Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kidlat ng Silanganan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kidlat ng Silanganan. Ipakita ang lahat ng mga post

Miyerkules, Enero 8, 2020

Paano ba Dapat Unawain ang Kristiyanismo?


Zheng Weiguo(Pastor ng isang United Front Work Department ng bayan): Matagal na akong nagtatrabaho para sa United Front, at napag-aralan ko na ang iba’t ibang relihiyon. Ang Kristiyanismo, Katolisismo at Eastern Orthodoxy ay pawang mga relihiyong orthodox na nananalig kay Jesus. Pero ibang-iba ang pananalig n’yo sa Makapangyarihang Diyos. Ayon sa mga dokumento ng CCP, ang Makapangyarihang Diyos ay ni hindi kabilang ng Kristiyanismo. Nangangaral kayo ng ebanghelyo sa iba’t ibang sekta sa ilalim ng Kristiyanismo na hindi kayo kinikilalang Kristiyano. Kaya hinding-hindi ko kayo papayagang manalig sa Makapangyarihang Diyos. Maaari lang kayong manalig sa Kristiyanismo kung gusto nyo. Mas magaan ang pagpapahirap ng gobyerno sa ganitong paraan.

Biyernes, Setyembre 28, 2018

Tagalog Christian Gospel Video | "Ang Iglesia ng Three-Self Ang Aking Payong" | Where Are the Footprints of God? (Tagalog Dubbed)



Tagalog Christian Gospel Video  | "Ang Iglesia ng Three-Self Ang Aking Payong" | Where Are the Footprints of God? (Tagalog Dubbed)

    Isang araw, nadakip ng Komunistang pamahalaan ng China ang maraming Kristiyano ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos mula sa isang partikular na lokasyon sa kalaliman ng gabi. Ang bagay na ito ay nagdulot ng kaguluhan sa lokal na lugar.

Biyernes, Disyembre 1, 2017

Kristiyanong Pelikula | "Babagsak ang Lungsod" | Ang Babala ng Diyos sa mga


Kristiyanong Pelikula | "Babagsak ang Lungsod" | Ang Babala ng Diyos sa mga Huling Araw

    Ang Kristiyanong si Cheng Huize ay isang kapanalig sa isang bahay-iglesia sa China. Nakita niya na nagbukas ng isang pabrika ang kanyang iglesia at hinikayat ng pastor ang mga nananalig na sumapi sa Three-Self Church para sumuko sa gobyernong CCP. Nagpakahirap nang hayagan at patago ang pastor at elder ng iglesia para mapanatili ang kanilang personal na kalagayan at pangalan, nagkainggitan, at nahati ang iglesia. Nakisanib din sila sa gobyernong CCP para labanan ang Kidlat ng Silanganan at hadlangan ang pagsisiyasat ng mga nananalig dito. Aktibo rin nilang isinumbong sa mga pulis ang mga kapatid na nangangaral ng ebanghelyo ng kaharian para maaresto. Lubhang namroblema si Cheng Huize; natanto niya na nawala na sa iglesia ang gawain ng Banal na Espiritu at naging isang relihiyosong lugar na gaya ng Dakilang Babilonia, isinumpa at nilait ng Panginoon. Sa gayo’y ipinasiya niyang siyasatin ang Kidlat ng Silanganan at hanapin ang gawain at pagpapakita ng Diyos…. Makakatakas kaya siya mula sa relihiyosong Babilonia na malapit nang bumagsak?

Huwebes, Setyembre 21, 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw

katotohanan, Jehovah,  Jesus, krus, Espiritu

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Dapat Mong Malaman Kung Paanong Sumulong ang Buong Sangkatauhan Hanggang sa Kasalukuyang Araw


     Ang kabuuang gawain sa loob ng 6,000 taon ay unti-unting nagbago kasabay ng panahon. Ang mga pagbabago sa gawaing ito ay naganap ayon sa kalagayan ng buong mundo. Ang gawaing pamamahala ng Diyos ay nagbago lang nang unti-unti ayon sa pagsulong ng sangkatauhan sa kabuuan; hindi pa ito binalak sa simula ng paglikha. Bago nilikha ang mundo, o matapos itong likhain, hindi pa binalak ni Jehovah ang unang yugto ng gawain, sa kautusan; ang pangalawang yugto ng gawain, sa biyaya; o ang pangatlong yugto ng gawain, ang panlulupig, na kung saan Siya muna ang gagawa kasama ang isang grupo ng tao—ang ilan ay mga inapo ng Moab, at mula rito lulupigin Niya ang buong sansinukob. Hindi Niya sinabi ang mga salitang ito matapos likhain ang mundo; hindi Niya sinabi ang mga salitang ito pagkatapos ng Moab, lalo’t higit bago si Lot. Ang lahat ng Kanyang mga gawain ay napatupad nang kusang-loob. Mismong ganito kung papaano sumulong ang Kanyang buong anim na libong taon ng gawaing pamamahala; hindi Siya sumulat ng plano na katulad ng Paglalagom na Talaguhitan para sa Pagsulong ng Sangkatauhan bago likhain ang mundo. Sa gawain ng Diyos, tuwiran Niyang ipinahahayag kung ano Siya; hindi Niya pinahihirapan ang Kanyang isipan upang gumawa ng plano. Mangyari pa, maraming mga propeta ang nagpahayag ng kanilang mga hula, ngunit hindi pa rin masasabi na ang gawain ng Diyos ay laging tiyak sa paggawa ng plano; ang mga hula ay ginawa ayon sa aktwal na gawain ng Diyos. Ang lahat ng Kanyang gawain ay ang pinaka-aktwal na gawain. Isinasagawa Niya ang Kanyang gawain ayon sa pagsulong ng panahon, at isinasagawa Niya ang karamihan sa Kanyang pinaka-aktwal na gawain ayon sa mga pagbabago ng mga bagay. Para sa Kanya, ang pagsasagawa ng gawain ay tulad ng pangangasiwa ng gamot sa isang sakit; Siya’y nagmamasid habang ginagawa ang Kanyang gawain; Siya ay gumagawa ayon sa mga nasubaybayan Niya. Sa bawat yugto ng Kanyang gawain, Siya ay may kakayahang magpahayag ng Kanyang sapat na karunungan at magpahayag ng Kanyang sapat na kasanayan; ibinubunyag Niya ang Kanyang sapat na karunungan at sapat na awtoridad ayon sa gawain ng bukod-tanging kapanahunan na iyon at hinahayaan ang alinman sa mga tao na Kanyang ibinalik sa mga kapanahunang iyon na makita ang Kanyang buong disposisyon. Tinutustusan Niya ang mga pangangailangan ng mga tao at isinasagawa ang gawain na kailangan Niyang gawin ayon sa mga kailangang isagawa sa bawat kapanahunan; tinutustusan Niya ang mga pangangailangan ng mga tao ayon sa antas kung saan sila ay ginawang tiwali ni Satanas. Ganito ang paraan nang unang nilikha ni Jehovah si Adan at Eba nang sa gayon maihayag nila ang Diyos sa lupa at upang magkaroon ng mga saksi sa Diyos sa mga likha, ngunit nagkasala si Eba matapos tuksuhin ng ahas; gayundin ang ginawa ni Adan, at magkasama sa hardin nilang kinain ang bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama. Kaya, mayroong idinagdag na gawain si Jehovah para sa kanila. Nakita Niya ang kahubaran nila at binalot ang kanilang katawan ng damit na gawa sa katad ng hayop. Matapos ito, sinabi Niya kay Adan, “Sapagka’t iyong dininig ang tinig ng iyong asawa, at kumain ka ng bunga ng punong kahoy na aking iniutos sa iyo na sinabi, Huwag kang kakain niyaon; sumpain ang lupa dahil sa iyo … hanggang sa ikaw ay mauwi sa lupa; sapagka’t diyan ka kinuha: sapagka’t ikaw ay alabok at sa alabok ka uuwi.” Sa babae ay sinabi Niyang, “Pararamihin kong lubha ang iyong kalumbayan at ang iyong paglilihi; manganganak kang may kahirapan; at sa iyong asawa ay pahihinuhod ang iyong kalooban, at siya’y papapanginoon sa iyo.” Mula noon ay pinalayas Niya sila mula sa Hardin ng Eden at sila’y hinayaang mamuhay sa labas ng hardin, katulad ng ginagawa ngayon ng mga makabagong tao sa lupa. Nang nilikha ng Diyos ang tao sa simula, hindi Niya binalak na hayaang matukso ng ahas ang tao matapos niyang likhain at isinumpa ang tao at ang ahas. Wala talaga Siyang ganitong plano; ito ay ang pagsulong lamang ng mga bagay na nagbigay sa Kanya ng bagong gawain sa mga nilikha. Matapos maisagawa ni Jehovah ang gawain kina Adan at Eba sa lupa, ang sangkatauhan ay patuloy na sumulong sa loob ng ilang libong taon, hanggang “At nakita ni Jehova na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati. At nagsisi si Jehova na kaniyang nilalang ang tao sa lupa, at nalumbay sa kaniyang puso. … Datapuwa’t si Noe ay nakasumpong ng biyaya sa mga mata ni Jehova.” Sa oras na iyon si Jehovah ay nagkaroon ng mas maraming bagong gawain, dahil ang sangkatauhan na Kanyang nilikha ay naging sobrang makasalanan matapos tuksuhin ng ahas. Sa kalagayang ito, pinili ni Jehovah ang pamilya ni Noe mula sa mga taong ito at kinahabagan sila, at isinagawa ang Kanyang gawain na wasakin ang mundo sa pamamagitan ng baha. Ang sangkatauhan ay nagpatuloy sa pagsulong sa ganitong paraan hanggang sa araw na ito, naging labis na tiwali, at nang ang pagsulong ng sangkatauhan ay umabot sa tuktok, ito rin ay ang magiging katapusan ng sangkatauhan. Mula sa simula hanggang sa katapusan ng mundo, ang katotohanan ng Kanyang gawain ay nanatili sa ganitong paraan. Ito ay katulad kung paano mauuri ang tao ayon sa kanilang klase; malayo sa bawat isang tao na itinalaga sa kalagayang kanilang kinabibilangan sa pinakasimula, ang mga tao ay unti-unting nabibilang sa mga kalagayan matapos sumailalim sa pamamaraan ng pagsulong. Sa katapusan, kung sinuman ang hindi maililigtas ay ibabalik sa kani-kanilang mga ninuno. Wala sa mga gawa ng Diyos sa sangkatauhan ang nakahanda na nang likhain ang mundo; sa halip, ang pagsulong ng mga bagay ang nagpahintulot sa Diyos na makatotohanan at praktikal na isagawa ang bawat hakbang ng Kanyang gawain sa sangkatauhan. Ito ay tulad nang kung paanong hindi nilikha ng Diyos na Jehovah ang ahas upang tuksuhin ang babae. Hindi ito ang Kanyang tiyak na plano, o isang bagay na sinadya Niya; ang isa ay makapagsasabi na ito ay hindi inaasahan. Ito ang dahilan kung bakit pinalayas ni Jehovah si Adan at Eba mula sa Hardin ng Eden at nangako na hindi na muling lilikha ng tao. Ngunit ang karunungan ng Diyos ay natuklasan lamang ng mga tao dahil sa pagkasimulang ito, katulad ng punto na aking sinabi kanina: “Ang Aking karunungan ay ginagamit ayon sa mga balangkas ni Satanas.” Kahit gaano naging tiwali ang sangkatauhan o kung paano sila tinukso ng ahas, mayroon pa ring karunungan si Jehovah; kaya, naggugol Siya sa bagong gawain mula nang nilkha Niya ang mundo, at wala sa mga hakbang ng gawaing ito ang naulit kailanman. Patuloy na nagsagawa ng mga balangkas si Satanas; patuloy na ginagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, at patuloy na isinagawa ng Diyos na si Jehovah ang Kanyang madunong na gawain. Hindi Siya kailanman nabigo, at hindi Niya itinigil ang Kanyang gawain mula sa paglikha ng mundo hanggang ngayon. Matapos itiwali ni Satanas ang sangkatauhan, patuloy Siyang gumawa sa mga tao upang talunin ang Kanyang mga kaaway na itinitiwali ang sangkatauhan. Magpapatuloy ang labanang ito mula sa simula hanggang sa katapusan ng mundo. Sa paggawa ng lahat na mga gawaing ito, hindi lamang Niya pinahintulutan ang sangkatauhan, na ginawang tiwali ni Satanas, upang matanggap ang Kanyang dakilang kaligtasan, ngunit pinahintulutan din Niya ang sangkatauhan na makita ang Kanyang karunungan, pagka-makapangyarihan at awtoridad, at sa katapusan hahayaan Niyang makita ng sangkatauhan ang Kanyang matuwid na disposisyon—pinarurusahan ang masama at ginagantimpalaan ang mabuti. Nilalabanan Niya si Satanas hanggang sa araw na ito at hindi kailanman natalo, dahil Siya ay isang marunong na Diyos, at ang Kanyang karunungan ay nagagamit ayon sa mga balangkas ni Satanas. Kaya hindi Niya lamang napasusunod ang lahat sa langit sa Kanyang awtoridad; nagagawa rin Niyang panatilihin ang lahat sa Kanyang paanan, at hindi huli sa lahat, napababagsak sa Kanyang pagkastigo ang mga gumagawa ng masama na nanghihimasok at nanggugulo sa sangkatauhan. Ang lahat ng mga bunga ng Kanyang gawain ay dulot ng Kanyang karunungan. Hindi Niya kailanman ibinunyag ang Kanyang karunungan sa harap ng pag-iral ng sangkatauhan, dahil wala Siyang kaaway sa langit, sa lupa, o sa buong daigdig, at walang mga puwersa ng kadiliman na sumakop sa anuman sa kalikasan. Matapos Siyang ipagkanulo ng arkanghel, nilikha Niya ang sangkatauhan sa lupa, at dahil sa sangkatauhan ay pormal Niyang sinimulan ang isang libong taong digmaan nila ni Satanas, ang arkanghel, isang digmaan na lalong umiigting sa bawat magkakasunod na yugto. Ang Kanyang pagka-makapangyarihan at karunungan ay naroon sa bawat yugto. Tanging sa oras na ito ay makikita ng lahat ng nasa langit at lupa ang karunungan ng Diyos, pagka-makapangyarihan, at ang katotohanan ng Diyos. Isinasagawa pa rin Niya ang gawain sa paraang makatotohanan na tulad ng dati; bilang karagdagan, habang isinasagawa Niya ang Kanyang gawain, ibinubunyag din Niya ang Kanyang karunungan at pagka-makapangyarihan; pinahihintulutan Niya kayong makita ang katotohanan sa loob ng bawat yugto ng gawain, upang makita kung paano nga ba maipaliliwanag ang pagka-makapangyarihan ng Diyos, at higit sa lahat kung paano maipaliliwanag ang katotohanan ng Diyos.

Miyerkules, Setyembre 20, 2017

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Paghihintay - Paano Natin Makilala ang Tinig ng Diyos? (1)



Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Paghihintay - Paano Natin Makilala ang Tinig ng Diyos? (1)

Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia" (Apocalipsis 2:29). Narinig mo na ba ang Banal na Espiritu na magsalita sa mga iglesia? Ang mga salita bang sinabi ng Makapangyarihang Diyos at ng Panginoong Jesus ay nabigkas mula sa iisang Espiritu, mula sa iisang pinanggalingan? Ibubunyag ito sa iyo ng movie clip na ito!

Martes, Setyembre 19, 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Paano Malaman ang Realidad

katotohanan, isabuhay, buhay, Espiritu, langit


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Paano Malaman ang Realidad

   Ang Diyos ay Diyos ng realidad: Lahat ng Kanyang mga gawa ay tunay, at lahat ng mga salita na binibigkas Niya ay totoo, at lahat ng mga katotohanan na ipinapahayag Niya ay totoo. Lahat ng bagay na hindi Kanyang mga salita ay walang laman, hindi umiiral, at hindi batay sa katotohanan. Ngayon, ang Banal na Espiritu ay gumagabay sa mga tao tungo sa mga salita ng Diyos. Kung nais ng mga tao na ituloy ang pagpasok sa realidad, samakatuwid dapat nilang hanapin ang realidad at alamin ang realidad, matapos nito’y dapat nilang maranasan ang realidad, at isabuhay ang realidad. Mas alam ng mga tao ang realidad, mas maaari nilang masabi kung ang salita ng iba ay tunay; mas alam ng mga tao ang realidad, mas mababa ang pagkakaroon nila ng mga maling pag-iisip; mas mararanasan ng mga tao ang realidad, at mas alam nila ang mga gawa ng Diyos ng realidad, at kung mas madali para sa kanila ang iwanan ang kanilang tiwaling, mala-satanas na mga disposisyon; mas mayroong realidad ang mga tao, mas makikilala nila ang Diyos, at mas kamumuhian nila ang laman at mamahalin ang katotohanan; mas mayroong realidad ang mga tao, mas malalapit sila sa mga pamantayang hinihingi ng Diyos. Ang mga taong natamo ng Diyos ay yaong nagmamay-ari ng realidad, at alam ang katotohanan; yaong mga natamo ng Diyos ay nalaman ang tunay na mga gawa ng Diyos sa pamamagitan nang pagdanas ng realidad. Mas aktuwal na nakikipagtulungan ka sa Diyos at dinidisiplina ang iyong katawan, mas matatamo mo ang gawa ng Banal na Espiritu, mas matatamo mo ang realidad, at mas mabibigyang-liwanag ka ng Diyos—at sa gayon, mas higit ang iyong kaalaman sa tunay na mga gawa ng Diyos. Kapag nakakapamuhay ka sa aktuwal na liwanag ng Banal na Espiritu, ang kasalukuyang landas nang pagsasagawa ay magiging mas malinaw sa iyo, at mas maaari mong maihihiwalay ang iyong sarili mula sa mga relihiyosong maling pag-iisip at lumang mga gawi ng nakaraan. Ngayon, realidad ang tampulan: Mas mayroong realidad ang mga tao, mas malinaw ang kanilang kaalaman sa katotohanan, mas higit ang kanilang pagkaunawa sa kalooban ng Diyos. Mapapangibabawan ng realidad ang lahat ng mga aral at mga doktrina, maaari nitong mapangibabawan ang lahat ng teorya at kasanayan, at mas nakatuon sa realidad ang mga tao, mas tunay nilang maiibig ang Diyos, at magugutom at mauuhaw sa Kanyang mga salita. Kapag lagi kang nakatuon sa realidad, ang iyong pilosopiyang pambuhay, mga relihiyosong maling pag-iisip, at likas na karakter ay natural lamang na mabubura alinsunod sa gawa ng Diyos. Yaong mga hindi tumutuloy sa realidad, at walang kaalaman sa realidad, ay malamang na tutuloy sa kung ano ang higit sa karaniwan, at madali silang malilinlang. Ang Banal na Espiritu ay walang kaparaanang gumawa sa mga naturang tao, kung kaya’t nararamdaman nila ang kawalang laman, at ang kanilang mga buhay ay walang kahulugan.

Lunes, Setyembre 18, 2017

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Resultang Nakamit ng Pagkilala sa Diyos




Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Resultang Nakamit ng Pagkilala sa Diyos


Isang araw,
mararamdaman mo na ang Maylalang
ay hindi na isang palaisipan,
na ang Maylalang ay hindi kailanman nagtago sa iyo,
na ang Maylalang
ay hindi kailanman ikinubli ang Kanyang mukha sa iyo,
na ang Maylalang ay hindi kailanman malayo sa iyo,
na ang Maylalang ay hindi na ang Isa na 
walang tigil mong inaasam sa iyong mga kaisipan
ngunit hindi mo maaaring abutin ng iyong mga damdamin, 
na Siya ay talagang at tunay na nagbabantay sa iyong kaliwa at kanan,
nagtutustos ng iyong buhay, at tumatangan ng iyong tadhana, 
tumatangan ng iyong tadhana.
Wala Siya sa malayong abot-tanaw, 
ni inilihim Niya ang Kanyang Sarili sa itaas sa mga ulap.
Siya mismo ay nasa iyong tabi, namamahala sa lahat ng iyo,
Siya ay lahat ng bagay na tinataglay mo, at Siya ang tanging bagay na taglay mo.
Pinahihintulutan ka ng gayong Diyos na ibigin Siya mula sa puso, 

Linggo, Setyembre 17, 2017

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ikaw ba ay Totoong Mananampalataya sa Diyos?

Cristo, Diyos, katotohanan, salita ng Diyos, Langit

Pagpapahayag ng Makapangyarihang DiyosIkaw ba ay Totoong Mananampalataya sa Diyos?


     Marahil ang iyong paglalakbay ng pananampalataya sa Diyos ay mahigit isa o dalawang taon na, at marahil sa iyong buhay sa paglipas ng mga taong ito, marami kang pinagdaanan na kahirapan; o marahil hindi ka sumailalim sa kahirapan at sa halip tumanggap ng labis na biyaya. Maaaring hindi ka nakaranas ng alinman sa paghihirap o biyaya, nguni’t sa halip ay namuhay nang napaka-karaniwan. Sa kabila nito, ikaw ay tagasunod pa rin ng Diyos, kaya’t hayaang magkaroon tayo ng pagbabahagi tungkol sa paksa ng pagsunod sa Kanya. Gayunman, Aking pinaaalalahanan ang lahat ng magbabasa ng mga salitang ito na ang salita ng Diyos ay nakadirekta tungo sa lahat ng kumikilala sa Diyos at lahat ng sumusunod sa Diyos, hindi tungo sa lahat ng tao sa pangkalahatan, kabilang ang mga hindi kumikilala sa Diyos. Kung ikaw ay naniniwala na ang Diyos ay nagsasalita para sa karamihan, sa lahat ng tao sa mundo, walang magiging epekto sa iyo kung gayon ang salita ng Diyos. Kaya, dapat mong ingatan ang lahat ng mga salita na malapit sa inyong puso, at huwag mong ilagay ang iyong sarili sa labas ng nasasakupan nito. Sa anumang pagkakataon, ating pag-usapan kung anong nangyayari sa ating tahanan.

Sabado, Setyembre 16, 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Pagkilala sa Diyos ang Daan sa Pagkatakot sa Diyos at Pag-iwas sa Masama

kaligtasan,  pananampalataya,  buhay, Espiritu, Langit

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Pagkilala sa Diyos ang Daan sa Pagkatakot sa Diyos at Pag-iwas sa Masama


    Bawa’t isa sa inyo ay dapat magsuring muli ng inyong buhay-pananampalataya sa Diyos para makita kung, sa paghahabol sa Diyos, ay tunay na naunawaan mo, tunay na naintindihan, at tunay na nakilala mo ang Diyos, kung tunay na alam mo kung anong saloobin ang tinitiis ng Diyos sa iba’t ibang uri ng tao, at kung tunay na nauunawaan mo kung ano ang ginagawa ng Diyos sa iyo at ano ang pakahulugan ng Diyos sa bawa’t kilos mo. Ang Diyos na ito, na nasa tabi mo, gumagabay sa direksyon ng pag-unlad mo, nagtatakda ng tadhana mo, at nagtutustos ng mga pangangailangan mo—sa katapus-tapusan, gaano ang nauunawaan mo at gaano ang totoong pagkakakilala mo tungkol sa Kanya? Alam mo ba kung ano ang ginagawa Niya sa iyo sa bawa’t araw? Alam mo ba ang mga prinsipyo at mga layunin na pinagbabatayan Niya ng bawa’t kilos Niya? Alam mo ba kung paano ka Niya ginagabayan? Alam mo ba ang paraan kung paano ka Niya tinutustusan? Alam mo ba ang mga pamamaraan ng Kanyang pag-aakay sa iyo? Alam mo ba kung ano ang nais Niyang makuha mula sa iyo at ano ang nais Niyang makamit sa iyo? Alam mo ba ang nagiging saloobin Niya pagdating sa iba’t ibang asal mo? Alam mo ba kung ikaw ay isang taong minamahal Niya? Alam mo ba ang pinanggagalingan ng Kanyang kagalakan, galit, kalungkutan, at tuwa, ang mga kaisipan at ideya sa likod ng mga iyon, at ang Kanyang kakanyahan? Alam mo ba, sa kahuli-hulihan, kung anong uring Diyos ang Diyos na ito na pinaniniwalaan mo? Ang mga ito ba at ang iba pang mga tanong na gaya niyan ay ang mga bagay na hindi mo pa kailanman naunawaan o napag-isipan? Sa iyong patuloy na paniniwala sa Diyos, ikaw ba, sa pamamagitan ng tunay na pagpapahalaga at pagdaranas ng mga salita ng Diyos, ay nalinawan na sa iyong maling mga pagkaunawa tungkol sa Kanya? Ikaw ba, matapos tanggapin ang disiplina at pagtutuwid ng Diyos, ay tunay na nagpapasakop at nagmamalasakit? Ikaw ba, sa gitna ng pagkastigo at paghatol ng Diyos, ay nakaalam ng pagiging mapaghimagsik at maka-satanas na kalikasan ng tao at nagkamit ng kaunting kaunawaan tungkol sa kabanalan ng Diyos? Ikaw ba, sa ilalim ng paggabay at pagliliwanag ng salita ng Diyos, ay nagsimulang magkaroon ng bagong pananaw tungkol sa buhay? Ikaw ba, sa gitna ng pagsubok na ipinadala ng Diyos, ay nakaramdam ng Kanyang hindi pagpayag sa mga pagkakasala ng tao at maging kung ano ang Kanyang hinihingi sa iyo at paano ka Niya inililigtas? Kung hindi mo alam kung paano ang magkamali ng pagkaunawa sa Diyos, o kung paano lilinawin ang maling pagkaunawang ito, kung gayon masasabing hindi ka pa talaga nakapasok sa tunay na pakikipag-isa sa Diyos at hindi pa kailanman naintindihan ang Diyos, o kahit papaano masasabing hindi mo kailanman ninais na maintindihan Siya. Kung hindi mo alam kung ano ang disiplina at pagtutuwid ng Diyos, kung gayon tiyak na hindi mo alam kung ano ang pagpapasakop at pagmamalasakit, o kahit papaano hindi ka pa kailanman talagang nagpasakop o nagmalasakit sa Diyos. Kung hindi mo pa kailanman naranasan ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, kung gayon hindi mo talaga malalaman kung ano ang Kanyang kabanalan, at lalong hindi magiging malinaw sa iyo kung ano ang paghihimagsik ng tao. Kung hindi ka pa talaga kailanman nagkaroon ng tamang pananaw sa buhay, o tamang layunin sa buhay, kundi nalilito pa at hindi makapagdesisyon tungkol sa iyong magiging landas ng buhay sa hinaharap, maging hanggang sa puntong nag-aalangan kang magpatuloy, kung gayon tiyak na hindi mo pa kailanman tunay na natanggap ang pagliliwanag at paggabay ng Diyos, at masasabi ring hindi ka pa kailanman tunay na natustusan o napunuan ng mga salita ng Diyos. Kung hindi ka pa napasailalim sa pagsubok ng Diyos, malinaw na hindi mo talaga malalaman ang hindi pagpapaubaya ng Diyos sa mga kasalanan ng tao, o hindi mo maiintindihan ang sa kahuli-hulihan ay hinihingi ng Diyos sa iyo, at lalo na, kung ano ang gawain Niya ng pamamahala at pagliligtas sa tao. Gaano man karaming taon na naniwala ang isang tao sa Diyos, kung hindi pa niya kailanman naranasan o nadama ang anuman sa mga salita ng Diyos, kung gayon tiyak na hindi pa niya nilalakaran ang daan tungo sa kaligtasan, ang pananampalataya niya sa Diyos ay tiyak na walang tunay na laman, ang pagkakilala niya rin sa Diyos ay tiyak na wala, at malinaw na wala siyang kamuwang-muwang kung paano magpitagan sa Diyos.

Biyernes, Setyembre 15, 2017

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Paghihintay (4)


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Paghihintay (4)

Papaano na nakita niyang nagpakita ang Panginoon ngunit ayaw pa ring tanggapin ang pangalawang pagdating ng Panginoon? Papaano na palagi siyang naghihintay at nag-aabang para sa pagdating ng Panginoon, ngunit sa panahon ng kanyang kamatayan ay iiwan ang isang habambuhay na pagsisisi? Sasabihin sa iyo ng movie clip na ito ang mga sagot.

Huwebes, Setyembre 14, 2017

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ikapitong Pagbigkas

pag-asa, pag-ibig,  Biblia, Espiritu, Cristo

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ikapitong Pagbigkas


  
    Ang lahat ng mga sangay sa kanluran ay dapat makinig sa Aking tinig:

    Sa nakaraan, naging tapat ba kayo sa Akin? Sinunod ba ninyo ang Aking napakahusay na mga salita ng payo? May mga pag-asa ba kayong makatotohanan at hindi malabo at walang katiyakan? Ang katapatan, pag-ibig, at pananampalataya ng tao—walang iba maliban sa nagmumula sa Akin, maliban sa mga ipinagkaloob Ko. Bayan Ko, kapag nakikinig kayo sa Aking mga salita, nauunawaan ba ninyo ang Aking kalooban? Nakikita ba ninyo ang puso Ko? Sa nakaraan, habang naglalakbay kayo sa daan ng paglilingkod, naranasan ninyo ang mga tagumpay at kabiguan, ang mga pagsulong at mga kabiguan, at may mga panahong nanganib kayong bumagsak at maging sa puntong Ako ay inyong pagtaksilan; ngunit alam ba ninyong sa bawat sandali, nakahanda Akong laging iligtas kayo? Na sa bawat sandali, lagi Kong binibigkas ang Aking tinig upang tawagin at iligtas kayo? Ilang beses na kayong nahulog sa bitag ni Satanas? Ilang beses na kayong nahuli sa mga patibong ng tao? At muli, gaano kayo kadalas mapasama sa walang katapusang pakikipagtalo sa isa’t isa, dahil nabigo kayong palayain ang inyong sarili? Gaano kadalas pumunta ang inyong mga katawan sa Aking tahanan ngunit ang inyong puso, walang nakakaalam kung nasaan? Gayon pa man, ilang beses Kong iniabot ang Aking mapagligtas na kamay upang itayo kayo; ilang beses Kong isinaboy sa inyo ang mga butil ng kaawaan; ilang beses na hindi Ko matiis na makita ang kaawa-awang kalagayan ng inyong paghihirap? Ilang beses … alam ba ninyo?

Miyerkules, Setyembre 13, 2017

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Paghihintay (3)


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Paghihintay (3)

Anong uri ng tao ang dadalhin sa kaharian ng langit? Sinabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa't nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21). Ngunit naniniwala ang ilang mga tao na ang kahulugan lamang ng pagsunod sa kalooban ng makalangit na Ama ay pagiging tapat sa pangalan ng Panginoon, masigasig na pagsisilbi sa Kanya, at pagtitiis sa pagdurusa ng pagpasan sa krus, at kung gagawin natin ang mga bagay na ito, kailangan lamang nating mag-abang at maghintay para sa ikalawang pagbabalik ng Panginoon nang tulad nito upang madadala sa kaharian ng langit. Alinsunod ba ang mga ideyang ito sa mga panuntunan ng Panginoon? Ipapaalam ng clip na ito sa iyo.

Martes, Setyembre 12, 2017

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Paano Maglingkod Ayon sa Kalooban ng Diyos

krus, Landas, iglesia, Biblia, Langit

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Paano Maglingkod Ayon sa Kalooban ng Diyos

     Ngayon, uunahin natin tatalakayin kung paano dapat paglingkuran ng tao ang Diyos sa kanilang paniniwala sa Diyos, ano ang mga kondisyon na dapat tuparin at kung ano ang dapat maunawaan ng mga naglilingkod sa Diyos, at ano ang mga paglilihis sa inyong serbisyo. Dapat ninyong maunawaan ang lahat ng ito. Ang mga isyung ito ay tumutuon sa inyong paniniwala sa Diyos, kung paano kayo maglakad sa landas ng patnubay ng Banal na Espiritu, at kung paano ang inyong lahat ay inayos ng Diyos, at papahintulutan nila kayong malaman ang bawat hakbang ng gawa ng Diyos sa inyo. Kapag naabot ninyo ang puntong iyon, inyong ikalulugod ang pananampalataya sa Diyos, kung paano maniwala nang wasto sa Diyos, at ano ang dapat ninyong gawin upang kumilos ng naayon sa kalooban ng Diyos. Gagawin kayo nitong ganap at lubos na masunurin sa gawa ng Diyos, at hindi kayo magrereklamo, hindi ninyo hahatulan, o susuriin, at lalong hindi magsasaliksik. Dagdag pa rito, magagawa ninyong maging masunurin sa Diyos hanggang sa kamatayan, nagpapahintulot sa Diyos na mailihis kayo at mapaslang na parang isang tupa, upang kayong lahat ay maging mga Pedro ng panahong 1990, at maaaring sukdulang mahalin ang Diyos kahit na nasa krus, nang walang kahit kaunting reklamo. Doon lamang kayo maaaring mamuhay bilang mga Pedro ng panahong 1990.


    Ang bawa’t isang may katiwasayan ay maaring manilbihan sa Diyos—subalit kailangan lamang yaong mga magbibigay ng kada pangangalaga sa kalooban ng Diyos at umunawa sa kalooban ng Diyos ang siyang karapat-dapat at may karapatang maglingkod sa Diyos. Sa inyong mga karanasan, makikita na maraming mga tao ang naniniwala na ang paglilingkod sa Diyos ay nangangahulugang maalab na pagkalat ng ebanghelyo ng Diyos, paglalakbay para sa Diyos, paggugol at pagsakripisyo para sa Diyos, at iba pa; mas maraming taong relihiyoso ang naniniwalang ang paglilingkod sa Diyos ay ang paglakad na may Biblia sa kanilang mga kamay, ikinakalat ang ebanghelyo ng kaharian ng langit at nagliligtas sa mga tao sa pag-utos sa kanila na magsisi at magkumpisal; maraming mga opisyal ng relihiyon ang nag-iisip na ang paglilingkod sa Diyos ay pangangaral sa kapilya matapos mag-aral sa seminaryo, pagtuturo sa mga tao ng pagbasa ng mga kabanata ng Biblia; maraming mga kapwa kapatid ang naniniwala na ang paglilingkod sa Diyos ay nangangahulugang hindi pag-aasawa o pagbuo ng isang pamilya, at paglalaan ng kanilang buong buhay sa Diyos; may mga tao rin sa mga naghihirap na rehiyon na naniniwalang ang paglilingkod sa Diyos ay ang paggamot at pagpapalayas ng mga demonyo, o pagdarasal para sa mga kapatid, o paglilingkod sa kanila; sa inyo, marami ang naniniwalang ang paglilingkod sa Diyos ay pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, at pananalangin sa Diyos araw-araw, at pagbisita sa mga simbahan saanman; gayundin, may mga tao na nagsasabing ang pamumuhay ng buhay sa simbahan ay paglilingkod sa Diyos. Ngunit iilang mga tao lang ang nakakaalam kung ano ang aktwal na kahulugan ng paglilingkod sa Diyos. Bagama’t mayroong maraming mga naglilingkod sa Diyos kahalintulad ng mga bilang ng bituin sa kalangitan, ang bilang ng maaaring direktang maglingkod, at sino ang may kakayahang maglingkod sa kalooban ng Diyos, ay kakaunti—napakaliit lamang. Bakit ko sinasabi ito? Sinasabi ko ito dahil hindi ninyo maintindihan ang kahalagahan ng pariralang “paglilingkod sa Diyos,” at mababaw ang inyong pag-unawa kung paano paglingkuran ang kalooban ng Diyos. Ngayon, pangunahing tinatalakay natin kung paano maglingkod alinsunod sa kalooban ng Diyos, paano maglingkod upang magpasaya sa kalooban ng Diyos.

    Kung nais ninyong maglingkod sa kalooban ng Diyos, dapat muna ninyong maunawaan kung anong uri ng mga tao ang minamahal ng Diyos, kung anong uri ng mga tao ang kinamumuhian ng Diyos, kung anong uri ng mga tao ang ginagawang perpekto ng Diyos, at kung anong uri ng mga tao ang karapat-dapat maglingkod sa Diyos. Ito man lang ang dapat na mayroon kayo. Dagdag pa rito, dapat ninyong malaman ang mga hangarin ng gawa ng Diyos, at ang gawa ng Diyos na gagawin dito at ngayon. Matapos unawain ito, at sa pamamagitan ng paggabay ng mga salita ng Diyos, kailangan muna ninyong pumasok, at unang tumanggap ng komisyon ng Diyos. Kapag aktwal kayong dumanas batay sa mga salita ng Diyos, at kapag tunay ninyong alam ang gawa ng Diyos, kayo ay magiging karapat-dapat sa paglilingkod sa Diyos. At kapag kayo ay naglilingkod sa Kanya, iminumulat ng Diyos ang inyong mga mata, at nagpapahintulot sa inyo na magkaroon ng isang mas higit na pang-unawa ng Kanyang gawa at mas malinaw itong makikita. Kapag pumasok ka sa katotohanan, ang iyong mga karanasan ay mas magiging malalim at tunay, at ang lahat sa inyo nagkaroon ng ganoong karanasan ay maaaring maglakad kabilang ang mga iglesia at maglaan sa inyong mga kapatid, ang bawat isa ay pinagmumulan ng lakas ng iba upang punan ang inyong sariling kakulangan, at nagkakaroon ng isang mas mayamang kaalaman sa inyong mga espiritu. Matapos makamit ang epektong ito, saka lamang kayo maaaring maglingkod sa kalooban ng Diyos at gawing perpekto ng Diyos sa kurso ng inyong serbisyo.

    Ang mga naglilingkod sa Diyos ay dapat kapuso ng Diyos, sila ay dapat na minahal ng Diyos, at may kakayanan sa sukdulang katapatan sa Diyos. Di alintana kung ikaw ay kumilos sa likod ng mga tao, o sa harap ng mga ito, ikaw ay makatatanggap ng kagalakan ng Diyos sa harap ng Diyos, ikaw ay may kakayahang tumindig nang matatag sa harap ng Diyos, at paano ka man tratuhin ng ibang mga tao, lagi mong tinatahak ang sarili mong landas, at maglaan ng pangangalaga sa bawat pasanin ng Diyos. Tanging ito ang isang kapuso ng Diyos. Na ang mga kapuso ng Diyos na maaaring direktang magsilbi sa Kanya dahil sila ay binigyan ng mahalagang komisyon ng Diyos, at pasanin ng Diyos, nagagawa nilang tratuhin ang puso ng Diyos bilang kanila, at maging ang pasanin ng Diyos bilang kanila, at hindi mahalaga sa kanila kung magkaroon o mawalan sila ng pagkakataon: Kahit wala silang pag-aasam, at wala silang makukuha, sila ay palagiang naniniwala sa Diyos na may mapagmahal na puso. At dahil dito, ang ganitong uri ng tao ay kapuso ng Diyos. Ang kapuso ng Diyos ay Kanya ring pinagkakatiwalaan; ang mga pinagkakatiwalaan lamang ng Diyos ang maaaring magbahagi ng Kanyang pagkabalisa, at Kanyang mga nais, at bagaman ang kanilang laman ay masakit at mahina, natitiis nila ang mga sakit at tinatalikdan ang kanilang sariling kasiyahan upang mapasaya ang Diyos. Nagbibigay ang Diyos ng mas maraming pasanin sa nasabing mga tao, at kung ano ang gagawain ng Diyos ay ipinapahayag gamit ang mga taong ito. Kaya, ang mga taong ito na minamahal ng Diyos, tagapaglingkod sila ng Diyos na nagnanais ng Kanyang sariling puso, at ang mga tanging tao na tulad nito ang maaaring mamuno kasama ng Diyos. Kapag ikaw ay tunay na naging kapuso ng Diyos ay tiyak na mamumuno ka kasama ng Diyos.

    Si Hesus ay nagawang kumpletuhin ang komisyon ng Diyos—ang gawain na pagtubos sa sangkatauhan—dahil ibinigay Niya ang bawat pagkalinga sa kalooban ng Diyos, nang walang pansariling pagpaplano at konsiderasyon. Kaya, pati, Siya ay kapuso ng Diyos—ang Diyos Mismo, isang bagay na lubos ninyong nauunawaan. (Sa katotohanan, Siya ang Diyos Mismo na pinatotohanan ng Diyos; nabanggit ko ito dito upang gamitin ang katotohanan kay Hesus upang isalarawan ang paksa.) Nagawa Niyang ilagay ang panukalang pamamahala ng Diyos sa kalagitnaan, at laging nananalangin sa Ama sa langit at hinahangad ang kalooban ng Ama sa langit. Nanalangin siya, at sinabi: “Diyos Ama! Ganapin yaong nasa sa Iyong kalooban, at kumilos hindi ayon sa Aking mga intensyon; na Iyong gagawain alinsunod sa Iyong kagustuhan. Maaaring mahina ang tao, ngunit bakit Ka dapat mag-alala para sa kanya? Paano mangyayari na tao ang paksa ng Iyong pag-aalala, tao na tulad ng isang langgam sa Iyong kamay? Sa Aking puso, nais ko lamang na makamit ang Iyong kalooban, at nais ko ang Iyong nanaisin na Aking gawain ayon sa Iyong sariling intensyon.” Habang nasa daan ng Herusalem, nadama ni Hesus ang paghihirap, na para bang ang isang kutsilyo ay iniikot sa Kanyang puso, subalit Siya ay walang pinaka-maliit na intensyong tumalima sa Kanyang mga salita; palaging mayroong isang malakas na puwersang humihimok sa Kanya na lumusong kung saan Siya ipapako sa krus. Sa huli, Siya ay ipinako sa krus at naging ka-anyo ng makasalanang laman, na kumukumpleto sa gawa ng pagtubos sa sangkatauhan, at umiibabaw sa posas ng kamatayan at ng Hades. Sa harap Niya, nawalan ng kapangyarihan ang kamatayan, impiyerno, at Hades, at nilupig Niya ang mga ito. Siya ay namuhay ng tatlumpu’t tatlong taon, sa kabuuan nito palagi Niyang ginagawa ang Kanyang makakaya upang matupad ang kalooban ng Diyos ayon sa gawa ng Diyos sa panahong iyon, hindi kailanman isinasaalang-alang ang Kanyang sariling pakinabang o kawalan, at laging isinasa-isip ang kalooban ng Diyos Ama. Kaya, matapos na Siya ay mabinyagan, sinabi ng Diyos: “Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.” Dahil sa Kanyang serbisyo sa harap ng Diyos na ayon sa kalooban ng Diyos, naglagay ang Diyos ng mabigat na pasanin ng pagtubos ng buong sangkatauhan sa Kanyang mga balikat at pinahayo Siya na tuparin ito, at Siya ay kwalipikado at may karapatan upang makumpleto ang mahalagang gawaing ito. Sa kabuuan ng Kanyang buhay, tiniis Niya ang walang-hangganang kaparusahan para sa Diyos, at Siya ay tinukso ni Satanas nang hindi mabilang na beses, ngunit Siya ay hindi kailanman nawalan ng pag-asa. Binigyan Siya ng Diyos ng nasabing gawain dahil pinagkakatiwalaan Niya Siya, at minamahal Siya, at kaya’t sinabi ng Diyos: “Ito ang sinisinta kong Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.” Sa oras na iyon, si Hesus lamang ang maaaring tumupad sa komisyong ito, at ito ay isang bahagi sa pagkumpleto ng Diyos sa Kanyang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya.

    Kung, katulad ni Hesus, kayo ay maaaring makapag-bigay ng pangangalaga sa pasanin ng Diyos, at talikdan ang inyong laman, ipagkakatiwala sa inyo ng Diyos ang Kanyang napakahalagang gawain sa inyo, upang inyong matugunan ang mga kondisyon ng paglilingkod sa Diyos. Ang mga nasabing pagkakataon lamang ang hahamon sa inyong sabihin na inyong ipapatupad ang kalooban ng Diyos at kukumpletuhin ang Kanyang komisyon, sa panahon lamang na iyon inyong masasabi na kayo ay tunay na naglilingkod sa Diyos. Kumpara sa halimbawa ni Hesus, mangangahas ka ba sabihing ikaw ay Kapuso ng Diyos? Mangangahas ka bang sabihin na isinasagawa mo ang kalooban ng Diyos? Mangangahas ka ba sabihing ikaw ay tunay na naglilingkod sa Diyos? Kung, ngayon, hindi mo nauunawaan ang nasabing serbisyo sa Diyos, ikaw ba ay mangangahas sabihing kapuso ka ng Diyos? Kung sinasabi mong ikaw ay naglilingkod sa Diyos, hindi ka ba lumalapastangan laban sa Kanya? Pag-isipan ninyo ito: Ikaw ba ay naglilingkod sa Diyos, o sa iyong sarili? Nagsisilbi ka kay Satanas, ngunit patuloy mong bulag na sinasabing naglilingkod ka sa Diyos—hindi mo ba nilalapastangan ang Diyos sa ganito? Maraming tao sa Aking likuran na nagnanais sa estado ng pagpapala, nilalamon nila ang pagkain, nais nila palagiang magpahinga at laging pangalagaan ang laman, laging natatakot na walang paraan sa laman. Hindi nila ginagawa ang kanilang karaniwang tungkulin sa simbahan, at kumakain nang walang bayad, o pinagsasabihan ang kanilang mga kapatid gamit ang Aking mga salita, masigasig silang nakatayo at ipinamukha sa iba. Palagiang sinasabi ng mga taong ito na dala nila ang kalooban ng Diyos, lagi nilang sinasabi na sila ay kapuso ng Diyos—hindi ba ito kahibangan? Kung ikaw ay may matuwid na adhikain, ngunit hindi napaglilingkuran ang kalooban ng Diyos, kung gayon ikaw ay nananatiling mangmang; ngunit kung ang iyong mga adhikain ay hindi tama, at sinasabi mo pa rin na ikaw ay naglilingkod sa Diyos, sa gayon ikaw ay taong sumasalungat sa Diyos, at marapat parusahan ng Diyos! Wala Akong simpatya sa mga naturang tao! Sa bahay ng Diyos malaya silang kumakain, at hinahangad ang kasaganahan ng laman, at walang konsiderasyon sa pagsasaalang-alang sa mga interes ng Diyos; lagi nilang hinahanap kung ano ang mabuti para sa kanila, hindi nila pinapansin ang kalooban ng Diyos, ang lahat ng kanilang ginagawa ay hindi pinapahintulutan ng Espiritu ng Diyos, lagi silang umiiwas at nagbabanta laban sa kanilang mga kapatid, at balat-kayo, tulad ng isang soro na nagnanakaw ng ubas, at sumisira ng ubasan. Maaari bang maging kapuso ng Diyos ang mga taong iyon? Ikaw ba ay wasto upang matanggap ang biyaya ng Diyos? Wala kang pananagutan sa iyong buhay at simbahan, ikaw ba ay wasto na matanggap ang komisyon ng Diyos? Sino ang mangangahas na magtiwala sa isang katulad mo? Kapag ikaw ay naglilingkod nang ganito, maaari bang magtiwala ang Diyos sa iyo ng mas mabigat na gawain? Hindi ba ninyo inaantala ang mga bagay?

    Sinasabi ko ito upang inyong malaman kung anong mga kondisyon ang dapat matupad upang magsilbi sa pagkakaayon sa kalooban ng Diyos. Kung hindi ninyo ibibigay ang inyong puso sa Diyos, kung hindi ninyo ibibigay ang bawat pangangalaga sa kalooban ng Diyos katulad ni Hesus, sa gayon kayo ay hindi mapagkakatiwalaan ng Diyos, at mauuwi sa paghahatol ng Diyos. Marahil ngayon, sa iyong paglilingkod sa Diyos, palagi mong kinukupkop ang intensyon na dayain ang Diyos—ngunit tatandaan ka pa rin ng Diyos. Sa madaling salita, hindi iniisip ang alinman, kung iyong dadayain ang Diyos, walang pusong paghuhusga ang mapapasa iyo. Dapat ninyong samantalahin ang pagkakapasok sa tamang landas ng paglilingkod sa Diyos kung saan una muna ninyong ibigay ang inyong puso sa Diyos, nang walang hati na katapatan. Hindi isinasalang-alang kung ikaw ay nasa harapan ng Diyos, o sa harap ng ibang tao, ang iyong puso ay dapat laging nakaharap sa Diyos, at dapat mong matapat na mahalin ang Diyos katulad ni Hesus. Sa paraang ito, gagawin kang perpekto ng Diyos, upang ikaw ay maging tagapaglingkod ng Diyos na siyang nagnanasa sa Kanyang puso. Kung iyong tunay na nais na gawin kang perpekto ng Diyos, at para sa iyong serbisyo na maging kaayon sa Kanyang kalooban, dapat mong palitan ang iyong mga dating pananaw tungkol sa pananampalataya sa Diyos, at baguhin ang paraan na iyong ginamit upang maglingkod sa Diyos, nang sa gayon ay higit pa sa iyo ang gagawing perpekto ng Diyos; sa paraang ito, ang Diyos ay hindi ka iiwanan, at, katulad ni Pedro, pangungunahan mo yaong mga nagmamahal sa Diyos. Kung ikaw ay mananatiling walang pagsisisi, matatanggap mo ang kaparehong pagtatapos katulad ni Hudas. Ito ay dapat na maunawaan ng lahat ng mga taong naniniwala sa Diyos.

Mula sa  Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)



Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan


Lunes, Setyembre 11, 2017

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tinuturing ng Diyos ang Tao Bilang Kanyang Pinakamamahal



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tinuturing ng Diyos ang Tao Bilang Kanyang Pinakamamahal

Nilikha ng Diyos ang tao;

naging masama man ito o sumunod man sa Kanya,
Itinatanging nilikha,
pinakamamahal pa rin ng Diyos.
Ang tao'y 'di laruan para sa Kanya.

Diyos ang Tagapaglikha at ang tao'y Kanyang nilikha.
Tila iba ang hanay,
ngunit lahat ng gawa ng Diyos ay higit pa sa kanilang ugnayan.
Mahal ng Diyos ang tao, laging alaga't malasakit binibigay.

Sabado, Setyembre 9, 2017

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Paghihintay (2)


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Paghihintay (2)

Nahaharap sa ikalawang pagdating ng Panginoon, masyado ka bang matatakot sa mga bulaang Cristo na isasara mo ang pinto upang protektahan ang iyong sarili at maghintay para sa pagbubunyag ng Panginoon, o kikilos ka tulad ng matalinong birhen, at dinggin ang tinig ng Diyos at batiin ang pagbabalik ng Panginoon? Sasabihin sa iyo ng maikling video na ito kung paano salubungin ang ikalawang pagbabalik ng Panginoon.

Biyernes, Setyembre 8, 2017

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Paghihintay (1)


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Clip ng Pelikulang Paghihintay (1)

Sa muling pagdating ng Panginoon, bababa kaya Siya na nasa mga alapaap, o darating kaya Siya nang palihim na tulad ng isang magnanakaw? Paano mo haharapin ang pangalawang pagdating ng Panginoon? Masyado ka bang natatakot na iligaw ng isang huwad na Cristo na tatanggi ka nang hanapin Siya, o gagawin mo ang bahagi ng matalinong birhen at maingat na dinggin ang tinig ng Diyos? Paano ba tayo dapat "mag-abang at maghintay" upang magagawa nating salubungin ang Panginoon sa Kanyang pagbabalik? Panoorin ang maikling video na ito!

Huwebes, Setyembre 7, 2017

Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos | Kanino Ka Matapat?



Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos | Kanino Ka Matapat?

     Bawat araw na pinagdaraanan ninyo ngayon ay lubhang maselan at mahalaga sa inyong hantungan at inyong kapalaran, kaya’t dapat ninyong pakamahalin ang lahat ng inyong mga pag-aari at bawat minutong lumilipas. Maging matalino sa paggamit ng inyong panahon upang bigyan ang inyong mga sarili ng pinaka-malalaking matatamo, nang sa gayon ay hindi mawalan ng saysay ang inyong buhay. Marahil nalilito kayo kung bakit sinasabi Ko ang mga ito. Sa totoo lang, hindi Ako nalulugod sa mga ikinikilos ng sinuman sa inyo. Sapagkat ang mga inaasahan Ko para sa inyo ay hindi lamang kung ano kayo ngayon. Kaya’t maipapahayag Ko ito sa ganitong paraan: Kayong lahat ay nasa bingit ng kapahamakan. Ang inyong dating mga panaghoy para sa kaligtasan maging ang mga dating hangaring makamit ang katotohanan at hanapin ang liwanag ay nalalapit na sa katapusan. Ito ang kung paano ninyo Ako bayaran sa katapusan na hindi Ko inasam kailanman. Hindi Ko nais magsalita ng salungat sa katotohanan, sapagka’t labis ninyo Akong nabigo. Marahil hindi ninyo nais na iwanan ang bagay na ito nang ganoon na lamang o hindi ninyo nais harapin ang realidad, ngunit mataimtim Kong itatanong ito sa inyo: Sa buong panahong ito, napuno ng ano ang inyong mga puso? Kanino tapat ang inyong mga puso? Huwag ninyong sabihin na biglaan ang Aking katanungan at huwag ninyo Akong tanungin kung bakit nagtatanong Ako ng ganito. Kailangan ninyong malaman ito: Ito ay dahil labis Ko kayong kilala, pinagmalasakitan nang labis, at labis na inilaan ang Aking puso sa inyong mga ginagawa; kaya kayo’y tinatanong Ko nang paulit-ulit at tinitiis ang matinding hirap. Gayunman, Ako’y ginantihan ng pagwawalang-bahala at di-makayanang pagpayag. Sobrang mapagpabaya kayo sa Akin; paanong wala Akong nalaman tungkol dito? Kung naniniwala kayo na ito ay posible, higit itong nagpapatunay nang hindi mabuting pakikitungo ninyo sa Akin. Kung gayon, sasabihin Kong nililinlang ninyo ang inyong mga sarili. Masyado kayong tuso na hindi ninyo alam ang inyong mga ginagawa; ano kung gayon ang inyong gagamitin upang magsulit sa Akin?

Miyerkules, Setyembre 6, 2017

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Paghihintay: Sasalubungin ng mga Matatalinong Birhen ang Panginoon



Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Paghihintay: Sasalubungin ng mga Matatalinong Birhen ang Panginoon

Pastor si Hou'en sa isang bahay na iglesia sa Tsina. Kasama ang kanyang ama na si Yang Shoudao, naghintay sila na bumaba ang Panginoong Jesus mula sa mga ulap at dalhin sila sa kaharian ng langit. Dahil dito, masigasig silang nagtrabaho para sa Panginoon, pinanghawakan ang Kanyang pangalan, at naniwala na ang sinumang bumaba mula sa mga ulap na hindi ang Panginoong Jesus ay bulaang Cristo. At kaya, nang mabalitaan nila ang pangalawang pagbabalik ng Panginoon, hindi nila ito pinakinggan o tinanggap. Sa tingin nila ay mas mabuti ang magmasid at maghintay.... Habang sila’y naghihintay, tinanggap ng pinsan ni Yang Hou'en na si Li Jiayin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, at ibinahagi ang ebanghelyo sa kanila. Matapos ang ilang matitinding talakayan, sa wakas ay naintindihan ni Yang Hou'en ang tunay na kahulugan ng “magmasid at maghintay,” at nakita na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, ang daan, ang buhay, at ang mga ito ay ang tinig ng Panginoon, at ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagbabalik ng Panginoong Jesus na kanilang hinintay sa loob ng maraming taon....

Martes, Setyembre 5, 2017

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Paano Makilala ang Diyos sa Lupa

langit, katotohanan,  Cristo, Espiritu, pag-ibig

   
Diyos, katotohanan,  Cristo, Espiritu, pag-ibig
Mga pagbigkas ng Makapangyarihang DiyosPaano Makilala ang Diyos sa Lupa


      Kayong lahat ay nagagalak na makatanggap ng gantimpala sa harap ng Diyos at maging layon ng Kanyang pabor sa Kanyang mga mata. Ito ang nais ng bawat isa pagkatapos niyang magsimulang manampalataya sa Diyos, sapagkat ang tao ay naghahangad ng mas mataas na mga bagay nang buong puso at walang sinuman ang nagnanais mapag-iwanan ng iba. Ito ang pamamaraan ng tao. Dahil dito mismo, marami sa inyo ang palaging sinusubukan na makamit ang pabor ng Diyos na nasa langit, ngunit sa katotohanan, ang inyong katapatan at kalantaran sa Diyos ay mas kaunti kaysa sa inyong katapatan at kalantaran sa sarili. Bakit Ko sinasabi ito? Sapagkat talagang hindi Ko kinikilala ang inyong katapatan sa Diyos, at higit Kong ikakaila ang pag-iral ng Diyos na umiiral sa inyong mga puso. Ibig sabihin, ang Diyos na inyong sinasamba, ang malabong Diyos na inyong hinahangaan, ay talagang hindi umiiral. Ang dahilan kung bakit nasasabi Ko ito nang may pagtatapos ay sapagkat napakalayo ninyo sa tunay na Diyos. Ang dahilan kung bakit may katapatan kayo ay palibhasa may pag-iral ng isang diyus-diyosan sa inyong mga puso, at para sa Akin. ang Diyos na ipinapalagay bilang hindi malaki ni maliit sa inyong mga mata, ang tanging ginagawa ninyo ay kilalanin Ako sa salita. Kapag sinasabi Ko ang inyong malaking agwat mula sa Diyos, ang tinutukoy Ko ay kung gaano kayo kalayo sa tunay na Diyos, samantalang ang malabong Diyos ay parang napakadaling abutin. Kapag sinabi Kong “hindi dakila,” ang tinutukoy nito ay kung paanong ang Diyos na pinanampalatayanan ninyo sa panahong ito ay mukhang tao lang na walang dakilang kakayanan; isang tao na hindi masyadong matayog. At kapag sinabi Kong “hindi maliit,” ibig sabihin nito, kahit ang taong ito ay hindi kayang tawagin ang hangin at utusan ang ulan, gayunpaman kaya Niyang tumawag sa Espiritu ng Diyos para gumawa ng gawaing makayayanig sa langit at lupa, pinananatiling lubos na nalito ang tao. Sa panlabas, kayong lahat ay tila napakamasunurin sa Cristong ito sa lupa, bagamat sa diwa, wala kayong pananampalataya sa Kanya, ni pag-ibig sa Kanya. Ang ibig Kong sabihin ay ang totoong pinanampalatayanan ninyo ay ang malabong Diyos sa inyong mga damdamin, at ang totoong minamahal ninyo ay ang Diyos na hinahangad ninyo sa gabi at sa araw, ngunit hindi nakita ng personal kailanman. At para sa Cristong ito, ang pananampalataya ninyo ay maliit na bahagdan lamang, at ang inyong pag-ibig sa Kanya ay balewala. Ang ibig sabihin ng pananampalataya ay paniniwala at pagtitiwala; ang ibig sabihin ng pag-ibig ay pagsamba at ang paghanga sa puso, na kailanma’y hindi maghihiwalay. Gayunman ang inyong pananampalataya sa at pag-ibig kay Cristo sa panahong ito ay malayong makaabot dito. Pagdating sa pananampalataya, paano kayo sumasampalataya sa Kanya? Pagdating sa pag-ibig, paano bang Siya ay minamahal ninyo? Wala talaga kayong alam sa Kanyang disposisyon, lalo nang mas kaunti pang alam sa Kanyang diwa, kaya’t paano kayo nagkaroon ng pananampalataya sa Kanya? Nasaan ang realidad ng inyong pananampalataya sa Kanya? Paano ninyo Siya minamahal? Nasaan ang realidad ng inyong pag-ibig sa Kanya?

Lunes, Setyembre 4, 2017

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Walang Nakababatid sa Pagdating ng Diyos



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Walang Nakababatid sa Pagdating ng Diyos

Walang may kamalayan sa pagdating ng Diyos,
walang sumalubong sa pagdating Niya.
Higit pa, walang may-alam sa gagawin ng Diyos.
Walang may-alam ng gagawin N'ya.
Buhay ng tao'y sadyang hindi nagbabago.
Kasama natin ang Diyos gayang karaniwang tao,
bilang pinakahamak sa lahat ng tagasunod,
bilang karaniwang mananalig.
May sarili Siyang hangarin at layunin.
May pagka-Diyos Siyang di-taglay ng tao.
Walang nakabatid ng Kanyang pagka-Diyos,
o ang kaib'hang Kanyang diwa sa tao.