Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)

23

Linggo, Enero 27, 2019

Bakit Ibinigay ni Jesus kay Pedro ang mga Susi ng Kaharian ng Langit?

Bakit Ibinigay ni Jesus kay Pedro ang mga Susi ng Kaharian ng Langit?

    
    “Nang dumating nga si Jesus sa mga sakop ng Cesarea ni Filipo, ay itinanong niya sa kaniyang mga alagad, na sinasabi, Ano baga ang sabi ng mga tao kung sino ang Anak ng tao? At kanilang sinabi, Anang ilan, Si Juan Bautista; ang ilan, Si Elias; at ang mga iba, Si Jeremias, o isa sa mga propeta. Kaniyang sinabi sa kanila, Datapuwa't, ano ang sabi ninyo kung sino ako? At sumagot si Simon Pedro at sinabi, Ikaw ang Cristo, Ang anak ng Dios na buhay” (Mateo 16:13-16).“Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anomang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit; at anomang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit” (Mateo 16:19).


     Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sumunod si Pedro kay Jesus nang ilang taon at maraming mga bagay siyang nakita kay Jesus na wala sa mga tao. ... Bawa’t galaw ni Jesus ay nagsilbing halimbawa para sa kanya sa kanyang buhay, at ang mga sermon ni Jesus ay tanging nakaukit sa kanyang puso. Siya ay napakamaalalahanin at nakaalay kay Jesus, at hindi siya nagkaroon ng anumang hinaing kay Jesus. Ito ay dahil siya ay naging tapat na kasama saanman Siya magpunta. Minasdan ni Pedro ang mga pagtuturo ni Jesus, ang Kanyang marahang mga salita, at kung ano ang kinain Niya, isinuot, ang Kanyang pang-araw-araw na buhay, at Kanyang mga paglalakbay. Sinundan Niya ang halimbawa ni Jesus sa lahat ng paraan. Hindi siya matuwid-sa-sarili, nguni’t iwinaksi niya ang lahat ng kanyang dating makalumang mga bagay at sinundan ang halimbawa ni Jesus sa salita at gawâ. Noon niya nadama na ang mga kalangitan at lupa at lahat ng mga bagay ay nasa mga kamay ng Makapangyarihan, at sa kadahilanang ito hindi siya nagkaroon ng kanyang sariling pagpili, nguni’t kinuha ang lahat ng kung ano si Jesus upang magsilbing kanyang halimbawa.”
mula sa “Tungkol sa Buhay ni Pedro”

     “Matapos ang isang panahon ng karanasan, nakita ni Pedro kay Jesus ang maraming mga gawa ng Diyos, nakita ang kagandahan ng Diyos, at nakita ang malaking bahagi ng pagka-Diyos ng Diyos kay Jesus. Kaya nakita rin niya na hindi maaaring masambit ng tao ang mga salita ni Jesus, at hindi magagawa ng tao ang gawaing ginawa ni Jesus. Sa mga salita at kilos ni Jesus, sa karagdagan, nakita ni Pedro ang malaking bahagi ng karunungan ng Diyos, at higit pang banal na gawain. Sa kanyang mga karanasan, hindi lamang niya nakilala ang kanyang sarili, datapwa’t nakatutok din sa pagmamasid sa mga kilos ni Jesus, kung saan mula rito ay nakatuklas siya ng maraming bagong mga bagay; ang mga ito nga, na mayroong maraming pagpapahayag ng praktikal na Diyos sa gawa na ginawa ng Diyos sa pamamagitan ni Jesus, at na ang mga salita ni Jesus, mga kilos, ang mga paraan kung paano Niya pinapastol ang mga iglesia at ang gawain na tinupad Niya ay kakaiba mula sa sinumang ordinaryong tao. Kaya, mula kay Jesus natuto siya ng maraming mga aral na dapat niyang matutunan, at sa panahong si Jesus ay malapit nang ipako sa krus, nakatamo siya ng kaunting pagkakilala kay Jesus—isang pagkakilala na siyang batayan ng kanyang habambuhay na katapatan kay Jesus, at ng kanyang pagkapako nang nakatiwarik para sa kapakanan ni Jesus.”


mula sa “Tanging ang mga Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento