Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Jehovah. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Jehovah. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Hunyo 11, 2018

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ano ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao

*★**★**★**★**★**★**★**★*

Jehovah, Langit, Jesus, krus, buhay

Ang pamamahala sa tao ang Aking gawain, at ang siya ay malupig Ko ay isang bagay na tunay na naitakda noong likhain Ko ang mundo. Maaring hindi alam ng mga tao na ganap Ko silang lulupigin sa mga huling araw at maaari ding walang kamalay-malay na ang katibayan ng Aking pagtalo kay Satanas ay ang paglupig sa mga mapaghimagsik sa gitna ng sangkatauhan. Ngunit, nang ang Aking kaaway ay nakipaglaban sa Akin, napagsabihan Ko na ito na Ako ang magiging tagalupig nilang nabihag na ni Satanas at ginawang mga anak nito at mga tapat nitong tagapaglingkod na nagbabantay ng bahay nito. Ang orihinal na kahulugan ng lupigin ay talunin, upang isailalim sa kahihiyan. Kasama sa wika ng mga Israelita, ito ay upang ganap na talunin, sirain, at alisan ng kakayahan sa higit pang paglaban sa Akin. Nguni’t ngayon, gaya ng paggamit sa gitna ninyong mga tao, ang kahulugan nito ay lupigin. Dapat ninyong malaman na ang Aking hangarin ay ganap na patayin at pasukuin ang masama sa sangkatauhan, upang hindi na ito makapaghimagsik laban sa Akin, lalong hindi magkaroon ng pagkakataon upang guluhin o gambalain ang Aking gawain. Sa gayon, sa kaalaman ng tao, nagkaroon ito ng kahulugan na paglupig. Anuman ang mga ipinahihiwatig ng salita, ang Aking gawain ay talunin ang sangkatauhan. Sapagka’t, magkagayunman na ang sangkatauhan ay kasama sa Aking pamamahala, sa higit na eksaktong pananalita, ang sangkatauhan ay walang iba kundi Aking kaaway. Ang sangkatauhan ay ang masama na sumasalungat at sumusuway sa Akin. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang anak ng masama na Aking isinumpa. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang inapo ng arkanghel na nagkanulo sa Akin. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang pamana ng diyablo na, tinanggihan Ko nang matagal na, ay naging Aking hindi muling-makakasundong kaaway mula noon. Sa ibabaw ng sangkatauhan, ang papawirin ay bumababa, madilim at malungkot, walang anumang banaag ng kalinawan, at ang mundo ng tao ay nalubog sa lubhang kadiliman, upang ang isa na nabubuhay dito ay hindi man lamang makita ang kanyang nakaunat na kamay sa harap ng kanyang mukha o ang araw kapag siya ay tumitingala. Ang daan sa ilalim ng kanyang mga paa, maputik at puno ng lubak, ay paliku-liko; ang buong lupain ay nakakalatan ng mga bangkay. Ang madidilim na mga sulok ay puno ng mga labi ng patay, at sa malamig at madidilim na mga sulok ay naninirahan ang mga pulutong ng mga demonyo. At saanman sa mundo ng mga tao ang mga demonyo ay umaalis at dumarating nang sama-sama. Ang mga anak ng lahat ng klase ng mga ganid, puno ng putik, ay subsob sa matinding paglalaban-laban, na ang ingay ay nakasisindak sa puso. Sa gayong mga pagkakataon, sa gayong mundo, gayong “makalupang paraiso,” Saan tutungo ang isa upang maghanap ng kagalakan ng buhay? Saan pupunta ang isa upang masumpungan ang hantungan ng kanyang buhay? Ang sangkatauhan, niyurakan sa ilalim ng mga paa ni Satanas matagal nang nakalipas, mula pa sa simula ay naging artistang tinataglay ang larawan ni Satanas–lalong-lalo na, ang pagsasakatawan ni Satanas, nagsisilbing katibayan na sumasaksi kay Satanas, malinaw na malinaw. Paanong ang ganyang lahi ng tao, ang gayong pangkat na masama't kasuklam-suklam, at ang ganyang supling ng masamang pamilyang ito ng tao ay sasaksi sa Diyos? Saan nagmumula ang Aking luwalhati? Saan ang isa ay maaaring mag-umpisang magsalita ng Aking pagsaksi? Dahil ang kaaway na, nagawang masama ang sangkatauhan, naninindigan laban sa Akin, ay nakuha na ang sangkatauhan—ang sangkatauhang nilikha Ko noong sinaunang panahon at napuspos ng Aking luwalhati at Aking pagsasabuhay—at dinumihan sila. Naagaw na nito ang Aking luwalhati, at ang tanging inilipos nito sa tao ay lasong labis na hinaluan ng kapangitan ni Satanas, at katas mula sa bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama. Sa pasimula, Aking nilikha ang sangkatauhan, ibig sabihin, Aking nilikha ang ninuno ng sangkatauhan, si Adan. Siya ay binigyan ng anyo at larawan, puno ng kalakasan, puno ng buhay, at, higit pa rito, nasa piling ng Aking luwalhati. Iyan ang maluwalhating araw nang Aking nilikha ang tao. Pagkatapos niyan, si Eba ay ibinunga mula sa katawan ni Adan, at siya rin ay ang ninuno ng tao, kaya’t ang mga taong Aking nilalang ay puno ng Aking hininga at puno ng Aking luwalhati. Si Adan ay orihinal na isinilang mula sa Aking kamay at ang pagkakatawan ng Aking larawan. Sa gayon ang orihinal na kahulugan ng “Adan” ay isang katauhan na nilikha Ko, sinamahan ng Aking buhay na lakas, sinamahan ng Aking luwalhati, nagtataglay ng anyo at larawan, nagtataglay ng diwa at hininga. Siya ang nag-iisang nilalang, may angking espiritu, na may kakayahan ng pagkatawan sa Akin, ng pagtataglay ng Aking larawan, at pagtanggap ng Aking hininga. Sa pasimula, si Eba ang ikalawang taong pinagkalooban ng hininga na ang paglikha ay Aking naitalaga, kaya ang orihinal na kahulugan ng “Eba” ay isang nilikhang magpapatuloy sa Aking luwalhati, puno ng Aking sigla at lalo pang masaganang pinagkalooban ng Aking luwalhati. Si Eba ay nagmula kay Adan, kaya taglay rin niya ang Aking larawan, sapagka’t siya ang ikalawang taong nilalang sa Aking larawan. Ang orihinal na kahulugan ng “Eba” ay isang buhay na tao, may espiritu, laman, at buto, ang Aking ikalawang patotoo gayundin ang Aking ikalawang larawan sa gitna ng sangkatauhan. Sila ang mga ninuno ng sangkatauhan, ang dalisay at mahalagang kayamanan ng tao, at, mula sa nauna, ay buhay na mga nilalang na pinagkalooban ng espiritu. Subali’t kinuha ng masama ang mga anak ng mga ninuno ng sangkatauhan at niyurakan sila at binihag sila, inilulubog ang mundo ng tao sa ganap na kadiliman, at ginagawa ito upang ang mga anak ay hindi na maniniwala sa Aking pag-iral. Lalo pang higit na kasuklam-suklam na, habang ang siyang masama ay pinasasama ang mga tao at niyuyurakan sila, malupit nitong inaagaw ang Aking luwalhati, ang Aking patotoo, ang siglang ipinagkaloob Ko sa kanila, ang hininga at ang buhay na iniihip Ko tungo sa kanila, ang buo Kong luwalhati sa mundo ng tao, at ang lahat ng dugo ng puso na Aking nagugol sa sangkatauhan. Ang sangkatauhan ay wala na sa liwanag, at naiwala na ang lahat ng Aking naipagkaloob sa kanila, tinatanggal ang luwalhating Aking naipagkaloob. Paano nila maaaring kilalanin na Ako ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang? Paano sila makapagpapatuloy na maniwala sa Aking pag-iral sa langit? Paano nila matutuklasan ang mga pagpapamalas ng Aking luwalhati sa ibabaw ng lupa? Paano maipapalagay ng mga apong lalaki at babaeng ito ang Diyos na iginalang ng kanilang sariling mga ninuno bilang ang Panginoon na lumikha sa kanila? Malugod na "iniharap" nitong mga kawawang apong lalaki at babae sa masama ang luwalhati, ang larawan, gayundin ang patotoo na ipinagkaloob Ko kina Adan at Eba, gayundin ang buhay na ipinagkaloob Ko sa sangkatauhan at kung saan sila ay umaasa upang umiral, at, nang wala ni katiting na pag-aalala sa presensya ng masama, ay naibigay ang Aking buong luwalhati dito. Hindi ba’t ito ang pinagmulan ng paggamit ng “linab”? Paanong maaangkin ng gayong sangkatauhan, gayong kasamang mga demonyo, gayong lumalakad na mga bangkay, gayong mga anyo ni Satanas, at gayong Aking mga kaaway ang Aking kaluwalhatian? Aangkinin Kong muli ang Aking kaluwalhatian, aangkinin ang Aking patotoo na umiiral sa gitna ng mga tao, at lahat ng dating pag-aari Ko na ibinigay Ko sa sangkatauhan noong unang panahon—lulupigin Kong ganap ang sangkatauhan. Gayunman, dapat mong malaman, ang mga taong nilikha Ko ay mga banal na tao na taglay ang Aking larawan at Aking luwalhati. Hindi sila pag-aari ni Satanas, ni sakop sila ng pagyurak nito, kundi Aking kahayagan lamang, malaya sa katiting na bahid ng lason ni Satanas. At gayon nga, hinahayaan Ko ang sangkatauhan na malaman na ang tanging nais Ko ay yaong nilikha ng Aking kamay, ang mga banal na Aking minamahal at hindi pag-aari ng iba pang kalikhaan. Bukod diyan, masisiyahan Ako sa kanila at ituturing silang Aking luwalhati. Datapwa’t, ang nais Ko ay Hindi ang sangkatauhan na nagawang masama ni Satanas, na pag-aari ni Satanas ngayon, at hindi na ang Aking orihinal na likha. Dahil layunin Kong angkining muli ang Aking luwalhati na umiiral sa mundo ng tao, kakamtin Ko ang ganap na paglupig sa mga natitirang nakaligtas sa gitna ng sangkatauhan, bilang patunay ng Aking luwalhati sa pagtalo kay Satanas. Tanging ang Aking patotoo ang tinatanggap Ko bilang pagliliwanag ng Aking sarili, bilang layon ng Aking kasiyahan. Ito ang Aking kalooban.

Martes, Hunyo 5, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang tinig ng Diyos | Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (2)

★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★
pananampalataya sa Diyos, Jehovah, krus, pagmamahal sa Diyos, Langit


    Dati kayong naghangad na maghari bilang mga hari, at ngayon hindi pa rin ninyo ganap itong isinasantabi; nais pa rin ninyong mamahala bilang hari, upang hawakan ang langit at tumulong sa lupa. Ngayon, pag-isipan ito: Iyo bang taglay ang mga nasabing kwalipikasyon? Hindi ka ba nawawalan ng pakiramdam? Makatotohanan ba ang bagay na inyong hinahanap at pinagtutuunan ng pansin? Hindi man lang ninyo taglay ang normal na pagkatao—hindi ba ito kahabag-habag? Kaya, ngayon binanggit Ko lang ang pagiging nalupig, pagtaglay ng pagpapatotoo, pagpapabuti ng iyong kakayahan, at pagpasok sa landas ng pagiging perpekto, at wala nang ibang sasabihin. Pagod na ang ilang tao sa purong katotohanan, at kapag nakita nila ang lahat ng pag-uusap ng karaniwang normal na pagkatao at pagpapabuti ng kakayahan ng mga tao, sila ay nag-aatubili. Ang mga hindi nagmamahal sa katotohanan ay hindi madaling gawing perpekto. Kung kayo ay papasok ngayon, at kikilos ayon sa kalooban ng Diyos, sa bawat hakbang, maaari ka bang maalis? Matapos ang labis na gawain sa lupain ng Tsina—ang naturang napakalaking gawain—at matapos ng napakaraming salitang binigkas, maaari bang magpaubaya ang Diyos? Ihahatid ba Niya ang mga tao paibaba sa hukay na hindi maarok? Ang mahalaga ngayon ay dapat ninyong malaman ang kahalagahan ng tao, at dapat malaman kung ano ang dapat ninyong pasukin; dapat kang magsalita ng pagpasok sa buhay, at mga pagbabago sa katangian, kung paano ba talaga ang malupig, at kung paanong ganap na sumunod sa Diyos, na magdala ng huling pagpapatotoo sa Diyos, at makamit ang pagsunod hanggang kamatayan. Kailangan mong tumuon sa mga bagay na ito, at ang mga hindi makatotohanan o mahalaga ay kinakailangan munang isantabi at hindi isinasaalang-alang. Ngayon, dapat mong mabatid kung paano malupig, at kung paano ikilos ng mga tao ang kanilang sarili matapos na sila ay malupig. Maaaring ikaw ay siya nang nalupig, ngunit maaari ka bang sumunod hanggang kamatayan? Kailangan mong magawang sumunod hanggang sa pinakasukdulan hindi alintana kung mayroong anumang tagumpay, at hindi ka dapat mawalan ng pananampalataya sa Diyos sa kahit ano mang larangan. Sa huli, kailangan mong matamo ang dalawang aspeto ng pagpapatotoo: ang patotoo ni Job—pagtupad hanggang kamatayan—at ang patotoo ni Pedro—ang kataas-taasang pagmamahal ng Diyos. Sa isang banda, kailangan mong maging gaya ni Job: Siya ay walang ari-ariang materyal, at siyang pinahirapan ng sakit ng katawang-tao, nguni't hindi niya tinalikuran ang pangalan ng Jehovah. Ito ang testimonya ni Job. Nagawang mahalin ni Pedro ang Diyos hanggang kamatayan. Noong siya ay namatay—noong siya ay ipinako sa krus—nanatili ang kanyang pagmamahal sa Diyos; hindi niya inisip ang kanyang sariling mga inaasam o maghanap ng maluwalhating pag-asa o maluhong saloobin, at ninais lamang niya na mahalin ang Diyos at sundin ang lahat ng mga pagsasa-ayos ng Diyos. Iyan ang batayan na dapat mong makamit bago ka ituring na nagpatotoo, bago ka maging isang tao na ginawang perpekto matapos na malupig. Ngayon, kung tunay na batid ng mga tao ang kanilang sariling kahalagahan at estado, maghahanap pa ba sila ng mga inaasam at pag-asa? Ito ang dapat mong malaman: Hindi alintana kung ginawa akong perpekto ng Diyos, dapat akong sumunod sa Diyos; ang lahat ng Kanyang ginagawa ngayon ay mabuti, at para sa ating kapakanan, at upang ang ating disposisyon ay maaaring magbago at maaari nating tanggalin sa ating sarili ang impluwensya ni Satanas, upang hayaan tayong mamuhay sa lupain ng mga marurumi at ngunit maaari natin pawalan ang ating sarili sa karumihan, ipagpag ang dumi at impluwensiya ni Satanas, upang magawa nating iwanan ang impluwensiya ni Satanas. Siyempre, ito ang kinakailangan sa iyo, ngunit para sa Diyos ito ay isa lamang paglupig, upang ang mga tao ay magkaroon ng matatag na kapasyahan na tumalima, at maaring sumailalim sa lahat ng Pagtutugma ng Diyos, na siya lamang kinakailangan. Ngayon, karamihan sa mga tao ay nalupig na, ngunit sa loob nila ay marami pa ring mga paghihimagsik at pagsuway. Ang totoong estado ng mga tao ay masyadong maliit, at sila ay bumabangon lamang kung may mga pag-asa at pagkakataon; kung wala, sila ay nagiging negatibo, at nag-iisip pa na lisanin ang Diyos. At ang mga tao ay walang matinding pagnanais upang hanapin ang pagsasabuhay ng normal na pagkatao. Hindi iyon maaari! Kaya, dapat Ko pa rin pag-usapan ng paglupig. Sa katunayan, nangyayari ang kasakdalan kasabay ng paglupig: Kung ikaw ay nalupig, ang unang epekto ng pagiging perpekto ay nakamit. Kung saan mayroong pagkakaiba sa pagitan ng pagka-lupig at kasakdalan, ito ay ayon sa antas ng pagbabago sa mga tao. Ang pagkalupig ay ang unang hakbang ng pagiging perpekto, at hindi nangangahulugang sila ay lubusang ginawang perpekto, o napatotohanang sila ay ganap nang nahimok ng Diyos. Matapos lupigin ang tao, may ilang mga pagbabago sa kanilang katangian, ngunit ang mga nasabing pagbabago ay lubhang kaunti kaysa sa mga tao na ganap nang makamtan ng Diyos. Ngayon, ang nagawa na ay ang paunang gawain upang gawing perpekto ang mga tao—nilulupig sila—at kung hindi mo makamit ang panlulupig, walang paraan upang ikaw ay gawing perpekto at lubusang makamtan ng Diyos. Ikaw ay makakukuha lamang ng ilang salita ng pagpaparusa at paghatol, ngunit hindi nila ganap na mapagbabago ang iyong puso. Kaya ikaw ay isa sa mga maaalis; ito ay hindi naiiba mula sa pagtingin sa isang katakam-takam na kapistahan sa ibabaw ng mesa ngunit hindi kinakain ito. Hindi ba ito trahedya? At kaya dapat kang humanap ng mga pagbabago: Ito man ay paglupig o ginawang perpekto, parehong kaugnay ito kung mayroong pagbabago sa’yo, at kung ikaw man o hindi masunurin—at ito ay tumutukoy kung ikaw man ay maaaring makamtan ng Diyos o hindi. Tandaan na ang "pagkalupig" at "kasakdalan" ay simpleng nakabatay sa hangganan ng pagbabago at pagsunod, pati na rin sa kung gaano kalinis ang iyong pag-ibig sa Diyos. Ang kinakailangan ngayon ay gawin kang ganap na perpekto, ngunit sa simula ay dapat kang malupig—dapat ay mayroon kang sapat na kaalaman sa kaparusahan at paghatol ng Diyos, dapat ay mayroong kang pananampalataya na sumunod, at maging isang tao na naglalayon ng pagbabago at para magkaroon ng mga epekto. Doon ka lamang magiging isang tao na naghahangad maging perpekto. Dapat mong maunawaan na sa kurso ng kasakdalan kayo ay malulupig, at sa kurso ng panlulupig kayo ay gagawing perpekto. Ngayon, maaari mong hangaring magawang perpekto o humanap ng mga pagbabago sa iyong panlabas na pagkatao at mga pag-unlad sa iyong kakayahan, nguni’t ang pinakamahalaga ay iyong nauunawaan na ang lahat ng ginagawa ngayon ng Diyos ay may kahulugan at kapaki-pakinabang: Hinahayaan ka nito, ikaw na nakatira sa lupain ng karumihan, na makatakas sa karumihan at maipagpag ito, hinahayaan ka nitong mapagtagumpayan ang impluwensiya ni Satanas, at iwanan ang madilim na impluwensiya ni Satanas—at sa pagtutok sa mga bagay na ito, ikaw ay iniingatan dito sa lupain ng karumihan. Sa kahuli-hulihan, anong patotoo ang hihingin sa iyong ibigay? Ikaw ay nakatira sa lupain ng karumihan nguni’t nagawang maging banal, at hindi na magiging marumi at may-bahid, ikaw ay nakatira sa ilalim ng nasasakupan ni Satanas nguni’t inaalis sa iyong sarili ang impluwensiya ni Satanas, at hindi pagmamay-ari o ginigipit ni Satanas, at ikaw ay nakatira sa mga kamay ng Makapangyarihan-sa-lahat. Ito ang patotoo, at katibayan ng tagumpay sa pakikipaglaban kay Satanas. Nagagawa mong iwaksi si Satanas, kung ano ang iyong pagsasabuhay ay hindi nagbubunyag kay Satanas, kundi yaong kinailangan ng Diyos na abutin ng tao noong nilikha Niya ang tao: normal na pagkatao, normal na pagkamakatwiran, normal na pananaw, normal na paninindigang mahalin ang Diyos, at katapatan sa Diyos. Ganyan ang patotoo na taglay ng isang nilalang ng Diyos. Sabi mo, “Tayo ay nakatira sa isang lupain ng burak, ngunit dahil sa pag-iingat ng Diyos, dahil sa Kanyang pamumuno, at dahil nilupig Niya tayo, naalis natin ang ating mga sarili sa impluwensiya ni Satanas. Na angkakayahan nating sumunod ngayon ay epekto rin ng paglupig ng Diyos, at ito ay hindi dahil tayo ay mabuti, o dahil natural nating iniibig ang Diyos. Ito ay dahil pinili tayo ng Diyos, at itinalaga tayo, na tayo ay nalupig ngayon, na magagawang magpatotoo sa Kanya, at makapaglingkod sa Kanya; kaya, pati, ito ay dahil pinili Niya tayo, at protektado, na tayo ay nailigtas at nabawi mula sa ilalim ng nasasakupan ni Satanas, at maaaring nang iwanan ang dumi at maging malinis sa bayan ng dakilang pulang dragon. Dagdag pa rito, kung ano ang iyong isinasabuhay ay magpapakita na taglay mo ang normal na pagkatao, mayroong pagkamakatuwiran sa iyong sinasabi, at ikaw ay kahalintulad ng isang normal na tao. Kapag nakikita kayo ng iba hindi nila dapat sabihin, Hindi ba ito ang imahe ng dakilang pulang dragon? Ang pag-uugali ng kapatid na babae ay hindi angkop sa pagiging isang kapatid na babae, ang pag-uugali ng kapatid na lalaki ay hindi angkop sa pagiging isang kapatid na lalaki, at wala silang anumang asal ng mga santo. Hindi sila dapat sumambit, Hindi nakakapagtaka na sinabi ng Diyos na sila ay mga inapo ni Moab, Siya ay ganap na tumpak! Kung titingnan kayo at sasabihin sa inyo ng mga tao, “Kahit na sinabi ng Diyos na ikaw ay inapo ni Moab, kung paano ka mamuhay ay nagpapatotoong iniwan mo ang impluwensiya ni Satanas; bagaman ang mga bagay na iyon ay naka paloob sa iyo, nagawa mong tumalikod sa kanila,” sa gayon ito ay nagpapakita na ikaw ay ganap na nalupig. Ikaw na nalupig at nailigtas ay magsasabi, “Tunay na kami ang mga inapo ni Moab, ngunit kami ay nailigtas ng Diyos, at bagaman ang mga inapo ni Moab noong nakalipas ay pinabayaan at sinumpa, at iwinaksi kasama ng mga Hentil ng mga tao ng Israel, ngayon iniligtas tayo ng Diyos. Tunay na kami ang pinakatiwali sa lahat ng tao—ito ay itinalaga ng Diyos, ito ay katotohanan, at ito ay hindi maikakaila ng lahat. Ngunit ngayon kami ay nakatakas na sa nasabing impluwensiya. Kinamumuhian namin ang aming mga ninuno, handa kaming tumalikod sa aming mga ninuno, upang lubusan itong talikuran at sundin ang lahat ng mga pag-aayos ng Diyos, kumikilos ayon sa kalooban ng Diyos at nakakamit ang Kanyang kahilingan sa amin, at nakukuha ang kasiyahan ng kalooban ng Diyos. Ipinagkanulo ni Moab ang Diyos, hindi siya kumilos ayon sa kalooban ng Diyos, at siya ay kinasusuklaman ng Diyos. Ngunit tayo ay dapat mangalaga sa puso ng Diyos, at ngayon, dahil nauunawaan natin ang kalooban ng Diyos, hindi natin maaaring ipagkanulo ang Diyos, at dapat talikuran ang ating mga nakatatandang ninuno!” Noong nakaraan Aking binanggit ang pagtalikod sa dakilang pulang dragon—at ngayon, iyon ang pangunahing pagtiwalag ng mga tao sa nakatatandang ninuno. Ito ay isang patotoo ng paglupig sa mga tao, at hindi alintana kung paano ka pumasok ngayon, ang iyong pagpapapatotoo sa bagay na ito ay hindi dapat nagkukulang.

Lunes, Hunyo 4, 2018

Salita ng Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I

Ang Awtoridad ng Diyos (I)

★⋰ * ⋱★⋰ *⋱★⋰*⋱★⋰ * ⋱★⋰ *★⋰ * ⋱★⋰ *⋱★⋰*⋱★⋰ * ⋱★
Espiritu, Jehovah, Jesus, pananalig, buhay

     Ang ilan sa huli kong tinalakay sa mga pagsasamahan ay tungkol sa gawain ng Diyos, disposisyon ng Diyos, at Diyos Mismo. Pagkatapos mapakinggan ang mga pagtalakay sa mga pagsasamahan na ito, naramdaman ba ninyo na nagkaroon kayo ng kaunawaan at kaalaman tungkol sa disposisyon ng Diyos? Gaano katinding kaunawaan at kaalaman? Maaari niyo ba itong lagyan ng numero? Nagbigay ba sa inyo ang mga pagsasamahang ito ng mas malalim na kaunawaan sa Diyos? Maaari bang sabihing ang kaunawaang ito ay isang tunay na kaalaman sa Diyos? Maaari bang sabihin na itong kaalaman at kaunawaan sa Diyos ay isang kaalaman sa kabuuang diwa ng Diyos, at ang lahat ng mayroon at kung ano Siya? Hindi, malinaw na hindi! Ito’y dahil nagbigay lamang ang mga pagsasamahang ito ng kaunawaan sa bahagi ng disposisyon ng Diyos, at kung ano ang mayroon at kung ano Siya—hindi ang lahat ng ito, o ang kabuuan nito. Ang mga pagsasamahan ay nagpaunawa sa inyo ng bahagi sa gawaing minsa’y ginawa ng Diyos, kung saan nakita ninyo ang disposisyon ng Diyos, at kung ano ang mayroon at kung ano Siya, pati na rin ang pamamaraan at pag-iisip sa likod ng lahat ng Kanyang ginawa. Ngunit isa lamang itong literal, sinabing kaunawaan sa Diyos, at, sa inyong puso, nananatili kayong hindi sigurado kung gaano karami rito ang totoo. Ano ang mga pangunahing tumutukoy sa kung mayroon bang anumang katotohanan sa kaunawaan ng mga tao sa mga naturang bagay? Natutukoy ito sa pamamagitan ng kung gaano katindi ang mga salita ng Diyos at disposisyon na tunay nilang naranasan sa panahon ng kanilang aktwal na mga karanasan, at kung gaano karami ang nakita at nalaman nila sa panahon nitong aktwal na mga karanasan. “Ang ilang mga huling pagsasamahan ay nagpaunawa sa atin ng mga bagay na ginawa ng Diyos, ang mga pag-iisip ng Diyos, at bukod diyan, ang saloobin ng Diyos tungo sa sangkatauhan at ang mga basehan ng Kanyang mga pagkilos, pati na rin ang mga prinsipyo ng Kanyang mga pagkilos. At kaya natin nauunawaan ang disposisyon ng Diyos, at nalaman ang kabuuan ng Diyos.” May nagsabi ba ng mga naturang salita? Tama ba na sabihin ito? Ito’y malinaw na hindi. At bakit ko sinabi na ito’y hindi? Ang disposisyon ng Diyos, at kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ay naipahayag sa mga bagay na Kanyang ginawa at ang mga salitang Kanyang sinabi. Maaaring makita ng tao kung anong mayroon at kung ano ang Diyos sa pamamagitan ng gawain na Kanyang ginawa at ang mga salitang Kanyang sinabi, ngunit ito lang ay para sabihin na ang gawain at mga salita ay nagpapaunawa sa tao ng bahagi ng disposisyon ng Diyos, at bahagi ng kung ano ang mayroon at kung ano Siya. Kung naisin ng tao na magkaroon pa ng mas marami at malalim na kaunawaan sa Diyos, kung gayon dapat ay mas maranasan ng tao ang mga salita at gawain ng Diyos. Bagama’t ang tao ay nagkakaroon lamang ng bahagyang kaunawaan sa Diyos kapag nakararanas ng bahagi ng mga salita o gawain ng Diyos, ito bang bahagyang kaunawaang ito ay kumakatawan sa tunay na disposisyon ng Diyos? Kumakatawan ba ito sa diwa ng Diyos? Syempre ito’y kumakatawan sa tunay na disposisyon ng Diyos, at sa diwa ng Diyos, walang duda diyan. Anumang oras o lugar, o sa kung anumang paraan gawin ng Diyos ang Kanyang gawain, o sa kung anumang anyo Siya magpakita sa tao, o sa kung anong paraan Niya ipahayag ang Kanyang kalooban, ang lahat na Kanyang ibinubunyag at ipinapahayag ay kumakatawan sa Diyos Mismo, sa diwa ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya. Ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa pamamagitan ng kung ano ang mayroon at kung ano Siya, maging sa Kanyang totoong pagkakakilanlan; ito ay talagang tunay. Ngunit, ngayon, ang mga tao ay may bahagya lang na pag-unawa sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, at sa pamamagitan ng kung ano ang naririnig nila sa katuruan, at kaya sa partikular na lawak, ang kaunawaang ito ay maaaring sabihing panteoryang kaalaman lamang. Sa pagtingin sa iyong aktwal na kalagayan, maaari mo lang beripikahin ang kaunawaan o kaalaman sa Diyos na iyong narinig, nakita, o nalaman at naintindihan sa iyong puso ngayon kung ang bawat isa sa inyo ay mapagdaanan ito sa iyong mga aktwal na mga karanasan, at malaman ito nang paunti-unti. Kung hindi ko tatalakayin sa pagsasamahan ang mga salitang ito sa inyo, makukuha niyo ba ang tunay na kaalaman sa Diyos sa pamamagitan lamang ng inyong mga karanasan? Para gawin iyon, sa tingin ko, ay magiging napakahirap. Iyon ay dahil kinakailangan ng mga tao na taglayin muna ang mga salita ng Diyos para malaman kung paano makaranas. Gayun pa man, marami sa mga salita ng Diyos na kinakain ng tao, ganyan ang bilang ng maaari nilang aktwal na maranasan. Nangunguna ang salita ng Diyos sa daanan, at gagabayan ang tao sa kanyang karanasan. Sa madaling salita, para sa mga nagkaroon ng ilang tunay na karanasan, ang huling ilang mga pagsasamahan ang tutulong sa kanilang makamit ang mas malalim na pag-unawa sa katotohanan, at mas makatotohanang kaalaman sa Diyos. Ngunit para sa mga wala pang anumang tunay na karanasan, o sa mga nagsisimula pa lamang sa kanilang karanasan, o nagsisimula pa lamang na mapunta sa realidad, ito ay isang malaking pagsubok.

Sabado, Hunyo 2, 2018

Ano ang kaibhan sa pagitan ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao at ng gawain ng Espiritu?


╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮
Biblia, Jesus,Jehovah, Cristo, Panginoon

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

   “At sinabi ni Moises, Ipakita mo sa akin, idinadalangin ko sa iyo, ang iyong kaluwalhatian. At kaniyang sinabi, … Hindi mo makikita ang aking mukha: sapagka't hindi maaaring makita ako ng tao at mabuhay” (Exodo 33:18-20).

    “At ang Panginoon ay bumaba sa ibabaw ng bundok ng Sinai, sa taluktok ng bundok; at tinawag ng Panginoon si Moises sa taluktok ng bundok; at si Moises ay sumampa. At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bumaba ka, pagbilinan mo ang bayan, baka sila'y lumagpas upang makita ang Panginoon, at mamatay ang karamihan sa kanila” (Exodo 19:20-21).

    “At nakikita ng buong bayan ang mga kulog, at ang mga kidlat, at ang tunog ng pakakak at ang bundok na umuusok: at nang makita ng bayan, ay nanginig sila, at tumayo sa malayo. At sinabi nila kay Moises, Magsalita ka sa amin, at aming didinggin: datapuwa't huwag magsalita ang Dios sa amin, baka kami ay mamatay” (Exodo 20:18-19).

    “Dumating nga ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Niluwalhati ko na, at muli kong luluwalhatiin. Ang karamihan ngang nangaroroon, at nangakarinig, ay nagsipagsabing kumulog: sinabi ng mga iba, Isang anghel ang nakipagusap sa kaniya” (Juan 12:28-29).

Biyernes, Hunyo 1, 2018

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (3)

pananalig, pananampalataya sa Diyos, Jesus, Jehovah, Diyos
     Ang resulta na makakamit sa mapanlupig na gawa ay una sa lahat upang ang laman ng tao ay huminto sa paghimagsik, iyon ay, upang magkaroon ang isip ng tao ng panibagong pagkaunawa sa Diyos, ang kanyang puso na lubusang sumunod sa Diyos, at upang siya ay magpasya na maging para sa Diyos. Kung paano nagbabago ang pag-uugali o laman ng tao ay hindi makakapagpasya kung siya ay nalupig na. Sa halip, kapag ang iyong pag-iisip, ang iyong diwa, at ang iyong pagkaunawa ay nagbago-iyon ay, kapag ang iyong buong saloobing pang-isip ay nagbago-ikaw ay nalupig na ng Diyos. Kapag ikaw ay nagpasyang sumunod at nagpagtibay na ng panibagong kaisipan, kapag hindi mo na madala ang kahit na alin sa iyong mga paniniwala o mga layunin sa mga salita at gawain ng Diyos, at kapag ang iyong utak ay makakapag-isip na nang matuwid, iyon ay, kapag kaya mo na magsikap para sa Diyos nang buong puso-ang ganitong uri ng tao ay siyang lubusan nang nalupig. Sa sakop ng relihiyon, maraming tao ang hindi nagdurusa nang walang kabuluhan sa kabuuan ng kanilang buhay, pinasusuko ang kanilang katawan at binubuhat ang kanilang krus, kahit na maghirap at magtiis hanggang sa huli nilang hininga! Ang ilan ay nag-aayuno pa rin sa umaga ng kanilang kamatayan. Buong buhay nila ay ipinagkaila nila sa kanilang sarili ang mga masasarap na pagkain at magarang mga kasuotan, pinahahalagahan lang ang paghihirap. Kinaya nilang isuko ang kanilang mga katawan at pabayaan ang laman. Ang diwa ng kanilang pagtitiis sa pagdurusa ay kahanga-hanga. Ngunit ang kanilang pag-iisip, ang kanilang mga paniniwala, ang kanilang saloobing pang-isip, at tunay na ang kanilang lumang sarili-wala kahit isa sa mga ito ay ginawan man lang ng paraan. Wala silang tunay na pang-unawa sa kanilang mga sarili. Ang pang-isip nilang anyo ng Diyos ay isang makalumang anyo ng isang di-tiyak at malabong Diyos. Ang kanilang pagpasya sa pagdurusa para sa Diyos ay galing sa kanilang sigasig at positibong kalikasan. Kahit na sila ay naniniwala sa Diyos, hindi nila nauunawaan ang Diyos o alam ang Kanyang kalooban. Sila ay bulag na gumagawa at bulag na nagdurusa lamang para sa Diyos. Hindi nila binibigyan ng kahit anong halaga ang pagiging mapanuri at halos walang malasakit sa kung paano matitiyak na ang kanilang paglilingkod at tunay ngang tumutupad sa kalooban ng Diyos. Lalong hindi nila alam kung paano makakamtan ang pag-unawa sa Diyos. Ang Diyos na kanilang pinagsisilbihan ay hindi ang Diyos na nasa Kanyang orihinal na anyo, kundi isang Diyos na sila mismo ang nagsalamangka, isang Diyos na kanilang nabalitaan, o ang isang maalamat na Diyos na nababasa sa mga naisulat. Sa gayon, ginamit nila ang kanilang mga matingkad na likhang-isip at ang kanilang maka-Diyos na mga puso upang magdusa para sa Diyos at akuin para sa Diyos ang mga gawain na nais gawin ng Diyos. Ang kanilang paglilingkod ay talagang di-husto, sa gayo'y tunay na walang kahit isang naglilingkod sa Diyos sa paraang makatutupad ng Kanyang kalooban. Kahit na gaano pa sila kahandang magdusa, ang kanilang orihinal na pananaw sa paglilingkod at kanilang pang-isip na anyo ng Diyos ay nananatiling hindi nagbabago dahil hindi pa nila napagdaanan ang paghatol at pagparusa ng Diyos at ang Kanyang pagdadalisay at kasakdalan, at dahil walang kahit isang umakay sa kanila sa katotohanan. Kahit na naniniwala sila kay Hesus na Tagapagligtas, walang kahit isa sa kanila ang nakakita sa Tagapagligtas. Napag-alaman lang nila ang tungkol sa Kanya sa pamamagitan ng mga alamat at sabi-sabi. Sa gayon, ang kanilang paglilingkod ay katumbas lang ng ligaw na paglilingkod nang nakapikit, tulad ng isang bulag na naglilingkod sa kanyang sariling ama. Ano ang kahuli-hulihang makakamit sa ganitong uri ng paglilingkod? At sino ang magpapahintulot dito? Mula sa umpisa hanggang sa huli, ang kanilang paglilingkod ay hindi kailanman nagbabago. Sila ay tumatanggap lamang ng mga aral na gawa ng tao at ibinabatay lang nila ang kanilang paglilingkod sa kanilang pagiging likas at kung ano ang kanila mismong kinahihiligan. Anong gantimpala ang aanihin nito? Kahit si Pedro, na nakakita kay Hesus, ay hindi nalaman kung paano maglingkod sa paraang makatutupad ng kalooban ng Diyos. Sa kahuli-hulihan pa lamang, sa kanyang matandang edad, na kanya nang naunawaan. Ano ang ipinahihiwatig nito tungkol sa mga bulag na taong hindi pa nakakaranas ng kahit na anong pakikitungo o kahit na anong paglilinis at walang kahit isang gumagabay sa kanila? Hindi ba ang karamihan ng paglilingkod ninyo ngayon ay kagaya ng sa mga bulag na taong ito? Ang lahat ng hindi nakatanggap ng paghatol, hindi nakatanggap ng paglilinis at pakikitungo, at hindi nagbago-hindi ba sila ang mga hindi lubos na nalupig? Anong silbi ng mga taong iyon? Kung ang iyong pag-iisip, ang iyong pag-unawa sa buhay, at ang iyong pag-unawa sa Diyos ay hindi nagpapakita ng sariwang pagbabago at hindi nagbunga ng kahit na munting tunay na pakinabang, hindi mo kailanman makakamtan ang kahit na anong kapansin-pansin sa iyong paglilingkod! Kung walang pananaw at walang panibagong pang-unawa sa gawain ng Diyos, hindi ka magiging nalupig na tao. Ang iyong paraan ng pagsunod sa Diyos ay gayong katulad ng mga nagdurusa at nag-aayuno-ito ay may maliit halaga! Ito ay tiyak na dahil mayroong kaunting patotoo lamang sa kanilang ginagawa na masasabi Kong ang kanilang paglilingkod ay walang kabuluhan! Sa kanilang buong buhay, silang mga taong nagdusa, gumugol ng oras sa kulungan, at sa bawat sandali, nagtiis sila, pinahahalagahan ang pag-ibig at kabutihan, at pasanin ang kanilang krus. Sila ay siniraang-puri at itinakwil ng mundo at nakaranas ng lahat ng uri ng paghihirap. Sila ay sumusunod hanggang sa huli, ngunit, sila ay hindi nalupig at wala silang maibigay na patotoo sa pagkalupig. Hindi kaunti ang kanilang paghihirap na dinanas, ngunit sa loob ay talagang hindi nila kilala ang Diyos. Wala sa kanilang makalumang pag-iisip, makalumang paniniwala, mga relihiyos.

Huwebes, Mayo 31, 2018

Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus | Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (3)

══════════════ ♡♡♡ ════════════
   Espiritu, Jehovah, Jesus, iglesia, Langit

    Kapag ipinatutupad ng Diyos ang Kanyang gawain, Siya ay dumarating hindi upang makibahagi sa anumang pagtatayo o mga pagkilos; Siya ay dumarating upang tuparin ang kanyang ministeryo. Sa bawat pagkakataon na Siya ay nagiging katawang-tao, ito ay para lamang maisakatuparan ang isang yugto ng gawain at magbukas ng isang bagong kapanahunan. Ngayon ay Kapanahunan ng Kaharian, at ang tao ay pumasok sa pagsasanay ng kaharian. Ang yugtong ito ng gawain ay hindi gawain ng tao o para gawing ganap ang tao sa isang partikular na antas; ito ay para buuin ang isang bahagi ng gawain ng Diyos. Ang Kanyang gawain ay hindi ang gawain ng tao at hindi upang gawing ganap ang tao sa isang partikular na antas bago Niya lisanin ang lupa; ito ay upang lubos na tuparin ang Kanyang ministeryo at tapusin ang gawain na kailangan Niyang gawin, na gumawa ng angkop na pagsasaayos para sa Kanyang gawain sa lupa, sa gayon ay magiging maluwalhati. Ang gawain ng nagkatawang-tao na Diyos ay hindi tulad ng mga ginamit ng Banal na Espiritu. Kapag ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa lupa, ang pananagutan Niya lamang ay sa katuparan ng Kanyang ministeryo. Patungkol naman sa lahat ng iba pang mga bagay na walang kinalaman sa Kanyang ministeryo, sadyang hindi Siya nakikibahagi, maging hanggang sa puntong nagwawalang-bahala siya. Isinasagawa lamang Niya ang gawaing dapat Niyang gawin, at pinakahuli sa Kanyang pananagutan ay ang tungkol sa gawaing dapat gawin ng tao. Ang gawain na ginagawa Niya ay kaugnay lamang sa kapanahunang kinapapalooban Niya at ang ministeryo na dapat Niyang tuparin, na para bagang ang iba pang bagay ay hindi Niya tungkulin. Hindi Niya binibigyan ang Kanyang sarili ng mas maraming payak na kaalaman sa pamumuhay bilang tao, at hindi Niya inaaral ang ibang kasanayang pakikipagkapwa o ano man na naiintindihan ng tao. Hindi Siya nagpapakita ng pag-aalala sa lahat ng dapat ibigay sa tao at ang tanging ginagawa ay ang gawain na Kanyang tungkulin. At kaya, sa paningin ng tao, ang nagkatawang-tao na Diyos ay lubhang “kulang”, na maging hanggang sa puntong pinagwawalang-bahala Niya ang maraming bagay na dapat mayroon ang tao, at wala Siyang pang-unawa sa mga ganitong bagay. Ang mga bagay tulad ng pangkalahatang kaalaman sa buhay, pati na rin ang mga prinsipyo ng pag-uugali at pakikipag-ugnayan sa iba ay nagmumukhang hindi mahalaga para sa Kanya. Sa kabila nito, hindi mo mararamdaman mula sa nagkatawang-tao na Diyos ang kahit na kaunting di normal na pag-uugali. Ibig sabihin, pinananatili lamang ng Kanyang pagkatao ang Kanyang buhay bilang isang karaniwang tao na may karaniwang pangangatwiran ng Kanyang pag-iisip, na nagbibigay sa Kanya ng kakayahang kumilala ng kaibahan ng tama at mali. Gayunman, hindi Siya binigyan ng anumang bagay, na para sa tao (mga nilikhang tao) lamang. Ang Diyos ay naging tao lamang upang matupad ang Kanyang ministeryo. Ang Kanyang gawain ay nakadirekta para sa isang buong kapanahunan at hindi sa anumang partikular na tao o lugar. Ang Kanyang gawain ay nakadirekta para sa buong sansinukob. Ito ang direksyon ng Kanyang gawain at sa pamamagitan ng prinsipyong ito Siya ay gumagawa. Walang makakapagpabago nito, at hindi maaaring makibahagi ang tao. Sa bawat pagkakataong ang Diyos ay nagiging katawang-tao, dinadala Niya sa Kanya ang gawain ng gayong kapanahunan, at hindi ang layunin na mamuhay kasama ng tao sa loob ng dalawampu, tatlumpu, apatnapu, o kahit pitumpu, walumpu upang mas mahusay nilang maunawaan at makamit ang kabatiran sa Kanya. Walang pangangailangan para sa ganyan! Gawin man iyon hindi nito mapapalalim ang kaalamang taglay ng tao ukol sa likas na disposisyon ng Diyos; sa halip, makakadagdag lang ito sa kanilang mga paniwala at gagawing makaluma ang mga paniwala at mga saloobin ng tao. At dapat ninyong maintindihang lahat kung ano talaga ang gawain ng nagkatawang-taong Diyos. Posible kaya na hindi ninyo nauunawaan ang Aking mga salita: “Ako ay dumating hindi upang maranasan ang buhay ng isang karaniwang tao”? Nalimutan ba ninyo ang mga salitang: “Ang Diyos ay dumating sa lupa hindi upang isabuhay ang buhay ng isang karaniwang tao”? Hindi ninyo nauunawaan ang layunin ng Diyos sa pagiging tao, ni nalalaman ninyo ang kahulugan ng “Paanong ang Diyos ay dumating sa lupa sa layuning maranasan ang buhay ng isang nilalang”? Dumating ang Diyos sa mundo para ganapin lamang ang Kanyang gawain, at kaya ang Kanyang gawain sa mundo ay hindi nagtagal. Dumating Siya sa mundo na walang layunin na linangin ng Espiritu ng Diyos ang Kanyang laman tungo sa isang pambihirang lider ng iglesia. Kapag dumating ang Diyos sa mundo, ito ay ang Salita na naging tao; gayunman, ang tao, ay hindi nakakakilala ng Kanyang gawain at ipinipilit ang nasabing layunin sa Kanya. Ngunit dapat ninyong maunawaang lahat na ang Diyos ay ang Salita na nagkatawang- tao, hindi laman na nilinang ng Espiritu ng Diyos upang pansamantalang panindigan ang tungkulin ng Diyos. Ang Diyos Mismo ay hindi nilinang, ngunit ang Salita na nagkatawang-tao, at ngayon opisyal Niyang isinasagawa ang Kanyang gawain sa inyong lahat. Nalalaman ninyong lahat at kinikilala na ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay isang katotohanan, ngunit nagkukunwari kayo sa isang pagkaunawa na sa totoo lang ay hindi ninyo taglay. Hindi ninyo lahat pinahahalagahan ang gawain ng nagkatawang-taong Diyos o ang kahalagahan at ang katuturan ng kanyang pagiging katawang-tao, at basta na lamang ninyo binibigkas ang mga salitang sinasabi ng iba. Naniniwala ka ba na ang nagkatawang-taong Diyos ay gaya ng iyong inaakala?

Miyerkules, Mayo 30, 2018

Ano ang likas na katangian ng problema ng tao kapag hindi niya alam ang kahalagahan ng pangalan ng Diyos at hindi niya tinanggap ang bagong pangalan ng Diyos?

Jehovah, Jesus , Cristo, Diyos, Espiritu

Nauugnay sa mga Salita ng Makapangyarihang Diyos
  Sa bawat panahon, ang Diyos ay magsisimula ng bagong gawain, at sa bawat panahon, magkakaroon ng bagong simula ang mga tao. Kung ang tao ay susunod lamang sa mga katotohanan na "ang Jehovah ang Diyos" at "si Jesus ang Kristo," na mga katotohanan na nagagamit lamang sa isang panahon, sa gayon ang tao ay hindi makakasabay sa gawain ng Banal na Espiritu, at mawawalan ng kakayahang magkamit ng gawain ng Banal na Espiritu. Hindi alintana kung paano gumagawa ang Diyos, ang tao ay sumusunod nang walang pag-aalinlangan, at siya ay sumusunod nang malapitan. Sa paraang ito, paano maaalis ng Banal na Espiritu ang tao? Hindi alintana kung ano ang ginagawa ng Diyos, hangga't ang tao ay tiyak na ito ay gawain ng Banal na Espiritu, at nakikipagtulungan sa gawain ng Banal na Espiritu nang walang pag-aalinlangan, at sinusubukang matupad ang mga atas ng Diyos, paano siya maparurusahan? Hindi huminto ang gawain ng Diyos, hindi natigil ang Kanyang mga yapak, at bago pa man matupad ang Kanyang gawain ng pamamahala, Siya ay palaging maraming ginagawa, at hindi tumigil. Ngunit iba ang tao: Nagkamit lamang ng maliit na gawain ng Banal na Espiritu, itinuring niya na ito ay hindi kailanman magbabago; nagkamit lamang ng maliit na kaalaman, hindi na siya nagpatuloy sa pagsunod sa mga yapak ng bagong gawain ng Diyos; nakakita lamang ng maliit na bahagi ng gawain ng Diyos, dali-daling itinuring na niyang kahoy na imahen ang Diyos, at naniniwala na mananatili sa ganoong anyo ang Diyos sa harap niya, na ganito rin sa nakalipas at sa hinaharap; nagkamit lamang ng mababaw na kaalaman, naging mayabang ang tao at nakalimutan niya ang sarili at nagsimulang ihayag ang disposisyon at pagkatao ng Diyos na hindi talaga umiiral; at nanatili sa isang yugto ng gawain ng Banal na Espiritu, kahit anong uri ng tao ang maghayag ng bagong gawain ng Diyos, hindi ito tinatanggap ng tao. Ito ang mga taong hindi matanggap ang bagong gawain ng Banal na Espiritu; masyado silang maingat, at hindi kayang tumanggap ng mga bagong bagay. Ang mga taong iyon ay naniniwala sa Diyos ngunit tinatanggihan din Siya. Naniniwala ang tao na mali rin ang mga Israelita na "maniwala lamang sa Jehovah at hindi kay Jesus," ngunit karamihan ng mga tao ay "maniwala lamang sa Jehovah at tanggihan si Jesus" at "manabik sa pagbabalik ng Tagapagligtas, ngunit tututulan ang Tagapagligtas na nagngangalang Jesus." Hindi na nakapagtataka, na ang mga tao ay nabubuhay pa rin sa ilalim ng sakop ni Satanas matapos tanggapin ang isang yugto ng gawain ng Banal na Espiritu, at hindi pa rin nakatatanggap ng pagpapala ng Diyos. Hindi ba't ito ang bunga ng pagsuway ng tao? … Ang mga taong ito, na ang tanging sinasambit lamang ay "budhi," at hindi alam ang gawain ng Banal na Espiritu, sa huli ay puputulin ang kanilang mga inaasam-asam dahil sa kanilang mga konsensya. Ang gawain ng Diyos ay hindi sumusunod sa katuruan, at kahit na ito ay Kanyang sariling gawa, hindi pa rin kumakapit ang Diyos dito. Kung ano ang dapat tanggihan ay tanggihan, kung ano ang dapat maalis ay aalisin. Ngunit inilagay pa rin ng tao ang kanyang sarili sa galit ng Diyos sa pamamagitan ng pagkapit sa maliit na bahagi ng gawain ng pamamahala ng Diyos. Hindi ba't nakakatawa ang tao? Hindi ba't ito ang kamangmangan ng tao?

Martes, Mayo 29, 2018

Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus | Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (1)

Jehovah, krus, Cristo, Jesus, pananampalataya sa diyos
   ✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•

     Ang sangkatauhan, labis nang sini-ra ni Satanas, ay hindi alam na may-roong Diyos at huminto na sa pag-samba sa Diyos. Sa simula, nang si Adan at Eba ay nilikha, ang kalu-walhatian ni Jehovah at ang patotoo ni Jehovah ay laging naririto. Ngunit matapos silang masira, ang tao ay nawalan ng kaluwalhatian at patotoo sapagkat ang lahat ay naghimagsik laban sa Diyos at sabay-sabay na huminto sa paggalang sa Kanya. Ang mapanlupig na gawa ngayon ay upang maibalik ang lahat ng patotoo at ka-luwalhatian, at ang lahat ng tao ay pasambahin sa Diyos, upang may-roong patotoo sa mga nilalang. Ito ang dapat na matapos sa hakbang na ito ng gawain. Paano ba talagang malulupig ang sangkatauhan? Ito ay magagawa sa pamamagitan ng mga ginawang salita upang lubos na mahikayat ang tao; sa pamamagitan ng paghahayag, paghatol, pagparusa, at ang walang-awang sumpa upang siya ay lubos na masupil; at sa pama-magitan ng paghayag ng pagkama-paghimagsik ng tao at paghatol sa kanyang paglaban upang malaman niya ang kasamaan at karumihan ng sangkatauhan, na gagamitin upang mabigyang-diin ang matuwid na ka-tangian ng Diyos. Higit sa lahat, itong mga paggamit ng mga salitang ito ang lumulupig sa tao at lubos na humihikayat sa kanya. Ang mga salita ay ang mga paraan sa kahuli-hulihang paglupig sa sangkatauhan, at silang lahat na tatanggap ng pag-lupig ay dapat tanggapin ang panana-kit at paghatol ng mga salita. Ang kasalukuyang paraan ng pagsasalita ay ang paraan ng paglupig. Paano ba talaga dapat makipagtulungan ang mga tao? Sa pamamagitan ng ma-bisang pagkain at pag inom ng mga salitang ito at pag-unawa sa mga ito. Hindi maaaring malupig ang mga tao ng kanilang mga sarili lamang. Dapat, sa pagkain at pag-inom ng mga sali-tang ito, ay makilala nila ang kanil-ang kasamaan at karumihan, ang ka-nilang pagkamapaghimagsik at ka-likuan, at magpatirapa sa harap ng Diyos. Kung kaya mong unawain ang kalooban ng Diyos at gayon isabuhay ito at, bukod pa rito, magkaroon ng pananaw, at kung kaya mong lubos na sundin ang mga salitang ito at hindi tutuparin ang kahit na alin sa iyong mga sariling napili, gayon ka masasa-bing nalupig na. At itong mga sali-tang ito ang nakapaglupig sa iyo. Bakit nawala ng sangkatauhan ang patotoo? Dahil wala na kahit isa ang may pananampalataya sa Diyos o tan-gan man lang ang Diyos sa kanyang puso. Ang paglupig sa sangkatauhan ay nangangahulugang ang tao ay iba-balik ang pananampalatayang ito. Ang mga tao ay laging nakatingin tungo sa kamunduhan, nagtataglay ng masyadong maraming inaasahan, naghahangad nang labis-labis para sa kanilang kinabukasan, at masyadong maraming marangyang pangan-gailangan. Lagi nilang iniisip ang patungkol sa at pagplano para sa ka-nilang laman at hindi kailanman hinangad ang paghanap ng daan sa paniniwala sa Diyos. Ang kanilang mga puso ay sinakop na ni Satanas, nawala na nila ang kanilang pagga-lang sa Diyos, at itinatalaga nila ang kanilang puso kay Satanas. Ngunit ang tao ay nilikha ng Diyos. Gayon, naiwala ng tao ang kanyang patotoo, ibig sabihin ay nawala na niya ang ka-luwalhatian ng Diyos. Ang mungkahi ng paglupig sa tao ay upang kamka-min muli ang kaluwalhatian ng pag-galang ng tao sa Diyos. Maaari itong sabihin nang ganito: Maraming mga tao ang hindi naghahangad ng buhay; kung mayroon mang nangilan-ilan, ang dami ay maaaring bilangin sa mga daliri ng isa. Lubhang ikinababahala ng mga tao ang tungkol sa kanilang kinabukasan at hindi sila nag-uukol ng anumang pansin sa buhay o anupaman. Ang ilang mga tao ay kapwa naghihimagsik laban sa at nilalabanan ang Diyos, hinahatulan Siya sa likod Niya at hindi isinasagawa ang katotohanan. Hindi Ko papansinin ang mga taong ito sa ngayon, at iiwas mula sa pakikitungo sa ganitong uri ng mga anak na lalaki ng paghihimagsik sa ngayon. Sa hinaharap ikaw ay mabubuhay sa kadiliman, tatangis at magngangalit ang mga ngipin. Hindi mo nadadama ang kahalagahan ng liwanag kapag ikaw ay nabubuhay sa loob nito, ngunit mababatid mo ang kahalagahan nito sa sandaling ikaw ay nabubuhay sa madilim na gabi. Magiging kawawa ka noon. Maayos ang pakiramdam mo ngayon, ngunit darating ang araw na ikaw ay magiging kawawa. Kapag dumating ang araw na iyon at ang kadiliman ay bumaba at wala na kailanman ang liwanag, ang iyong mga pagsisisi ay magiging huli. Ito ay dahil hindi mo pa rin nauunawaan ang kasalukuyang gawain na nabigo na pahalagahan ang iyong panahon ngayon. Sa sandaling magsimula ang gawain ng buong sandaigdigan, na ang ibig sabihin ay kapag ang lahat ng Aking sinasabi sa kasalukuyan ay nagkatotoo, maraming mga tao ang hahawak sa kanilang mga ulo sa pagtangis. Hindi ba iyon pagkahulog sa kadiliman na may kasamang pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin? Ang lahat ng mga tao na tunay na naghahangad ng buhay at mga ginawang ganap ay maaaring gamitin, samantalang ang lahat ng mga anak na lalaki ng paghihimagsik na hindi angkop para kasangkapanin ay mahuhulog sa kadiliman, hindi makatatanggap ng gawain ng Banal na Espiritu o anupaman at nananatiling walang naiintindihan ukol sa anumang bagay. Kaya naman sila ay mapupunta sa kaparusahan upang managhoy at manangis. Kung ikaw ay mahusay na sinangkapan sa yugtong ito ng gawain at ang iyong buhay ay gumulang, kung gayon ikaw ay isang tao na angkop kasangkapanin. Kung ikaw ay hindi sinangkapan nang mabuti, kung gayon kahit ikaw ay pinili para sa susunod na yugto ng gawain ikaw ay hindi magiging angkop. Sa puntong iyon, kahit na gusto mong sangkapan ang sarili mo, lalampas ang pagkakataon. Ang Diyos ay aalis; saan ka pupunta kung gayon upang hanapin ang uri ng pagkakataon na nasa harap mo sa ngayon, at saan ka kung gayon pupunta upang tanggapin ang pagsasanay na personal na inilalaan ng Diyos? Sa puntong iyon, hindi ang Diyos ang personal na magsasalita o personal na ibibigay ng Diyos ang Kanyang tinig. Magagawa mo lamang mabasa kung ano ang sinasabi sa kasalukuyan; paano mo ito magagawang maunawaan nang madali? Paano mapapantayan ng buhay sa hinaharap ang buhay sa kasalukuyan? Sa puntong iyon, hindi ba magbabata ang iyong pagtangis at pagngangalit ng iyong mga ngipin ng isang nabubuhay na kamatayan? Ipinagkakaloob sa iyo ngayon ang pagpapala ngunit hindi mo nalalaman kung paano ito tatamasahin; ikaw ay nabubuhay sa pagiging-pinagpapala, ngunit hindi mo ito natatanto. Pinatutunayan nito na ikaw ay tiyak na mapapahamak! Ang ilang mga tao sa kasalukuyan ay lumalaban, ang iba ay naghihimagsik, ang ilan ay ginagawa ang ganito o ganoon. Ikaw ay babalewalain Ko lamang; huwag iisipin na wala Akong malay sa iyong mga gawain. Hindi Ko ba nauunawaan ang inyong kakanyahan? Bakit mananatiling lumalaban sa Akin? Hindi ba para sa iyong sariling kapakanan kaya ikaw ay naghahangad ng buhay at pagpapala? Hindi ba para sa iyong sariling kapakanan kaya mayroong kang pananampalataya? Sa ngayon ginagawa Ko lamang ang gawaing panlulupig sa pamamagitan ng Aking mga salita. Sa sandaling matapos ang gawaing panlulupig na ito, magiging malinaw ang iyong wakas. Kailangan Ko pa bang gawing mas malinaw ang Sarili Ko?

Sabado, Mayo 26, 2018

Ang Relasyon ng Bawat Isa sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos

★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★

Jehovah, krus, Jesus, Espiritu, relihiyon

🌻🌻🏡🌻🌻🏡️🌻🌻🏡️🌻🌻🏡🌻🌻🏡️🌻🌻


Nauugnay sa mga Salita ng Makapangyarihang Diyos

    Mula sa gawain ni Jehovah hanggang sa iyong gawain ni Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa iyong kasalukuyang yugto, ang tatlong yugtong ito ay sumasaklaw sa kabuuang lawak ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ay gawain ng isang Espiritu. Mula sa paglikha Niya sa mundo, pinamamahalaan na ng Diyos ang sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Katapusan, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang Siyang magpapasimula ng gawain at Siyang maghahatid sa kapanahunan sa katapusan nito. Ang tatlong yugto ng gawain, sa magkakaibang kapanahunan at lugar, ay tiyak na isinagawa ng isang Espiritu. Ang lahat ng mga naghihiwalay sa tatlong yugtong ito ay sumasalungat sa Diyos.


mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

    Dapat ninyong maunawaan ang gawain ni Jehova, ang mga kautusan na Kanyang itinalaga, at ang mga panuntunan kung paano Niya pinangunahan ang buhay ng tao, ang nilalaman ng gawain na Kanyang ginawa sa Kapanahunan ng Kautusan, ang layunin para sa pagtatalaga Niya ng mga kautusan, ang kabuluhan ng Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya, at ang gawaing ginagawa ng Diyos sa pinakahuling yugtong ito. Ang unang yugto ay ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, ang ikalawang yugto ay ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, at ang ikatlong yugto ay ang gawain ng mga huling araw. Dapat ninyong maintindihan ang mga yugtong ito ng gawain ng Diyos. … Ang gawain na ginawa sa mga huling araw ay hindi maaaring pumalit sa gawain ng Kapanahunan ng Kautusan o doon sa Kapanahunan ng Biyaya. Gayunman, ang tatlong yugto ay nagkakaugnay-ugnay tungo sa iisang bagay at ang lahat ay gawaing ginawa ng isang Diyos. Natural, ang pagtupad ng gawaing ito ay nahahati sa magkakahiwalay na mga kapanahunan. Ang gawain sa mga huling araw ay nagdadala sa lahat ng bagay sa katapusan; yaong ginawa sa Kapanahunan ng Kautusan ay ang pagsisimula; at yaong ginawa sa Kapanahunan ng Biyaya ay ang pagtubos. … Sa mga huling araw, tanging ang gawain ng salita ang ginagawa upang ihatid ang Kapanahunan ng Kaharian nguni't hindi ito kumakatawan sa lahat ng mga kapanahunan. Ang mga huling araw ay hindi higit sa mga huling araw at hindi higit sa Kapanahunan ng Kaharian, na hindi kumakatawan sa Kapanahunan ng Biyaya o sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang mga huling araw ay ang panahon lamang kung saan ang lahat ng gawain sa anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ay ibinubunyag sa inyo. Ito ang paglalantad ng hiwaga. …

Martes, Mayo 22, 2018

Pag-alam sa Layunin at Kahalagahan ng Bawat Isa sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos

🙏 ✝️ 🙏 ✝️ 🙏 ✝️ 🙏 ✝️ 🙏 ✝️ 🙏 ✝️ 🙏 ✝️ 🙏 ✝️ 🙏 ✝️ 🙏 ✝️ 🙏 ✝️ 🙏 ✝️


Nauugnay sa mga Salita ng Makapangyarihang Diyos

    Ang gawain na ginawa ni Jehova sa mga Israelita ay itinatag sa gitna ng sangkatauhan ang lugar na pinagmulan ng Diyos, na siya ring banal na lugar kung saan Siya naroon. Nilimitahan Niya ang Kanyang gawain sa bayan ng Israel. Noong una, hindi Siya gumawa sa labas ng Israel; sa halip, pinili Niya ang isang bayan na natagpuan Niyang angkop upang itakda ang sakop ng Kanyang gawain. Ang Israel ang lugar kung saan nilikha ng Diyos si Adan at Eba, at mula sa alabok sa lugar na iyon nilikha ni Jehova ang tao; ang lugar na ito ay naging himpilan ng Kanyang gawain sa daigdig. Ang mga Israelita, na siyang mga inapo ni Noe at mga inapo din ni Adan, ay ang mga pantaong saligan ng gawain ni Jehova sa daigdig.

Linggo, Mayo 20, 2018

Paano unti-unting lumalalim ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos para maligtas at magawang perpekto ang mga tao?


🔹 ⭐🔹  ⭐🔹  ⭐🔹  ⭐🔹  ⭐🔹  ⭐🔹  ⭐🔹  ⭐🔹  ⭐🔹  ⭐🔹  ⭐🔹  ⭐🔹
panginoon, Jehovah, Jesus, krus, Diyos
🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏

Nauugnay sa mga Salita ng Makapangyarihang Diyos

    Ang buong pamamahala ng Diyos ay nahahati sa tatlong yugto, at sa bawat yugto, ang mga angkop na atas ay ibinigay sa tao. At saka, habang lumilipas at sumusulong ang panahon, ang mga atas ng Diyos sa lahat ng sangkatauhan ay mas tumaas. Kaya, dahan-dahan, ang gawaing ito ng pamamahala ng Diyos at naabot ang rurok, hanggang ang tao ay mapagmamasdan ang katotohanan ng "pagpapakita ng Salita sa katawang-tao," at sa paraang ito ang mga atas sa tao ay mas tumaas, at ang mga atas sa tao na sumaksi ay mas tumaas. … Sa nakalipas, ang tao ay inatasang sumunod sa kautusan at mga batas, at inatasang maging matiisin at mapagpakumbaba. Ngayon, ang tao ay inatasan na sundin ang lahat ng pagsasaayos ng Diyos at magtaglay ng labis na pag-ibig sa Diyos, at sa huli ang tao ay inatasan na mahalin ang Diyos sa kabila ng paghihirap. Ang tatlong yugtong ito ay mga atas ng Diyos sa tao, dahan-dahan, sa kabuuan ng Kanyang pamamahala. Ang bawat yugto ng gawain ng Diyos ay mas lumalalim kaysa sa huli, at sa bawat yugto ang mga atas sa tao ay mas tumindi kaysa sa huli, at sa paraang ito, ang buong pamamahala ng Diyos ay unti-unting nabubuo. Dahil ang mga atas sa tao ay lalong tumataas, ang disposisyon ng tao ay mas lumalapit sa pamantayang kailangan ng Diyos, at saka lamang lubusang makalalayo ang buong sangkatauhan sa impluwensya ni Satanas hanggang sa matapos ang gawain ng Diyos, ang buong sangkatauhan ay maililigtas mula sa impluwensya ni Satanas.

Miyerkules, Mayo 16, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos

 Cristo, Jehovah, Jesus, Landas,

 

    Ang lahat ng tao ay nais na makita ang tunay na mukha ni Jesus at nagnanais na makasama Siya. Naniniwala ako na wala sa mga kapatid na lalaki o kapatid na babae ang magsasabi na hindi niya gustong makita o makasama si Jesus. Bago ninyo nakita si Jesus, iyon ay, bago niyo pa nakita ang nagkatawang-taong Diyos, magkakaroon kayo ng maraming mga saloobin, halimbawa, tungkol sa hitsura ni Jesus, ang Kanyang paraan ng pagsasalita, ang Kanyang paraan ng pamumuhay, at iba pa. Gayunman, kapag nakita niyo na Siya, ang inyong mga saloobin ay mabilis na magbabago. Bakit ganoon? Nais ninyo bang malaman? Bagaman hindi maaaring balewalain ang pag-iisip ng tao, mas hindi maaaring kunsitihin ng tao na baguhin ang sangkap ni Kristo. Isinaalang-alang ninyo si Kristo bilang isang imortal, isang pantas, ngunit walang kumikilala kay Kristo bilang isang mortal na may maka-Diyos na sangkap. Samakatuwid, marami sa mga taong nananabik nang araw at gabi upang makita ang Diyos ay talagang kaaway ng Diyos at hindi kaayon sa Diyos. Hindi ba ito isang kamalian sa parte ng tao? Kahit ngayon, iniisip niyo pa rin na ang inyong paniniwala at katapatan ay magsisilbing karapat-dapat na makita ang mukha ni Kristo, ngunit pinapayuhan ko kayong sangkapan ang inyong sarili sa mas konkretong mga bagay! Dahil sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap, marami sa mga nakakilala kay Kristo ay nabigo; lahat sila’y ginagampanan ang papel ng mga Fariseo. Ano ang dahilan ng inyong kabiguan? Ito mismo’y dahil ipinapalagay ninyo na may isang mapagmataas, kahanga-hangang Diyos. Ngunit ang katotohanan ay ang bagay na hindi gusto ng tao. Hindi lamang di-mapagmataas si Cristo, bagkus Siya ay partikular na maliit; hindi lamang Siya isang tao ngunit isang ordinaryong tao; hindi lamang wala Siyang kakayahang umakyat sa langit, hindi rin Niya kayang kumilos nang malaya sa lupa. Kung kaya ang mga tao ay pinakitunguhan Siya bilang isang ordinaryong tao; ginagawa nila ang kagustuhan nila kapag sila ay kasama Niya, at nagsasalita ng walang ingat na salita sa Kanya, ang lahat ng mga ito habang hinihintay pa rin ang pagdating ng “tunay na Cristo.” Isinaalang-alang ninyo ang Cristong dumating na bilang isang ordinaryong tao at ang Kanyang salita ay tulad ng sa isang ordinaryong tao. Samakatuwid, hindi niyo pa natatanggap ang anumang bagay mula kay Cristo at sa halip ay inilantad nang buo ang inyong kapangitan sa liwanag.

Lunes, Mayo 14, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Pagsasagawa (3)


<*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*>
Diyos, iglesia, Jehovah, Espiritu, Langit
<*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*>
    Dapat kayong magkaroon ng kakayahan na mabuhay nang mag-isa, nagagawang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos sa inyong mga sarili, upang maranasan ang mga salita ng Diyos nang sarilinan, at upang mamuhay ng isang normal na buhay espirituwal nang walang pangunguna ng iba; dapat ninyong magawang umasa sa mga salita ng Diyos sa kasalukuyan upang mabuhay, makapasok sa tunay na karanasan, at tunay na pagkakita. Sa gayon pa lamang kayo makapaninindigan.

Linggo, Mayo 6, 2018

Salita ng Diyos | Pagsasagawa (1)

<*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*>
Jehovah, Jesus, Espiritu, langit, Diyos
  <*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*><*>


    Noong una, napakaraming paglihis sa paraan ng pagdanas ng mga tao, at ito ay maaari pang nakayayamot. Sapagkat hindi nila talaga naintindihan ang mga pamantayan ng mga kinakailangan ng Diyos, maraming mga lugar kung saan ang karanasan ng mga tao ay napipilipit. Ang hinihingi ng Diyos sa tao ay para sa kanila na magawang maisabuhay ang isang normal na pagkatao. Ang mga paraan ng tao na may kaugnayan sa pagkain at pananamit, halimbawa. Maaari silang magsuot ng amerikana at maaari nilang matutuhan ang ilan tungkol sa makabagong sining, at sa kanilang libreng oras maaari silang magkaroon ng isang medyo pampanitikan at nakawiwiling buhay. Maaari silang kumuha ng mga larawan na hindi malilimutan at maaari silang magbasa at magkamit ng ilang kaalaman at magkaroon ng isang medyo magandang kapaligiran para mabuhay. Ito ang buhay na angkop sa isang normal na katauhan, ngunit itinuturing ito ng mga tao bilang isang bagay na kinamumuhian ng Diyos. Ang kanilang pagsasagawa ay susundin lamang nila ang ilang mga patakaran, at ito ay aakay sa kanila upang maisabuhay ang isang buhay na kasimpangit ng pusali, nang walang kahulugang anuman. Sa totoo lang, hindi kailanman hiniling ng Diyos sa tao na gawin ang gayon. Inaasam ng mga tao na bawasan ang kanilang sariling mga disposisyon, nananalangin nang walang tigil sa kanilang mga espiritu na maging malapit sa Diyos, ang kanilang mga pag-iisip ay palaging naookupahan ng pag-iisip ng maka-diyos na mga bagay, lubhang ikinatatakot na ang kanilang kaugnayan sa Diyos ay mahihiwalay kahit paano. Ang mga ito ang lahat ng mga bagay na nabuod ng tao para sa kanilang mga sarili; ang mga ito ay ang mga patakarang itinakda para sa tao ng kanilang mga sarili. Kung hindi mo naiintindihan ang sarili mong diwa o kung anong antas ang maaabot ng iyong sarili, kung gayon wala kang magiging paraan para makamit ang isang maaasahang pagkaunawa sa kung ano ba talaga ang mga pamantayan ng kung ano ang kinakailangan ng Diyos sa iyo, at sa gayon ay wala kang magiging paraan na matamo ang isang pagsasagawa na isinasagawa sa isang angkop na sukat. Ang iyong isip ay palaging bumabaling sa gawing ito at doon, iniisip mo ang bawat posibleng paraan upang makapag-aral at makapa kung paanong sa lupa ay maaari kang makilos at liwanagan ng Banal na Espiritu, sa resulta ikaw ay nagbubuod ng isang kalipunan ng mga paraan ng pagsasagawa na sa tingin mo ay makatutulong sa iyong makamit ang pagpasok. Kapag nagsasagawa ka sa ganitong paraan, hindi mo talaga alam kung ano ang hinihingi ng Diyos sa iyo; nagsasagawa ka lamang sa iyong sariling paraan, nakadarama ng lubos na kaluwagan, hindi nag-aalala tungkol sa kalalabasan at lalong hindi nag-aalala tungkol sa kung naroon ang paglihis at mga pagkakamali. Habang ikaw ay nagpapatuloy sa ganitong paraan, ang iyong pagsasagawa ay nagkukulang sa napakaraming mga bagay, gaya ng pagpuri ng Diyos, pakikipagtulungan ng Banal na Espiritu at ang kalalabasan na natamo sa pamamagitan ng mga kinakailangan ng Diyos. Ni wala man itong anumang normal na katauhan o diwa ng katwiran ng isang normal na tao. Ang iyong pagsasagawa ay pagsunod mo lamang sa mga patakaran, o kusa mong dinadagdagan ang iyong pasanin upang higpitan ang iyong sarili, upang makontrol ang iyong sarili. Ngunit iyong iniisip na gawing perpekto ang iyong pagsasagawa, nang hindi alam na karamihan sa iyong pagsasagawa ay isang proseso o pangingilin na hindi na kinakailangan. Marami ang nagsasagawa na kagaya nito sa loob ng maraming mga taon na wala talagang pagbabago sa kanilang mga disposisyon, walang bagong pagkaunawa, at walang bagong pagpasok. Hindi nila sinasadyang gamitin sa kanilang malupit na mga kalikasan, maging hanggang sa yugto na maraming beses na silang gumagawa nang hindi makatuwiran, hindi makataong mga bagay at maraming beses na sila ay gumagawa ng mga bagay na nagpapatigil sumandali sa mga tao at kung saan ay hindi maintindihan. Ang ganitong uri ba ng tao ay isa na nagbago?