Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na panalangin. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na panalangin. Ipakita ang lahat ng mga post

Sabado, Disyembre 7, 2019

Ang mga Salita ng Diyos ang Gumagabay sa Akin upang Matutunan Kung Paano Turuan ang Aking mga Anak (II)


Xiaoxue, Malaysia

Isang araw pagtapos ng hapunan, tinuruan ko ang panganay kong lalaki na magbasa ng Tsino—mga simpleng salita lang, “Langit, lupa, tao, at, lupa, tatay, nanay….” Tinuruan ko siya nang ilang beses, ngunit hindi pa rin niya maisulat ang mga ito. Isusulat niya ang unang salita tapos makakalimutan niya ang susunod. Nagalit ako, kinuha ang ruler sa lamesa at ilang beses ko siyang pinagpapalo. Sumigaw ako: “Napakabobo mo naman! Ni hindi mo kayang matutunan ang mga simpleng salitang ito!” Napalo ang aking anak hanggang sa umiyak siya, “waah, waah” at patakbong tumakas patungo sa gilid ng kuwarto. Pinagalitan ko siya, “Lumapit ka rito at magsulat ka ulit!” Hindi lumapit ang anak ko, kaya hinablot ko siya at hinila pabalik sa upuan. Pagkakita ko sa kamay ng aking anak na namumula sa pagkapalo at namamaga dahil sa kagagawan ko, nakaramdam ako ng kirot sa aking puso. Umiyak ako at pumunta sa aking kuwarto at nagdasal sa Diyos: “Diyos ko, Kapag nabibigo ako ng anak ko, hindi ko makontrol ang galit ko. Hindi ko gustong tratuhin ang aking mga anak nang ganito. Diyos ko, nawa ay tulungan Mo ako.” Pagkatapos kong magdasal, unti-unti akong kumalma.

Lunes, Nobyembre 18, 2019

Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas


Mga Pagbigkas ng Bumalik na Panginoong Jesus | Mga Pagbigkas ng Diyos sa Buong Sansinukob - Ang Ikadalawampu’t-tatlong Pagbigkas


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa pagtunog ng Aking tinig, sa pagsiklab ng apoy mula sa Aking mga mata, pinanonood Ko ang buong mundo, pinagmamasdan Ko ang buong sansinukob. Nananalangin sa Akin ang buong sangkatauhan, tumitingala sila sa Akin, nagmamakaawa sa Aking itigil Ko ang Aking galit, at isinusumpang hindi na magrerebelde laban sa Akin. Nguni’t hindi na ito ang nakaraan; ito ay kasalukuyan. Sino ang makapagpapaurong sa Aking kalooban? Tiyak na hindi ang panalangin sa loob ng mga puso ng mga tao, ni ang mga salita sa kanilang mga bibig? Kung hindi dahil sa Akin, sino ang nakaliligtas hanggang sa kasalukuyan? Sino ang nabubuhay maliban sa pamamagitan ng mga salita ng Aking bibig? Sino ang hindi nagsisinungaling sa ilalim ng mapagmatyag Kong mga mata? Sa Aking pagsasakatuparan ng bago Kong gawain sa buong lupa, sino na ang may kakayahang makatakas mula rito? Maaari kayang naiiwasan ito ng mga bundok sa pamamagitan ng kanilang taas? Maaari kayang naitataboy ito ng katubigan, sa pamamagitan ng kanilang pagkarami-raming kalakhan? Sa Aking plano, kailanma’y walang anumang bagay ang basta-basta Kong hinahayaang lumisan, kaya wala kailanman kahit sinong tao, o anumang bagay, ang nakakahulagpos mula sa pagkakahawak ng Aking mga kamay."

Huwebes, Nobyembre 14, 2019

Tinubos ng Diyos ang sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya, kaya bakit kailangan pa rin Niyang gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw?


       Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Sundin ninyo ang kapayapaan sa lahat ng mga tao, at ang pagpapakabanal na kung wala ito’y sinoman ay di makakakita sa Panginoon” (Mga Hebreo 12:14).

“At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47–48).

Martes, Nobyembre 12, 2019

Large-scale Gospel Choir | "Awit ng Kaharian: Bumababa ang Kaharian sa Mundo" Tagalog Christian Song


Tagalog praise and worship Songs | "Awit ng Kaharian: Bumababa ang Kaharian sa Mundo" | Tagalog Worship and Praise Song 


Narinig na ang nakakaantig na awit ng kaharian, na ipinababatid ang pagdating ng Diyos sa piling ng mga tao sa buong sansinukob! Dumating na ang kaharian ng Diyos! Nagbubunyi ang lahat ng tao, nagagalak ang lahat ng bagay! Lahat ng bagay sa buong kalangitan ay puspos ng kasayahan. Anong kabigha-bighaning mga tagpo ng kagalakan ang mga ito?

Huwebes, Oktubre 31, 2019

Large-scale Gospel Choir | "Awit ng Kaharian: Bumababa ang Kaharian sa Mundo" Tagalog Christian Song


Tagalog Worship Songs | "Awit ng Kaharian: Bumababa ang Kaharian sa Mundo" | Tagalog Worship and Praise Song 


Narinig na ang nakakaantig na awit ng kaharian, na ipinababatid ang pagdating ng Diyos sa piling ng mga tao sa buong sansinukob! Dumating na ang kaharian ng Diyos! Nagbubunyi ang lahat ng tao, nagagalak ang lahat ng bagay! Lahat ng bagay sa buong kalangitan ay puspos ng kasayahan. Anong kabigha-bighaning mga tagpo ng kagalakan ang mga ito? Sa mga tao, na nabubuhay sa pasakit at nagtiis na ng libu-libong taon ng katiwalian ni Satanas, sino ang hindi umaasam—hindi nananabik—sa pagdating ng Diyos? Ilang mananampalataya at alagad ng Diyos sa paglipas ng mga panahon ang nagtiis, sa ilalim ng impluwensya ni Satanas, ng pagdurusa at paghihirap, pag-uusig at pagkawalay? Sino ang hindi umaasa na dumating na sana ang kaharian ng Diyos sa lalong madaling panahon? Nang matikman ang mga kagalakan at kalungkutan ng sangkatauhan, sino sa sangkatauhan ang hindi naghahangad na manaig ang katotohanan at kabutihan sa mga tao? Pagdating ng kaharian ng Diyos, ang araw na labis na inasam ng lahat ng bansa at tao ay dumating na rin sa wakas! Sa panahong ito, ano ang magiging mga tagpo ng lahat ng bagay sa langit at lupa? Gaano kaganda ang magiging buhay sa kaharian? Sa “Awit ng Kaharian: Bumababa ang Kaharian sa Mundo,” magkakatotoo ang mga panalangin ng mga milenyo!

Martes, Agosto 6, 2019

Ang Maranasan ang Maingat na Pag-aalaga ng Diyos para sa Kaligtasan ng Tao sa Sakuna


Ang Maranasan ang Maingat na Pag-aalaga ng Diyos para sa Kaligtasan ng Tao sa Sakuna


Muling, Beijing

Agosto 16, 2012

Noong Hulyo 21, 2012, nakita ng Beijing ang pinakamabigat na pagbagsak ng ulan sa loob ng animnapung taon. Sa malakas na buhos ng ulan na iyon nakita ko ang mga gawa ng Diyos at nakita ko kung paano Niya inililigtas ang tao.

Sabado, Hulyo 13, 2019

Q&A tungkol sa Ebanghelyo | Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin


Q&A tungkol sa Ebanghelyo | Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin


Hindi kayo nagtutuon ng pansin sa panalangin sa inyong pang-araw-araw na buhay. Palaging nakakaligtaan ng mga tao ang panalangin. Sa kanilang mga panalangin noong nakaraan sila ay nakikisabay lang sa agos at naglalaro, at walang sinuman ang nagbigay nang lubos ng kanilang puso sa harap ng Diyos at tunay na nanalangin sa Diyos. Nananalangin lamang ang mga tao sa Diyos kapag mayroong isang bagay na nangyayari sa kanila. Sa buong panahong ito, nakapanalangin ka na ba nang tunay sa Diyos? Tumangis ka na ba kailanman sa harap ng Diyos? Nakarating ka na ba kailanman sa pagkakilala sa iyong sarili sa harap ng Diyos? Nagkaroon ka na ba kailanman ng masinsinang pananalangin sa Diyos? Ang pananalangin ay unti-unting isinasagawa: Kung hindi ka karaniwang nananalangin sa bahay, hindi ka magkakaroon ng pagkakataon na makapanalangin sa iglesia, at kung hindi ka talaga nananalangin sa panahon ng maliliit na pagtitipon, kung gayon hindi mo makakayang manalangin sa panahon ng malalaking pagtitipon. Kung hindi ka normal na lumalapit sa Diyos o hindi binubulay ang mga salita ng Diyos, kung gayon wala kang anumang masasabi kapag oras na ng pananalangin--at kahit na ikaw ay nananalangin, ang iyong mga labi ay kikilos lamang, hindi ka talaga nananalangin.

Miyerkules, Mayo 22, 2019

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Anuman ang Sabihin ng Diyos ay ang Mismong Paghatol sa Tao




Ang Patotoo ng isang Cristiano | Anuman ang Sabihin ng Diyos ay ang Mismong Paghatol sa Tao


Xunqiu Lungsod ng Nanyang, Lalawigan ng Hena


Madalas kong iniisip na hinatulan at kinastigo lang ng Diyos ang tao kapag ibinunyag Niya ang likas na katiwalian ng tao o nagpahayag ng masasakit na salita na humatol sa katapusan ng tao. Kailan lang nang isang insidente ang naghatid sa akin upang mapagtanto na kahit ang mga magiliw na salita ng Diyos ay Kanya ring paghatol at pagkastigo. Napagtanto ko na bawat salitang sinabi ng Diyos ay ang Kanyang paghatol sa tao.

Huwebes, Abril 25, 2019

Alam Mo ba ang Tungkol sa mga Misteryo sa Panalangin ng Panginoon?

Alam Mo ba ang Tungkol sa mga Misteryo sa Panalangin ng Panginoon?

Ni Junwei, China

Maraming kapatid na lalaki at babae ang napaka-pamilyar sa Panalangin ng Panginoon, at binibigkas natin ito sa tuwing nagdarasal tayo: “Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo. Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa” (Mateo 6:9–10). Ngunit kahit na madalas nating dasalin ang Panalangin ng Panginoon, bihira naman nating pinagninilay-nilayan ang tunay na kahulugan ng Panalangin ng Panginoon. Aling mga aspeto ng katotohanan ang sinasabi ng Panginoong Jesus tungkol sa Panalangin ng Panginoon, ano ang kalooban ng Panginoon, at anong mga misteryo ang nakapaloob sa Panalangin ng Panginoon? Pag-usapan natin ang mga bagay na ito ngayon.

Miyerkules, Setyembre 19, 2018

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (1)



    Ang Aking gawain ay malapit nang maging ganap. Ang maraming mga taon na ginugol nating magkasama ay naging di-mabatáng alaala ng nakaraan. Nagpatuloy Ako na ulitin ang Aking mga salita at hindi tumigil sa pagpapaunlad sa Aking bagong gawain. Mangyari pa, ang Aking payo ay isang kinakailangang bahagi sa bawat piraso ng gawain na ginagawa Ko. Kung wala ang Aking payo, lahat kayo ay maliligaw at magiging higit pa sa pagkawala. Ang Aking gawain ay malapit nang matapos at dumating sa isang katapusan; gusto Ko pa ring gumawa ng pagbibigay ng payo, ibig sabihin, upang mag-alok ng ilang mga salita ng payo na dapat ninyong pakinggan. Umaasa lang Ako na hindi ninyo aaksayahin ang Aking mga napakaingat na mga pagsisikap at higit pa, na maaari ninyong maunawaan ang lahat ng pangangalaga at kaisipan na Aking ginugol, tinatrato ang Aking mga salita bilang pundasyon ng kung paano kayo kumilos bilang isang tao. Kung ito man ay mga salita na nais ninyong pakinggan o hindi, maging ito ay mga salita na nasisiyahan ninyong tanggapin o tinatanggap na hindi komportable, dapat ninyong seryosohin ang mga iyon. Kung hindi, ang inyong mga kaswal at walang malasakit na mga disposisyon at mga paghakbang ay talagang makakabahala sa Akin at, higit pa, na makapagpapasuklam sa Akin. Masyado Akong umaasa na lahat kayo ay maaaring basahin ang Aking mga salita nang paulit-ulit-libu-libong beses-at saulado pa nga ang mga iyon. Sa paraan lang na iyon hindi ninyo maaaring mabigo ang Aking mga inaasahan sa inyo. Gayunpaman, wala sa inyo ang namumuhay ng tulad nito ngayon. Sa kabaligtaran, lahat kayo ay nalulubog sa isang pinasamáng buhay ng pagkain at pag-inom ng inyong kapupunan, at wala sa inyo ang gumagamit ng Aking mga salita upang mapayaman ang inyong mga puso at kaluluwa. Ito ang dahilan kung bakit nahinuha Ko na ang totoong mukha ng sangkatauhan ay isa na palaging magkakanulo sa Akin at walang sinuman ang maaaring maging lubos na matapat sa Aking mga salita.

Martes, Agosto 14, 2018

Tanong at Sagot ng Ebanghelyo | Paano Ka Dapat Manampalataya sa Diyos Upang Maligtas at Magawang Perpekto?

panalangin, pananampalataya sa diyos, Salita ng Diyos, pananalig, Karanasan


Nauugnay sa mga pagbibigkas ng Makapangyarihang Diyos

    Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang gawin upang makasunod sa puso ng Diyos. Ito ay dahil, bagaman ang mga tao ay alam na alam ang salitang “Diyos” at mga parirala tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na lahat niyaong mga hindi nakakakilala sa Diyos ay nagtataglay ng isang magulong paniniwala. Ang mga tao ay hindi seryoso sa kanilang paniniwala sa Diyos sapagka’t ang paniniwala sa Diyos ay masyadong di-kilala, masyadong kakaiba para sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi sila makaabot sa mga hinihingi ng Diyos. Sa ibang salita, kung hindi kilala ng tao ang Diyos, hindi alam ang Kanyang gawa, kung gayon hindi sila angkop para sa paggamit ng Diyos, lalong hindi nila maaaring tuparin ang ninanasa ng Diyos. Ang “paniniwala sa Diyos” ay nangangahulugang paniniwala na mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng pagkakaintindi sa pananampalataya sa Diyos. Bukod pa rito, ang paniniwalang mayroong Diyos ay hindi kapareho ng tunay na pananalig sa Diyos; kundi, ito ay isang uri ng simpleng pananampalataya na may malakas na pangrelihiyong mga kahulugan. Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos na batay sa isang paniniwala na ang Diyos ang may tangan ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. Sa gayon ikaw ay mapapalaya mula sa iyong tiwaling disposisyon, makakatupad sa ninanasa ng Diyos at makakakilala sa Diyos. Tanging sa pamamagitan ng ganoong paglalakbay maaaring masabing ikaw ay naniniwala sa Diyos. Datapwa’t ang mga tao ay madalas makita ang paniniwala sa Diyos bilang isang bagay na napakasimple at walang gaanong kabuluhan. Ang paniniwala ng mga ganoong tao ay walang kabuluhan at hindi kailanman makakatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, pagka’t sila’y tumatahak sa maling landas. Ngayon, mayroon pa ring mga naniniwala sa Diyos sa pamamagitan ng mga titik, sa mga doktrinang walang laman. Wala silang malay na ang kanilang paniniwala sa Diyos ay walang substansya at na hindi sila makatatamo ng pagsang-ayon ng Diyos, at nananalangin pa rin sila para sa kapayapaan at sapat na biyaya mula sa Diyos. Dapat tayong huminto at tanungin ang ating mga sarili: Maaari kayang ang paniniwala sa Diyos ang tunay na pinakamadaling bagay sa lupa? Ang paniniwala ba sa Diyos ay nangangahulugan lamang ng pagtanggap ng maraming biyaya mula sa Diyos? Maaari bang ang mga tao na naniniwala sa Diyos nguni’t hindi Siya nakikilala, at naniniwala sa Diyos nguni’t tinututulan Siya, ay tunay na makakatupad sa ninanasa ng Diyos?

Lunes, Hulyo 30, 2018

Isang Mapagpanggap na Diwa Bago sa Isang Pagkabuwal

Baixue    Shenyang City
════════════❀.❋.❀═════════════

Biblia, ebanghelyo, panalangin, katotohanan, iglesia

✿▄─▄❀▄─▄✿▄─▄❀▄─▄✿▄─▄❀▄─▄✿▄─▄❀▄─▄✿

    Dahil sa isang pangangailangan sa trabaho, inilipat ako sa ibang lugar ng trabaho. Nang panahong iyon, labis akong nagpasalamat sa Diyos. Pakiramdam ko’y marami pang kulang sa akin, gayunman sa pamamagitan ng banal na pagsusulong ng Diyos, nabigyan ako ng pagkakataon upang tuparin ang aking tungkulin sa isang kahanga-hangang lugar ng trabaho. Gumawa ako ng panata sa Diyos sa aking puso: Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang makabayad sa Diyos.

    Subalit, nang makarating na ako, natuklasan ko ang maraming butas sa mga trabahong isinasagawa. Bilang resulta, pinagpasyahan ko na simulang inspeksyunin ang bawat bagay sa trabaho. Habang ginagawa ko ang aking mga inspeksyon, iniisip ko rin sa aking sarili: “Paano nagawa ang anumang trabaho nang ganito? Wala ni isang trabaho ang napangasiwaan nang maayos! Ang akala ko’y mahusay ang mga trabahong gawa rito. Ngunit hindi ko kailanman naisip na masahol pa ito kaysa sa dati kong trabaho. Ngayong narito na ako, dapat na itong mapamahalaan nang maayos, unti-unti, ayon sa napagkasunduan sa trabaho. Pangungunahan ko ang lahat ng kapatid na lalaki at kapatid na babae sa pagpasok sa buhay.” Dahil dito, nakipagkita ako sa mga coordinator, sinimulan ang pag-oorganisa ng bawat bagay sa trabaho, pakikipag-usap, pagpaplano, at paggawa ng mga kaayusan.

Sabado, Hulyo 28, 2018

Ano ang Pagkakatawang-tao? Ano ang Sangkap ng Pagkakatawang-tao?

      Aking impresyon: Jesus said, “I and my Father are one.” (Jhn 10:30) The Lord Jesus was the God of the incarnation, the Spirit of God wears a flesh. His appearance is a normal human but His essence is God that is undeniable. Recalling that the Israelites only looked at the appearance of the Lord Jesus at that time and formed notions and imaginations. They even resisted, condemned and denied God because of unknowing the work and lives of incarnation. The mistakes of former is that we should take serious, only we know more about the incarnation can we fearing God! For the truth of incarnation, the word of God fellowships very clearly. I would like to share it to those friends who are seeking truth.

════ ♡♡♡ ════════ ♡♡♡ ════════ ♡♡♡ ════

katapatan, panalangin, Cristo, Biblia, Jesus,


        Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

    “At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).

    “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay” (Juan 14:6).

    “Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon nang panahong ako'y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo sa amin ang Ama? Hindi ka baga nananampalataya na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin? ang mga salitang aking sinasabi sa inyo'y hindi ko sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay gumagawa ng kaniyang mga gawa. Magsisampalataya kayo sa akin na ako'y nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin: o kungdi kaya'y magsisampalataya kayo sa akin dahil sa mga gawa rin” (Juan 14:9-11).

Sabado, Hulyo 14, 2018

Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Mga Yapak ng Diyos


★⋰ * ⋱★⋰ *⋱★⋰*⋱★⋰ * ⋱★⋰ *★⋰ * ⋱★⋰ *⋱★⋰*⋱★⋰ * ⋱★
kaharian, panalangin, Salita ng Diyos, landas, Biblia

Sa ngayon, hangarin ninyo na maging mga tao ng Diyos, at dapat simulan ang buong pagpasok sa tamang landas. Ang maging mga tao ng Diyos ay nangangahulugan ng pagpasok sa Kapanahunan ng Kaharian. Sa kasalukuyan, opisyal na ninyong sinisimulan ang pagpasok sa pagsasanay ng kaharian, at ang inyong hinaharap na mga buhay ay titigil sa pagiging makupad at pabaya kagaya nang dati; ang gayong mga buhay ay walang kakayahan sa pagtatamo ng mga pamantayang kinakailangan ng Diyos. Kung hindi ka nakakadama ng anumang pagmamadali, kung gayon ay ipinapakita nito na wala kang pagnanais na paunlarin ang iyong sarili, na ang iyong paghahangad ay magulo at nalilito, at ikaw ay walang kakayahan na tuparin ang kalooban ng Diyos. Ang pagpasok sa pagsasanay ng kaharian ay nangangahulugan ng pagsisimula ng buhay ng sambayanan ng Diyos—nakahanda ka bang tanggapin ang gayong pagsasanay? Nakahanda ka bang madama ang isang pakiramdam ng pagmamadali? Nakahanda ka bang mabuhay sa ilalim ng pagdidisiplina ng Diyos? Nakahanda ka bang mabuhay sa ilalim ng pagkastigo ng Diyos? Kapag ang mga salita ng Diyos ay dumating sa iyo at ikaw ay sinubok, paano ka kikilos? At ano ang iyong gagawin kapag nahaharap sa lahat ng paraan ng mga katunayan? Sa nakaraan, ang iyong pokus ay hindi sa buhay; sa kasalukuyan, dapat kang pumasok sa realidad ng buhay, at hangarin ang mga pagbabago sa iyong disposisyon sa buhay. Ito ang dapat matamo ng mga tao ng kaharian. Lahat ng mga iyon na sambayanan ng Diyos ay dapat magtaglay ng buhay, dapat nilang tanggapin ang pagsasanay ng kaharian, at hangarin ang mga pagbabago sa kanilang disposisyon sa buhay. Ito ang mga kinakailangan ng Diyos sa mga tao ng kaharian.

Martes, Mayo 8, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Bagaman hindi maaaring balewalain ang pag-iisip ng tao, mas hindi maaaring kunsitihin ng tao na baguhin ang sangkap ni Kristo. Isinaalang-alang ninyo si Kristo bilang isang imortal, isang pantas, ngunit walang kumikilala kay Kristo bilang isang mortal na may maka-Diyos na sangkap. Samakatuwid, marami sa mga taong nananabik nang araw at gabi upang makita ang Diyos ay talagang kaaway ng Diyos at hindi kaayon sa Diyos. Hindi ba ito isang kamalian sa parte ng tao? Kahit ngayon, iniisip niyo pa rin na ang inyong paniniwala at katapatan ay magsisilbing karapat-dapat na makita ang mukha ni Kristo, ngunit pinapayuhan ko kayong sangkapan ang inyong sarili sa mas konkretong mga bagay! Dahil sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap, marami sa mga nakakilala kay Kristo ay nabigo; lahat sila’y ginagampanan ang papel ng mga Fariseo. Ano ang dahilan ng inyong kabiguan? Ito mismo’y dahil ipinapalagay ninyo na may isang mapagmataas, kahanga-hangang Diyos. Ngunit ang katotohanan ay ang bagay na hindi gusto ng tao. Hindi lamang di-mapagmataas si Cristo, bagkus Siya ay partikular na maliit; hindi lamang Siya isang tao ngunit isang ordinaryong tao; hindi lamang wala Siyang kakayahang umakyat sa langit, hindi rin Niya kayang kumilos nang malaya sa lupa. Kung kaya ang mga tao ay pinakitunguhan Siya bilang isang ordinaryong tao; ginagawa nila ang kagustuhan nila kapag sila ay kasama Niya, at nagsasalita ng walang ingat na salita sa Kanya, ang lahat ng mga ito habang hinihintay pa rin ang pagdating ng “tunay na Cristo.” Isinaalang-alang ninyo ang Cristong dumating na bilang isang ordinaryong tao at ang Kanyang salita ay tulad ng sa isang ordinaryong tao. Samakatuwid, hindi niyo pa natatanggap ang anumang bagay mula kay Cristo at sa halip ay inilantad nang buo ang inyong kapangitan sa liwanag.”

Sabado, Pebrero 17, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Tungkol sa Pagpapatahimik sa Iyong Puso sa Harap ng Diyos

buhay, katotohanan, matapat, Papuri, panalangin

Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosPag-bigkas ng Diyos | Tungkol sa Pagpapatahimik sa Iyong Puso sa Harap ng Diyos



    Ang pagpapatahimik sa iyong puso sa harap ng Diyos ay isa sa pinakamahalagang mga hakbang sa pagpasok sa mga salita ng Diyos, at isang aral na ang lahat ng tao sa kasalukuyan ay mayroong kagyat na pangangailangan na pasukin. Ang mga paraan sa pagpasok upang mapatahimik ang iyong puso sa harap ng Diyos ay ang mga sumusunod:

    1. Ilayo mo ang iyong puso mula sa panlabas na mga bagay, maging tahimik sa harap ng Diyos, at manalangin sa Diyos nang may isang nakatuong puso.

    2. Kapag ang iyong puso ay tahimik na sa harap ng Diyos, kainin, inumin, at tamasahin ang mga salita ng Diyos.

    3. Gawing ugali ang magnilay-nilay at magdili-dili sa pag-ibig ng Diyos at bulay-bulayin ang gawain ng Diyos gamit ang iyong puso.

Biyernes, Pebrero 16, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin

 Buhay, Diyos, Iglesia, Panalangin, patotoo


Kidlat ng Silanganan | Pag-bigkas ng Diyos | Tungkol sa Pagsasagawa ng Panalangin


    Hindi kayo nagtutuon ng pansin sa panalangin sa inyong pang-araw-araw na buhay.Palaging nakakaligtaan ng mga tao ang panalangin. Sa kanilang mga panalangin noong nakaraan sila ay nakikisabay lang sa agos at naglalaro, at walang sinuman ang nagbigay nang lubos ng kanilang puso sa harap ng Diyos at tunay na nanalangin sa Diyos. Nananalangin lamang ang mga tao sa Diyos kapag mayroong isang bagay na nangyayari sa kanila. Sa buong panahong ito, nakapanalangin ka na ba nang tunay sa Diyos? Tumangis ka na ba kailanman sa harap ng Diyos? Nakarating ka na ba kailanman sa pagkakilala sa iyong sarili sa harap ng Diyos? Nagkaroon ka na ba kailanman ng masinsinang pananalangin sa Diyos? Ang pananalangin ay unti-unting isinasagawa: Kung hindi ka karaniwang nananalangin sa bahay, hindi ka magkakaroon ng pagkakataon na makapanalangin sa iglesia, at kung hindi ka talaga nananalangin sa panahon ng maliliit na pagtitipon, kung gayon hindi mo makakayang manalangin sa panahon ng malalaking pagtitipon. Kung hindi ka normal na lumalapit sa Diyos o hindi binubulay ang mga salita ng Diyos, kung gayon wala kang anumang masasabi kapag oras na ng pananalangin–at kahit na ikaw ay nananalangin, ang iyong mga labi ay kikilos lamang, hindi ka talaga nananalangin. 

Huwebes, Pebrero 15, 2018

Salita ng Diyos | Ang Tunay na Pag-ibig sa Diyos ay Kusa


 buhay, Diyos, katotohanan, Pag-ibig, panalangin


Salita ng Diyos | Ang Tunay na Pag-ibig sa Diyos ay Kusa | Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos



    Ang lahat ng mga tao ay isinailalim sa pagpipino dahil sa mga salita ng Diyos. Kung hindi dahil sa Diyos na nagkatawang-tao ang sangkatauhan ay tiyak na hindi mabibiyayaan na magdanas sa gayong paraan. Maaari rin itong sabihin nang ganito—yaong mga nakatatanggap sa mga pagsubok ng mga salita ng Diyos ay mga taong pinagpala. Batay sa dating kakayahan ng mga tao, ang kanilang pag-uugali, at mga saloobin sa Diyos, hindi sila karapat-dapat na tumanggap ng ganitong pagpipino. Ito ay dahil pinatibay sila ng Diyos na tinatamasa nila ang Kanyang pagpapala. Dati nang sinasabi ng mga tao na hindi sila karapat-dapat na makita ang mukha ng Diyos o marinig ang Kanyang mga salita. Sa kasalukuyan, lubusang dahil sa pagpapatibay ng Diyos at sa Kanyang awa na tinatanggap ng mga tao ang pagpipino ng Kanyang mga salita. Ito ang pagpapala ng bawat isang tao na nabubuhay sa mga huling araw—personal ba ninyong naranasan ito? Kung saang aspeto dapat magdusa ang mga tao at magkaroon ng mga kabiguan ay itinatalaga ng Diyos, at hindi ito batay sa sariling mga kinakailangan ng mga tao. Ito ay talagang totoo. Ang bawat mananampalataya ay dapat magtaglay ng kakayahan na sumailalim sa mga pagsubok ng mga salita ng Diyos at magdusa sa loob ng Kanyang mga salita. Ito ba ay isang bagay na malinaw ninyong nakikita? Kaya ang pagdurusa na inyong pinagdadaanan ay kapalit ng kasalukuyang mga biyaya; kung hindi ka magdurusa para sa Diyos, hindi mo makakamit ang Kanyang papuri. Maaaring nagrereklamo ka noong nakaraan, ngunit hindi alintana kung gaano ka man nagrereklamo hindi naaalala ng Diyos ang mga iyon tungkol sa iyo. Sumapit ang araw na ito at walang dahilan na tumingin sa mga bagay ng kahapon.

Huwebes, Agosto 31, 2017

Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos | Ang Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas


Pagpapahayag ng Makapangyarihan Diyos | Ang Ikadalawampu’t-walong Pagbigkas


       Noong dumating Ako mula sa Sion, hinihintay Ako ng lahat ng mga bagay, at noong bumalik Ako sa Sion, binati Ako ng lahat ng mga tao. Sa pagdating at paglisan Ko, hindi kailanman nahadlangan ng mga may galit sa Akin ang Aking mga hakbang, kaya umusad nang maayos ang Aking gawain. Ngayon, kapag dumarating Ako sa kalagitnaan ng lahat ng mga nilalang, binabati Ako ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng katahimikan, napakalalim ang takot nila na Ako’y muling lilisan at aalisin ang kanilang suporta. Sinusunod ng lahat ng mga bagay ang Aking patnubay, at minamatyagan ng lahat ang direksyong ipinahihiwatig ng Aking kamay. Maraming mga nilalang ang ginawang perpekto ng mga salita na nagmumula sa Aking bibig at maraming anak ng kasuwailan ang nakastigo. Kaya, nakatitig ang lahat ng mga tao sa Aking mga salita, at maingat na nakikinig sa mga pagbigkas mula sa Aking bibig, at matindi ang takot na mapalampas nila ang magandang pagkakataon na ito. Sa kadahilanang ito kung bakit nagpatuloy Ako sa pagsasalita, upang matupad ang Aking gawain nang mas mabilis, at upang mas maaga ang paglitaw ng mga nakalulugod na kondisyon sa mundo at malunasan ang mga eksena ng pagkatiwangwang sa mundo. Kapag tumingin Ako sa kalangitan at kapag haharapin Ko muli ang sangkatauhan; agad na mapupuno ang mga lupain ng buhay, hindi na kakapit ang alikabok sa hangin, at hindi na mababalot ng putik ang lupa. Agad magliliwanag ang Aking mga mata, kaya titingala sa Akin ang mga tao mula sa lahat ng mga lupain at manganganlong sila sa Akin. Sa mga tao sa mundo ngayon—kabilang na ang lahat ng mga nasa Aking sambahayan—sino ang tunay na nanganganlong sa Akin? Sino ang nagbibigay ng kanilang puso bilang kapalit ng halaga na Aking binayaran? Sino na ang nanahan sa Aking sambahayan? Sino na ang tunay na naghandog ng kanilang mga sarili sa Aking harapan? Kapag gumawa Ako ng mga pangangailangan sa tao, kaagad niyang isinasara ang kanyang “maliit na kamalig.” Kapag nagbibigay Ako sa tao, agad niyang binubuksan ang kanyang bibig upang lihim na makuha ang Aking mga kayamanan, at madalas siyang nanginginig sa kanyang puso, sa lalim ng takot niyang gagantihan Ko siya. Kaya ang bibig ng tao ay kalahating bukas at kalahating sarado, at wala siyang kakayahang tunay na tamasahin ang mga kasaganaan na ipinagkakaloob Ko. Hindi Ko pinarurusahan agad ang tao, ngunit palagi niya Akong kinokontrol at hinihiling na ipagkaloob Ko ang awa sa kanya; ipinagkakaloob Ko lamang muli ang awa sa tao kapag nagsusumamo siya sa Akin, at ipinahahayag Ko sa kanya ang pinakamalupit na salita ng Aking bibig, para agad siyang makakaramdam ng hiya, at, dahil wala siyang kakayahang tanggapin nang direkta ang Aking “awa,” sa halip ay hinahayaan niya na lang na ipasa ito sa kanya ng iba. Kapag lubusan niyang naunawaan ang lahat ng Aking mga salita, nagiging akma ang tayog ng tao sa mga kagustuhan Ko, at ang mga pagsusumamo niya ay nagiging mabunga at hindi na walang kabuluhan o walang saysay; pinagpapala Ko ang mga taos-puso at hindi mapagkunwaring pagsusumamo ng sangkatauhan.