Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Nagbalik na ang Panginoon. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Nagbalik na ang Panginoon. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Disyembre 30, 2019

Paano Natutupad ang mga Propesiya ng Pagbabalik ng Panginoon


Minamahal na mga kapatid:

Kamusta sa lahat, masayang masaya akong makita kayo rito. Una, pasalamatan natin ang Diyos sa paghahanda ng pagkakataong ito para sa atin, at nawa’y gabayan tayo ng Diyos at kumilos Siya sa atin.

Miyerkules, Hulyo 31, 2019

Tagalog Christian Movies | Clip ng Pelikulang Paghihintay - Ang Katapusan ng mga Lumaban sa Ikalawang Pagdating ng Panginoon



Tagalog Christian Movies | Clip ng Pelikulang Paghihintay - Ang Katapusan ng mga Lumaban sa Ikalawang Pagdating ng Panginoon


Papaano na nakita niyang nagpakita ang Panginoon ngunit ayaw pa ring tanggapin ang pangalawang pagdating ng Panginoon? Papaano na palagi siyang naghihintay at nag-aabang para sa pagdating ng Panginoon, ngunit sa panahon ng kanyang kamatayan ay iiwan ang isang habambuhay na pagsisisi? Sasabihin sa iyo ng movie clip na ito ang mga sagot.

Huwebes, Hunyo 27, 2019

Ang Pinagmumulan ng Kasaganaan ng Kidlat ng Silanganan


Sa bawat pagkakataon na mababanggit ang Kidlat ng Silanganan, maraming mga kapatid sa Panginoon ang nakadarama ng pagkalito: Bakit kaya habang ang relihiyosong komunidad sa kabuuan ay lalong nagiging mapanglaw at malala, habang ang bawat denominasyon ay lalo pang binabantayan at nagigingkonserbatibo sa pagkondena at pagtataboy sa Kidlat ng Silanganan, ang Kidlat ng Silanganan ay hindi lamang nagiging hindi mapanglaw at hindi umuunti, kundi dumadaluyong na tulad ng hindi mapigilang mga gumugulong na alon, na lumalaganap sa iba’t ibang panig ng mainland China? Ngayon na lumawak pa ito sa lampas ng mga hangganan ng China tungo sa mga banyagang bansa at mga rehiyon, habang tinatanggap ito ng mas marami pang tao sa buong mundo? Nahaharap sa katotohanang ito, ang mga taong relihiyoso ay lubusang nalilito, samantalang sa katotohanan ay simple lamang ang dahilan: Ang itinatawag ng bawat sekta ng relihiyon sa Kidlat ng Silanganan ay ang nagbalik na Tagapagligtas na si Jesus ng mga huling araw, na nakasakay sa “puting alapaap” pababa mula sa kalangitan; ito’y ang Diyos Mismo na nagbalik sa katawang-tao at tunay at aktuwal! Ang dala ng Makapangyarihang Diyos na si Cristo ng mga huling araw ay ang gawain ng paghatol na nagpapabago sa disposisyon ng tao at naglilinis sa kanya, upang makamit ng sangkatauhan ang kaligtasan at maging perpekto. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpapahayag ng lahat ng katotohanan na naglilinis, nagliligtas, at gumagawang perpekto sa sangkatauhan. Sa kadahilanang ito, kahit na tinututulan, inaatake, inuusig, nilalapastangan, o kinokondena ng bawat sekta ng relihiyon sa buong mundo ang nagkatawang-taong Diyos ng mga huling araw o ang Kanyang gawain, walang sinuman at walang puwersa na makahahadlang o makapipigil sa ninanais Niyang makamit. Ang awtoridad, kapangyarihan, at Kanyang pagka-makapangyarihan at karunungan ay hindi mapapantayan ng anumang puwersa ni Satanas.

Lunes, Hunyo 10, 2019

Mga Movie Clip | Pagtanggap sa Cristo ng mga Huling Araw at Pagkadala sa Kaharian ng Langit



Mga Movie Clip | "Pagtanggap sa Cristo ng mga Huling Araw at Pagkadala sa Kaharian ng Langit"


Kung naniniwala lang tayo sa Panginoong Jesus, at humagawak sa daan ng Panginoong Jesus, pero hindi tinatanggap ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, pa’no natin makakamit ang paglilinis at makakapasok sa kaharian ng langit?  Nais mo bang maging isang matalinong birhen na kayang sumabay sa mga yabag ng Diyos upang makamit ang mga biyaya sa kaharian ng langit? Mangyaring panoorin ang pelikulang ito.

Huwebes, Marso 14, 2019

2. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nagbalik na Jesus.


Kabanata 1 Dapat Mong Malaman na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nag-iisang Totoong Diyos na Lumikha ng Kalangitan at ng Lupa at Lahat nang nasa Mga Yaon

2. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nagbalik na Jesus.
        Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Nagkatawang-tao ang Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, na ang tawag ng mga kababayan sa Hong Kong at Taiwan ay panloob-na-lupain. Nang dumating ang Diyos mula sa itaas tungo sa lupa, walang sinuman sa langit at lupa ang nakaalam tungkol dito, sapagka’t ito ang tunay na kahulugan ng pagbabalik ng Diyos sa isang lingid na paraan. Mahabang panahon na Siyang gumagawa at namumuhay sa katawang-tao, datapwa’t walang sinuman ang nakaalam nito. Hanggang sa araw na ito, walang sinuman ang nakakakilala rito. Marahil ito ay mananatiling isang walang-hanggang palaisipan.

Miyerkules, Marso 13, 2019

Tagalog praise and worship Songs | "Ang Panahong Nawala ay Hindi na Kailanman Darating Muli"



Tagalog praise and worship Songs | "Ang Panahong Nawala ay Hindi na Kailanman Darating Muli"


I
Gumising, mga kapatid! Gumising, mga kapatid!
Ang araw ng Diyos ay 'di maaantala.
Ang oras ay buhay, 
ang pagsunggab sa oras ay nagliligtas ng buhay.
Hindi malayo ang oras!
Kung kayo'y kumukuha ng eksamin ngunit hindi nakapasa,
maaari kayong muling sumubok at mag-aral ng mabuti.
Ngunit dapat ninyong malaman na ang araw ng Diyos
ay hindi maaantala.
Maniwala sa Diyos, na inyong Tagapagligtas! 
Siya ang inyong Makapangyarihan!
Manatiling nagbabantay! 
Ang panahong nawala ay 'di na magbabalik.
Walang lunas sa panghihinayang.
Pa'no ito sasabihin sa inyo ng Diyos?
Ang Kanyang salita ba ay 'di marapat
sa inyong konsiderasyon at sa inyong pagninilay?