Zheng Weiguo(Pastor ng isang United Front Work Department ng bayan): Matagal na akong nagtatrabaho para sa United Front, at napag-aralan ko na ang iba’t ibang relihiyon. Ang Kristiyanismo, Katolisismo at Eastern Orthodoxy ay pawang mga relihiyong orthodox na nananalig kay Jesus. Pero ibang-iba ang pananalig n’yo sa Makapangyarihang Diyos. Ayon sa mga dokumento ng CCP, ang Makapangyarihang Diyos ay ni hindi kabilang ng Kristiyanismo. Nangangaral kayo ng ebanghelyo sa iba’t ibang sekta sa ilalim ng Kristiyanismo na hindi kayo kinikilalang Kristiyano. Kaya hinding-hindi ko kayo papayagang manalig sa Makapangyarihang Diyos. Maaari lang kayong manalig sa Kristiyanismo kung gusto nyo. Mas magaan ang pagpapahirap ng gobyerno sa ganitong paraan.
Nahuhulog ang tao sa
kalagitnaan ng Aking liwanag, at mabilis siyang nakakabangon dahil sa
Aking kaligtasan. Noong dinala Ko ang kaligtasan sa buong sandaigdigan,
sinusubukan ng tao na hanapin ang mga paraan upang makapasok sa daloy ng
Aking pagpapanumbalik, ngunit marami ang mga natangay nang walang bakas
sa malakas na agos ng panunumbalik na ito; marami ang mga nalunod at
nilamon ng malakas na agos ng mga tubig; at marami rin ang nanatili sa
gitna ng malakas na agos, na hindi kailanman nawalan ng kanilang diwa ng
direksiyon, at sumunod sa malakas na agos hanggang ngayon. Humahakbang
Ako kasabay ng tao, ngunit hindi pa rin niya Ako nakikilala; alam lamang
niya ang mga panlabas Kong kasuotan, at wala siyang kaalam-alam sa mga
kayamanan na nakatago sa Aking kaloob-looban. Kahit na tinutustusan Ko
ang tao at nagbibigay Ako sa kanya sa bawat araw, hindi niya kaya ang
tunay na pagtanggap, wala siyang kakayahang tanggapin ang lahat ng mga
kayamanang ibinibigay Ko. Wala sa katiwalian ng tao ang nakakaiwas sa
Aking paningin; para sa Akin, ang panloob na mundo niya ay katulad ng
maliwanag na buwan sa tubig. Hindi Ako nakikipaglaro sa tao, ni hindi
basta nakikisabay lang sa kanya; wala lang talagang kakayahan ang tao na
panagutan ang kanyang sarili, at dahil dito palaging ubod ng sama ang
buong sangkatauhan, at kahit ngayon nananatili siyang walang kakayahang
lumaya mula sa naturang kasamaan. Kaawa-awa, kalunus-lunos na
sangkatauhan! Bakit nga ba mahal Ako ng tao, ngunit hindi niya kayang
sundin ang mga layunin ng Aking Espiritu? Talaga bang hindi Ko ibinunyag
ang Aking Sarili sa sangkatauhan? Talaga bang hindi nakita kailanman ng
sangkatauhan ang Aking mukha? Maaari kayang masyadong maliit ang awa na
Aking ipinakita sa sangkatauhan? O ang mga rebelde ng buong
sangkatauhan! Dapat silang mawasak sa ilalim ng Aking talampakan, dapat
silang maglaho sa gitna ng Aking pagkastigo, at dapat, sa araw ng
pagkakumpleto ng Aking dakilang plano, ay maitataboy sila mula sa
kalagitnaan ng sangkatauhan, upang makita ng buong sangkatauhan ang
pangit nilang pagmumukha. Bihirang makita ng tao ang Aking mukha o
bihira niyang marinig ang Aking tinig dahil masyadong nakalilito ang
buong mundo, at masyadong malakas ang ingay nito, at dahil dito naging
masyadong tamad ang tao na hanapin ang Aking mukha at subukang unawain
ang Aking puso. Hindi ba ito ang dahilan ng katiwalian ng tao? Hindi ba
dahil dito kaya nangangailangan ang tao? Ang buong sangkatauhan ay
palaging nasa gitna ng Aking pagtustos; kung di gayon, kung hindi Ako
maawain, sino ang mabubuhay hanggang ngayon? Ang mga kayamanan na nasa
Akin ay walang kapantay, ngunit ang lahat ng mga kalamidad ay nandito
rin sa Aking mga kamay—at sino ang makaliligtas mula sa kalamidad kung
kailan nila gusto? Ang mga panalangin ba ng tao ang magpapahintulot sa
kanya upang gawin ito? O ang mga luha sa puso ng tao? Hindi kailanman
tunay na nanalangin ang tao sa Akin, at dahil dito walang kahit isa sa
buong sangkatauhan ang ganap na namuhay sa gitna ng liwanag ng
katotohanan, at namuhay lamang ang mga tao sa gitna ng pasumpung-sumpong
na paglitaw ng liwanag. Ito nga ang nagdulot sa pangangailangan ng
sangkatauhan ngayon.