Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na karanasan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na karanasan. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Nobyembre 5, 2018

Ang Pinakamainam na Regalong Ibinigay sa Akin ng Diyos

Ang Pinakamainam na Regalong Ibinigay sa Akin ng Diyos

          Yixin Lungsod ng Shijiazhuang Lalawigan ng Hebei

       Noon madalas kong marinig na sinasabi ng aking mga kapatid, “Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay ang pinakamainam; ito ang lahat na kailangan ng mga tao.” Inamin ko ito at sumang-ayon dito, nguni’t wala akong anumang naunawaan sa pamamagitan ng aking sariling karanasan. Nang maglaon, nakakuha ako ng pagkaunawa sa pamamagitan ng kapaligiran na nilikha ng Diyos para sa akin.

Biyernes, Setyembre 21, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Lahat ng mga Tao ng Diyos ay Naglalabas ng Kanilang mga Damdamin

kaharian, Diyos,  karanasan, buhay, Pananalig sa Diyos




I
Pagmasdan ang kaharian ng Diyos,
kung saan naghahari ang Diyos sa lahat.
Mula noong nagsimula ang paglikha hanggang sa kasalukuyan,
mga anak ng Diyos
na ginabayan sa pagdaranas ng mga paghihirap.
Dumaan sa hirap at ginhawa.
Pero ngayo'y naninirahan sa liwanag N'ya.
Sinong hindi umiiyak
sa kawalan ng katarungan sa panahong lumipas?
Sinong hindi lumuha sa hirap ng buhay ngayon?
Sinong hindi nagsasamantala sa pagkakataong ito
na ilaan ang kanilang puso sa Diyos?
Sinong ayaw magbigay ng boses
sa kanilang pagkahilig at karanasan?
II
Ibinibigay ng mga tao ang kanilang buong makakaya sa Diyos.
Ang iba'y pinagsisisihan ang kanilang mga kahangalan.
Ang ila'y kinamumuhian ang kanilang mga sarili
dahil sa paghabol sa nakalipas.
Nakilala nilang lahat ang kanilang mga sarili,
nakita ang mga gawa ni Satanas, ang himala ng Diyos.
Naroroon ang Diyos sa loob ng kanilang mga puso,
sapagkat ang Kanyang gawai'y natupad.
Sinong hindi umiiyak
sa kawalan ng katarungan sa panahong lumipas?
Sinong hindi lumuha sa hirap ng buhay ngayon?
Sinong hindi nagsasamantala sa pagkakataong ito
na ilaan ang kanilang puso sa Diyos?
Sinong ayaw magbigay ng boses
sa kanilang pagkahilig at karanasan?

Lunes, Setyembre 10, 2018

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X


Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng mga bagay (IV)

Pananampalataya sa Diyos, Salita ng Diyos, Kaharian, karanasan, relihiyon


    Sa araw na ito, pag-uusapan natin ang isang natatanging paksa. Para sa bawat isa sa inyo, mayroon lamang dalawang pangunahing bagay ang kailangan ninyong malaman, maranasan at maintindihan—at ano ang dalawang bagay na ito? Ang una ay ang personal na pagpasok sa buhay ng mga tao, at ang ikalawa ay may kaugnayan sa pagkilala sa Diyos. Sa araw na ito ay bibigyan ko kayo ng pagpipilian: Pumili ng isa. Gusto ba ninyong makarinig tungkol sa isang paksa na may kaugnayan sa personal na karanasan sa buhay ng mga tao, o gusto ninyong makarinig ng isang tungkol sa pagkilala sa Diyos Mismo? At bakit Ako nagbibigay sa inyo ng gayong pagpipilian? Sapagkat, sa araw na ito, naiisip Kong salitain sa inyo ang ilang bagong bagay tungkol sa pagkilala sa Diyos. Ngunit, anu’t-anuman, papipiliin Ko muna kayo sa pagitan ng dalawang bagay na kasasabi Ko lang. (Pipiliin Ko yaong tungkol sa pagkilala sa Diyos.) (Naiisip namin na ang pakikipagniig sa kaalaman ng Diyos ay mas mabuti, rin) Naiisip ba ninyo na kung ano ang ating napag-usapan nitong nakaraan lang tungkol sa pagkilala sa Diyos ay maaaring makamit? (Nang isagawa ng Diyos ang unang pakikipag-isa, hindi natin ito naramdamang ganoon. Pagkatapos noon, ang Diyos ay nagsagawa pa ng ilang pakikipag-isa, at nang magbalik tayo sa unang pakikipag-isa, sa mga kapaligirang nilikha ng Diyos, ang mga kapatid ay nakinig sa pagpapakaranas sa lugar na ito.) Makatarungan lamang sabihin na hindi ito maabot ng karamihan sa mga tao. Maaaring hindi kayo makumbinsi ng mga salitang ito. Bakit ko sinasabi ito? Dahil noong kayo ay nakikinig sa mga sinasabi Ko noong una, paano Ko man ito sinabi, o sa kung anong mga salita, nang inyo itong marinig, sa literal at sa teorya ay may kamalayan kayo ukol sa Aking sinasabi, ngunit ang isang lubhang seryosong isyu sa inyo ay, hindi ninyo naintindihan kung bakit Ko nasabi ang mga bagay na ito, bakit Ako nagsalita ukol sa mga paksang ito. Ito ang pinakapunto ng usapin. At kaya, bagamat ang pakikinig sa mga salitang ito ay nakadagdag at napagyaman ang inyong pagkaunawa ukol sa Diyos at sa Kanyang mga gawa, bakit naguguluhan pa rin kayo sa pagkilala sa Diyos? Ang katuwiran ay ito: Pagkarinig sa Aking sinabi, hindi naiintindihan ng karamihan sa inyo kung bakit Ko nasabi ito, at kung anong kaugnayan mayroon ito sa pagkilala sa Diyos. Hindi nga ba? Ano ang kinalaman ng kawalan ninyo ng kakayahan na maintindihan ang kaugnayan nito sa pagkilala sa Diyos? Naisip na ba ninyo kailanman ang ukol dito? Marahil hindi pa. Ang katuwiran kung bakit hindi ninyo naiintindihan ang mga bagay na ito ay sapagkat ang inyong karanasan sa buhay ay masyadong mababaw. Kung ang kaalaman at karanasan ng mga tao ukol sa mga salita ng Diyos ay mananatili sa napakababaw na antas, kung gayon karamihan sa kanilang kaalaman ukol sa Diyos ay magiging malabo at mahirap unawain—ito ay magiging panimula, pandoktrina, at panteorya. Sa teorya, ito ay lumilitaw o masasabing makatwiran at rasonable, ngunit ang kaalaman sa Diyos na lumalabas sa mga bibig ng mga tao ay hungkag. At bakit Ko sinasabing ito ay hungkag? Sapagkat, sa totoo lang, sa iyong mga puso hindi kayo malinaw tungkol sa kung ang mga salita tungkol sa pagkilala sa Diyos na lumabas sa inyong mga bibig ay tama o hindi, kung ang mga ito ay eksakto o hindi. At kaya, bagamat karamihan sa mga tao ay nakarinig ng napakaraming mga impormasyon at mga paksa tungkol sa pagkilala sa Diyos, ang kanilang kaalaman ukol sa Diyos ay hindi pa umaabot lampas sa teorya at malabo at mahirap unawain na doktrina.

Biyernes, Agosto 31, 2018

Tanging ang mga Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos

Espiritu, Jesus, totoo, Buhay, paniniwala
    Batas ito ng langit at panuntunan ng lupa na maniwala sa Diyos at kilalanin ang Diyos, at ngayon—personal Niyang gagawin ang Kanyang gawain sa panahon na nagkatawang tao ang Diyos—isang tiyak na magandang pagkakataon upang makilala ang Diyos. Nakakamit ang pagbibigay-kasiyahan sa Diyos sa pundasyon ng pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at upang maunawaan ang kalooban ng Diyos, kinakailangan na makilala ang Diyos. Ang kaalamang ito ng Diyos ay ang pananaw na dapat magkaroon ang isang mananampalataya; ito ang batayan ng paniniwala ng tao sa Diyos. Kung walang ganitong kaalaman ang tao, sa gayon malabo ang kanyang paniniwala sa Diyos, at nasa walang laman na teorya. Kahit na ito ay kapasiyahan ng mga tao na tulad nito na sundin ang Diyos, wala silang nakamit. Ang mga aalisin ay ang lahat ng mga walang nakamit sa daloy na ito, at sila ang mga tao na gumagawa lamang nang pinaka mababa. Alinmang hakbang ng gawain ng Diyos ang iyong maranasan, dapat kang samahan ng isang makapangyarihang pananaw. Kung walang katulad ng ganitong pananaw, magiging mahirap para sa iyo na tanggapin ang bawat hakbang ng mga bagong gawain, dahil hindi kaya ng tao na ilarawan sa diwa ang mga bagong gawa ng Diyos, lampas ito sa pagkaintindi ng tao. At kaya kung walang pastol na gagabay sa tao, kung walang pastol na nagsama ng tungkol sa mga pananaw, hindi magagawa ng tao na tanggapin ang bagong gawain na ito. Kung hindi kayang tanggapin ng tao itong mga pananaw, sa gayon hindi niya matatanggap ang mga bagong gawain ng Diyos, at kung hindi kayang sundin ng tao ang bagong gawain ng Diyos, sa gayon hindi kayang intindihin ng tao ang kalooban ng Diyos, at pati ang kanyang kaalaman tungkol sa Diyos ay mawawalan ng halaga. Bago tuparin ng tao ang mga salita ng Diyos, dapat niyang malaman ang mga salita ng Diyos, iyon ay, ang maunawaan ang kalooban ng Diyos; sa ganitong paraan lamang maaaring matupad nang tiyak ang mga salita ng Diyos at ayon sa puso ng Diyos. Dapat itong taglayin ng lahat ng mga taong naghahanap ng katotohanan, at ang proseso na dapat maranasan ng lahat ng mga taong sinusubukang kilalanin ang Diyos. Ang proseso ng pagkilala ng mga salita ng Diyos ay ang proseso ng pagkilala sa Diyos, at ang proseso rin ng pag-alam ng gawain ng Diyos. At sa gayon, hindi lamang tumutukoy sa pag-alam ng pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao ang pag-alam ng mga pananaw, ngunit kabilang din ang pagkilala sa mga salita at gawa ng Diyos. Mula sa mga salita ng Diyos ang mga tao ay dumating upang maunawaan ang kalooban ng Diyos, at mula sa gawain ng Diyos dumating sila upang malaman ang disposisyon ng Diyos at katauhan ng Diyos. Ang paniniwala sa Diyos ay ang unang hakbang sa pagkilala sa Diyos. Ang proseso ng pagsulong mula sa paunang paniniwala sa Diyos tungo sa pinakamalalim na paniniwala sa Diyos ay ang proseso ng pagkilala sa Diyos, at ang proseso ng pagdama sa gawa ng Diyos. Kung ikaw ay naniniwala lamang sa Diyos alang-alang sa paniniwala sa Diyos, at hindi naniniwala sa Diyos upang makilala ang Diyos, sa gayon ay walang katotohanan sa iyong paniniwala, at hindi ito maaaring maging dalisay—at gayon ito ay walang duda. Kung, sa oras ng proseso na kung saan nadarama niya ang Diyos, unti-unting nakikilala ng tao ang Diyos, at ang kanyang disposisyon ay unti-unting magbabago, at ang kanyang paniniwala ay unti-unting magiging totoo. Sa ganitong paraan, kapag nakakamit ng tao ang tagumpay sa paniniwala sa Diyos, ganap niyang makakamit ang Diyos. Malayo ang pinagdaanan ng Diyos upang maging tao para sa ikalawang pagkakataon at personal na gawin ang Kanyang gawa upang magawa Siyang kilalanin ng tao, at upang makita Siya. Ang pagkilala sa Diyos[a] ay ang huling epekto na makakamit sa katapusan ng gawain ng Diyos; ito ang huling kinakailangan ng Diyos sa sangkatauhan. Ginagawa Niya ito para sa kapakanan ng Kanyang huling pagpapatotoo, at upang sa wakas at ganap ng makabalik ang tao sa Kanya. Magagawa lamang ng tao na mahalin ang Diyos sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos, at para ibigin ang Diyos dapat niyang makilala ang Diyos. Hindi mahalaga kung paano siya naghahanap, o kung ano ang kanyang hinahangad na makamit, dapat niyang makamit ang pagkilala sa Diyos. Tanging sa paraan lamang na ito makakapagbigay ang tao ng kasiyahan sa puso ng Diyos. Tanging sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos tunay na maniniwala ang tao sa Diyos, at tanging sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos tunay niyang igagalang at susundin ang Diyos. Hindi kailanman tunay na susunod at igagalang ang Diyos ng mga hindi nakakakilala sa Diyos. Kabilang sa pagkilala sa Diyos ang pagkilala sa disposisyon ng Diyos, pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at pagkilala sa katauhan ng Diyos. Ngunit kung ano man itong aspeto ng pagkilala sa Diyos, kinakailangan ng bawat tao na magbayad ng halaga, at kinakailangan ng kalooban na sumunod, na wala kung saan walang makasusunod hanggang sa katapusan. Sadyang salungat sa mga pagkaintindi ng tao ang gawa ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos at sadyang mahirap para sa tao na malaman ang katauhan ng Diyos, at lahat ng sinasabi at ginagawa ng Diyos ay sadyang hindi maunawaan ng tao; kung ninanais ng tao na sumunod sa Diyos, ngunit hindi nais tumupad sa Diyos, sa gayon walang makakamit ang tao. Simula nang lalangin ang sanglibutan hanggang ngayon, marami ng tinupad na mga gawain ang Diyos na hindi kayang unawain ng tao at kung saan nahirapan ang tao na tanggapin, at maraming nasabi ang Diyos na nagpapahirap sa paglunas ng mga pagkaintindi ng tao. Ngunit hindi Siya kailanman tumigil sa Kanyang gawain dahil ang tao ay maraming kahirapan; ipinagpatuloy Niya ang pagtatrabaho at pagsasalita, at kahit na maraming bilang ng mga “mandirigma” ang bumagsak sa gilid ng daan, ginagawa pa rin Niya ang Kanyang gawain, at nagpapatuloy sa pagpili ng grupo ng mga tao na nais sumunod sa Kanyang bagong gawain. Hindi Siya nahahabag sa mga bumagsak na mga “bayani,” ngunit sa halip ay pinapahalagahan ang mga taong tumanggap ng Kanyang bagong gawain at mga salita. Ngunit hanggang saan Siya gagawa sa ganitong paraan, baitang-baitang? Bakit palagi Siyang nagtatanggal at pumipili ng mga tao? Bakit palagi Niyang ginagawa ang ganitong kaparaanan? Ang makilala Siya ng mga tao ang layunin ng Kanyang gawain, at sa gayon makamit Niya. Ang prinsipyo ng Kanyang gawain ay upang gumawa sa mga kayang sumunod sa Kanyang mga gawaing ginagawa Niya ngayon, at hindi gumawa sa mga sumusunod sa Kanyang nakaraang gawain, ngunit sumasalungat sa Kanyang gawain ngayon. Ito ang tunay na dahilan kung bakit Niya inalis ang napakaraming tao.

Linggo, Agosto 19, 2018

Tanong at Sagot ng Ebanghelyo | Sa Pananampalataya sa Diyos, Dapat Mong Maitatag ang Normal na Kaugnayan sa Diyos

Katapatan, salita ng Diyos, Karanasan, pag-ibig ng Diyos, karanasan


 💎💎💎💎💎💎💎💎💎💎💎💎💎

Mga nauugnay na salita ng Makapangyarihang Diyos


    Sa paniniwala sa Diyos, kahit paano dapat mong lutasin ang usapin tungkol sa pagkakaroon ng isang normal na kaugnayan sa Diyos. Kung wala ang isang normal na kaugnayan sa Diyos, kung gayon ang kabuluhan sa paniniwala sa Diyos ay nawawala. Ang pagtatatag ng isang normal na kaugnayan sa Diyos ay lubos na natatamo sa pamamagitan ng pagpapatahimik sa iyong puso sa presensiya ng Diyos. Ang isang normal na kaugnayan sa Diyos ay nangangahulugan na nagagawang hindi pagdudahan o itanggi ang anuman sa gawain ng Diyos at pasakop dito, at saka ito ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng tamang mga layunin sa presensiya ng Diyos, hindi pag-iisip sa sarili mo, palaging pagkakaroon ng mga interes ukol sa sambahayan ng Diyos bilang siyang pinakamahalagang bagay maging anuman ang iyong ginagawa, pagtanggap sa pagmamasid ng Diyos, at pagpapasakop sa pagsasaaayos ng Diyos. Nagagawa mong mapatahimik ang iyong puso sa presensiya ng Diyos sa bawat sandaling gumagawa ka ng anumang bagay; kahit na hindi mo nauunawaan ang kalooban ng Diyos, dapat mo pa ring tuparin ang iyong mga tungkulin at mga pananagutan sa abot ng iyong makakaya. Hindi pa masyadong huli upang hintayin na mabunyag sa iyo ang kalooban ng Diyos at pagkatapos ay isagawa ito. Kapag naging normal ang iyong kaugnayan sa Diyos, kung gayon magkakaroon ka rin ng isang normal na kaugnayan sa mga tao. Ang lahat ay itinatag sa saligan ng mga salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, pagsasagawa alinsunod sa mga kinakailangan ng Diyos, itama ang iyong mga pananaw, at huwag gumawa ng mga bagay na kumakalaban sa Diyos o gumagambala sa iglesia. Huwag gumawa ng mga bagay na walang pakinabang sa mga buhay ng mga kapatid, huwag magsasalita ng mga bagay na hindi nakatutulong sa ibang mga tao, huwag gumawa ng mga kahiya-hiyang mga bagay. Maging makatarungan at kagalang-galang kapag ginagawa ang lahat ng mga bagay at gawing kaaya-aya ang mga ito sa harap ng Diyos. Bagamat ang laman ay mahina paminsan-minsan, nagagawa mong ilakip ang pinakamataas na kahalagahan sa kapakinabangan ng sambahayan ng Diyos, huwag pag-imbutan ang iyong sariling mga pakinabang, at ipatupad ang pagkamakatuwiran. Kung makapagsasagawa ka sa ganitong paraan, ang iyong kaugnayan sa Diyos ay magiging normal.

Sabado, Agosto 4, 2018

Ang Diyos Mismo, ang Natatangi II

✿▄─▄❀▄─▄✿▄─▄❀▄─▄✿▄─▄❀▄─▄✿▄─▄❀▄─▄✿
katapatan, pananampalataya sa diyos, Salita ng Diyos, Karanasan, Kabutihan
🌳🌳🌳🌳🌳🌳🌳🌳🌳🌳🌳🌳🌳🌳🌳🌳🌳🌳🌳🌳🌳🌳🌳🌳
      Ngayong narinig ninyo na ang nakaraang paksa sa pagsasamahan na tungkol sa awtoridad ng Diyos, nakatitiyak Ako na nasangkapan na kayo ng sapat na mga salita sa bagay na ito. Gaano man ang kaya ninyong tanggapin at unawain ay depende kung gaanong pagsasagawa ang ibubuhos ninyo dito. Umaasa Ako na buong sikap ninyong maaabot ang bagay na ito; huwag kayong makitungo dito nang hindi bukal sa puso kahit sa anong paraan! Ngayon, ang pagkilala ba sa awtoridad ng Diyos ay katulad ng pagkilala sa kabuuan ng Diyos? Maaaring masabi ng isang tao na ang pagkilala sa awtoridad ng Diyos ay ang simula ng pagkilala sa natatanging Diyos Mismo, at masasabi din ng iba na ang pagkilala sa awtoridad ng Diyos ay nangangahulugang nakatapak na ang isang tao sa pintuan ng pagkakilala sa diwa ng natatanging Diyos Mismo. Ang pagkilalang ito ay isang bahagi ng pag-unawa sa Diyos. Ano ang iba pang bahagi kung gayon? Ito ang paksa na nais Kong pagsamahan natin ngayon–Ang matuwid na disposisyon ng Diyos.

Huwebes, Hulyo 26, 2018

Sa Wakas Namumuhay na Ako nang Kaunti na Parang Tao

🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹pag-ibig ng Diyos, Karanasan, Salita ng Diyos, Diyos, iglesia🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹🔹
Xiangwang    Sichuan Province
     Lubos kong nadarama na kinakastigo ako tuwing nakikita ko na sinasabi ng mga salita ng Diyos na: “Malupit, marahas na sangkatauhan! Ang pakikipagsabwatan at intriga, ang pagsasakitan sa isa’t-isa, ang pag-aagawan ng reputasyon at kayamanan, ang palitang pagpatay—kailan ito matatapos? Ang Diyos ay nagsalita ng daang-libong mga salita, ngunit walang isa mang tao ang natauhan. Sila ay kumikilos para sa kapakanan ng kanilang mga pamilya, at mga anak na lalaki at babae, para sa kanilang mga propesyon, pag-asa, katayuan, karangyaan, at kayamanan, para sa kanilang mga damit, para sa pagkain at sa laman—kaninong mga pagkilos ang talagang para sa kapakanan ng Diyos? Kahit sa gitna ng mga kumikilos para sa Diyos, kaunti lang ang nakakakilala sa Diyos. Ilan ang hindi kumikilos upang mapanatili ang kanilang sariling kapakanan? Ilan ang hindi nang-aapi ng iba para sa pagpapanatili ng kanilang sariling katayuan? Kaya, ang Diyos ay sapilitang hinatulan ng kamatayan nang di mabilang na beses, di-mabilang na salbaheng hukom ang humatol sa Kanya at minsan pang ipinako Siya sa krus (“Ang Masama ay Nararapat Parusahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Iniisip ko kung bakit hindi ko hinanap ang katotohanan, kung paano sa pagganap ko sa aking tungkulin ay paulit-ulit akong nakipagkumpitensya sa aking mga katrabaho, kung paano ko pinipigil o inaayawan ang iba alang-alang sa aking reputasyon at pakinabang—kung paano ako nagdulot ng pagkawala kapwa sa buhay ko, at sa gawain ng pamilya ng Diyos. Bagama’t isinaayos ng Diyos ang maraming sitwasyon para iligtas ako, naging manhid ako at lubos kong hindi naunawaan ang layunin ng Diyos. Pero patuloy akong kinahabagan ng Diyos, iniligtas, at pagkatapos lamang ng paulit-ulit na pagkastigo at paghatol ako nagising at naunawaan ko na nais ng Diyos na iligtas tayo, na isinasantabi ang pagnanasa kong gumanda ang aking reputasyon at katayuan at magsimulang kumilos nang kaunti na parang tao.

Martes, Hulyo 17, 2018

Ano ang mga gumagawa ng paglilingkod?

💙💙💙💙💙
salita ng Diyos, kaharian,  kapalaran, karanasan, Buhay
💙💙💙💙💙
Nauugnay sa mga pagbibigkas ng Makapangyarihang Diyos
Yamang ganoon nga, magkakaroon ng isang bagong pamamaraan: Yaong mga nagbabasa ng Aking salita at tinatanggap ito bilang kanilang mismong buhay ay ang mga tao ng Aking kaharian. Yamang sila ay nasa Aking kaharian, sila ay ang Aking bayan sa kaharian. Sapagka't sila ay ginagabayan ng Aking mga salita, kahit na sila ay tinatagurian bilang Aking bayan, sila ay hindi kailanman sa ibaba ng Aking "mga anak". Bilang Aking bayan, lahat ay dapat maging tapat sa Aking kaharian at tuparin ang kanilang mga tungkulin, at yaong mga sumusuway sa Aking mga atas sa pangangasiwa ay dapat tumanggap ng Aking pagpaparusa. Ito ang Aking babala sa lahat.