Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Salita ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Salita ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Biyernes, Disyembre 27, 2019

Ano ang pagsunod sa kalooban ng Diyos? Pagsunod ba sa kalooban ng Diyos kung nangangaral at gumagawa lamang ang isang tao para sa Panginoon?


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili” (Mateo 22:37–39).

Biyernes, Mayo 31, 2019

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos (Ikalawang Bahagi)


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos (Ikalawang Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos:  "Ang Diyos ng mga huling araw ay pangunahing gumagamit ng salita upang gawing perpekto ang tao. Hindi Siya gumagamit ng mga tanda at mga kababalaghan upang apihin ang tao, o kumbinsihin ang tao; hindi nito maaaring gawing payak ang kapangyarihan ng Diyos. Kung nagpakita lamang ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, samakatwid magiging imposible na gawing payak ang realidad ng Diyos, at sa gayon imposibleng gawing perpekto ang tao. Hindi ginagawang perpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng mga tanda at mga kababalaghan, subalit gumagamit ng salita upang diligin at pastulan ang tao, at pagkatapos nito ay makakamit ang ganap na pagkamasunurin ng tao at ang kaalaman ng tao sa Diyos. Ito ang layon ng gawaing ginagawa Niya at ang mga salitang winiwika Niya. Hindi ginagamit ng Diyos ang paraan ng pagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan upang gawing perpekto ang tao—gumagamit Siya ng mga salita, at gumagamit nang maraming iba-ibang mga paraan ng gawain upang gawing perpekto ang tao. Maging ito man ay ang kapinuhan, pakikitungo, pagpupungos, o pagbibigay ng mga salita, ang Diyos ay nagwiwika mula sa maraming iba-ibang perspektibo upang gawing perpekto ang tao, at upang bigyan ang tao ng mas malaking kaalaman sa gawain, karunungan at pagka-kamangha-mangha ng Diyos. Kapag ang tao ay naging kumpleto na sa panahon na tinatapos ng Diyos ang kapanahunan sa mga huling araw, magiging kwalipikado siya na tumingin sa mga tanda at mga kababalaghan."

Miyerkules, Mayo 22, 2019

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Anuman ang Sabihin ng Diyos ay ang Mismong Paghatol sa Tao




Ang Patotoo ng isang Cristiano | Anuman ang Sabihin ng Diyos ay ang Mismong Paghatol sa Tao


Xunqiu Lungsod ng Nanyang, Lalawigan ng Hena


Madalas kong iniisip na hinatulan at kinastigo lang ng Diyos ang tao kapag ibinunyag Niya ang likas na katiwalian ng tao o nagpahayag ng masasakit na salita na humatol sa katapusan ng tao. Kailan lang nang isang insidente ang naghatid sa akin upang mapagtanto na kahit ang mga magiliw na salita ng Diyos ay Kanya ring paghatol at pagkastigo. Napagtanto ko na bawat salitang sinabi ng Diyos ay ang Kanyang paghatol sa tao.

Sabado, Mayo 11, 2019

Salita ng Diyos | "Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos"


Salita ng Diyos | "Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos"


      Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang disposisyon ng tao ay dapat magbago simula sa kaniyang likas na pagkatao at hanggang sa mga pagbabago sa kaniyang pag-iisip, kalikasan, at pangkaisipang pananaw—sa pamamagitan ng mga pangunahing pagbabago. Tanging sa ganitong paraan lamang makakamtan ang mga tunay na pagbabago sa disposisyon ng tao. Ang masamang disposisyon ng tao ay nagbuhat sa pagkalason at pagyurak ni Satanas, mula sa napakalaking pinsala na idinulot ni Satanas sa kanyang pag-iisip, moralidad, pang-unawa at katinuan. Ito ay tiyak na dahil ang mga pangunahing bagay ng tao ay pinasama ni Satanas, at ganap na hindi na tulad ng orihinal na pagkakalikha ng Diyos sa kanila, na ang tao ay lumalaban sa Diyos at hindi na nauunawaan ang katotohanan. Kaya, ang mga pagbabago sa disposisyon ng tao ay dapat magsimula sa kanyang pag-iisip, pang-unawa at katinuan na siyang makapagpapabago sa kaniyang pagkakilala sa Diyos at kanyang pagkakilala sa katotohanan." 

Huwebes, Mayo 9, 2019

Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain (Ikalawang Bahagi)


Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain (Ikalawang Bahagi)

Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito:
Maglakad sa Landas ng Diyos: Matakot sa Diyos at Iwasan ang Kasamaan
Gumagamit ang Diyos ng Iba’t ibang mga Pagsubok upang Suriin kung ang mga Tao ay Takot sa Diyos at Iwas sa Kasamaan
Ang Hindi Matakot sa Diyos at Iwasan ang Kasamaan ay Pagtutol sa Diyos

Linggo, Mayo 5, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | "Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos"



Mga Pagbigkas ni Cristo | "Dapat Kang Mamuhay sa Katotohanan Dahil Naniniwala Ka sa Diyos" (Salita ng Buhay)


   Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kaya hindi kasing-simple ng sinasabi ng tao ang pananampalataya sa Diyos. Sa paningin ng Diyos, kung may kaalaman ka lang ngunit wala ang salita Niya bilang iyong buhay; kung limitado ka lamang sa iyong sariling kaalaman ngunit hindi kayang isagawa ang katotohanan o maranasan ang salita ng Diyos, ito ay patunay pa rin na wala kang puso ng pag-ibig para sa Diyos, at ipinakikita na ang iyong puso ay hindi pag-aari ng Diyos. Pagdating sa pagkilala sa Diyos sa pamamagitan ng pananalig sa Kanya; ito ang panghuling layunin at dapat hanapin ng tao. Dapat kang magtalaga ng pagsisikap na isabuhay ang mga salita ng Diyos upang ang mga ito ay maisakatuparan sa iyong pagsasagawa. Kung mayroon ka lamang na kaalamang doktrina, kung gayon ang iyong pananampalataya sa Diyos ay mauuwi sa wala. Tanging kung isagawa at isabuhay mo ang Kanyang mga salita, maaaring ituring na ganap ang iyong pananampalataya at ayon sa kalooban ng Diyos." 

Miyerkules, Mayo 1, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX (Ikatlong Bahagi)



Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX (Ikatlong Bahagi)



    Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang lahat ng mga bagay ay hindi maaaring mahiwalay sa pamamahala ng Diyos, at wala ni isang katao ang maaaring maghiwalay ng kanilang mga sarili mula sa Kanyang pamamahala. Ang pagkawala ng Kanyang pamamahala at pagkawala ng Kanyang mga pagtutustos ay mangangahulugan na ang buhay ng mga tao, buhay ng mga tao sa laman ay maglalaho. Ito ang kahalagahan ng pagtatatag ng Diyos ng mga kapaligiran para sa kakayahang mabuhay para sa sangkatauhan. Hindi alintana kung anong lahi ka o kung anong piraso ng lupa ka nakatira, maging ito ay sa Kanluran o sa Silangan—hindi mo maihihiwalay ang iyong sarili mula sa kapaligiran para mabuhay na itinatag ng Diyos para sa sangkatauhan, at hindi mo maihihiwalay ang iyong sarili mula sa pangangalaga at mga pagtutustos ng kapaligiran para mabuhay na Kanyang itinatag para sa mga tao. Maging anuman ang iyong kabuhayan, anuman ang iyong inaasahan para mabuhay, at anuman ang iyong inaasahan upang tustusan ang iyong buhay sa laman, hindi mo maaaring ihiwalay ang iyong sarili mula sa patakaran ng Diyos at ng Kanyang pamamahala."

Martes, Abril 30, 2019

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Paano Nakilala ni Pedro si Jesus" (Tagalog Dubbed)


Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Paano Nakilala ni Pedro si Jesus" (Tagalog Dubbed)

     Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa loob ng panahong sinundan niya si Jesus, pinagmasdan at isinapuso ni Pedro ang lahat ng bagay tungkol sa Kanyang buhay: Ang Kanyang mga kilos, mga salita, mga galaw, at mga pagpapahayag. Natamo niya ang isang malalim na pagkaunawa na si Jesus ay hindi katulad ng mga karaniwang tao. Bagaman ang Kanyang itsura ay lubhang karaniwan, lipos Siya ng pag-ibig, malasakit, at pagpapaubaya sa tao. Lahat ng bagay na ginawa o sinabi Niya ay malaking tulong sa iba, at sa Kanyang tabi nakita at natuto ng mga bagay-bagay si Pedro na kailanman hindi pa niya nakita o nakamtan noong una. ... Hindi alintana kung paano man kumilos si Jesus, lumago ang walang-hangganang pag-ibig at paggalang ni Pedro para sa Kanya. Ang pagtawa ni Jesus ay nagdulot sa kanya ng labis na kaligayahan, ang Kanyang kalungkutan ay nagsadlak sa kanya sa pighati, ang Kanyang galit ay tumakot sa kanya, habang ang Kanyang habag, pagpapatawad, at pagiging-mahigpit ay nagsanhing mahalin niyang tunay si Jesus, nagkaroon ng totoong paggalang at pananabik sa Kanya. Siyempre, unti-unting natanto lamang ni Pedro ang lahat ng ito nang namuhay siyang kasama ni Jesus sa loob ng ilang taon."

Biyernes, Abril 26, 2019

Tagalog Christian Music | "Tahimik na Dumarating ang Diyos sa Gitna Natin"




Tagalog Christian Music | "Tahimik na Dumarating ang Diyos sa Gitna Natin"


I
Tahimik ang Diyos at 'di kaylanman sa 'tin nagpakita,
pero 'di nahinto kaylanman gawain N'ya.
Tinitingnan N'ya lahat ng lupa, lahat ng bagay inuutusan,
lahat ng salita't gawa ng tao'y minamasdan.
Pamamahala N'ya'y nagawa, unti-unti, sa plano N'ya.
Tahimik, pero yapak N'ya'y lumalapit sa tao.
Luklukan ng paghatol N'ya'y pinadala sa sansinukob,
kasunod ng pagbaba ng trono N'ya sa gitna natin.

Lunes, Abril 15, 2019

Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos



Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos



Ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto, na nangangahulugang ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nahahati sa tatlong mga yugto. Hindi kabilang sa tatlong mga yugtong ito ang gawain ng paglikha ng mundo, kundi ang tatlong mga yugto ng gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, Kapanahunan ng Biyaya, at Kapanahunan ng Kaharian. Ang gawain ng paglikha ng mundo ay ang gawain ng pagbubunga ng buong sangkatauhan. Hindi ito ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, at walang kinalaman sa gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan, sapagka’t noong ang mundo ay nilikha ang tao ay hindi pa natiwali ni Satanas, at sa gayon walang pangangailangan na isagawa ang gawain ng pagliligtas ng sangkatauhan. Ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay nag-umpisa lamang noong ang tao ay naging tiwali, at sa gayon ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay nag-umpisa rin lamang noong ang sangkatauhan ay naging tiwali.

Sabado, Marso 30, 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi X" (Ikaapat na Bahagi)


Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi X" (Ikaapat na Bahagi


Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao" Ang nilalaman ng video na ito:
2. Ang mga Kinakailangan ng Diyos sa Sangkatauhan
1) Ang Pagkakakilanlan at Kalagayan ng Diyos Mismo
2) Ang Iba't Ibang Saloobin ng Sangkatauhan Tungo sa Diyos
3) Ang Saloobin na kinakailangan ng Diyos na Dapat Taglayin ng Sangkatauhan Tungo sa Kanya

Miyerkules, Marso 20, 2019

"Kalagin Ang Mga Kadena At Tumakbo!" | Lahat ba ng Nasa Biblia ay Salita ng Diyos?



"Kalagin Ang Mga Kadena At Tumakbo!" | Lahat ba ng Nasa Biblia ay Salita ng Diyos?


Gaya ng maraming relihiyoso na may pananampalataya sa Panginoon, noon pa man ay nadama na ni Elder Li na "lahat ng nasa Biblia ay binigyang-inspirasyon ng Diyos," at "ang Biblia ay kumakatawan sa Diyos." Ang mga ideyang ito ang naging batayan noon pa man ng kanyang pananampalataya. Tumimo ito sa kanyang puso at naging kapwa isang balakid sa kanyang pag- aaral sa tunay na daan at mga taling humadlang sa kanya na tanggapin ito. Nang matiyagang basahan ng mga mangangaral ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos si Elder Li tungkol sa salita ng Diyos at ipaliwanag sa kanya ang katotohanan, sa wakas ay naunawaan na rin niya na hindi lahat ng nasa Biblia ay binigyang-inspirasyon ng Diyos, ngunit naroon ang mga salita ng Diyos at ng tao. Hindi na ngayon nakatali at nakakadena si Elder Li sa mga ideyang ito tungkol sa relihiyon.

Lunes, Marso 18, 2019

Pag-unawa sa Kalooban ng Diyos Maging sa Gitna ng mga Suliranin


Xiao Rui Siyudad ng Panzhihua, Lalawigan ng Sichuan

Noong nangangaral ako ng ebanghelyo nakasalamuha ko ang mga pinuno ng sekta na nagdadala ng huwad na pagsaksi upang lumaban at mangulo, at tumawag sa pulisya. Nagdulot ito upang hindi magtangka yaong mga pinangangaralan ko na magkaroon ng anumang kinalaman sa amin, at yaong mga katatanggap pa lamang ng ebanghelyo ay hindi makapagtiwala nang husto sa gawain ng DiyosDahil nagpakahirap ako nang husto sa trabaho ngunit hindi maganda ang naging resulta, naisip ko: Ang gawaing pag-eebanghelyo ay napakahirap na isagawa.

Martes, Pebrero 26, 2019

3. Paano dapat maranasan ng mga tao ang paghatol at pagkastigo ng Diyos para maligtas?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos na batay sa isang paniniwala na ang Diyos ang may tangan ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. Sa gayon ikaw ay mapapalaya mula sa iyong masamang disposisyon, makakatupad sa ninanasa ng Diyos at makakakilala sa Diyos. Tanging sa pamamagitan ng ganoong paglalakbay maaaring masabing ikaw ay naniniwala sa Diyos.

Linggo, Pebrero 17, 2019

Salita ng Buhay | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikalabintatlong Pagbigkas


Salita ng Buhay | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob Ang Ikalabintatlong Pagbigkas


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung walang aktuwal na karanasan, hindi Ako kailanman makikilala ng isang tao, hindi niya kailanman magagawang makilala Ako sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ngunit ngayon, personal Akong naparito sa inyong kalagitnaan: Hindi ba nito padadaliin ang pagkilala ninyo sa Akin? Maaari kaya na hindi rin kaligtasan para sa inyo ang Aking pagkakatawang-tao? Kung hindi Ako bumaba sa sangkatauhan sa sarili Kong katauhan, ang buong sangkatauhan ay matagal nang napuno ng mga pagkaintindi, ibig sabihin, naging mga pag-aari na ni Satanas, dahil ang iyong pinaniniwalaan ay imahe lamang ni Satanas at walang anupamang kinalaman sa Diyos Mismo. Hindi ba ito ang Aking pagliligtas?"




Sabado, Pebrero 2, 2019

Tagalog Christian Song | "Mas Nakikilala ng mga Tao ang Diyos sa Gawain ng mga Salita"


Tagalog Christian Song | "Mas Nakikilala ng mga Tao ang Diyos sa Gawain ng mga Salita"


I
Pangunahing ginagamit ng Diyos ng mga huling araw
ang salita para gawing perpekto ang tao,
hindi tanda't kababalaghan
para pahirapan o hikayatin s'ya,
dahil hindi maipaliliwanag ng mga ito
ang kapangyarihan ng Diyos.
Kung tanda't kababalaghan lang pinapakita ng Diyos,
magiging imposibleng linawin ang realidad ng Diyos,
at sa gayon imposibleng gawing perpekto ang tao.

Sabado, Nobyembre 24, 2018

Tagalog Christian Praise Song | "Ang Pag-ibig ng Diyos ang Nagbubuklod Sa Atin" | God With Us (Tagalog Subtitles)



Tagalog Christian Praise Song | "Ang Pag-ibig ng Diyos ang Nagbubuklod Sa Atin" | God With Us (Tagalog Subtitles)



Kahit pinaghiwalay ng di-mabilang
na karagatan at kabundukan,
iisa tayong lahat, walang anumang hadlang sa atin,
iba't iba man tayo ng kulay at iba't iba ang ating wika.
naitaas tayo sa harapan ng trono ng Diyos.
Dahil sa tawag sa atin ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos,

Lunes, Setyembre 24, 2018

Maikling Dula: Bibisita ang Pulis sa Bagong Taon (Tagalog Christian Sketch)


Maikling Dula: Bibisita ang Pulis sa Bagong Taon (Tagalog Christian Sketch)

Si Zheng Xinming na may edad nang halos pitumpo, ay isang matapat na Kristiyano. Dahil sa kanyang pananampalataya sa Panginoon, nadetine at nabilanggo siya, at nahatulan ng walong taon. Sa kanyang paglaya, inilista pa rin siya ng pulis na Komunistang Tsino bilang target ng nakatuon na pagmamanman. Partikular, matapos tanggapin ng matanda ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, halow araw-araw na dumarating ang mga pulis para takutin at istorbohin siya. Walang paraan para mabasa ni Zheng Xinming ang salita ng Diyos nang normal sa bahay, at maging ang mga kapamilya niya'y nababalisa rin. Ngayon bisperas ng Bagong Taon at nasa bahay ang matandang nagbabasa ng salita ng Diyos, hindi alam kung ano ang maaaring mangyari …


Linggo, Setyembre 23, 2018

Tanong at Sagot ng Ebanghelyo | Paano pinadadalisay at inililigtas ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ang sangkatauhan?



Salita ng Diyos, Cristo, pagmamahal sa Diyos, Biblia, katotohanan


   
 Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

    “At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka't hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47-48).

 “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12-13).


    Mga nauugnay na salita ng Makapangyarihang Diyos

    Kapag ang Diyos ay nagkatawang-tao sa panahong ito, ang Kanyang gawain ay upang ipahayag ang Kanyang disposisyon, pangunahin sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol. Gamit ito bilang pundasyon, nagdadala Siya ng mas higit na katotohanan sa tao, nagpapakita ng mas maraming mga paraan ng pagsasagawa at sa gayon nakakamit ang Kanyang layunin ng panlulupig sa tao at pagligtas sa tao mula sa kanyang tiwaling disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian.

Martes, Setyembre 18, 2018

Tanong at Sagot ng Ebanghelyo | Ano ang mahalagang kaibhan sa pagitan ng gawain ng Diyos at ng gawain ng tao?


Nauugnay sa pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos

    Ang gawain ng Diyos Mismo ay kinapapalooban ng gawain ng buong sangkatauhan, at ito ay kumakatawan sa gawain ng buong kapanahunan. Ibig sabihin niyan, ang sariling gawain ng Diyos ay kumakatawan sa galaw at kalakaran ng lahat ng gawain ng Banal na Espiritu, samantalang ang gawain ng mga apostol ay sumusunod sa sariling gawain ng Diyos at hindi nangunguna sa kapanahunan, o kumakatawan man ito sa kalakarang gawain ng Banal na Espiritu sa isang buong kapanahunan. Ginagawa lamang nila ang gawain na dapat gawin ng tao, na hindi kinapapalooban kahit kailan ng gawaing pamamahala. Ang sariling gawain ng Diyos ay ang proyekto sa loob ng gawaing pamamahala. Ang gawain ng tao ay tanging ang tungkulin ng mga tao na ginagamit at walang kinalaman sa gawaing pamamahala. Dahil sa iba't-ibang pagkakakilanlan at mga pagkatawan ng gawain, sa kabila ng katotohanan na ang mga iyon ay parehong gawain ng Banal na Espiritu, mayroong malinaw at makabuluhang pagkakaiba sa pag-itan ng sariling gawain ng Diyos at ng gawain ng tao.

mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

    Ang mga salita ng Diyos na nagkatawang-tao ay nagsisimula ng isang bagong kapanahunan, gumagabay sa buong sangkatauhan, ibunyag ang mga hiwaga, at nagpapakita sa tao ng direksyong pasulong sa isang bagong kapanahunan. Ang pagliliwanag na natamo ng tao ay isa lamang simpleng pagsasagawa at kaalaman. Hindi nito magagabayan ang buong sangkatauhan sa isang bagong kapanahunan o ibunyag ang hiwaga ng Diyos Mismo. Ang Diyos, matapos ang lahat, ay Diyos, at ang tao ay tao. Ang Diyos ay may sustansya ng Diyos, at ang tao ay may sustansya ng tao.