumawa ng masama? Hindi ka ba palaging hindi tapat? Kung gayon, mayroong madaling solusyon: Matatanggalan ka ng karapatan upang maglingkod. Sa Diyos, ang pagtatanggal sa tagapaglingkod sa kanilang karapatang maglingkod ay nangangahulugan na ang katapusan ng tagapaglingkod na ito ay naihayag na, at kaya, hindi na sila magiging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos, hindi na kakailanganin ng Diyos ang kanilang paglilingkod, at maging anuman ang magagandang mga bagay na kanilang sasabihin ay magiging walang kabuluhan. Kapag ang mga bagay ay dumating sa puntong ito, ang sitwasyong ito ay hindi na malulutas; ang mga tagapaglingkod na gaya nito ay hindi na makababalik. At paano makikitungo ang Diyos sa mga tagapaglingkod na kagaya nito? Basta na lamang ba Niya sila pipigilin mula sa paglilingkod? Hindi. Basta na lamang ba Niya hahadlangan sila mula sa pananatili? O ilalagay Niya sila sa isang sulok, at maghihintay sa kanila upang lumingon? Hindi Niya gagawain iyon. Hindi masyadong mapagmahal ang Diyos sa mga tagapaglingkod, talaga. At kaya kapag ang isang tao ay may ganitong uri ng saloobin sa kanilang paglilingkod sa Diyos ang Diyos ay, bilang resulta ng ganitong saloobin, tatanggalan sila ng kanilang karapatan na maglingkod, at muli silang itatapon pabalik sa gitna ng mga taong hindi sumasampalataya. At ano ang kapalaran ng isang tagapaglingkod na itinapon pabalik sa gitna ng mga taong hindi sumasampalataya? Ito ay kagaya ng sa mga taong hindi sumasampalataya: na muling nagkatawang-tao bilang isang hayop at tatanggapin ang parusa ng mga taong hindi sumasampalataya sa espirituwal na mundo. At hindi magkakaroon ng personal na interes ang Diyos sa kanilang parusa, sapagkat sila ay wala ng anumang halaga sa gawain ng Diyos. Hindi lamang ito ang katapusan ng kanilang buhay sa pananampalataya sa Diyos, ngunit katapusan din ng kanilang sariling kapalaran, ang pagbubunyag ng kanilang kapalaran, at kapag ang mga tagapaglingkod ay naglingkod nang hindi sapat, kailangan nilang tiisin ang mga kahihinatnan nang mag-isa. Kung ang isang tagapaglingkod ay walang kakayahan na maglingkod hanggang katapusan, o natanggalan ng kanilang karapatan na maglingkod sa kalagitnaan, kung gayon sila ay itatapon sa gitna ng mga taong hindi sumasampalataya—at kapag sila ay itinapon sa gitna ng mga taong hindi sumasampalataya sila ay pakikitunguhan kagaya ng mga alagaing hayop, kagaya ng mga taong walang talino o pagkamakatuwiran. Kapag sinasabi Ko ito sa ganitong paraan, naiintindihan ninyo, oo?
Ganoon ang pag-asikaso ng Diyos sa pag-inog ng buhay at kamatayan ng mga taong Kanyang pinili at ng mga tagapaglingkod. Ano ang inyong naramdaman matapos marinig ito? Nakapagsalita na ba Ako kailanman sa paksa na katatalakay Ko lang, ang paksa ukol sa mga taong pinili ng Diyos at sa mga tagapaglingkod? Sa katunayan nagawa Ko na, ngunit hindi ninyo matandaan. Ang Diyos ay matuwid sa mga taong Kanyang pinili at sa mga tagapaglingkod. Sa lahat ng mga bagay Siya ay matuwid, ukol dito ay walang duda. Marahil, may mga tao na magsasabi: “Kung gayon bakit Siya ay masyadong mapagpaubaya sa mga taong pinili? At bakit maliit lamang ang Kanyang pagtitimpi sa mga tagapaglingkod?” Mayroon bang sinuman na nanindigan para sa mga tagapaglingkod? “Maaari kayang bigyan ng Diyos ang mga tagapaglingkod ng mas maraming panahon, at maging mas mapagbigay at mapagtimpi tungo sa kanila?” Tama ba ang mga salitang ito? (Hindi, hindi sila tama.) At bakit hindi sila tama? (Sapagkat talagang pinakikitaan na tayo ng pabor sa pamamagitan pa lamang ng pagiging mga tagapaglingkod.) Ang mga tagapaglingkod ay talagang pinakikitaan na ng pabor sa pagpapahintulot pa lamang na makapaglingkod! Kung wala ang terminong “mga tagapaglingkod,” at kung wala ang gawain ng mga tagapaglingkod, saan paroroon ang mga tagapaglingkod na ito? Sa gitna ng mga taong hindi sumasampalataya, nabubuhay at namamatay kasama ng mga alagaing hayop. Anong dakilang mga biyaya ang kanilang tinatamasa sa araw na ito, pinahihintulutang makarating sa harap ng Diyos, at makarating sa tahanan ng Diyos! Ito ay kamangha-manghang biyaya! Kung hindi ka bibigyan ng Diyos ng pagkakataon upang makapaglingkod, hindi ka kailanman magkakaroon ng pag-asa na makarating sa harap ng Diyos. Kung sakali man, kahit na ikaw ay tao na isang Budista at nakapagtamo na ng kawalang-kamatayan, kadalasan ay isa kang mensahero sa espirituwal na mundo; hindi mo kailanman makikita ang Diyos, o maririnig ang Kanyang tinig, o maririnig ang Kanyang mga salita, o mararamdaman ang Kanyang pagmamahal at mga pagpapala para sa iyo, at hindi mo kailanman magagawa na makarating nang harapan sa Kanya. Ang tanging bagay na kinakaharap ng mga Budista ay simpleng mga gawain. Hindi nila maaaring makilala ang Diyos, at basta na lang pikit-matang susunod at tatalima, samantalang ang mga tagapaglingkod ay nagkakamit ng napakarami sa yugtong ito ng gawain! Una, nagagawa nilang makarating nang harapan sa Diyos, mapakinggan ang Kanyang tinig, mapakinggan ang Kanyang mga salita, at maranasan ang mga biyaya at mga pagpapala na ibinibigay Niya sa mga tao. Mangyari pa, nagagawa nilang matamasa ang mga salita at mga katotohanan na ibinibigay ng Diyos. Nagkamit talaga sila nang napakarami! Napakarami! Kaya kung, bilang isang tagapaglingkod, hindi mo man lamang magawa ang tamang pagsisikap, pananatilihin ka pa ba ng Diyos? Ni hindi nga Siya humihiling nang labis sa iyo! Hindi ka mapananatili ng Diyos; wala kang ginagawa sa maayos Niyang hinihiling, hindi ka tumatalima sa iyong tungkulin—at kaya, walang pagdududa, hindi ka mapananatili ng Diyos. Ganoon ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Hindi ka pinalalayaw ng Diyos, ngunit hindi rin Siya nagtatangi laban sa iyo. Ganoon ang mga prinsipyo kung paano kumikilos ang Diyos. Ang Diyos ay kumikilos tulad nito tungo sa lahat ng tao at nilikha.
Pagdating sa espirituwal na mundo, kung ang iba’t-ibang mga nilalang na narito ay nakagawa ng isang bagay na mali, kung hindi nila ginagawa ang kanilang trabaho nang tama, ang Diyos ay mayroon ding katumbas na panlangit na kautusan at mga batas upang makitungo sa kanila—ito ay tiyak. Kaya sa ilang libong taon ng gawaing pamamahala ng Diyos, ang ilang tagapamahala na gumawa ng masama ay nilipol, ang ilan, sa araw na ito, ay nakakulong pa rin at pinarurusahan. Ito ang dapat harapin ng bawat nilalang sa espirituwal na mundo. Kapag sila ay gumawa ng mali o nakagawa ng kasamaan, sila ay pinarurusahan—na kaparehong-kapareho ng paglapit ng Diyos sa mga taong Kanyang pinili at sa mga tagapaglingkod. At kaya, maging ito man ay sa espirituwal na mundo o sa materyal na mundo, ang mga prinsipyo kung paano kumikilos ang Diyos ay hindi nagbabago. Kahit na nakikita mo man ang mga pagkilos ng Diyos o hindi, ang kanilang mga prinsipyo ay hindi magbabago. Sa kabuuan, ang Diyos ay may parehong mga prinsipyo sa Kanyang paglapit sa lahat ng mga bagay at sa Kanyang paghawak sa lahat ng mga bagay. Ito ay hindi nababago. Ang Diyos ay magiging mabait tungo sa mga taong hindi sumasampalataya na namumuhay lamang nang maayos, at maglalaan ng mga pagkakataon para sa kanila sa bawat relihiyon na nagpapakabait at hindi gumagawa ng masama, hahayaan silang gampanan ang tungkulin sa lahat ng mga bagay na pinamamahalaan ng Diyos, at gawin kung ano ang dapat nilang gawin. Sa parehong paraan, sa gitna ng yaong sumusunod sa Diyos, ang mga taong Kanyang pinili, ang Diyos ay hindi nagtatangi laban sa kaninumang tao alinsunod sa Kanyang mga prinsipyong ito. Siya ay mabait sa lahat na taimtim na sumusunod sa Kanya, at minamahal ang lahat na taimtim na sumusunod sa Kanya. Pero para sa ilang uri ng tao—ang mga taong hindi sumasampalataya, ang iba’t ibang tao na may pananampalataya, at ang mga taong pinili ng Diyos—kung ano ang ipagkakaloob Niya sa kanila ay magkakaiba. Halimbawa ang mga hindi sumasampalataya: Bagamat hindi sila naniniwala sa Diyos, at tinuturing sila ng Diyos bilang mga alagaing hayop, sa gitna ng lahat ng mga bagay ang bawat isa sa kanila ay may pagkaing makakain, isang lugar na sarili nila, at isang normal na pag-inog ng buhay at kamatayan. Yaong mga nagsisigawa ng masama ay parurusahan, at yaong mga nagsisigawa ng mabuti ay pinagpapala at nakatatanggap ng kagandahang-loob ng Diyos. Ganyan kung paano nangyayari. Para sa mga taong may pananampalataya, kung magagawa nilang mahigpit na sumunod sa relihiyosong mga panuntunan sa paulit-ulit na muling pagsilang, kung gayon pagkatapos ng lahat ng muling pagsilang na ito sa huli ang Diyos ay gagawa ng Kanyang pagbubunyag sa kanila. Sa parehong paraan, para sa lahat ng nakaupo dito sa araw na ito, sila man ay isa sa mga taong pinili ng Diyos o sa mga tagapaglingkod, gagawin din silang pare-pareho ng Diyos at papasyahan ang kanilang katapusan alinsunod sa mga alituntunin at administratibong mga batas na itinakda Niya. Tingnan, sa gitna nitong ilang uri ng mga tao—ang iba’t ibang uri ng taong may pananampalataya, na kabilang sa iba’t ibang relihiyon—binigyan ba sila ng Diyos ng matitirahang lugar? Nasaan ang Judaismo? Nanghimasok ba ang Diyos sa kanilang pananampalataya? Hindi kailanman. At paano naman ang Kristiyanismo? Lalong hindi Siya nanghimasok. Hinahayaan Niya sila na sumunod sa kanilang sariling mga pamamaraan, at hindi Siya nakikipag-usap sa kanila, o nagbibigay sa kanila ng anumang pagliliwanag, at, mangyari pa, hindi nagbubunyag ng anuman sa kanila: “Kung iniisip mong tama ito, kung gayon maniwala ka sa ganitong paraan!” Ang mga Katoliko ay naniniwala kay Maria, at sa pamamagitan ni Maria na ang balita ay naipasa kay Jesus; ang gayon ang kanilang paraan ng pananampalataya. At itinama ba ng Diyos kailanman ang kanilang pananampalataya? Binibigyan sila ng Diyos ng kalayaan, hindi Niya sila binibigyan ng pansin, at binibigyan Niya sila ng isang tiyak na lugar upang manirahan. At tungo sa mga Muslim at mga Budista, ganoon din ba Siya? Siya ay nagtakda rin ng mga hangganan para sa kanila, at hinahayaan silang mamuhay sa loob ng kanilang sariling tinitirahang lugar, nang hindi nanghihimasok sa kanilang kani-kanyang mga pananampalataya. Ang lahat ay isinaayos. At ano ang inyong nakikita sa lahat ng ito? Na taglay ng Diyos ang awtoridad, ngunit hindi Niya inaabuso ang Kanyang awtoridad. Isinasaayos ng Diyos ang lahat ng mga bagay sa perpektong kaayusan, at ito ay mayroong sistema, at dito nakikita ang Kanyang karunungan at walang hanggang kapangyarihan.
Tinalakay natin sa araw na ito ang isang bago at natatanging paksa, yaong may kinalaman sa mga bagay ng espirituwal na mundo, na isang aspeto ng pamamahala ng Diyos at kapangyarihan sa espirituwal na mundo. Kapag hindi ninyo naintindihan ang mga bagay na ito, maaaring masabi ninyo: “Ang lahat ng may kinalaman dito ay misteryo, at walang kinalaman sa ating pagpasok sa buhay; ang mga bagay na ito ay nakahiwalay mula sa kung paano talaga nabubuhay ang mga tao, at hindi natin kailangang maintindihan ang mga ito, ni gusto man nating makarinig tungkol sa kanila. Ganap silang walang kinalaman sa pagkilala sa Diyos.” Ngayon, iniisip ba ninyo na may suliranin sa gayong pag-iisip? Tama ba ito? Ang gayong pag-iisip ay hindi tama, at mayroong malubhang mga suliranin. Iyan ay dahil, kung nais mong maintindihan kung paanong pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng mga bagay, hindi mo basta na lamang at uunawain lamang kung ano ang iyong nakikita at kung ano ang naaabot ng iyong kaisipan. Dapat mo ring maintindihan ang ilan sa iba pang mundo na hindi mo nakikita, ngunit yaong hindi maihihiwalay sa mundong ito na nakikita mo. Ito ay may kinalaman sa kapangyarihan ng Diyos, ito ay may kaugnayan sa paksang “Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay”; impormasyon ito tungkol dito. Kung wala ang impormasyong ito, magkakaroon ng mga kapintasan at mga pagkukulang sa kaalaman ng tao tungkol sa kung paanong Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay. Kaya, ang ating napag-usapan sa araw na ito ay maaaring masabi na naging buod sa ating napag-usapan noong nakaraan, gayundin ang nilalaman ng “Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay.” Sa pagkaunawa nito, nakikilala na ba ninyo ngayon ang Diyos sa pamamagitan ng nilalaman nito? At ano ang mas mahalaga? Sa araw na ito, naipasa Ko ang isang mahalagang piraso ng impormasyon sa inyo: ang lihim ng mga tagapaglingkod. Alam Ko na talagang gusto ninyong makarinig ng mga paksang kagaya nito, na nagmamalasakit talaga kayo sa mga bagay na ito, kaya nasiyahan ba kayo sa ating napag-usapan sa araw na ito? (Oo, nasiyahan kami.) Maaaring wala kayong masidhing damdamin ukol sa ibang mga bagay, ngunit mayroon kayong isang masidhing damdamin sa mga kasabihan tungkol sa mga tagapaglingkod, sapagkat inaantig ng paksang ito ang kaluluwa ng bawat isa sa inyo.
2. Ang mga Kinakailangan ng Diyos sa Sangkatauhan
1) Ang Pagkakakilanlan at Kalagayan ng Diyos Mismo
Sumapit tayo sa pagtatapos ng paksang “Ang Diyos ang siyang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay,” gayundin ang sa “Ang Diyos ang Natatanging Diyos Mismo.” Sa paggawa nito, kailangan nating gumawa ng buod. Anong uri ng buod? Yaong tungkol sa Diyos Mismo. Yamang ito ay tungkol sa Diyos Mismo, kung gayon dapat itong nakaugnay sa bawat aspeto ng Diyos, gayundin sa paraan ng paniniwala ng mga tao sa Diyos. At kaya, kailangan Ko muna kayong tanungin: Sa pagkarinig sa pagtuturo, sino ang Diyos sa mata ng inyong isipan? (Ang Lumikha.) Ang Diyos sa mata ng inyong isipan ay ang Lumikha. Mayroon pa bang iba? Ang Diyos ang Panginoon ng lahat ng mga bagay; Ang Diyos ang Siyang namamahala sa lahat ng mga bagay, at ang nangangasiwa sa lahat ng mga bagay. Nilikha Niya ang lahat ng mayroon, pinangangasiwaan Niya ang lahat ng mayroon, at pinamamahalaan din Niya ang lahat ng mayroon at nagkakaloob sa lahat ng mayroon. Ito ang kalagayan ng Diyos, at ang pagkakakilanlan ng Diyos. Para sa lahat ng mga bagay at sa lahat ng mayroon, ang tunay na pagkakakilanlan sa Diyos ay ang Lumikha, at ang Namumuno sa lahat ng mga bagay. Ang gayon ay ang pagkakakilanlan na taglay ng Diyos, at Siya ay natatangi sa gitna ng lahat ng mga bagay. Wala sa mga nilikha ng Diyos—maging sila man ay sa gitna ng sangkatauhan, o sa espirituwal na mundo—ay maaaring gumamit ng anumang mga pamamaraan o dahilan upang magpanggap o palitan ang pagkakakilanlan at kalagayan ng Diyos, sapagkat mayroon lamang isa sa gitna ng lahat ng mga bagay na taglay ang pagkakilanlang ito, kapangyarihan, awtoridad, at ang kakayahang mamahala sa lahat ng mga bagay: ang ating natatanging Diyos Mismo. Siya ay nabubuhay at gumagalaw sa lahat ng mga bagay; maaari Siyang tumayo sa pinakamataas na lugar, sa ibabaw ng lahat ng mga bagay; kaya Niyang ibaba ang Sarili Niya sa pamamagitan ng pagiging isang tao, sa pagiging isa sa gitna niyaong may laman at dugo, humarap nang malapitan sa mga tao at nakikibahagi sa kanila sa hirap at ginhawa; kasabay nito, pinamamahalaan Niya ang lahat ng mayroon, at nagpapasya sa kapalaran ng lahat ng mayroon, at anong direksyon ang tatahakin nito; higit pa rito, ginagabayan Niya ang kapalaran ng buong sangkatauhan, at ang patutunguhan ng sangkatauhan. Ang isang Diyos na gaya nito ay dapat sambahin, talimahin, at kilalanin ng bawat buhay na mga nilalang. At kaya, sa alinmang grupo at uri sa gitna ng sangkatauhan ka kabilang, ang paniniwala sa Diyos, pagsunod sa Diyos, paggalang sa Diyos, pagtanggap sa pamamahala ng Diyos, at pagtanggap sa pagsasa-ayos ng Diyos para sa iyong kapalaran ang tangi mong pagpipilian, at mahalagang pagpipilian, para sa bawat tao, para sa bawat buhay na nilalang. Sa pagiging natatangi ng Diyos, nakikita ng mga tao na ang Kanyang awtoridad, ang Kanyang matuwid na disposisyon, ang Kanyang diwa, at ang mga pamamaraan kung paano Siya naglalaan para sa lahat ng mga bagay ay natatangi; ang Kanyang pagiging natatangi ang nagpapasiya sa tunay na pagkakakilanlan ng Diyos Mismo, at ito ang nagpapasiya sa Kanyang kalagayan. At kaya, sa gitna ng lahat ng mga nilikha, kung ang sinumang buhay na nilalang sa espirituwal na mundo o sa gitna ng sangkatauhan ang magnais na tumayo sa lugar ng Diyos, magiging imposible ito, na animo’y pagtatangka na magpanggap na Diyos. Ito ang katotohanan. Ano ang mga kinakailangan ng sangkatauhan sa isang Lumikha at Namamahala na kagaya nito, na taglay ang pagkakakilanlan, ang kapangyarihan, at ang kalagayan ng Diyos Mismo? Ito ay dapat nang maliwanag sa inyong lahat na narito ngayong araw, at dapat matandaan ninyo, at ito ay parehong napakahalaga para sa Diyos at sa tao!
2) Ang Iba't Ibang Saloobin ng Sangkatauhan Tungo sa Diyos
Kung paano makitungo ang mga tao tungo sa Diyos ang magpapasya ng kanilang kapalaran, at nagpapasya kung paano kikilos at makikitungo ang Diyos sa kanila. Sa puntong ito magbibigay Ako ng ilang halimbawa sa kung paano makitungo ang mga tao tungo sa Diyos. Pakinggan natin ang isang bagay kung ang kanilang mga pag-uugali at mga saloobin na kanilang ikinikilos tungo sa Diyos ay tama o mali. Tingnan natin ang pag-uugali ng sumusunod na pitong uri ng tao:
a. Mayroong isang uri ng tao na ang saloobin sa Diyos ay talagang kakatwa. Iniisip nila na ang Diyos ay kagaya ng isang Bodhisattva o banal na nilalang na mayroong tradisyonal na kaalaman ng tao, at hinihingi sa mga tao na yumuko ng tatlong beses kapag sila ay nagkikita at magsisindi ng insenso pagkatapos nilang kumain. At kaya kung, sa kanilang mga puso, sila ay lubos na nagpapasalamat sa Diyos para sa Kanyang biyaya, at kumikilala ng utang na loob sa Diyos, madalas silang magkaroon ng gayong simbuyo. Pinakananais nila na ang Diyos na kanilang pinaniniwalaan sa araw na ito ay magagawang, kagaya ng banal na nilalang na kanilang hinahangad sa kanilang mga puso, tanggapin ang pag-uugali tungo sa Kanya kung saan yuyuko sila ng tatlong beses kapag sila ay nagkikita, at magsisindi ng insenso pagkakain.
b. Ang ilang tao ay nakikita ang Diyos bilang isang buhay na Buddha na may kakayahang alisin ang lahat nang nabubuhay mula sa pagdurusa, at nililigtas sila; nakikita nila ang Diyos bilang isang buhay na Buddha na may kakayahang agawin sila mula sa dagat ng kapighatian. Ang pananampalataya ng mga taong ito sa Diyos ay ang pagsamba sa Diyos bilang isang Buddha. Bagamat hindi sila nagsisindi ng insenso, kowtow, o nagbibigay ng mga handog, sa kanilang mga puso ang kanilang Diyos ay gaya lamang ng isang Buddha, at hinihiling lamang na sila ay mabait at mapagkawang-gawa, na hindi sila pumapatay ng buhay na nilalang, hindi sumumpa sa iba, namumuhay ng isang buhay na nagpapakita ng katapatan, at hindi gumagawa ng masama—ang mga bagay na ito lamang. Ito ang Diyos sa kanilang mga puso.
c. Sinasamba ng ilang tao ang Diyos bilang isang dakila o bantog. Halimbawa, kahit sa anumang mga paraan naising magsalita ng dakilang taong ito, sa anumang tono siya magsasalita, anong mga salita o bokabularyo ang kanyang ginagamit, ang kanyang tono, ang pagkumpas ng kanyang mga kamay, ang kanyang mga opinyon at mga pagkilos, ang kanyang pakikitungo—ginagaya nila ang lahat ng iyon, at ito ang mga bagay na dapat nilang lubos na mahinuha sa landas ng kanilang paniniwala sa Diyos.
d. Nakikita ng ilang tao ang Diyos bilang isang hari, nararamdaman nila na siya ay nasa ibabaw ng lahat, at walang sinuman ang mangangahas na galitin Siya—at kung ito ay gagawin nila, sila ay parurusahan. Sinasamba nila ang haring iyon sapagkat ang mga hari ay mayroong tiyak na lugar sa kanilang mga puso. Ang mga kaisipan, pag-uugali, awtoridad at kalikasan ng mga hari—maging ang kanilang mga kinahihiligan at personal na buhay—lahat ay naging isang bagay na dapat maintindihan ng mga taong ito, mga isyu at mga bagay-bagay na may kaugnayan sa kanila, at kaya sinasamba nila ang Diyos bilang isang hari. Ang gayong anyo ng pananampalataya ay katawa-tawa.
e. Ang ilan sa mga tao ay may partikular na pananampalataya sa pag-iral ng Diyos, isa na matindi at hindi natitinag. Sapagkat ang kaalaman nila tungkol sa Diyos ay napakababaw at wala silang gaanong karanasan sa mga salita ng Diyos, Siya ay sinasamba nila bilang isang idolo. Ang idolong ito ay ang Diyos sa kanilang mga puso, ito ay isang bagay na dapat nilang katakutan at yukuran, na dapat nilang sundin at gayahin. Nakikita nila ang Diyos bilang isang idolo, isa na dapat nilang sundin sa buong buhay nila. Ginagaya nila ang tono kung paano nagsasalita ang Diyos, at sa panlabas ginagaya nila yaong nagugustuhan ng Diyos. Madalas silang gumagawa ng mga bagay na lumilitaw na parang walang muwang, dalisay, at tapat, at sinusunod pa nila ang idolong ito bilang isang kasosyo o kasamahan na hindi nila mahihiwalayan kailanman. Ang gayon ay ang anyo ng kanilang paniniwala.
f. May ilang tao na, kahit nakabasa na ng marami sa mga salita ng Diyos at nakarinig na ng maraming pangangaral, nadarama nila sa kanilang mga puso na ang tanging panuntunan ng kanilang pag-uugali tungo sa Diyos ay ang palagi dapat silang mababa ang loob at masunurin, kung hindi dapat na parangalan ang Diyos at purihin Siya sa isang paraan na hindi makatotohanan. Naniniwala sila na ang Diyos ay isang Diyos na humihiling sa kanila na kumilos sa gayong paraan, at naniniwala sila na kapag hindi nila iyon ginawa, sa gayon anumang sandali maaari nilang mapukaw ang Kanyang galit o magkasala laban sa Kanya, at bilang resulta ng kanilang pagkakasala parurusahan sila ng Diyos. Ganyan ang Diyos sa kanilang mga puso.
g. At naririyan ang karamihan sa mga tao, na nakasusumpong ng pagkaing espirituwal sa Diyos. Sapagkat sila ay nabubuhay sa mundong ito, sila ay walang kapayapaan at kaligayahan, at saan man ay di sila makahanap ng kaginhawahan. Pagkatapos nilang mahanap ang Diyos, nang kanilang makita at marinig ang Kanyang mga salita, sa kanilang mga puso ay lihim silang nagagalak at tuwang-tuwa. At bakit nagkaganoon? Naniniwala sila na sa wakas ay nakahanap din sila ng isang lugar na makapagdadala sa kanila ng kagalakan, na sa wakas ay nakahanap sila ng isang Diyos na makapagbibigay sa kanila ng pagkaing espirituwal. Iyon ay dahil, matapos nilang tanggapin ang Diyos at nagsimulang sundin Siya, sila ay naging masaya, ang kanilang mga buhay ay natupad, hindi na sila katulad ng mga hindi sumasampalataya, na kampante lamang sa kanilang buhay gaya ng mga hayop, at nadarama nila na mayroon pa silang tatanawing kinabukasan sa kanilang buhay. Kaya, iniisip nila na ang Diyos na ito ay maaaring mapasiya ang kanilang mga espirituwal na pangangailangan at makapagdadala ng malaking kaligayahan sa isip at espiritu. Hindi nila namamalayan, hindi nila magawang iwanan ang Diyos na ito na nagbibigay sa kanila ng pagkaing espirituwal, na nagbibigay ng kagalakan sa kanilang espiritu at sa buong sambahayan. Naniniwala sila na ang paniniwala sa Diyos ay wala ng gagawin maliban sa magbigay sa kanila ng pagkaing espirituwal.
Ang mga saloobin ba sa Diyos nitong iba’t ibang uri ng taong ito ay umiiral sa gitna ninyo? (Umiiral sila.) Kung, sa kanilang pananampalataya sa Diyos, sa puso ng isang tao ay naglalaman ng anuman sa mga saloobing ito, magagawa ba nilang tunay na makarating sa harap ng Diyos? Kung ang sinuman ay magtaglay ng alinman sa mga saloobing ito sa kanilang puso, naniniwala ba sila sa Diyos? Naniniwala ba sila sa natatanging Diyos Mismo? Yamang hindi ka naniniwala sa natatanging Diyos Mismo, sino ang iyong pinaniniwalaan? Kung ang pinaniniwalaan mo ay hindi ang natatanging Diyos Mismo, maaring mangyari na naniniwala ka isang idolo, o isang dakilang tao, o isang Bodhisattva, na ikaw ay sumasamba sa Buddha sa iyong puso. Higit pa rito, maaaring mangyari na naniniwala ka sa isang karaniwang tao. Sa kabuuan, dahil sa iba’t-ibang mga anyo ng paniniwala at mga saloobin ng mga tao tungo sa Diyos, inilalagay ng mga tao ang Diyos ng kanilang sariling palagay sa kanilang mga puso, iginigiit nila ang kanilang kathang-isip sa Diyos, inilagay nila ang kanilang mga saloobin at mga kathang-isip tungkol sa Diyos na nasa tabi ng natatanging Diyos Mismo, at pagkatapos ay itinataas nila ang mga ito upang purihin. Ano ang nangangahulugan kapag ang mga tao ay may gayong hindi angkop na mga saloobin tungo sa Diyos? Nangangahulugan ito na itinakwil nila ang tunay na Diyos Mismo at sinasamba ang isang huwad na Diyos, at nangangahulugan ito na kasabay ng kanilang paniniwala sa Diyos, itinatakwil nila ang Diyos, at sinasalungat Siya, at na itinatanggi nila ang pag-iral ng tunay na Diyos. Kapag ang mga tao ay nanatiling humawak sa gayong mga anyo ng paniniwala, ano ang magiging kahihinatnan para sa kanila? Sa gayong mga anyo ng paniniwala, nagagawa ba nilang mas mapalapit kailanman sa pagtupad ng mga kinakailangan ng Diyos? Sa halip, dahil sa kanilang mga pagkaintindi at mga kathang-isip, ang mga tao ay lalong mapapalayo kailanman sa daan ng Diyos, sapagkat ang landas na kanilang hinahanap ay kasalungat ng landas na kinakailangan sa kanila ng Diyos. Narinig Na ba ninyo ang kuwento “papuntang timog sa pamamagitan ng pagmamaneho sa karuwahe papuntang hilaga”? Maaaring ito ay ang isang kaso ng papuntang timog sa pamamagitan ng pagmamaneho sa karuwahe papuntang hilaga. Kung naniniwala ang mga tao sa Diyos sa isang kakatwang paraan, kung gayon lalo kang magsisikap nang mabuti, mas lalo kang malalayo mula sa Diyos. At kaya ipinapayo ko ito sa inyo: Bago kayo magpatuloy, dapat mo munang maunawaan kung ikaw ay papunta sa tamang landas. Maging asintado ka sa iyong mga pagsisikap, at tiyaking tanungin ang iyong sarili “Ang Diyos ba na aking pinaniniwalaan ay ang Namumuno sa lahat ng mga bagay? Ang Diyos ba na aking pinaniniwalaan ay basta na lang yaong nagbibigay sa akin ng pagkaing espirituwal? Siya ba ang aking idolo? Ano ang hinihingi sa akin nitong Diyos na aking pinaniniwalaan? Sinasang-ayunan ba ng Diyos ang lahat ng aking ginagawa? Ang lahat ba ng aking ginagawa at hinahangad ay sa pagsisikap kong makilala ang Diyos? Ito ba ay batay sa mga kinakailangan ng Diyos sa akin? Ang landas ba na aking tinatahak ay kinikilala at sinang-ayunan ng Diyos? Ang Diyos ba ay nasisiyahan sa aking pananampalataya?” Dapat madalas at paulit-ulit mong tanungin ang iyong sarili tungkol sa mga tanong na ito. Kung nais mong hangarin ang kaalaman sa Diyos, kung gayon ay dapat kang magkaroon ng malinaw na kamalayan at malinaw na mga layunin bago mo palugurin ang Diyos.
Ito ba ay posibleng, bilang isang resulta ng Kanyang pagpaparaya, tatanggapin ng Diyos na labag sa kalooban ang mga hindi wastong mga pag-uugali na ito na kasasabi ko pa lamang? Pupurihin kaya ng Diyos ang ganitong mga pag-uugali ng mga tao? Ano ang mga kinakailangan ng Diyos sa sangkatauhan at sa kanila na sumusunod sa Kanya? Malinaw na ba sa inyo kung ano ang pag-uugali na kinakailangan Niya sa mga tao? Sa araw na ito, napakarami Ko nang nasabi, napakarami na ng Aking nasabi tungkol sa paksang Diyos Mismo, gayundin ang tungkol sa mga gawa ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya. Ngayon nalalaman na ba ninyo kung ano ang ninanais ng Diyos na makamit mula sa mga tao? Nalalaman mo ba kung ano ang mga kagustuhan ng Diyos mula sa iyo? Magsalita kayo. Kung ang inyong kaalaman mula sa mga karanasan at pagsasagawa ay nananatiling kulang o masyadong mababaw, makapagsasabi kayo ng ilang bagay tungkol sa inyong kaalaman ukol sa mga salitang ito. Mayroon ba kayong buod na kaalaman? Ano ang hinihingi ng Diyos sa tao? (Katapatan, pagkamasunurin.) Ano pa, maliban sa katapatan at pagkamasunurin? Ang ibang mga kapatid ay maaari ring magsalita. (Sa panahon ng ilang pakikipag-isa na ito, ang Diyos ay gumawa ng isang punto ng pangangailangan na kilalanin natin ang Diyos, kilalanin ang Kanyang mga gawa, kilalanin na Siya ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay, at hiniling na kilalanin natin ang Kanyang kalagayan at pagkakakilanlan, at kilalanin ang ating tungkulin bilang mga nilikha ng Diyos. Malinaw ang Kanyang mga salita sa kung ano ang dapat nating paglaanan sa ating mga pagsisikap, ano ang Kanyang mga kinakailangan sa atin, kung anong uri ng mga tao ang Kanyang nagugustuhan, at anong uri ang Kanyang kinasusuklaman.) At ano ang pangwakas na kalalabasan kapag hiniling ng Diyos sa mga tao na kilalanin Siya? (Nalalaman nila na ang Diyos ang Lumikha, at na ang mga tao ay mga nilikha.) Kapag nakamit nila ang gayong kaalaman, anong mga pagbabago ang mayroon sa saloobin ng mga tao tungo sa Diyos, sa kanilang pag-uugali at sa paraan ng pagsasagawa, o sa kanilang disposisyon sa buhay? Naisip na ba ninyo kailanman ang ukol dito? Maaari bang sabihin na, pagkatapos makilala ang Diyos, at maunawaan Siya, sila ay magiging isang mabuting tao? (Ang paniniwala sa Diyos ay hindi ang paghahangad na maging mabuting tao.) At kaya anong uri ng tao dapat silang maging? (Dapat silang maging karapat-dapat na nilikha ng Diyos.) (Dapat silang maging tapat.) Mayroon pa bang iba? (Sila dapat ay yaong nagpapasakop sa mga katugmaan ng Diyos, ang may kakayahan na sambahin at ibigin ang Diyos nang tunay.) (Dapat silang magtaglay ng isang konsensiya at katinuan, at nagagawang sundin ang Diyos nang tunay.) At ano pa? (Pagkatapos nang tunay at wastong pagkilala sa Diyos, nagagawa nating kumilos nang wasto tungo sa Diyos bilang Diyos, kikilalalnin natin magpakailanman na ang Diyos ay Diyos, na tayo ay mga nilalang, dapat nating sambahin ang Diyos, at mangunyapit sa ating kinatatayuan.) Magaling! Makinig tayo sa iba. (Ang mga pakikipag-isa ng Diyos ay nakatutulong sa atin upang makilala ang awtoridad ng Diyos sa pamamahala sa lahat ng mga bagay, nagiging daan ang mga ito upang ating kilalanin na Siya ang Namumuno sa lahat ng mga bagay, upang makapagpasakop tayo sa mga kapaligiran na isinasaayos ng Diyos para sa atin kada araw, at nagagawang tunay na magpasakop sa tungkulin na ibinigay ng Diyos sa atin.) (Kilala natin ang Diyos, at sa dakong huli nagagawa nating mga tao na totoong tumatalima sa Diyos, gumagalang sa Diyos, at lumalayo sa kasamaan.) Tama iyon!
3) Ang Saloobin na kinakailangan ng Diyos na Dapat Taglayin ng Sangkatauhan Tungo sa Kanya
Sa katunayan, ang Diyos ay hindi masyadong mapagkailangan sa tao—o basta, hindi Siya mapagkailangan kagaya ng iniisip ng mga tao. Kung wala ang mga pagbigkas ng Diyos, o anumang pagpapahayag ng Kanyang disposisyon, mga gawa, o mga salita, kung gayon ang pagkilala sa Diyos ay magiging napakahirap para sa inyo, sapagkat kailangan pang mahiwatigan ng mga tao ang intensyon at kalooban ng Diyos, na napakahirap para sa kanila. Ngunit tungkol sa huling yugto ng Kanyang gawain, nagsalita na ang Diyos nang napakaraming mga salita, nakapagsagawa ng napakalaking gawain, at gumawa ng napakaraming mga kinakailangan sa tao. Sa Kanyang mga salita, at sa Kanyang napakaraming gawain, naipaabot Niya sa mga tao ang Kanyang ninanais, Kanyang kinasusuklaman, at kung anong uri ng mga tao sila dapat maging. Pagkatapos maintindihan ang mga bagay na ito, ang mga tao ay dapat magkaroon ng wastong kahulugan ng mga kinakailangan ng Diyos sa kanilang mga puso, sapagkat hindi sila naniniwala sa Diyos sa gitna ng pagiging malabo at kawalang-linaw at hindi na sila maniniwala pa sa malabong Diyos, o sumusunod sa Diyos sa gitna ng pagiging malabo at kawalang-linaw, at kawalan; sa halip, naririnig ng mga tao ang mga pagbigkas ng Diyos, maiintindihan nila ang mga pamantayan ng Kanyang mga kinakailangan, at makakamit ang mga ito, at ginagamit ng Diyos ang wika ng sangkatauhan upang sabihin sa mga tao ang lahat ng dapat nilang malaman at maintindihan. Sa araw na ito, kung wala pa ring alam ang mga tao sa mga kinakailangan ng Diyos sa kanila, kung ano ang Diyos, bakit sila naniniwala sa Diyos, at kung paano sila dapat maniwala sa Diyos at makitungo sa Kanya, kung gayon sa ganito mayroon isang suliranin. Ngayon pa lang ang bawat isa sa inyo ay nagsabi ng isang bahagi; may kamalayan kayo sa ilang bagay, maging ang mga bagay na ito ay sa partikular o sa pangkalahatan—ngunit nais kong sabihin sa inyo ang tama, ganap, at partikular na mga kinakailangan ng Diyos tungo sa sangkatauhan. Sila ay konting mga salita lamang, at napakapayak. Maaaring alam na ninyo ang mga salitang ito. Ang tamang mga kinakailangan ng Diyos sa sangkatauhan at sa mga sumusunod sa Kanya ay ang mga sumusunod. Ang Diyos ay nangangailangan ng limang bagay sa yaong sumusunod sa Kanya: tunay na pananampalataya, tunay na pagsunod, lubos na pagtalima, tunay na kaalaman, at taos-pusong paggalang.
Sa limang mga bagay na ito, kinakailangan ng Diyos sa mga tao na huwag na Siyang kwestyunin, huwag na rin Siyang sundin gamit ang kanilang kathang-isip o malabo at hindi malinaw na mga pananaw; hindi nila dapat sundin ang Diyos sa pamamagitan ng anumang mga kathang-isip o mga pagkaintindi. Kinakailangan ng Diyos na ang lahat ng sumusunod sa Kanya ay gawin iyon nang may katapatan, hindi nag-aalinlangan o pag-iwas. Kapag ang Diyos ay gumagawa ng anumang mga kinakailangan sa iyo, o sinusubukan ka, hinahatulan ka, nakikitungo at pupungusin ka, o dinidisiplina at sinasaktan ka, dapat kang lubos na maging masunurin sa Kanya. Hindi mo dapat itanong ang kadahilanan, o gumawa ng mga kondisyon, lalong hindi dapat magsalita ng katuwiran. Ang iyong pagsunod ay dapat maging lubos. Ang pagkilala sa Diyos ay ang bahagi kung saan ang mga tao ay nagkukulang nang husto. Madalas nilang igiit ang mga kasabihan ng Diyos, mga pagbigkas, at mga salitang walang kaugnayan sa Kanya, sa paniniwala na ang mga salitang ito ay ang mga pinakawastong kahulugan ng kaalaman sa Diyos. Hindi nila nalalaman na ang mga kasabihang ito, na galing sa mga kathang-isip ng mga tao, kanilang sariling pangangatwiran, at kanilang sariling talino, wala ni katiting na kaugnayan sa diwa ng Diyos. At kaya, nais Kong sabihin sa inyo na, sa kaalaman sa mga taong ninais ng Diyos, hindi lamang basta hinihiling ng Diyos na makilala mo ang Diyos at ang Kanyang mga salita, kundi na ang iyong kaalaman sa Diyos ay tama. Kahit makapagsabi ka lamang ng isang pangungusap, o may konting kamalayan lamang, ang maliit na kamalayang ito ay tama at totoo, at angkop sa diwa ng Diyos Mismo. Sapagkat kinamumuhian ng Diyos ang parangal at pagpupuri sa Kanya ng mga tao na hindi makatotohanan at hindi pinag-isipan. Higit pa roon, kinasusuklaman Niya ito kapag itinuturing Siya ng mga tao na kagaya ng hangin. Kinasusuklaman Niya ito kapag, sa panahon ng talakayan ng mga paksa tungkol sa Diyos, ang mga tao ay nagsasalita nang walang galang, nagsasalita na lamang basta at walang pag-aatubili, nagsasalita anumang oras gustuhin; mangyari pa, kinasusuklaman Niya yaong mga naniniwala na kilala nila ang Diyos, at mga hambog tungkol sa kaalaman sa Diyos, tinatalakay ang mga paksa tungkol sa Diyos nang walang pagtitimpi o pangingimi. Ang huli sa limang kahilingan na iyon ay taos-pusong paggalang. Ito ang huling kinakailangan ng Diyos sa lahat ng sumusunod sa Kanya. Kapag taglay ng isang tao ang tama at tunay na kaalaman sa Diyos, nagagawa nilang totoong igalang ang Diyos at layuan ang kasamaan. Ang paggalang na ito ay nanggagaling sa kaibuturan ng kanilang mga puso, at ito ay kusa, at hindi dahil pinilit sila ng Diyos. Hindi hiniling ng Diyos na gumawa ka ng isang handog ng anumang mabuting saloobin, o pag-uugali, o panlabas na saloobin sa Kanya; sa halip, Kanyang hinihiling na igalang Siya at katakutan Siya mula sa kaibuturan ng iyong puso. Ang paggalang na ito ay nakakamit bilang resulta ng mga pagbabago sa iyong disposisyon sa buhay, sapagkat mayroon kang kaalaman sa Diyos, sapagkat mayroon kang pagkaunawa sa mga gawa ng Diyos, dahil sa iyong pagkaunawa sa diwa ng Diyos at sapagkat iyong nakilala ang katotohanan na isa ka sa mga nilikha ng Diyos. At kaya, ang Aking layunin sa paggamit ng salitang “taos-puso” upang ipakahulugan ang paggalang dito ay upang maintindihan ng sangkatauhan na ang paggalang sa Diyos ng mga tao ay dapat manggaling sa kaibuturan ng kanilang mga puso.
Ngayon isalang-alang yaong limang mga kinakailangan: Mayroon ba sa inyo ang may kakayahang makamit ang unang tatlo? Sa kung saan pinakahulugan Ko ang tunay na pananampalataya, tapat na pagsunod, at lubos na pagtalima. Mayroon ba sa inyo ang may kakayahan sa mga bagay na ito? Alam Ko na kapag sinabi kong lima, kung gayon walang kaduda-duda isa man sa inyo ay wala—ngunit ibinaba Ko ito sa tatlo. Pag-isipan ninyo kung nakamtan na ninyo ang mga ito o hindi. Ang “tunay na pananampalataya” ba ay madaling makamtan? (Hindi, ito ay hindi.) Hindi ito madali, para sa mga taong madalas kwestyunin ang Diyos. Ang “tapat na pagsunod” ba ay madaling makamit? (Hindi, ito ay hindi.) Ano ang tinutukoy nitong “tapat”? (Hindi nang pabantulot kundi nang buong puso.) Oo, hindi pabantulot, kundi nang buong puso. Nakuha ninyo nang tama! Kaya may kakayahan ba kayong makamit ang hinihiling nito? Kailangang magsikap pa kayo nang mabuti—sa kasalukuyan hindi pa ninyo nakamit ang hinihiling na ito! Tungkol naman sa “ganap na pagsunod”—nakamit na ba ninyo iyon? (Hindi.) Hindi pa rin ninyo nakakamit iyon. Palagi kayong suwail, at mapanghimagsik, madalas kayong hindi nakikinig, o nagnanais sumunod, o nais makarinig. Ito ang tatlo sa mga pinakapangunahing kinakailangan na nakakamit ng mga tao kasunod nang kanilang pagpasok sa buhay, at ang mga ito ay hindi pa nakakamit sa inyo. Kaya, sa kasalukuyan, mayroon ba kayong malaking kakayahan? Sa araw na ito, sa pagkarinig ninyong sinasabi ko ang mga salitang ito, nakadarama ba kayo ng pangamba? (Oo!) Tama lamang na makadama kayo ng pangamba—Nakadadama Ako ng pangamba para sa inyo! Hindi na Ako pupunta sa dalawang mga kinakailangan; walang duda, walang sinuman ang may kakayahan na makamit ang mga ito. Nangangamba kayo. Kaya napagpasiyahan na ba ninyo ang inyong mga layunin? Anong mga layunin, tungo sa anong direksyon, ang dapat ninyong tahakin, at paglaanan ng inyong mga pagsisikap? Mayroon ba kayong layunin? (Oo.) Ano ang inyong layunin? Sabihin ninyo sa Akin. (Upang itaguyod ang katotohanan, upang itaguyod ang kaalaman sa Diyos sa loob ng Kanyang mga salita, at upang sa huli ay makamit ang paggalang at pagsunod tungo sa Diyos.) Hayaan ninyo Akong magsalita nang malinaw: Kapag nakamit na ninyo ang limang pangangailangan na ito, mapalulugod ninyo ang Diyos. Ang bawat isa sa kanila ay isang panukat, isang panukat sa pagpasok ng mga tao sa buhay sa pagkakaabot sa ganap na gulang, at ang pangwakas na layunin nito. Kahit pumili lang Ako ng isa sa mga kinakailangang ito upang talakayin nang buo at hilingin sa inyo, hindi ito magiging madaling makamit; dapat matiis ng mga tao ang isang antas ng paghihirap at maglaan ng naturang dami ng pagsisikap. At anong uri ng kaisipan ang dapat ninyong taglayin? Dapat itong kagaya ng isang pasyente na may kanser na naghihintay na isalang sa mesang pang-opera. At bakit Ko sinasabi ito? Kung nais mong maniwala sa Diyos, at nais makamit ang Diyos at makamit ang Kanyang kasiyahan, at sa gayon ay kung hindi ka magtitiis ng isang antas ng sakit o maglaan ng naturang dami ng pagsisikap, hindi mo makakamit ang mga bagay na ito. Nakapakinig kayo ng napakaraming pangangaral, ngunit sa pagkarinig nito hindi ito nangangahulugan na ang pangangaral ay sa inyo; kailangan mong namnamin ito at gawin itong isang bagay na pagmamay-ari mo, dapat mong maisangkap ito sa iyong buhay, at dalhin ito sa iyong pag-iral, hayaan ang mga salitang ito at pangangaral na patnubayan kung paano ka mamuhay, at magdala ng kabuluhan at kahulugan sa iyong buhay—at sa gayon magiging pakinabang ang marinig mo ang mga salitang ito. Kung ang mga salitang Aking sinabi ay hindi magdadala ng anumang pagbabago sa iyong buhay, o anumang kabuluhan sa iyong pag-iral, kung gayon walang saysay para sa iyo ang pakinggan ang mga ito. Naiintindihan ba ninyo ito, oo? Sa pagkaintinding gayon, kung gayon ang natitira ay kayo na ang bahala. Kailangan na ninyong gumawa! Dapat kayong maging masigasig sa lahat ng mga bagay! Huwag magpatumpik-tumpik—mabilis ang paglipad ng oras! Karamihan sa inyo ay nanampalataya na nang mahigit sampung taon. Lumingon kayo sa mahigit sampung taong ito ng pananampalataya: Gaano na karami ang inyong nakamit? At ilang dekada pa ang natitira sa inyo sa buhay na ito? Hindi ganoon kahaba iyon; anuman ang iyong gawin, huwag mong sasabihin na sa Kanyang gawain ay maghihintay ang Diyos para sa iyo, at nagtatabi ng mga pagkakataon para sa iyo. Ang Diyos ay tiyak na hindi babalik at gagawin ang kaparehong gawain. Maibabalik mo ba ang iyong huling sampung taon? Sa bawat araw na nagdaraan at sa bawat ginagawa mong paghakbang, ang mga araw na mayroon ka ay umiigsi ng isang araw, nababawasan ng isang araw, oo? Hindi maghihintay ang oras sa kaninumang tao! Magkakamit ka lamang mula sa pananampalataya sa Diyos kung ituturing mo ito na pinakadakilang bagay sa iyong buhay, mas mahalaga kaysa sa pagkain, kasuotan, o sa anupaman! Kung ikaw ay maniniwala lamang kapag may panahon ka, at walang kakayahan na gugulin mo ang iyong kabuuang pansin sa iyong pananampalataya, kung ikaw ay palaging nasasapatan, at nagpapatumpik-tumpik, kung gayon ay wala kang makakamit. Naiintindihan ba ninyo ito, oo? Magtatapos tayo dito sa araw na ito! Kita tayo uli sa susunod! (Salamat sa Diyos!)
Pebrero 15, 2014
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Mga Talababa:
a. Nilaktawan ng orihinal na teksto ang “kung paano naging tao ang mga taong ito.”
b. Nilaktawan ng orihinal na teksto ang “bago sila muling nagkatawang-tao.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento