Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kristiyanismo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kristiyanismo. Ipakita ang lahat ng mga post

Miyerkules, Enero 8, 2020

Paano ba Dapat Unawain ang Kristiyanismo?


Zheng Weiguo(Pastor ng isang United Front Work Department ng bayan): Matagal na akong nagtatrabaho para sa United Front, at napag-aralan ko na ang iba’t ibang relihiyon. Ang Kristiyanismo, Katolisismo at Eastern Orthodoxy ay pawang mga relihiyong orthodox na nananalig kay Jesus. Pero ibang-iba ang pananalig n’yo sa Makapangyarihang Diyos. Ayon sa mga dokumento ng CCP, ang Makapangyarihang Diyos ay ni hindi kabilang ng Kristiyanismo. Nangangaral kayo ng ebanghelyo sa iba’t ibang sekta sa ilalim ng Kristiyanismo na hindi kayo kinikilalang Kristiyano. Kaya hinding-hindi ko kayo papayagang manalig sa Makapangyarihang Diyos. Maaari lang kayong manalig sa Kristiyanismo kung gusto nyo. Mas magaan ang pagpapahirap ng gobyerno sa ganitong paraan.

Huwebes, Enero 2, 2020

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Tungkol sa Biblia (1)


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Tungkol sa Biblia (1)


Paano dapat pag-aralan ang Biblia tungkol sa paniniwala sa Diyos? Ito ay isang tanong ng prinsipyo. Bakit natin pinag-uusapan ang tanong na ito? Dahil sa hinaharap ay ipalalaganap mo ang ebanghelyo at palalawakin ang gawain ng Kapanahunan ng Kaharian, at hindi sapat na pag-usapan lamang ang gawain ng Diyos ngayon. Upang palawakin ang Kanyang gawa, mas mahalaga na malutas mo ang mga lumang relihiyosong pagkaintindi ng tao at lumang paraan ng paniniwala, at iwan sila na lubos na kumbinsido—at ang pagtungo sa puntong ito ay may kinalaman sa Bibilia. Sa maraming taon, ang mga kinaugaliang paraan ng paniniwala ng mga tao (ng Kristiyanismo, ang isa sa tatlong pangunahing relihiyon ng mundo) ay ang basahin ang Biblia; ang paglihis mula sa Biblia ay hindi paniniwala sa Panginoon, ang paglihis mula sa Biblia ay paglihis sa pananampalataya, at hidwang paniniwala, at kahit na basahin pa ng mga tao ang ibang mga libro, ang pundasyon ng mga librong ito ay dapat ang pagpapaliwanag sa Bibilia.

Linggo, Agosto 26, 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ika-anim na Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang pagtrato ng Diyos sa mga taong lumalapastangan o kumakalaban sa Kanya o maging yaong naninira sa Kanya—mga tao na sinasadyang atakihin, siraan, at sumpain Siya—hindi Siya nagbubulag-bulagan o nagbibingi-bingihan. Mayroon Siyang isang malinaw na saloobin tungo sa kanila. Hinahamak Niya ang mga taong ito, at sa Kanyang puso ay hinahatulan sila. Sinabi pa Niya nang hayagan ang kalalabasan para sa kanila, nang upang malaman ng mga tao na Siya ay mayroong malinaw na saloobin tungo sa kanila na lumalapastangan sa Kanya, at ang sa gayon ay kanilang malaman na pagpapasyahan Niya ang kanilang kalalabasan. Gayunman, pagkatapos sabihin ng Diyos ang mga ito, hindi pa rin halos makita ng mga tao ang ukol sa kung paano haharapin ng Diyos ang mga taong iyon, at hindi nila maiintindihan ang mga panuntunan sa likod ng kalalabasan ng Diyos, ang Kanyang hatol para sa kanila. Na ang ibig sabihin, hindi makita ng sangkatauhan ang partikular na saloobin at mga pamamaraan na mayroon ang Diyos sa pagharap sa kanila. Ito ay may kinalaman sa mga panuntunan ng Diyos sa paggawa ng mga bagay. Ginagamit ng Diyos ang pagdating ng mga katotohanan upang makitungo sa masamang pag-uugali ng mga tao. Iyon ay, hindi Niya ipinapahayag ang kanilang kasalanan at hindi pinagpapasyahan ang kanilang kalalabasan, ngunit ginagamit Niya nang tuwiran ang pagdating ng mga katotohanan upang tulutan silang maparusahan, upang makuha ang kanilang nararapat na kagantihan. Kapag nangyari ang mga katotohanang ito, ang laman ng mga tao ang magdaranas ng kaparusahan; lahat ng ito ay isang bagay na maaaring makita sa mga mata ng tao. Sa pakikitungo sa masamang pag-uugali ng mga tao, sinusumpa lamang sila ng Diyos sa mga salita, ngunit kasabay nito, ang galit ng Diyos ay darating sa kanila, at ang kaparusahan na kanilang matatanggap ay maaaring isang bagay na hindi nakikita ng mga tao, ngunit ang ganitong uri ng kalalabasan ay maaaring mas malala pa kaysa sa mga kalalabasan na nakikita ng mga tao sa pinarurusahan o pinapatay."

Manood ng higit pa: Paano Dapat Unawain ang Kristiyanismo?


Biyernes, Agosto 24, 2018

Tagalog Christian Music Video "Sa Kapanahunan ng Kaharian, Ginaganap ng Salita ang Lahat ng Bagay"

Aking impresyon: Sinasabi ng Diyos, "Sa Kapanahunan ng Kaharian,naghahatid ang Diyos sa isang bagong kapanahunan ng salita.Binabago Niya ang paraan ng Kanyang gawain, ginagawa ang gawain ng buong kapanahunan gamit ang salita.Ito'y panuntunan ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita." Nakikita ko na ang Diyos ay gumagamit ng mga salita upang mamuno sa tao sa bawat panahon at ang Diyos ay gumagawa ng iba't ibang kaparaanan ayon sa pangangailangan ng tao sa bawat panahon! Ginamit ng Diyos ang mga salita upang likhain ang mundo, na nag-utos kay Adan at Eba na huwag kainin ang bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama; Nagbigay si Jehova ng Sampung Utos upang pamunuan ang mga Israelita upang mabuhay sa lupa sa kapanahunan ng Batas; ang Panginoong Jesus ay nagsalita at nagturo sa atin kung paano mabuhay ang pag-ibig sa kapanahunan ng Biyaya; at ngayon, sa huling kapanahunang ito, ang Diyos ay naging laman at nagsasalita ng mga bagong salita upang dalhin sa kapanahunan ng Kaharian. Ang lahat ng mga pumasok sa panahong ito ay makaranas ng gawain ng Diyos ng pagkastigo at paglilinis sa mga salita ng Diyos. Pagkatapos ay malalaman natin kung paano tayo inililigtas ng plano ng pamamahala ng Diyos mula sa kapangyarihan ni Satanas, kung kaya't alam kung paano pinarurusahan ng matuwid na disposisyon ang tao, magbigay ng awa sa tao at pagpalain ang tao ... Ang hymn ng "Sa Kapanahunan ng Kaharian, Ginaganap ng Salita ang Lahat ng Bagay" alamin pa natin ng higit pa ang kalooban ng Diyos. Gusto kong ibahagi ang himnong ito sa inyo!





I

Sa Kapanahunan ng Kaharian,

naghahatid ang Diyos sa isang bagong kapanahunan ng salita.

Binabago Niya ang paraan ng Kanyang gawain,

ginagawa ang gawain ng buong kapanahunan gamit ang salita.

Ito'y panuntunan ng paggawa ng Diyos

sa Kapanahunan ng Salita.

Siya'y nagkat'wang-tao

upang magsalita mula sa iba't-ibang posisyon,

upang tunay na makita ng tao ang Diyos,

ang Salitang nagpapakita sa katawang-tao,

makita Kanyang himala't makita Kanyang karunungan.

Ang gayong gawai'y upang mas makamit mga layunin

ng paglupig sa tao, pagperpekto sa tao, pag-alis sa tao.

Ito ang tunay na kahulugan ng paggamit ng salita

upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita,

sa Kapanahunan ng Salita.

Lunes, Hulyo 9, 2018

"Red Re-Education sa Bahay" (3) | Ipinaliwanag ng mga Kristiyano ang Pinag-ugatan at Resulta ng Pagkalaban ng Chinese Communist Party sa Diyos

Impresyon pagkatapos manood: Itinala ng kasaysayan kung paano pinarusahan ng Diyos ang rehimeng Romano dahil sa pag-uusig sa mga Kristiyano. At ngayon, ang gobyerno ng CCP ay lumalaban sa gawain ng Diyos at inaresto ang mga piniling tao ng Diyos. Paano ito magtatapos? Ang 13-minutong video ay ibubunyag ang sagot para sa atin.




Mula nang hibang na pahirapan ng CCP ang mga Kristiyano at kailangan pa nilang makita kung pupuksain ito ng Diyos, maraming hindi naniwala na ang pagkalaban sa Diyos ay hahantong sa paghihiganti o parusa, at lalong hindi sila naniniwala na mayroong Diyos o na Siya ang namamahala. May batayan ba sa katotohanan ang pananaw na ito? Naaayon ba ito sa mga tunay na pangyayari sa gawain ng Diyos?

Rekomendasyon:Paano Dapat Unawain ang Kristiyanismo?

Lunes, Hunyo 25, 2018

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ikadalawampu’t-apat na Pagbigkas

══════════════  ════════════

Kristiyanismo, kaharian , Espiritu, buhay, Langit
    Dumarating ang Aking pagkastigo sa lahat ng mga tao, gayon pa man ay nananatili rin itong malayo mula sa lahat ng mga tao. Ang buong buhay ng bawat tao ay puno ng pag-ibig at pagkamuhi sa Akin, at wala itong kakayahan sa pagiging-normal. Gayunman ay parati Kong inalagaan at iningatan ang tao, at mapurol lamang ang kanyang isipan kaya wala siyang kakayahang makita ang lahat ng Aking mga gawa at maunawaan ang masigasig Kong mga hangarin. Ako ang nangungunang Isa sa gitna ng lahat ng mga bansa, at ang pinakamataas sa gitna ng lahat ng mga tao; hindi lamang talaga Ako kilala ng tao. Sa maraming taon, nanirahan Ako sa kalagitnaan ng tao at naranasan ang buhay sa mundo ng tao, gayon pa man lagi niya Akong ipinagsawalang-bahala at itinuring Akong katulad ng isang nilalang na nagmula sa kalawakan. Bunga nito, itinuturing Ako ng mga tao na katulad ng isang banyaga sa daan dahil sa mga pagkakaiba sa disposisyon at wika. Ang damit Ko rin ay tila masyadong kakaiba, at bilang resulta, walang lakas ng loob ang tao para lapitan Ako. Diyan Ko lamang nararamdaman ang kalungkutan ng buhay sa kalagitnaan ng tao, at diyan Ko rin lamang nararamdaman ang kawalan-ng-hustisya sa mundo ng tao. Lumalakad Ako sa kalagitnaan ng mga dumadaan, pinagmamasdan ang lahat ng kanilang mga mukha. Ito ay parang nabubuhay sila sa kalagitnaan ng isang karamdaman, bagay na nagpupuno ng kalungkutan sa kanilang mga mukha, at sa gitna ng pagkastigo, na pumipigil sa kanilang paglaya. Iginagapos ng tao ang kanyang sarili, at ibinababa ang kanyang sarili. Sa harapan Ko, karamihan sa mga tao ay lumilikha ng maling palagay tungkol sa kanilang mga sarili sa gayon ay maaring mapuri Ko sila, sadyang nag-aanyong kahabag-habag sa harap Ko ang karamihan sa mga tao sa gayon ay maaring makakuha sila ng tulong mula sa Akin. Sa Aking likuran, nililinlang at sinusuway Ako ng lahat ng mga tao. Hindi ba tama Ako? Hindi ba ito ang diskarte ng tao para manatiling buhay? Sino na ang kahit kailan ay nabuhay ng mas matagal kaysa sa Akin? Sino na ang kahit kailan ay nagtaas sa Akin sa gitna ng iba? Sino na ang kahit kailan ay nagapos sa harapan ng Espiritu? Sino na ang kahit kailan ay naging matatag sa kanilang patotoo sa Akin sa harapan ni Satanas? Sino na ang kahit kailan ay nagdagdag ng pagiging-totoo sa “katapatan” nila sa Akin? Sino na ang kahit kailan ay inalis ng malaking pulang dragon dahil sa Akin? Sumapi na ang mga tao kay Satanas, mga bihasa sila sa pagsuway sa Akin, sila ang mga may-likha ng pagsalungat sa Akin, at sila ay mga nagsipagtapos sa pakikipagtawaran sa Akin. Para sa kapakanan ng sarili niyang tadhana, naghahanap ang tao dito at doon sa lupa; kapag kinakawayan Ko siya, nananatili siyang walang-pandama sa Aking pagiging-napakahalaga at patuloy siya sa pananampalataya sa kanyang pagsandig sa kanyang sarili, ayaw niyang maging isang pasanin sa iba. Mahalaga ang mga hangarin ng tao, gayunman walang kaninumang mga hangarin ang kailanman ay ganap na nakamit: Gumuguho silang lahat sa harapan Ko, bumabagsak nang tahimik.

Huwebes, Hunyo 21, 2018

Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus | Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya



Sabi ng Makapangyarihang Diyos, "Sa mga panahong nakaraan, maraming nagpatuloy sa ambisyon at mga paniwala ng tao at alang-alang sa mga pag-asa ng tao. Ang mga bagay na ito ay hindi tatalakayin ngayon. Ang susi ay upang maghanap ng isang paraan ng pagsasagawa na magbibigay-daan sa bawat isa sa inyo upang mapanatili ang isang karaniwang kalagayan sa harap ng Diyos at upang unti-unting makawala sa mga kadena ng impluwensya ni Satanas, upang kayo ay maaaring makamit ng Diyos, at isabuhay sa mundo kung ano ang hinihiling sa inyo ng Diyos. Tanging ito ang maaaring makatupad sa hangad ng Diyos."
Diyos, Kristiyanismo, pag-asa,  Panginoong Jesus

           

Rekomendasyon:Paano Dapat Unawain ang Kristiyanismo?