Baixue Shenyang City
════════════❀.❋.❀═════════════
✿▄─▄❀▄─▄✿▄─▄❀▄─▄✿▄─▄❀▄─▄✿▄─▄❀▄─▄✿
Dahil sa isang pangangailangan sa trabaho, inilipat ako sa ibang
lugar ng trabaho. Nang panahong iyon, labis akong nagpasalamat sa Diyos.
Pakiramdam ko’y marami pang kulang sa akin, gayunman sa pamamagitan ng
banal na pagsusulong ng Diyos, nabigyan ako ng pagkakataon upang tuparin
ang aking tungkulin sa isang kahanga-hangang lugar ng trabaho. Gumawa
ako ng panata sa Diyos sa aking puso: Gagawin ko ang lahat ng aking
makakaya upang makabayad sa Diyos.
Subalit, nang makarating na
ako, natuklasan ko ang maraming butas sa mga trabahong isinasagawa.
Bilang resulta, pinagpasyahan ko na simulang inspeksyunin ang bawat
bagay sa trabaho. Habang ginagawa ko ang aking mga inspeksyon, iniisip
ko rin sa aking sarili: “Paano nagawa ang anumang trabaho nang ganito?
Wala ni isang trabaho ang napangasiwaan nang maayos! Ang akala ko’y
mahusay ang mga trabahong gawa rito. Ngunit hindi ko kailanman naisip na
masahol pa ito kaysa sa dati kong trabaho. Ngayong narito na ako, dapat
na itong mapamahalaan nang maayos, unti-unti, ayon sa napagkasunduan sa
trabaho. Pangungunahan ko ang lahat ng kapatid na lalaki at kapatid na
babae sa pagpasok sa buhay.” Dahil dito, nakipagkita ako sa mga
coordinator, sinimulan ang pag-oorganisa ng bawat bagay sa trabaho,
pakikipag-usap, pagpaplano, at paggawa ng mga kaayusan.
Sa buong
panahon ng aking mga pakikipag-usap, madalas kong ibunyag ang mga tunay
kong damdamin, “Ang kalidad ng trabaho rito ay napakababa. Ang dati kong
trabaho ay hindi tulad ng kung paano ang sa inyo ngayon. Sa lugar na
pinagtatrabahuhan ko dati, palagi naming ginagawa ang trabaho sa
ganito-at-ganyang paraan, lagi naming ginawa ang kung anu-ano nang
maayos. Masunurin kami sa Diyos….” Pagkatapos ng mga pagpupulong na ito,
ang sabi ng ilang mga coordinator: “Tama! Wala kaming nagawang anuman
na tunay na makahulugan. Sa pagkakataong ito, kailangan nating
magsimulang muli at gawin ang ating trabaho nang naaayon sa mga
kahilingan ng Diyos.” Ang sinasabi naman ng iba: “Salamat sa iyong
mahusay na pakikipag-usap at para sa mga kaayusang ginawa mo ngayon.
Kung hindi, ang aming kawalan ng pansin sa mga panukala sa kaligtasan ay
magiging lubhang mapanganib.” Nang marinig ang mga salitang ito, naging
napakasaya ko. Nadama ko na talagang mas malakas ako kaysa sa dati
nilang pinuno. Habang ipinagmamalaki ko ang aking sarili, hindi ko rin
napigilan na makonsyensya nang kaunti:
Tunay nga bang tama para sa
akin na magsalita nang ganoon? Bakit lagi kong sinasabi na mas mahusay
ang dati kong pinagtatrabahuhan? Ngunit sa kabilang banda, naisip ko:
Anong mali sa pagsasabi nito? Sinusubukan ko lamang na turuan sila kung
paano gumawa ng isang mas mahusay na trabaho. Sa ganitong paraan, hindi
ko sinunod ang pag-uudyok ng Banal na Espiritu upang suriin ang aking
sarili. Sa Biblia, sinasabi ng Aklat ng mga Kawikaan, “Ang kapalaluan ay
nagpapauna sa kapahamakan, at ang mapagmataas na diwa ay sa pagkabuwal”
(Kawikaan 16:18). At habang una-ulo kong sinisisid ang aking trabaho
nang may napakataas na pag-asa, naramdaman ko na, sa aking puso,
nawawala rin ang aking ugnayan sa Diyos. Hindi lamang bigong mahulog sa
dapat kalagyan ang aking trabaho, kundi pati na rin ang pagiging
epektibo ng ating gawaing ebanghelyo na nagmula sa pailanlang tungo sa
pagbulusok. Nahulog ako sa napakasakit na kalagayan, ngunit hindi
sigurado kung ano ang nagawa kong mali. Kaya naman, nagpunta ako sa
harapan ng Diyos sa panalangin upang taimtim na humingi ng patnubay.
Sa
pagkakataong ito, ang mga salita mula sa isang himno ay nagsimulang
tumunog sa aking tainga: “Bilang isang pinuno na naglilingkod sa Diyos,
siya ay kailangang manindigan sa mga prinsipyo. Kahit na hindi mo
maipahayag nang malinaw ang katotohanan, dapat nasa tamang lugar ang
iyong puso. Dapat mong itaas ang Diyos kahit ano pa man at sumaksi sa
Diyos sa abot ng iyong makakaya. Sabihin lamang ang katulad ng mga
nauunawaan mo sa iyong sarili, itaas lamang at sumaksi sa Diyos. Huwag
mong itaas ang iyong sarili at hayaan ang ibang sambahin ka. Anuman ang
ginagawa mo, huwag mong itaas ang iyong sarili at hayaan ang ibang
sambahin ka. Ito ang unang prinsipyo na dapat mong tandaan” (“Tatlong
Prinsipyo na Dapat Tandaan ng mga Pinuno” sa Sundin ang Kordero at
Umawit ng mga Bagong Kanta). Dumaloy ang mga luha sa aking mukha.
Pagsisisi, pagkakasala, at pasasalamat ang sabay-sabay na pumuno sa
aking puso. Naalala ko ang lahat ng sinabi ko sa mga coordinator at
nadama na talagang hindi ako karapat-dapat sa banal na pagsusulong ng
Diyos.
Isinaayos para sa akin ng iglesia ang pagpunta rito upang
magawa kong itaas at magpatotoo sa Diyos, pamunuan ang mga kapatid na
lalaki at kapatid na babae sa harap ng Diyos, at tulungan silang
makilala Siya. Gayunpaman, ako ay walang-kahihiyang nagpasikat, itinaas
ang aking sarili, sumaksi para sa aking sarili, at ipinagmalaki ang
sarili ko. Ginawa ko ito upang tingalain at sambahin ako ng iba. Naging
mapagmataas ako. Sumaksi ako para sa aking sarili at ipinagmalaki ang
sarili ko sa ngalan ng pagmamahal at pagbibigay-lugod sa Diyos. Paano
naging karapat-dapat ang kasuklam-suklam na taong ito upang maglingkod
sa Diyos? Paano pagpapalain ng Diyos ang gawain ng gayong tao? Ang lahat
ng ginagawa ko ay pakikipagkumpitensya sa Diyos para sa mga puso ng
tao. Wala ako kundi isang anticristo. Nakakasagabal ako sa gawain ng
Diyos at kumikilos bilang karibal Niya. Ang ministeryo ko ay puro laban
sa Diyos, at kinamumuhian ito ng Diyos.
At habang lalo kong
naiisip ang tungkol dito, lalo ko lamang kinasuklaman ang sarili ko.
Hindi ko maiwasan na buong-pagsisising magpatirapa ako sa harap ng
Diyos, at dumaing sa Kanya, “O Diyos! Salamat sa Iyong pagkastigo at
paghatol na siyang gumising sa akin, pinahintulutan akong kilalanin ang
aking anticristong kakanyahan at kalikasan na tulad ng sa arkanghel.
Ibinunyag mo rin ang direksyon ng aking ministeryo sa akin, tinutulungan
akong maunawaan na tanging sa pagtaas at pagsaksi ko sa Iyo ay
malulugod Ka na sa akin, pahintulutang maisagawa ang Iyong kalooban, at
maisakatuparan ang misyon na ibinigay mo upang gawin ko. Tanging ang
pagtataas at pagsasaksi sa Iyo ang maluwalhati. Iyan ang tungkulin ko
bilang nilikha para sa Lumikha. O, Diyos! Mula ngayon, panata kong
suriin ang aking puso at mga motibo bago ako magsalita o kumilos,
sadyang pagtataas sa Iyo at pagsasaksi sa Iyo, pamumunuan ang mga
kapatid na lalaki at mga kapatid na babae upang makilala Ka, at aaliwin
ang Iyong puso sa pamamagitan ng pagiging isang tao na nagtataglay ng
katotohanan at pagkatao.”
Mula sa Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni Cristo
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento