Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Hymn Videos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Hymn Videos. Ipakita ang lahat ng mga post

Huwebes, Pebrero 20, 2020

Ang Diyos Lamang ang Nagmamahal sa Tao Nang Higit


Tagalog christian worship songs | "Ang Diyos Lamang ang Nagmamahal sa Tao Nang Higit"


I
Ang Diyos ay nagiging katawang tao sa mga huling araw
upang iligtas ang tao dahil mahal Niya ang tao.
Hinimok ng Kanyang pag-ibig, ginagawa Niya ang gawain ngayon.
Ito'y nasa ilalim ng pundasyon ng pag-ibig.
Ang Diyos ay nagkatawang-tao at nagdurusa sa kahihiyan
upang iligtas ang mga nabahiran at durog.
Tinitiis Niya ang gayong sakit.
Sapagkat muli at muli, ipinakikita N'ya ang Kanyang 'di masukat na pagmamahal.
'Di nais ng Diyos na ang sinumang kaluluwa'y mawala.
Walang pakialam ang tao kung ano ang kanyang hinaharap.
'Di alam ng tao kung paano mahalin ang kanyang buhay.
Ngunit ang Diyos, oo. Siya lamang ang nagmamahal sa tao.

Martes, Pebrero 4, 2020

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Ang Panalangin ng Bayan ng Diyos"


Tagalog Prayer Songs | "Ang Panalangin ng Bayan ng Diyos"


I
Nagbalik ang bayan ng Diyos sa harap ng Kanyang trono, 
inaalay natin ang ating mga dalangin sa Diyos.
Nawa'y pagpalain ng Diyos 
ang mga nananabik sa Kanyang pagpapakita,
na marinig nila ang Kanyang tinig sa lalong madaling panahon.
Nawa'y bigyang liwanag ng Diyos ang mga nagbabantay 
at naghihintay na makita ang pagdating ng Manunubos.
Nawa'y kumawala ang sangkatauhan 
sa gapos ng kanilang paniniwala,
sa ganoo'y hanapin nila at suriin ang tunay na daan.
Ang lahat ng mga pinili ng Diyos
nawa'y sumunod sa mga yapak ng Kordero.
Nawa'y makamtan ng sangkatauhan ang pagtustos 
ng salita ng Diyos ng hindi na mauhaw ang kanilang espiritu.
Nawa'y matutunan ng sangkatauhan
na magkaroon ng pagkaunawa
at nang hindi na malinlang ng mga kasinungalingan ni Satanas.
Nawa'y patnubayan tayo ng Diyos upang maipangaral 
ang ebanghelyo at magpatotoo sa Kanya.
Nawa'y palaging kasama ng Diyos ang Kanyang bayan, 
panatilihin tayong nabubuhay sa Kanyang pagmamahal.

Linggo, Enero 5, 2020

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo


Tagalog church songs | "Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo" | God Is My Beloved


I
Kaninong mga salita ang pinakamatamis,
at pinalakas ang aking espiritu?
Kaninong pag-ibig ang pinakamaganda,
at kinuha ang aking puso?
Kaninong gawain ang pinaka-kahanga-hanga,
nililinis ang katiwalian ng sangkatauhan?
Sino ang nagbibigay sa akin ng malaking kaligtasan,
at nagdadala sa akin sa harap ng trono?
Sino ang nagbibigay sa akin ng isang tunay na buhay ng tao, 
na pinapayagan akong makita muli ang liwanag?
Sino'ng pinaka-kaibig-ibig na Persona na palagi kong iniisip?
Makapangyarihang Diyos, aking Mahal,
Ika'y nasa puso ko.
Makapangyarihang Diyos, aking Mahal, ang puso ko'y sa'Yo.

Lunes, Disyembre 9, 2019

Tagalog Worship Songs | "Nakita Ko Na ang Pag-ibig ng Diyos"


Tagalog Worship Songs | "Nakita Ko Na ang Pag-ibig ng Diyos"


I
Ikaw ang nagmamahal sa 'kin.
Mula sa maruming mundo ay napili Mo ako!
Kaya ako ay nagbalik na sa harap Mo,
oo, ako ay nagbalik na sa harap Mo,
namumuhay ng buhay-iglesia,
nasisiyahan sa 'Yong salita.
Napagpala dahil 'tinaas Mo 'ko ngayon!

Makapangyarihang Diyos, nakita ko na pag-ibig Mo,
at tanging nais ko'y suklian pag-ibig Mo.
Nais kong tuparin aking tungkulin sa 'Yo.
Nakita ko na at susuklian pag-ibig Mo!
Yan ang gusto kong gawin.

Lunes, Nobyembre 25, 2019

Tagalog Christian Music | "Pinagpapala ng Diyos Yaong Tapat"


Tagalog Christian Music | "Pinagpapala ng Diyos Yaong Tapat"


I
Pag 'binibigay mo 'yong puso sa Diyos lang
at 'di magbulaan sa Kanya,
pag 'di mo kailanman ginagawa ang panlilinlang 
sa mga nasa itaas mo o sa ibaba,
kapag ikaw ay bukas sa Diyos sa lahat ng bagay,
kapag 'di mo ginagawa ang mga bagay
para lang sarili'y magmagaling sa Diyos, 
ito'y pagiging tapat.
Katapata'y pagtakbo mula sa karumihan
sa bawat salita't gawa,
kapag 'di mo dinadaya ang Diyos o mga tao.
Katapata'y pagtakbo mula sa karumihan
sa bawat salita't gawa,
kapag 'di mo dinadaya ang Diyos o mga tao.
Ito ang katapatan, ito ang katapatan.

Martes, Nobyembre 12, 2019

Large-scale Gospel Choir | "Awit ng Kaharian: Bumababa ang Kaharian sa Mundo" Tagalog Christian Song


Tagalog praise and worship Songs | "Awit ng Kaharian: Bumababa ang Kaharian sa Mundo" | Tagalog Worship and Praise Song 


Narinig na ang nakakaantig na awit ng kaharian, na ipinababatid ang pagdating ng Diyos sa piling ng mga tao sa buong sansinukob! Dumating na ang kaharian ng Diyos! Nagbubunyi ang lahat ng tao, nagagalak ang lahat ng bagay! Lahat ng bagay sa buong kalangitan ay puspos ng kasayahan. Anong kabigha-bighaning mga tagpo ng kagalakan ang mga ito?

Biyernes, Nobyembre 8, 2019

Tagalog Worship Songs | "Ang Kaharian ni Cristo ay Mainit na Tahanan" (Tagalog Subtitles)


Tagalog Worship Songs | "Ang Kaharian ni Cristo ay Mainit na Tahanan" (Tagalog Subtitles)


Kaharian ni Cristo'y aking mainit na tahanan,
para ito sa buong bayan ng Diyos.
Naglalakad at nagsasalita si Cristo sa iglesia
at nabubuhay kasama ng bayan ng Diyos.
Narito ang paghatol at pagkastigo ng Diyos,
gayundin ang gawa ng Banal na Espiritu.
Nagdidilig, tumutustos at gumagabay sa'tin mga salita ng Diyos,
at lumalago buhay natin.
Ito ang kahariang pinamumunuan ni Cristo,
ito'y patas at makatarungang mundo.

Huwebes, Oktubre 31, 2019

Large-scale Gospel Choir | "Awit ng Kaharian: Bumababa ang Kaharian sa Mundo" Tagalog Christian Song


Tagalog Worship Songs | "Awit ng Kaharian: Bumababa ang Kaharian sa Mundo" | Tagalog Worship and Praise Song 


Narinig na ang nakakaantig na awit ng kaharian, na ipinababatid ang pagdating ng Diyos sa piling ng mga tao sa buong sansinukob! Dumating na ang kaharian ng Diyos! Nagbubunyi ang lahat ng tao, nagagalak ang lahat ng bagay! Lahat ng bagay sa buong kalangitan ay puspos ng kasayahan. Anong kabigha-bighaning mga tagpo ng kagalakan ang mga ito? Sa mga tao, na nabubuhay sa pasakit at nagtiis na ng libu-libong taon ng katiwalian ni Satanas, sino ang hindi umaasam—hindi nananabik—sa pagdating ng Diyos? Ilang mananampalataya at alagad ng Diyos sa paglipas ng mga panahon ang nagtiis, sa ilalim ng impluwensya ni Satanas, ng pagdurusa at paghihirap, pag-uusig at pagkawalay? Sino ang hindi umaasa na dumating na sana ang kaharian ng Diyos sa lalong madaling panahon? Nang matikman ang mga kagalakan at kalungkutan ng sangkatauhan, sino sa sangkatauhan ang hindi naghahangad na manaig ang katotohanan at kabutihan sa mga tao? Pagdating ng kaharian ng Diyos, ang araw na labis na inasam ng lahat ng bansa at tao ay dumating na rin sa wakas! Sa panahong ito, ano ang magiging mga tagpo ng lahat ng bagay sa langit at lupa? Gaano kaganda ang magiging buhay sa kaharian? Sa “Awit ng Kaharian: Bumababa ang Kaharian sa Mundo,” magkakatotoo ang mga panalangin ng mga milenyo!

Biyernes, Oktubre 25, 2019

Tagalog Worship Songs | "Lahat ng Sangkatauhan ay Sumasamba sa Diyos"


Tagalog Worship Songs | "Lahat ng Sangkatauhan ay Sumasamba sa Diyos"


I
Ang kidlat ay kumikislap mula 
sa Silangan hanggang sa Kanluran.
Si Cristo ng mga huling araw ay naririto
upang isagawa ang Kanyang gawain sa Tsina.
Naihayag na ng Diyos ang katotohanan,
at nagpakita na ang tunay na liwanag.
Narito ang Diyos upang gumawa sa mga tao,
at lahat ng sangkatauhan ay sumasamba 
sa Makapangyarihang Diyos.

Linggo, Oktubre 13, 2019

Tagalog praise and worship Songs | "Pinupuno ng Gawa ng Diyos ang Malawak na Kalawakan ng Sansinukob"



Tagalog praise and worship Songs | "Pinupuno ng Gawa ng Diyos ang Malawak na Kalawakan ng Sansinukob"


I
Tanaw ng Diyos ang lahat ng bagay mula sa taas,
at nangingibabaw sa lahat mula sa taas.
Kaligtasa'y ipinadala din ng Diyos sa mundo.
Nakamasid lagi ang Diyos mula sa lihim Niyang dako,
bawat kilos ng tao, sinasabi't ginagawa.
Tao'y kilala ng Diyos gaya ng palad N'ya.
Lihim na dako'y tahanan ng Diyos, 
kalawaka'y higaan Niya.
Kampon ni Satanas 'di abot ang Diyos,
puspos S'ya ng kamahalan, katuwiran, at paghatol.

Sabado, Setyembre 21, 2019

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Sana'y Palagi Kang Manatili sa Aking Puso"


Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Sana'y Palagi Kang Manatili sa Aking Puso"


I
Manatili Ka sa piling ko sa tagsibol at taglagas,
lumakad Kang kasama ko sa init at lamig.
Ang pagmasdan, Iyong malungkot na mukha,
puso ko'y lubhang nagdadalamhati.

Huwebes, Setyembre 5, 2019

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Awa ng Diyos sa Tao Kailanma'y Hindi Tumigil




Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Awa ng Diyos sa Tao Kailanma'y Hindi Tumigil


I
Ang habag ng Lumikha ay
di hungkag na kasabihan, ni pangakong napapako.
Mayroon itong mga prinsipyo at layunin,
tunay at totoo, walang pagkukunwari.
Ang Kanyang awa ay ipinapagkaloob
sa sangkatauhan sa lahat ng panahon.
Datapwa't ang salita ng Lumikha kay Jonas ay nananatiling
ang natatangi Niyang pahayag kung bakit Siya ay mahabagin,
at kung paano Nya ipinapakita ito,
kung gaano Sya magpaubaya sa tao,
at ang tunay Nyang damdamin sa kanila.

Poot ng Diyos madalas sapitin ng tao,
nguni't awa Nya'y di kailanman tumitigil.
Nang mayro'ng awa, Sya'y gumagabay,
nangunguna, nagbibigay, umaalalay sa tao,
sa bawat salinlahi, at sa bawat kapanahunan.
Pag-ibig Nya sa tao'y di nagbabago,
pag-ibig Nya'y di kailanman magbabago!

Martes, Setyembre 3, 2019

Tagalog Christian Music | "Naibibigay ng Diyos ang Lahat ng Pag-ibig Niya sa Sangkatauhan"


Tagalog Christian Music | "Naibibigay ng Diyos ang Lahat ng Pag-ibig Niya sa Sangkatauhan"


I
Maging sa pagpapakita ng pagkamatuwid N'ya,
kamahalan N'ya o poot,
isinasagawa ng D'yos ang pamamahala N'ya't
inililigtas ang tao dahil sa pag-ibig N'ya.
Gaano kalaking pag-ibig? Ila'y nagtanong.
Hindi ito konting pag-ibig,
isangdaang pors'yento pag-ibig ng D'yos.
Dahil kung ang pag-ibig ng Diyos 
ay medyo mas kaunti lamang,
ang mga tao ay hindi maliligtas.
Para sa sangkatauhan lahat ng pag-ibig N'ya, 
ibinibigay ng D'yos.
Ibinibigay ng D'yos lahat ng pag-ibig N'ya.
Ibinibigay ng D'yos lahat ng pag-ibig N'ya.
Ibinibigay ng D'yos lahat ng pag-ibig N'ya 
sa sangkatauhan,
Ibinibigay N'ya lahat ng pag-ibig N'ya.
Ibinibigay N'ya pag-ibig N'ya.

Huwebes, Agosto 22, 2019

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Ang Kahalagahan ng Pangalan ng Diyos"


Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Ang Kahalagahan ng Pangalan ng Diyos"


Ang pangalan ng Diyos sa bawat panahon
at yugto ng gawain ay may halaga.
Sumasagisag ito ng isang kapanahunan.
I
Kumakatawan lahat ang Jehova,
Jesus at Mesias sa Espiritu ng Diyos.
Ngunit mga kapanahunan lang
sa pamamahala ng Diyos ang kinakatawan,
hindi ang Kanyang kabuuan.
Mga bansag ng tao sa Diyos ay di sapat
upang ipahayag kabuuan ng disposisyon Niya,
di maihayag kalahatan Niya.
Tanging mga pangalan ng Diyos sa iba’t ibang kapanahunan.
Kaya sa pagdating ng huling kapanahunan,
muling magbabago ang Kanyang pangalan.
Di na Siya tatawaging Jehova, Jesus o Mesias. 
Kundi Makapangyarihang Diyos
at sa pangalang ito ay tatapusin Niya ang kapanahunan.

Huwebes, Agosto 8, 2019

Tagalog Christian Music | "Paano Mo Sasalubungin Pagbalik ni Jesus"



Tagalog Christian Music | "Paano Mo Sasalubungin Pagbalik ni Jesus"


I
Kapag Diyos naging tao ngayon,
gawa N'ya'y ipahayag disposisyon N'ya,
pangunahin sa pagkastigo't paghatol.
Gamit 'to bilang pundasyon,
dala Nya'y mas maraming katotohanan sa tao,
ipinapakita mas madaming paraan ng pagsasagawa,
kaya nakakamit layunin N'yang paglupig
at pagligtas sa tao mula sa masamang disposisyon n'ya.
Ito ang nasa likod
ng gawain ng Diyos sa Panahon ng Kaharian.
Kung tao'y nanatili sa Panahon ng Biyaya,
sariling disposiyon ng Diyos 'di nila malalaman kaylanman,
o makalaya sa disposisyong masama.
At kung nabubuhay sila sa kasaganaan ng biyaya,
ngunit hindi alam kung paano pasasayahin ang Diyos
kaya sa Kanya'y kaawa-awang naniniwala sila
pero kaylanma'y 'di matatamo S'ya. 

Sabado, Hulyo 27, 2019

Tagalog Christian Songs with Lyrics | "Ang Mga Tapat Na Tao Lamang Ang Mayroong Pagkahawig Sa Tao"


Tagalog Christian Songs with Lyrics | "Ang Mga Tapat Na Tao Lamang Ang Mayroong Pagkahawig Sa Tao" | Ang Theme Song ng Hindi Naglalaho ang Integridad


I
Minsan kong hinabol ang yaman at katanyagan.
Mga prinsipyo ko'y itinakwil;
nagsinungaling ako para kumita.
Aking budhi'y nawala,
binale wala ang moralidad.
Integridad, dignidad, lahat ng mga ito
walang kahulugan sa akin.

Huwebes, Hulyo 11, 2019

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Paano Pinamamahalaan ng Diyos ang Lahat ng mga Bagay"


Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Paano Pinamamahalaan ng Diyos ang Lahat ng mga Bagay"



I
Mula sa iyong pagsilang at pag-iyak sa mundong ito,
inumpisahan mo'ng gawin ang iyong tungkulin.
Sa plano’t ordinasyon ng Diyos, tungkulin ay tinanggap mo,
at ang paglalakbay mo sa buhay ay sinimulan.
Anumang nakaraan o paglalakbay sa iyong hinaharap,
walang makakaalpas sa pagsasaayos ng kalangitan,
at walang may hawak ng kanilang tadhana,
pagkat Diyos lamang ang namumuno sa lahat ng bagay.

Linggo, Hulyo 7, 2019

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Handa Akong Magpasakop sa Gawain ng Diyos"



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Handa Akong Magpasakop sa Gawain ng Diyos"


I
O Diyos! Nawa'y gawin Mo ang Iyong gawain sa akin,
nawa'y gawin Mo akong perpekto at baguhin ako,
upang maaari kong sundin at malaman
ang mga kagustuhan Mo sa lahat ng bagay.
Ang Iyong dakilang pagmamahal
at kalooban ay nasa Iyong pagliligtas sa akin.
Kahit na ang tao ay lumalaban at siya ay naghihimagsik,
bagaman ang kanyang kalikasan ay pagtataksil,
ngayon ay nauunawaan ko ang Iyong kalooban
na iligtas ang sangkatauhan.
Ako'y makikipagtulungan, makikipagtulungan sa Iyo.
Nagsusumamo ako sa Iyo na tustusan ako
ayon sa aking tayog,
upang aking mauunawaan ang Iyong kalooban
kahit gaano ako nagdurusa.
Hindi ako magrerebelde o magrereklamo,
Ikaw ay aking paluluguran.
Ako'y ganap na susunod, ako'y ganap na susunod.

Biyernes, Hulyo 5, 2019

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Diyos Ko! Di Talaga Ako Nararapat sa Pag-ibig Mo"


Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Diyos Ko! Di Talaga Ako Nararapat sa Pag-ibig Mo"


I
Marami akong nagawang di ko maaatim na gunitain.
Nasayang ko ang napakaraming oras.
Nag-uumapaw ang malaking pagsisisi
at utang na loob sa puso ko.
Lagi ako noong humingi ng kapalit
kapag gumugol ako para sa Diyos.
Nang di ko natanggap
ang mga pagpapalang gusto kong matanggap, 
inisip kong talikuran ang Diyos,
ngunit malinaw pa sa aking isipan ang Kanyang pag-ibig
at di ko malimutan.
Inantig ng mga salita ng Diyos ang puso ko,
unti-unti akong inaakay palayo sa pagiging negatibo.
Nang magbanta ang kahirapan,
ako'y natakot, nangimi at nanghina.
Ako'y naging mahina at negatibo
at muli kong naisip na talikuran ang Diyos.
Hinati ang puso ko ng Kanyang mga salita
na parang espadang magkabila ang talim,
wala akong napagtaguan sa hiya.

Sabado, Hunyo 29, 2019

Tagalog Christian Music | "Tumindig, Makipagtulungan sa Diyos"


Tagalog Christian Music | "Tumindig, Makipagtulungan sa Diyos"


I
Mahal ng Diyos ang lahat, 
lahat ng tunay na naglalaan ng sarili nila sa Kanya,
napopoot sa lahat ng isinilang sa Kanya,
gayunma'y kinakalaban at 'di Siya kilala.
'Di Niya pababayaan ang mga tunay na para sa Kanya.
Sa halip dodoblehin Niya ang mga pagpapala nila.
Lahat ng walang utang-na-loob ay parurusahang dalawang ulit.
Wala Siyang palalampasing sinuman sa kanila.
Tumindig, makipagtulungan sa Diyos!
Taos-pusong gumugol para sa Kanya,
at magiging patas sa iyo ang Diyos.
Tumindig, makipagtulungan sa Diyos!
Ialay ang sarili mo sa Diyos,
at pagpapalain ka ng Diyos sa lahat ng bagay.
Tumindig!