Baixue Shenyang City
════════════❀.❋.❀═════════════
✿▄─▄❀▄─▄✿▄─▄❀▄─▄✿▄─▄❀▄─▄✿▄─▄❀▄─▄✿
Dahil sa isang pangangailangan sa trabaho, inilipat ako sa ibang
lugar ng trabaho. Nang panahong iyon, labis akong nagpasalamat sa Diyos.
Pakiramdam ko’y marami pang kulang sa akin, gayunman sa pamamagitan ng
banal na pagsusulong ng Diyos, nabigyan ako ng pagkakataon upang tuparin
ang aking tungkulin sa isang kahanga-hangang lugar ng trabaho. Gumawa
ako ng panata sa Diyos sa aking puso: Gagawin ko ang lahat ng aking
makakaya upang makabayad sa Diyos.
Subalit, nang makarating na
ako, natuklasan ko ang maraming butas sa mga trabahong isinasagawa.
Bilang resulta, pinagpasyahan ko na simulang inspeksyunin ang bawat
bagay sa trabaho. Habang ginagawa ko ang aking mga inspeksyon, iniisip
ko rin sa aking sarili: “Paano nagawa ang anumang trabaho nang ganito?
Wala ni isang trabaho ang napangasiwaan nang maayos! Ang akala ko’y
mahusay ang mga trabahong gawa rito. Ngunit hindi ko kailanman naisip na
masahol pa ito kaysa sa dati kong trabaho. Ngayong narito na ako, dapat
na itong mapamahalaan nang maayos, unti-unti, ayon sa napagkasunduan sa
trabaho. Pangungunahan ko ang lahat ng kapatid na lalaki at kapatid na
babae sa pagpasok sa buhay.” Dahil dito, nakipagkita ako sa mga
coordinator, sinimulan ang pag-oorganisa ng bawat bagay sa trabaho,
pakikipag-usap, pagpaplano, at paggawa ng mga kaayusan.