Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Makapangyarihang Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Makapangyarihang Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Enero 5, 2020

Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo


Tagalog church songs | "Makapangyarihang Diyos, ang Puso Ko'y Sa'Yo" | God Is My Beloved


I
Kaninong mga salita ang pinakamatamis,
at pinalakas ang aking espiritu?
Kaninong pag-ibig ang pinakamaganda,
at kinuha ang aking puso?
Kaninong gawain ang pinaka-kahanga-hanga,
nililinis ang katiwalian ng sangkatauhan?
Sino ang nagbibigay sa akin ng malaking kaligtasan,
at nagdadala sa akin sa harap ng trono?
Sino ang nagbibigay sa akin ng isang tunay na buhay ng tao, 
na pinapayagan akong makita muli ang liwanag?
Sino'ng pinaka-kaibig-ibig na Persona na palagi kong iniisip?
Makapangyarihang Diyos, aking Mahal,
Ika'y nasa puso ko.
Makapangyarihang Diyos, aking Mahal, ang puso ko'y sa'Yo.

Martes, Enero 29, 2019

"Nakamamatay na Kamangmangan" (Clip1) - Kaninong mga Salita ang Dapat Pakinggan Kapag Sinisiyasat ang Tunay na Daan


"Nakamamatay na Kamangmangan" (Clip1) - Kaninong mga Salita ang Dapat Pakinggan Kapag Sinisiyasat ang Tunay na Daan

     
      Maraming tunay na sumasampalataya sa Panginoon ang nananabik para sa pagpapakita ng Diyos ang nakabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, ang kumilalang lahat na ang mga iyon ang katotohanan, na ang mga iyon ang tinig ng Diyos, at nakahanda sila na hanapin at sinisiyasat ang tunay na daan. Gayunman, may ilan sa kanila na nagdududa tungkol sa gawain ng Diyos at nagnanais na isuko ang kanilang pagsusuri sa tunay na daan dahil sa kaso sa Zhaoyuan Shandong noong Mayo 28, at dahil naniwala sila sa mga kasinungalingan na ipinakalat ng ateistang pamahalaan ng Partido Komunista ng Tsina at ng mga pastor at matatanda sa iglesia ng mundo ng relihiyon. Ang ang tunay na isyu dito? Ang kaso ba sa Shandong Zhaoyuan ay may kaugnayan sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos? Kaninong mga salita ang dapat na pakinggan ng mga Kristiyano sa paghahanap at pagsusuri sa tunay na daan?

Linggo, Enero 13, 2019

Christian Full Movie 2018 | "Kalagin Ang Mga Kadena At Tumakbo!" Meet the Lord Jesus (Tagalog dubbed)


Christian Full Movie 2018 | "Kalagin Ang Mga Kadena At Tumakbo!" Meet the Lord Jesus (Tagalog dubbed)
     
     Si Lee Chungmin ay elder sa isang iglesia sa Seoul, South Korea. Sa loob ng mahigit dalawampung taon, masigasig siyang naglingkod sa Panginoon, na lubos na nakatuon sa pag-aaral ng Biblia. Sa pagsunod sa halimbawa ng mga pinuno ng kanilang relihiyon, inakala niya na ang paniniwala sa Panginoon ay paniniwala sa Biblia, at na ang pagsampalataya sa Biblia ay kaparehong-kapareho ng pagsampalataya sa Panginoon.Naniwala siya na basta’t sumunod siya sa Biblia, madadala siya sa kaharian ng langit.

Huwebes, Enero 3, 2019

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan" (Unang Bahagi)

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan" (Unang Bahagi)
     Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kinatawan ni Jesus ang Espiritu ng Diyos, at ang Espiritu ng Diyos na direktang gumagawa. Ginawa Niya ang gawain sa bagong panahon, ang gawain na walang pang nakagagawa. Nagbukas Siya ng bagong daan, kinatawan Niya si Jehova, at kinatawan Niya ang Diyos Mismo. Samantalang sina Pedro, Pablo at David, anuman ang tawag sa kanila, kinatawan lang nila ang pagkakakilanlan ng nilalang ng Diyos, o ipinadala ni Jesus o Jehova. Kaya gaano man karami ang gawaing kanilang isinagawa, gaano man kadakila ang mga himalang kanilang ginawa, sila pa rin ay mga nilalang lamang ng Diyos, at walang kakayahang kumatawan sa Espiritu ng Diyos. Sila ay gumawa sa ngalan ng Diyos o matapos ipadala ng Diyos; higit pa rito, sila ay gumawa sa panahong sinimulan ni Jesus o Jehova, at ang gawaing kanilang isinagawa ay hindi magkahiwalay. Sila ay, sa katunayan, mga nilalang lamang ng Diyos." 

Lunes, Disyembre 31, 2018

New Tagalog Christian Movie Trailer | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo" | God Is My Refugee

New Tagalog Christian Movie Trailer | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo" | God Is My Refugee

    Ang kanyang pangalan ay Zhang at siya ay isang Kristiyano na kabilang sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Dahil naniniwala siya sa Diyos, siya ay palihim na minanmanan ng pamahalaan ng Komunistang Tsino at nahuli ng kanilang pulisya. Pinilit siya ng pulisya na ipagkanulo ang mga pinuno ng iglesia gayundin ang mga gugulin ng iglesia.

Huwebes, Nobyembre 8, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Tanging Ang Lumikha ang May Awa sa Sangkatauhang Ito"

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Tanging Ang Lumikha ang May Awa sa Sangkatauhang Ito"

I
Tanging ang Lumikha ang may matibay na awa't pag-ibig.
Siya lang ang nagmamahal sa Kanyang mga nilikha, 
sa Kanyang mga nilikha.
Bawa't isipin Niya'y para sa kabutihan ng tao.
Bawa't damdamin Niya'y kapulupot ng kanilang pag-iral.
Kapahayagan ng kung ano at mayroon Siya ay para sa tao.
Lahat ay para sa tao.

Linggo, Nobyembre 4, 2018

Ang Diyos Ang Pinagmumulan ng Buhay Para sa Lahat ng Mga Bagay (Ikatlong Bahagi)

Ang Diyos Ang Pinagmumulan ng Buhay Para sa Lahat ng Mga Bagay (Ikatlong Bahagi)
       Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "ginawa ng Diyos na magkaka-ugnay ang lahat ng bagay, kapwa pinagbuklod, at nagtutulungan. Ginamit Niya ang pamamaraang ito at ang mga patakarang ito upang mapanatili ang kaligtasan at pag-iral ng lahat ng bagay at sa ganitong paraan ang sangkatauhan ay nabuhay nang tahimik at payapa at lumago at dumami mula sa isang salinlahi hanggang sa sumunod sa kapaligirang ito hanggang sa araw na kasalukuyan. Binabalanse ng Diyos ang likas na kapaligiran upang tiyakin ang kaligtasan ng sangkatauhan. Kung ang tuntunin at pamamahala ng Diyos ay hindi nakahanda, walang sinuman ang makapagpapanatili at makapagbabalanse ng kapaligiran, maging ito sa simula pa ay nilikha ng Diyos—hindi pa rin nito matitiyak ang kaligtasan ng sangkatauhan. Kaya makikita mo na ito ay ganap na napangangasiwaan ng Diyos!"

Linggo, Oktubre 28, 2018

Tagalog Christian Movie | "Kumawala sa Bitag" | Attending the Wedding Feast With the Lord


Tagalog Christian Movie | "Kumawala sa Bitag" | Attending the Wedding Feast With the Lord

    2,000 taon na ang nakararaan, nang gawin ng Panginoong Jesus ang pagtubos, siniraan at tinuligsa siya ng mga relihiyosong Judio. Nakipagtulungan ang mga pinunong Judio sa gobyernong Romano at ipinako Siya sa krus. Sa mga huling araw, dumating na sa China ang Makapangyarihang Diyos—ang Panginoong Jesus sa katawang-tao—para gawin ang paghatol.

Sabado, Oktubre 27, 2018

Tagalog Bible Movie | "Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono" (Christian movie trailer)

Tagalog Bible Movie | "Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono" (Christian movie trailer)
     Si Tao Wei ay isang mangangaral mula sa isang bahay-iglesia. Habang nagiging mas malungkot ang kanyang iglesia araw-araw, naging hindi aktibo at nanghina ang espiritu ng lahat ng kanyang tagasunod, at ngayon dumilim ang kanyang sariling espiritu. Hindi na niya maramdaman ang presensiya ng Panginoon, at nalito si Tao Wei, hindi alam ang gagawin. Paano nawala ng mundo ng relihiyon ang gawain ng Banal na Espiritu? Nagbalik na nga kaya ang Panginoon, at nagpakita para gumawa sa ibang lugar? …Habang apurahang naghanap si Tao Wei ng mga sagot sa mga tanong na ito, lalo siyang nasabik na makamit ang panustos ng tubig ng buhay mula sa Diyos. Hinanap niya at ng kanyang mga kapatid ang gawain at pagpapakita ng Diyos, at sa wakas ay nakarating sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, kung saan sinimulan nilang makipag-usap at makipagdebate sa mga Mangangaral ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. … Mahahanap kaya nila ang pinagmumulan ng tubig na buhay sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos? Makakamit kaya nila ang tubig ng buhay mula sa ilog na dumadaloy mula sa trono?

Biyernes, Oktubre 26, 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Pagpapatuloy ng Ikalimang Bahagi)

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Pagpapatuloy ng Ikalimang Bahagi)

Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao." Ang nilalaman ng video na ito:
Tungkol Kay Job
Sa Araw-araw na Pamumuhay ni Job Makikita Natin ang Kanyang Pagka-perpekto, Pagkamatuwid, Takot sa Diyos at Paglayo sa Kasamaan
Ang Paghahayag ng Pagkatao ni Job sa Kanyang mga Pagsubok (Ang Pag-unawa sa Pagka-perpekto, Pagkamatuwid, Takot sa Diyos at Paglayo sa Kasamaan ni Job sa Panahon ng Kanyang mga Pagsubok)
Ang Pagkamakatwiran ni Job
Ang Tunay na Mukha ni Job: Totoo, Dalisay, at Walang Kasinungalingan
Ang Paghihiwalay ni Job ng Pag-ibig at Galit
Ang Kabaitan ng Puso at Katapatan ni Job
Ang Kaugnayan sa Pagitan ng Pagpasa ng Diyos kay Job kay Satanas at ang Mga Layunin ng Gawain ng Diyos
Tanggapin ang mga Pagsubok ng Diyos, Pagtagumpayan ang mga Tukso ni Satanas, at Hayaan ang Diyos na Kunin ang Iyong Buong Pagkatao
Ang Babala at Kaliwanagan ng Patotoo ni Job na Ibinigay sa mga Sumunod na Henerasyon

Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Miyerkules, Oktubre 24, 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I (2)


Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I (2)

       Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Bagama’t gumawa ang Diyos ng isang tipan sa sangkatauhan gamit ang bahaghari, hindi Niya kailanman sinabi sa kahit kanino kung bakit Niya ginawa ito, bakit Niya itinatag ang tipan na ito, nangangahulugang hindi Niya kailanman sinabi sa kahit kaninuman ang Kanyang totoong mga kaisipan. Ito ay dahil walang sinumang nakaiintindi sa lalim ng pag-ibig na mayroon ang Diyos para sa sangkatauhang nilikha Niya sa pamamagitan ng Kanyang sariling mga kamay, at wala ring sinumang makapagpapahalaga kung gaano talaga kasakit ang pinagdusahan ng Kanyang puso noong nilipol Niya ang sangkatauhan. Kaya kahit sabihin Niya sa mga tao kung ano ang nadarama Niya, hindi nila kayang isagawa ang pagkakatiwalang ito. Kahit nasasaktan Siya, nagpapatuloy pa din Siya sa susunod na gawain Niya. Laging ibinibigay ng Diyos ang pinakamahusay na panig Niya, at ang mga pinakamahusay na bagay sa sangkatauhan habang tahimik na dinadala Niya mismo ang lahat ng pagdurusa. Hindi kailanman lantarang ipinahahayag ng Diyos ang mga pagdurusang ito. Sa halip, tinitiis Niya ang mga ito at tahimik na naghihintay. Ang pagtitiis ng Diyos ay hindi malamig, manhid, o walang-magawa, ni hindi ito tanda ng kahinaan. Ang pag-ibig at diwa ng Diyos ay palaging hindi makasarili. Ito ay isang likas na pagbubunyag ng Kanyang diwa at disposisyon, at isang totoong pagsasakatawan ng pagkakakilanlan ng Diyos bilang tunay na Manlilikha."

Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


Biyernes, Oktubre 19, 2018

The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (5)

The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (5)

       Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Nitong nakaraang mga taon nakita rin ang malawakang pagpapasimula ng pamahalaang CCP ng mga patakarang nakatutok sa "Pagpapailalim sa Impluwensya ng Lipunang Han" ng Kristiyanismo. Libu-libong krus ng iglesia ang winasak, maraming gusali ng iglesia ang giniba, at maraming Kristiyano sa mga bahay-sambahan ang inaresto at inusig. Dumanas ng malupit at madugong pang-uusig ang mga iglesiang Kristiyano sa China … 

Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Huwebes, Oktubre 18, 2018

Isang Pasalaysay na Pagsasadula ng Isang Tunay na Kuwento ng Buhay: Ang Totoong Pagmamahal ng Diyos

Tagalog Christian Video | "Ang Totoong Pagmamahal ng Diyos" | The Judgement of God Saved Me


     Upang makagawa ng sarili niyang sulok sa mundong ito, napilitan ang bida na sundin ang mga kalakaran ng mundong ito, abala at nagsisikap nang mabuti para sa katanyagan at katayuan. Napakahungkag at napakasakit ng kanyang buhay. Matapos niyang maniwala sa Makapangyarihang Diyos, natagpuan niya sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang kahulugan ng buhay ng tao at, puno ng kaligayahan, sinundan niya ang Diyos at tinupad ang kanyang mga tungkulin. Pero, dahil kontrolado ng katanyagan at katayuan ang kanyang puso, madalas siyang kumilos ayon sa kanyang sariling mga ideya sa pagtupad sa kanyang mga tungkulin, at wala siyang katwiran at naging diktador. Para sa dahilang ito, pinungos at pinakitunguhan siya ng mga kapatid. Sa simula, nangatwiran siya at ayaw umamin. Sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, nalaman niya ang katotohanan ng kanyang kasamaan. Kaya lang, dahil hindi niya naiintindihan ang intensyon ng Diyos, mali ang pakaintindi niya sa Diyos at inakalang hindi siya ililigtas ng Diyos. Sa panahong ito, unti-unting niliwanagan siya ng salita ng Diyos, ginabayan siya, at ipinaintindi sa kanya ang tapat na intensyon ng Diyos na iligtas ang tao, at naranasan niya ang totoong pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan …

Magrekomenda nang higit pa:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Sabado, Oktubre 13, 2018

Cristianong Kanta | "Para Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao" | Ang Pagkagising ng Kristiyanong Kaluluwa


Cristianong Kanta | "Para Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao" | Ang Pagkagising ng Kristiyanong Kaluluwa


I
Noo'y 'di malinaw sa layon ng buhay, ngayo'y alam ko na.
Hinanap ko'y estado at kasikatan.
Mag-isang tinahak ang pansariling landas, nabuhay para sa 'kin lamang.
Sa dasal sambit dati'y magagandang salita,
pero ang buhay ko ay hindi akma.
Pananampalataya'y kulong sa ritwal at patakaran;
Pananampalataya ko'y sa bukas ipinagbahala,
katotohana't realidad sa akin ay wala.
nagsasabi sa'kin na mahalin ko rin Siya,
ako'y naiwang walang saysay.
Bigong mabuhay at di karapat-dapat sa pag-ibig ng Diyos.
Aking napagtanto nasaktan ko ang Kanyang puso,
Puso ay nagising ng Diyos ng pagsinta,
Hindi pinapansin, walang pag-aalala sa puso ng Diyos at mga salita Niya.
ngayo'y iisa lang ang nais ko Oh Diyos,
ang mabuhay para sa'Yo.

Miyerkules, Oktubre 10, 2018

Crosstalk – "Ipinakita ng Malaking Pulang Dragon ang Pangit na Mukha Nito" (Tagalog Dubbed)



Crosstalk – "Ipinakita ng Malaking Pulang Dragon ang Pangit na Mukha Nito" (Tagalog Dubbed)

       Pangunahing inihahayag ng kaswal na pag-uusap na ito na hindi lang gusto ng malaking pulang dragon na pagharian ang mga mamamayan ng Tsina, kundi meron din itong mapanlinlang na ambisyon na makipagkaisa sa Taiwan at pagharian ang buong Asya at maging ang Europa at Hilagang Amerika. Inihahayag din nito ang pakana ng malaking pulang dragon sa likod ng maingat na inimbentong kaso sa Shandong Zhaoyuan noong Mayo 28, gayundin ang kasuklam-suklam na pakay nitong mag-udyok ng demonstrasyon sa South Korea noong Agosto 28. Katunayan, inihayag na ng salita ng Diyos ang tunay na layunin ng malaking pulang dragon. Ang pangit na mukha nito ay nalantad na sa liwanag, bilang na ang mga araw ng dragon. Para itong tipaklong sa pagtatapos ng taglagas; malapit na itong mamatay. Ang nakakatawang kaswal na pag-uusap na ito ay tapat at tahasang naghahayag ng tunay na mukha ng malaking pulang dragon. Nakakatuwa talaga!

Magrekomenda nang higit pa:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Higit pang pansin:Tagalog Christian Movie

Biyernes, Oktubre 5, 2018

Pag-uusap - "Serbisyo sa Pagmamanman" (Tagalog Christian Video)


Pag-uusap - "Serbisyo sa Pagmamanman" (Tagalog Christian Video)

     Sa China, kung saan ang CCP ang mayhawak ng lahat ng kapangyarihan sa pulitika, ang malupit na pang-uusig sa mga Kristiyano ay nangyayari araw-araw. Para mawala ang paniniwala sa relihiyon, ang CCP ay mayroon pang "tracking service" para sa mga Kristiyano. Itinuturo sa inyo ng crosstalk Tracking Service ang lahat ng kasuklam-suklam na pamamaraan na gamit ng CCP para manmanan at tuntunin ang mga Kristiyano, at ipinakikita ang pagpapaimbabaw ng China ukol sa “kalayaan sa relihiyon”.

Manood ng higit pa:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Huwebes, Oktubre 4, 2018

Tagalog Crosstalk | "Serbisyo sa Pagmamanman" | Ripping Off the Mask of China's "Religious Freedom"


Tagalog Crosstalk | "Serbisyo sa Pagmamanman" | Ripping Off the Mask of China's "Religious Freedom"

Sa buong kalawakan ng sansinukob, lahat ng bagay sa kalawakan ay gumagalaw nang eksakto sa sarili nilang orbit. Sa ilalim ng kalangitan, mga bundok, mga ilog, at mga lawa, lahat ay may hangganan, at lahat ng nilalang ay nabubuhay at nagpaparami sa loob ng apat na panahon alinsunod sa mga batas ng buhay …. Napakaganda ng pagkadisenyo sa lahat ng ito—may Isang Makapangyarihan bang namamahala at nagsasaayos sa lahat ng ito? Mula nang dumating tayo sa mundong ito na umiiyak, nakapagsimula na tayong gumanap ng iba’t ibang papel sa buhay. Mula pagsilang hanggang pagtanda hanggang sa magkasakit at mamatay, kung minsa’y nagagalak tayo at kung minsa’y nalulungkot …. Saan ba talaga nanggagaling ang tao, at saan tayo talaga patutungo? Sino ang namamahala sa ating mga tadhana? Mula noong unang panahon hanggang sa makabagong panahon, nagsibangon ang mga dakilang bansa, nagdatingan at nangawala ang mga dinastiya, at ang mga bansa at mga tao ay umunlad at naglaho sa pahina ng kasaysayan…. Tulad sa mga batas ng kalikasan, ang mga batas sa pagsulong ng sangkatauhan ay nagtataglay ng walang katapusang mga hiwaga. Gusto mo bang malaman ang mga sagot sa mga ito? Ang dokumentaryong Siya na May Kapangyarihan sa Lahat ay gagabayan ka upang malaman ang pinag-ugatan nito, at para maihayag ang lahat ng hiwagang ito!

Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


Lunes, Oktubre 1, 2018

"Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi III Ang Awtoridad ng Diyos (II)" | (Mga Sipi,


"Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi III Ang Awtoridad ng Diyos (II)" | (Mga Sipi, Entabladong Bersiyon)


   Walang Sinuman ang Maaaring Makapagpabago sa Katotohanan na Hawak ng Diyos ang Pantaong Kapalaran sa Kanyang Dakilang Kapangyarihan Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang awtoridad ng Diyos ay nasa lahat ng dako, at sa bawat oras, at bawat saglit. Kung ang langit at lupa ay pumanaw, ang Kanyang awtoridad ay kailanman di-papanaw, sapagkat Siya ay Diyos Mismo, Siya ang nag-aangking ng natatanging awtoridad, at ang awtoridad Niya ay hindi natatakdaan o nalilimitahan ng mga tao, mga pangyayari, o mga bagay, ng espasyo o ng heograpiya. Sa lahat ng panahon, hawak ng Diyos ang Kanyang awtoridad, ipinakikita ang Kanyang lakas, ipinagpapatuloy palagi ang Kanyang gawaing pamamahala; sa lahat ng panahon pinamamahalaan Niya ang lahat ng mga bagay, naglalaan para sa lahat ng mga bagay, pinagtutugma ang lahat ng mga bagay, gaya ng palagi Niyang ginagawa. Walang sinuman ang makapagpapabago rito. Ito ay katotohanan; ito ay ang di-mababagong kapalaran mula pa noong unang kapanahunan!"

Higit pang pansin:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Biyernes, Setyembre 28, 2018

Tagalog Christian Gospel Video | "Ang Iglesia ng Three-Self Ang Aking Payong" | Where Are the Footprints of God? (Tagalog Dubbed)



Tagalog Christian Gospel Video  | "Ang Iglesia ng Three-Self Ang Aking Payong" | Where Are the Footprints of God? (Tagalog Dubbed)

    Isang araw, nadakip ng Komunistang pamahalaan ng China ang maraming Kristiyano ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos mula sa isang partikular na lokasyon sa kalaliman ng gabi. Ang bagay na ito ay nagdulot ng kaguluhan sa lokal na lugar.

Miyerkules, Setyembre 26, 2018

Maikling Dula "Ang Pagmamatyag" (Tagalog Dubbed)




Maikling Dula "Ang Pagmamatyag"  (Tagalog Dubbed)

     Si Xu Huilin at ang kanyang asawang si Zhiyong ay mga lider sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Tumakas sila mula sa kanilang bayang sinilangan matapos malaman na tinutugis sila ng pamahalaan ng China dahil sa kanilang mga paniniwala. Ang kaisa-isa nilang anak na si Lingling ay nakitira sa lola niya, at umaasa sila sa isa’t isa. Lihim na umuwi si Xu Huilin noong Bisperas ng Bagong Taon para makasama ang kanyang pamilya, pero nagmamatyag na ang mga pulis, sa pag-asang maaresto ang mag-asawa. Doon nagsisimula ang kuwento …