Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Pagbigkas ni Cristo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Pagbigkas ni Cristo. Ipakita ang lahat ng mga post

Biyernes, Marso 6, 2020

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Apendise: Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo


Apendise: Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo


Katulad ng daan-daang milyong ibang mga sumusunod sa Panginoong Jesucristo, tayo ay sumusunod sa mga batas at utos ng Biblia, tinatamasa ang masaganang biyaya ng Panginoong Jesucristo, nagsasama-sama, nananalangin, nagpupuri, at naglilingkod sa ngalan ng Panginoong Jesucristo—at lahat ng ito ay ating ginagawa sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Panginoon. Tayo ay madalas na mahina, at tayo rin madalas ay malakas.

Lunes, Pebrero 17, 2020

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ikaw ba ay Totoong Mananampalataya sa Diyos?


Marahil ang iyong paglalakbay ng pananampalataya sa Diyos ay mahigit isa o dalawang taon na, at marahil sa iyong buhay sa paglipas ng mga taong ito, marami kang napagdaanang kahirapan; o marahil hindi ka napasailalim sa kahirapan at sa halip nakatanggap na ng labis na biyaya. Maaaring hindi ka nakaranas ng alinman sa paghihirap o biyaya, nguni’t sa halip ay namuhay nang pinaka-karaniwan. Sa kabila nito, tagasunod ka pa rin ng Diyos, kaya’t hayaang magkaroon tayo ng pagbabahagi tungkol sa paksa ng pagsunod sa Kanya. Gayunman, Aking pinaaalalahanan ang lahat na magbabasa ng mga salitang ito na ang salita ng Diyos ay nakadirekta tungo sa lahat ng kumikilala sa Diyos at lahat ng sumusunod sa Diyos, hindi tungo sa lahat ng tao sa pangkalahatan, kabilang ang mga hindi kumikilala sa Diyos. Kung naniniwala ka na ang Diyos ay nagsasalita para sa karamihan, sa lahat ng tao sa mundo, walang magiging epekto sa’yo kung gayon ang salita ng Diyos. Kaya, dapat mong ingatan ang lahat ng salita na malapit sa inyong puso, at huwag mong ilagay ang iyong sarili sa labas ng nasasakupan nito. Sa anumang pagkakataon, ating pag-usapan kung anong nangyayari sa ating tahanan.

Miyerkules, Enero 29, 2020

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Tungkol sa Biblia (4)


Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Tungkol sa Biblia (4)

Maraming tao ang naniniwala na ang pag-unawa at kakayahang magpakahulugan sa Biblia ay tulad ng pagkasumpong sa totoong landas—ngunit sa katunayan, ganoon ba talaga kasimple ang mga bagay-bagay? Walang sinumang nakakaalam sa realidad ng Biblia: na ito’y walang iba kundi isang talaan ng kasaysayan ng gawain ng Diyos, at isang testamento sa sinundang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, at hindi nagbibigay sa iyo ng pagkaunawa sa mga minimithi ng gawain ng Diyos. Alam ng lahat na nakabasa na sa Biblia na idinodokumento nito ang dalawang yugto ng gawain ng Diyos noong Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya. Isinasalaysay sa Lumang Tipan ang kasaysayan ng Israel at gawain ni Jehova mula sa panahon ng paglikha hanggang sa katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan. Nakatala sa Bagong Tipan ang gawain ni Jesus sa lupa, na nasa Apat na Ebanghelyo, pati na rin ang gawain ni Pablo; hindi ba mga talaan ng kasaysayan ang mga ito? Ang pagbanggit ngayon sa mga bagay na nakalipas ay gumagawa sa mga ito na kasaysayan, at hindi mahalaga kung gaano katotoo o tunay ang mga ito, ang mga ito ay kasaysayan pa rin—at ang kasaysayan ay hindi magpapatungkol sa kasalukuyan. Sapagkat ang Diyos ay hindi lumilingon sa kasaysayan! At kaya, kung iyo lamang nauunawaan ang Biblia, at walang naiintindihan sa gawain na nilalayong gawin ngayon ng Diyos, at kung naniniwala ka sa Diyos nguni’t hindi hinahanap ang gawain ng Banal na Espiritu, kung gayon ay hindi mo nauunawaan kung ano ang ibig sabihin ng hanapin ang Diyos. Kung binabasa mo ang Biblia upang pag-aralan ang kasaysayan ng Israel, upang saliksikin ang kasaysayan ng paglikha ng Diyos sa lahat ng kalangitan at kalupaan, kung gayon ay hindi ka naniniwala sa Diyos. Ngunit ngayon, dahil naniniwala ka sa Diyos, at hinahabol ang buhay, dahil hinahabol mo ang pagkakilala sa Diyos, at hindi hinahabol ang mga walang-buhay na titik at doktrina, o ang pagkaunawa ng kasaysayan, dapat mong hanapin ang kalooban ng Diyos ngayon, at dapat hanapin ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu. Kung ikaw ay isang arkeologo maaari mong mabasa ang Biblia—ngunit ikaw ay hindi, ikaw ang isa sa mga yaon na naniniwala sa Diyos, at pinakamainam na hanapin mo ang kalooban ng Diyos sa ngayon. Sa pagbabasa ng Biblia, ang pinakamauunawaan mo ay kaunti ng kasaysayan ng Israel, matututuhan mo ang tungkol sa mga buhay nina Abraham, David, at Moises, iyong malalaman kung paano nila iginalang si Jehova, kung paano sinunog ni Jehova yaong mga kumalaban sa Kanya, at kung paano Siya nangusap sa mga tao ng kapanahunang iyon. Malalaman mo lamang ang tungkol sa gawain ng Diyos sa nakaraan. Ang mga talaan ng Biblia ay may kaugnayan sa kung paano ang unang mga tao ng Israel ay gumalang sa Diyos at nabuhay sa ilalim ng gabay ni Jehova. Dahil ang mga Israelita ay ang hinirang na mga tao ng Diyos, sa Lumang Tipan makikita mo ang katapatan ng lahat ng tao ng Israel kay Jehova, kung paanong ang lahat niyaong sumunod kay Jehova ay inalagaan at pinagpala Niya, matututuhan mo na noong gumawa ang Diyos sa Israel Siya ay puno ng awa at pagmamahal, gayundin ay nagtataglay ng tumutupok na ningas, at na ang lahat ng Israelita, mula sa aba hanggang sa makapangyarihan, ay gumalang kay Jehova, at sa gayon ang buong bansa ay pinagpala ng Diyos. Ganoon ang kasaysayan ng Israel na naitala sa Lumang Tipan.

Ang Biblia ay isang tala ng kasaysayan ng gawain ng Diyos sa Israel, at nakasulat dito ang marami sa mga panghuhula ng mga sinaunang propeta gayundin ang ilan sa mga pagbigkas ni Jehova sa Kanyang gawain sa panahong iyon. Kaya, tinitingnan ng lahat ng tao ang librong ito na banal (sapagkat ang Diyos ay banal at dakila). Sabihin pa, ang lahat ng ito ay resulta ng kanilang paggalang kay Jehova at ng kanilang pagsamba sa Diyos. Ang mga tao ay sumasangguni sa aklat na ito sa ganitong paraan dahil lamang sa ang mga nilalang ng Diyos ay lubhang sumasamba sa kanilang Lumikha, at mayroon pa nga yaong mga tumatawag sa aklat na ito na isang makalangit na aklat. Sa katunayan, ito ay isa lamang tala ng tao. Ito ay hindi personal na pinangalanan ni Jehova, ni hindi rin personal na ginabayan ni Jehova ang paglikha nito. Sa ibang salita, ang may-akda ng aklat na ito ay hindi ang Diyos, kundi mga tao. Ang Banal na Biblia ay ang kagalang-galang na pamagat lamang na ibinigay dito ng tao. Ang pamagat na ito ay hindi pinagpasiyahan ni Jehova at ni Jesus matapos Silang magtalakayan; ito ay isa lamang ideya ng tao. Sapagkat ang aklat na ito ay hindi sinulat ni Jehova, lalong hindi ni Jesus. Sa halip, ito ay ang mga salaysay ng maraming sinaunang propeta, mga apostol, at mga nakakakita ng pangitain, na tinipon ng mga sumunod na henerasyon bilang isang libro ng sinaunang mga kasulatan na, para sa mga tao, ay tila lubhang banal, isang libro na sa tingin nila ay naglalaman ng maraming hindi-maarok at malalalim na misteryo na naghihintay matuklasan ng susunod na mga henerasyon. Dahil dito, ang mga tao ay naging mas lalong nakaayong maniwala na ang aklat na ito ay isang makalangit na aklat. Dahil sa karagdagan ng Apat na Ebanghelyo at ng Aklat ng Pahayag, ang saloobin ng mga tao hinggil dito ay partikular na naiiba mula sa anumang iba pang libro, at kaya walang sinumang naglalakas-loob na himay-himayin itong “makalangit na aklat”—dahil ito ay masyadong “sagrado.”

Bakit, sa sandaling nababasa nila ang Biblia, kayang makasumpong ng mga tao ng isang tamang landas ng pagsasagawa rito? Bakit kaya nilang matamo nang masagana yaong hindi nila naiintindihan? Ngayon, hinihimay-himay Ko ang Biblia sa ganitong paraan at hindi ito nangangahulugan na kinasusuklaman Ko ito, o itinatanggi ang halaga nito bilang sanggunian. Ipinaliliwanag Ko at nililinaw ang likas na halaga at mga pinagmulan ng Biblia sa iyo upang pigilan ka sa pananatiling walang alam. Dahil ang mga tao ay napakaraming pananaw tungkol sa Biblia, at karamihan sa mga iyon ay mali; ang pagbabasa ng Biblia sa paraang ito ay hindi lamang humahadlang sa kanila mula sa pagkakaroon ng kung ano ang nararapat, ngunit, mas mahalaga, pinipigilan nito ang gawain na Aking nilalayong gawin. Ito ay isang napakalaking abala para sa gawain ng hinaharap, at nagbibigay lamang ng mga balakid, hindi kapakinabangan. Kaya, ang itinuturo Ko lamang sa iyo ay ang substansya at ang kuwentong napapaloob sa Biblia. Hindi Ko sinasabi na huwag mong basahin ang Biblia, o ipangalandakan mo na ito ay lubusang walang halaga, kundi magkaroon ka ng wastong kaalaman at pananaw sa Biblia. Huwag maging masyadong nakatuon sa isang panig lamang! Kahit na ang Biblia ay isang aklat ng kasaysayan na isinulat ng mga tao, itinatala rin nito ang karamihan ng mga prinsipyo ng sinaunang mga banal at propeta sa paglilingkod sa Diyos, gayundin ang mga kamakailang karanasan ng mga apostol sa paglilingkod sa Diyos—lahat ng ito ay talagang nakita at nalaman ng mga taong ito, at maaaring magsilbi bilang sanggunian para sa mga tao ng kapanahunang ito sa paghahabol sa totoong landas. Kaya, sa pagbabasa ng Biblia ang mga tao ay makakatamo rin ng maraming paraan ng pamumuhay na hindi natatagpuan sa iba pang mga libro. Ang mga paraang ito ang mga daan ng buhay ng gawain ng Banal na Espiritu na naranasan ng mga propeta at apostol sa mga nagdaang kapanahunan, at karamihan sa mga salita ay mahalaga, at nakakapagbigay ng mga pangangailangan ng mga tao. Kaya, ibig ng lahat ng tao na magbasa ng Biblia. Dahil sa napakarami ang nakatago sa Biblia, ang mga pananaw ng tao hinggil dito ay hindi tulad sa mga kasulatan ng dakilang espirituwal na mga tao. Ang Biblia ay isang talaan at tinipong mga karanasan at kaalaman ng mga taong naglingkod kina Jehova at Jesus sa luma at bagong kapanahunan, at sa gayon nakakayanang magtamo ng mga sumunod na henerasyon ng maraming kaliwanagan, pagpapalinaw, at mga landas ng pagsasagawa mula rito. Ang dahilan kung bakit ang Biblia ay mas mataas kaysa sa mga kasulatan ng sinumang dakilang espirituwal na tao ay sapagkat ang lahat ng kanilang mga kasulatan ay hinango mula sa Biblia, ang kanilang mga karanasan ay nagmula lahat sa Biblia, at lahat sila ay nagpapaliwanag ng Biblia. At sa gayon, bagaman ang mga tao ay makakakuha ng panustos mula sa mga libro ng sinumang dakilang espirituwal na tao, sinasamba pa rin nila ang Biblia, dahil ito ay tila napakataas at napakalalim para sa kanila! Kahit na pinagsasama-sama ng Biblia ang ilang aklat ng mga salita ng buhay, tulad ng mga liham ni Pablo at mga liham ni Pedro, at bagaman ang mga tao ay matutustusan at matutulungan ng mga librong ito, hindi na rin napapanahon ang mga librong ito, ang mga ito ay nabibilang pa rin sa lumang kapanahunan, at kahit na gaano kainam ang mga ito, ang mga ito ay angkop lamang para sa isang panahon, at hindi panghabang-panahon. Sapagkat ang gawain ng Diyos ay palaging umuunlad, at ito ay hindi maaaring basta na lamang tumitigil sa panahon nina Pablo at Pedro, o palagiang mananatili sa Kapanahunan ng Biyaya kung saan si Jesus ay ipinako sa krus. At kaya, ang mga librong ito ay angkop lamang para sa Kapanahunan ng Biyaya, hindi para sa Kapanahunan ng Kaharian ng mga huling araw. Ang mga ito ay magkakaloob lamang para sa mga mananampalataya ng Kapanahunan ng Biyaya, hindi para sa mga banal ng Kapanahunan ng Kaharian, at hindi mahalaga kung gaano kainam ang mga ito, ang mga ito ay lipas pa rin. Ito ay kapareho ng gawain ni Jehova ng paglikha o ng Kanyang gawain sa Israel: Hindi mahalaga kung gaano kadakila ang gawaing ito, ito pa rin ay wala na sa panahon, at ang oras ay darating pa rin kung kailan ito ay tapos na. Ang gawain ng Diyos ay kapareho rin: Ito ay dakila, ngunit darating ang panahon kung kailan natatapos ito; hindi ito palagiang mananatili sa gitna ng gawain ng paglikha, ni sa gitna ng pagpapako sa krus. Kung gaano man kapani-paniwala ang gawain ng pagpapako sa krus, kung gaano man kabisa ito sa pagdaig kay Satanas, ang gawain ay, kung tutuusin, gawain pa rin, at ang mga kapanahunan, kung tutuusin, ay mga kapanahunan pa rin; ang gawain ay hindi palaging mananatili sa parehong pundasyon, ni ang mga panahon ay hindi nagbabago kailanman, dahil mayroong paglikha at dapat mayroong mga huling araw. Ito ay hindi maiiwasan! Kaya, ngayon ang mga salita ng buhay sa Bagong Tipan—ang mga liham ng mga apostol, at ang Apat na Ebanghelyo—ay naging mga libro ng kasaysayan, ang mga ito ay naging lumang mga almanak, at paanong madadala ng lumang mga almanak ang mga tao sa bagong kapanahunan? Kung gaano man ang kakayahan ng mga almanak na ito sa pagbibigay ng buhay sa mga tao, kung gaano man ang kakayahan ng mga ito na akayin ang mga tao sa krus, hindi ba ang mga ito ay lipas na? Hindi ba nawalan na ang mga ito ng halaga? Kaya, sinasabi Ko na hindi ka dapat pikit-matang naniniwala sa mga almanak na ito. Ang mga ito ay napakaluma, hindi ka nito madadala tungo sa bagong gawain, at maaaring pabigat lamang ang mga ito sa iyo. Hindi lamang sa hindi ka nito madadala tungo sa bagong gawain, at tungo sa bagong pagpasok, kundi dinadala ka ng mga ito tungo sa lumang mga relihiyosong simbahan—at kung gayon, hindi ka ba paurong sa paniniwala mo sa Diyos?

Ang nakasulat sa Biblia ay ang gawain ng Diyos sa Israel kasama ang ilan sa mga nagawa ng hinirang na mga tao ng Israel. Kahit na nagkaroon ng pagpili ng mga bahagi na isasama o aalisin, kahit na hindi sinasang-ayunan ng Banal na Espiritu, hindi pa rin Siya naninisi. Ang Biblia ay walang iba kundi isang kasaysayan ng Israel at ng gawain ng Diyos. Ang mga tao, mga usapin, at mga bagay na itinatala nito ay tunay lahat, at wala sa mga ito ang nagtataglay ng pansagisag na kahulugan—maliban sa, sabihin pa, mga hula nina Isaias, Daniel, at ibang mga propeta o aklat ng mga pangitain ni Juan. Ang sinaunang mga tao ng Israel ay may kaalaman at may kalinangan, at ang kanilang mga sinaunang kaalaman at kultura ay maituturing na nakasulong, at kaya kung ano ang kanilang isinulat ay mas mataas kaysa sa mga tao sa ngayon. Bunga nito, hindi nakapagtataka na maisusulat nila ang mga librong ito, sapagkat si Jehova ay nakagawa ng napakaraming gawain sa kanila, at napakarami ang nakita nila. Namasdan ni David ang mga gawa ni Jehova ng kanyang sariling mga mata, personal niyang natamasa ang mga ito, at nakita ang maraming tanda at mga kababalaghan, at kaya sinulat niya ang lahat ng salmong iyon bilang papuri sa mga gawa ni Jehova. Na nagawa nilang isulat ang mga aklat na ito ay dahil sa kanilang mga kalagayan, hindi dahil sila ay may pagka-Diyos. Pinuri nila si Jehova dahil Siya ay nakita nila. Kung wala kayong nakikitang anuman kay Jehova, at walang kamalay-malay sa Kanyang pag-iral, paano ninyo Siya mapupuri? Kung hindi pa ninyo namasdan si Jehova, kung gayon ay hindi ninyo malalaman kung paano Siya purihin, ni sambahin Siya, lalong hindi ninyo magagawang sumulat ng mga kanta na nagbibigay-papuri sa Kanya, at kahit na hilingin sa inyo na kumatha ng ilang gawa ni Jehova hindi ninyo makakayang gawin ang gayon. Na, ngayon, mapupuri ninyo ang Diyos at maiibig ang Diyos ay dahil din sa nakikita ninyo Siya, at nakakaranas din ng Kanyang gawain—at kung ang inyong kakayahan ay humuhusay, hindi ba magagawa rin ninyong magsulat ng mga tula bilang papuri sa Diyos gaya ni David?

Ang unawain ang Biblia, ang unawain ang kasaysayan, ngunit hindi unawain kung ano ang ginagawa ng Banal na Espiritu ngayon—iyon ay mali! Nakagawa ka ng napakahusay na pag-aaral ng kasaysayan, nakagawa ka ng isang napakagaling na trabaho, ngunit wala kayong nauunawaan sa gawain na ginagawa ng Banal na Espiritu ngayon. Hindi ba ito ay kahangalan? Ang ibang mga tao ay nagtatanong sa iyo: “Ano ang ginagawa ng Diyos ngayon? Ano ang dapat mong pasukin sa ngayon? Kumusta na ang iyong paghahabol sa buhay? Naiintindihan mo ba ang kalooban ng Diyos?" Wala kang magiging tugon sa kanilang mga katanungan—kaya ano ang alam mo? Sasabihin mo: Batid ko lamang na dapat akong tumalikod sa laman at kilalanin ang aking sarili. At kapag sila ay magtatanong pagkatapos "Ano pa ang iba mong nababatid?" sasabihin mo na alam mo rin kung paano ang pagsunod sa lahat ng pagsasaayos ng Diyos, at nauunawaan nang kaunti ang kasaysayan ng Biblia, at iyon lamang. Iyon lamang ba ang lahat na iyong nakamit mula sa paniniwala sa Diyos sa buong panahong ito? Kung iyon lamang ang lahat na nauunawaan mo, kung gayon napakalaki ng iyong kakulangan. Kaya, ang inyong tayog ngayon ay pangunahing walang kakayahan sa pagtupad ng Aking mga hinihingi sa inyo, at ang inyong kapangyarihan na makita ang pagkakaiba-iba at ang mga katotohanang inyong nauunawaan ay napakaliit—na ang ibig sabihin, ang inyong paniniwala ay napakababaw! Dapat kayong masangkapan ng higit pang mga katotohanan, kailangan ninyo ng karagdagang kaalaman, dapat kayong makakita ng higit pa, at sa gayon lamang magagawa ninyong mapalaganap ang ebanghelyo, sapagkat ito ang dapat ninyong makamit!

Biyernes, Enero 17, 2020

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Tungkol sa Biblia (2)


Ang Biblia ay tinatawag din na Luma at Bagong Tipan. Alam ba ninyo kung ano ang tinutukoy ng “tipan”? Ang “tipan” sa “Lumang Tipan” ay mula sa kasunduan ni Jehova sa bayan ng Israel nang patayin Niya ang mga taga-Ehipto at iniligtas ang mga Israelita mula sa Faraon. Siyempre pa, ang patunay ng kasunduang ito ay ang dugo ng tupa na ipinahid sa mga biga, kung saan nagtatag ang Diyos ng kasunduan sa tao, isa na kung saan sinabi na ang lahat ng may dugo ng tupa sa itaas at mga gilid ng hamba ng pintuan ay mga Israelita, sila ang hinirang na bayan ng Diyos, at silang lahat ay maliligtas ni Jehova (sapagkat papatayin na ni Jehova noon ang lahat ng panganay na lalaki ng Ehipto at panganay na mga tupa at baka). Ang kasunduang ito ay may dalawang antas ng kahulugan. Wala sa mga tao o mga alagang hayop ng Ehipto ang maililigtas ni Jehova; papatayin Niya ang lahat ng kanilang panganay na lalaki at panganay na mga tupa at baka. Kaya, sa maraming libro ng propesiya hinulaan na ang mga taga-Egipto ay matinding kakastiguhin bilang resulta ng kasunduan ni Jehova. Ito ang unang antas ng kahulugan ng kasunduan. Pinatay ni Jehova ang mga panganay na anak na lalaki ng Ehipto at ang lahat ng panganay na alagang hayop, at iniligtas Niya ang lahat ng Israelita, na nangangahulugang ang lahat ng tao sa lupain ng Israel ay itinangi ni Jehova, at ang lahat ay maliligtas; ninanais Niyang gumawa ng pangmatagalang gawain sa kanila, at itinatag ang kasunduan sa kanila gamit ang dugo ng tupa. Pasimula sa panahong iyon, hindi papatayin ni Jehova ang mga Israelita, at sinabi na sila ang Kanyang mga hinirang magpakailanman. Sa gitna ng labindalawang angkan ng Israel, sisimulan Niya ang Kanyang gawain sa buong Kapanahunan ng Kautusan, bubuksan Niya ang lahat ng Kanyang mga batas sa mga Israelita, at pipili mula sa kanila ng mga propeta at mga hukom, at sila ang magiging sentro ng Kanyang gawain. Gumawa si Jehova ng isang kasunduan sa kanila: Maliban kung magbago ang kapanahunan, Siya ay gagawa lamang sa gitna ng mga hinirang. Ang kasunduan ni Jehova ay hindi nababago, dahil ito ay isinakatuparan sa dugo, at itinatag sa pamamagitan ng Kanyang hinirang na bayan. Mas mahalaga, Siya ay pumili ng naaangkop na saklaw at layon na dapat pagmulan ng Kanyang gawain para sa buong kapanahunan, at sa gayon nakita ng mga tao ang kasunduan bilang lalong mahalaga. Ito ang ikalawang antas ng kahulugan ng kasunduan. Maliban sa Genesis, na naroon na bago pa ang pagtatatag ng kasunduan, ang lahat ng iba pang mga libro sa Lumang Tipan ay nagtatala ng gawain ng Diyos sa gitna ng mga Israelita pagkatapos ng pagtatatag ng kasunduan. Siyempre, may mga paminsan-minsang salaysay ang mga Gentil, ngunit sa pangkalahatan, ang Lumang Tipan ay nagsasaad ng gawain ng Diyos sa Israel. Dahil sa kasunduan ni Jehova sa mga Israelita, ang mga aklat na isinulat sa Kapanahunan ng Kautusan ay tinawag na ang “Lumang Tipan.” Ang mga ito ay ipinangalan sa kasunduan ni Jehova sa mga Israelita.

Ang Bagong Tipan ay ipinangalan sa pagdanak ng dugo ni Jesus sa krus at ang Kanyang kasunduan sa lahat ng naniniwala sa Kanya. Ang kasunduan ni Jesus ay ito: Ang mga tao ay dapat lamang maniwala sa Kanya upang ang kanilang mga kasalanan ay mapatawad sa pagdanak ng Kanyang dugo, at sa gayon ang mga ito ay maliligtas, at isisilang muli sa pamamagitan Niya, at hindi na magiging mga makasalanan; ang mga tao ay dapat lamang maniwala sa Kanya upang matanggap ang Kanyang biyaya, at hindi magdurusa sa impiyerno pagkatapos nilang mamatay. Ang lahat ng aklat na isinulat sa Kapanahunan ng Biyaya ay dumating pagkatapos ng kasunduang ito, at lahat ng ito ay isinasaad ang gawain at mga pagbibigkas na nakapaloob dito. Ang mga ito ay hindi lalagpas sa pagliligtas ng pagpako sa krus ng Panginoong Jesus o sa kasunduan; itong lahat ay mga aklat na isinulat ng mga kapatid sa Panginoon na nagkaroon ng mga karanasan. Kaya, ang mga librong ito ay ipinangalan din sa isang kasunduan: Ang mga ito ay tinawag na ang Bagong Tipan. Ang dalawang tipan na ito ay sinasaklaw lamang ang Kapanahunan ng Biyaya at ang Kapanahunan ng Kautusan, at walang kaugnayan sa huling kapanahunan. Kaya, ang Biblia ay walang malaking gamit para sa mga tao ngayong mga huling araw. Masasabi lang, nagsisilbi ito bilang pansamantalang sanggunian, ngunit ito ay talagang walang gaanong halagang gamitin. Datapwa’t ito pa rin ang pinakaiingat-ingatan ng mga relihiyosong tao. Hindi nila alam ang Biblia; alam lamang nila kung paano ipaliwanag ang Biblia, at pangunahing walang malay sa mga pinagmulan nito. Ang kanilang saloobin sa Biblia ay: Lahat na nasa Biblia ay tama, wala itong nilalaman na mga di-kawastuan o mga pagkakamali. Dahil una nilang napagpasiyahan na ang Biblia ay tama, at walang pagkakamali, pinag-aaralan nila at sinusuri ito nang may malaking interes. Ang kasalukuyang yugto ng gawain ay hindi hinulaan sa Biblia. Hindi kailanman nabanggit ang gawaing panlulupig sa lahat ng pinakamadilim na lugar, dahil sa ito ang pinakabagong gawain. Sapagkat ang kapanahunan ng gawain ay naiiba, kahit si Jesus Mismo ay hindi alam na ang yugto ng gawaing ito ay gagawin sa mga huling araw—at sa gayon paano magsusuri ang mga tao sa mga huling araw upang malaman ang yugtong ito ng gawain sa Biblia?

Karamihan sa mga taong ipinapaliwanag ang Biblia ay gumagamit ng lohikal na pagpapalagay, at walang aktwal na pinagmulan. Sila ay gumagamit lamang ng lohika upang magpahiwatig ng maraming bagay. Sa taun-taon, wala kahit isa ang nangahas na himay-himayin ang Biblia, o magsabing "hindi" sa Biblia, dahil ang aklat na ito ay ang banal na aklat, at ang mga tao ay sinasamba ito bilang Diyos. Ito ay nagpatuloy nang ilang libong taon. Ang Diyos ay hindi inalintana, at walang sinuman ang nakatuklas sa kuwentong napapaloob sa Biblia. Sinasabi natin na ang pagpapahalaga sa Biblia ay pagsamba sa diyus-diyusan, gayunman ay wala sa mga taos-pusong mananampalataya ang naglakas-loob na tingnan ito sa ganitong paraan, at kanilang sasabihin sa iyo: “Kapatid! Huwag mong sabihin iyan, iyan ay kakila-kilabot! Paano mo nagagawang lumapastangan laban sa Diyos?” Susunod tutularan nila ang pagpapakita na nasaktan: “O maawaing Jesus, Panginoon ng kaligtasan, nakikiusap ako sa Iyo na patawarin ang kanyang mga kasalanan, sapagkat Ikaw ang Panginoon na nagmamahal sa tao, at lahat kami ay nagkasala, mangyaring ipakita sa amin ang dakilang pagkahabag, amen.” Ito ang kung gaano sila “ka-banal”; paano magiging madali para sa kanila na tanggapin ang katotohanan? Ang pagsasabi mo niyan ay lubusang tatakot sa kanila. Wala kahit isa ang maglalakas-loob na mag-isip na ang Biblia ay maaaring mabahiran ng mga ideya ng tao at mga pagkaintindi ng tao, at walang sinuman ang makakakita sa depektong ito. Ang ilang nasa Biblia ay karanasan ng tao at kaalaman, ilan sa mga ito ay ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at mayroon ding nahaluan ng talino at kaisipan ng tao. Ang Diyos ay hindi kailanman nanghimasok sa mga bagay na ito, ngunit may limitasyon: Hindi sila maaaring lumampas sa kaisipan ng normal na mga tao, at kung gagawin nila, sila ay nanghihimasok at gumagambala sa gawain ng Diyos. Yaong lumalampas sa karaniwang kaisipan ng mga tao ay gawain ni Satanas, dahil inaalis nito sa mga tao ang kanilang tungkulin, ito ay gawain ni Satanas, at pinangungunahan ni Satanas, at sa sandaling ito hindi ka pahihintulutan ng Banal na Espiritu na kumilos sa ganoong paraan. Kung minsan, ilang kapatid na lalaki at babae ay nagtatanong: “Puwede ba akong gumawa sa ganito-at-ganoong paraan?” Tinitingnan Ko ang kanilang tayog at sinasabi: “Puwede!” May ilang tao rin na nagsasabi: “Kung ako ay gumawa sa ganito-at-ganoong paraan, normal ba ang aking kalagayan?” At sinasabi Ko: “Oo! Ito ay normal, lalo nang normal!” Sinasabi ng iba: “Puwede ba akong gumawa sa ganitong paraan?” At sinasabi Ko: “Hindi!” Sinasabi nila: “Bakit puwede sa kanya at hindi para sa akin?” At sinasabi Ko: “Dahil ang inyong ginagawa ay mula kay Satanas, ito ay nakakagambala, at ang pinagmulan ng inyong mga motibasyon ay lihis.” May mga panahon din na ang gawain ay hindi malayo ang narating, at hindi alam ng mga kapatid na lalaki at babae. Ang ilan ay nagtatanong sa Akin kung puwedeng gumawa sa ganoong paraan, at kapag nakita Ko na ang kanilang mga pagkilos ay hindi makakaabala sa gawain sa hinaharap, sinasabi Kong ayos lang iyan. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagbibigay sa mga tao ng isang saklaw; ang mga tao ay hindi kailangang sundin ang mga kagustuhan ng Banal na Espiritu nang eksakto, dahil ang mga tao ay nagmamay-ari ng normal na kaisipan at kahinaan, at mayroon silang ilang makalaman na mga pangangailangan, mayroon silang tunay na mga problema, at nasa kanilang mga utak ang mga kaisipan na sila ay talagang walang anumang paraan na kontrolin. Lahat ng Aking hinihingi sa mga tao ay may limitasyon. Ang ilan ay naniniwala na ang Aking mga salita ay malabo, na sinasabihan Ko sila na kumilos sa anumang paraan—iyon ay dahil hindi ninyo naunawaan na mayroong isang angkop na saklaw sa Aking mga kinakailangan. Kung ito ay tulad ng inyong iniisip—kung ginawa Ko ang parehong mga kahilingan sa lahat ng tao nang walang pasubali, at hiningi sa kanilang lahat na abutin ang parehong tayog—sa gayon ito ay hindi uubra. Ito ay paghingi ng imposible, at ito ay ang prinsipyo ng gawain ng tao, hindi ang prinsipyo ng gawain ng Diyos. Ang gawain ng Diyos ay isinasagawa ayon sa aktwal na mga pangyayari sa mga tao, at ito ay batay sa kanilang likas na kakayahan. Ito rin ang prinsipyo ng pagpapalaganap ng ebanghelyo: Dapat kayong magpatuloy nang dahan-dahan, hayaang mangyari nang natural ang nararapat, kapag lamang malinaw mong sinasabi ang katotohanan sa isang tao na kanilang mauunawaan ito, at sa oras lamang na iyon magagawa nilang isantabi ang Biblia. Kung hindi ginawa ng Diyos ang yugto ng gawain na ito, sino ang makakagawa na humiwalay sa kinaugalian? Sino ang maaaring gumawa ng bagong gawain? Sino ang maaaring maghanap ng isang bagong landas bukod sa nasa Biblia? Dahil ang tradisyunal na mga pagkaintindi ng mga tao at ang pyudal na asal ay nakakasuklam, wala silang kakayahang paalisin ang mga bagay na ito sa mga sarili nila, ni lakas ng loob na gawin nila ito. Iyon ay huwag nang banggitin kung paanong ang mga tao ngayon ay nahawakan ng ilang patay na mga salita sa Biblia, mga salitang inari na ang kanilang mga puso. Paano sila magiging handa na isuko ang Biblia? Paano nila madaling matatanggap ang paraan bukod sa nasa Biblia? Iyon ay maliban kung malinaw ninyong maisasalaysay ang kuwentong napapaloob sa Biblia at ang mga prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu, upang ang lahat ng tao ay lubusang mahikayat—na sukdulang pangangailangan. Ito ay dahil ang lahat ng tao sa loob ng relihiyon ay nagpipitagan sa Biblia, at sinasamba ito bilang Diyos, sinusubukan din nila na pigilan ang Diyos sa loob ng Biblia, at ito pa nga ang kalagayang nakakamit lang nila ang kanilang mga layunin kapag muli nilang naipako sa krus ang Diyos.

Ano ang Biblia? Maraming tao ang nakakaalam na ito ay isang klasiko ng Kristiyanismo, kabilang ang Luma at Bagong Tipan, gayunpaman, kung ano ang nasa loob ng katotohanan ng Biblia, walang sinuman ang maaari itong gawing malinaw. alamin natin ang tungkol sa misteryo ng Biblia!

Huwebes, Enero 2, 2020

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Tungkol sa Biblia (1)


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Tungkol sa Biblia (1)


Paano dapat pag-aralan ang Biblia tungkol sa paniniwala sa Diyos? Ito ay isang tanong ng prinsipyo. Bakit natin pinag-uusapan ang tanong na ito? Dahil sa hinaharap ay ipalalaganap mo ang ebanghelyo at palalawakin ang gawain ng Kapanahunan ng Kaharian, at hindi sapat na pag-usapan lamang ang gawain ng Diyos ngayon. Upang palawakin ang Kanyang gawa, mas mahalaga na malutas mo ang mga lumang relihiyosong pagkaintindi ng tao at lumang paraan ng paniniwala, at iwan sila na lubos na kumbinsido—at ang pagtungo sa puntong ito ay may kinalaman sa Bibilia. Sa maraming taon, ang mga kinaugaliang paraan ng paniniwala ng mga tao (ng Kristiyanismo, ang isa sa tatlong pangunahing relihiyon ng mundo) ay ang basahin ang Biblia; ang paglihis mula sa Biblia ay hindi paniniwala sa Panginoon, ang paglihis mula sa Biblia ay paglihis sa pananampalataya, at hidwang paniniwala, at kahit na basahin pa ng mga tao ang ibang mga libro, ang pundasyon ng mga librong ito ay dapat ang pagpapaliwanag sa Bibilia.

Miyerkules, Disyembre 18, 2019

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Pagsasagawa (1)


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Pagsasagawa (1)


Sa nakaraan, napakaraming paglihis at kahit kawalang-katotohanan sa mga paraan ng pagdanas ng mga tao. Hindi nila talaga naiintindihan ang mga pamantayan ng mga kinakailangan ng Diyos, kaya maraming lugar kung saan ang mga karanasan ng mga tao ay napipilipit. Ang hinihingi ng Diyos sa tao ay para sa kanila na magawang maisabuhay ang wastong pagkatao. Halimbawa, ayos lang na sundin ang mga makabagong pinagkaugalian na may kaugnayan sa pagkain at pananamit, magsuot ng amerikana at kurbata, matuto ng kaunti tungkol sa makabagong sining, at sa kanilang libreng oras maaari silang magkaroon ng isang makasining at nakawiwiling buhay. Maaari silang kumuha ng mga larawan na hindi malilimutan, maaari silang magbasa at magkamit ng ilang kapaki-pakinabang na kaalaman at magkaroon ng isang medyo magandang kapaligiran para mabuhay. Ito ang lahat ng bagay na angkop sa buhay ng isang normal na pagkatao, ngunit itinuturing ang mga ito ng mga tao bilang mga bagay na kinamumuhian ng Diyos at pinipigilan nila ang kanilang mga sarili na gawin ang mga ito. Ang kanilang pagsasagawa ay sumunod lamang sa ilang patakaran, na umaakay sa isang buhay na kasimpangit ng pusali, ganap na walang kahulugan. Sa katunayan, hindi kailanman hiniling ng Diyos ang gayon sa tao. Inaasam ng lahat ng tao na bawasan ang kanilang sariling mga disposisyon, nananalangin nang walang tigil sa kanilang mga espiritu na maging mas malapit sa Diyos, ang kanilang mga pag-iisip ay palaging pinag-iisipang mabuti kung ano ang binabalak ng Diyos, ang kanilang mga mata ay palaging nagmamasid ng ganitong mga bagay at ganoong mga bagay, may malaking takot na ang kanilang kaugnayan sa Diyos ay mahihiwalay kahit paano. Ang lahat ng ito ay mga konklusyon ng mga tao sa kanilang sarili; ang mga ito ay ang mga patakarang itinakda ng mga tao para sa kanilang mga sarili. Kung hindi mo alam ang sarili mong kalikasan at diwa at hindi mo naiintindihan kung anong antas ang maaabot ng iyong sariling pagsasagawa, kung gayon wala kang magiging paraan para matiyak kung ano ba talaga ang mga pamantayan na kinakailangan ng Diyos sa tao, at ni hindi ka magkakaroon ng anumang tamang landas ng pagsasagawa. Dahil hindi mo kayang matuklasan ang eksaktong mga hinihingi ng Diyos sa tao, ang iyong isip ay palaging nababalisa at iniisip mo ang bawat posibleng paraan upang suriin ang mga intensyon ng Diyos at makapa kung paanong sa lupa ay maaari kang kumilos at liwanagan ng Banal na Espiritu. Bilang resulta, dumarating ka sa konklusyon ikaw ay nagbubuod ng isang kalipunan ng mga paraan ng pagsasagawa na pinaniniwalaan mong angkop. Wala kang ideya sa eksaktong hinihingi ng Diyos sa mga tao; isinasakatuparan mo lamang nang walang pag-iingat ang iyong sariling hanay ng mga pagsasagawa, hindi nag-aalala tungkol sa kalalabasan at lalong hindi nag-aalala tungkol sa kung naroon ang mga paglihis o mga pagkakamali. Sa ganitong paraan, ang iyong pagsasagawa ay likas na kulang sa kawastuhan at hindi maaaring magkaroon ng prinsipyo. Ang partikular na kulang ay ang katwiran at konsiyensya ng tao, gayundin ang pagpuri ng Diyos, at pakikipagtulungan ng Banal na Espiritu. Nagiging ganap itong masyadong madali na tahakin lamang ang iyong sariling landas. Ang ganitong uri ng pagsasagawa ay pagsunod lamang sa mga patakaran, o kusang kumukuha ng higit na pasanin upang higpitan ang iyong sarili, upang makontrol ang iyong sarili. Gayunman iyong iniisip na perpekto at tumpak na tumpak ang iyong pagsasagawa, nang hindi alam na ang nakararami sa iyong pagsasagawa ay isang hindi kailangang proseso o pagsunod. Marami ang nagsasagawa na kagaya nito sa loob ng maraming taon na wala talagang pagbabago sa kanilang mga disposisyon, walang bagong pagkaunawa, at walang bagong pagpasok. Hindi nila sinasadyang muling ginagawa ang mga dating pagkakamali at lumalabas nang husto ang kanilang likas na kalupitan, maging hanggang sa yugto na maraming beses silang gumagawa ng ilang di-makatwiran at di-makataong mga bagay, at ng ilang bagay na nagpapatigil sandali sa mga tao at nakakalito. Ang ganitong uri ba ng tao ay isang tao na nagkaroon na ng pagbabago sa disposisyon?

Ngayon, ang paniniwala sa Diyos ay nakapasok na sa Kapanahunan ng Salita ng Diyos. Kung paghahambingin, ang mga tao ay bahagyang mas madalang manalangin kaysa noong una; ang mga salita ng Diyos ay maliwanag na ipinapabatid ang lahat ng aspeto ng katotohanan at mga paraan ng pagsasagawa, kaya’t wala nang anumang pangangailagan sa mga tao na maghanap at mangapa ng kanilang daan. Ang buhay sa Kapanahuan ng Kaharian, naroon ang pangunguna ng mga salita ng Diyos, at ito ang isang buhay ng magagawang makakita dahil sinabi ng Diyos ang lahat ng bagay nang malinaw; ang tao ay hindi na nangangapa sa buhay. Tungkol sa mga aspeto ng pag-aasawa, mga makamundong gawain, buhay, pagkain, pananamit at masisilungan, mga pakikipag-ugnayan sa ibang mga tao, paano makakapaglingkod ang isang tao sa isang paraan na tumutugon sa kalooban ng Diyos, paano tatalikdan ng isa ang laman, at iba pa, alin sa mga ito ang hindi pa nasabi sa inyo? Kailangan pa ba ninyong manalangin at maghanap? Hindi na talaga kailangan! Kung ginagawa mo pa rin ang mga bagay na ito, gumagawa ka lang ng isang bagay na mababaw. Ito ay kamangmangan at kahangalan; hindi na ito kinakailangan! Iyon lamang na masyadong kulang sa kakayahan at hindi kayang maunawaan ang mga salita ng Diyos ang nagpapatuloy na manalangin nang walang taros. Ang susi sa pagsasagawa ng katotohanan ay kung mayroon kang paninindigan o wala. Ang ilang tao ay iginigiit ang pagsunod sa kanilang makalaman na pagkahilig sa kanilang pagkilos, na nalalamang hindi ito umaayon sa katotohanan. Ito kung gayon ang humahadlang sa kanilang sariling pag-unlad sa buhay, at kahit na pagkatapos ng pananalangin at paghahanap nais pa rin nilang gawin ang mga bagay ayon sa laman. Hindi ba ito sadyang paggawa ng mga kasalanan? Kagaya ng mga nagnanasa sa mga kasiyahan ng laman at nangungunyapit sa salapi at pagkakatapos ay nananalangin sa Diyos na nagsasabing: “Diyos ko! Pahihintulutan Mo ba ako na mangunyapit sa mga kasiyahan ng laman at salapi? Ito ba ay kalooban Mo para sa akin na kumita ng salapi sa ganitong paraan?” Ito ba ay isang angkop na paraan para manalangin? Alam na alam nila na ang Diyos ay hindi nagagalak sa mga bagay na ito, kaya dapat nilang iwanan ang mga ito, ngunit ang mga bagay na ito na pinanghahawakan nila sa kanilang mga puso ay napagpasiyahan na, at ang kanilang pananalangin at paghahanap ay upang pilitin ang Diyos na hayaan silang kumilos ng ganoon. Sa kanilang mga puso, maaaring hinihingi nila na magsabi ng isang bagay ang Diyos upang patunayan ito—ang tawag dito ay pagka-mapanghimagsik. Mayroon din yaong mga nagdadala sa mga kapatid sa iglesia sa kanilang panig at nagtatayo ng kanilang sariling malayang mga kaharian. Lubos mong nalalaman na ang ganitong mga pagkilos ay lumalaban sa Diyos, ngunit kapag desidido kang gumawa ng isang bagay kagaya niyon na patuloy ka pa ring naghahanap at nananalangin sa Diyos nang walang takot. . Ikaw ay talagang walang kahihiyan at masyadong makapal ang mukha! Ang mga usapin tungkol sa pagtalikod sa mga makamundong bagay ay matagal nang sinabi noong una. Mayroong ilan na alam nang malinaw na kinasusuklaman ng Diyos ang mga bagay ng mundo, ngunit nananalangin ka pa rin, na sinasabing: “Oh Diyos! Nauunawaan ko na hindi Mo ako sinasang-ayunan tungkol sa mga makamundong bagay, ngunit ginagawa ko ito upang ang Iyong pangalan ay hindi mapahiya; ginagawa ko ito upang maaaring makita ng mga makamundong tao ang Iyong kaluwalhatian sa akin.” Anong uri ng panalangin iyon? Mayroon ba kayong pang-unawa dito? Ito ay isang panalangin para pilitin, para puwersahin ang Diyos. Hindi ka ba nahihiya sa ganoong paraan ng pananalangin? Ito ay isang tao na sadyang nilalabanan ang Diyos, at ang ganitong uri ng panalangin ay ganap na isang problema na may kasamang mga motibo; ito ay tunay na pagpapahayag ng malasatanas na disposisyon. Ang mga salita ng Diyos ay malinaw na malinaw, lalo na yaong bumigkas patungkol sa Kanyang kalooban, Kanyang disposisyon, at kung paano Niya tinatrato ang lahat ng uri ng mga tao. Kung hindi mo nauunawaan ang katotohanan dapat kang higit na magbasa ng mga salita ng Diyos—mas mabuti ang mga resulta kaysa sa walang taros na pananalangin at paghahanap. Maraming paghahanap at mga panalangin na dapat mapalitan ng higit na pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pagkakaroon ng pagbabahagi sa katotohanan. Sa mga karaniwang panahon, ang mga panalangin ay dapat nagninilay at kinikilala ang inyong sarili nang higit pa mula sa nilalaman ng mga salita ng Diyos. Ito ay mas kapaki-pakinabang para sa paglago sa buhay. Kung ikaw ngayon ay naghahanap sa pamamagitan ng pagtingin sa inyong mga mata sa langit, hindi ba iyon paniniwala pa rin sa isang malabong Diyos? Dati, nakita mo na ang mga resulta mula sa iyong paghahanap at pananalangin, at medyo naantig ng Banal na Espiritu ang iyong espiritu sapagkat noong panahong iyon ay ang Kapanahunan ng Biyaya. Hindi mo makikita ang Diyos kaya wala kang mapagpipilian kundi mangapa ka nang pasulong o maghanap sa gayong paraan. Ngayon ang Diyos ay dumating sa gitna ng tao, ang Salita ay nagpakita sa katawang-tao, at nakita mo na ang Diyos; kaya ang Banal na Espiritu ay hindi na gumagawa kagaya ng Kanyang ginawa noong una. Ang kapanahunan ay nagbago at gayundin ang paraan kung saan gumagawa ang Banal na Espiritu. Bagamat ang panalangin ay maaaring isagawa nang mas madalang kaysa noong una, sapagkat ang Diyos ay nasa lupa mayroon ng isang pagkakataon ang tao ngayon na ibigin ang Diyos. Napasok na ng sangkatauhan ang kapanahunan ng pag-ibig sa Diyos at maaari na silang maging mas malapit sa Diyos sa loob nila mismo: “Oh Diyos! Ikaw ay talagang napakabuti, at ako ay nakahandang ibigin Ka!” Kakaunti at simpleng mga salita lamang ay makapagbibigay ng tinig sa pag-ibig sa Diyos sa loob ng kanilang mga puso; ito lamang ay alang-alang sa pagpapalalim ng pag-ibig sa pagitan ng tao at ng Diyos. Kung minsan maaaring makita mo ang iyong sarili na naghahayag ng ilang pagka-mapanghimagsik, at nagsasabi: “Oh Diyos! Bakit masyado akong tiwali?” Gusto mo talagang sampalin ang iyong sarili, at tumulo ang mga luha sa iyong mga mata. Sa panahong iyon, mayroon kang mga damdamin ng pagsisisi at pagdadalamhati sa iyong puso, ngunit wala kang paraan upang ipahayag ito. Ito ang kasalukuyang gawain ng Banal na Espiritu, ngunit yaong lamang mga naghahangad ng buhay ang makatatamo nito. Bagaman hindi ka nananalangin ng mga salita, nararamdaman mo sa iyong puso na ang Diyos ay mayroong dakilang pag-ibig para sa iyo at mayroon kang isang natatanging uri ng damdamin na palagi mong nararamdaman, na ang pag-ibig ng Diyos ay kasinglalim ng karagatan; ngunit wala kang paraan upang ipahayag itong kalagayan sa tamang mga salita. Ito ay isang kalagayan na madalas bumabangon sa loob ng espiritu. Ang ganitong uri ng panalangin at pagbabahagi sa loob ng iyong puso upang mas mapalapit sa Diyos ay normal.

Bagamat ang buhay ng pangangapa nang pasulong at paghahanap ay isang bagay ng nakaraan, ito ay hindi upang sabihin na hindi na dapat manalangin ang mga tao, ni ito ay na hindi na kailangan ng mga tao na maghintay para sa kalooban ng Diyos na ibunyag ang sarili nito bago magpatuloy sa gawain; ang mga ito ay mga hindi pagkaintindi lamang ng tao. Ang Diyos ay dumating sa mga tao upang mamuhay kasama nila, maging kanilang liwanag, kanilang buhay, at kanilang daan: Ito ay isang katotohanan. Mangyari pa, sa pagdating ng Diyos sa lupa tiyak na dadalhin Niya ang sangkatauhan sa isang praktikal na landas na angkop sa kanilang mga tayog at buhay para kanilang matamasa—hindi Siya dumating upang basagin ang lahat ng paraan ng pagsasagawa ng tao. Ang tao ay hindi na nabubuhay sa pangangapa sa kanilang daan nang pasulong at paghahanap sapagkat ito ay pinalitan na sa pagdating ng Diyos sa lupa upang gumawa at upang sabihin ang Kanyang mga salita. Siya ay dumating upang palayain ang tao mula sa nakakubling madilim na buhay at tulutan silang magkaroon ng isang buhay ng liwanag. Ang kasalukuyang gawain ay upang makita nang malinaw ang mga bagay, magsalita nang malinaw, sabihin sa tao ang mga bagay nang tuwiran at ipaliwanag ang mga bagay nang malinaw, nang upang maisagawa ng mga tao ang mga bagay na ito, kagaya lamang nang pangunahan ng Diyos na si Jehova ang mga tao sa Israel, sinasabi sa kanila kung paano maghandog ng mga sakripisyo at kung paano itayo ang templo. Kaya hindi na ninyo kailangang isabuhay ang isang buhay ng paghahanap gaya ng inyong ginawa pagkatapos umalis ng Panginoong Jesus. Kailangan pa ba ninyong mangapa sa inyong daan para sa hinaharap na gawain ng pagpapalaganap ng ebanghelyo? Kailangan pa ba ninyong mangapa sa inyong daan para malaman ninyo kung paano kayo dapat mabuhay? Kailangan pa ba ninyong mangapa sa inyong daan para malaman ninyo kung paano dapat gampanan ang inyong sariling mga tungkulin? Kailangan pa ba ninyong ipatirapa ang inyong mga sarili sa lupa at humayong maghanap para malaman ninyo kung paano kayo dapat sumaksi? Kailangan pa ba ninyong mag-ayuno at manalangin upang malaman kung paano kayo dapat magdamit o mabuhay? Kailangan pa ba ninyong magtiyaga sa inyong mga panalangin sa Diyos upang malaman kung paano ninyo dapat tanggapin ang pagiging nalupig ng Diyos? Kailangan pa bang manalangin kayo nang walang tigil, araw at gabi, upang malaman kung paano kayo dapat sumunod sa Diyos? Marami sa gitna ninyo ang nagsasabi na hindi sila nakapagsasagawa; iyon ay, dahil hindi ninyo naiintindihan. Hindi talaga nagbibigay-pansin ang mga tao sa gawain ng Diyos sa kasalukuyan! Marami sa mga salitang matagal na panahon Ko nang nasabi, hindi lamang ninyo binibigyang-pansin sa malayuan ang pagbabasa ng mga ito, kaya hindi nakapagtataka na hindi ninyo alam kung paano isasagawa. Mangyari pa, sa kasalukuyang kapanahunan inaantig pa rin ng Banal na Espiritu ang mga tao upang tulutan silang makadama ng kasiyahan, at Siya ay namumuhay kasama ng tao. Ang mga ito ay ilan lamang sa natatangi, nakasisiyang mga damdamin na madalas mangyari sa iyong buhay. Paminsan-minsan dumarating ang isang araw na kung saan ay nadadama mo na ang Diyos ay talagang kaibig-ibig at wala kang magagawa kundi manalangin sa Kanya: “Oh Diyos! Napakaganda ng Iyong pag-ibig at ang Iyong larawan ay napakadakila. Nais kong ibigin Ka nang mas malalim. Nais kong ilaan ang lahat ng aking sarili upang gugulin ko ang aking buong buhay. Hangga’t ito ay para sa Iyong kapakanan, inaasam ko na ilaan ang lahat sa Iyo, para lamang maaaring mahalin Ka….” Ito ay isang damdamin ng kasiyahan na ibinigay sa iyo ng Banal na Espiritu. Hindi ito kaliwanagan, ni ito ay pagpapalinaw; ito ay isang pagpapakilos. Ang mga karanasang kapareho nito ay mangyayari paminsan-minsan. Kung minsan kapag papunta ka sa iyong gawain, mananalangin ka at mapapalapit sa Diyos, na madadala ka sa puntong ang iyong mga luha ay babasain ang iyong mukha, at hindi mo makokontrol ang iyong sarili, mababalisa ka na maghanap ng angkop na mga kapaligiran kung saan mo maihahayag ang lahat ng alab sa loob ng iyong puso …. Paminsan-minsan kapag ikaw ay nasa isang pampublikong lugar, madadama mo na masyado kang nasisiyahan sa pag-ibig ng Diyos, na ang iyong kapalaran ay karaniwan lamang, at higit pa na ikaw ay nabubuhay ng iyong buhay na mas may kahulugan kaysa sa kaninuman. Lubos mong malalaman na itinataas ka ng Diyos, na ito ang dakilang pag-ibig ng Diyos para sa iyo. Sa kaibuturan ng iyong puso madadama mo na mayroong isang uri ng pag-ibig sa Diyos na hindi mabigkas at di-maarok ng tao, na parang alam mo ito ngunit walang paraan para ilarawan ito, palagi kang bibigyan ng palaisipan ngunit iiwan kang hindi ito maipahayag nang lubos. Sa mga panahong kagaya nito, makakalimutan mo pa kung nasaan ka, at makapagsasalita ka: “Oh Diyos! Napakahirap Mo para sa tao na maintindihan, at Ikaw ay kaibig-ibig!” Kung minsan maaari ka pang lumahok sa ilang kakaiba, kataka-takang mga pagkilos na sa tingin ng iba ay hindi maipaliliwanag. Ang mga ito ay lahat ng bagay na maaaring mangyari nang madalas. Sa inyong mga karanasan, napakaraming parehong mga buhay, at ang lahat ng ito ay ang mga buhay na ibinigay sa iyo ng Banal na Espritu sa araw na ito, at ang mga buhay na dapat mo ngayong isabuhay. Ito ay hindi upang pigilan ka mula sa pagsasabuhay ng buhay, ngunit sa halip ang paraan ng iyong pagsasabuhay ay binago. Ito ay isang damdamin na hindi maaaring ipaliwanag o maipahahayag. Ito rin ang tunay na damdamin ng tao at higit sa lahat ito ang gawain ng Banal na Espiritu. Maaaring maunawaan mo ito sa iyong puso, ngunit wala ka talagang paraan na ipahayag ito nang malinaw sa sinuman. Hindi ito dahil sa ikaw ay mabagal magsalita o na ikaw ay nauutal, ngunit dahil ito ay isang uri ng damdamin na hindi kayang maipaliwanag sa mga salita. Hinahayaan kang matamasa ang mga bagay na ito sa kasalukuyan, at ito ang buhay na dapat mong isabuhay. Mangyari pa, ang iyong isa pang buhay ay hindi hungkag; ang uri ng pagpukaw lamang na ito ay nagiging isang uri ng kagalakan sa iyong buhay na gagawin kang palaging nagnanais tamasahin ang gayong mga pagpukaw ng Banal na Espiritu. Ngunit dapat mong malaman na ang maantig sa ganitong paraan ay hindi upang maaari kang ilipat sa laman at mapunta sa ikatlong langit, o makapaglakbay ka sa buong mundo. Sa halip ito ay upang maaaring madama at matikman mo ang pag-ibig sa Diyos na iyong tinatamasa sa araw na ito, maranasan ang kabuluhan ng gawain ng Diyos sa araw na ito, at sariwain ang pagmamalasakit ng Diyos at pangangalaga. Ang lahat ng bagay na ito ay upang magkaroon ka ng isang mas dakilang kaalaman ng gawain na ginagawa ng Diyos sa kasalukuyan—ito ang layunin ng Diyos sa paggawa ng gawaing ito.

Ang buhay ng paghahanap at pangangapa ng isa sa daan ay kapag ang Diyos ay hindi pa nagkatawang-tao. Sa panahong iyon hindi makikita ng mga tao ang Diyos at kaya wala silang pagpipilian kundi ang maghanap at kapain ang kanilang daan. Sa kasalukuyan nakita mo na ang Diyos at sinasabi Niya sa iyo nang tuwiran kung paano ka dapat magsagawa; ito ang dahilan kung bakit hindi mo na kailangang mangapa sa iyong daan o maghanap. Ang landas na pinangunahan Niya ay ang daan ng katotohanan, at ang mga bagay na Kanyang sinasabi sa tao at na ang tinatanggap ng tao ay buhay at katotohanan. Nasa iyo ang daan, ang buhay at ang katotohanan, kaya bakit pa kailangang maghanap kahit saan? Ang dalawang yugto ng gawain ay hindi gagawin ng Banal na Espiritu nang sabay. Kung, kapag matapos Kong sabihin ang Aking salita, ang mga tao ay hindi kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos nang mabuti at hinahangad nang wasto ang katotohanan, naroon pa rin sila sa Kapanahunan ng Biyaya gaya ng isang bulag na naghahanap ng kanilang daan, palaging nananalangin at naghahanap, hindi ba iyon mangangahulugan na ang yugtong ito ng Aking gawain ng mga salita ay ginagawa nang walang kabuluhan? Bagamat maaaring matapos Kong sabihin ang Aking salita, hindi pa rin lubos na naiintindihan ng mga tao, at ito ay dahil sila ay nagkukulang sa kakayahan. Ang suliraning ito ay maaaring malutas sa pamamagitan ng buhay sa iglesia at sa pamamagitan ng pagbabahagi sa isa’t isa. Noong una, sa Kapanahunan ng Biyaya, bagamat ang Diyos ay nagkatawang-tao, hindi Niya ginawa ang gawain ng mga salita, na kung saan gumawa sa gayong paraan ang Banal na Espiritu sa panahong iyon upang mapanatili ang gawain. Sa panahong iyon ang Banal na Espiritu ang pangunahing gumawa ng gawain, ngunit ngayon ang nagkatawang-taong Diyos Mismo yaong gumagawa nito, na pumalit sa gawain ng Banal na Espiritu. Noong una, hangga’t madalas na nanalangin ang mga tao nararanasan nila ang kapayapaan at kagalakan; mayroong pagsisisi gayundin ng disiplina. Lahat ng ito ay tumutukoy sa gawain ng Banal na Espiritu. Ngayon ang mga kalagayang ito ay kaunti at magkakalayo. Ang Banal na Espiritu ay maaari lamang gumawa ng isang uri ng gawain sa anumang isang kapanahunan. Kung ginawa Niya ang dalawang uri ng gawain nang magkasabay, na ginagawa ng katawang=tao ang isang uri at ginagawa ng Banal na Espiritu ang isa pang uri sa mga tao, at kung ang sinasabi ng katawang-tao ay hindi ibinilang at kung ano ang ginawa ng Espiritu ay ibinilang, kung gayon si Cristo ay hindi magkakaroon ng anumang katotohanan, daan o buhay na sasabihin pa. Ito ay magiging pagsalungat sa sarili, at magiging isang pagkakamali sa mismong pinagmulan nito.

Napakaraming paglihis at mga mali sa nakaraang mga karanasan ng mga tao. Mayroong ilang bagay na dati nang nilalayong mataglay ng mga taong may wastong pagkatao, o ginagawa, o mayroong mga pagkakamali na mahirap iwasan sa buhay ng tao, at kapag hindi mahusay ang pamamahala ng mga bagay na ito, inilalagay nila ang pananagutan para rito sa Diyos. Mayroong isang kapatid na babae na nagkaroon ng mga panauhin sa kanyang tahanan. Ang kanyang pinainit na tinapay ay hindi napainit nang tama, kaya inisip niyang: “Marahil ito ay disiplina ng Diyos. Ang Diyos ay muling nakikitungo sa aking pusong palalo, ang aking kapalaluan ay talagang masyadong matindi.” Sa totoo lang, kung ang tatanungin ay ang normal na paraan ng pag-iisip ng tao, kapag dumarating ang iyong mga panauhin ay natutuwa ka at nagmamadali, walang kaayusan sa lahat ng iyong ginagawa: kung hindi nasusunog ang kanin, ang iyong mga ulam naman ay masyadong maalat. Nagmumula ito sa masyadong pagtatrabaho, ngunit nauuwi ang mga tao sa paglalagay nito sa “disiplina ng Diyos.” Ang totoo, ito ay tumutukoy lahat sa mga pagkakamali sa buhay ng tao. Hindi mo rin ba masasagupa nang madalas ang ganitong uri ng bagay kung hindi ka naniwala sa Diyos? Maraming bagay ang tumutukoy sa mga pagkukulang ng mga tao, sa kanilang pagkakamali; ngunit ang mga ito ay hindi ginagawa ng Banal na Espiritu at walang kinalaman ang mga ito sa Diyos. Kagaya lamang kapag nakakagat mo ang iyong labi habang kumakain—maaari ba iyong disiplina ng Diyos? Ang disiplina ng Diyos ay mayroong mga prinsipyo at karaniwang nakikita kapag sinasadya mong gumawa ng pagkakasala. Tanging kapag gumagawa ka ng mga bagay na kinapapalooban ng pangalan ng Diyos o may kinalaman sa Kanyang patotoo o gawain na didisiplinahin ka Niya. Sapat ang naiintindihan ng mga tao sa katotohanan ngayon upang magkaroon ng panloob na kaalaman sa mga bagay na kanilang ginagawa. Halimbawa: Maaari bang wala kang posibleng mararamdaman kung nilustay mo ang salapi ng iglesia o ginugol ito nang basta-basta na lamang? Makadarama ka ng isang bagay kapag ginagawa iyon. Hindi posible na gumawa ng isang bagay at sa gayon ay magsisimulang makadama lamang ng isang bagay pagkaraang matapos ito. Malinaw ka sa iyong puso sa mga bagay na iyong ginagawa na laban sa iyong konsensya. Bagamat maaari nilang malaman nang malinaw kung paano isasagawa ang katotohanan, yamang ang bawat isa ay may sariling mga kagustuhan, binibigyang-lugod na lamang nila ang kanilang mga sarili, kaya pagkatapos nilang gumawa ng isang bagay ay wala silang malinaw na damdamin ng pagsisisi o disiplina. Sadya silang gumagawa ng pagkakasala, kaya hindi sila didisiplinahin ng Diyos; sa pagdating ng panahon ng matuwid na paghatol, ang pagpaparusa ng Diyos ay ipagkakaloob sa bawat isa alinsunod sa kanilang mga pagkilos. Mayroon sa kasalukuyan ang ilang tao sa iglesia na lumulustay ng salapi, ang ilan na hindi nagpapanatili ng malinaw na hangganan sa pagitan ng mga lalaki at mga babae, at ang ilan na humahatol, sumasalungat at nagtatangka na gibain nang lihim ang gawain ng Diyos. Bakit ang lahat ay hindi pa maayos sa kanila? Kapag gumagawa ng mga bagay ay mayroon silang kaalaman at pagsisisi sa kanilang mga puso at dahil dito kung minsan ay nagdadanas ng pagkastigo at pagpipino. Ang mga tao ay talaga lamang masyadong walang kahihiyan! Kagaya lang kapag ang mga tao ay nakagagawa ng imoral—nalalaman nila kung ano ang kanilang ginagawa sa panahong iyon, ngunit ang kanilang kahalayan ay masyadong malala at hindi nila maaaring makontrol ang kanilang mga sarili. Kahit na disiplinahin sila ng Banal na Espiritu, ito ay magiging walang kabuluhan, kaya ang Banal na Espiritu ay hindi na magdidisiplina. Kung hindi sila dinidisiplina ng Banal na Espiritu noon, kung walang pagsisisi at walang nangyayari sa kanilang laman, anong pagsisisi pa ang maaaring mayroon pagkatapos? Tapos na ang ginawa—anong pang disiplina ang maaaring mayroon dito? Pinatutunayan lamang nito na sila ay masyadong walang kahihiyan at nagkukulang sa pagkatao, nararapat sa mga sumpa at kaparusahan! Ang Banal na Espiritu ay hindi gumagawa nang hindi kinakailangan. Kung nalalaman mo ang katotohanan nang maigi ngunit hindi isinasagawa ito, kung may kakayahan kang gumawa ng kahit anuman, kung gayon ang maaari mo lamang mahintay ay ang pagdating ng araw kapag ikaw ay parurusahan kasama ng masama. Ito ang pinakamainam na katapusan para sa iyo! Ngayon paulit-ulit Ko nang ipinangangaral ang tungkol sa budhi, kung saan ito ang pinakamababang pamantayan. Kung walang budhi ang mga tao, hindi rin sila magkakaroon ng disiplina ng Banal na Espiritu, at magagawa nila ang anumang kanilang maibigan. Hindi sila pinapansin ng Diyos. Kung ang isang tao ay talagang mayroong budhi at katwiran, malalaman nila ito kapag gumagawa sila ng isang bagay na mali. Hindi sila mapapakali sa sandaling nakaramdam sila nga kaunting pagsisisi sa kanilang konsensya; sasailalim sila sa isang panloob na digmaan at sa bandang huli tatalikdan nila ang laman. Hindi ito aabot sa punto na walang ginagawang anumang bagay na lumalaban sa Diyos na masyadong malubha. Hindi alintana kung dinidisiplina at kinakastigo ng Banal na Espiritu, ang mga tao ay magkakaroon lahat ng ilang pakiramdam kapag sila ay gumagawa ng isang bagay na mali.[a] Samakatuwid, naiintindihan na ngayon ng mga tao ang lahat ng uri ng mga katotohanan at kung hindi nila isasagawa ang mga ito kung gayon iyon ay isang usaping pantao. Hindi Ako tumutugon sa mga taong kagaya nito sa anupaman, ni hindi panghahawakan ang anumang pag-asa para sa kanila. Gawin mo kung ano ang iyong maibigan!

Kapag nagkakatipon ang ilang tao, inilalagay nila ang salita ng Diyos sa isang tabi, palaging pinag-uusapan ang tungkol sa kung ano ang kagaya ng ganitong tao o ganoong tao. Sabihin pang mas maganda na kaunti lang ang nauunawaan, dahil saan ka man magpupunta hindi ka madaling malilinlang, ni hindi ka madaling madadaya o maloloko; ito ay isa ring aspeto na dapat taglayin ng mga tao. Ngunit hindi mo kailangang magtuon lamang sa aspetong ito. Tumutukoy ito sa mga bagay na negatibong aspeto, at hindi ka maaaring palaging nanatiling nakatuon ang mga mata sa ibang mga tao. Ang iyong kaalaman sa kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu ay napakakaunti sa ngayon, ang iyong paniniwala sa Diyos ay napakababaw, at nagtataglay ka nang masyadong kakaunting mga bagay na positibo. Ang Isa na pinaniniwalaan mo ay ang Diyos, ang Isa na kailangan mong maintindihan ay ang Diyos, hindi si Satanas. Kung makikilala mo lamang kung paano gumagawa si Satanas at lahat ng paraan kung paano gumagawa ang masasamang espiritu, ngunit walang kaalaman ukol sa Diyos sa anupaman, anong kabuluhan ang magiging taglay nito? Hindi ba ang Diyos ang pinaniniwalaan mo sa kasalukuyan? Bakit hindi nakasama sa iyong kaalaman ang mga positibong bagay na ito? Hindi mo lamang binibigyang-pansin ang positibong aspeto ng pagpasok, ni mayroon kang pang-unawa rito, kaya ano ba talaga ang gusto mong makamit sa iyong pananampalataya? Hindi mo ba alam kung paano ka dapat maghangad? Ikaw ay mayroong masyadong maraming “aklat-aralin” ng mga bagay na negatibo ngunit wala kang natatandaan sa positibong aspeto ng pagpasok, kaya paano kailanman maaaring umunlad ang iyong tayog? Anong mga inaasahan para sa pag-unlad sa hinaharap ang tataglayin ng isang tao na walang alam sabihin kundi ang pakikipaglaban kay Satanas? Hindi ba masyadong makaluma ang iyong pagpasok? Sa ganitong paraan ay anong mga bagay ang makakamit mo mula sa kasalukuyang gawain? Ang susi ngayon ay para maintindihan mo kung ano ang nais gawin ng Diyos ngayon, kung paano dapat makipagtulungan ang tao, kung paano nila dapat ibigin ang Diyos, kung paano nila dapat unawain ang gawain ng Banal na Espiritu, kung paano sila dapat pumasok sa lahat ng salita na sinasabi ng Diyos sa kasalukuyan, kung paano sila dapat kumain at uminom, maranasan, at unawain ang mga ito, kung paano nila dapat mapalugod ang kalooban ng Diyos, lubusang malupig ng Diyos at magpasakop sa harap ng Diyos …. Dapat kang magtuon sa mga bagay na ito at ito ang mga bagay na dapat pasukin ngayon. Naiintindihan mo ba? Anong halaga kung magtutuon lamang sa pagkaunawa ng mga tao? Maaari mong maunawaan si Satanas dito, maunawaan ang masasamang espiritu doon—maaari kang magkaroon ng isang ganap na pagkaunawa sa masasamang espiritu, ngunit kung hindi mo magagawang magsalita ng anuman tungkol sa gawain ng Diyos, maaari bang ang ganoong pagkilos ay maging kahalili ng pagkaunawa sa Diyos? Akin nang ibinahagi noong nakaraan ang tungkol sa mga pagpapahayag ng gawain ng masasamang espiritu, ngunit hindi pa ito ang karamihan dito. Mangyari pang ang mga tao ay dapat magkaroon din ng kaunting pagkaunawa at ito ang isang aspeto na dapat taglayin ng mga naglilingkod sa Diyos nang upang makaiwas sa paggawa ng mga hangal na bagay at pag-abala sa gawain ng Diyos. Gayunman, nananatili pa rin na ang pinakamahalagang bagay ay ang pagkakaroon ng kaalaman sa gawain ng Diyos at pagkaunawa sa kalooban ng Diyos. Anong kaalaman sa yugtong ito ng gawain ng Diyos ang nasa loob mo? Makakapagsalita ka ba tungkol sa kung ano ang ginagawa ng Diyos, kung ano ang kalooban ng Diyos, kung ano ang iyong sariling mga pagkukulang at kung ano ang dapat mong isangkap sa iyong sarili? Masasabi mo ba kung ano ang iyong pinakabagong pagpasok? Dapat mong magawang anihin ang bunga at makamit ang pagkaunawa sa iyong mga bagong pagpasok. Huwag kang magkunwaring nalilito; kailangan mong gumawa ng mas maraming pagsisikap sa iyong bagong mga pagpasok upang laliman ang iyong sariling karanasan at kaalaman, at higit pang dapat matamo ang pang-unawa sa bagong mga pagpasok at ang pinakatamang paraan ng pagdanas. Dapat ka ring magkaroon ng pagkilala sa iyong nakaraang makalumang lihis na mga pagsasagawa mula sa bagong gawain at pagpasok na ito, at hanapin kung paano itakwil ang iyong lipas na at lihis na mga paraan ng mga pagsasagawa upang makapasok sa bagong mga karanasan. Ito ang mga bagay na kailangan na kailangan mong maintindihan at mapasok. Kailangan mong maintindihan ang mga pagkakaiba at mga kaugnayan sa pagitan ng luma at bagong mga pagpasok. Kung wala kang pagkaunawa sa mga bagay na ito, kung gayon hindi ka magkakaroon ng pag-asang sumulong, sapagkat hindi ka makasasabay sa gawain ng Banal na Espiritu. Dapat makaya mong gamitin ang wastong pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos at wastong pagbabahagi upang mabago ang iyong nakaraan at lipas nang mga paraan ng pagsasagawa at ang iyong lumang tradisyon ng mga pagkaunawa nang upang maaaring makapasok ka sa bagong pagsasagawa, at makapasok sa bagong gawain ng Diyos. Ito ang mga bagay na kailangan mong makamtan. Hindi Ko lang hinihingi sa iyo ngayon na alamin kung ikaw ay Tweedledum o Tweedledee; hindi ito ang layunin. Sa halip hinihingi Ko sa iyo na seryosohin ang iyong pagsasagawa ng katotohanan at ang iyong pagkaunawa ng pagpasok sa buhay. Ang makilala ang iyong sarili ay hindi kumakatawan sa iyong tunay na tayog. Kung mararanasan mo ang gawain ng Diyos, magkakaroon ng karanasan at pag-unawa ng mga katotohanan sa mga salita ng Diyos, at makakayang makilala ang iyong nakaraang pansariling mga pagkaunawa at mga kamalian, kung gayon ito ang iyong tunay na tayog at isang bagay na dapat matamo ng bawat isa sa gitna ninyo.

Maraming bagay kung saan hindi ninyo talaga alam kung paano magsagawa, at alam ninyo nang mas kaunti kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu. Kung minsan gumagawa ka ng isang bagay na malinaw na pagiging hindi masunurin sa Banal na Espiritu. Mayroon ka na ng isang pagkaunawa sa prinsipyo ng bagay sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, kaya mayroon ka ng isang panloob na pakiramdam ng pagsisisi at nababalisa; sabihin pang ito ay isang damdamin na mararamdaman lamang ng isa sa batayan ng pagkilala sa ilang katotohanan. Kung ang mga tao ay hindi makikipagtulungan o magsasagawa alinsunod sa salita ng Diyos sa kasalukuyan, iyon ay humahadlang sa gawain ng Banal na Espiritu at hindi nila kailangang makadama ng kakutyaan sa loob. Naiintindihan mo ang prinsipyo ng aspetong ito ngunit hindi ka nagsasagawa ayon dito, kaya nagbabata ka ng isang damdamin ng kadustahan sa loob. Kung hindi mo naiintindihan ang prinsipyong ito, kung hindi mo talaga alam ang aspetong ito ng katotohanan, kung gayon hindi mo kakailanganing makadama ng isang diwa ng kadustahan sa bagay na ito; ang paninisi ng Banal na Espiritu ay nasa konteksto. Iniisip mo ang gayon sapagkat hindi ka pa nananalangin, hindi ka pa nakikipagtulungan sa gawain ng Banal na Espiritu, inantala mo ang gawain. Sa totoo lang hindi ito maaaring maantala. Ang Banal na Espiritu ay kikilos sa isa pang tao; hindi pinipigilan ng kahit sino ang gawain ng Banal na Espiritu. Nararamdaman mo na nabigo mo ang Diyos, at ito ang isang damdamin na dapat mong taglayin sa iyong konsensya; kung makakamit mo ang katotohanan o hindi ay sarili mong gawain at walang kaugnayan sa Diyos. Kung minsan ito ang iyong sariling budhi na nakararamdam ng pag-akusa, ngunit ito ay hindi sa kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu sa panahong ito, ni ito ay sa paninisi ng Banal na Espiritu. Sa halip isa itong damdamin ng budhi ng tao. Kung may kinalaman ito sa pangalan ng Diyos, ang patotoo ng Diyos o gawain ng Diyos, at ikaw ay magwawala, kung gayon hindi ka pakakawalan ng Diyos. Ngunit mayroon itong hangganan, hindi ka aabalahin ng Diyos sa karaniwan at maliliit na bagay. Hindi ka Niya papansinin. Kung lumabag ka sa mga prinsipyo, ginagambala at ginugulo ang gawain ng Diyos, ipapahayag Niya ang Kanyang poot sa iyo at talagang hindi ka pakakawalan. Ang ilang bagay ay mga pagkakamaling nagaganap sa buhay ng tao at mahirap maiwasan, Halimbawa, hindi mo napasingawan nang tama ang iyong tinapay at sasabihing dinidisiplina ka ng Diyos—ito ay isang lubos na hindi makatwirang bagay na sabihin. Bago ka pa naniniwala sa Diyos, hindi ba madalas mangyari ang ganitong uri ng bagay? Nararamdaman mo na para itong disiplina ng Banal na Espiritu, ngunit sa katunayan hindi naman ito nangyayari (maliban sa ilang bukod-tanging mga pangyayari), sapagkat ang gawaing ito ay hindi ganap na nagmumula sa Banal na Espiritu. Sa halip ang mga ito ay mga damdamin ng tao. Ngunit normal ito para sa mga taong sumasampalataya na mag-isip katulad ng mga ito. Maaaring hindi ka nakapag-iisip nang ganito kapag hindi ka naniwala sa Diyos. Kapag naniwala ka na sa Diyos, ang iyong puso ay gumugol ng pagsisikap na kagaya nito at pagkatapos ay kusang nagsisimulang mag-isip na kagaya nito. Ito ay umuusbong mula sa pag-iisip ng normal na mga tao at ito ay tumutukoy din sa paggana ng kanilang sariling pag-iisip. Ngunit sinasabi Ko sa iyo, ito ay hindi isang bagay sa loob ng saklaw ng gawain ng Banal na Espiritu. Ang aspetong ito ay tumutukoy sa isang normal na tugon na ibinibigay sa tao ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng kanilang sariling pag-iisip; ngunit kailangan mong maintindihan na ang ganitong tugon ay hindi ang gawain ng Banal na Espiritu. Ang pagkakaroon ng ganitong uri ng “kaalaman” ay hindi nagpapatunay na taglay mo ang gawain ng Banal na Espiritu. Ang iyong kaalaman ay hindi tumutukoy sa kaliwanagan ng Banal na Espiritu, mas lalong hindi ito gawain ng Banal na Espiritu. Ito ay isang tugon lamang ng normal na pag-iisip ng mga tao at ito ay talagang walang kaugnayan sa kaliwanagan o pagpapalinaw ng Banal na Espiritu. Ang mga ito ay dalawang lubos na magkaibang mga bagay at ito ay hindi ganap na nagmumula sa Banal na Espiritu. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa upang liwanagan ang mga tao, karaniwan nang binibigyan Niya sila ng isang kaalaman sa gawain ng Diyos, at sa kanilang tunay na pagpasok at tunay na kalagayan. Pinahihintulutan din Niya silang maintindihan ang masugid na mga layunin ng Diyos at ang Kanyang mga kinakailangan para sa tao sa kasalukuyan, upang mayroon silang paninindigan na isakripisyo ang lahat para mapalugod ang Diyos, na dapat nilang mahalin ang Diyos maging kapag nakasasagupa sila ng pag-uusig at kahirapan, na dapat silang tumayong saksi sa Diyos kahit pa ibig sabihin noon ay dumanak ang kanilang dugo o ibigay ang kanilang buhay; hindi sila magkakaroon ng mga pagsisisi. Kung mayroon kang ganitong uri ng paninindigan ito ay mga pagpapakilos ng Banal na Espiritu, at gawain ng Banal na Espiritu—ngunit dapat mong malaman na hindi ka nagmamay-ari ng gayong mga pagpapakilos sa bawat sandali. Kung minsan sa mga pagtitipon kapag ikaw ay nananalangin at kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, maaaring maramdaman mo na lubhang naantig ka at napukaw. Nadarama mo na bagung-bago at sariwa kapag nagbabahagi ang iba ng kanilang karanasan at pagkaunawa sa mga salita ng Diyos, at ang iyong puso ay lubos na malinaw at maliwanag. Ang lahat ng ito ay tumutukoy sa gawain ng Banal na Espiritu. Kung ikaw ay isang pinuno at binibigyan ka ng Banal na Espiritu ng di-karaniwang kaliwanagan at pagpapalinaw kapag ikaw ay nagpupunta sa iglesia upang gumawa, na tinutulutan kang makita ang mga suliraning umiiral sa loob ng iglesia at malaman kung paano magbahagi sa katotohanan para lutasin ang mga ito, na ginagawa kang sobrang masigasig, responsable at seryoso sa iyong paggawa, ang lahat ng ito ay tumutukoy sa gawain ng Banal na Espiritu.

Talababa:

a. Wala sa orihinal na teksto ang salitang “mali.”

Linggo, Disyembre 15, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | At iginawa ng Dios na si Jehova si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila’y dinamitan


Gen 3:20–21 At tinawag na Eva ng lalake ang kaniyang asawa, sapagka’t siya ang naging ina ng lahat ng mga nabubuhay. At iginawa ng Dios na si Jehova si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila’y dinamitan.

Martes, Oktubre 29, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Ang Anak ng tao ay panginoon ng sabbath

1. Mateo 12:1 Nang panahong yaon ay naglalakad si Jesus nang araw ng sabbath sa mga bukiran ng trigo; at nangagutom ang Kaniyang mga alagad at nangagpasimulang magsikitil ng mga uhay at magsikain.

2. Mateo 12:6–8 Datapuwa’t sinasabi Ko sa inyo, na dito ay may isang lalong dakila kay sa templo. Datapuwa’t kung nalalaman ninyo kung ano ang kahulugan nito, Habag ang ibig Ko, at hindi hain, ay hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang kasalanan. Sapagka’t ang Anak ng tao ay Panginoon ng sabbath.

Tingnan muna natin ang talatang ito: “Nang panahong yaon ay naglalakad si Jesus nang araw ng sabbath sa mga bukiran ng trigo; at nangagutom ang Kaniyang mga alagad at nangagpasimulang magsikitil ng mga uhay at magsikain.”

Bakit natin napili ang siping ito? Anong kaugnayan mayroon ito sa disposisyon ng Diyos? Sa tekstong ito, ang unang bagay na nalalaman natin ay araw iyon ng Sabbath, ngunit lumabas ang ating Panginoong Jesus at pinangunahan ang Kanyang mga disipulo sa taniman ng mais. Ang higit pang “nakagigitla” ay “nangagpasimulang magsikitil ng mga uhay at magsikain.” Sa Kapanahunan ng Kautusan, ang mga kautusan ng Diyos na si Jehova na ang mga tao ay huwag basta-bastang lumabas o sumali sa anumang mga aktibidad sa araw ng Sabbath—maraming bagay ang hindi maaaring gawin sa panahon ng Sabbath. Ang pagkilos na ito sa bahagi ng Panginoong Jesus ay nakalilito para doon sa mga nabuhay sa ilalim ng kautusan sa mahabang panahon, at ito ay pumukaw pa ng mga pagbatikos. Tungkol sa kanilang kalituhan at kung paano sila nagsalita tungkol sa ginawa ng Panginoong Jesus, isasantabi muna natin iyon sa ngayon at tatalakayin muna kung bakit pinili ng ating Panginoong Jesus na gawin ito sa panahon ng Sabbath, sa lahat ng araw, at ano ang gusto Niyang ipakiusap sa mga tao na nabubuhay sa ilalim ng kautusan sa pagkilos na ito. Ito ang kaugnayan sa pagitan ng siping ito at ng disposisyon ng Diyos na gusto Kong talakayin.

Nang dumating ang ating Panginoong Jesus, ginamit Niya ang Kanyang praktikal na mga pagkilos upang makipagniig sa mga tao: Iniwanan ng Diyos ang Kapanahunan ng Kautusan at sinimulan ang bagong gawain, at ang bagong gawain na ito ay hindi kinailangan ang pag-aalaala ng Sabbath; nang lumabas ang Diyos mula sa mga saklaw ng araw ng Sabbath, ito ay patikim pa lamang ng Kanyang bagong gawain, at ang Kanyang tunay na dakilang gawain ay patuloy na nasasaksihan. Nang pasimulan ng Panginoong Jesus ang Kanyang gawain, iniwanan na Niya ang mga tanikala ng Kapanahunan ng Kautusan, at nilansag ang mga tuntunin at mga prinsipyo mula sa kapanahunang iyon. Para sa Kanya, walang bakas ng anumang may kaugnayan sa kautusan; itinakwil na Niya ito nang tuluyan at hindi na inalala, at hindi na Niya kinailangan sa sangkatauhan na ito ay alalahanin. Kaya nakikita mo dito na ang Panginoong Jesus ay nagpunta sa mga taniman ng mais sa panahon ng Sabbath; ang Panginoon ay hindi nagpahinga, sa halip ay gumagawa sa labas. Ang Kanyang pagkilos na ito ay nakabigla sa mga pagkaintindi ng mga tao at ipinatalastas Niya sa kanila na hindi na Siya nabubuhay sa ilalim ng kautusan, at na iniwan na Niya ang tanikala ng Sabbath at nagpakita sa harap ng sangkatauhan at sa kanilang kalagitnaan sa isang bagong larawan, at sa isang bagong paraan ng paggawa. Ang Kanyang pagkilos na ito ang nagsabi sa mga tao na dala Niya ang isang bagong gawain na nagsimula sa paglabas sa kautusan at paglabas ng Sabbath. Nang ipatupad ng Diyos ang Kanyang bagong gawain, hindi na Siya nananangan sa nakaraan, at hindi na Niya iniintindi ang mga tuntunin ng Kapanahunan ng Kautusan. Ni hindi Siya naapektuhan sa Kanyang gawain sa nakaraang kapanahunan, ngunit Siya ay gumawa gaya nang dati sa panahon ng Sabbath at nang ang Kanyang mga disipulo ay nagutom, maaari silang pumitas ng mais para kainin. Ang lahat ng ito ay totoong karaniwan sa mga mata ng Diyos. Ang Diyos ay maaaring magkaroon ng bagong pasimula para sa karamihan ng gawain na gusto Niyang gawin at ang mga bagay na gusto Niyang sabihin. Sa oras na magkaroon Siya ng bagong simula, ni hindi Niya binabanggit ang Kanyang nakaraang gawain o ipinagpapatuloy ito. Sapagkat ang Diyos ay may mga prinsipyo sa Kanyang gawain. Kapag gusto Niyang magsimula ng bagong gawain, ito ay kapag gusto Niyang dalhin ang sangkatauhan sa isang panibagong yugto ng Kanyang gawain, at kapag ang Kanyang gawain ay nakapasok na sa isang mas mataas na bahagi. Kung ang mga tao ay patuloy na kikilos alinsunod sa mga lumang kasabihan o mga tuntunin o patuloy na manghawak nang mahigpit sa mga ito, hindi Niya maaalala o pupurihin ito. Ito ay sapagkat nagdala na Siya ng bagong gawain, at pumasok na sa bagong yugto ng Kanyang gawain. Kapag nagpapasimula Siya ng bagong gawain, nagpapakita Siya sa sangkatauhan sa isang lubos na bagong larawan, mula sa isang ganap na bagong anggulo, at sa isang ganap na bagong paraan upang maaaring makita ng mga tao ang ibat ibang mga aspeto ng Kanyang disposisyon at kung anong mayroon at kung ano Siya. Ito ang isa sa Kanyang mga layunin sa Kanyang bagong gawain. Ang Diyos ay hindi nananangan sa luma o tumatahak sa hindi kilalang daan; kapag Siya ay gumagawa at nagsasalita hindi ito gaanong nagbabawal gaya ng iniisip ng mga tao. Sa Diyos, ang lahat ay may kasarinlan at kalayaan, at walang pagbabawal, walang paghihigpit—ang dinadala Niya sa sangkatauhan ay pawang kalayaan at kasarinlan. Siya ay isang buhay na Diyos, isang Diyos na dalisay na totoong umiiral. Hindi Siya isang laruan o isang nililok na luwad, at Siya ay lubos na naiiba mula sa mga idolo na dinadambana at sinasamba ng mga tao. Siya ay buhay at masigla at ang dala ng Kanyang mga salita at gawain sa mga tao ay pawang buhay at liwanag, pawang kalayaan at kasarinlan, sapagkat hawak Niya ang katotohanan, ang buhay, at ang daan—hindi Siya nakatali sa anuman sa kahit alinman sa Kanyang gawain. Maging anuman ang sabihin ng mga tao at kahit paano nila tingnan o suriin ang Kanyang bagong gawain, ipatutupad Niya ang Kanyang gawain nang walang pag-aatubili. Hindi Siya mag-aalala tungkol sa kaninumang mga pagkaintindi o pag-aakusa sa Kanyang gawain at mga salita, o maging ang kanilang matinding pagtutol at paghadlang sa Kanyang bagong gawain. Walang sinuman sa lahat ng nilalang ang maaaring gumamit sa katuwiran ng tao, o sa imahinasyon, kaalaman, o moralidad ng tao upang sukatin o ipakahulugan ang ginagawa ng Diyos, upang siraan, o gambalain o isabotahe ang Kanyang gawain. Walang pagbabawal sa Kanyang gawain at kung ang Kanyang ginagawa, at hindi ito masisira ng sinumang tao, bagay, o kaganapan, at hindi ito guguluhin ng anumang mga puwersa ng kaaway. Sa Kanyang bagong gawain, Siya ay palaging nagwawaging Hari, at ang anumang mga puwersa ng kaaway at ang lahat ng erehiya at mga panlilinlang mula sa sangkatauhan ay bumagsak lahat sa ilalim ng Kanyang tuntungan. Kahit na alinman sa bagong yugto ng Kanyang gawain ang Kanyang tinutupad, ito ay dapat na malinang at palawakin sa kalagitnaan ng sangkatauhan, at ito ay dapat na ipatupad nang walang kahadlangan sa buong sansinukob hanggang sa ang Kanyang dakilang gawain ay mabuo. Ito ang pagka-makapangyarihan sa lahat at karunungan ng Diyos, at ang Kanyang awtoridad at kapangyarihan. Kaya, ang Panginoong Jesus ay malayang makalalabas at makagagawa sa panahon ng Sabbath sapagkat sa Kanyang puso ay walang mga patakaran, walang kaalaman o doktrina na nagmula sa sangkatauhan. Ang kung anong mayroon Siya ay ang bagong gawain ng Diyos at ang Kanyang daan, at ang Kanyang gawain ay ang paraan para mapalaya ang sangkatauhan, upang mapakawalan sila, upang tulutan silang umiral sa liwanag, at upang tulutan silang mabuhay. At silang mga sumasamba sa mga idolo o huwad na mga diyos ay nabubuhay araw-araw na sinasakop ni Satanas, pinipigilan ng lahat ng uri ng mga patakaran at mga pagbabawal—sa araw na ito ay isang bagay ang ipinagbabawal, bukas ay iba naman—walang kalayaan sa kanilang mga buhay. Sila ay parang mga bilanggo na naka-tanikala nang walang kagalakan na masasabi. Ano ang kinakatawan ng “pagbabawal”? Isinasagisag nito ang mga paghihigpit, mga pagbabawal, at kasamaan. Sa sandaling ang isang tao ay sumamba sa isang idolo, sila ay sumasamba sa isang huwad na diyos, sumasamba sa masamang espiritu. Dala-dala ng pagbabawal ang gayon. Hindi ka maaaring kumain nito o ng ganoon, sa araw na ito hindi ka makalalabas, bukas hindi mo maaaring paganahin ang iyong kalan, sa susunod na araw hindi ka maaaring lumipat sa isang bagong bahay, dapat na pumili ng mga tiyak na araw para sa mga kasal at mga libing, at maging sa pagluwal sa isang sanggol. Ano ang tawag dito? Ito ay tinatawag na pagbabawal; ito ay pagkaalipin sa sangkatauhan, at ito ang mga tanikala ni Satanas at masasamang espiritu ang namamahala sa kanila, at pinipigilan ang kanilang mga puso at mga katawan. Ang mga pagbabawal bang ito ay umiiral sa Diyos? Kapag pinag-uusapan ang kabanalan ng Diyos, dapat mo munang isipin ito: Sa Diyos walang mga pagbabawal. Ang Diyos ay may mga prinsipyo sa Kanyang mga salita at gawain, ngunit walang mga paghihigpit, sapagkat ang Diyos Mismo ay ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.

Tingnan natin ngayon ang mga sumusunod na sipi: “Datapuwa’t sinasabi Ko sa inyo, na dito ay may isang lalong dakila kay sa templo. Datapuwa’t kung nalalaman ninyo kung ano ang kahulugan nito, Habag ang ibig Ko, at hindi hain, ay hindi sana ninyo hinatulan ang mga walang kasalanan. Sapagka’t ang Anak ng tao ay Panginoon ng sabbath” (Mateo 12:6–8). Ano ang tinutukoy na “templo” dito? Upang maging madali, ang “templo” ay tumutukoy sa isang kahanga-hangang, mataas na gusali, at sa Kapanahunan ng Kautusan, ang templo ay lugar para sa mga saserdote upang sambahin ang Diyos. Nang sinabi ng Panginoong Jesus “dito ay may isang lalong dakila kay sa templo,” kanino tumutukoy ang “isa”? Maliwanag, ang “isa” ay ang Panginoong Jesus sa katawang-tao, sapagkat Siya ay mas dakila kaysa sa templo. Ano ang sinasabi ng mga salitang ito sa mga tao? Sinasabi nila sa mga tao na lumabas sila sa templo—nakalabas na ang Diyos at hindi na gumagawa sa loob nito, kaya dapat hanapin ng mga tao ang mga bakas ng Diyos sa labas ng templo at sundan ang Kanyang mga hakbang sa Kanyang bagong gawain. Ang pinagmulan ng pagsasabi nito ng Panginoong Jesus ay sa ilalim ng kautusan, itinuturing na ng mga tao ang templo bilang isang bagay na higit na dakila kaysa sa Diyos Mismo. Iyon ay, sumasamba ang mga tao sa templo sa halip na sambahin ang Diyos, kaya binalaan sila ng Panginoong Jesus na huwag sambahin ang mga idolo, sa halip ay sambahin ang Diyos sapagkat Siya ang kataas-taasan. Kaya, sinabi Niya: “Habag ang ibig Ko, at hindi hain.” Maliwanag na sa mga mata ng Panginoong Jesus, ang karamihan sa mga tao sa ilalim ng kautusan ay hindi na sumasamba sa Diyos na si Jehova, ngunit basta na lamang nagdaraan sa proseso ng pagsasakripisyo, at tiniyak ng Panginoong Jesus na ang prosesong ito ay pagsamba sa idolo. Itinuturing ng mga sumasambang ito sa idolo ang templo bilang isang bagay na mas dakila, at mas mataas kaysa sa Diyos. Sa kanilang mga puso ay mayroon lamang templo, hindi Diyos, at kung mawala nila ang templo, nawala nila ang kanilang tahanang dako. Kung wala ang templo wala silang masasambahan at hindi na matutupad ang kanilang mga pagsasakripisyo. Ang kanilang tinatawag na tahanang dako ay kung saan sila nabubuhay sa ilalim ng bandila ng pagsamba sa Diyos na si Jehova, na nagpapahintulot sa kanila na manatili sa templo at tuparin ang kanilang sariling mga gawain. Ang kanilang tinatawag na pagsasagawa ng mga sakripisyo ay upang tuparin lamang ang kanilang sariling personal na kahiya-hiyang mga pakikitungo sa ilalim ng balatkayo ng pagsasagawa ng kanilang serbisyo sa templo. Ito ang dahilan kung bakit itinuring ng mga tao nang panahong iyon ang templo bilang higit na dakila kaysa sa Diyos. Sapagkat ginamit nila ang templo bilang isang taguan, at ang mga sakripisyo bilang isang balatkayo para sa pandaraya sa mga tao at pandaraya sa Diyos, sinabi ng Panginoong Jesus ito upang balaan ang mga tao. …

Susunod, tingnan natin ang huling pangungusap sa siping ito ng kasulatan: “Sapagka’t ang Anak ng tao ay Panginoon ng sabbath.” Mayroon bang praktikal na bahagi sa pangungusap na ito? Makikita ba ninyo ang praktikal na bahagi nito? Ang bawat isang bagay na sinasabi ng Diyos ay nanggagaling mula sa Kanyang puso, kaya bakit Niya sinabi ito? Paano ninyo uunawain ito? Maaari ninyong maintindihan ang kahulugan ng pangungusap na ito ngayon, ngunit sa panahong iyon hindi kasingdami ng mga tao ang nakaintindi sapagkat kalalabas pa lamang ng sangkatauhan sa Kapanahunan ng Kautusan. Para sa kanila, ang paglabas mula sa Sabbath ay isang bagay na napakahirap gawin, bukod sa pagkaunawa kung ano ang isang totoong Sabbath.

Ang pangungusap na “ang Anak ng tao ay Panginoon ng sabbath” ay nagsasabi sa mga tao na ang lahat sa Diyos ay hindi kinakailangan, at bagama’t maaaring ipagkaloob ng Diyos ang lahat ng iyong mga materyal na pangangailangan, sa sandaling ang iyong mga materyal na pangangailangan ay naging sapat, mapapalitan ba ng kasiyahan mula sa mga bagay na ito ang iyong paghahangad sa katotohanan? Yaon ay malinaw na hindi mangyayari! Ang disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya na ating ibinahagi ay kapwa ang katotohanan. Ito ay hindi masusukat sa pamamagitan ng mabigat na halaga ng mga materyal na bagay o ang halaga nito ay maaaring masukat sa pamamagitan ng salapi, dahil ito ay hindi isang materyal na bagay, at tinutustusan nito ang mga pangangailangan sa puso ng bawat isang tao. Para sa bawat isang tao, ang halaga nitong mga katotohanang hindi nahahawakan ay dapat na higit kaysa sa halaga ng anumang mga materyal na bagay na sa tingin mo ay mainam, tama? Ang pananalitang ito ay isang bagay na dapat ninyong pag-isipang mabuti. Ang pangunahing punto ng Aking sinabi ay na kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos at ang lahat sa Diyos ay ang pinakamahalagang mga bagay para sa bawat isang tao at ang mga ito ay hindi mapapalitan ng anumang materyal na bagay. Bibigyan kita ng isang halimbawa: Kapag ikaw ay nagugutom, kailangan mo ng pagkain. Masasabing ang pagkaing ito ay masarap o hindi ganoon kasarap, ngunit kapag ikaw ay nabusog, ang hindi magandang pakiramdam na iyon ng pagiging gutom ay hindi na narooon—ito ay mapapawi na. Maaari ka nang umupo doon nang payapa, at ang iyong katawan ay mapapahinga. Ang gutom ng mga tao ay maaaring malunasan ng pagkain, ngunit kung ikaw ay sumusunod sa Diyos at nararamdaman mong wala kang pagkaunawa sa Kanya, paano mong malulunasan ang kahungkagan sa iyong puso? Maaari ba itong malunasan ng pagkain? O kung ikaw ay sumusunod sa Diyos at hindi nauunawaan ang Kanyang kalooban, ano ang magagamit mo upang punan ang gutom na yaon sa iyong puso? Sa proseso ng iyong karanasan ng kaligtasan sa pamamagitan ng Diyos, habang naghahangad ng pagbabago sa iyong disposisyon, kung hindi mo naiintindihan ang Kanyang kalooban o hindi nalalaman kung ano ang katotohanan, kung hindi mo naiintindihan ang disposisyon ng Diyos, hindi ka ba makadarama ng sobrang pagkabalisa? Hindi ka ba makadarama ng isang matinding pagkagutom at pagkauhaw sa iyong puso? Hindi ba hinahadlangan ng mga damdaming ito na madama mo ang kapahingahan sa iyong puso? Kaya paano mong pupunan ang guton na yaon sa iyong puso—mayroon bang paraan para lunasan ito? Ang ilang tao ay bumabaling sa pamimili, ang ilan ay hinahanap ang mga kaibigan upang magsabi, ang ilang tao ay natutulog nang natutulog, ang iba ay nagbabasa ng mas maraming salita ng Diyos, o sila ay lalong nagsisipag at gumugugol ng mas maraming pagsisikap para tuparin ang kanilang mga tungkulin. Malulunasan ba ng mga bagay na ito ang iyong mismong mga suliranin? Ganap ninyong naiintindihang lahat ang mga ganitong uri ng mga pagsasagawa. Kapag nakadarama ka ng kahinaan, kapag nakadarama ka ng isang matinding pagnanais na magkamit ng kaliwanagan mula sa Diyos upang hayaan kang malaman ang realidad ng katotohanan at ang Kanyang kalooban, ano ang pinaka-kailangan mo? Ang kailangan mo ay hindi isang masaganang pagkain, at hindi iilang mabait na salita. Higit kaysa roon, hindi ang panandaliang kalinga at kasiyahan ng laman—ang iyong kailangan ay para sa Diyos na sabihin sa iyo nang tuwiran at malinaw kung ano ang dapat mong gawin at kung paano mo gagawin ito, upang sabihin sa iyo nang malinaw kung ano ang katotohanan. Pagkatapos mong maintindihan ito, kahit ito ay kakapiraso lang, hindi ka ba nakadarama ng higit na kasiyahan sa iyong puso kaysa sa nakakain ka ng isang saganang pagkain? Kapag ang puso mo ay nasiyahan, hindi ba ang iyong puso, ang iyong kabuuang pagkatao, ay nagkakamit ng tunay na kapahingahan? Sa pamamagitan ng paghahambing na ito at pagsusuri, naiintindihan na ba ninyo ngayon kung bakit gusto Kong ibahagi sa inyo ang pangungusap na ito, “ang Anak ng tao ay Panginoon ng sabbath”? Nangangahulugan ito na anumang mula sa Diyos, kung anong mayroon at kung ano Siya, at ang lahat ng Kanya ay higit na dakila kaysa sa anumang ibang bagay, kabilang ang bagay o ang tao na minsang pinaniniwalaan mong pinakamahalaga sa iyo. Na ang ibig sabihin, kung ang isang tao ay hindi maaaring magkaroon ng mga salita mula sa bibig ng Diyos o hindi nila naiintindihan ang Kanyang kalooban, hindi sila maaaring magkamit ng kapahingahan. Sa inyong hinaharap na mga karanasan, maiintindihan ninyo kung bakit gusto Kong makita ninyo ang siping ito sa araw na ito—ito ay napakahalaga. Ang lahat ng bagay na ginagawa ng Diyos ay katotohanan at buhay. Ang katotohanan para sa sangkatauhan ay isang bagay na hindi maaaring wala sila sa kanilang mga buhay, na hindi kailanman nila maaaring magawa nang wala; maaari mo ring sabihin na ito ang pinakadakilang bagay. Bagama’t hindi mo ito makikita o mahihipo, ang kahalagahan nito sa iyo ay hindi maaaring balewalain; ito ang tanging bagay na makakapagbigay ng kapahingahan sa iyong puso.

—mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao