Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Patotoo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Patotoo. Ipakita ang lahat ng mga post

Huwebes, Marso 12, 2020

Ang Kapangyarihan ng Panalangin—Pagsaksi sa isang Himala sa Gitna ng Kawalan ng Pag-asa


Ni Zhao Zhihan, China

Habang naglalakbay tayo sa buhay, bawat isa sa atin ay makakaranas ng ilang hindi pangkaraniwang pangyayari kung saan natatatak sa ating alaala at hindi kailanman malilimutan. Ang karanasang nag-iwan na sa akin ng pinakamalalim na tatak ay ang panahong nasangkot ang asawa ko sa isang aksidente sa kotse, na walang nakaalam kung malalampasan niya ito o hindi, at sa mga araw na sumunod, ang panahon kung kailan ay naramdaman ko ang ganap na kawalan at nasa hangganan na ng aking pagtitiis. Ngunit ang naiiba sa akin ay dahil sumasaakin ang Diyos at nasa akin ang Kanyang patnubay, kaya mayroon akong suporta, at sa pamamagitan ng panalangin sa Diyos at pag-asa sa Kanya, nasaksihan ko ang himala sa gitna ng aking kawalan ng pag-asa. Sa panahong iyon ng pagdurusa, ang aking higit na natamo ay ang pag-unawa sa awtoridad at dakilang kapangyarihan ng Diyos, at tunay na pagpapahalaga sa pag-ibig ng Diyos …

Linggo, Marso 8, 2020

Panalangin para sa mga Pagsusulit: Tinulungan Ako ng Diyos upang Maiwaksi ang Pagkabalisa Bago ang Pagsusulit


Ang pagsusulit ko bago makapasok sa senior high school noong 2012 ang unang malaking pagbabago sa buhay ko. Inasahan ng buong pamilya ko na maganda ang magiging lagay ko, at malaki ang tiwala ko na maipapasa ko ang aking mga pagsusulit at makakapasok sa senior high school. Hindi ko kailanman naisip na babagsak ako sa pagsusulit. Ngunit ganoon ang nangyari, at labis akong nanlumo, at ni hindi ako makakain o makatulog. Nagkulong lang ako sa kuwarto at ayokong humarap kahit kanino. Sa matagal na panahon, malungkot na nagtago ako sa anino ng bagsak kong pagsusulit. Araw-araw akong nakikitang nasasaktan, binasa ng aking ina ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Maaari bang makamit ng tao ang lahat ng kanyang mga inaasam sa buhay? Ilang bagay sa loob ng ilang dekada ng inyong buhay ang naisakatuparan ninyo ayon sa inyong ninais? Ilang mga bagay ang hindi nangyari gaya ng inasahan? Ilang mga bagay ang dumating bilang kaaya-ayang mga sorpresa?

Miyerkules, Pebrero 12, 2020

Ano ang susi sa isang mabisang panalangin?


Mga kapatid:

Kapayapaan sa inyo sa Panginoon! Ang pananalangin ay isang mahalagang paraan para sa ating mga Kristiyano upang magtatag ng isang normal na kaugnayan sa Diyos. Lalung-lalo na na sa umaga at sa gabi. Kaya ang matuto kung paano manalangin ay napakahalaga. Gayunpaman, maraming mga kapatid ang nalilito: Araw-araw, nananalangin kami kapwa sa umaga at sa gabi; nananalangin din kami bago kumain at pagkatapos kumain gayundin kapag mayroon kaming mga pagtitipon; bukod diyan, sa bawat pagkakataong kami ay nananalangin, marami kaming sinasabi sa Panginoon at nananalangin nang matagal. Gayunpaman, palagi naming nadarama na parang ang Diyos ay wala roon; para bang nakikipag-usap lamang kami sa aming mga sarili kapag nananalangin kami, at ang aming espiritu ay hindi nakadadama ng kapayapaan at kagalakan. Bakit hindi nakikinig ang Diyos sa aming mga panalangin? Paano kami dapat manalangin para matanggap namin ang papuri ng Diyos?

Sabado, Pebrero 1, 2020

Sa Katunayan, Napakasimple lang ng Kaligayahan


Masyado akong mayabang kaya ayokong manatili sa nayon buong buhay ko at mamuhay sa isang nakakabagot na buhay, na pagkain at isusuot lang ang pinaghihirapan. Mayroon akong malaking pangarap, gusto kong maging isang career woman. Gusto ko yung pakiramdam na nasa tuktok ako ng mundo at buong sigla kong kinakausap ang mga emplayado ko tungkol sa itatayo at pamamahalaan kong negosyo. Habang iniisip ito, lumipad na ang puso ko paalis sa bukid na ‘to. Ang paniniwala ko kasi kung magsisikap ako, makakagawa ako ng posisyon para sa sarili ko.

Lunes, Enero 20, 2020

Hindi Madaling Maging Isang Matapat na Tao


Ni Zixin, Lalawigan ng Hubei

Matapos ang pagtanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga salita ng Diyos at pakikinig sa mga pangaral, naunawaan ko ang kahalagahan ng pagpapatuloy sa pagiging tapat na tao sa kanyang paniniwala, at tanging sa pamamagitan ng pagiging matapat na maaaring makamit ng isang tao ang pagliligtas ng Diyos. Kaya sinimulan kong isagawa ang pagiging matapat na tao sa tunay na buhay. Sa paglipas ng panahon, nakita ko na nakamtan ko ang ilang pagpasok dito. Halimbawa: Habang nagdarasal o nakikipag-usap sa isang tao, nagagawa kong magsalita ng katotohanan at mula sa puso; nakakaya ko ring tuparin ang tungkulin ko nang seryoso, at kapag ibinunyag ko ang kasamaan, kaya kong buksan ang sarili ko sa ibang tao. Dahil dito, naisip kong madaling isagawa ang pagiging matapat na tao, at hindi gaanong mahirap katulad ng inilarawan ng salita ng Diyos: “Karamihan ay mas nanaising maparusahan sa impiyerno kaysa magsalita at kumilos nang buong katapatan” (“Tatlong Paalaala” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Hanggang sa kalaunan ay nakaya ko nang pahalagahan sa pamamagitan ng maraming karanasan na hindi talaga madali para sa ating masasamang tao ang maging matapat na mga tao. Ang mga salita ng Diyos ay talagang totoo at hindi kalabisan.

Sabado, Enero 11, 2020

Paano Isinasagawa ng Diyos ang Kanyang Gawain ng Paghatol at Pagkastigo sa Kapanahunan ng Kaharian?


Tingnan natin kung paanong isinasakatuparan ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol at pagkastigo sa Kapanahunan ng Kaharian; kinakailangan dito na banggitin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos upang patunayan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw.

Miyerkules, Enero 8, 2020

Paano ba Dapat Unawain ang Kristiyanismo?


Zheng Weiguo(Pastor ng isang United Front Work Department ng bayan): Matagal na akong nagtatrabaho para sa United Front, at napag-aralan ko na ang iba’t ibang relihiyon. Ang Kristiyanismo, Katolisismo at Eastern Orthodoxy ay pawang mga relihiyong orthodox na nananalig kay Jesus. Pero ibang-iba ang pananalig n’yo sa Makapangyarihang Diyos. Ayon sa mga dokumento ng CCP, ang Makapangyarihang Diyos ay ni hindi kabilang ng Kristiyanismo. Nangangaral kayo ng ebanghelyo sa iba’t ibang sekta sa ilalim ng Kristiyanismo na hindi kayo kinikilalang Kristiyano. Kaya hinding-hindi ko kayo papayagang manalig sa Makapangyarihang Diyos. Maaari lang kayong manalig sa Kristiyanismo kung gusto nyo. Mas magaan ang pagpapahirap ng gobyerno sa ganitong paraan.

Lunes, Disyembre 30, 2019

Paano Natutupad ang mga Propesiya ng Pagbabalik ng Panginoon


Minamahal na mga kapatid:

Kamusta sa lahat, masayang masaya akong makita kayo rito. Una, pasalamatan natin ang Diyos sa paghahanda ng pagkakataong ito para sa atin, at nawa’y gabayan tayo ng Diyos at kumilos Siya sa atin.

Sabado, Disyembre 21, 2019

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Ano ang Matalinong Dalaga?


Sister Mu Zhen,

Ang kapayapaan ng Panginoon ay sumaiyo! Nasisiyahan akong sumulat ka. Nabanggit mo sa iyong sulat na malapit na ang araw ng pagdating ng Panginoon, at ikaw ay sadyang nagbabasa ng Banal na Kasulatan at mas nananalangin, at gumagawa nang mas marami pang gawain para sa Panginoon upang ikaw ay mapabilang sa mga matatalinong dalaga na maingat na naghihintay sa pagdating ng Panginoon. Subali’t ang mga bagay na ito ay hindi nagpatalas sa iyong espirituwal na katalinuhan o nagpalago sa iyong pananampalataya o pagmamahal para sa Panginoon. Naguguluhan ka kung ikaw ba ay maaaring mapabilang na isang matalinong dalaga sa pamamagitan ng paghahanap sa daang ito, at nais mong malaman kung anong uri ng pagsasanay ang kailangan mo upang malugod mong masalubong ang Panginoon. Lahat tayo’y nagnanais na maging matatalinong dalaga na malugod na sasalubong sa Kanyang pagbabalik at dumalo sa piging ng kaharian ng langit kasama Niya—walang may nais na maging isang mangmang na dalaga at maisantabi ng Panginoon, nguni’t anong uri ng pagsasanay ang maging isang matalinong dalaga? Nais kong ibahagi ang personal kong pagkaunawa sa nasabing isyu-umaasa akong makatutulong ito sa iyo.

Sabado, Disyembre 7, 2019

Ang mga Salita ng Diyos ang Gumagabay sa Akin upang Matutunan Kung Paano Turuan ang Aking mga Anak (II)


Xiaoxue, Malaysia

Isang araw pagtapos ng hapunan, tinuruan ko ang panganay kong lalaki na magbasa ng Tsino—mga simpleng salita lang, “Langit, lupa, tao, at, lupa, tatay, nanay….” Tinuruan ko siya nang ilang beses, ngunit hindi pa rin niya maisulat ang mga ito. Isusulat niya ang unang salita tapos makakalimutan niya ang susunod. Nagalit ako, kinuha ang ruler sa lamesa at ilang beses ko siyang pinagpapalo. Sumigaw ako: “Napakabobo mo naman! Ni hindi mo kayang matutunan ang mga simpleng salitang ito!” Napalo ang aking anak hanggang sa umiyak siya, “waah, waah” at patakbong tumakas patungo sa gilid ng kuwarto. Pinagalitan ko siya, “Lumapit ka rito at magsulat ka ulit!” Hindi lumapit ang anak ko, kaya hinablot ko siya at hinila pabalik sa upuan. Pagkakita ko sa kamay ng aking anak na namumula sa pagkapalo at namamaga dahil sa kagagawan ko, nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Umiyak ako at pumunta sa aking kuwarto at nagdasal sa Diyos: “Diyos ko, Kapag nabibigo ako ng anak ko, hindi ko makontrol ang galit ko. Hindi ko gustong tratuhin ang aking mga anak nang ganito. Diyos ko, nawa ay tulungan Mo ako.” Pagkatapos kong magdasal, unti-unti akong kumalma.

Miyerkules, Disyembre 4, 2019

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Ang mga Salita ng Diyos ang Gumagabay sa Akin upang Matutunan Kung Paano Turuan ang Aking mga Anak (I)


Xiaoxue, Malaysia

Mayroon akong dalawang anak na lalaki na isang taon ang pagitan. Upang palakihin sila nang edukado, may magandang modo, mabubuting tao na makakayanang tumayo sa kanilang sariling mga paa sa lipunan at magtagumpay, nang sila ay dalawang taong gulang pa lamang, kinausap ko ang aking asawa tungkol sa paghahanap ng kindergarten na may magandang reputasyon. Matapos ang ilang pagbisita, pagtatanong at pagkukumpara, pumili kami ng isang English kindergarten dahil nagbibigay halaga sila sa kakayahan at abilidad ng mga bata, na siya namang tumutugma sa aking pananaw sa pagtuturo sa mga bata. Bagaman medyo mahal nang kaunti ang matrikula, hangga’t ang mga bata ay nalilinang nang mas maayos at nakakakuha sila ng mas mahusay na edukasyon, sulit ang paggastos ng mas maraming pera.

Miyerkules, Oktubre 23, 2019

Bilang Isang Kristiyano, Ang Palagiang Pagdalo sa mga Pagtitipon ay Hindi Maaaring Pabayaan


Xiaogao

Kamusta mga kapatid ko sa Espirituwal na Q&A,

Napapagod ako nang husto sa pagtarabaho sa araw, at hindi ako makatulog nang mahimbing sa gabi. Bilang resulta, ayaw kong magpunta nang maaga sa mga pagtitipon. Hindi ko gusto ang hinihigpitan. Nadarama ko na kung mayroon akong mga pangangailangang espirituwal, hangga’t hinahanap ko ang aking mga kapatid upang makausap sa mga panahong iyon, magiging mainam ito. Iniisip ko kung ano ang sanhi ng isyung ito. Paano ko dapat lutasin ito?

Lunes, Oktubre 7, 2019

Paano Manalangin sa Pinakaepektibong Paraan


Ni Zhi cheng

Alam ng lahat ng nakakaunawa sa Biblia na nananalig ang mga mamamayan ng Israel sa Diyos na Jehova sa loob ng maraming henerasyon. Sa tuwing malapit na silang matalo sa isang digmaan, nanalangin sila at tinulungan sila ng Diyos na talunin ang mga kaaway nila. Para makaiwas sa pagkalipol ng kanilang bansa, sinabihan ni Reyna Esther ang lahat ng Hudyo ng Susa na mag-ayuno at manalangin sa Diyos na Jehova at nagpunta siya sa hari kahit manganib ang sarili niyang buhay. Sa bandang huli, dahil sa ginawa niya, naligtas ang lahat ng Hudyo. Nang marinig si Jonah na nagpapahayag ng kalooban ng Diyos at malaman na wawasakin ng Diyos ang buong siyudad sa loob ng apatnapung araw, ang mga mamamayan at hari ng Nineveh ay nag-ayuno at nanalangin, nagsisi sa kanilang mga kasalanan suot ang damit na sako at abo, tinalikdan ang karahasan at tumalikod sa kanilang masasamang gawain. Sa bandang huli, tinanggap nila ang awa ng Diyos na Jehova: Hindi na nagpadala ng mga sakuna ang Diyos at nakaligtas sila. Sa pamamagitan ng pananalangin sa Diyos, nagpastol si Moises ng mga tupa sa ilang sa loob ng apatnapung taon at natamo ang tunay na pananampalataya sa Diyos. Pagkatapos, tinanggap niya ang panawagan ng Diyos at dinala ang mga Israelita papalabas ng Ehipto. … Matapos na mabuhay na muli ang Panginoong Jesus at umakyat sa langit, umaasa sa panalangin, nagawa ng mga disipulo Niya na ikalat ang ebanghelyo sa isang mapanagnib na kapaligiran.

Sabado, Oktubre 5, 2019

Mga Patotoo tungkol sa Paghatol sa Harapan ng Hukuman ni Cristo | Ano ang Kalikasan ng Pag-ibig ng Diyos?


Siqiu    Lungsod ng Suihua, Lalawigan ng Heilongjiang

Sa tuwing nakikita ko ang sumusunod na sipi ng salita ng Diyos: “Kung ikaw ay palaging naging napakatapat at mapagmahal sa Akin, datapwa’t ikaw ay nagdurusa ng pagpapahirap ng sakit, ng kasalatan sa buhay, at ng pag-iiwan ng iyong mga kaibigan at mga kamag-anak o nagtitiis ng anumang iba pang mga kasawian sa buhay, kung gayon magpapatuloy pa ba ang iyong katapatan at pagmamahal para sa Akin?” (“Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Lubha akong hindi nasisiyahan—ang pakiramdam ng kalungkutan ay namumuo sa loob ko at nagsasalita ang puso ko ng mga walang tinig na karaingan nito: Mahal na Diyos, bakit Mo pinapayagan na makasagupa ng ganoong kasawian ang mga matapat sa Iyo at nagmamahal sa Iyo? Bilang resulta, nahirapan ako sa pag-unawa sa kahulugan ng taong ginamit ng Banal na Espiritu na nagsabing, “Ang huling hiling ng Diyos sa tao ay mapagmahal at taos-puso.”

Huwebes, Oktubre 3, 2019

Tagalog Christian Movies | "Bakit Napakadilim at Napakasama ng Mundo?"


Tagalog Christian Movies | "Bakit Napakadilim at Napakasama ng Mundo?"


Sa maraming kabataang nahuhumaling ngayon sa online gaming at hindi makaalpas doon, at sa bawat henerasyon ng mga kabataan na mas malala pa kaysa sa huli, hindi maiwasang magtanong ang maraming tao ng: Bakit kailangang patuloy na tangkilikin, paunlarin at itaguyod ng lipunang ito ang online gaming para lasunin ang ating mga kabataan? Bakit napakadilim at napakasama ng mundo?

Pinagmumulan:https://tl.kingdomsalvation.org/videos/way-to-break-addiction-of-web.html

Pinagmumulan:Anak, May Paraan para Maputol ang Adiksyon ng mga Kabataan sa Online Gaming

Miyerkules, Setyembre 25, 2019

Mga Patotoo tungkol sa Paghatol sa Harapan ng Hukuman ni Cristo | Kumikilos ang Banal na Espiritu sa Maprinsipyong Paraan


Mga Patotoo tungkol sa Paghatol sa Harapan ng Hukuman ni Cristo | Kumikilos ang Banal na Espiritu sa Maprinsipyong Paraan


Qin Shuting    Lungsod ng Linyi, Lalawigan ng Shandong

Sa ilang panahon, bagama't hindi ako tumigil sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, hindi ko kailanman naramdaman ang liwanag. Ako ay nanalangin sa Diyos para dito ngunit, pagkatapos, hindi pa rin ako naliwanagan. Kaya naisip ko, “May oras para liwanagan ng Diyos ang bawat tao, kaya hindi kailangang pagsikapang madaliin ito.” Pagkaraan, iningatan ko ang mga alituntunin at kumain at uminom ng mga salita ng Diyos nang walang pagkabalisa, “matiyagang” naghihintay sa kaliwanagan ng Diyos.

Biyernes, Setyembre 13, 2019

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Ang Hiwaga ng “Muling Pagkabuhay ng Isang Patay na Tao”

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Ang Hiwaga ng “Muling Pagkabuhay ng Isang Patay na Tao”


Li Cheng

Mga kapatid, kapayapaan ay suma inyo! Salamat sa Panginoon para sa Kanyang mga paghahanda na nagpahintulot sa atin na ipabatid dito ang mga katotohanan ng Banal na Kasulatan. Patnubayan nawa tayo ng Panginoon. Sa araw na ito, nais kong mangusap sa bawat isa tungkol sa paksang “muling pagkabuhay ng isang patay na tao.”

Lunes, Agosto 12, 2019

Makapapasok ba Tayo sa Kaharian ng Langit Ngayong ang Ating mga Kasalanan ay Pinatawad na?



He Jun, Sichuan

Linggo Agosto 5, 2018. Makulimlim.
Pagkatapos ng pulong sa araw na ito, dumating ang isang kapatid na lalaki na naghahanap sa akin, ang kanyang mukha ay puno ng pangamba. Sinabi niya na hinihiling ng Diyos na magpakabanal ang mga tao, ngunit madalas siyang nagkakasala nang hindi sinasadya, at kung palagi siyang mabubuhay sa kasalanan ng ganito, kung gayon makapapasok ba siya sa kaharain ng langit pagdating ng Panginoon? Sinabi ko sa kanya na ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus at na inako Niya Mismo ang lahat ng ating mga kasalanan, tinumbasan ng Kanyang buhay. Sinabi ko na ang ating mga kasalanan ay ipinatawad dahil sa ating pananampalataya sa Panginoong Jesus, at na hindi na tayo itinuturing ng Panginoon bilang mga makasalanan, at na hangga’t maisusuko natin ang lahat at gugulin ang ating mga sarili, magtrabaho nang husto para sa Panginoon, at magtiis hanggang sa wakas, kung gayon tayo ay aakyat sa kaharian ng langit sa pagbabalik ng Panginoon. Pagkatapos marinig ng kapatid na sinabi ko ang ganito, tumingin siya na parang hindi niya nakuha ang gusto niyang sagot, at umalis siya na tila nabigo. Habang tinitingnan ko siyang papalayo, nakadama ako ng napakahirap unawain na mga emosyon. Sa totoo lang, hindi ba magkaprehas ang mga pangamba namin ng kapatid? Iniisip kung paanong naniwala ako sa Diyos sa maraming taon ngunit madalas na nakagapos sa kasalanan, at nabubuhay sa isang kalagayan kung saan nagkakasala ako sa araw at nagkukumpisal sa gabi, hindi ko rin ginustong manatiling nabubuhay sa paraang iyon. Ngunit wala talaga akong kakayahang mapagtagumpayan ang kasalanan, kaya madalas akong manalangin sa Panginoon, at pinatibay ang aking pagbabasa ng mga kasulatan. At gayunma’y hindi ko kailanman nalutas ang suliranin ng aking mga kasalanan. Ang Panginoon ay banal, kaya pararangalan ba Niya ang isang tao na kagaya ko, na puno ng kasalanan?

Martes, Agosto 6, 2019

Ang Maranasan ang Maingat na Pag-aalaga ng Diyos para sa Kaligtasan ng Tao sa Sakuna


Ang Maranasan ang Maingat na Pag-aalaga ng Diyos para sa Kaligtasan ng Tao sa Sakuna


Muling, Beijing

Agosto 16, 2012

Noong Hulyo 21, 2012, nakita ng Beijing ang pinakamabigat na pagbagsak ng ulan sa loob ng animnapung taon. Sa malakas na buhos ng ulan na iyon nakita ko ang mga gawa ng Diyos at nakita ko kung paano Niya inililigtas ang tao.

Huwebes, Hulyo 25, 2019

Patotoo ng Isang Kristiyano | Sinira Ako ng Aking mga Prinsipyo


Patotoo ng Isang Kristiyano | Sinira Ako ng Aking mga Prinsipyo

Changkai    Lungsod ng Benxi, Lalawigan ng Liaoning

Ang karaniwang pariralang “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos” ay isa na kung saan ako ay masyadong personal na pamilyar. Ang aking asawa at ako ay mga partikular na walang kamuwang-muwang na tao: Pagdating sa mga bagay na sangkot ang aming mga personal na pakinabang o kawalan, hindi kami yung tipo na nakikipagtalo at nag-aabala sa iba. Kung dapat kaming maging matiisin naging matiisin kami, kung dapat kaming maging matulungin ginawa rin namin ang aming makakaya upang maging matulungin. Bilang resulta, madalas naming matagpuan ang aming mga sarili na nagulangan at naabuso ng iba. Talagang tila sa buhay, “Ang mga mabubuting tao ay huling natatapos”—kung labis ang kabutihan sa iyong puso, kung masyado kang matulungin at mapagpakumbaba sa iyong mga gawain, ikaw ay nanganganib na maabuso. Ang gayong mga saloobin sa isipan, napagpasyahan ko na huwag hahayaan ang aking sarili sa lahat ng pang-aabusong ito at mamuhay pa sa pagkasiphayo: Sa mga bagay sa hinaharap at sa pakikitungo sa iba, panata ko na hindi na masyadong maging matulungin pa. Kahit matapos kong tanggapin ang gawain ng Diyos, inilapat ko pa rin ang prinsipyo na ito sa pagsasagawa ng pag-uugali ko at mga pakikipag-ugnayan sa iba.