
Ang resulta na makakamit sa mapanlupig na gawa ay una sa lahat upang ang laman ng tao ay huminto sa paghimagsik, iyon ay, upang magkaroon ang isip ng tao ng panibagong pagkaunawa sa Diyos, ang kanyang puso na lubusang sumunod sa Diyos, at upang siya ay magpasya na maging para sa Diyos. Kung paano nagbabago ang pag-uugali o laman ng tao ay hindi makakapagpasya kung siya ay nalupig na. Sa halip, kapag ang iyong pag-iisip, ang iyong diwa, at ang iyong pagkaunawa ay nagbago-iyon ay, kapag ang iyong buong saloobing pang-isip ay nagbago-ikaw ay nalupig na ng Diyos. Kapag ikaw ay nagpasyang sumunod at nagpagtibay na ng panibagong kaisipan, kapag hindi mo na madala ang kahit na alin sa iyong mga paniniwala o mga layunin sa mga salita at gawain ng Diyos, at kapag ang iyong utak ay makakapag-isip na nang matuwid, iyon ay, kapag kaya mo na magsikap para sa Diyos nang buong puso-ang ganitong uri ng tao ay siyang lubusan nang nalupig. Sa sakop ng relihiyon, maraming tao ang hindi nagdurusa nang walang kabuluhan sa kabuuan ng kanilang buhay, pinasusuko ang kanilang katawan at binubuhat ang kanilang krus, kahit na maghirap at magtiis hanggang sa huli nilang hininga! Ang ilan ay nag-aayuno pa rin sa umaga ng kanilang kamatayan. Buong buhay nila ay ipinagkaila nila sa kanilang sarili ang mga masasarap na pagkain at magarang mga kasuotan, pinahahalagahan lang ang paghihirap. Kinaya nilang isuko ang kanilang mga katawan at pabayaan ang laman. Ang diwa ng kanilang pagtitiis sa pagdurusa ay kahanga-hanga. Ngunit ang kanilang pag-iisip, ang kanilang mga paniniwala, ang kanilang saloobing pang-isip, at tunay na ang kanilang lumang sarili-wala kahit isa sa mga ito ay ginawan man lang ng paraan. Wala silang tunay na pang-unawa sa kanilang mga sarili. Ang pang-isip nilang anyo ng Diyos ay isang makalumang anyo ng isang di-tiyak at malabong Diyos. Ang kanilang pagpasya sa pagdurusa para sa Diyos ay galing sa kanilang sigasig at positibong kalikasan. Kahit na sila ay naniniwala sa Diyos, hindi nila nauunawaan ang Diyos o alam ang Kanyang kalooban. Sila ay bulag na gumagawa at bulag na nagdurusa lamang para sa Diyos. Hindi nila binibigyan ng kahit anong halaga ang pagiging mapanuri at halos walang malasakit sa kung paano matitiyak na ang kanilang paglilingkod at tunay ngang tumutupad sa kalooban ng Diyos. Lalong hindi nila alam kung paano makakamtan ang pag-unawa sa Diyos. Ang Diyos na kanilang pinagsisilbihan ay hindi ang Diyos na nasa Kanyang orihinal na anyo, kundi isang Diyos na sila mismo ang nagsalamangka, isang Diyos na kanilang nabalitaan, o ang isang maalamat na Diyos na nababasa sa mga naisulat. Sa gayon, ginamit nila ang kanilang mga matingkad na likhang-isip at ang kanilang maka-Diyos na mga puso upang magdusa para sa Diyos at akuin para sa Diyos ang mga gawain na nais gawin ng Diyos. Ang kanilang paglilingkod ay talagang di-husto, sa gayo'y tunay na walang kahit isang naglilingkod sa Diyos sa paraang makatutupad ng Kanyang kalooban. Kahit na gaano pa sila kahandang magdusa, ang kanilang orihinal na pananaw sa paglilingkod at kanilang pang-isip na anyo ng Diyos ay nananatiling hindi nagbabago dahil hindi pa nila napagdaanan ang paghatol at pagparusa ng Diyos at ang Kanyang pagdadalisay at kasakdalan, at dahil walang kahit isang umakay sa kanila sa katotohanan. Kahit na naniniwala sila kay Hesus na Tagapagligtas, walang kahit isa sa kanila ang nakakita sa Tagapagligtas. Napag-alaman lang nila ang tungkol sa Kanya sa pamamagitan ng mga alamat at sabi-sabi. Sa gayon, ang kanilang paglilingkod ay katumbas lang ng ligaw na paglilingkod nang nakapikit, tulad ng isang bulag na naglilingkod sa kanyang sariling ama. Ano ang kahuli-hulihang makakamit sa ganitong uri ng paglilingkod? At sino ang magpapahintulot dito? Mula sa umpisa hanggang sa huli, ang kanilang paglilingkod ay hindi kailanman nagbabago. Sila ay tumatanggap lamang ng mga aral na gawa ng tao at ibinabatay lang nila ang kanilang paglilingkod sa kanilang pagiging likas at kung ano ang kanila mismong kinahihiligan. Anong gantimpala ang aanihin nito? Kahit si Pedro, na nakakita kay Hesus, ay hindi nalaman kung paano maglingkod sa paraang makatutupad ng kalooban ng Diyos. Sa kahuli-hulihan pa lamang, sa kanyang matandang edad, na kanya nang naunawaan. Ano ang ipinahihiwatig nito tungkol sa mga bulag na taong hindi pa nakakaranas ng kahit na anong pakikitungo o kahit na anong paglilinis at walang kahit isang gumagabay sa kanila? Hindi ba ang karamihan ng paglilingkod ninyo ngayon ay kagaya ng sa mga bulag na taong ito? Ang lahat ng hindi nakatanggap ng paghatol, hindi nakatanggap ng paglilinis at pakikitungo, at hindi nagbago-hindi ba sila ang mga hindi lubos na nalupig? Anong silbi ng mga taong iyon? Kung ang iyong pag-iisip, ang iyong pag-unawa sa buhay, at ang iyong pag-unawa sa Diyos ay hindi nagpapakita ng sariwang pagbabago at hindi nagbunga ng kahit na munting tunay na pakinabang, hindi mo kailanman makakamtan ang kahit na anong kapansin-pansin sa iyong paglilingkod! Kung walang pananaw at walang panibagong pang-unawa sa gawain ng Diyos, hindi ka magiging nalupig na tao. Ang iyong paraan ng pagsunod sa Diyos ay gayong katulad ng mga nagdurusa at nag-aayuno-ito ay may maliit halaga! Ito ay tiyak na dahil mayroong kaunting patotoo lamang sa kanilang ginagawa na masasabi Kong ang kanilang paglilingkod ay walang kabuluhan! Sa kanilang buong buhay, silang mga taong nagdusa, gumugol ng oras sa kulungan, at sa bawat sandali, nagtiis sila, pinahahalagahan ang pag-ibig at kabutihan, at pasanin ang kanilang krus. Sila ay siniraang-puri at itinakwil ng mundo at nakaranas ng lahat ng uri ng paghihirap. Sila ay sumusunod hanggang sa huli, ngunit, sila ay hindi nalupig at wala silang maibigay na patotoo sa pagkalupig. Hindi kaunti ang kanilang paghihirap na dinanas, ngunit sa loob ay talagang hindi nila kilala ang Diyos. Wala sa kanilang makalumang pag-iisip, makalumang paniniwala, mga relihiyos.