Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pagmamahal sa Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pagmamahal sa Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Setyembre 23, 2018

Tanong at Sagot ng Ebanghelyo | Paano pinadadalisay at inililigtas ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ang sangkatauhan?



Salita ng Diyos, Cristo, pagmamahal sa Diyos, Biblia, katotohanan


   
 Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

    “At kung ang sinomang tao'y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka't hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya'y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47-48).

 “Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12-13).


    Mga nauugnay na salita ng Makapangyarihang Diyos

    Kapag ang Diyos ay nagkatawang-tao sa panahong ito, ang Kanyang gawain ay upang ipahayag ang Kanyang disposisyon, pangunahin sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol. Gamit ito bilang pundasyon, nagdadala Siya ng mas higit na katotohanan sa tao, nagpapakita ng mas maraming mga paraan ng pagsasagawa at sa gayon nakakamit ang Kanyang layunin ng panlulupig sa tao at pagligtas sa tao mula sa kanyang tiwaling disposisyon. Ito ang nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian.

Martes, Hulyo 10, 2018

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV

★⋰ * ⋱★⋰ *⋱★⋰*⋱★⋰ * ⋱★⋰ *★⋰ * ⋱★⋰ *⋱★⋰*⋱★⋰ * ⋱★

Ang Kabanalan Ng Diyos (I)

katapatan, pagmamahal sa diyos, Salita ng Diyos, iglesia, kabutihan

Mayroon tayong ilang karagdagang pagsasama-sama sa awtoridad ng Diyos ngayon, at hindi natin pagsasamahan ang tungkol sa pagkamatuwid ng Diyos sa ngayon. Ngayon pag-uusapan natin ang tungkol sa isang buong bagong paksa—ang kabanalan ng Diyos. Ang kabanalan ng Diyos ay iba pang anyo ng natatanging kakanyahan ng Diyos, kung kaya may malaking pangangailangan na pagsamahan ang paksang ito dito. Ang anyong ito ng diwa ng Diyos na aking pagsasamahan, kasama ang dalawang anyo na dati na nating pinag-usapan, ang matuwid na disposisyon ng Diyos at awtoridad ng Diyos—lahat ba iyon ay natatangi? (Oo.) Ang kabanalan ng Diyos ay natatangi rin, sa gayon ang batayan ng kaibahang ito, ang ugat ng kaibahang ito, ay ang tema para sa ating pagsasamahan ngayon. Nauunawaan ninyo ba? Ulitin pagkatapos Ko: ang natatanging diwa ng Diyos—ang kabanalan ng Diyos. (Ang natatanging diwa ng Diyos—ang kabanalan ng Diyos.) Ano ang pakiramdam niyo sa inyong mga puso matapos ulitin ang pariralang ito? Marahil ang ilan sa inyo ay may ilang pagdududa, at nagtatanong, “Bakit pagsasamahan ang kabanalan ng Diyos?” Huwag kayong mag-aalala, dahan-dahan kong ipapaliwanag ito sa inyo. Sa sandaling marinig ninyo ito malalaman ninyo kung bakit lubhang kinakailangan ito para sa Akin na pagsamahan ang paksang ito.

Miyerkules, Hunyo 27, 2018

Ang mga Katapusan para sa Iba’t-ibang Uri ng mga Tao at ang Pangako ng Diyos sa Tao

<*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*>pag-ibig ng Diyos, salita ng Diyos, katapatan, kaharian, pagmamahal sa Diyos
Nauugnay sa mga pagbibigkas ng Makapangyarihang Diyos
Nauunawaan mo na ba ngayon kung ano ang paghatol at ano ang katotohanan? Kung naintindihan mo na, kung gayon ay ipinapayo Ko sa iyo na magpasakop nang masunurin sa pagiging hahatulan, kung hindi, hindi ka na magkakaroon pa ng pagkakataon na mapapurihan ng Diyos o madala Niya sa Kanyang kaharian. Silang mga tumatanggap lamang ng paghatol subali’t hindi kailanman maaaring madalisay, iyon ay, silang mga nagsisitakas sa gitna ng gawain ng paghatol, ay magpakailanmang kamumuhian at itatakwil ng Diyos. Ang kanilang mga kasalanan ay lalong marami, at lalong mas mabigat, kaysa roon sa mga Fariseo, sapagka’t pinagtaksilan nila ang Diyos at mga rebelde laban sa Diyos. Ang gayong mga tao na ni hindi karapat-dapat magsagawa ng paglilingkod ay makatatanggap ng mas mabigat na kaparusahan, isang kaparusahan na higit pa ay walang-hanggan. Hindi patatawarin ng Diyos ang sinumang taksil na minsan ay nagpakita ng katapatan sa mga salita subali’t ipinagkanulo rin Siya. Matatanggap ng gayong mga tao ang kagantihan sa pamamagitan ng kaparusahan ng espiritu, kaluluwa, at katawan. Hindi ba ito isang tiyak na pagbubunyag ng matuwid na disposisyon ng Diyos? Hindi ba ito ang layunin ng Diyos sa paghatol sa tao at pagbubunyag sa kanya? Dadalhin ng Diyos ang lahat ng gumaganap ng lahat ng uri ng masamang gawa sa panahon ng paghatol sa isang lugar na pinamumugaran ng mga masasamang espiritu, hinahayaan ang masasamang espiritung ito na sirain ang kanilang mga katawang laman ayon sa kagustuhan. Ang kanilang mga katawan ay mangangamoy-bangkay, at gayon ang nararapat na ganti sa kanila. Isinusulat ng Diyos sa kanilang mga talaang aklat ang bawat isa sa mga kasalanan nilang mga hindi-tapat at huwad na tagasunod, mga huwad na apostol, at mga huwad na manggagawa; at pagkatapos, kapag tama na ang panahon, itatapon Niya sila sa gitna ng mga maruruming espiritu, hinahayaan ang mga maruruming espiritung ito na dungisan ang kanilang buong katawan ayon sa kagustuhan, upang hindi na sila kailanman maaaring muling magkatawang-tao at hindi na kailanman muling makita ang liwanag. Yaong mga ipokrito na nagsipaglingkod minsan nguni’t hindi nakapanatiling tapat hanggang katapusan ay ibinibilang ng Diyos sa mga makasalanan, nang sa gayon lumakad sila sa payo ng makasalanan at maging bahagi ng kanilang magulong karamihan; sa katapusan, wawasakin sila ng Diyos. Isinasantabi at hindi pinapansin ng Diyos yaong mga hindi kailanman naging tapat kay Cristo o nag-alay ng anumang pagsisikap, at wawasakin silang lahat sa pagbabago ng mga kapanahunan. Hindi na sila iiral sa lupa, lalong hindi makapapasok tungo sa kaharian ng Diyos. Yaong hindi kailanman naging tapat sa Diyos nguni’t napilit ng kalagayan sa pakikitungo sa Kanya nang paimbabaw ay ibibilang doon sa mga taong naglingkod para sa Kanyang bayan. Maliit na bilang lamang ng gayong mga tao ang mananatiling buháy, samantalang ang karamihan ay mamamatay kasama ng mga ni hindi kwalipikadong magsagawa man lamang ng paglilingkod. Panghuli, dadalhin ng Diyos sa Kanyang kaharian lahat niyaong kapareho ng isipan ng Diyos, ang mga tao at mga anak-na-lalaki ng Diyos pati na yaong mga itinakda ng Diyos na maging mga saserdote. Ang gayon ay ang bungang nakamit ng Diyos sa pamamagitan ng Kanyang gawain. At para sa mga yaong hindi mapapabilang sa mga kategoryang inilatag ng Diyos, sila ay ibibilang kasama ng mga hindi sumasampalataya. At tiyak na inyong maguguni-guni kung ano ang kanilang kahihinatnan. Nasabi Ko na sa inyo ang lahat ng dapat Kong sabihin; kayo ang magpapasya kung alin ang landas na inyong pipiliin. Ang dapat ninyong maintindihan ay ito: Ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman naghihintay para sa sinuman na hindi nakasasabay sa bilis ng Kanyang paghakbang, at ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi nagpapakita ng kaawaan sa sinumang tao.

Miyerkules, Hunyo 20, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay

<*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*>


Sa katotohanan, ang gawaing ginagawa ngayon ay upang talikdan ng mga tao si Satanas, talikdan ang kanilang sinaunang ninuno. Lahat ng mga paghatol sa pamamagitan ng salita ay naglalayong ilantad ang masamang disposisyon ng sangkatauhan at bigyang-kakayahan ang mga tao na maunawaan ang kakanyahan ng buhay. Ang paulit-ulit na mga paghatol na ito ay tumutusok lahat sa mga puso ng mga tao. Bawa’t paghatol ay tuwirang nakakaapekto sa kanilang kapalaran at naglalayong sugatan ang kanilang mga puso para kanilang mapakawalan ang lahat ng mga bagay na yaon at sa gayon ay makilala ang buhay, makilala ang maruming mundong ito, at makilala rin ang karunungan at pagiging makapangyarihan-sa-lahat ng Diyos at makilala itong ginawang-masama-ni-Satanas na sangkatauhan. Kung mas marami ang ganitong uri ng pagkastigo at paghatol, mas masusugatan ang puso ng tao at mas magigising ang kanyang diwa. Ang paggising sa mga diwa nitong ginawang-sukdulang-masama at pinakamalalim-na-nadayang mga tao ay ang tinutumbok ng ganitong uri ng paghatol. Ang tao ay walang diwa, iyan ay, ang kanyang diwa ay namatay nang matagal na at hindi niya nalalaman na may isang langit, hindi nalalaman na mayroong isang Diyos, at tiyak na hindi nalalamang siya ay nakikipagtunggali sa bangin ng kamatayan; paano magiging posibleng malaman niya na siya ay namumuhay sa loob nitong masamang impiyerno sa lupa? Paano niya posibleng malaman na itong nabubulok na bangkay niya, sa pamamagitan ng pagpapasama ni Satanas, ay nahulog tungo sa Hades ng kamatayan? Paano niya posibleng malalaman na ang lahat sa lupa ay matagal nang nawasak nang hindi-na-maaayos ng sangkatauhan? At paano niya posibleng malaman na ang Lumikha ay dumating sa lupa ngayon at naghahanap para sa isang pangkat ng masasamang tao na maaari Niyang iligtas? Kahit pagkatapos maranasan ng tao ang bawa’t posibleng pagpipino at paghatol, ang kanyang mapurol na kamalayan ay bahagya pa rin lamang na nagigising at halos hindi tumutugon. Ang sangkatauhan ay masyadong napababa! Bagaman ang uring ito ng paghatol ay tulad ng malupit na bola ng yelong nahuhulog mula sa papawirin, mayroon itong pinakamalaking pakinabang sa tao. Kung hindi sa paghatol sa mga tao na gaya nito, hindi magkakaroon ng bunga at magiging walang-pasubaling imposible na magligtas ng mga tao mula sa bangin ng paghihirap. Kung hindi sa gawaing ito, magiging napakahirap para sa mga tao na lumabas mula sa Hades dahil ang kanilang mga puso ay matagal nang namatay at ang kanilang mga espiritu ay matagal nang niyurakan ni Satanas. Ang pagliligtas sa inyo na napalubog sa pinakamalalim na kalaliman ng pagbaba ay nangangailangan ng pagtawag sa inyo nang napakalakas, paghatol sa inyo nang napakatindi, at saka lamang magigising iyang mala-yelo-sa-lamig na puso ninyo. Ang inyong laman, inyong maluluhong pagnanasa, inyong pagka-gahaman, at inyong matinding pagnanasa ay napakalalim na nag-ugat sa loob ninyo. Ang mga bagay na ito ay lubhang palaging nagpipigil sa inyong mga puso kaya kayo ay walang kapangyarihang iwaksi ang tanikala niyaong piyudal at napababang mga kaisipan. Hindi kayo nananabik na baguhin ang inyong kasalukuyang katayuan, ni tumakas sa impluwensiya ng kadiliman. Kayo ay nakatali lamang sa mga bagay na yaon. Kahit alam ninyo na ang gayong buhay ay napakasakit at ang gayong mundo ay napakadilim, gayon pa rin, walang-wala kahit isa man sa inyo ang may tapang na baguhin ang ganitong uri ng buhay. Nananabik lamang kayong takasan ang ganitong uri ng tunay na buhay, pawalan ang inyong mga kaluluwa mula sa purgatoryo, at mamuhay sa isang mapayapa, masaya, at mistulang-langit na kapaligiran. Hindi kayo handang magtiis ng mga kahirapan upang baguhin ang inyong kasalukuyang buhay; ni handa kayong maghanap sa loob nitong paghatol at pagkastigo para sa buhay na dapat ninyong pasukin. Sa halip, nangangarap kayo ng lubhang di-makatotohanang mga pangarap tungkol doon sa magandang mundo sa kabila ng laman. Ang buhay na inyong pinananabikan ay isa na maaari ninyong makamit na walang-pagod nang hindi nagdurusa ng anumang pasakit. Iyan ay ganap na di-makatotohanan! Dahil ang inyong inaasahan ay hindi ang isabuhay ang isang makahulugang buong buhay sa laman at matamo ang katotohanan sa pagdaan ng isang buong buhay, iyan ay, ang mabuhay para sa katotohanan at tumayo para sa katarungan. Hindi ito ang inyong ipinapalagay na isang maningning at nakasisilaw na buhay. Inyong nadarama na ito ay hindi magiging isang kaakit-akit o makahulugang buhay. Para sa inyo, ang pamumuhay ng gayong buhay ay magiging tunay na kalugihan sa inyong mga sarili! Kahit na tanggapin ninyo ang pagkastigong ito ngayon, gayunpaman ang inyong hinahabol ay hindi ang matamo ang katotohanan o ipamuhay ang katotohanan sa kasalukuyan, bagkus ay ang pumasok sa isang masayang buhay sa kabila ng laman sa dakong huli. Hindi kayo naghahanap para sa katotohanan, ni naninindigan kayo para sa katotohanan, at kayo ay tiyak na hindi umiiral para sa katotohanan. Hindi ninyo hinahabol ang pagpasok ngayon, kundi patuloy na nag-iisip na darating ang isang araw kung kailan titingin kayo sa asul na papawirin at iiyak ng mapapait na luha, umaasang madadala sa langit. Hindi ba ninyo alam na ang gayong pag-iisip ninyo ay wala na sa pagkatotoo? Lagi mong iniisip na ang Tagapagligtas na may walang-hanggang kabaitan at kaawaan ay walang-dudang darating isang araw upang isama ka Niya, ikaw na nagtiis ng kahirapan at pagdurusa sa mundong ito, at Siya ay walang-dudang maghihiganti para sa iyo na nabiktima at naapi. Ikaw ba ay hindi puno ng kasalanan? Ikaw lamang ba ang tanging nagdusa sa mundong ito? Ikaw sa iyong sarili mismo ay nahulog sa sakop ni Satanas at nagdusa, at gayunman ay kailangan mo pa ring ipaghiganti ka ng Diyos? Yaong mga hindi-kayang matugunan ang mga hinihingi ng Diyos—hindi ba lahat sila ay mga kaaway ng Diyos? Yaong hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao—hindi ba sila ang anti-Cristo? Ano ang kabuluhan ng iyong mabubuting gawa? Mapapalitan ba ng mga ito ang isang pusong sumasamba sa Diyos? Hindi ka makakatanggap ng mga pagpapala ng Diyos sa pamamagitan lamang ng paggawa ng ilang mabubuting gawa, at hindi maghihiganti ang Diyos para sa mga kamalian laban sa iyo dahil lamang sa ikaw ay nabiktima o naapi. Yaong mga naniniwala sa Diyos gayunma’y hindi kilala ang Diyos, nguni’t siyang gumagawa ng mabubuting gawa—hindi ba’t lahat sila ay kinakastigo rin? Naniniwala ka lamang sa Diyos, gusto lamang na mapagbayaran at mapaghigantihan ang mga kamalian laban sa iyo, at nais na pagkalooban ka ng Diyos ng daan ng pagtakas mula sa iyong paghihirap. Nguni’t tumatanggi kang pag-ukulan ng pansin ang katotohanan; ni nauuhaw ka na isabuhay ang katotohanan. Lalong hindi mo makakayang takasan itong mahirap at hungkag na buhay. Sa halip, habang ipinamumuhay ang iyong buhay sa laman at ang iyong buhay ng kasalanan, umaasa ka sa Diyos na itama ang iyong mga hinaing at iwan ang malabo sa iyong pag-iral. Paano ito posible? Kung taglay mo ang katotohanan, makakasunod ka sa Diyos. Kung mayroon kang pagsasabuhay, maaari kang maging isang pagpapamalas ng salita ng Diyos. Kung mayroon ka ng buhay, maaari kang magtamasa ng pagpapala ng Diyos. Yaong mga nagtataglay ng katotohanan ay maaaring magtamasa ng pagpapala ng Diyos. Tinitiyak ng Diyos ang pagtutuwid para doon sa mga nagmamahal sa Kanya nang taos-puso gayundin ang pagtitiis ng mga kahirapan at mga pagdurusa, hindi para doon sa mga nagmamahal lamang sa kanilang mga sarili at nahulog na bihag sa mga pandaraya ni Satanas. Paano maaaring magkaroon ng kabutihan sa mga yaon na hindi umiibig sa katotohanan? Paano magkakaroon ng pagkamatuwid sa mga yaon na umiibig lamang sa laman? Hindi ba’t ang pagkamatuwid at kabutihan ay tumutukoy lahat sa katotohanan? Hindi ba’t nakalaan ang mga iyon para sa mga yaon na buong-pusong nagmamahal sa Diyos? Yaong mga hindi umiibig sa katotohanan at mga nabubulok na bangkay lamang—hindi ba ang lahat ng mga taong ito ay nagkakandili ng kasamaan? Yaong mga walang kakayahang ipamuhay ang katotohanan—hindi ba’t lahat sila ay kaaway ng katotohanan? At ano kayo?

Miyerkules, Hunyo 6, 2018

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan

<*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*>
<*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*>

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa isang banda, tinatanggal ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa noong mga huling araw ang lugar na pinanghahawakan ng malabong Diyos sa pagkaintindi ng tao, kaya naman wala na ang imahe ng walang katiyakang Diyos sa puso ng tao. Gamit ang Kanyang aktwal na salita at aktwal na gawa, kumilos Siya sa buong lupain, at ang gawaing Kanyang isinakatuparan kasama ng tao ay natatanging totoo at normal, nang sa gayon ang tao ay ganap na maunawaan ang katotohanan ng Diyos, at mawala nang tuluyan ang malabong Diyos sa puso ng tao. Sa kabilang banda, ginagamit ng Diyos ang mga salita na winika ng Kanyang katawang-tao upang gawing kumpleto ang tao, at upang maisakatuparan ang mga bagay-bagay. Ito ang gawain ng Diyos na Kanyang isasakatuparan sa mga huling araw."