Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pag-ibig ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pag-ibig ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Disyembre 15, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | At iginawa ng Dios na si Jehova si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila’y dinamitan


Gen 3:20–21 At tinawag na Eva ng lalake ang kaniyang asawa, sapagka’t siya ang naging ina ng lahat ng mga nabubuhay. At iginawa ng Dios na si Jehova si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila’y dinamitan.

Lunes, Disyembre 9, 2019

Tagalog Worship Songs | "Nakita Ko Na ang Pag-ibig ng Diyos"


Tagalog Worship Songs | "Nakita Ko Na ang Pag-ibig ng Diyos"


I
Ikaw ang nagmamahal sa 'kin.
Mula sa maruming mundo ay napili Mo ako!
Kaya ako ay nagbalik na sa harap Mo,
oo, ako ay nagbalik na sa harap Mo,
namumuhay ng buhay-iglesia,
nasisiyahan sa 'Yong salita.
Napagpala dahil 'tinaas Mo 'ko ngayon!

Makapangyarihang Diyos, nakita ko na pag-ibig Mo,
at tanging nais ko'y suklian pag-ibig Mo.
Nais kong tuparin aking tungkulin sa 'Yo.
Nakita ko na at susuklian pag-ibig Mo!
Yan ang gusto kong gawin.

Sabado, Disyembre 7, 2019

Ang mga Salita ng Diyos ang Gumagabay sa Akin upang Matutunan Kung Paano Turuan ang Aking mga Anak (II)


Xiaoxue, Malaysia

Isang araw pagtapos ng hapunan, tinuruan ko ang panganay kong lalaki na magbasa ng Tsino—mga simpleng salita lang, “Langit, lupa, tao, at, lupa, tatay, nanay….” Tinuruan ko siya nang ilang beses, ngunit hindi pa rin niya maisulat ang mga ito. Isusulat niya ang unang salita tapos makakalimutan niya ang susunod. Nagalit ako, kinuha ang ruler sa lamesa at ilang beses ko siyang pinagpapalo. Sumigaw ako: “Napakabobo mo naman! Ni hindi mo kayang matutunan ang mga simpleng salitang ito!” Napalo ang aking anak hanggang sa umiyak siya, “waah, waah” at patakbong tumakas patungo sa gilid ng kuwarto. Pinagalitan ko siya, “Lumapit ka rito at magsulat ka ulit!” Hindi lumapit ang anak ko, kaya hinablot ko siya at hinila pabalik sa upuan. Pagkakita ko sa kamay ng aking anak na namumula sa pagkapalo at namamaga dahil sa kagagawan ko, nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Umiyak ako at pumunta sa aking kuwarto at nagdasal sa Diyos: “Diyos ko, Kapag nabibigo ako ng anak ko, hindi ko makontrol ang galit ko. Hindi ko gustong tratuhin ang aking mga anak nang ganito. Diyos ko, nawa ay tulungan Mo ako.” Pagkatapos kong magdasal, unti-unti akong kumalma.

Miyerkules, Disyembre 4, 2019

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Ang mga Salita ng Diyos ang Gumagabay sa Akin upang Matutunan Kung Paano Turuan ang Aking mga Anak (I)


Xiaoxue, Malaysia

Mayroon akong dalawang anak na lalaki na isang taon ang pagitan. Upang palakihin sila nang edukado, may magandang modo, mabubuting tao na makakayanang tumayo sa kanilang sariling mga paa sa lipunan at magtagumpay, nang sila ay dalawang taong gulang pa lamang, kinausap ko ang aking asawa tungkol sa paghahanap ng kindergarten na may magandang reputasyon. Matapos ang ilang pagbisita, pagtatanong at pagkukumpara, pumili kami ng isang English kindergarten dahil nagbibigay halaga sila sa kakayahan at abilidad ng mga bata, na siya namang tumutugma sa aking pananaw sa pagtuturo sa mga bata. Bagaman medyo mahal nang kaunti ang matrikula, hangga’t ang mga bata ay nalilinang nang mas maayos at nakakakuha sila ng mas mahusay na edukasyon, sulit ang paggastos ng mas maraming pera.

Linggo, Disyembre 1, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-limang Pagbigkas


Mga Pagbigkas ni Cristo  | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-limang Pagbigkas


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa Aking mga mata, ang tao ay ang namumuno sa lahat ng bagay. Hindi Ko siya binigyan ng maliit na awtoridad, na nagpapahintulot sa kanya upang pamahalaan ang lahat ng bagay sa lupa—damo sa mga bundok, ang mga hayop sa gitna ng mga gubat, at ang mga isda sa tubig. Ngunit sa halip na maging masaya dahil sa mga ito, ang tao ay inaatake ng kabalisahan. Ang kanyang buong buhay ay isang dalamhati, at pagmamadali, at saya na idinagdag sa kahungkagan, at sa kanyang buong buhay ay walang mga bagong imbensyon at mga paglikha. Walang sinuman ang may kakayahang palayain ang kanilang mga sarili mula sa guwang na buhay, walang sinuman ang nakatuklas ng isang buhay ng kahulugan, at walang sinuman ang kailanman nakaranas ng isang tunay na buhay.

Miyerkules, Nobyembre 20, 2019

Kristianong video | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo" | God Is My Salvation



Tagalog Christian Movies | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo" | God Is My Salvation


Ang kanyang pangalan ay Zhang at siya ay isang Kristiyano na kabilang sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Dahil naniniwala siya sa Diyos, siya ay palihim na minanmanan ng pamahalaan ng Komunistang Tsino at nahuli ng kanilang pulisya. Pinilit siya ng pulisya na ipagkanulo ang mga pinuno ng iglesia gayundin ang mga gugulin ng iglesia. Tinangka nilang gamiting sandata ang kanyang mga kaanak upang guluhin ang kanyang isip. Pinalibutan nila siya at hindi siya hinayaang matulog sa loob ng kalahating buwan upang sirain ang kanyang loob. Hinarap niya ang walang tigil na pagpapahirap ng pulisya ng Komunistang Partido ng Tsino. Siya ay nagpatuloy sa isang lubhang nakatutuliro, nakatatakot na kalagayan. Sa mapanganib na kapaligirang ito, paulit-ulit siyang nanalangin sa Diyos at hiniling sa Diyos na ingatan siya upang siya ay makapanindigan at makapagpatotoo. Sa ilalim ng paggabay at pangunguna ng salita ng Makapangyarihang Diyos, napagtagumpayan niya ang masamang mga pakana ng pulisya at napaglabanan niya ang kanilang paulit-ulit na pagpapahirap. Sa bandang huli, sa ilalim ng pag-iingat ng Makapangyarihang Diyos, himalang nagawa niyang makatakas sa loob ng lungga ng demonyo. Pagkatapos maranasan ang pag-uusig ng pamahalaan ng Komunistang Tsino, malinaw niyang nakita na sila ay masasamang demonyo at na kinasusuklaman nila ang katotohanan. Ang kanilang esensiya ay gaya sa isang radikal na kalaban ng Diyos. Nakita niya mismo ang dakilang kapangyarihan ng Diyos sa ibabaw ng lahat ng bagay at ang Kanyang kamangha-manghang mga gawa. Nadama niya ang pagkalinga at pag-ibig ng Diyos sa bawat posibleng paraan, Nanindigan siya na ibigay ang kanyang buong buhay sa Diyos at tuparin ang kanyang mga pananagutan bilang isa sa Kanyang mga nilikha upang masuklian ang biyaya ng Diyos.

Linggo, Nobyembre 10, 2019

Ebangheliyong pelikula | "Saan Ang Aking Tahanan" | God Gave Me a Happy Family


Tagalog Christian Movies | "Saan Ang Aking Tahanan" | God Gave Me a Happy Family


Naghiwalay ang mga magulang ni Wenya nang siya ay dalawang taong gulang at pagkatapos ay tumira siya sa kanyang Itay at kanyang madrasta. Ayaw sa kanya ng kanyang madrasta at palagi itong nakikipagtalo sa kanyang Itay. Walang nagawa ang kanyang Itay—kinailangan niyang ibalik si Wenya sa bahay ng kanyang Ina, ngunit nakatuon ang kanyang Ina sa pamamahala sa kanyang negosyo at wala siyang panahon para alagaan si Wenya, kung kaya madalas siyang nagpalipat-lipat sa bahay ng mga kamag-anak at kaibigan para maalagaan.

Miyerkules, Oktubre 23, 2019

Bilang Isang Kristiyano, Ang Palagiang Pagdalo sa mga Pagtitipon ay Hindi Maaaring Pabayaan


Xiaogao

Kamusta mga kapatid ko sa Espirituwal na Q&A,

Napapagod ako nang husto sa pagtarabaho sa araw, at hindi ako makatulog nang mahimbing sa gabi. Bilang resulta, ayaw kong magpunta nang maaga sa mga pagtitipon. Hindi ko gusto ang hinihigpitan. Nadarama ko na kung mayroon akong mga pangangailangang espirituwal, hangga’t hinahanap ko ang aking mga kapatid upang makausap sa mga panahong iyon, magiging mainam ito. Iniisip ko kung ano ang sanhi ng isyung ito. Paano ko dapat lutasin ito?

Sabado, Oktubre 5, 2019

Mga Patotoo tungkol sa Paghatol sa Harapan ng Hukuman ni Cristo | Ano ang Kalikasan ng Pag-ibig ng Diyos?


Siqiu    Lungsod ng Suihua, Lalawigan ng Heilongjiang

Sa tuwing nakikita ko ang sumusunod na sipi ng salita ng Diyos: “Kung ikaw ay palaging naging napakatapat at mapagmahal sa Akin, datapwa’t ikaw ay nagdurusa ng pagpapahirap ng sakit, ng kasalatan sa buhay, at ng pag-iiwan ng iyong mga kaibigan at mga kamag-anak o nagtitiis ng anumang iba pang mga kasawian sa buhay, kung gayon magpapatuloy pa ba ang iyong katapatan at pagmamahal para sa Akin?” (“Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Lubha akong hindi nasisiyahan—ang pakiramdam ng kalungkutan ay namumuo sa loob ko at nagsasalita ang puso ko ng mga walang tinig na karaingan nito: Mahal na Diyos, bakit Mo pinapayagan na makasagupa ng ganoong kasawian ang mga matapat sa Iyo at nagmamahal sa Iyo? Bilang resulta, nahirapan ako sa pag-unawa sa kahulugan ng taong ginamit ng Banal na Espiritu na nagsabing, “Ang huling hiling ng Diyos sa tao ay mapagmahal at taos-puso.”

Huwebes, Oktubre 3, 2019

Tagalog Christian Movies | "Bakit Napakadilim at Napakasama ng Mundo?"


Tagalog Christian Movies | "Bakit Napakadilim at Napakasama ng Mundo?"


Sa maraming kabataang nahuhumaling ngayon sa online gaming at hindi makaalpas doon, at sa bawat henerasyon ng mga kabataan na mas malala pa kaysa sa huli, hindi maiwasang magtanong ang maraming tao ng: Bakit kailangang patuloy na tangkilikin, paunlarin at itaguyod ng lipunang ito ang online gaming para lasunin ang ating mga kabataan? Bakit napakadilim at napakasama ng mundo?

Pinagmumulan:https://tl.kingdomsalvation.org/videos/way-to-break-addiction-of-web.html

Pinagmumulan:Anak, May Paraan para Maputol ang Adiksyon ng mga Kabataan sa Online Gaming

Biyernes, Setyembre 27, 2019

Tagalog Christian Movies | "May Paraan para Maputol ang Adiksyon ng mga Kabataan sa Online Gaming"


Tagalog Christian Movies | "May Paraan para Maputol ang Adiksyon ng mga Kabataan sa Online Gaming"


Maraming kabataan sa modernong lipunan na nahuhumaling sa online gaming at hindi makalaya rito. Matindi ang epekto nito kapwa sa kanilang kalusugan at sa kanilang pag-aaral. Anuman ang subukang gawin ng mga magulang para mapigil ang kanilang mga anak sa online games, walang saysay ang lahat ng iyon, at naging malaking sakit ng ulo sa maraming pamilya ang pagputol sa adiksyon ng kanilang mga anak sa online gaming. Ang maikling videong ito na, May Paraan para Maputol ang Adiksyon ng mga Kabataan sa Online Gaming, ay magbibigay-liwanag sa atin.


Manood ng higit pa:Kristianong video

Sabado, Setyembre 21, 2019

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Sana'y Palagi Kang Manatili sa Aking Puso"


Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Sana'y Palagi Kang Manatili sa Aking Puso"


I
Manatili Ka sa piling ko sa tagsibol at taglagas,
lumakad Kang kasama ko sa init at lamig.
Ang pagmasdan, Iyong malungkot na mukha,
puso ko'y lubhang nagdadalamhati.

Huwebes, Setyembre 5, 2019

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Awa ng Diyos sa Tao Kailanma'y Hindi Tumigil




Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Awa ng Diyos sa Tao Kailanma'y Hindi Tumigil


I
Ang habag ng Lumikha ay
di hungkag na kasabihan, ni pangakong napapako.
Mayroon itong mga prinsipyo at layunin,
tunay at totoo, walang pagkukunwari.
Ang Kanyang awa ay ipinapagkaloob
sa sangkatauhan sa lahat ng panahon.
Datapwa't ang salita ng Lumikha kay Jonas ay nananatiling
ang natatangi Niyang pahayag kung bakit Siya ay mahabagin,
at kung paano Nya ipinapakita ito,
kung gaano Sya magpaubaya sa tao,
at ang tunay Nyang damdamin sa kanila.

Poot ng Diyos madalas sapitin ng tao,
nguni't awa Nya'y di kailanman tumitigil.
Nang mayro'ng awa, Sya'y gumagabay,
nangunguna, nagbibigay, umaalalay sa tao,
sa bawat salinlahi, at sa bawat kapanahunan.
Pag-ibig Nya sa tao'y di nagbabago,
pag-ibig Nya'y di kailanman magbabago!

Martes, Setyembre 3, 2019

Tagalog Christian Music | "Naibibigay ng Diyos ang Lahat ng Pag-ibig Niya sa Sangkatauhan"


Tagalog Christian Music | "Naibibigay ng Diyos ang Lahat ng Pag-ibig Niya sa Sangkatauhan"


I
Maging sa pagpapakita ng pagkamatuwid N'ya,
kamahalan N'ya o poot,
isinasagawa ng D'yos ang pamamahala N'ya't
inililigtas ang tao dahil sa pag-ibig N'ya.
Gaano kalaking pag-ibig? Ila'y nagtanong.
Hindi ito konting pag-ibig,
isangdaang pors'yento pag-ibig ng D'yos.
Dahil kung ang pag-ibig ng Diyos 
ay medyo mas kaunti lamang,
ang mga tao ay hindi maliligtas.
Para sa sangkatauhan lahat ng pag-ibig N'ya, 
ibinibigay ng D'yos.
Ibinibigay ng D'yos lahat ng pag-ibig N'ya.
Ibinibigay ng D'yos lahat ng pag-ibig N'ya.
Ibinibigay ng D'yos lahat ng pag-ibig N'ya 
sa sangkatauhan,
Ibinibigay N'ya lahat ng pag-ibig N'ya.
Ibinibigay N'ya pag-ibig N'ya.

Lunes, Agosto 26, 2019

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Landas... (8)

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Landas... (8)


Kapag ang Diyos ay dumarating sa lupa upang makihalo sa sangkatauhan, mamuhay kasama nila, ito ay hindi lamang sa loob ng isa o dalawang araw. Marahil sa buong panahong ito ay nakilala na humigit-kumulang ng mga tao ang Diyos, at marahil ay nakatamo sila ng mahahalagang mga kabatiran hinggil sa paglilingkod sa Diyos, at sanay na sanay na sa kanilang paniniwala sa Diyos. Anuman ang kalagayan, nauunawaan ng mga tao ang disposisyon ng Diyos, at ang mga pagpapahayag ng lahat ng uri ng pantaong mga disposisyon ay totoong iba-iba. Sa tingin Ko rito, ang sari-saring pagpapahayag ng mga tao ay sapat para magamit ng Diyos bilang mga halimbawa, at ang kanilang mga gawaing pang-isipan ay sapat para sa Kanya upang sanggunian.

Lunes, Hulyo 15, 2019

Mga pagbabasa at pagsasalaysay ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan" (Ikalawang Bahagi)


Mga pagbabasa at pagsasalaysay ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan" (Ikalawang Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan at inilagay sila sa lupa, na Kanyang pinangunahan hanggang sa araw na ito. Pagkatapos ay iniligtas Niya ang sangkatauhan at nagsilbi bilang isang handog para sa kasalanan ng sangkatauhan. Sa katapusan ay kailangan pa rin Niyang lupigin ang sangkatauhan, iligtas nang buo ang sangkatauhan at ibalik sila sa kanilang orihinal na wangis. Ito ang gawain na Kanyang pinag-aabalahan mula sa simula hanggang sa katapusan—ang pagpapanumbalik sa tao sa kanyang orihinal na larawan at sa kanyang orihinal na wangis. Itatatag Niya ang Kanyang kaharian at ibabalik ang orihinal na wangis ng tao, ibig sabihin na ibabalik Niya ang Kanyang awtoridad sa lupa at ibabalik ang Kanyang awtoridad sa gitna ng buong sangnilikha....Kapag ang sangkatauhan ay naibalik na sa kanilang orihinal na wangis, kapag nakakaya nang tuparin ng sangkatauhan ang kani-kanilang mga tungkulin, napapanatili ang kanilang sariling lugar at nasusunod ang lahat ng mga pagsasaayos ng Diyos, ang Diyos ay nakatamo ng isang grupo ng mga tao sa lupa na sumasamba sa Kanya, at naitatag na rin Niya ang isang kaharian sa lupa na sumasamba sa Kanya. Siya ay magkakaroon ng walang-hanggang tagumpay sa lupa, at yaong mga salungat sa Kanya ay malilipol magpasawalang-hanggan. Mapanunumbalik nito ang Kanyang orihinal na layunin sa paglikha sa tao; mapanunumbalik nito ang Kanyang layunin sa paglikha ng lahat ng mga bagay, at ito rin ang magpapanumbalik ng Kanyang awtoridad sa lupa, ng Kanyang awtoridad sa gitna ng lahat ng mga bagay at ng Kanyang awtoridad sa gitna ng Kanyang mga kaaway. Ang mga ito ang mga simbolo ng Kanyang kabuuang tagumpay. Simula roon ang sangkatauhan ay papasok sa kapahingahan at papasok sa isang buhay na sumusunod sa tamang landas. Ang Diyos ay papasok din sa walang-hanggang kapahingahan kasama ang tao at papasok sa isang buhay na walang-hanggan na pagsasaluhan ng Diyos at tao. Ang karumihan at pagsuway sa lupa ay mawawala, at gayundin ang pananaghoy sa lupa. Ang lahat ng sumasalungat sa Diyos sa lupa ay hindi na iiral. Tanging ang Diyos at yaong mga tao na Kanyang nailigtas ang mananatili; ang Kanyang nilikha lang ang mananatili."

Huwebes, Hulyo 11, 2019

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Paano Pinamamahalaan ng Diyos ang Lahat ng mga Bagay"


Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Paano Pinamamahalaan ng Diyos ang Lahat ng mga Bagay"



I
Mula sa iyong pagsilang at pag-iyak sa mundong ito,
inumpisahan mo'ng gawin ang iyong tungkulin.
Sa plano’t ordinasyon ng Diyos, tungkulin ay tinanggap mo,
at ang paglalakbay mo sa buhay ay sinimulan.
Anumang nakaraan o paglalakbay sa iyong hinaharap,
walang makakaalpas sa pagsasaayos ng kalangitan,
at walang may hawak ng kanilang tadhana,
pagkat Diyos lamang ang namumuno sa lahat ng bagay.

Biyernes, Hulyo 5, 2019

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Diyos Ko! Di Talaga Ako Nararapat sa Pag-ibig Mo"


Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Diyos Ko! Di Talaga Ako Nararapat sa Pag-ibig Mo"


I
Marami akong nagawang di ko maaatim na gunitain.
Nasayang ko ang napakaraming oras.
Nag-uumapaw ang malaking pagsisisi
at utang na loob sa puso ko.
Lagi ako noong humingi ng kapalit
kapag gumugol ako para sa Diyos.
Nang di ko natanggap
ang mga pagpapalang gusto kong matanggap, 
inisip kong talikuran ang Diyos,
ngunit malinaw pa sa aking isipan ang Kanyang pag-ibig
at di ko malimutan.
Inantig ng mga salita ng Diyos ang puso ko,
unti-unti akong inaakay palayo sa pagiging negatibo.
Nang magbanta ang kahirapan,
ako'y natakot, nangimi at nanghina.
Ako'y naging mahina at negatibo
at muli kong naisip na talikuran ang Diyos.
Hinati ang puso ko ng Kanyang mga salita
na parang espadang magkabila ang talim,
wala akong napagtaguan sa hiya.

Sabado, Hunyo 29, 2019

Tagalog Christian Music | "Tumindig, Makipagtulungan sa Diyos"


Tagalog Christian Music | "Tumindig, Makipagtulungan sa Diyos"


I
Mahal ng Diyos ang lahat, 
lahat ng tunay na naglalaan ng sarili nila sa Kanya,
napopoot sa lahat ng isinilang sa Kanya,
gayunma'y kinakalaban at 'di Siya kilala.
'Di Niya pababayaan ang mga tunay na para sa Kanya.
Sa halip dodoblehin Niya ang mga pagpapala nila.
Lahat ng walang utang-na-loob ay parurusahang dalawang ulit.
Wala Siyang palalampasing sinuman sa kanila.
Tumindig, makipagtulungan sa Diyos!
Taos-pusong gumugol para sa Kanya,
at magiging patas sa iyo ang Diyos.
Tumindig, makipagtulungan sa Diyos!
Ialay ang sarili mo sa Diyos,
at pagpapalain ka ng Diyos sa lahat ng bagay.
Tumindig!

Lunes, Hunyo 3, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Bakit Gustong Iligtas ng Diyos ang Sangkatauhan?

Mga Pagbigkas ni Cristo | Bakit Gustong Iligtas ng Diyos ang Sangkatauhan?


Mga Klasikong Salita Mula sa Diyos:

Sa simula, ang Diyos ay nagpapahinga. Walang mga tao o anumang bagay sa lupa nang panahon na iyon, at wala pang nagagawa ang Diyos kahit anong gawain pa man. Sinimulan lang ng Diyos ang Kanyang gawaing pamamahala noong umiral ang sangkatauhan at noong ang sangkatauhan ay nagawang masama. Mula sa puntong ito, ang Diyos ay hindi na nagpahinga ngunit sa halip ay nagsimulang gawing abala ang Kanyang sarili sa gitna ng sangkatauhan. Ang Diyos ay naalis mula sa Kanyang kapahingahan dahil sa kasamaan ng sangkatauhan, at dahil din sa paghihimagsik ng arkanghel kaya naalis ang Diyos mula sa Kanyang kapahingahan. Kung hindi tatalunin ng Diyos si Satanas at ililigtas ang sangkatauhan, na naging masama, ang Diyos ay hindi na muling makapapasok sa kapahingahan.