Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pedro. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pedro. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Enero 27, 2019

Bakit Ibinigay ni Jesus kay Pedro ang mga Susi ng Kaharian ng Langit?

Bakit Ibinigay ni Jesus kay Pedro ang mga Susi ng Kaharian ng Langit?

    
    “Nang dumating nga si Jesus sa mga sakop ng Cesarea ni Filipo, ay itinanong niya sa kaniyang mga alagad, na sinasabi, Ano baga ang sabi ng mga tao kung sino ang Anak ng tao? At kanilang sinabi, Anang ilan, Si Juan Bautista; ang ilan, Si Elias; at ang mga iba, Si Jeremias, o isa sa mga propeta. Kaniyang sinabi sa kanila, Datapuwa't, ano ang sabi ninyo kung sino ako? At sumagot si Simon Pedro at sinabi, Ikaw ang Cristo, Ang anak ng Dios na buhay” (Mateo 16:13-16).“Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit” (Mateo 16:19).

Lunes, Setyembre 17, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Nilikha'y Dapat Sakop ng Mga Pagsasaayos ng Diyos


Ebanghelyo, krus, Diyos, Pedro, Kanta ng Papuri



I
Anuman ang hinihiling ng Diyos sa iyo,
ibigay ang iyong lahat.
Sana'y magawa mong ipakita
ang 'yong katapatan sa Kanya sa katapusan.
Hangga't makita mo ang kalugod-lugod na ngiti ng Diyos
sa Kanyang trono
kahit na ito ang araw ng iyong paglisan sa mundong ito
magagawa mong tumawa,
at ngumiti habang nakasara ang iyong mga mata.
Ano ang kaya mong gawin para sa Diyos,
para sa Diyos, o isang nilikha?
Pasakop ang sarili mo sa pagsasaayos N'ya, pagsasaayos N'ya.
Hangga't ang Diyos ay masaya't nalulugod,
hayaan Siyang gawin anumang nais Niya.
Ano ang karapatan ng tao na magreklamo?

Sabado, Marso 24, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol

karanasan, buhay, krus, Pedro, Espiritu


    Noong siya ay kinakastigo ng Diyos, nanalangin si Pedro, “O Diyos! Ang aking laman ay masuwayin, at kinakastigo Mo ako at hinahatulan ako. Ako ay nagagalak sa Iyong pagkastigo at paghatol, at kahit hindi Mo ako nais, sa Iyong paghatol ay nakikita ko ang Iyong banal at matuwid na disposisyon. Kapag hinahatulan Mo ako, upang makita ng iba ang Iyong matuwid na disposisyon sa Iyong paghatol, ako ay nasisiyahan. Kung ito ay makapagtatanghal ng Iyong disposisyon, at magtutulot na ang Iyong matuwid na disposisyon ay makita ng lahat ng mga nilalang, at kung madadalisay nito nang higit ang aking pag-ibig sa Iyo, upang aking matamo ang larawan ng isa na matuwid, kung gayon ang Iyong paghatol ay mabuti, sapagka’t gayon ang Iyong mapagpalang kalooban. Batid ko na malaki pa rin sa akin ang mapanghimagsik, at na ako ay hindi pa rin naaangkop na lumapit sa harap Mo. Nais ko para sa Iyo na hatulan pa ako nang higit, kung sa pamamagitan man ito ng palabang kapaligiran o malaking mga kapighatian; sa paanong paraan Mo man ako hatulan, para sa akin ito ay napakahalaga. Ang Iyong pag-ibig ay napakalalim, at ako ay payag na ihain ang aking sarili sa Iyong kahabagan nang walang munti mang pagdaing.” Ito ang kaalaman ni Pedro pagkatapos niyang maranasan ang gawa ng Diyos, at ito rin ay isang patotoo sa kanyang pag-ibig sa Diyos. Ngayon, kayo ay nalupig na—nguni’t sa paanong paraan ang pagkalupig na ito ay naihahayag sa inyo? May mga taong nagsasabi, “Ang paglupig sa akin ay ang pinakamataas na biyaya at pagtataas ng Diyos. Ngayon ko lamang napagtanto na ang buhay ng tao ay hungkag at walang halaga. Ang mabuhay ay lubhang walang kabuluhan, mas gugustuhin ko pang mamatay. Bagaman ginugugol ng tao ang kanyang buhay sa pagmamadali, pamumunga at pagpapalaki ng henerasyon pagkatapos ng isa pang henerasyon ng mga bata, sa kasukdulan ay walang matitira sa tao. Ngayon, pagkatapos lamang na malupig ng Diyos ay nakita ko na walang kabuluhan ang pamumuhay sa ganitong paraan; ito ay tunay na walang-kahulugang buhay. Mabuti pang mamatay ako at matapos na ito!” Ang gayon bang mga tao na nalupig ay matatamo ng Diyos? Sila ba ay maaaring maging halimbawa at huwaran? Ang gayong mga tao ay mga aral sa pagiging walang-pakialam, wala silang mga hangarin, at hindi nagsisikap upang mapabuti ang kanilang mga sarili! Bagaman sila ay nabibilang sa nalupig, ang gayong mga tao na walang-pakialam ay hindi kayang gawing perpekto. Noong malapit na siyang mamatay, pagkatapos siyang magawang perpekto, sinabi ni Pedro, “O Diyos! Kung ako ay mabubuhay ng ilan pang mga taon, nais kong magkaroon nang higit pang dalisay at higit pang malalim na pag-ibig sa Iyo.” Noong siya ay ipapako na sa krus, nanalangin siya sa kanyang puso, “O Diyos! Ang Iyong panahon ay ngayon dumating, ang panahong Iyong inihanda para sa akin ay dumating na. Ako ay dapat maipako sa krus para sa Iyo, dapat kong dalhin itong patotoo sa Iyo, at ako ay umaasa na ang aking pag-ibig ay makatutugon sa Iyong mga kinakailangan, at na ito ay magiging higit pang dalisay. Ngayon, ang makayang mamatay para sa Iyo, at maipako sa krus para sa Iyo, ay umaaliw at nagbibigay-katiyakan sa akin, sapagka’t wala nang higit pang kasiya-siya sa akin kaysa makayang mapako sa krus para sa Iyo at mabigyang-kasiyahan ang Iyong mga kanaisan, at makayang ibigay ang sarili ko sa Iyo, maialay ang aking buhay sa Iyo. O Diyos! Ikaw ay lubhang kaibig-ibig! Kung tutulutan Mo akong mabuhay, lalo pa akong magiging handang ibigin Ka. Habang ako ay buhay, iibigin Kita. Nais kong ibigin Ka pa nang higit na malalim. Hatulan Mo ako, at kastiguhin ako, at subukin ako dahil ako ay hindi matuwid, dahil ako ay nagkasala. At ang Iyong matuwid na disposisyon ay nagiging higit na maliwanag sa akin. Ito ay isang pagpapala sa akin, sapagka’t naiibig Kita nang higit na malalim, at handa akong ibigin Ka sa ganitong paraan kahit na hindi Mo ako iniibig. Handa akong makita ang Iyong matuwid na disposisyon, sapagka’t mas lalo ako nitong binibigyang-kakayahan upang isabuhay ang isang makahulugang buhay. Nararamdaman ko na ang buhay ko ngayon ay higit na may kabuluhan, sapagka’t ipinapako ako sa krus para sa Iyong kapakanan, at napakahalagang mamatay alang-alang sa Iyo. Gayun pa man hindi pa rin ako nakakaramdam na nasisiyahan, sapagka’t lubhang kakaunti lamang ang nalalaman ko hinggil sa Iyo, batid ko na hindi ko ganap na matutupad ang Iyong mga iniaatas, at kakaunti lamang ang mga naibayad ko sa Iyo. Sa aking buhay, hindi ko nakayang ibigay ang buong sarili ko sa Iyo; malayo pa ako roon. Habang lumilingon ako sa sandaling ito, nararamdaman ko ang lubhang pagkakautang ko sa Iyo, mayroon na lamang ako ng sandaling ito upang bumawi mula sa lahat ng mga pagkakamali ko at lahat ng pag-ibig na hindi ko naibalik sa Iyo.”

Martes, Marso 20, 2018

Ang tinig ng Diyos | Paano Mo Dapat Lakaran Ang Huling Bahagi ng Landas

Jesus, Pedro , krus, Espiritu, Langit



Ang tinig ng Diyos |  Paano Mo Dapat Lakaran Ang Huling Bahagi ng Landas


Jesus, Pedro , krus, Espiritu, Langit


    Kayo ngayon ay nasa huling bahagi ng landas, at ito ay isang kritikal na bahagi nito. Marahil ay nabata mo ang di-kakaunting pagdurusa, gumawa ng napakaraming gawain, nilakbay ang maraming daan, at nakinig sa maraming mga sermon, at hindi naging madali na magawa ito hanggang sa ngayon. Kung hindi mo matiis ang pagdurusa na nasa harap mo at kung magpapatuloy ka kagaya nang ginawa mo noong nakaraan, kung gayon hindi ka maaaring gawing perpekto. Ito ay hindi para takutin ka—ito ay isang katunayan. Pagkatapos sumailalim ni Pedro sa di-kakaunting gawain ng Diyos, nagkamit siya ng ilang kabatiran at ng napakaraming pagkilatis. Naunawaan din niya ang di-kakaunting panuntunan ng paglilingkod, at kinalaunan ay nagawa niyang ganap na magtalaga sa kung ano ang ipinagkatiwala sa kanya ni Jesus. Ang malaking pagpipino na kanyang tinanggap ay karamihan dahil sa mga bagay na kanyang ginawa, naramdaman niya na marami siyang pagkakautang sa Diyos at hindi niya kailanman magagawa na makabawi sa Kanya, at kinilala niya na ang sangkatauhan ay masyadong tiwali, kaya nagkaroon siya ng nababagabag na konsiyensya. Si Jesus ay maraming bagay na ang nasabi sa kanya at sa panahong iyon mayroon lamang siyang kaunting pagkaunawa. May mga pagkakataon na nakabuo pa rin siya ng paglaban at pagiging mapanghimagsik. Pagkatapos mapako si Jesus sa krus, nagkaroon din siya sa wakas ng kaunting pagkamulat at nadama na siya talaga ang dapat sisihin. Sa bandang huli umabot ito sa isang punto kung saan siya ay nagulumihanan kapag nagkaroon siya ng ideya na hindi tama. Alam na alam niya ang kanyang sariling katayuan, at alam na alam din niya ang kabanalan ng Panginoon. Bilang resulta, isang puso ng pag-ibig para sa Panginoon ang yumabong sa kanya nang higit pa, at lalong nagtuon pa siya ng pansin sa kanyang buhay. Dahil dito ay nagdanas siya ng malalaking paghihirap, at bagamat may mga pagkakataon na parang mayroon siyang malalang karamdaman at mistula pang nasa pintuan na ng kamatayan, pagkatapos pinuhin sa ganitong paraan nang maraming beses, nagkaroon siya ng mas maraming pagkaunawa sa kanyang sarili, at sa ganitong paraan lamang niya napaunlad ang tunay na pag-ibig para sa Panginoon. Maaaring sabihin na ang kanyang buong buhay ay ginugol sa pagpipino at higit sa rito, ay ginugol sa pagkastigo. Ang kanyang karanasan ay naiiba mula sa karanasan ng sinumang tao, at nilampasan ng kanyang pag-ibig ang sa sinuman na hindi naging perpekto. Ang dahilan kung bakit siya pinili bilang isang huwaran ay dahil sa naranasan niya ang pinakamatinding paghihirap sa kabuuang buhay niya at ang kanyang mga karanasan ay ang pinakamatagumpay. Kung nagagawa ninyo talagang lakaran ang huling bahagi ng landas kagaya lang ni Pedro, kung gayon walang sinumang nilalang ang makaaagaw sa inyong mga pagpapala.