Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na krus. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na krus. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Nobyembre 26, 2018

Huwag Kang Makialam | "Paglalantad sa Katotohanan ng Pagkalaban ng mga Fariseo sa Diyos"



Huwag Kang Makialam | "Paglalantad sa Katotohanan ng Pagkalaban ng mga Fariseo sa Diyos"
       Nang magpakita at gumawa ang Panginoong Jesus, mabangis na siniraan, tinuligsa, at nilapastangan ng mga Judiong saserdote, eskriba, at Fariseo ang Panginoong Jesus. Ipinako nila sa krus ang Panginoong Jesus, at pinigilan ang mga tao na tanggapin ang Panginoong Jesus. Sa mga huling araw, muling nagkatawang-tao ang Diyos. Nagpakita na Siya at ginagawa Niya ang gawain. Muling mabangis na kinalaban at tinuligsa ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, na pinipigilan ang mga nananalig sa ayaw at sa gusto nila na tanggapin ang Makapangyarihang Diyos. Bakit kinalaban at tinuligsa ng mga pinuno ng mga relihiyon ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, nang magpakita Siya at gawin Niya ang gawain? Ano ang pinagmulan at tunay na katangian ng pagkalaban ng mga pinuno ng mga relihiyon?

Lunes, Setyembre 17, 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Nilikha'y Dapat Sakop ng Mga Pagsasaayos ng Diyos


Ebanghelyo, krus, Diyos, Pedro, Kanta ng Papuri



I
Anuman ang hinihiling ng Diyos sa iyo,
ibigay ang iyong lahat.
Sana'y magawa mong ipakita
ang 'yong katapatan sa Kanya sa katapusan.
Hangga't makita mo ang kalugod-lugod na ngiti ng Diyos
sa Kanyang trono
kahit na ito ang araw ng iyong paglisan sa mundong ito
magagawa mong tumawa,
at ngumiti habang nakasara ang iyong mga mata.
Ano ang kaya mong gawin para sa Diyos,
para sa Diyos, o isang nilikha?
Pasakop ang sarili mo sa pagsasaayos N'ya, pagsasaayos N'ya.
Hangga't ang Diyos ay masaya't nalulugod,
hayaan Siyang gawin anumang nais Niya.
Ano ang karapatan ng tao na magreklamo?

Sabado, Hulyo 21, 2018

Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi?


       Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang kasaysayan ay umuunlad pasulong, pati na ang gawain ng Diyos, at ang kalooban ng Diyos ay patuloy na nagbabago. Hindi magiging praktikal para sa Diyos na magpanatili ng isang yugto ng gawain sa anim na libong taon, sapagkat alam ng lahat ng tao na Siya ay laging bago at hindi kailanman luma. Hindi Niya maaaring ipagpatuloy na katigan ang gawaing kahalintulad ng pagpapako sa krus, ng isa, dalawa, tatlong beses ... na mapako sa krus. Ito ang pagkaunawa ng isang kakatwang tao. Hindi itinataguyod ng Diyos ang parehong gawain, at ang Kanyang gawain ay pabago-bago at laging bago, tulad sa kung paano Ako araw-araw na nakikipag-usap sa inyo sa mga bagong salita at gumagawa ng mga bagong gawain. Ito ang gawain na Aking ginagawa, ang susi nito ay nakatuon sa mga salitang “bago” at “kamangha-mangha.” “Ang Diyos ay hindi nagbabago, at ang Diyos ay palaging magiging Diyos”; ang kasabihang ito ay talagang totoo. Ang kakanyahan ng Diyos ay hindi nagbabago, ang Diyos ay laging Diyos, at Siya ay hindi kailanman magiging si Satanas, ngunit hindi ito nagpapatunay na ang Kanyang gawain ay palagian at walang-pagbabago tulad ng Kanyang kakanyahan. Ipinahahayag mo na ang Diyos ay ganito, ngunit paano mo samakatwid maipapaliwanag na ang Diyos ay laging bago at hindi kailanman luma? Ang gawain ng Diyos ay patuloy na lumalaganap at palagiang nagbabago, at ang kalooban ng Diyos ay patuloy na naipapakita at ipinapaalam sa mga tao."


Rekomendasyon:Sa Aba sa mga Yaon na Muling Magpapako sa Diyos sa Krus





Sabado, Hunyo 30, 2018

Regenerated in God’s Word

Jesus, buhay, kaligtasan, krus, Kaharian,

Wang Gang    Shandong Province
  I was a peasant. As my family was poor, I kept working everywhere to make money, just wanting to live a better life through my own labor. However, in real life I saw that the lawful rights and interests of a rural worker like me couldn’t be guaranteed at all. My wages were often withheld for no reason. Deceived and exploited by others again and again, I couldn’t get the payment I deserved for a year’s hard work. I felt that the world was too dark! People lived by the law of the jungle like animals and contended with and fought against each other. There was simply no place for me to live. When I was extremely distressed and depressed in my heart and lost confidence in life, a friend preached Almighty God’s end-time salvation to me. From then on, I often had meetings with the brothers and sisters, and we prayed, sang, and fellowshipped about the truth together. We learned from each other and made up for each other’s deficiencies, and I felt especially happy and released. In the Church of Almighty God, I saw that there was no deception or distinction of position among the brothers and sisters. We were all simple and open and lived in harmony. In order to cast off the corrupt disposition and live out the likeness of a man and thus be saved, all of us were striving to pursue the truth, which let me taste the happiness of life and understand the value and meaning of life. Therefore, I always felt that I should preach the gospel so that more people who lived in darkness could come before God to be saved by God and see the light again. So, I joined in preaching the gospel to testify God. However, I never expected that I would be arrested by the CCP government for preaching the gospel and suffer the extremely cruel tortures and imprisonment.

Lunes, Hunyo 11, 2018

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ano ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao

*★**★**★**★**★**★**★**★*

Jehovah, Langit, Jesus, krus, buhay

Ang pamamahala sa tao ang Aking gawain, at ang siya ay malupig Ko ay isang bagay na tunay na naitakda noong likhain Ko ang mundo. Maaring hindi alam ng mga tao na ganap Ko silang lulupigin sa mga huling araw at maaari ding walang kamalay-malay na ang katibayan ng Aking pagtalo kay Satanas ay ang paglupig sa mga mapaghimagsik sa gitna ng sangkatauhan. Ngunit, nang ang Aking kaaway ay nakipaglaban sa Akin, napagsabihan Ko na ito na Ako ang magiging tagalupig nilang nabihag na ni Satanas at ginawang mga anak nito at mga tapat nitong tagapaglingkod na nagbabantay ng bahay nito. Ang orihinal na kahulugan ng lupigin ay talunin, upang isailalim sa kahihiyan. Kasama sa wika ng mga Israelita, ito ay upang ganap na talunin, sirain, at alisan ng kakayahan sa higit pang paglaban sa Akin. Nguni’t ngayon, gaya ng paggamit sa gitna ninyong mga tao, ang kahulugan nito ay lupigin. Dapat ninyong malaman na ang Aking hangarin ay ganap na patayin at pasukuin ang masama sa sangkatauhan, upang hindi na ito makapaghimagsik laban sa Akin, lalong hindi magkaroon ng pagkakataon upang guluhin o gambalain ang Aking gawain. Sa gayon, sa kaalaman ng tao, nagkaroon ito ng kahulugan na paglupig. Anuman ang mga ipinahihiwatig ng salita, ang Aking gawain ay talunin ang sangkatauhan. Sapagka’t, magkagayunman na ang sangkatauhan ay kasama sa Aking pamamahala, sa higit na eksaktong pananalita, ang sangkatauhan ay walang iba kundi Aking kaaway. Ang sangkatauhan ay ang masama na sumasalungat at sumusuway sa Akin. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang anak ng masama na Aking isinumpa. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang inapo ng arkanghel na nagkanulo sa Akin. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang pamana ng diyablo na, tinanggihan Ko nang matagal na, ay naging Aking hindi muling-makakasundong kaaway mula noon. Sa ibabaw ng sangkatauhan, ang papawirin ay bumababa, madilim at malungkot, walang anumang banaag ng kalinawan, at ang mundo ng tao ay nalubog sa lubhang kadiliman, upang ang isa na nabubuhay dito ay hindi man lamang makita ang kanyang nakaunat na kamay sa harap ng kanyang mukha o ang araw kapag siya ay tumitingala. Ang daan sa ilalim ng kanyang mga paa, maputik at puno ng lubak, ay paliku-liko; ang buong lupain ay nakakalatan ng mga bangkay. Ang madidilim na mga sulok ay puno ng mga labi ng patay, at sa malamig at madidilim na mga sulok ay naninirahan ang mga pulutong ng mga demonyo. At saanman sa mundo ng mga tao ang mga demonyo ay umaalis at dumarating nang sama-sama. Ang mga anak ng lahat ng klase ng mga ganid, puno ng putik, ay subsob sa matinding paglalaban-laban, na ang ingay ay nakasisindak sa puso. Sa gayong mga pagkakataon, sa gayong mundo, gayong “makalupang paraiso,” Saan tutungo ang isa upang maghanap ng kagalakan ng buhay? Saan pupunta ang isa upang masumpungan ang hantungan ng kanyang buhay? Ang sangkatauhan, niyurakan sa ilalim ng mga paa ni Satanas matagal nang nakalipas, mula pa sa simula ay naging artistang tinataglay ang larawan ni Satanas–lalong-lalo na, ang pagsasakatawan ni Satanas, nagsisilbing katibayan na sumasaksi kay Satanas, malinaw na malinaw. Paanong ang ganyang lahi ng tao, ang gayong pangkat na masama't kasuklam-suklam, at ang ganyang supling ng masamang pamilyang ito ng tao ay sasaksi sa Diyos? Saan nagmumula ang Aking luwalhati? Saan ang isa ay maaaring mag-umpisang magsalita ng Aking pagsaksi? Dahil ang kaaway na, nagawang masama ang sangkatauhan, naninindigan laban sa Akin, ay nakuha na ang sangkatauhan—ang sangkatauhang nilikha Ko noong sinaunang panahon at napuspos ng Aking luwalhati at Aking pagsasabuhay—at dinumihan sila. Naagaw na nito ang Aking luwalhati, at ang tanging inilipos nito sa tao ay lasong labis na hinaluan ng kapangitan ni Satanas, at katas mula sa bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama. Sa pasimula, Aking nilikha ang sangkatauhan, ibig sabihin, Aking nilikha ang ninuno ng sangkatauhan, si Adan. Siya ay binigyan ng anyo at larawan, puno ng kalakasan, puno ng buhay, at, higit pa rito, nasa piling ng Aking luwalhati. Iyan ang maluwalhating araw nang Aking nilikha ang tao. Pagkatapos niyan, si Eba ay ibinunga mula sa katawan ni Adan, at siya rin ay ang ninuno ng tao, kaya’t ang mga taong Aking nilalang ay puno ng Aking hininga at puno ng Aking luwalhati. Si Adan ay orihinal na isinilang mula sa Aking kamay at ang pagkakatawan ng Aking larawan. Sa gayon ang orihinal na kahulugan ng “Adan” ay isang katauhan na nilikha Ko, sinamahan ng Aking buhay na lakas, sinamahan ng Aking luwalhati, nagtataglay ng anyo at larawan, nagtataglay ng diwa at hininga. Siya ang nag-iisang nilalang, may angking espiritu, na may kakayahan ng pagkatawan sa Akin, ng pagtataglay ng Aking larawan, at pagtanggap ng Aking hininga. Sa pasimula, si Eba ang ikalawang taong pinagkalooban ng hininga na ang paglikha ay Aking naitalaga, kaya ang orihinal na kahulugan ng “Eba” ay isang nilikhang magpapatuloy sa Aking luwalhati, puno ng Aking sigla at lalo pang masaganang pinagkalooban ng Aking luwalhati. Si Eba ay nagmula kay Adan, kaya taglay rin niya ang Aking larawan, sapagka’t siya ang ikalawang taong nilalang sa Aking larawan. Ang orihinal na kahulugan ng “Eba” ay isang buhay na tao, may espiritu, laman, at buto, ang Aking ikalawang patotoo gayundin ang Aking ikalawang larawan sa gitna ng sangkatauhan. Sila ang mga ninuno ng sangkatauhan, ang dalisay at mahalagang kayamanan ng tao, at, mula sa nauna, ay buhay na mga nilalang na pinagkalooban ng espiritu. Subali’t kinuha ng masama ang mga anak ng mga ninuno ng sangkatauhan at niyurakan sila at binihag sila, inilulubog ang mundo ng tao sa ganap na kadiliman, at ginagawa ito upang ang mga anak ay hindi na maniniwala sa Aking pag-iral. Lalo pang higit na kasuklam-suklam na, habang ang siyang masama ay pinasasama ang mga tao at niyuyurakan sila, malupit nitong inaagaw ang Aking luwalhati, ang Aking patotoo, ang siglang ipinagkaloob Ko sa kanila, ang hininga at ang buhay na iniihip Ko tungo sa kanila, ang buo Kong luwalhati sa mundo ng tao, at ang lahat ng dugo ng puso na Aking nagugol sa sangkatauhan. Ang sangkatauhan ay wala na sa liwanag, at naiwala na ang lahat ng Aking naipagkaloob sa kanila, tinatanggal ang luwalhating Aking naipagkaloob. Paano nila maaaring kilalanin na Ako ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang? Paano sila makapagpapatuloy na maniwala sa Aking pag-iral sa langit? Paano nila matutuklasan ang mga pagpapamalas ng Aking luwalhati sa ibabaw ng lupa? Paano maipapalagay ng mga apong lalaki at babaeng ito ang Diyos na iginalang ng kanilang sariling mga ninuno bilang ang Panginoon na lumikha sa kanila? Malugod na "iniharap" nitong mga kawawang apong lalaki at babae sa masama ang luwalhati, ang larawan, gayundin ang patotoo na ipinagkaloob Ko kina Adan at Eba, gayundin ang buhay na ipinagkaloob Ko sa sangkatauhan at kung saan sila ay umaasa upang umiral, at, nang wala ni katiting na pag-aalala sa presensya ng masama, ay naibigay ang Aking buong luwalhati dito. Hindi ba’t ito ang pinagmulan ng paggamit ng “linab”? Paanong maaangkin ng gayong sangkatauhan, gayong kasamang mga demonyo, gayong lumalakad na mga bangkay, gayong mga anyo ni Satanas, at gayong Aking mga kaaway ang Aking kaluwalhatian? Aangkinin Kong muli ang Aking kaluwalhatian, aangkinin ang Aking patotoo na umiiral sa gitna ng mga tao, at lahat ng dating pag-aari Ko na ibinigay Ko sa sangkatauhan noong unang panahon—lulupigin Kong ganap ang sangkatauhan. Gayunman, dapat mong malaman, ang mga taong nilikha Ko ay mga banal na tao na taglay ang Aking larawan at Aking luwalhati. Hindi sila pag-aari ni Satanas, ni sakop sila ng pagyurak nito, kundi Aking kahayagan lamang, malaya sa katiting na bahid ng lason ni Satanas. At gayon nga, hinahayaan Ko ang sangkatauhan na malaman na ang tanging nais Ko ay yaong nilikha ng Aking kamay, ang mga banal na Aking minamahal at hindi pag-aari ng iba pang kalikhaan. Bukod diyan, masisiyahan Ako sa kanila at ituturing silang Aking luwalhati. Datapwa’t, ang nais Ko ay Hindi ang sangkatauhan na nagawang masama ni Satanas, na pag-aari ni Satanas ngayon, at hindi na ang Aking orihinal na likha. Dahil layunin Kong angkining muli ang Aking luwalhati na umiiral sa mundo ng tao, kakamtin Ko ang ganap na paglupig sa mga natitirang nakaligtas sa gitna ng sangkatauhan, bilang patunay ng Aking luwalhati sa pagtalo kay Satanas. Tanging ang Aking patotoo ang tinatanggap Ko bilang pagliliwanag ng Aking sarili, bilang layon ng Aking kasiyahan. Ito ang Aking kalooban.

Huwebes, Hunyo 7, 2018

Ipinropesiya ng Panginoong Jesus Mismo na magkakatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw at magpapakita bilang Anak ng tao para gumawa ng gawain

══════════════ ♡♡♡ ════════════
Biblia, Cristo, Iglesia, Jesus, Krus


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

    “Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka't sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating” (Lucas 12:40).

Sapagka't gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan” (Lucas 17:24-25).

    “Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6).

    “Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko” (Pahayag 3:20).

    “Narito, ako'y pumaparitong gaya ng magnanakaw. Mapalad siyang nagpupuyat, at nagiingat ng kaniyang mga damit, na baka siya'y lumakad na hubad, at makita nila ang kaniyang kahihiyan” (Pahayag 16:15).

    “At ako'y lumingon upang makita ang tinig na nagsasalita sa akin. At nang ako'y lumingon ay nakita ko ang pitong kandelerong ginto: At sa gitna ng mga kandelero ay may isang katulad ng isang anak ng tao, na may suot na damit hanggang sa paa, at may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto. At ang kaniyang ulo at ang kaniyang buhok ay mapuputing gaya ng balahibong maputi ng tupa, gaya ng niebe; at ang kaniyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; At ang kaniyang mga paa ay katulad ng tansong binuli, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang kaniyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig. At sa kaniyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa kaniyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim: at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat ng matindi” (Pahayag 1:12-16).

Martes, Hunyo 5, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang tinig ng Diyos | Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (2)

★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★
pananampalataya sa Diyos, Jehovah, krus, pagmamahal sa Diyos, Langit


    Dati kayong naghangad na maghari bilang mga hari, at ngayon hindi pa rin ninyo ganap itong isinasantabi; nais pa rin ninyong mamahala bilang hari, upang hawakan ang langit at tumulong sa lupa. Ngayon, pag-isipan ito: Iyo bang taglay ang mga nasabing kwalipikasyon? Hindi ka ba nawawalan ng pakiramdam? Makatotohanan ba ang bagay na inyong hinahanap at pinagtutuunan ng pansin? Hindi man lang ninyo taglay ang normal na pagkatao—hindi ba ito kahabag-habag? Kaya, ngayon binanggit Ko lang ang pagiging nalupig, pagtaglay ng pagpapatotoo, pagpapabuti ng iyong kakayahan, at pagpasok sa landas ng pagiging perpekto, at wala nang ibang sasabihin. Pagod na ang ilang tao sa purong katotohanan, at kapag nakita nila ang lahat ng pag-uusap ng karaniwang normal na pagkatao at pagpapabuti ng kakayahan ng mga tao, sila ay nag-aatubili. Ang mga hindi nagmamahal sa katotohanan ay hindi madaling gawing perpekto. Kung kayo ay papasok ngayon, at kikilos ayon sa kalooban ng Diyos, sa bawat hakbang, maaari ka bang maalis? Matapos ang labis na gawain sa lupain ng Tsina—ang naturang napakalaking gawain—at matapos ng napakaraming salitang binigkas, maaari bang magpaubaya ang Diyos? Ihahatid ba Niya ang mga tao paibaba sa hukay na hindi maarok? Ang mahalaga ngayon ay dapat ninyong malaman ang kahalagahan ng tao, at dapat malaman kung ano ang dapat ninyong pasukin; dapat kang magsalita ng pagpasok sa buhay, at mga pagbabago sa katangian, kung paano ba talaga ang malupig, at kung paanong ganap na sumunod sa Diyos, na magdala ng huling pagpapatotoo sa Diyos, at makamit ang pagsunod hanggang kamatayan. Kailangan mong tumuon sa mga bagay na ito, at ang mga hindi makatotohanan o mahalaga ay kinakailangan munang isantabi at hindi isinasaalang-alang. Ngayon, dapat mong mabatid kung paano malupig, at kung paano ikilos ng mga tao ang kanilang sarili matapos na sila ay malupig. Maaaring ikaw ay siya nang nalupig, ngunit maaari ka bang sumunod hanggang kamatayan? Kailangan mong magawang sumunod hanggang sa pinakasukdulan hindi alintana kung mayroong anumang tagumpay, at hindi ka dapat mawalan ng pananampalataya sa Diyos sa kahit ano mang larangan. Sa huli, kailangan mong matamo ang dalawang aspeto ng pagpapatotoo: ang patotoo ni Job—pagtupad hanggang kamatayan—at ang patotoo ni Pedro—ang kataas-taasang pagmamahal ng Diyos. Sa isang banda, kailangan mong maging gaya ni Job: Siya ay walang ari-ariang materyal, at siyang pinahirapan ng sakit ng katawang-tao, nguni't hindi niya tinalikuran ang pangalan ng Jehovah. Ito ang testimonya ni Job. Nagawang mahalin ni Pedro ang Diyos hanggang kamatayan. Noong siya ay namatay—noong siya ay ipinako sa krus—nanatili ang kanyang pagmamahal sa Diyos; hindi niya inisip ang kanyang sariling mga inaasam o maghanap ng maluwalhating pag-asa o maluhong saloobin, at ninais lamang niya na mahalin ang Diyos at sundin ang lahat ng mga pagsasa-ayos ng Diyos. Iyan ang batayan na dapat mong makamit bago ka ituring na nagpatotoo, bago ka maging isang tao na ginawang perpekto matapos na malupig. Ngayon, kung tunay na batid ng mga tao ang kanilang sariling kahalagahan at estado, maghahanap pa ba sila ng mga inaasam at pag-asa? Ito ang dapat mong malaman: Hindi alintana kung ginawa akong perpekto ng Diyos, dapat akong sumunod sa Diyos; ang lahat ng Kanyang ginagawa ngayon ay mabuti, at para sa ating kapakanan, at upang ang ating disposisyon ay maaaring magbago at maaari nating tanggalin sa ating sarili ang impluwensya ni Satanas, upang hayaan tayong mamuhay sa lupain ng mga marurumi at ngunit maaari natin pawalan ang ating sarili sa karumihan, ipagpag ang dumi at impluwensiya ni Satanas, upang magawa nating iwanan ang impluwensiya ni Satanas. Siyempre, ito ang kinakailangan sa iyo, ngunit para sa Diyos ito ay isa lamang paglupig, upang ang mga tao ay magkaroon ng matatag na kapasyahan na tumalima, at maaring sumailalim sa lahat ng Pagtutugma ng Diyos, na siya lamang kinakailangan. Ngayon, karamihan sa mga tao ay nalupig na, ngunit sa loob nila ay marami pa ring mga paghihimagsik at pagsuway. Ang totoong estado ng mga tao ay masyadong maliit, at sila ay bumabangon lamang kung may mga pag-asa at pagkakataon; kung wala, sila ay nagiging negatibo, at nag-iisip pa na lisanin ang Diyos. At ang mga tao ay walang matinding pagnanais upang hanapin ang pagsasabuhay ng normal na pagkatao. Hindi iyon maaari! Kaya, dapat Ko pa rin pag-usapan ng paglupig. Sa katunayan, nangyayari ang kasakdalan kasabay ng paglupig: Kung ikaw ay nalupig, ang unang epekto ng pagiging perpekto ay nakamit. Kung saan mayroong pagkakaiba sa pagitan ng pagka-lupig at kasakdalan, ito ay ayon sa antas ng pagbabago sa mga tao. Ang pagkalupig ay ang unang hakbang ng pagiging perpekto, at hindi nangangahulugang sila ay lubusang ginawang perpekto, o napatotohanang sila ay ganap nang nahimok ng Diyos. Matapos lupigin ang tao, may ilang mga pagbabago sa kanilang katangian, ngunit ang mga nasabing pagbabago ay lubhang kaunti kaysa sa mga tao na ganap nang makamtan ng Diyos. Ngayon, ang nagawa na ay ang paunang gawain upang gawing perpekto ang mga tao—nilulupig sila—at kung hindi mo makamit ang panlulupig, walang paraan upang ikaw ay gawing perpekto at lubusang makamtan ng Diyos. Ikaw ay makakukuha lamang ng ilang salita ng pagpaparusa at paghatol, ngunit hindi nila ganap na mapagbabago ang iyong puso. Kaya ikaw ay isa sa mga maaalis; ito ay hindi naiiba mula sa pagtingin sa isang katakam-takam na kapistahan sa ibabaw ng mesa ngunit hindi kinakain ito. Hindi ba ito trahedya? At kaya dapat kang humanap ng mga pagbabago: Ito man ay paglupig o ginawang perpekto, parehong kaugnay ito kung mayroong pagbabago sa’yo, at kung ikaw man o hindi masunurin—at ito ay tumutukoy kung ikaw man ay maaaring makamtan ng Diyos o hindi. Tandaan na ang "pagkalupig" at "kasakdalan" ay simpleng nakabatay sa hangganan ng pagbabago at pagsunod, pati na rin sa kung gaano kalinis ang iyong pag-ibig sa Diyos. Ang kinakailangan ngayon ay gawin kang ganap na perpekto, ngunit sa simula ay dapat kang malupig—dapat ay mayroon kang sapat na kaalaman sa kaparusahan at paghatol ng Diyos, dapat ay mayroong kang pananampalataya na sumunod, at maging isang tao na naglalayon ng pagbabago at para magkaroon ng mga epekto. Doon ka lamang magiging isang tao na naghahangad maging perpekto. Dapat mong maunawaan na sa kurso ng kasakdalan kayo ay malulupig, at sa kurso ng panlulupig kayo ay gagawing perpekto. Ngayon, maaari mong hangaring magawang perpekto o humanap ng mga pagbabago sa iyong panlabas na pagkatao at mga pag-unlad sa iyong kakayahan, nguni’t ang pinakamahalaga ay iyong nauunawaan na ang lahat ng ginagawa ngayon ng Diyos ay may kahulugan at kapaki-pakinabang: Hinahayaan ka nito, ikaw na nakatira sa lupain ng karumihan, na makatakas sa karumihan at maipagpag ito, hinahayaan ka nitong mapagtagumpayan ang impluwensiya ni Satanas, at iwanan ang madilim na impluwensiya ni Satanas—at sa pagtutok sa mga bagay na ito, ikaw ay iniingatan dito sa lupain ng karumihan. Sa kahuli-hulihan, anong patotoo ang hihingin sa iyong ibigay? Ikaw ay nakatira sa lupain ng karumihan nguni’t nagawang maging banal, at hindi na magiging marumi at may-bahid, ikaw ay nakatira sa ilalim ng nasasakupan ni Satanas nguni’t inaalis sa iyong sarili ang impluwensiya ni Satanas, at hindi pagmamay-ari o ginigipit ni Satanas, at ikaw ay nakatira sa mga kamay ng Makapangyarihan-sa-lahat. Ito ang patotoo, at katibayan ng tagumpay sa pakikipaglaban kay Satanas. Nagagawa mong iwaksi si Satanas, kung ano ang iyong pagsasabuhay ay hindi nagbubunyag kay Satanas, kundi yaong kinailangan ng Diyos na abutin ng tao noong nilikha Niya ang tao: normal na pagkatao, normal na pagkamakatwiran, normal na pananaw, normal na paninindigang mahalin ang Diyos, at katapatan sa Diyos. Ganyan ang patotoo na taglay ng isang nilalang ng Diyos. Sabi mo, “Tayo ay nakatira sa isang lupain ng burak, ngunit dahil sa pag-iingat ng Diyos, dahil sa Kanyang pamumuno, at dahil nilupig Niya tayo, naalis natin ang ating mga sarili sa impluwensiya ni Satanas. Na angkakayahan nating sumunod ngayon ay epekto rin ng paglupig ng Diyos, at ito ay hindi dahil tayo ay mabuti, o dahil natural nating iniibig ang Diyos. Ito ay dahil pinili tayo ng Diyos, at itinalaga tayo, na tayo ay nalupig ngayon, na magagawang magpatotoo sa Kanya, at makapaglingkod sa Kanya; kaya, pati, ito ay dahil pinili Niya tayo, at protektado, na tayo ay nailigtas at nabawi mula sa ilalim ng nasasakupan ni Satanas, at maaaring nang iwanan ang dumi at maging malinis sa bayan ng dakilang pulang dragon. Dagdag pa rito, kung ano ang iyong isinasabuhay ay magpapakita na taglay mo ang normal na pagkatao, mayroong pagkamakatuwiran sa iyong sinasabi, at ikaw ay kahalintulad ng isang normal na tao. Kapag nakikita kayo ng iba hindi nila dapat sabihin, Hindi ba ito ang imahe ng dakilang pulang dragon? Ang pag-uugali ng kapatid na babae ay hindi angkop sa pagiging isang kapatid na babae, ang pag-uugali ng kapatid na lalaki ay hindi angkop sa pagiging isang kapatid na lalaki, at wala silang anumang asal ng mga santo. Hindi sila dapat sumambit, Hindi nakakapagtaka na sinabi ng Diyos na sila ay mga inapo ni Moab, Siya ay ganap na tumpak! Kung titingnan kayo at sasabihin sa inyo ng mga tao, “Kahit na sinabi ng Diyos na ikaw ay inapo ni Moab, kung paano ka mamuhay ay nagpapatotoong iniwan mo ang impluwensiya ni Satanas; bagaman ang mga bagay na iyon ay naka paloob sa iyo, nagawa mong tumalikod sa kanila,” sa gayon ito ay nagpapakita na ikaw ay ganap na nalupig. Ikaw na nalupig at nailigtas ay magsasabi, “Tunay na kami ang mga inapo ni Moab, ngunit kami ay nailigtas ng Diyos, at bagaman ang mga inapo ni Moab noong nakalipas ay pinabayaan at sinumpa, at iwinaksi kasama ng mga Hentil ng mga tao ng Israel, ngayon iniligtas tayo ng Diyos. Tunay na kami ang pinakatiwali sa lahat ng tao—ito ay itinalaga ng Diyos, ito ay katotohanan, at ito ay hindi maikakaila ng lahat. Ngunit ngayon kami ay nakatakas na sa nasabing impluwensiya. Kinamumuhian namin ang aming mga ninuno, handa kaming tumalikod sa aming mga ninuno, upang lubusan itong talikuran at sundin ang lahat ng mga pag-aayos ng Diyos, kumikilos ayon sa kalooban ng Diyos at nakakamit ang Kanyang kahilingan sa amin, at nakukuha ang kasiyahan ng kalooban ng Diyos. Ipinagkanulo ni Moab ang Diyos, hindi siya kumilos ayon sa kalooban ng Diyos, at siya ay kinasusuklaman ng Diyos. Ngunit tayo ay dapat mangalaga sa puso ng Diyos, at ngayon, dahil nauunawaan natin ang kalooban ng Diyos, hindi natin maaaring ipagkanulo ang Diyos, at dapat talikuran ang ating mga nakatatandang ninuno!” Noong nakaraan Aking binanggit ang pagtalikod sa dakilang pulang dragon—at ngayon, iyon ang pangunahing pagtiwalag ng mga tao sa nakatatandang ninuno. Ito ay isang patotoo ng paglupig sa mga tao, at hindi alintana kung paano ka pumasok ngayon, ang iyong pagpapapatotoo sa bagay na ito ay hindi dapat nagkukulang.

Martes, Mayo 29, 2018

Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus | Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (1)

Jehovah, krus, Cristo, Jesus, pananampalataya sa diyos
   ✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•

     Ang sangkatauhan, labis nang sini-ra ni Satanas, ay hindi alam na may-roong Diyos at huminto na sa pag-samba sa Diyos. Sa simula, nang si Adan at Eba ay nilikha, ang kalu-walhatian ni Jehovah at ang patotoo ni Jehovah ay laging naririto. Ngunit matapos silang masira, ang tao ay nawalan ng kaluwalhatian at patotoo sapagkat ang lahat ay naghimagsik laban sa Diyos at sabay-sabay na huminto sa paggalang sa Kanya. Ang mapanlupig na gawa ngayon ay upang maibalik ang lahat ng patotoo at ka-luwalhatian, at ang lahat ng tao ay pasambahin sa Diyos, upang may-roong patotoo sa mga nilalang. Ito ang dapat na matapos sa hakbang na ito ng gawain. Paano ba talagang malulupig ang sangkatauhan? Ito ay magagawa sa pamamagitan ng mga ginawang salita upang lubos na mahikayat ang tao; sa pamamagitan ng paghahayag, paghatol, pagparusa, at ang walang-awang sumpa upang siya ay lubos na masupil; at sa pama-magitan ng paghayag ng pagkama-paghimagsik ng tao at paghatol sa kanyang paglaban upang malaman niya ang kasamaan at karumihan ng sangkatauhan, na gagamitin upang mabigyang-diin ang matuwid na ka-tangian ng Diyos. Higit sa lahat, itong mga paggamit ng mga salitang ito ang lumulupig sa tao at lubos na humihikayat sa kanya. Ang mga salita ay ang mga paraan sa kahuli-hulihang paglupig sa sangkatauhan, at silang lahat na tatanggap ng pag-lupig ay dapat tanggapin ang panana-kit at paghatol ng mga salita. Ang kasalukuyang paraan ng pagsasalita ay ang paraan ng paglupig. Paano ba talaga dapat makipagtulungan ang mga tao? Sa pamamagitan ng ma-bisang pagkain at pag inom ng mga salitang ito at pag-unawa sa mga ito. Hindi maaaring malupig ang mga tao ng kanilang mga sarili lamang. Dapat, sa pagkain at pag-inom ng mga sali-tang ito, ay makilala nila ang kanil-ang kasamaan at karumihan, ang ka-nilang pagkamapaghimagsik at ka-likuan, at magpatirapa sa harap ng Diyos. Kung kaya mong unawain ang kalooban ng Diyos at gayon isabuhay ito at, bukod pa rito, magkaroon ng pananaw, at kung kaya mong lubos na sundin ang mga salitang ito at hindi tutuparin ang kahit na alin sa iyong mga sariling napili, gayon ka masasa-bing nalupig na. At itong mga sali-tang ito ang nakapaglupig sa iyo. Bakit nawala ng sangkatauhan ang patotoo? Dahil wala na kahit isa ang may pananampalataya sa Diyos o tan-gan man lang ang Diyos sa kanyang puso. Ang paglupig sa sangkatauhan ay nangangahulugang ang tao ay iba-balik ang pananampalatayang ito. Ang mga tao ay laging nakatingin tungo sa kamunduhan, nagtataglay ng masyadong maraming inaasahan, naghahangad nang labis-labis para sa kanilang kinabukasan, at masyadong maraming marangyang pangan-gailangan. Lagi nilang iniisip ang patungkol sa at pagplano para sa ka-nilang laman at hindi kailanman hinangad ang paghanap ng daan sa paniniwala sa Diyos. Ang kanilang mga puso ay sinakop na ni Satanas, nawala na nila ang kanilang pagga-lang sa Diyos, at itinatalaga nila ang kanilang puso kay Satanas. Ngunit ang tao ay nilikha ng Diyos. Gayon, naiwala ng tao ang kanyang patotoo, ibig sabihin ay nawala na niya ang ka-luwalhatian ng Diyos. Ang mungkahi ng paglupig sa tao ay upang kamka-min muli ang kaluwalhatian ng pag-galang ng tao sa Diyos. Maaari itong sabihin nang ganito: Maraming mga tao ang hindi naghahangad ng buhay; kung mayroon mang nangilan-ilan, ang dami ay maaaring bilangin sa mga daliri ng isa. Lubhang ikinababahala ng mga tao ang tungkol sa kanilang kinabukasan at hindi sila nag-uukol ng anumang pansin sa buhay o anupaman. Ang ilang mga tao ay kapwa naghihimagsik laban sa at nilalabanan ang Diyos, hinahatulan Siya sa likod Niya at hindi isinasagawa ang katotohanan. Hindi Ko papansinin ang mga taong ito sa ngayon, at iiwas mula sa pakikitungo sa ganitong uri ng mga anak na lalaki ng paghihimagsik sa ngayon. Sa hinaharap ikaw ay mabubuhay sa kadiliman, tatangis at magngangalit ang mga ngipin. Hindi mo nadadama ang kahalagahan ng liwanag kapag ikaw ay nabubuhay sa loob nito, ngunit mababatid mo ang kahalagahan nito sa sandaling ikaw ay nabubuhay sa madilim na gabi. Magiging kawawa ka noon. Maayos ang pakiramdam mo ngayon, ngunit darating ang araw na ikaw ay magiging kawawa. Kapag dumating ang araw na iyon at ang kadiliman ay bumaba at wala na kailanman ang liwanag, ang iyong mga pagsisisi ay magiging huli. Ito ay dahil hindi mo pa rin nauunawaan ang kasalukuyang gawain na nabigo na pahalagahan ang iyong panahon ngayon. Sa sandaling magsimula ang gawain ng buong sandaigdigan, na ang ibig sabihin ay kapag ang lahat ng Aking sinasabi sa kasalukuyan ay nagkatotoo, maraming mga tao ang hahawak sa kanilang mga ulo sa pagtangis. Hindi ba iyon pagkahulog sa kadiliman na may kasamang pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin? Ang lahat ng mga tao na tunay na naghahangad ng buhay at mga ginawang ganap ay maaaring gamitin, samantalang ang lahat ng mga anak na lalaki ng paghihimagsik na hindi angkop para kasangkapanin ay mahuhulog sa kadiliman, hindi makatatanggap ng gawain ng Banal na Espiritu o anupaman at nananatiling walang naiintindihan ukol sa anumang bagay. Kaya naman sila ay mapupunta sa kaparusahan upang managhoy at manangis. Kung ikaw ay mahusay na sinangkapan sa yugtong ito ng gawain at ang iyong buhay ay gumulang, kung gayon ikaw ay isang tao na angkop kasangkapanin. Kung ikaw ay hindi sinangkapan nang mabuti, kung gayon kahit ikaw ay pinili para sa susunod na yugto ng gawain ikaw ay hindi magiging angkop. Sa puntong iyon, kahit na gusto mong sangkapan ang sarili mo, lalampas ang pagkakataon. Ang Diyos ay aalis; saan ka pupunta kung gayon upang hanapin ang uri ng pagkakataon na nasa harap mo sa ngayon, at saan ka kung gayon pupunta upang tanggapin ang pagsasanay na personal na inilalaan ng Diyos? Sa puntong iyon, hindi ang Diyos ang personal na magsasalita o personal na ibibigay ng Diyos ang Kanyang tinig. Magagawa mo lamang mabasa kung ano ang sinasabi sa kasalukuyan; paano mo ito magagawang maunawaan nang madali? Paano mapapantayan ng buhay sa hinaharap ang buhay sa kasalukuyan? Sa puntong iyon, hindi ba magbabata ang iyong pagtangis at pagngangalit ng iyong mga ngipin ng isang nabubuhay na kamatayan? Ipinagkakaloob sa iyo ngayon ang pagpapala ngunit hindi mo nalalaman kung paano ito tatamasahin; ikaw ay nabubuhay sa pagiging-pinagpapala, ngunit hindi mo ito natatanto. Pinatutunayan nito na ikaw ay tiyak na mapapahamak! Ang ilang mga tao sa kasalukuyan ay lumalaban, ang iba ay naghihimagsik, ang ilan ay ginagawa ang ganito o ganoon. Ikaw ay babalewalain Ko lamang; huwag iisipin na wala Akong malay sa iyong mga gawain. Hindi Ko ba nauunawaan ang inyong kakanyahan? Bakit mananatiling lumalaban sa Akin? Hindi ba para sa iyong sariling kapakanan kaya ikaw ay naghahangad ng buhay at pagpapala? Hindi ba para sa iyong sariling kapakanan kaya mayroong kang pananampalataya? Sa ngayon ginagawa Ko lamang ang gawaing panlulupig sa pamamagitan ng Aking mga salita. Sa sandaling matapos ang gawaing panlulupig na ito, magiging malinaw ang iyong wakas. Kailangan Ko pa bang gawing mas malinaw ang Sarili Ko?

Linggo, Mayo 27, 2018

Pelikulang Kristiano | Ang Mayhawak ng Kataas-taasang Kapangyarihan sa Lahat | Pagsisiyasat sa Sansinukob (Trailer)





Sa malawak na himpapawid sa kalawakan na puno ng mga bituin, nagbabanggaan ang mga planeta, at isang sunurang masalimuot na mga pamamaraan ang nagsisilang ng bagong mga planeta.... Ang di-mabilang na katawang selestyal sa kalawakan ay gumagawang lahat nang magkakaayon—sinong nagpapatakbo sa mga iyon? Malapit nang ihayag ng Kristiyanong dokumentaryong musikal—Ang Isang Naghahari sa Lahat—ang mga tunay na pangyayari!

Sabado, Mayo 26, 2018

Ang Relasyon ng Bawat Isa sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos

★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★

Jehovah, krus, Jesus, Espiritu, relihiyon

🌻🌻🏡🌻🌻🏡️🌻🌻🏡️🌻🌻🏡🌻🌻🏡️🌻🌻


Nauugnay sa mga Salita ng Makapangyarihang Diyos

    Mula sa gawain ni Jehovah hanggang sa iyong gawain ni Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa iyong kasalukuyang yugto, ang tatlong yugtong ito ay sumasaklaw sa kabuuang lawak ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ay gawain ng isang Espiritu. Mula sa paglikha Niya sa mundo, pinamamahalaan na ng Diyos ang sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Katapusan, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang Siyang magpapasimula ng gawain at Siyang maghahatid sa kapanahunan sa katapusan nito. Ang tatlong yugto ng gawain, sa magkakaibang kapanahunan at lugar, ay tiyak na isinagawa ng isang Espiritu. Ang lahat ng mga naghihiwalay sa tatlong yugtong ito ay sumasalungat sa Diyos.


mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

    Dapat ninyong maunawaan ang gawain ni Jehova, ang mga kautusan na Kanyang itinalaga, at ang mga panuntunan kung paano Niya pinangunahan ang buhay ng tao, ang nilalaman ng gawain na Kanyang ginawa sa Kapanahunan ng Kautusan, ang layunin para sa pagtatalaga Niya ng mga kautusan, ang kabuluhan ng Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya, at ang gawaing ginagawa ng Diyos sa pinakahuling yugtong ito. Ang unang yugto ay ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, ang ikalawang yugto ay ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, at ang ikatlong yugto ay ang gawain ng mga huling araw. Dapat ninyong maintindihan ang mga yugtong ito ng gawain ng Diyos. … Ang gawain na ginawa sa mga huling araw ay hindi maaaring pumalit sa gawain ng Kapanahunan ng Kautusan o doon sa Kapanahunan ng Biyaya. Gayunman, ang tatlong yugto ay nagkakaugnay-ugnay tungo sa iisang bagay at ang lahat ay gawaing ginawa ng isang Diyos. Natural, ang pagtupad ng gawaing ito ay nahahati sa magkakahiwalay na mga kapanahunan. Ang gawain sa mga huling araw ay nagdadala sa lahat ng bagay sa katapusan; yaong ginawa sa Kapanahunan ng Kautusan ay ang pagsisimula; at yaong ginawa sa Kapanahunan ng Biyaya ay ang pagtubos. … Sa mga huling araw, tanging ang gawain ng salita ang ginagawa upang ihatid ang Kapanahunan ng Kaharian nguni't hindi ito kumakatawan sa lahat ng mga kapanahunan. Ang mga huling araw ay hindi higit sa mga huling araw at hindi higit sa Kapanahunan ng Kaharian, na hindi kumakatawan sa Kapanahunan ng Biyaya o sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang mga huling araw ay ang panahon lamang kung saan ang lahat ng gawain sa anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ay ibinubunyag sa inyo. Ito ang paglalantad ng hiwaga. …

Huwebes, Mayo 24, 2018

Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus | Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (2)

   ★⋰ * ⋱★⋰ *⋱★⋰*⋱★⋰ * ⋱★⋰ *★⋰ * ⋱★⋰ *⋱★⋰*⋱★⋰ * ⋱★
   Espiritu, Jesus, krus, Diyos, Buhay
   

    Sa panahong iyon, nang si Jesus ay gumawa sa Judea, gumawa Siya nang lantaran, ngunit ngayon, gumagawa Ako at nagsasalita sa inyo nang lihim. Ganap na hindi ito alam ng mga hindi mananampalataya. Ang Aking gawain sa inyo ay hiwalay sa iba. Ang mga salitang ito, ang mga pagkastigong ito at mga paghatol, ay hayag lamang sa inyong lahat at wala nang iba. Lahat ng mga gawaing ito ay isinasagawa sa inyo at binuksan lamang sa inyo; wala sa mga hindi mananampalataya ang nakakaalam nito, dahil hindi pa dumarating ang oras. Malapit nang maging ganap ang mga taong ito matapos na tiisin ang mga pagkastigo, ngunit walang alam ang mga nasa labas tungkol dito. Masyadong nakatago ang gawaing ito! Para sa kanila, malihim ang pagkakatawang-tao ng Diyos, ngunit sa mga nasa daluyang ito, maaari Siyang ituring na hindi lihim. Kahit na ang lahat ay bukas sa Diyos, naihahayag ang lahat at inilalabas ang lahat, totoo lamang ito sa mga taong naniniwala sa Kanya, at walang ipinaaalam sa mga hindi mananampalataya. Ang gawaing isinasagawa dito ngayon ay mahigpit na nakahiwalay upang hindi nila malaman. Kung malaman man nila, paghatol at pag-uusig lamang ang naghihintay. Hindi sila maniniwala. Ang gumawa sa bansa ng malaking pulang dragon, ang pinakapaurong na lugar, ay hindi madaling gawain. Kung ang gawaing ito ay ihahayag, samakatwid magiging imposibleng magpatuloy. Ang yugtong ito ng gawain ay hindi basta maaaring sumulong sa lugar na ito. Paano nila pahihintulutan ito kung ang ganitong gawain ay natupad nang lantaran? Hindi ba ito magdadala ng mas malaking panganib? Kung hindi naitago ang gawaing ito, at sa halip ay ipinagpatuloy tulad sa panahon ni Jesus nang kamangha-mangha Siyang nagpagaling ng maysakit at nagpalayas ng mga demonyo, kung ganoon hindi ba matagal na sana itong “sinunggaban” ng mga demonyo? Kaya ba nilang tiisin ang pag-iral ng Diyos? Kung papasok Ako ngayon sa mga bulwagan upang mangaral at magbigay ng panayam sa tao, hindi ba matagal na sana Akong nagkadurug-durog? At kung gayon, paanong patuloy na matutupad ang Aking gawain? Ang dahilan kung bakit ang mga tanda at kababalaghan ay hindi nahahayag nang lantaran ay para sa kapakanan ng pagkatago. Upang ang Aking gawain ay hindi makita, makilala o matuklasan ng mga hindi mananampalataya. Kung ang yugtong ito ng gawain ay gagawin sa parehong paraan tulad ng kay Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, hindi ito magiging matatag. Kaya, ang gawain na itatago sa paraang ito ay may benepisyo sa inyo at sa lahat ng gawain. Kapag ang gawain ng Diyos sa lupa ay dumating na sa katapusan, iyon ay, kapag ang lihim na gawaing ito ay natapos, ang yugtong ito ng gawain ay mahahayag. Malalaman ng lahat na may mga grupo ng mga mananagumpay sa Tsina; malalaman ng lahat na nasa Tsina ang Diyos na nagkatawang-tao at dumating na sa pagtatapos ang Kanyang gawain. Doon lamang ito magliliwanag sa tao: Bakit hindi pa nagpapakita ang Tsina ng paghina o pagbagsak? Lumalabas na ang Diyos ay personal na nagsasagawa ng Kanyang gawain sa Tsina at ginawang ganap ang isang grupo ng mga tao bilang mga mananagumpay.

Linggo, Mayo 20, 2018

Paano unti-unting lumalalim ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos para maligtas at magawang perpekto ang mga tao?


🔹 ⭐🔹  ⭐🔹  ⭐🔹  ⭐🔹  ⭐🔹  ⭐🔹  ⭐🔹  ⭐🔹  ⭐🔹  ⭐🔹  ⭐🔹  ⭐🔹
panginoon, Jehovah, Jesus, krus, Diyos
🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏

Nauugnay sa mga Salita ng Makapangyarihang Diyos

    Ang buong pamamahala ng Diyos ay nahahati sa tatlong yugto, at sa bawat yugto, ang mga angkop na atas ay ibinigay sa tao. At saka, habang lumilipas at sumusulong ang panahon, ang mga atas ng Diyos sa lahat ng sangkatauhan ay mas tumaas. Kaya, dahan-dahan, ang gawaing ito ng pamamahala ng Diyos at naabot ang rurok, hanggang ang tao ay mapagmamasdan ang katotohanan ng "pagpapakita ng Salita sa katawang-tao," at sa paraang ito ang mga atas sa tao ay mas tumaas, at ang mga atas sa tao na sumaksi ay mas tumaas. … Sa nakalipas, ang tao ay inatasang sumunod sa kautusan at mga batas, at inatasang maging matiisin at mapagpakumbaba. Ngayon, ang tao ay inatasan na sundin ang lahat ng pagsasaayos ng Diyos at magtaglay ng labis na pag-ibig sa Diyos, at sa huli ang tao ay inatasan na mahalin ang Diyos sa kabila ng paghihirap. Ang tatlong yugtong ito ay mga atas ng Diyos sa tao, dahan-dahan, sa kabuuan ng Kanyang pamamahala. Ang bawat yugto ng gawain ng Diyos ay mas lumalalim kaysa sa huli, at sa bawat yugto ang mga atas sa tao ay mas tumindi kaysa sa huli, at sa paraang ito, ang buong pamamahala ng Diyos ay unti-unting nabubuo. Dahil ang mga atas sa tao ay lalong tumataas, ang disposisyon ng tao ay mas lumalapit sa pamantayang kailangan ng Diyos, at saka lamang lubusang makalalayo ang buong sangkatauhan sa impluwensya ni Satanas hanggang sa matapos ang gawain ng Diyos, ang buong sangkatauhan ay maililigtas mula sa impluwensya ni Satanas.

Martes, Mayo 15, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Sa Katindihan ng Taglamig | Ang Matagumpay na Patotoo ng isang Cristiano



Ang pangalan niya ay Xiao Li. Naninwala siya sa Diyos nang mahigit sa isang dekada. Noong taglamig ng 2012, inaresto siya ng pulisya ng Komunistang Tsino sa isang kongregasyon. Sa panahon ng pagsisiyasat, paulit-ulit siyang hinikayat, binantaan, binugbog at pinahirapan ng pulisya sa kanilang pagtatangka na akitin siya na ipagkanulo ang Diyos sa pamamagitan ng pagbubunyag ng kinaroroonan ng mga lider at pera ng iglesia. Partikular sa isang nagyeyelong gabi nang ang temperatura ay mas mababa ng 20 degrees sa zero, pinuwersa siyang hubaran, ibinabad sa nagyeyelong tubig, sinindak ng kuryente sa kanyang maselang bahagi, at puwersahang pinainom ng mustasang tubig ng mga pulis….Nagdusa siya sa malupit na pagpapahirap at hindi maipaliwanag na pagkapahiya. Sa panahon ng pagsisiyasat, nasaktan at napahiya siya. Desperado siyang nanalangin sa Diyos nang paulit-ulit. Binigyan siya ng napapanahong pagliliwanag at patnubay ng salita ng Diyos. Sa pananampalataya at lakas na tinanggap niya mula sa salita ng Diyos, nalampasan niya ang mabagsik na pagpapahirap at malademonyong pinsala at nagbigay ng kahanga-hanga at tumataginting na pagsaksi. Tulad ng bulaklak ng sirwelas sa taglamig, nagpakita siya ng matatag na kalakasan sa pamamagitan ng pamumukadkad nang may buong kapurihan sa gitna ng matinding kahirapan, na pinagmumulan ng kalugud-lugod na katahimikan …

Iglesia, Langit, Krus, kinaroroonan, Diyos

Biyernes, Mayo 11, 2018

Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus | Tungkol sa Biblia (4)

Ang pinagmulan: Tungkol sa Biblia (4)


    Maraming tao ang naniniwala na ang pag-unawa at magawang ipaliwanag ang Biblia ay katulad ng paghahanap ng tunay na landas—ngunit sa katunayan, ganoon ba kadali ang mga bagay? Walang kahit isa ang nakakakilala sa katotohanan ng Biblia: na hindi hihigit pa sa makasaysayang tala ng gawain ng Diyos, at isang testamento sa nakaraang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, at hindi nagbibigay sa iyo ng pag-unawa sa mga layunin ng gawain ng Diyos.

Huwebes, Mayo 10, 2018

Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (2) | The Church of Almighty God Documentary



Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Nitong nakaraang mga taon nakita rin ang malawakang pagpapasimula ng pamahalaang CCP ng mga patakarang nakatutok sa “Pagpapailalim sa Impluwensya ng Lipunang Han” ng Kristiyanismo. Libu-libong krus ng iglesia ang winasak, maraming gusali ng iglesia ang giniba, at maraming Kristiyano sa mga bahay-sambahan ang inaresto at inusig. Dumanas ng malupit at madugong pang-uusig ang mga iglesiang Kristiyano sa China …

Lunes, Mayo 7, 2018

Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus | Patungkol sa Biblia (3)

⭐ ⭐ ⭐ ⭐ ⭐ ⭐ ⭐ ⭐ ⭐ ⭐ ⭐ ⭐ ⭐ ⭐ ⭐ ⭐ ⭐ ⭐ ⭐ ⭐ ⭐ ⭐ ⭐



Ang pinagmulan:Patungkol sa Biblia (3)

     
 Jesus, Biblia, iglesia, Cristo, krus
    Hindi lahat ng nasa Biblia ay isang talaan ng mga salitang personal na binigkas ng Diyos. Dinodokumento lang ng Biblia ang naunang dalawang yugto ng gawain ng Diyos, kung saan ang isang bahagi ay isang talaan ng mga hula ng mga propeta, at ang isang bahagi ay mga karanasan at kaalamang isinulat ng mga taong ginamit ng Diyos sa buong panahon. Ang mga karanasan ng tao ay nabahiran ng mga opinyon at kaalaman ng tao, na hindi maiiwasan. Nasa marami sa mga aklat ng Biblia ang mga pagkaintindi ng tao, mga pagkiling ng tao, at walang katotohanang mga interpretasyon ng tao. Siyempre, karamihan ng mga salita ay resulta ng paliwanag at paglilinaw ng Banal na Espiritu, at tama ang mga interpretasyong iyon—pero hindi pa rin masasabi na sila ay tumpak na tumpak na mga pagpapahayag ng katotohanan. Ang kanilang mga pananaw tungkol sa ilang bagay ay walang iba kundi ang kaalamang nagmula sa personal na karanasan, o ang paliwanag ng Banal na Espiritu. Ang mga hula ng mga propeta ay personal na iniutos ng Diyos: Ang mga propesiya nina Isaias, Daniel, Ezra, Jeremias, at Ezekiel ay nagmula sa direktang utos ng Banal na Espiritu, ang mga taong ito ay mga tagakita, natanggap nila ang Espiritu ng propesiya, lahat sila ay propeta ng Lumang Tipan. Noong Kapanahunan ng Kautusan ang mga taong ito, na nakatanggap ng inspirasyon ni Jehova, ay maraming ipinropesiya, na direktang iniutos ni Jehova. At bakit kumilos si Jehova sa kanila? Sapagkat ang mga tao ng Israel ay ang piling tao ng Diyos: Kinailangang gawin ang gawain ng mga propeta sa kanila, at naging karapat-dapat silang makatanggap ng gayong mga paghahayag. Sa katunayan, hindi nila mismo naunawaan ang mga paghahayag ng Diyos sa kanila. Binigkas ng Banal na Espiritu ang mga salitang iyon sa pamamagitan ng kanilang bibig upang maunawaan ng mga tao sa hinaharap ang mga bagay na iyon, at makita na ang mga iyon ay talagang gawa ng Espiritu ng Diyos, ng Banal na Espiritu, at hindi nagmula sa tao, at mabigyan sila ng patibay ng gawain ng Banal na Espiritu. Noong Kapanahunan ng Biyaya, si Jesus mismo ang gumawa ng lahat ng gawaing ito sa halip na sila, kaya nga hindi na nagpropesiya ang mga tao. Kaya propeta ba si Jesus? Si Jesus, siyempre pa, ay isang propeta, pero nagawa rin Niya ang gawain ng mga apostol: Kaya Niyang magpropesiya at mangaral at magturo sa mga tao sa buong kalupaan. Subalit ang gawaing ginawa Niya at ang pagkakakilanlan na Kanyang kinakatawan ay hindi magkapareho. Pumarito Siya upang tubusin ang buong sangkatauhan, tubusin ang tao mula sa kasalanan; Siya ay isang propeta, at isang apostol, pero higit pa roon, Siya si Cristo. Ang isang propeta ay maaaring magpropesiya, ngunit hindi masasabi na siya si Cristo. Sa panahong iyon, maraming ipinropesiya si Jesus, kaya masasabi na isa Siyang propeta, pero hindi masasabi na isa Siyang propeta kaya hindi Siya si Cristo. Iyon ay dahil kinatawan Niya ang Diyos mismo sa pagsasakatuparan ng isang yugto ng gawain, at iba ang pagkakakilanlan sa Kanya kaysa kay Isaias: Pumarito Siya upang tapusin ang gawain ng pagtubos, at Siya rin ang nagbigay ng buhay sa tao, at tuwirang sumakanya ang Espiritu ng Diyos. Sa gawaing ginawa Niya, walang mga inspirasyong nagmula sa Espiritu ng Diyos o mga tagubilin mula kay Jehova. Sa halip, dumating ang Espiritu upang direktang gumawa—na sapat upang patunayan na si Jesus ay hindi kapareho ng isang propeta. Ang gawaing ginawa Niya ay ang gawain ng pagtubos, na sinundan ng pagpopropesiya. Siya ay isang propeta, isang apostol, at higit pa riyan, Siya ang Manunubos. Samantala, ang mga manghuhula ay maaari lamang magpropesiya, at walang kakayahang kumatawan sa Espiritu ng Diyos sa paggawa ng anumang iba pang gawain. Dahil maraming ginawa si Jesus na hindi pa nagawa ng tao kailanman, at ginawa ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan, naiiba Siya sa mga katulad ni Isaias. Ayaw tanggapin ng ilang tao ang patuloy na daloy ng gawain ngayon dahil naging balakid ito sa kanila. Sabi nila: “Sa Lumang Tipan maraming propeta ring sumambit ng maraming mga salita—kaya bakit hindi sila ang Diyos na naging tao? Ang Diyos ng kasalukuyan ay bumibigkas ng mga salita—sapat na ba ’yan para patunayan na Siya ang Diyos na nagkatawang-tao? Hindi mo itinataas ang Biblia, ni pinag-aaralan ito— kaya ano ang batayan mo para sabihin na Siya ang pagkakatawang-tao ng Diyos? Sabi mo utos ito ng Banal na Espiritu, at naniniwala ka na ang yugtong ito ng gawain ay gawaing personal na isinasagawa ng Diyos—pero ano ang batayan mo para dito?” Itinutuon mo ang iyong pansin sa mga salita ng Diyos ngayon, parang ikinaila mo na ang Biblia, at isinantabi ito, kaya sinasabi nila na naniniwala ka sa maling pananampalataya, na bahagi ka ng isang masamang kulto.