Aking impresyon: Jesus said, “I and my Father are one.” (Jhn 10:30) The Lord Jesus was the God of the incarnation, the Spirit of God wears a flesh. His appearance is a normal human but His essence is God that is undeniable. Recalling that the Israelites only looked at the appearance of the Lord Jesus at that time and formed notions and imaginations. They even resisted, condemned and denied God because of unknowing the work and lives of incarnation. The mistakes of former is that we should take serious, only we know more about the incarnation can we fearing God! For the truth of incarnation, the word of God fellowships very clearly. I would like to share it to those friends who are seeking truth.
════ ♡♡♡ ════════ ♡♡♡ ════════ ♡♡♡ ════
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“At
nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin
ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na
puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).
“Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay” (Juan 14:6).
“Sinabi sa kaniya ni Jesus, Malaon
nang panahong ako'y inyong kasama, at hindi mo ako nakikilala, Felipe?
ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama; paanong sinasabi mo, Ipakita mo
sa amin ang Ama? Hindi ka baga nananampalataya na ako'y nasa Ama, at
ang Ama ay nasa akin? ang mga salitang aking sinasabi sa inyo'y hindi ko
sinasalita sa aking sarili: kundi ang Ama na tumatahan sa akin ay
gumagawa ng kaniyang mga gawa. Magsisampalataya kayo sa akin na ako'y
nasa Ama, at ang Ama ay nasa akin: o kungdi kaya'y magsisampalataya kayo
sa akin dahil sa mga gawa rin” (Juan 14:9-11).
“Ako at ang Ama ay iisa” (Juan 10:30).
Nauugnay sa mga Salita ng Makapangyarihang Diyos
Ang
kahulugan ng pagkakatawang-tao ay na ang Diyos ay nagpapakita sa
katawang-tao, at Siya'y naparito upang gumawa sa gitna ng mga tao na
Kanyang nilikha sa imahe ng isang katawang-tao. Kaya, para
magkatawang-tao ang Diyos, Siya ay dapat munang maging katawang-tao,
katawan na may karaniwang katauhan; ito, sa pinakamababa, ay dapat
maging totoo. Sa katunayan, ang implikasyon ng pagkakatawang-tao ng
Diyos ay na ang Diyos ay nabubuhay at gumagawa sa katawang-tao, ang
Diyos sa Kanyang tunay na diwa ay nagiging laman, nagiging isang tao.
mula sa “Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang
Kristo na may karaniwang pagkatao ay ang katawang-tao kung saan ang
Espiritu ay naging totoo, nagtataglay ng karaniwang pagkatao, normal na
katinuan, at pag-iisip ng tao. Ang ibig sabihin ng "naging totoo" ay ang
Diyos ay nagiging tao, ang Espiritu ay nagiging laman; upang palinawin
ito, ito'y kapag ang Diyos Mismo ay nananahan sa laman na may karaniwang
pagkatao, at sa pamamagitan nito ay ipinahahayag Niya ang Kanyang banal
na gawain-ito ang ibig sabihin ng maging totoo, o maging katawang-tao.
mula sa “Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang
Diyos na nagkatawang-tao ay tinawag na Cristo, at ang Cristo na kayang
magbigay ng katotohanan sa tao ay tinawag na Diyos. Walang kalabisan
tungkol dito, sapagkat Siya ang may taglay ng sangkap ng Diyos, at may
taglay ng disposisyon ng Diyos, at may katalinuhan sa Kanyang gawain, na
hindi kayang abutin ng tao. Sila na itinuturing ang sarili nila bilang
Cristo, ngunit hindi kayang gawin ang gawain ng Diyos ay mga
mapanlinlang. Si Cristo ay hindi lang ang pagpapakita ng Diyos sa lupa,
ngunit sa halip, ang partikular na katawang-tao na kinuha ng Diyos
habang ginagawa Niya at tinatapos ang Kanyang gawain sa sangkatauhan.
Itong katawang-tao na ito ay hindi kayang palitan ng kahit na sinong tao
lang, kundi ang isang akma na makapagpapasan ng gawain ng Diyos sa
lupa, at ipahayag ang disposisyon ng Diyos, at kayang kumatawan sa
Diyos, at magbigay ng buhay sa tao.
mula
sa “Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng
Daan ng Buhay na Walang Hanggan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa
Katawang-tao
Sapagka't Siya ay isang tao na may diwa ng Diyos,
Siya ay nasa itaas ng sinumang nilikhang tao, sa itaas ng sinumang tao
na kayang gampanan ang gawain ng Diyos. Kaya, sa lahat ng may balat ng
taong kagaya Niya, sa lahat ng nagtataglay ng katauhan, tanging Siya
lamang mismo ang katawang-taong Diyos Mismo-lahat ng iba pa ay mga
nilikhang tao. Kahit lahat sila ay may katauhan, ang mga nilikhang tao
ay walang iba kundi tao, habang ang Diyos na nagkatawang-tao ay naiiba:
Sa Kanyang laman hindi lamang katauhan ang mayroon Siya kundi higit pang
mas mahalaga ay mayroong pagka-Diyos. Ang Kanyang pagkatao ay makikita
sa panlabas na anyo ng Kanyang laman at sa Kanyang pang-araw-araw na
buhay, nguni't ang Kanyang pagka-Diyos ay mahirap matalos. Dahil ang
Kanyang pagka-Diyos ay naipapahayag lamang kapag Siya ay may katauhan,
at hindi bilang higit-sa-karaniwan na naguguni-guni ng tao tungkol dito,
ito ay lubhang mahirap para sa mga tao na makita. … Yamang ang Diyos ay
naging laman, ang Kanyang kakanyahan ay isang kumbinasyon ng pagkatao
at pagka-Diyos. Ang kumbinasyong ito ay tinatawag na Diyos Mismo, ang
Diyos Mismo sa lupa.
mula sa “Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang
Kanyang nagkatawang-taong buhay at gawain ay maaaring hatiin sa
dalawang yugto. Ang una ay ang buhay na Kanyang isinasabuhay bago
gampanan ang Kanyang ministeryo. Namumuhay Siya sa isang ordinaryong
pantaong pamilya, sa lubos na karaniwang katauhan, sumusunod sa
karaniwang mga asal at batas ng buhay ng tao, na may karaniwang mga
pangangailangan ng tao (pagkain, damit, tirahan, tulugan), karaniwang
mga kahinaan ng tao, at karaniwang mga damdamin ng tao. Sa ibang salita,
noong unang yugto Siya ay namumuhay bilang di-banal, ganap na
karaniwang katauhan, sumasangkap sa lahat ng mga karaniwang gawain ng
tao. Ang pangalawang yugto ay ang buhay na Kanyang isinasabuhay matapos
simulang gampanan ang Kanyang ministeryo. Siya ay nananahan pa rin sa
karaniwang katauhan na may isang karaniwang anyo ng tao, hindi
nagpapakita ng panlabas na palatandaan ng higit-sa-karaniwan. Nguni't
Siya ay namumuhay nang dalisay para sa kapakanan ng Kanyang ministeryo,
at sa panahong ito ang Kanyang karaniwang katauhan ay umiiral nang ganap
sa paglilingkod sa normal na gawain ng Kanyang pagka-Diyos; sapagka't
sa panahong iyon ang Kanyang karaniwang katauhan ay gumulang hanggang sa
puntong kaya na Niyang gampanan ang Kanyang ministeryo. Kaya ang
ikalawang yugto ng Kanyang buhay ay upang gampanan ang Kanyang
ministeryo sa Kanyang karaniwang katauhan, ay isang buhay na parehong
karaniwang katauhan at ganap na pagka-Diyos. Ang dahilan na, sa panahon
ng unang yugto ng Kanyang buhay, Siya ay nabubuhay sa ganap na
karaniwang pagkatao ay na ang Kanyang katauhan ay hindi pa katumbas ng
kabuuan ng banal na gawa, ay hindi pa magulang; matapos lamang na ang
Kanyang pagiging tao ay gumulang, magkaroon ng kakayahang pasanin ang
Kanyang ministeryo, maaari Niyang simulang gampanan ang Kanyang
ministeryo. Dahil Siya, bilang katawang-tao, ay kailangang lumago at
gumulang, ang unang yugto ng Kanyang buhay ay karaniwang pagkatao,
samantalang sa pangalawang yugto, dahil ang Kanyang pagkatao ay may
kakayahang isabalikat ang Kanyang gawain at gampanan ang Kanyang
ministeryo, ang buhay na ipinamumuhay ng nagkatawang-taong Diyos sa
panahon ng Kanyang ministeryo ay isa na parehong pagkatao at ganap na
pagka-Diyos. Kung mula sa sandali ng Kanyang kapanganakan ang
nagkatawang-taong Diyos ay nagsimula ng Kanyang ministeryo nang maalab,
gumaganap ng higit-sa-karaniwan na mga tanda at mga himala, kung gayon
Siya ay hindi magkakaroon ng mala-pisikal na kakanyahan. Samakatuwid,
ang Kanyang pagiging tao ay umiiral para sa kapakanan ng Kanyang
mala-pisikal na kakanyahan; hindi magkakaroon ng laman kung walang
katauhan, at ang isang persona na walang katauhan ay hindi isang tao. Sa
ganitong paraan, ang katauhan ng laman ng Diyos ay tunay na
pagmamay-ari ng katawang-taong laman ng Diyos. Ang pagsasabi na "kapag
ang Diyos ay nagiging laman Siya ay ganap na banal, ay hindi talaga
tao," ay isang kalapastangan sa Diyos, dahil ito ay isang imposibleng
makuhang paninindigan, isa na lumalabag sa alituntunin ng
pagkakatawang-tao. Kahit pagkatapos Niyang simulang gampanan ang Kanyang
ministeryo, ang Kanyang pagka-Diyos ay nananahan pa rin sa panlabas na
balat ng tao kapag ginagawa Niya ang Kanyang gawain; ito lamang ay na sa
panahong iyon, ang Kanyang pagkatao ay naglilingkod sa tanging layunin
ng pagpapahintulot sa Kanyang pagka-Diyos na gampanan ang gawain sa
normal na laman. Kaya ang kumakatawan ng gawain ay ang pagka-Diyos na
nananahan sa Kanyang katauhan. Ang Kanyang pagka-Diyos, hindi ang
Kanyang pagkatao, ang nasa gawain, datapwa't ito ay isang pagka-Diyos na
nakatago sa loob ng Kanyang pagkatao; ang Kanyang gawain sa katunayan
ay tinutupad sa pamamagitan ng Kanyang ganap na pagka-Diyos, hindi sa
pamamagitan ng Kanyang pagkatao. Nguni't ang tagaganap ng gawain ay ang
Kanyang katawang-tao. Maaaring sabihin ng isa na Siya ay isang tao at
isa ring Diyos, sapagka't ang Diyos ay nagiging isang Diyos na namumuhay
sa katawang-tao, may balat ng tao at diwa ng tao nguni't mayroon ding
diwa ng Diyos.
mula sa “Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang
buhay na isinabuhay ni Jesus sa lupa ay isang karaniwang buhay ng
katawang-tao. Siya ay namuhay sa karaniwang pagkatao ng Kanyang
katawang-tao. Ang Kanyang awtoridad-na gawin ang gawain ng Diyos at
sambitin ang salita ng Diyos, o pagalingin ang maysakit at magpalayas ng
mga demonyo, para gawin ang ganoong hindi-pangkaraniwang mga bagay-ay
hindi nakita, sa pinakamalaking bahagi, hanggang sa Siya ay nagsimula ng
Kanyang ministeryo. Ang Kanyang buhay bago ang edad na dalawampu't
siyam, bago Niya ginampanan ang Kanyang ministeryo, ay sapat na patunay
na Siya ay isa lamang karaniwang tao. Dahil dito, at dahil hindi pa Siya
nakapagsisimula ng Kanyang ministeryo, ang mga tao ay walang nakitang
banal sa Kanya, walang nakitang higit sa isang normal na tao, isang
karaniwang tao-gaya noong pinaniniwalaan Siya ng ilang mga tao bilang
anak ni Jose. Ang akala ng mga tao ay anak Siya ng ordinaryong tao,
walang ibang paraan para maihayag na Siya ang katawang-taong Diyos;
kahit na noong, sa pagdaan nang pagganap ng Kanyang ministeryo, Siya ay
gumawa ng maraming milagro, karamihan sa mga tao ay nagsabi pa rin na
anak Siya ni Jose, sapagka't Siya ay ang Kristong may panlabas na balat
ng karaniwang pagkatao. Ang Kanyang karaniwang pagkatao at Kanyang
gawain ay parehong umiral upang tuparin ang kahalagahan ng unang
pagkakatawang-tao, na nagpapatunay na ang Diyos ay ganap na naging
laman, naging isang lubos na ordinaryong tao. Na Siya ay nagkaroon ng
karaniwang pagkatao bago Siya nagsimula ng Kanyang gawain ay patunay na
Siya ay isang ordinaryong laman; at ang Kanyang paggawa ay pagpapatunay
na Siya ay isang ordinaryong laman, sapagka't Siya ay gumawa ng mga
tanda at kababalaghan, nagpagaling ng maysakit at nagpalayas ng mga
demonyo sa katawan ng karaniwang tao. Ang dahilan na kaya Niyang gumawa
ng mga milagro ay dahil ang Kanyang katawang-tao ay mayroong awtoridad
ng Diyos, na ang katawang-tao kung saan ang Espiritu ng Diyos ay
binihisan. Siya ay nagtataglay nitong awtoridad dahil sa Espiritu ng
Diyos, at hindi ibig sabihin nito na Siya ay hindi isang katawang-tao.
Ang pagpapagaling sa mga maysakit at pagpapalayas ng mga demonyo ay ang
gawain na kailangan Niyang gampanan sa Kanyang ministeryo, isang
pagpapahayag ng Kanyang pagka-Diyos na nakatago sa Kanyang pagkatao, at
kahit anong palatandaan ang Kanyang ipinakita o paano Niya pinatunayan
ang Kanyang awtoridad, Siya pa rin ay namuhay sa karaniwang pagkatao at
isa pa ring normal na katawang-tao. Hanggang dumating sa puntong Siya ay
muling nabuhay pagkatapos mamatay sa krus, Siya ay nanahan sa isang
normal na katawang-tao. Ang pagkakaloob ng biyaya, pagpapagaling ng
maysakit, at pagpapalayas ng mga demonyo ay bahaging lahat ng Kanyang
ministeryo, lahat ay gawaing ginampanan Niya sa Kanyang karaniwang
katawang-tao. Bago Siya pumunta sa krus, hindi Siya kailanman umalis sa
Kanyang karaniwang katawang-tao, anuman ang Kanyang ginagawa. Siya ay
ang Diyos Mismo, ginagawa ang sariling gawain ng Diyos, datapwa't dahil
Siya ay nagkatawang-taong Diyos, kumain Siya ng pagkain at nagsuot ng
damit, nagkaroon ng karaniwang pangangailangan ng tao, nagkaroon ng
karaniwang katuwiran ng tao at karaniwang pag-iisip ng tao. Ang lahat ng
ito ay patunay na Siya ay isang normal na tao, kung saan pinatunayan na
ang katawang-tao ng Diyos ay isang laman na may karaniwang pagkatao,
hindi isang higit-sa-karaniwan.
mula sa “Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang
pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao ay umiiral para manatili ang
normal na banal na gawain sa katawang-tao; ang Kanyang normal na
pantaong pag-iisip ay sumusuporta sa Kanyang karaniwang pagkatao at sa
lahat ng Kanyang normal na mala-pisikal na gawain. Maaaring sabihin ng
isa na ang Kanyang normal na pag-iisip bilang tao ay umiiral upang
ipagpatuloy ang lahat ng mga gawain ng Diyos sa katawang-tao. Kung itong
katawang-tao ay hindi nagtaglay ng isang normal na isipan ng tao, ang
Diyos ay hindi makakagawa sa katawang-tao, at ang kailangan Niyang gawin
sa katawang-tao ay hindi kailanman magaganap. Kahit ang katawang-taong
Diyos ay nagtataglay ng normal na isipan ng tao, ang Kanyang gawain ay
hindi nahahaluan ng pantaong kaisipan; isinasabalikat Niya ang gawain sa
katauhan na may normal na isipan, sa ilalim ng patiunang-kundisyon na
nagtataglay Siya ng pagkatao na may isipan, hindi sa pamamagitan ng
pagsasagawa ng normal na pag-iísíp ng tao. Gaano man katayog ang mga
kaisipan ng Kanyang katawang-tao, ang Kanyang gawain ay hindi nagdadala
ng tatak ng pangangatwiran o pag-iisip. Sa madaling salita, ang Kanyang
gawain ay hindi binuo ng isipan ng Kanyang katawang-tao, kundi direktang
pagpapahayag ng banal na gawain sa Kanyang pagkatao. Ang lahat ng
Kanyang gawain ay ang ministeryo na kailangan Niyang tuparin, at wala
dito ang anumang inisip ng Kanyang utak. Halimbawa, ang pagpapagaling sa
maysakit, ang pagpapalayas ng mga demonyo, at pagpapapako sa krus ay
hindi mga produkto ng Kanyang pantaong isipan, hindi matatamo ng kahit
sinong tao na may pantaong isipan. Gayundin, ang mapanlupig na gawa
ngayon ay ang ministeryo na dapat magawa ng nagkatawang-taong Diyos,
nguni't hindi ito ang gawain ng kagustuhan ng tao, ito ang gawain na
dapat gawin ng Kanyang pagka-Diyos, gawain na walang kahit sinong tao
ang may kaya. Kaya ang nagkatawang-taong Diyos ay dapat nagtataglay ng
isang karaniwang isipan ng tao, dapat nagtataglay ng karaniwang
pagkatao, dahil dapat Niyang gampanan ang Kanyang gawain sa katauhan na
may normal na isipan. Ito ay ang diwa ng gawain ng Diyos na
nagkatawang-tao, ang pinakadiwa ng Diyos na nagkatawang-tao.
mula sa “Ang Kakanyahan ng Katawang-tao na Pinanahanan ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Inihayag
ng nagkatawang-tao na Anak ng tao ang pagka-Diyos ng Diyos sa
pamamagitan ng Kanyang pagkatao at ipinarating ang kalooban ng Diyos sa
sangkatauhan. At sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kalooban at
disposisyon ng Diyos, Kanya ding ibinunyag sa mga tao ang Diyos na hindi
nakikita o nahihipo sa espirituwal na kaharian. Ang nakita ng mga tao
ay ang Diyos Mismo, nahihipo at may laman at mga buto. Kaya ang
nagkatawang-tao na Anak ng tao ay gumawa ng mga bagay gaya ng sariling
pagkakakilanlan ng Diyos, kalagayan, larawan, disposisyon, at kung anong
mayroon at kung ano Siya na kongkreto at gawing makatao. Bagamat ang
panlabas na kaanyuan ng Anak ng tao ay mayroong ilang mga limitasyon na
may kinalaman sa imahe ng Diyos, ang Kanyang diwa at ang kung ano ang
mayroon at kung ano Siya ay lubos na naisalarawan ang sariling
pagkakakilanlan at kalagayan ng Diyos—mayroon lamang ilang mga
pagkakaiba sa anyo ng pagpapahayag. Hindi alintana kung ito man ay ang
pagkatao ng Anak ng tao o ang Kanyang pagka-Diyos, hindi natin
maitatanggi na kinakatawan Niya ang sariling pagkakakilanlan at
kalagayan ng Diyos. Sa panahong ito, gayunman, gumawa ang Diyos sa
katawang-tao, nagsalita mula sa pananaw ng katawang-tao, at tumayo sa
harapan ng sangkatauhan sa pagkakakilanlan at kalagayan ng Anak ng tao,
at ito ang nagbigay ng pagkakataon sa mga tao na masagupa at maranasan
ang tunay na mga salita at gawain ng Diyos sa gitna ng sangkatauhan. Ito
ay nagtulot din sa mga tao ng kaunawaan sa Kanyang pagka-Diyos at ang
Kanyang kadakilaan sa gitna ng kababaang-loob, gayundin upang magkamit
ng isang paunang pagkaunawa at paunang pakahulugan sa pagiging tunay at
katotohanan ng Diyos.
mula sa “Ang
Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III” sa
Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Bagamat
ang kaanyuan ng Diyos na nagkatawang-tao ay eksaktong kagaya nang sa
tao, natututuhan Niya ang kaalamang pantao at nagsasalita sa wika ng
tao, at minsan ay ipinapahayag pa Niya ang Kanyang mga ideya sa
pamamagitan ng mga pamamaraan at pagpapahayag ng sangkatauhan, ang
paraan kung paano Niya nakikita ang mga tao, ang diwa ng mga bagay, at
kung paaano nakikita ng mga tiwaling tao ang sangkatauhan at ang diwa ng
mga bagay ay lubos na hindi magkapareho. Ang Kanyang pananaw at ang
taas kung saan Siya nakatindig ay isang bagay na hindi matatamo para sa
isang tiwaling tao. Ito ay dahil sa ang Diyos ay katotohanan, ang
katawang-tao na Kanyang isinusuot ay nagtataglay din ng diwa ng Diyos,
at ang Kanyang mga saloobin at yaong inihahayag ng Kanyang pagkatao ay
katotohanan din naman. … Kahit gaano man siya ka-ordinaryo, gaano
ka-normal, gaano man kababa ang uri ng laman ng Diyos na
nagkatawang-tao, o kahit pa gaano kababa ang tingin sa Kanya ng mga tao,
ang Kanyang mga kaisipan at ang Kanyang saloobin tungo sa sangkatauhan
ay mga bagay na hindi matatamo ng sinumang tao, at walang sinumang tao
ang makagagaya. Palagi Niyang babantayan ang sangkatauhan mula sa
pananaw ng isang banal, mula sa taas ng Kanyang katayuan bilang
Maylalang. Palagi Niyang titingnan ang sangkatauhan sa pamamagitan ng
diwa at ng pag-iisip ng Diyos. Tiyak na hindi Niya maaaring tingnan ang
tao mula sa taas ng isang karaniwang tao, at mula sa pananaw ng isang
taong tiwali. Kapag tinitingnan ng mga tao ang sangkatauhan, tumitingin
sila gamit ang pananaw ng tao, at sila ay gumagamit ng mga bagay gaya ng
kaalaman ng tao at mga patakaran ng tao at mga teorya bilang isang
panukat. Ito ay sa loob ng saklaw ng kung ano ang nakikita ng mga tao
gamit ang kanilang mga mata; ito ay sa loob ng saklaw na maaaring matamo
ng mga taong tiwali. Kapag tinitingnan ng Diyos ang sangkatauhan,
tumitingin Siya gamit ang isang banal na pananaw, at ginagamit Niya ang
Kanyang diwa at kung ano ang mayroon at kung ano Siya bilang isang
panukat. Nakabibilang sa saklaw na ito ang mga bagay na hindi nakikita
ng mga tao, at ito ay kung saan ang Diyos na nagkatawang-tao at ang mga
taong tiwali ay ganap na magkaiba. Ang pagkakaiba na ito ay
pinagpapasyahan ng iba't-ibang mga diwa ng tao at ng Diyos, at itong
iba't-ibang mga diwa na ito ang nagpapasya ng kanilang mga
pagkakakilanlan at mga kalagayan gayundin ang pananaw at taas kung paano
nila nakikita ang mga bagay.
mula sa
“Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III”
sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang
laman na sinuot ng Espiritu ng Diyos ay ang sariling laman ng Diyos. Ang
Espiritu ng Diyos ay kataas-taasan; Siya ay makapangyarihan, banal at
matuwid. Gayon din naman, ang Kanyang laman ay kataas-taasan,
makapangyarihan, at matuwid din. Ang laman na tulad nito ay may
kakayanang lamang na gumawa nang matuwid at kapaki-pakinabang sa
sangkatauhan, na kung saan ay banal, maluwalhati, at makapangyarihan, at
walang kakayanang gumawa ng anumang lalabag sa katotohanan o moralidad
at katarungan, mas higit ng anumang bagay na magkakanulo sa Espiritu ng
Diyos.
mula sa “Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang
nagkatawang-taong Diyos ay tinatawag na Cristo, at si Cristo ay ang
katawang-tao na isinuot ng Espiritu ng Diyos. Ang laman na ito ay hindi
katulad ng kahit sinong taong galing sa laman. Ang pagkakaibang ito ay
dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo kundi Siya ang
pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay may kapwa normal na pagkatao at
ganap na pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi taglay ng kahit
sinong tao. Ang Kanyang normal na pagkatao ang Siyang umaalalay sa lahat
ng Kanyang karaniwang mga gawain sa katawang-tao, habang ang Kanyang
pagka-Diyos ang nagsasakatuparan ng gawain ng Diyos Mismo. Maging ang
Kanyang pagkatao o pagka-Diyos, kapwa itong nagpapasakop sa kalooban ng
Amang nasa langit. Ang sangkap ni Cristo ay ang Espiritu, iyon ay, ang
pagka-Diyos. Samakatuwid, ang Kanyang sangkap ay yaong sa Diyos Mismo;
ang sangkap na ito ay hindi gagambala sa Kanyang sariling gawain, at
hindi Siya posibleng makagawa ng anumang bagay na nakasisira sa Kanyang
sariling gawain, ni hindi rin Siya bibigkas ng anumang bagay na
sumasalungat sa Kanyang kalooban. Samakatuwid, ang nagkatawang-taong
Diyos ay siguradong hindi kailanman gagawa ng kahit anong gawain na
nakagagambala sa Kanyang sariling pamamahala. Ito ang dapat maintindihan
ng lahat ng tao. Ang kakanyahan ng gawain ng Banal na Espiritu ay upang
iligtas ang tao at ito ay para sa kapakanan ng sariling pamamahala ng
Diyos. Gayundin, ang gawain ni Cristo ay upang iligtas ang tao at ito ay
alang-alang sa kalooban ng Diyos. Sapagkat ang Diyos ay
nagkatawang-tao, Kanyang napapaging-tunay ang Kanyang sangkap sa loob ng
Kanyang laman, sa gayon ang Kanyang katawang-tao ay sapat upang isagawa
ang Kanyang gawain. Samakatuwid, lahat ng gawain ng Espiritu ng Diyos
ay pinapalitan ng gawain ni Cristo sa loob ng panahon ng Kanyang
pagkakatawang-tao, at ang kaibuturan ng buong gawain sa buong panahon ng
pagkakatawang-tao ay ang gawain ni Cristo. Ito ay hindi maaaring
maihalo sa gawain mula sa kahit anong ibang kapanahunan. At mula nang
nagkatawang-tao ang Diyos, Siya ay gumagawa sa pagkakakilanlan ng
Kanyang katawang-tao; yamang Siya ay nagkatawang-tao, tinatapos din Niya
sa katawang-tao ang gawain na dapat Niyang gawin. Maging ito man ay ang
Espiritu ng Diyos o ito man ay si Cristo, Sila ay kapwa Diyos Mismo, at
ginagawa Niya ang gawain na dapat Niyang gawin at ginagampanan ang
ministeryong dapat Niyang gampanan.
Ang sangkap ng Diyos mismo ay
humahawak ng awtoridad, subali’t Siya ay may kakayahang lubusang
magpasakop sa awtoridad na nagmumula sa Kanya. Maging ito man ay gawain
ng Espiritu o gawain ng katawang-tao, ang isa ay hindi sumasalungat sa
isa. Ang Espiritu ng Diyos ay ang awtoridad sa buong sangnilikha. Ang
katawang-taong may sangkap ng Diyos ay nagtataglay din ng awtoridad,
subali’t ang Diyos sa katawang-tao ay may kakayahang gawin ang lahat ng
gawain na sumusunod sa kalooban ng Amang nasa langit. Ito ay hindi
maaaring makamtan o maisipan ng kahit sinong tao. Ang Diyos Mismo ay
awtoridad, subali’t ang Kanyang katawang-tao ay maaaring magpasakop sa
Kanyang awtoridad. Ito ang panloob na kahulugan ng mga salitang: “Si
Cristo ay tumatalima sa kalooban ng Diyos Ama.” Ang Diyos ay Espiritu at
may kakayahang gawin ang gawain ng pagliligtas, tulad ng kakayahang
maging tao ng Diyos. Kunsabagay, ang Diyos Mismo ang gumagawa ng Kanyang
sariling gawain; hindi siya gumagambala o nakikialam, lalong hindi
nagsasakatuparan ng gawaing magkasalungat, sa kadahilanang ang sangkap
ng gawaing ginawa ng Espiritu at ng katawang-tao ay magkatulad. Maging
ito man ay ang Espiritu o ang katawang-tao, magkatulad silang gumagawa
upang matupad ang iisang kalooban at upang pamahalaan ang magkatulad na
gawain. Bagaman ang Espiritu at ang katawang-tao ay may dalawang
magkaibang katangian, ang Kanilang mga sangkap ay magkatulad; kapwa
silang may sangkap ng Diyos Mismo, at ng pagkakakilanlan ng Diyos Mismo.
Ang Diyos Mismo ay walang mga elemento ng paglabag; ang Kanyang sangkap
ay mabuti. Siya ang pagpapahayag ng lahat ng kagandahan at kabutihan,
gayundin ng lahat ng pag-ibig. Kahit nasa katawang-tao, ang Diyos ay
hindi gumagawa ng anuman na lumalabag sa Diyos Ama. Kahit na sa paggugol
ng pagsasakripisyo ng Kanyang buhay, Siya ay buong-pusong pumapayag at
walang ibang pinipili. Ang Diyos ay walang mga elemento ng
pansariling-pagkamatuwid at pansariling-pagpapahalaga, o kahit na
kahambugan at kapalaluan; Siya ay walang elemento ng pagkabaluktot.
Lahat ng lumalabag sa Diyos ay nanggagaling kay Satanas; si Satanas ang
pinagmumulan ng lahat ng kapangitan at kasamaan. Ang dahilan kung bakit
ang tao ay may mga katangian na katulad ng kay Satanas ay dahil sa ang
tao ay ginawang tiwali at kinikilusan ni Satanas. Si Cristo ay hindi
nagawang tiwali ni Satanas, kaya Siya ay mayroon lamang mga katangian ng
Diyos at wala niyaong kay Satanas. Kahit gaano kahirap ang gawain o
kahina ang laman, ang Diyos, habang Siya ay nabubuhay sa katawang-tao,
ay hindi kailanman gagawa ng anumang bagay na gumagambala sa gawain ng
Diyos Mismo, lalo na ang pagpapabaya sa kalooban ng Diyos Ama nang dahil
sa paglabag. Mas pipiliin pa Niyang magdusa ng mga sakit ng laman kaysa
salungatin ang kalooban ng Diyos Ama; ito ay kagaya ng sinabi ni Jesus
sa panalangin; “Ama, kung iyong mamarapatin, hayaan mong ang kopang ito
ay lumagpas sa Akin; gayunpaman, hindi ang Aking kalooban, kundi ang
Iyong kalooban.” Ang tao ay pipili, subalit si Cristo ay hindi. Bagaman
Siya ay may pagkakakilanlan ng Diyos Mismo, hinahanap pa rin Niya ang
kalooban ng Diyos Ama, at tinutupad kung ano ang ipinagkakatiwala sa
Kanya ng Diyos Ama, mula sa pananaw ng laman. Ito ay isang bagay na
hindi kayang abutin ng tao. Yaong mga nagmumula kay Satanas ay hindi
magkakaroon ng sangkap mula sa Diyos, kundi tanging yaong lumalabag at
lumalaban sa Diyos. Ito ay walang kakayahang lubos na tumalima sa Diyos,
lalo na ang buong-loob na sumunod sa kalooban ng Diyos. Lahat ng taong
wala kay Cristo ay kayang gawin yaong lumalaban sa Diyos, at wala ni
isang tuwirang makagagawa ng gawaing ipinagkatiwala ng Diyos; walang
kahit isa ang may kakayahang ipalagay ang pamamahala ng Diyos bilang
kanilang sariling tungkulin na dapat gampanan. Ang pagpapasakop sa
kalooban ng Diyos Ama ay ang sangkap ni Cristo; ang pagsuway laban sa
Diyos ay ang katangian ni Satanas. Ang dalawang katangiang ito ay hindi
magkabagay, at kung sino man ang may mga katangian ni Satanas ay hindi
matatawag na Cristo. Ang dahilan kung bakit ang tao ay walang kakayahang
gawin ang gawain ng Diyos sa halip Niya ay dahil sa ang tao ay wala
kahit isang sangkap ng Diyos. Ang tao ay gumagawa para sa Diyos para sa
kaniyang pansariling kapakanan at ng kanyang mga inaasam-asam sa
hinaharap, subalit si Cristo ay gumagawa upang isakatuparan ang kalooban
ng Diyos Ama.
Ang pagkatao ni Cristo ay pinamamahalaan ng Kanyang
pagka-Diyos. Bagaman Siya ay nasa katawang-tao, ang Kanyang pagkatao ay
hindi lubusang katulad ng sa taong may laman. Siya ay may sariling
natatanging karakter, at ito rin ay pinamamahalaan ng Kanyang
pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay walang kahinaan; ang kahinaan ni
Cristo ay tumutukoy sa Kanyang pagkatao. Sa isang tiyak na antas, ang
kahinaang ito ay pumipigil sa Kanyang pagka-Diyos, subali’t ang gayong
mga hangganan ay nakapaloob sa isang tiyak na sakop at panahon, at hindi
walang-hangganan. Pagdating naman sa panahon ng pagtupad ng gawain ng
Kanyang pagka-Diyos, ito ay ginagawa nang hindi alintana ang Kanyang
pagkatao. Ang pagkatao ni Cristo ay ganap na tuwirang pinamamahalaan ng
Kanyang pagka-Diyos. Bukod sa karaniwang buhay ng Kanyang pagkatao,
lahat ng iba pang pagkilos ng Kanyang pagkatao ay iniimpluwensyahan,
naaapektuhan at pinapatnubayan ng Kanyang pagka-Diyos. Bagaman si Cristo
ay may pagkatao, ito ay hindi nakakagambala sa gawain ng Kanyang
pagka-Diyos. Ito ay tiyak na dahil sa ang pagkatao ni Cristo ay
pinapatnubayan ng Kanyang pagka-Diyos; bagaman ang Kanyang pagkatao ay
hindi angkop sa Kanyang kilos tungo sa iba, ito ay hindi nakakaapekto sa
mga karaniwang gawain ng Kanyang pagka-Diyos. Kapag sinabi ko na ang
Kanyang pagkatao ay hindi nagawang tiwali, ang ibig kong sabihin ay ang
pagkatao ni Cristo ay maaaring tuwirang mapangunahan ng Kanyang
pagka-Diyos, at Siya ay may mas mataas pang pandama kaysa roon sa
karaniwang tao. Ang Kanyang pagkatao ay pinaka-nababagay sa pagiging
pinangungunahan ng pagka-Diyos sa Kanyang gawain; ang Kanyang pagkatao
ay pinaka-may-kakayahang magpahayag ng gawain ng pagka-Diyos, at pati na
rin pinaka-may-kakayahang magpasakop sa ganoong gawain. At dahil ang
Diyos ay gumagawa sa katawang-tao, Siya ay hindi nawawalan ng pagtanaw
sa tungkulin na dapat ginagampanan ng taong nasa laman; Siya ay may
kakayahang sambahin ang Diyos sa langit na may totoong puso. Siya ay may
sangkap ng Diyos, at ang Kanyang pagkakakilanlan ay sa Diyos Mismo. Ito
lamang ay sa dahilang Siya ay bumaba rito sa lupa at naging isang
nilikhang may buhay, na may panlabas na balat ng isang nilikhang may
buhay, at ngayon ay nagtaglay ng pagkatao na wala sa Kanya noong una;
Siya ay may kakayahang sambahin ang Diyos sa langit. Ito ang kabuuan ng
Diyos Mismo at hindi mapaparisan ng tao. Ang Kanyang pagkakakilanlan ay
Diyos Mismo. Ito ay mula sa pananaw ng katawang-tao na sumasamba Siya sa
Diyos; samakatuwid, ang mga salitang “Si Cristo ay sumasamba sa Diyos
sa langit” ay hindi isang kamalian. Ang Kanyang hinihingi sa tao ay ang
Kanyang talagang sariling kabuuan; Kanya nang naabot ang lahat Niyang
hinihingi sa tao bago pa man ang paghingi Niya nang ganoon sa kanila.
Kailanman ay hindi Siya gagawa ng mga paghingi mula sa iba samantalang
Siya mismo ay hindi ito kayang ibigay, dahil ito ang nakapaloob sa
Kanyang kabuuan. Kahit na paano Niya isinasakatuparan ang Kanyang
gawain, hindi Siya kikilos sa paraan na lumalabag sa Diyos. Kahit ano pa
man ang Kanyang hinihingi sa tao, walang hinihingi na sosobra doon sa
kayang abutin ng tao. Ang lahat ng Kanyang ginagawa ay ang
pagsasakatuparan ng kalooban ng Diyos at para sa kapakanan ng Kanyang
pamamahala. Ang pagka-Diyos ni Cristo ay nasa ibabaw ng lahat ng tao,
samakatuwid Siya ang pinakamataas na awtoridad ng lahat ng nilalang na
may buhay. Ang awtoridad na ito ay ang Kanyang pagka-Diyos, iyon ay, ang
disposisyon at kabuuan ng Diyos Mismo, na nakakaalam ng Kanyang
pagkakakilanlan. Samakatuwid, kahit na gaano kakaraniwan ang Kanyang
pagkatao, hindi maitatanggi na mayroon Siyang pagkakakilanlan ng Diyos
Mismo; kahit mula sa anumang pananaw Siya nagsasalita at sa kahit
anumang paraan Siya tumatalima sa kalooban ng Diyos, hindi maaaring
sabihing Siya ay hindi ang Diyos Mismo. Ang mga hunghang at
walang-muwang na tao ay malimit na nagtuturing sa normal na pagkatao ni
Cristo na isang kamalian. Kahit sa anong paraan niya ipinahahayag at
ibinubunyag ang kabuuan ng pagka-Diyos, ang tao ay walang kakayahang
kilalanin na Siya ay si Cristo. At habang higit na ipinakikita ni Cristo
ang Kanyang pagtalima at kababaang-loob, gayundin kagaan ang
pagtuturing ng mga hunghang na tao kay Cristo. Mayroon pang iba na
nilalayuan Siya at hinahamak, nguni’t inilalagay yaong mga “dakilang
tao” na may palalong mga imahe sa hapag upang masamba. Ang paglaban ng
tao at pagsuway sa Diyos ay nagmumula sa katunayang ang sangkap ng Diyos
na nagkatawang-tao ay nagpapasakop sa kalooban ng Diyos, gayundin ay
nagmumula sa normal na pagkatao ni Cristo; dito nakalatag ang
pinagmumulan ng paglaban ng tao at pagsuway sa Diyos. Kung si Cristo ay
ni walang anyo ng Kanyang pagkatao o hindi hinanap ang kalooban ng Diyos
Ama mula sa pananaw ng isang nilikhang may buhay, sa halip ay nagtaglay
ng isang pambihirang pagkatao, kung gayon maaaring walang paglabag sa
kahit sino mang tao. Ang dahilan kung bakit ang tao ay palaging maluwag
sa kalooban ang maniwala sa isang hindi nakikitang Diyos sa langit ay
sapagka’t ang Diyos sa langit ay walang pagkatao at wala Siyang kahit
isang katangian ng isang nilikhang may buhay. Kaya ang tao ay palaging
isinasaalang-alang Siya nang may pinakadakilang pagpapahalaga, subali’t
may pagtuturing ng paghamak tungo kay Cristo.
Bagaman si Cristo sa
kalupaan ay may kakayahang gumawa sa ngalan ng Diyos Mismo, Siya ay
hindi dumarating na may hangaring ipakita sa lahat ng tao ang Kanyang
larawan sa katawang-tao. Hindi Siya dumarating upang makita Siya ng
lahat ng tao; Siya ay dumarating upang pahintulutan ang tao na maakay ng
Kanyang kamay, nang sa gayon ay papasok sa bagong kapanahunan. Ang
katungkulan ng katawang-tao ni Cristo ay para sa gawain ng Diyos Mismo,
para sa gawain ng Diyos sa katawang-tao, at hindi upang bigyang
kakayahan ang tao na lubusang maunawaan ang sangkap ng Kanyang laman.
Kahit na sa anong paraan Siya gumagawa, hindi ito sumusobra sa kung
hanggang saan ang kayang makamit ng katawang-tao. Kahit na sa anong
paraan Siya gumagawa, ginagawa Niya ito sa katawang-tao na may normal na
pagkatao, at hindi lubos na ibinubunyag sa tao ang totoong mukha ng
Diyos. Bilang karagdagan, ang Kanyang gawain sa katawang-tao ay hindi
kailanman lampas sa kaya ng tao o di-kayang matantiya katulad ng iniisip
ng tao. Kahit na si Cristo ang kumakatawan sa Diyos Mismo sa
katawang-tao at personal na isinasakatuparan ang gawain na dapat gawin
ng Diyos Mismo, hindi Niya itinatanggi ang pag-iral ng Diyos sa langit,
ni mainit na ipinahahayag ang Kanyang mga sariling gawa. Sa halip, Siya
ay mapagkumbabang nananatiling nakatago sa loob ng Kanyang katawang-tao.
Bukod kay Cristo, silang mga may kabulaanang nag-aangking sila ay si
Cristo ay wala ng mga katangian Niya. Kapag ikinumpara laban sa mga
mapagmataas at mapagmapuring disposisyon niyaong mga huwad na Cristo,
nagiging mas malinaw kung ano ang klase ng katawang-tao ng tunay na
Cristo. Mas huwad sila, mas lalong ipinagyayabang ng gayong mga huwad na
Cristo ang kanilang mga sarili, at mas may kakayahan silang gumawa ng
mga palatandaan at mga kagila-gilalas na mga bagay upang linlangin ang
tao. Ang mga huwad na Cristo ay walang mga katangian ng Diyos; si Cristo
ay hindi nabahiran ng kahit anong katangiang mayroon ang mga huwad na
Cristo. Ang Diyos ay nagkatawang-tao lamang upang tapusin ang mga gawain
ng katawang-tao, hindi lamang upang pahintulutan ang lahat ng tao na
makita Siya. Sa halip, hinahayaan Niya na ang Kanyang gawa ang
magkumpirma ng Kanyang pagkakakilanlan, at pinahihintulutan kung ano ang
Kanyang ihahayag upang patunayan ang Kanyang sangkap. Ang Kanyang
sangkap ay hindi walang-basehan; ang Kanyang pagkakakilanlan ay hindi
inagaw ng Kanyang kamay; ito ay nalalaman sa pamamagitan ng Kanyang gawa
at ng Kanyang sangkap. Bagaman Siya ay may sangkap ng Diyos Mismo at
may kakayahang gawin ang gawain ng Diyos Mismo, Siya pa rin, pagkatapos
ng lahat, ay katawang-taong hindi gaya ng Espiritu. Siya ay hindi Diyos
na may mga katangian ng Espiritu; Siya ay Diyos na may balat ng
katawang-tao. Samakatuwid, kahit na gaano kakaraniwan at gaano Siya
kahina, at kahit sa anong paraan Niya hinahanap ang kalooban ng Diyos
Ama, ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi maitatanggi. Sa nagkatawang-taong
Diyos ay umiiral hindi lamang ang normal na pagkatao at ang mga kahinaan
nito; lalo pang umiiral ang pagiging kahanga-hanga at pagiging
hindi-matarok ng Kanyang pagka-Diyos, pati na ang lahat ng Kanyang mga
gawa sa katawang-tao. Samakatuwid, ang pagkatao at pagka-Diyos ay
parehong tunay at praktikal ba umiiral sa loob ni Cristo. Ito sa
pinakamababa ay hindi hungkag o higit sa kaya ng tao. Siya ay dumating
sa kalupaan na may pangunahing layunin na pagsasakatuparan ng gawain;
kailangang magtaglay ng isang normal na pagkatao upang isakatuparan ang
gawain sa kalupaan; kung hindi, kahit gaano kadakila ang kapangyarihan
ng Kanyang pagka-Diyos, ang orihinal na katungkulan nito ay hindi
maaaring mailagak sa tamang paggagamitan. Bagaman ang Kanyang pagkatao
ay napakahalaga, ito ay hindi Kanyang sangkap. Ang Kanyang sangkap ay
ang pagka-Diyos; samakatuwid, sa sandali na nagsisimula na Siyang
ganapin ang kanyang ministeryo sa kalupaan ay ang sandali na nagsisimula
rin Siyang ipahayag ang kabuuan ng Kanyang pagka-Diyos. Ang Kanyang
pagkatao ay para lamang mapanatili ang karaniwang buhay ng Kanyang
katawang-tao upang maisakatuparan ng Kanyang pagka-Diyos ang gawain
bilang karaniwang nasa katawang-tao; ang pagka-Diyos ang nagpapatnubay
sa kabuuan ng Kanyang gawain. Kapag matatapos na Niya ang kanyang
gawain, matutupad na rin ang Kanyang ministeryo. Ang dapat malaman ng
tao ay ang kabuuan ng Kanyang gawain, at ito ay sa pamamagitan ng
Kanyang gawain kaya nabibigyan Niya ng kakayahan ang tao na kilalanin
Siya. Sa buong takbo ng Kanyang gawain, lubusan Niyang ipinahahayag ang
kabuuan ng Kanyang pagka-Diyos, na hindi isang disposisyong nabahiran ng
pagkatao, o isang kabuuan na nabahiran ng kaisipan at kilos ng tao.
Kapag dumating na ang oras na ang lahat ng Kanyang ministeryo ay
nakarating na sa katapusan, maaaring ganap at buo na Niyang naihayag ang
disposisyon na kailangan Niyang ipahayag. Ang kanyang gawain ay hindi
iniutos ng sinumang tao; ang pagpapahayag ng Kanyang disposisyon ay
malaya rin, hindi kontrolado ng isipan o pinadaraan sa pag-iisip, bagkus
ay likas na ibinubunyag. Ito ay hindi maaaring makamit ng kahit sinong
tao. Kahit na ang nakapalibot ay malupit o ang mga kalagayan ay hindi
akma, Siya ay may kakayahang ipahayag ang Kanyang disposisyon sa tamang
oras. Ang isang Cristo ay nagpapahayag ng kabuuan ni Cristo, samantala
silang mga hindi ay walang disposisyon ni Cristo. Samakatuwid, kung ang
lahat ay lalaban sa Kanya o may mga haka-haka tungkol sa Kanya, walang
makatatanggi batay sa mga paniwala ng tao na ang disposisyong ipinahayag
ni Cristo ay yaong sa Diyos. Silang lahat na mga humahabol kay Cristo
na may totoong pusoo hinahangad na mahanap ang Diyos ay aamin na Siya ay
si Cristo batay sa pagpapahayag ng Kanyang pagka-Diyos. Hinding-hindi
nila itatanggi si Cristo batay sa kahit anong aspeto Niya na hindi
umaayon sa mga haka-haka ng tao. Bagaman ang tao ay napakahangal, lahat
ay alam talaga kung ano ang kalooban ng tao at kung ano ang nagmumula sa
Diyos. Ito lamang ay sa dahilang maraming tao ang tikis na nilalabanan
si Cristo dahil sa kanilang sariling mga hangarin. Kung hindi dahil
dito, walang kahit isang tao ang may dahilan na itanggi ang pag-iral ni
Cristo, dahil sa ang pagka-Diyos na ipinahayag ni Cristo ay totoong
umiiral, at ang Kanyang gawa ay maaaring masaksihan ng hubad na mata ng
lahat.
Ang gawa at pagpapahayag ni Cristo ang nagpapakita sa
Kanyang sangkap. Siya ay may kakayahang kumpletuhin nang may totoong
puso yaong naipagkatiwala sa Kanya. Siya ay may kakayahang sambahin ang
Diyos sa langit na may totoong puso, at taglay ang totoong puso ay
hinahanap ang kalooban ng Diyos Ama. Ito ay nalalamang lahat sa
pamamagitan ng Kanyang sangkap. At gayundin ang Kanyang likas na
pagbubunyag ay nalalaman sa pamamagitan ng Kanyang sangkap; ang dahilan
na ang Kanyang likas na pagbubunyag ay tinatawag na ganyan ay sapagka't
ang kanyang pagpapahayag ay hindi gaya-gaya o bunga ng pag-aaral ng tao,
o resulta ng maraming taong paglilinang ng tao. Hindi Niya ito
natutunan o pinalamutihan ang Kanyang sarili nito; bagkus ito ay likas
sa Kanyang kaloob-looban. Maaaring itanggi ng tao ang Kanyang gawain,
Kanyang pagpapahayag, Kanyang pagkatao, at ang buong buhay ng Kanyang
normal na pagkatao, subali't walang makakatanggi na sinasamba Niya ang
Diyos sa langit na may totoong puso; walang makakatanggi na dumating
Siya upang tuparin ang kalooban ng Ama na nasa langit, at walang
makakapagtanggi sa katapatan kung paano Niya hinahanap ang Diyos Ama.
Bagaman ang kanyang imahe ay hindi kalugod-lugod sa mga pandama, ang
Kanyang pagsasalita ay hindi nagtataglay ng di-pangkaraniwang paggawi,
at ang Kanyang gawa ay hindi nakadudurog ng daigdig o nakayayanig sa
kalangitan na tulad ng naguguni-guni ng tao, Siya talaga ay si Cristo,
na siyang nagsasakatuparan sa kalooban ng Diyos Ama na may totoong puso,
ganap na nagpapasakop sa Amang nasa langit, at masunurin hanggang
kamatayan. Ito ay dahil sa ang Kanyang sangkap ay ang sangkap ni Cristo.
Ang katotohanang ito ay mahirap paniwalaan ng tao subali't ito ay tunay
na umiiral. Sa panahong ang ministeryo ni Cristo ay ganap nang
naisakatuparan, makikita na ng tao mula sa Kanyang gawa, na ang Kanyang
disposisyon at Kanyang kabuuan ay kumakatawan sa disposisyon at kabuuan
ng Diyos sa langit. Sa panahong yaon, ang kalahatan ng Kanyang gawa ay
makapagpapatunay na Siya ay talagang ang katawang tao na kung saan ang
Salita ay nagkakatotoo, at hindi katulad niyaong laman at dugong tao.
mula sa “IAng Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Siya
ay gumagawa nang maingat na pagsisikap para sa atin, nawawalan ng tulog
at gana para sa atin, umiiyak para sa atin, naghihinagpis para sa atin,
dumadaing sa sakit para sa atin, nakararanas ng pagpapahiya para sa
kapakanan ng ating hantungan at kaligtasan, at ang Kanyang puso ay
dumudugo at lumuluha dahil sa ating pagiging manhid at pagkasuwail. Ang
ganoong pagkatao at Kanyang mga pag-aari ay higit pa sa karaniwang tao,
at hindi kailanman makakamit o matatamo ng sinumang ginawang tiwali.
Siya ay may pagpaparaya at pagtitiis na hindi nakamit ng karaniwang tao,
at ang Kanyang pagmamahal ay hindi taglay ng kahit na sinumang
nilikhang tao. Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring makaalam sa
lahat ng ating iniisip, o maunawaan ang ating kalikasan at diwa, o
hatulan ang pagiging mapaghimagsik at katiwalian ng sangkatauhan, o
kausapin tayo at gumawa sa ating kalagitnaan sa ngalan ng Diyos ng
langit. Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring magkamit ng
awtoridad, karunungan at karangalan ng Diyos; ang disposisyon ng Diyos
at kung anong mayroon at kung ano ang Diyos ay bumubukal, sa kabuuan,
mula sa Kanya. Walang sinuman maliban sa Kanya ang may kakayanang
ipakita sa atin ang daan at magbigay ng kaliwanagan. Walang sinuman
maliban sa Kanya ang kayang ibunyag ang mga hiwaga na hindi ipinaaalam
ng Diyos sa mga nilikha hanggang ngayon. Walang sinuman maliban sa Kanya
ang may kakayanang tayo ay iligtas mula sa pang-aalipin ni Satanas at
ng ang ating tiwaling disposisyon. Kinakatawan Niya ang Diyos, at
inihahayag ang tinig ng puso ng Diyos, ang mga pangaral ng Diyos, at ang
mga salita ng paghatol ng Diyos sa buong sangkatauhan. Siya ay
nagsimula ng bagong panahon, at nagdala ng bagong langit at lupa, bagong
gawain, at Siya ay nagdala ng bagong pag-asa, at tinapos ang ating
buhay sa kalabuan, at tayo ay hinayaang lubos na matanaw ang daan ng
kaligtasan. Kanyang nilupig ang ating buong pagkatao, at nakamit ang
ating mga puso. Mula sa sandaling iyon, ang ating mga isipan ay
nagkamalay, at ang ating mga espiritu ay tila napanumbalik: Ang
karaniwan at hamak na taong ito, na namumuhay kasama natin at matagal na
nating tinanggihan-hindi ba't Siya ang Panginoong Jesus, na laging nasa
ating mga isipan, at ating inaasam sa gabi at araw? Ito ay Siya! Ito ay
talagang Siya! Siya ang ating Diyos! Siya ang katotohanan, ang daan, at
ang buhay!
mula sa “Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Anuman
ang edad o lugar kung saan nagkatawang-tao ang Diyos, nananatili pa
ring hindi nagbabago ang mga prinsipyo ng Kanyang gawain sa laman. Hindi
siya maaaring maging laman pero lampasan ang laman upang gumawa; saka,
hindi Siya maaaring maging laman pero hindi gumawa sa karaniwang
pagkatao ng laman. Kung hindi, mapapawi ang kabuluhan ng
pagkakatawang-tao ng Diyos, at magiging ganap na walang kahulugan ang
Salita na naging laman. Dagdag pa rito, tanging ang Ama sa langit (ang
Espiritu) ang nakakaalam ng pagkakatawang-tao ng Diyos, at walang iba,
hindi kahit ang laman Mismo o ang mga sugo ng langit. Dahil dito, mas
normal ang gawain ng Diyos sa laman at mas makakapagpakita na sa
katunayan ang Salita ay naging laman; ang ibig sabihin ng laman ay
ordinaryo at normal na tao.
mula sa “Ang Hiwaga ng pagkakatawang-tao (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa
Katawang-tao
Ang
katawang ito na tao at Diyos din, ay isang tao na nagmamay-ari ng
normal na pagkatao at Diyos din na nagmamay-ari ng buong pagka-Diyos. At
sa gayon, kahit na ang katawang ito ay hindi ang Espiritu ng Diyos, at
lubos na naiiba sa Espiritu, ito pa rin ang nagkatawang-taong Diyos
Mismo na nagliligtas sa tao, na ang Espiritu at ang katawang-tao rin.
Kahit na ano ang tawag sa Kanya, sa huli ito pa rin ang Diyos Mismo na
nagliligtas ng sangkatauhan. Sapagka't ang Espiritu ng Diyos ay hindi
mapaghihiwalay mula sa katawan, at ang gawain ng katawan ay ang gawain
din ng Espiritu ng Diyos; ito lamang ay dahil ang gawaing ito ay hindi
ginawa gamit ang pagkakakilanlan ng Espiritu, ngunit ito ay natapos
gamit ang pagkakakilanlan ng katawan.
mula
sa “Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan
ng Diyos na Naging Katawang-tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa
Katawang-tao
Ano ang sakop sa pagpapahayag ng Espiritu? Minsan ang
praktikal na Diyos ay gumagawa sa sangkatauhan, at kung minsan sa
pagka-Diyos—ngunit sa kabuuan, namamahala ang Espiritu sa parehong
pagkakataon. … Ang Siya Mismong praktikal na Diyos na binabanggit ngayon
ay gumagawa sa parehong sangkatauhan at sa pagka-Diyos. Sa pamamagitan
ng pagpapakita ng praktikal na Diyos, ang Kanyang karaniwang gawaing
pantao at buhay at ang Kanyang ganap na banal na gawa ay nakamit. Ang
Kanyang pagkatao at pagka-Diyos ay pinag-isa, at ang parehong gawa ay[a]
naipatupad gamit ang mga salita; ito man ay sa sangkatauhan o
pagka-Diyos, binibigkas Niya ang mga salita. Kapag ang Diyos ay gumagawa
sa sangkatauhan, Siya ay nagsasalita sa wika ng sangkatauhan, upang
magawang magsalamuha at magkaunawaan ang mga tao. Ang Kanyang mga salita
ay binigkas nang malinaw, at madaling maunawaan, upang sila ay
maibahagi sa lahat ng tao; hindi alintana kung ang mga taong ito ay
nagtataglay ng kaalaman, o mababa ang pinag-aralan, silang lahat ay
maaring tumanggap ng mga salita ng Diyos. Ang gawa ng Diyos sa
pagka-Diyos ay ipinapatupad gamit ang mga salita, ngunit ito ay puno ng
probisyon, puno ng buhay, walang-bahid ng mga ideya ng tao, hindi ito
kinabibilangan ng mga pagnanais ng tao, at ito ay walang limitasyong
pantao, ito ay sa labas ng hangganan ng anumang normal na pagkatao; ito,
din, ay ipinapatupad nang aktwal, ngunit ito ay ang direktang pahayag
ng Espiritu. … Ang pagpapakita ng Diyos sa katawang-tao ay
nangangahulugang lahat ng gawa at mga salita ng Espiritu ng Diyos ay
isinasagawa sa pamamagitan ng Kanyang normal na pagkatao, at gamit ang
Kanyang muling binuhay na katawang-tao. Sa ibang salita, ang Espiritu ng
Diyos ay parehong gumagabay sa Kanyang gawang katawang-tao at
ipinapatupad ang gawa ng pagka-Diyos na nasa katawang-tao, at sa
pagkakatawang-tao ng Diyos iyong makikita ang parehong gawa ng Diyos sa
sangkatauhan at ang ganap na banal na gawa; ito ay ang tunay na
kahalagahan ng pagpapakita ng praktikal na Diyos sa katawang-tao. Kung
nakikita mo ito nang malinaw, maaari mong makonekta ang lahat ng
iba't-ibang bahagi ng Diyos, at titigil sa pagpapahalaga sa Kanyang gawa
ng gawang pagka-Diyos, at maging sobrang mapanghusga sa Kanyang gawain
ng katawang-tao, at hindi ka tutungo sa sukdulan, o kahit na ano mang
paglihis. Sa pangkalahatan, ang kahulugan ng praktikal na Diyos ay ang
gawa ng Kanyang pagkatao at ng Kanyang pagka-Diyos, ayon sa pagdirekta
ng Espiritu, bilang ipinahayag gamit ang Kanyang katawang-tao, kaya't
maaaring makita ng mga tao na Siya ay buhay na buhay at makatotohanan,
at tunay at aktwal.
mula sa “Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan:Ang Ebanghelyo ng Kaharian ng Langit
Mga Talababa:
a. Ang orihinal na teksto ay nagsasabing “at ang dalawa ay.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento