Zhou Li Xintai City, Shandong Province
Ilang panahong nakalipas, kinailangan naming balangkasin ang mga distrito sa loob ng aming lugar, at batay sa aming mga prinsipyo para sa pagpili ng mga pinuno, may isang kapatid na lalaki ang medyo nababagay na kandidato. Pinaghandaan kong i-angat siya bilang pinuno ng distrito. Isang araw habang kausap ko ang kapatid na ito, nabanggit niya na pakiramdam niya’y dominante ako sa aking trabaho, masyadong malakas, at ang isang pagtitipon na kasama ako ay hindi gaanong masaya…. Nang marinig ko ito, pakiramdam ko’y minaliit ako. Labis na sumama ang loob ko; nakabuo kaagad ako ng isang partikular na opinyon sa kapatid na ito, at hindi na binalak pang i-angat siya bilang pinuno ng distrito.
Sa
pagbalik ko sa pamilyang tinutuluyan ko, nanggagalaiti pa rin ako at
hindi ko magawang kumalma. Sa oras na iyon, naisip ko ang isang bagay
mula sa “Ang Walang-Ingat na mga Pinuno na Hindi Ginagampanan nang Tama
ang Kanilang Trabaho ay Dapat Paalisin” sa pagbabahagi ng lalaki: “Kung
paano pakitunguhan ng mga pinuno ang mga kapatid na sa tingin nila ay
mahirap kasamahin, na kumokontra sa kanila, na ganap na naiiba ang
pinanghahawakang mga pananaw kaysa sa kanila—ito ay isang
napakaseryosong isyu at dapat pangasiwaan nang may pag-iingat. Kung
hindi sila pumasok sa katotohanan, tiyak na itatangi nila at kakalabanin
ang taong ito kapag kinaharap ang ganitong uri ng isyu. Ang ganitong
uri ng pagkilos ay tiyak na inilalantad ang likas na katangian ng
malaking pulang dragon na nilalabanan at pinagtataksilan ang Diyos. Kung
ang pinuno ay isang taong nagtataguyod ng katotohanan, na nagtataglay
ng konsiyensiya, at katinuan, hahanapin nila ang katotohanan at
tatanganan ito nang tama. … Bilang mga tao, kailangan natin maging
makatarungan at patas. Bilang mga pinuno, dapat nating pangasiwaan ang
mga bagay ayon sa mga salita ng Diyos upang maging saksi. Kung gagawin
natin ang mga bagay ayon sa ating sariling kalooban, binibigyan ng
malayang kapangyarihan ang ating sariling tiwaling disposisyon, kung
gayon iyon ay magiging isang kakila-kilabot na kabiguan.” Hindi ko
mapigilan kundi ihambing ang aking tila dalawang magkaibang mga saloobin
mula sa bago ako makipag-usap at pagkatapos ko makipag-usap sa kapatid
na lalaking iyon. Noong una’y nakahanda ako na i-angat siya bilang
pinuno ng distrito, ngunit may nasabi siyang ilang mga bagay na naging
sanhi ng pagkapahiya ko noong kausap ko siya, kaya agad kong binago ang
opinyon ko tungkol sa kanya at hindi na binalak pang gawin ang
pag-promote na iyon. Hindi ba ito pagsasamantala sa aking kapangyarihan
upang personal na makapaghiganti? Ano ang pagkakaiba sa pagitan nito sa
pagtatangi at pananakit ng malaking pulang dragon laban sa mga taong
sumasalungat? Hindi ba kasuklam-suklam ang uri ng pagkilos na ito? Ang
iglesia ay hindi katulad ng lipunan. Kailangan ng iglesia na ang bawat
antas ng mga pinuno nito ay yaong mga taong may pagkatao, may pagmamahal
sa katotohanan, at kayang tanggapin ang katotohanan. Hindi nito
kailangan ang mga taong mga sumisipsip, na hindi kinikilala ang
katotohanan. Ngunit ang ginagawa ko ay lubhang salungat sa kalooban ng
Diyos. Habang pumipili ng isang kandidato inisip ko lamang ang aking
sariling interes at sa sandaling ang taong iyon ay hindi sumuporta sa
akin, kapag nagsabi siya ng isang bagay na hindi kanais-nais sa akin,
pinakitunguhan ko nang masama at nagalit ako sa kanya. Hindi ba ang
ikinikilos kong ito ay tiyak na ibinubunyag ang kalikasan ng malaking
pulang dragon na lumalaban at pinagtataksilan ang Diyos? Hindi ba ito
tiyak na paglalantad ng disposisyon ni Satanas, “Magpasakop sa akin o
malipol”? Hindi ba ang pagkilos sa ganitong paraan ay pagiging isang
lingkod ni Satanas, nakakasagabal sa gawain ng Diyos at pagiging kaaway
Niya? Hindi ba napakasama ng aking puso? Ang iglesia ay malapit nang
pumili ng tao para sa isang posisyon, at ang kapatid na lalaking iyon ay
nababagay na kandidato para maging pinuno ng distrito. Ang kanyang
pagtatasa sa akin ay hindi kanais-nais sa akin; marapat sana’y hinanap
ko ang katotohanan sa bagay na ito at tinanggap ang kanyang opinyon.
Marapat sana’y siniyasat ko ang aking sarili at kinilala ang aking
sarili, at bumawi sa mga kakulangan sa aking trabaho. Ngunit, hindi
lamang hindi ko hinanap ang dahilan sa aking sarili, kundi binigyan ko
pa ng kalayaan ang kalikasan ni Satanas sa akin upang siya’y
pakitunguhan nang masama at maghiganti sa kanya. Masyado akong
mapagmataas, lubhang kulang sa pagkatao! Ang disposisyon kong ito ay
talagang kasuklam-suklam sa Diyos! Kung ipinagpatuloy ko ang pagbibigay
ng kalayaan sa ganitong uri ng tiwaling kalikasan, kalaunan ako’y
masisira bilang isang mapagmataas na lingkod ng kasamaan na bulag sa
Diyos. Tunay nga akong nasa panganib. Sa oras na iyon hindi ko mapigilan
kundi ang manginig sa aking mga saloobin at mga aksyon, nakikita ang
sarili kong puno ng lason ng malaking pulang dragon, na yaong nakalantad
ay ang lahat ng pagkapoot laban sa Diyos. Tunay na kinamumuhian ito ng
Diyos, at naiinis dito.
O Diyos, salamat sa Iyong mabilis na
pagliliwanag, sa pagpigil sa ugali kong nagpapakita ng pagtatangi, sa
pagpapahintulot sa akin upang mas makita nang maayos ang aking sariling
masamang kalikasan at ang aking mukha ni Satanas na kumikilos bilang
Iyong kaaway. Mula sa araw na ito, nais kong ipagpatuloy ang pagbabago
ng disposisyon, at kapag nakatagpo ako ng mga tao o mga bagay na hindi
kanais-nais sa akin, matututuhan kong isantabi ang aking sarili,
talikuran ang laman, at sa lahat ng bagay ay pangalagaan ang mga interes
ng iglesia, at gawin sa abot ng aking makakaya na tuparin ang aking mga
tungkulin.
Mula sa Mga Patotoo ng Karanasan sa Paghatol ni Cristo
ღ.•*¨*•.¸¸ღ.•*¨*•.¸¸ღ .•*¨*•.¸¸ ღ.•*¨*•.¸¸ღ.•*¨*•.¸¸ღ.•*¨*•.¸¸ღ.•*¨*•.¸¸❥
Rekomendasyon:
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App
Mga Aklat
Isang-click na pag-download sa mga pinakabagong pagbigkas ni Cristo ng
mga huling araw, karanasan at pagpapatotoo ng mga mananagumpay, at iba
pang mga libro.
Hinahayaan kang makinig sa mga pagbigkas ng Manlilikha, at ibinabahagi
ang pagpapatotoo ng mga napiling tao ng Diyos na nakakaranas ng paghatol
sa harapan ng trono ni Cristo.
Maginhawang function sa pagkuha ng sipi upang madali mong mairekord ang
natutunan mo anumang oras.
Mga Video
Kasama sa seksyon ng video ang mga ebanghelyong pelikula, mga kanta ng
choir, mga resitasyon at pagbabasa ng mga salita ng Diyos, mga himno,
mga musikang video at iba pang mga video, dinadala ka para dumalo sa
masaganang piging ng Kapanahunan ng Kaharian.
Panoorin itong mga hindi mapapabulaanan na mga kuwento ng mga lider mula
sa iba’t-ibang sekta na nilulupig ng mga salita ng Diyos at tamasahin
itong kahanga-hangang mga video ng mga piniling tao ng Diyos na
kumakanta at sumasayaw sa papuri sa Kanya. Nawa ito’y maging isang
magandang saliw sa buong araw mo!
★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★*☆*゚:。:*★
✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈•✼
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento