Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“At samantalang sila'y nagsisikain, ay dumampot si Jesus ng tinapay, at pinagpala, at pinagputolputol; at ibinigay sa mga alagad, at sinabi, Kunin ninyo, kanin ninyo; ito ang aking katawan. At dumampot siya ng isang saro, at nagpasalamat, at ibinigay sa kanila, na nagsasabi, Magsiinom kayong lahat diyan; Sapagka't ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan” (Mateo 26:26-28).
“At ako’y naparoon sa anghel na nagsabi ako sa kaniya na ibigay sa akin ang maliit na aklat. At kaniyang sinabi sa akin, Kunin mo ito, at ito’y kanin mo; at papapaitin ang iyong tiyan, datapuwa’t sa iyong bibig ay magiging matamis na gaya ng pulot” (Pahayag 10:9).
Mga nauugnay na salita ng Makapangyarihang Diyos
Ang
lahat ng mga gawain na ginagawa ng tao ay pagganap ng kanyang tungkulin
bilang isa sa sangnilikha at ito ay ginagawa kapag naaantig o
naliliwanagan ng Banal na Espiritu. Ang patnubay na ibinibigay ng gayong
mga tao ay kung paano ang magsagawa sa pang-araw-araw na buhay ng tao
at kung paano ang tao ay dapat kumilos na katugma sa kalooban ng Diyos. …
ay upang manguna sa daan. Maging ang paraan ay bago o luma, ang gawain
ay ginawa sa batayang hindi lalabis sa mga panuntunan ng Biblia. Kung
ang mga lokal na iglesia man ay binuhay muli o itinayo, ang kanilang
gawain ay upang itatag ang mga iglesia. Ipinagpatuloy ng gawaing
kanilang ginawa ang gawain na hindi natapos ni Jesus at ng mga apostol o
pinaunlad pang lalo sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang kanilang ginawa sa
kanilang gawain ay upang buhaying muli kung ano ang hiniling ni Jesus sa
Kanyang gawain sa mga salinlahi pagkatapos Niya, kagaya ng
pagpapanatiling nakatalukbong ang kanilang mga ulo, bautismo,
pagpipira-piraso ng tinapay, o pag-inom ng alak. Maaring sabihin na ang
kanilang gawain ay pinanatili lamang ang Biblia at naghahanap ng mga
landas na nakapaloob lamang sa Biblia.Wala silang ginawang bagong
pagsulong sa anumang paraan. Samakatuwid, makikita ng isa sa kanilang
gawain ang pagkatuklas lamang ng mga bagong pamamaraan na nakapaloob sa
Biblia, gayundin ang mas mahusay at mas makatotohanang mga pagsasagawa.
Nguni't hindi makikita ng isa sa kanilang gawain ang kasalukuyang
kalooban ng Diyos, lalong hindi makikita ang bagong gawain na gagawin ng
Diyos sa mga huling araw. Ito ay dahil sa ang landas na kanilang
nilakaran ay isa na luma pa rin; walang pagsulong at walang anumang
bago. Nagpatuloy silang mapanatili ang katotohanan ng "ang pagkakapako
sa krus ni Jesus," ang pagsasagawa ng "paghingi sa mga tao na magsisi at
ikumpisal ang kanilang mga kasalanan," ang kasabihan na "siya na
nagtitiis hanggang sa wakas ay maliligtas," at ang kasabihan na "ang
lalaki ang pinuno ng babae, at dapat pasakop ang babae sa kanyang
asawa." Higit pa rito, pinanatili nila ang makalumang pagkaintindi na
"hindi makapangangaral ang mga kapatid na babae, at magagawa lamang
nilang sumunod."
mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang
inyong sinasabi ay lipas na! Ito ay alinman sa pag-akyat sa trono, o
ang paghahanda sa katayuan ng pagiging hari; alin man sa pagtatanggi sa
sarili o pagsupil sa katawan ng isa; alin man sa pagiging matiisin o
pagkatuto sa aral ng mga bagay; alin man sa kababaang-loob o pag-ibig.
Hindi ba't ito'y pagsabi lang ng dating parehong aral? Ito ay isang
kalagayan lang ng pagtawag ng parehong bagay sa magkaibang pangalan!
Alin man sa pagtatakip sa ulo ng isang tao at paghahati ng tinapay, o
pagpapatong ng mga kamay at pagdarasal, at pagpapagaling sa may sakit at
pagpapalayas sa mga demonyo. Magkakaroon ba ng bagong gawain?
Magkakaroon ba ng inaasam na pag-unlad?
mula sa “Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang
mga pastor at mga pinuno sa relihiyosong mundo, halimbawa, ay umaasa sa
kanilang mga kaloob at mga katungkulan upang gawin ang kanilang gawain.
Ang mga tao na sumusunod sa kanila sa mahabang panahon ay mahahawa sa
kanilang mga kaloob at maiimpluwensiyahan ng ilan sa kung ano sila.
Nakatuon sila sa mga kaloob ng mga tao, mga kakayahan, at kaalaman, at
nagbibigay sila ng pansin sa mga higit-sa-karaniwang mga bagay at sa
maraming mga malalalim na di-makatotohanang turo (mangyari pa, ang
ganitong mga malalalim na turo ay hindi matatamo). Hindi sila nagtutuon
ng pansin sa mga pagbabago sa disposisyon ng mga tao, sa halip ay
nakatuon sila sa pagsasanay sa pangangaral ng mga tao at mga kakayahan
sa paggawa, pinabubuti ang kaalaman ng mga tao at saganang relihiyosong
mga turo. Hindi sila nakatuon sa kung gaano kalaki sa disposisyon ng mga
tao ang nabago o gaano karaming tao ang nakauunawa sa katotohanan.
Hindi sila nagmamalasakit sa sangkap ng mga tao, o kahit subuking alamin
ang normal at di-normal na mga katayuan ng mga tao. Hindi nila
sinasalungat ang mga paniwala ng mga tao o ibinubunyag ang kanilang mga
paniwala, lalong hindi inaayos ang kanilang mga kakulangan o mga
katiwalian. Karamihan sa mga tao na sumusunod sa kanila ay naglilingkod
sa pamamagitan ng likas nilang mga kaloob, at ang kanilang ipinahahayag
ay kaalaman at malabong relihiyosong katotohanan, na hindi makatotohanan
at lubusang hindi nakapagbibigay ng buhay sa mga tao.
mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa
tuwing nagtitipun-tipon ang mga naturang relihiyosong tao, tinatanong
nila, “Kapatid, kumusta ka sa mga araw na ito?” Sasagot siya,
“Pakiramdam kong may utang na loob ako sa Diyos at hindi ko kayang
tuparin ang nais ng Kanyang puso.” Sasagot ang isa pa, “May utang na
loob din ako sa Diyos at hindi ko Siya kayang bigyang-kasiyahan.” Sa mga
pangungusap at salita lamang na ito ay ipinapahayag ang kasuklam-suklam
na mga bagay na nasa loob ng kanilang mga puso. Ang mga naturang salita
ang pinaka-nakapandidiri at lubusang kasuklam-suklam. Ang kalikasan ng
naturang tao ay sumasalungat sa Diyos. Ang mga nakatuon sa katotohanan
ay nakikipag-usap kung anuman ang nasa kanilang mga puso at binubuksan
ang kanilang mga puso sa pakikipag-usap. Walang anumang bakas ng
masamang gawa, walang kunwaring paggalang o mga walang katuturang
pagbibiro. Lagi silang prangka at walang mga sinusunod na makamundong
patakaran. May mga taong may pagkahilig sa pagkukunwari, kahit walang
anumang kahulugan. Kapag kumakanta ang isa pa, nagsisimula siyang
sumayaw, ni hindi man lang napapansin na sunog na ang kaning nasa
kanyang palayok. Ang mga naturang uri ng tao ay hindi maka-Diyos o
kagalang-galang, at masyadong mababaw. Ang lahat ng ito ay pagpapakita
ng kakulangan ng katotohanan! Ang ilan ay nagtitipon upang makipagniig
tungkol sa mga bagay ng ispiritwal na buhay, at bagaman hindi nila
binabanggit ang pagkakautang sa Diyos, pinananatili nila ang tunay na
pagmamahal sa Kanya sa loob ng kanilang mga puso. Ang iyong pagkakautang
sa Diyos ay walang kinalaman sa iba; may utang na loob ka sa Diyos,
hindi sa tao. Kaya anong silbi na parati mo itong binabanggit sa iba?
Kailangang bigyan mo ng halaga ang pagtanggap sa katotohanan, hindi
panlabas na sigasig o pakitang-tao.
mula
sa “Dapat na Nakatuon sa Katotohanan ang Pananampalataya sa Diyos,
Hindi sa mga Relihiyosong Ritwal” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa
Katawang-tao
Ang pangunahing kahalagahan ng pagsunod sa Diyos ay
na ang lahat ay dapat alinsunod sa totoong mga salita ng Diyos: Maging
ikaw ay naghahangad ng pagpasok sa buhay o ang katuparan ng kalooban ng
Diyos, ang lahat ay dapat nakasentro sa totoong mga salita ng Diyos.
Kung ano ang iyong pakikipag-isa at hinahangad ay hindi nakasentro sa
palibot ng totoong mga salita ng Diyos, kung gayon isa kang estranghero
sa mga salita ng Diyos, at ganap na nawalan ukol sa gawain ng Banal na
Espiritu. Ang gusto ng Diyos ay ang mga taong sumusunod sa Kanyang mga
yapak. Hindi alintana kung gaano man kakahanga-hanga at kadalisay kung
ano ang naunawaan mo noong una, ayaw ito ng Diyos, at kung hindi mo
magagawang isantabi ang gayong mga bagay, kung gayon ang mga ito ay
napakalaking hadlang sa iyong pagpasok sa hinaharap. Lahat niyaong
nagagawang sumunod sa kasalukuyang liwanag ng Banal na Espiritu ay mga
pinagpala. … "Ang pagsunod sa gawain ng Banal na Espiritu" ay
nangangahulugan ng pagkaunawa sa kalooban ng Diyos sa kasalukuyan, ang
magawang kumilos alinsunod sa kasalukuyang mga kinakailangan ng Diyos,
ang magawang talimahin at sundin ang Diyos sa kasalukuyan, at pagpasok
alinsunod sa pinakabagong mga pagbigkas ng Diyos. Tanging ito ay ang tao
na sumusunod sa gawain ng Banal na Espiritu at nasa daloy ng Banal na
Espiritu. Ang gayong mga tao ay hindi lamang mayroong kakayahan na
tanggapin ang papuri ng Diyos at nakikita ang Diyos, ngunit makakaya
ding malaman ang disposisyon ng Diyos mula sa pinakahuling gawain ng
Diyos, at makakaya ding malaman ang mga pagkaintindi at pagkamasuwayin
ng tao, at kalikasan at katuturan ng tao, mula sa Kanyang pinakahuling
gawain; bukod dito, nagagawa nilang unti-unting matamo ang mga pagbabago
sa kanilang disposisyon sa panahon ng kanilang paglilingkod. Ang mga
tao lamang kagaya nito ang nagagawang kamtin ang Diyos, at tunay na
nakasumpong sa tunay na daan.
mula sa “Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Mga Yapak ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento