Tagalog Christian Songs mp3 Free Download | Lahat ng Bagay ay Pagpapakita ng Awtoridad ng Maylikha
I
Sa bagong mundo, wala pa ang sangkatauhan,
inihanda ng Maylikha ang umaga at gabi.
Inihanda Niya ang kalangitan, lupa, at karagatan,
damo, halaman, inihanda Niya lahat ng puno.
Inihanda Niya mga liwanag, panahon, taon at araw
para sa bagong buhay na Kanyang nalalapit na likhain.
Ang awtoridad at kapangyarihan
ng Maylikha'y ipinahayag
sa bawat bagong bagay na Kanyang nilikha.
Lahat ng Kanyang kaisipan, pagbigkas,
bawat kapahayagan ng kapangyarihan
Niya'y obra maestra
sa lahat ng bagay, ito'y dakilang gawaing
karapat-dapat sa malalim
na kaalaman at kaunawaan ng sangkatauhan.