Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na langit. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na langit. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Agosto 12, 2019

Makapapasok ba Tayo sa Kaharian ng Langit Ngayong ang Ating mga Kasalanan ay Pinatawad na?



He Jun, Sichuan

Linggo Agosto 5, 2018. Makulimlim.
Pagkatapos ng pulong sa araw na ito, dumating ang isang kapatid na lalaki na naghahanap sa akin, ang kanyang mukha ay puno ng pangamba. Sinabi niya na hinihiling ng Diyos na magpakabanal ang mga tao, ngunit madalas siyang nagkakasala nang hindi sinasadya, at kung palagi siyang mabubuhay sa kasalanan ng ganito, kung gayon makapapasok ba siya sa kaharain ng langit pagdating ng Panginoon? Sinabi ko sa kanya na ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus at na inako Niya Mismo ang lahat ng ating mga kasalanan, tinumbasan ng Kanyang buhay. Sinabi ko na ang ating mga kasalanan ay ipinatawad dahil sa ating pananampalataya sa Panginoong Jesus, at na hindi na tayo itinuturing ng Panginoon bilang mga makasalanan, at na hangga’t maisusuko natin ang lahat at gugulin ang ating mga sarili, magtrabaho nang husto para sa Panginoon, at magtiis hanggang sa wakas, kung gayon tayo ay aakyat sa kaharian ng langit sa pagbabalik ng Panginoon. Pagkatapos marinig ng kapatid na sinabi ko ang ganito, tumingin siya na parang hindi niya nakuha ang gusto niyang sagot, at umalis siya na tila nabigo. Habang tinitingnan ko siyang papalayo, nakadama ako ng napakahirap unawain na mga emosyon. Sa totoo lang, hindi ba magkaprehas ang mga pangamba namin ng kapatid? Iniisip kung paanong naniwala ako sa Diyos sa maraming taon ngunit madalas na nakagapos sa kasalanan, at nabubuhay sa isang kalagayan kung saan nagkakasala ako sa araw at nagkukumpisal sa gabi, hindi ko rin ginustong manatiling nabubuhay sa paraang iyon. Ngunit wala talaga akong kakayahang mapagtagumpayan ang kasalanan, kaya madalas akong manalangin sa Panginoon, at pinatibay ang aking pagbabasa ng mga kasulatan. At gayunma’y hindi ko kailanman nalutas ang suliranin ng aking mga kasalanan. Ang Panginoon ay banal, kaya pararangalan ba Niya ang isang tao na kagaya ko, na puno ng kasalanan?

Lunes, Hulyo 29, 2019

Paano ba talaga dapat lapitan at gamitin ng isang tao ang Biblia sa isang paraang naaayon sa kalooban ng Diyos? Ano ang orihinal na halaga ng Biblia?


Paano ba talaga dapat lapitan at gamitin ng isang tao ang Biblia sa isang paraang naaayon sa kalooban ng Diyos? Ano ang orihinal na halaga ng Biblia?


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ngayon, pinag-aaralan Ko ang Biblia sa ganitong paraan at hindi ito nangangahulugan na ikinasusuklaman ko ito, o itinatanggi ang halaga nito para sa sanggunian. Ipinapaliwanag Ko ang mga likas na halaga at mga pinagmulan ng Biblia sa inyo upang ihinto ninyo ang pananatilisa kadiliman. Dahil ang mga tao ay may maraming pananaw tungkol sa Biblia, at karamihan sa kanila ay mali; ang pagbasa ng Biblia sa paraang ito ay hindi lamang humahadlang sa kanila mula sa pagkakaroon nang kung ano ang nararapat, ngunit, mas mahalaga, pinipigilan nito ang gawain na Aking nilalayong gawin. Ito ay isang napakalaking istorbo para sa mga gawain sa hinaharap, at nagbibigay lamang ng mga balakid, hindi kapakinabangan. Kaya, ang tinuturo ko sainyo ay ang simpleng diwa lamang at ang nasa loob ng kuwento ng Biblia.

Martes, Hunyo 4, 2019

Mga Pelikula tungko l sa Pang-uusig sa Relihiyon | Kung Walang Kabanalan Walang Taong Makakapasok sa Kaharian ng Diyos



Mga Pelikula tungkol sa Pang-uusig sa Relihiyon | "Kung Walang Kabanalan Walang Taong Makakapasok sa Kaharian ng Diyos"


Kapag ang mga kasalanan nating mga mananampalataya sa Panginoon ay pinatawad, makakamit ba natin ang paglilinis? Kung hindi tayo nagsisikap para sa paglilinis, at binibigyang pansin lang ang paggugol sa sarili para sa Panginoon at masigasig na paggawa ng gawain ng Panginoon, madadala ba tayo sa kaharian ng langit? Ang pelikulang ito ng Paggising Mula sa Panaginip, ang magbibigay sa ‘yo ng lahat ng kasagutan!

Linggo, Marso 17, 2019

Tagalog praise and worship Songs| "Awit Ng Kaharian (I) Nakababa na ang Kaharian sa Mundo"


Tagalog praise and worship Songs| "Awit Ng Kaharian (I) Nakababa na ang Kaharian sa Mundo"


I
Kaharian ng Diyos dumating sa lupa;
persona ng Diyos puno't mayaman.
Sinong titigil at 'di magsasaya?
Sinong tatayo at 'di sasayaw?
O Zion, itaas ang bandila ng tagumpay
upang magdiwang para sa Diyos.
Awitin ang iyong awit ng tagumpay
upang ipalaganap ang Kanyang ngalang banal sa buong mundo.
'Di mabilang na tao pumupuri sa Diyos
at tinataas ngalan N'ya.
Tinitingnan nila mga gawa N'ya.
Ngayon kaharian N'ya'y dumating sa lupa.

Huwebes, Setyembre 6, 2018

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ikadalawampung Pagbigkas

   buhay, langit, kaharian, espiritu, biyaya
    Hindi masukat at hindi maarok ang kayamanan ng Aking sambahayan, gayunma’y hindi kailanman lumapit sa Akin ang tao upang tamasahin ang mga iyon. Wala siyang kakayahang tamasahin ang mga iyon sa kanyang sarili, ni protektahan ang sarili niya gamit ang sarili niyang mga pagsisikap; sa halip, palagi niyang nailalagay sa iba ang kanyang pagtitiwala.

Sabado, Setyembre 1, 2018

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ikadalawampu’t-dalawang Pagbigkas

kapalaran, langit, buhay, Cristo, Diyos,


    Namumuhay ang tao sa gitna ng liwanag, ngunit hindi niya batid ang kahalagahan ng liwanag. Siya ay ignorante sa substansya ng liwanag, at sa pinagmumulan ng liwanag, at, higit pa rito, kung sino ang nagmamay-ari nito. Nang ipinagkaloob Ko ang liwanag sa tao, Aking agarang sinusuri ang mga kondisyon sa gitna ng tao: Dahil sa liwanag, nagbabago ang lahat ng tao, at dumarami, at nakaalis sa kadiliman. Tinitingnan Ko ang bawat kanto ng sansinukob, at nakikita na ang mga bundok ay binabalot sa hamog, na ang tubig ay nagyeyelo sa gitna ng lamig, at iyon, ay dahil sa pagdating ng liwanag, tumitingin ang mga tao sa Silangan upang makadiskubre pa sila nang mas makahulugan—ngunit, ang mga tao ay nananatiling hindi maka-unawa ng malinaw na direksyon sa gitna ng maninipis na ulap. Dahil ang buong mundo ay nalulukuban ng hamog, kapag Ako ay tumitingin sa gitna ng mga ulap, ang Aking pag-iral ay hindi kailanman natutuklasan ng tao; naghahanap ang tao sa daigdig ng isang bagay, mukha siyang nangangalap, tila ninanais niya, na maghintay sa Aking pagdating—ngunit hindi niya alam ang Aking araw, at maaari lamang madalas tumingin sa kislap ng liwanag sa Silangan. Sa lahat ng sangkatauhan, hinahanap Ko ang mga tunay na nagnanais ng Aking sariling puso. Lumalakad Ako kasama ng lahat ng tao, at naninirahan sa lahat ng tao, ngunit ang tao ay ligtas at matiwasay sa lupa, at kaya’t walang tunay na nagnanais sa Aking puso. Hindi alam ng mga tao kung paano magmalasakit sa Aking nais, hindi nila nakikita ang Aking mga pagkilos, at hindi sila makihalubilo sa liwanag at mailawan ng liwanag. Kahit na palaging pinapahalagahan ng tao ang Aking mga salita, siya ay walang kakayahang mabatid ang panglilinlang ni Satanas; dahil ang tayog ng tao ay masyadong maliit, hindi niya kayang gawin kung ano ang nais ng kanyang puso. Hindi Ako kailanman tunay na minahal ng tao. Kapag itinataas Ko siya, pakiramdam niya ay hindi siya karapat-dapat, ngunit hindi nito nagawa na subukin niyang pasayahin Ako. Basta hinahawakan lang niya ang katayuan na Aking ibinigay sa kanyang mga kamay at sinusuri ito; walang pakiramdam sa Aking pagkamasuyuin, sa halip nagpupumilit siyang nagpapakabundat sa kanyang sarili sa mga pagpapala ng kanyang katayuan. Ito ba ay hindi kakulangan ng tao? Kapag gumalaw ang mga bundok, maaari bang umiwas ang mga ito para sa kapakanan ng iyong katayuan? Kapag umagos ang tubig, maaari bang huminto ang mga ito sa harap ng iyong katayuan? Mababaligtad ba ang langit at lupa ng iyong katayuan? Ako ay minsang naging maawain sa tao, paulit-ulit—ngunit walang sinumang nagmamahal o nagpapahalaga rito, pinakinggan lang nila ito bilang isang kuwento, o binasa ito bilang isang nobela. Ang Aking bang mga salita ay hindi talaga nakakaantig sa puso ng tao? Ang Aking bang mga binibigkas ay tunay na walang epekto? Maaari bang walang sinuman ang naniniwala sa Aking pag-iral? Hindi mahal ng tao ang kanyang sarili; sa halip, siya ay nakikiisa kay Satanas upang lumaban sa Akin, at ginagamit si Satanas bilang isang “kapakinabangan” upang paglingkuran Ako. Ako ay susuong sa lahat ng mga mapanlinlang na balak ni Satanas, at pipigilan ang mga tao sa lupa na tanggapin ang panlilinlang ni Satanas, upang hindi sila manlaban sa Akin dahil sa pag-iral ni Satanas.

Lunes, Agosto 13, 2018

Kristianong video | Tanging ang Diyos na Nagkatawang-tao ang Makagagawa ng Gawain ng Paghatol sa mga Huling Araw

✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️




Ang Kidlat ng Silanganan ay nagpapatotoo na ang Diyos ay nagkatawang-tao sa mga huling araw upang gawin Niya mismo ang gawain ng paghatol. Gayunman ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan ay isinagawa sa pamamagitan ng paggamit kay Moises. Kung gayon hindi ba maaaring gawin ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw sa gayunding paraan, sa pamamagitan ng paggamit ng mga tao? Bakit kailangang magkatawang-tao ang Diyos at gawin Niya ito mismo? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang gawain ng paghatol ay sariling gawa ng Diyos, kaya kailangang likas na magawa ito ng Diyos Mismo; hindi ito maaaring gawin ng taong Kanyang kahalili. Sapagkat ang paghatol ay ang panlulupig sa tao sa pamamagitan ng katotohanan, hindi mapag-aalinlanganan na nagpapakita pa rin ang Diyos sa nagkatawang-taong imahe upang gawin ang gawaing ito sa mga tao"(Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).


══════════════ ♡♡♡ ════════════

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos

    Ang gawain ng mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano sa pamamahala ng Diyos, sapagka’t ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay nakárátíng na. Dinadala ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan, tungo sa kapanahunan ng Diyos Mismo. Subali’t, hanggang sa pagdating ng kapanahunan ng Diyos Mismo, ang gawaing gagawin ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao o magtanong tungkol sa buhay ng tao, kundi upang hatulan ang kanyang paghihimagsik, sapagka’t dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa harap ng Kanyang luklukan. Lahat ng mga nakásúnód sa mga yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsilapit sa harap ng luklukan ng Diyos, at yamang ganito, ang bawat isang tao na tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng pagdadalisay ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng paghatol ng Diyos.

Sabado, Agosto 11, 2018

Ang mga Mananampalataya sa Diyos ay Dapat Maghanda Para sa Kanilang Patutunguhan na may Sapat na Mabubuting Gawa

.•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸
Katapatan, patotoo, kaligtasan, langit, sakunaNauugnay na mga Salita ng Diyos:

    Ang Aking awa ay nahahayag sa mga nagmamahal sa Akin at nagtatakwil ng kanilang mga sarili. At ang kaparusahang sumapit sa masama ay tiyak na patunay ng Aking matuwid na disposisyon at, higit pa, patotoo sa Aking poot. Kapag dumarating ang sakuna, taggutom at salot ang sasapitin ng lahat niyaong sumasalungat sa Akin at sila ay tatangis. Silang nakagawa na ng lahat ng paraan ng kasamaan, subali’t nakasunod sa Akin ng maraming taon, ay hindi makakatakas sa pagsasakdal; sila man, nahuhulog sa sakuna, na ang katulad ay bihirang makita sa lahat ng panahon, ay darating sa pamumuhay sa palagiang katayuan ng sindak at takot. At yaon lamang Aking mga tagasunod na nakapagpakita ng katapatan sa Akin ang magagalak at magpupuri sa Aking kapangyarihan. Mararanasan nila ang di-mailarawang kapanatagan at mabubuhay sa isang kagalakan na kailanman ay hindi Ko pa naipagkaloob sa sangkatauhan. Dahil itinuturing Kong kayamanan ang mabubuting gawa ng mga tao at kinasusuklaman ang kanilang masasamang gawa. …

Miyerkules, Agosto 8, 2018

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI

Langit, Biblia, Jesus, kaligtasan, kapalaran,


Ang Kabanalan ng Diyos (III)

    Ano’ng pakiramdam ninyo matapos ninyong dasalin ang inyong mga panalangin? (Tuwang-tuwa at naantig.) Simulan natin ang ating pagsasamahan. Anong paksa ng ating pagsasamahan noong nakaraan? (Ang kabanalan ng Diyos.) At aling aspeto ng Diyos Mismo ang nauukol sa kabanalan ng Diyos? Ito ba ay ukol sa kakanyahan ng Diyos? (Oo.) Kaya ano ang eksaktong paksa na nauukol sa kakanyahan ng Diyos? Ito ba’y ang kabanalan ng Diyos? (Oo.) Ang kabanalan ng Diyos: ito ang natatanging kakanyahan ng Diyos. Ano ang pangunahing tema na ating pinagsamahan noong nakaraan? (Pagkilala sa kasamaan ni Satanas.) At ano ang pagsasamahan natin noong nakaraan tungkol sa kasamaan ni Satanas? Naaalaala ba ninyo? (Kung paano pinasama ni Satanas ang sangkatauhan. Ginagamit nito ang kaalaman, siyensiya, tradisyunal na kultura, pamahiin, at panlipunang uso upang pasamain tayo.) Tama, ito ang pangunahing paksa na tinalakay natin nang nakaraan. Ginagamit ni Satanas ang kaalaman, siyensiya, pamahiin, tradisyunal na kultura, at panlipunang uso upang pasamain ang tao; ang mga ito ang mga paraan na kung saan ginagawang masama ni Satanas ang tao. Ilan lahat ang mga paraang ito? (Lima.) Alin-aling limang mga paraan? (Siyensiya, kaalaman, trasdisyunal na kultura, pamahiin, at panlipunang uso.) Alin sa palagay ninyo ang mas pinaka-ginagamit ni Satanas upang pasamain ang tao, ang bagay na mas malalim na ginagawa silang masama? (Tradisyunal na kultura.) May ilang mga kapatid na nag-iisip na ito ay tradisyunal na kultura. May iba pa? (Kaalaman.) Tila kayo ay may mataas na antas ng kaalaman. Mayroon pang iba? (Kaalaman.) Pareho kayo ng pananaw. Ang mga kapatid na nagsabing tradisyunal na kultura, maaari n’yo bang sabihin sa amin kung bakit ganito ang naisip ninyo? Mayroon ba kayong pagkaunawa nito? Hindi n’yo ba nais na ipaliwanag ang inyong pagkaunawa? (Ang mga pilosopiya ni Satanas at ang mga doktrina nina Confucius at Mencius ay malalim na nakatanim sa aming mga isip, kaya pakiramdam naming labis na ginagawa kaming masama ng mga ito.) Kayo na nag-iisip na ito ay ang kaalaman, maaari n’yo bang ipaliwanag kung bakit? Sabihin ang inyong mga dahilan. (Hindi tayo kailanman pahihintulutan ng kaalaman na sambahin ang Diyos. Itinatanggi nito ang pag-iral ng Diyos, at itinatanggi ang pamamahala ng Diyos. Iyon ay, ang kaalaman ay nagsasabi sa atin na mag-aral mula sa batang edad, at tanging sa pag-aaral at pagtamo ng kaalaman lamang natin matitiyak ang ating kinabukasan at tadhana. Sa ganitong paraan, ginagawa tayong masama nito.) Kaya ginagamit ni Satanas ang kaalaman upang kontrolin ang iyong kinabukasan at tadhana, samakatuwid ikaw ay pinangungunahan nito sa paghila nito sa iyong ilong; Ito ang iyong iniisip kung paano labis na ginagawang masama ni Satanas ang tao. Kaya karamihan sa inyo ay iniisip na ginagamit ni Satanas ang kaalaman upang pasamain ang tao nang mas malaliman. Mayroon pa bang iba? Ano ang tungkol sa siyensiya o panlipunang uso, halimbawa? Mayroon bang sinumang sumasang-ayon sa mga ito? (Oo.) Ngayon, ibabahagi kong muli ang tungkol sa limang mga paraan na kung saan ginagawang masama ni Satanas ang tao at, kapag ako ay natapos na, tatanungin ko kayo ng ilang mga katanungan upang makita nang eksakto sa aling aspeto labis na ginagawang masama ni Satanas ang tao. Naiintindihan ninyo ang paksang ito, hindi ba?

Miyerkules, Agosto 1, 2018

Bakit Tinatawag ang Diyos sa Iba’t-ibang Pangalan sa Iba’t-ibang Kapanahunan?

════ ♡♡♡ ════════ ♡♡♡ ════
Jesus, kaligtasan, Espiritu, langit, Jehovah
 ★⋰ * ⋱★⋰ *⋱★⋰*⋱★⋰ * ⋱★⋰ *★⋰ * ⋱★⋰ *⋱★⋰*⋱★⋰ * ⋱★


Nauugnay sa mga Salita ng Makapangyarihang Diyos

    Sa bawat kapanahunan, gumagawa ang Diyos ng bagong gawain at tinatawag ng bagong pangalan; paano Siya makakagawa ng parehong gawain sa iba’t ibang kapanahunan? Paano Siya makakakapit sa luma? Ang pangalan ni Jesus ay kinuha para sa kapakanan ng gawain ng pagtubos, kaya tatawagin pa rin ba Siya sa parehong pangalan kapag bumalik Siya sa mga huling araw? Gagawin pa rin ba Niya ang gawain ng pagtubos? Bakit si Jehova at si Jesus ay iisa, gayunman tinatawag Sila sa magkaibang mga pangalan sa magkaibang mga kapanahunan? Hindi ba sa dahilang ang mga kapanahunan ng Kanilang gawain ay magkaiba? Maaari bang kumatawan ang iisang pangalan sa Diyos sa Kanyang kabuuan? Kung kaya nga, dapat tawagin ang Diyos sa ibang pangalan sa ibang kapanahunan, at dapat gamitin ang pangalan para baguhin ang kapanahunan at katawanin ang kapanahunan. Dahil walang isang pangalan ang maaaring ganap na kumatawan sa Diyos Mismo, at bawat pangalan ay maaari lamang kumatawan sa makalupang aspeto ng disposisyon ng Diyos sa ibinigay na kapanahunan; ang tanging kailangang gawin nito ay kumatawan sa Kanyang gawain. Kung gayon, maaaring pumili ang Diyos ng kahit anong pangalan na bumabagay sa Kanyang disposisyon upang kumatawan sa buong kapanahunan.

Linggo, Hulyo 29, 2018

Tagalog Christian Movie | "Ang Sandali ng Pagbabago" (Buong pelikula)


✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️

Si Su Mingyue ay isang mangangaral sa isang bahay-iglesia sa mainland China. Sa paglipas ng mga taon, naging tapat na lingkod siya ng Panginoon na nagpipilit mangaral para sa Panginoon at magpasan ng pasanin ng gawain para sa iglesia. Sumusunod siya sa salita ni Pablo sa Biblia, dama na sapat na ang manalig sa Panginoon para matawag na matuwid at maligtas sa pamamagitan ng biyaya. Kahit patuloy pa ring nagkakasala ang tao, napatawad na ng Panginoon ang kanyang mga kasalanan, agad babaguhin ang kanyang imahe para maging banal at iaangat siya sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon. Gayunman, sa nagdaang mga taon, lubhang naging mapanglaw ang iglesia, naging negatibo at mahina ang lahat ng nananalig, nanlamig ang kanilang pananampalataya at pagmamahal. Ang ilang mga katrabaho ay sumusunod sa salita ng Panginoon: "Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit." Pinagdududahan nila ang paniwala na "Pagdating ng Panginoon, agad Niyang babaguhin ang imahe ng tao at iaangat siya sa kaharian ng langit." Nadarama nila na dahil patuloy pa rin tayong nagkakasala, hindi pa rin natin natatamo ang kabanalan at sinusuway natin ang kalooban ng Diyos, tayo maiaangat sa kaharian ng langit pagdating ng Panginoon? Matapos makipag-usap at makipagtalo, nadarama ni Su Mingyue na, may ilang kontradiksyon sa pagitan ng salita ng Panginoon at ng ideya ni Pablo na agad babaguhin ang imahe ng tao pagdating ng Panginoon. Aling ideya ba naman ang tama? Problemado at nalilito ang puso ni Su Mingyue. Para makakita ng isang iglesia na may gawain ng Banal na Espiritu upang lutasin ang kanyang praktikal na pagkalito, para hindi siya pabayaan ng Panginoon, nagpasiya si Su Mingyue na pag-aralan ang Kidlat ng Silanganan. Sa pakikipagtalo at pakikipag-usap sa mga mangangaral ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, sa huli ay naunawaan ni Su Mingyue at ng iba ang tanging landas papasok sa kaharian ng langit ……

Lunes, Hulyo 2, 2018

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa

✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•
katotohanan, Buhay, Langit, kaligtasan, Landas



    Batay sa mga kilos at gawa ng inyong buhay, lahat kayo ay kailangan ang araw-araw na pagdaloy ng mga salita upang tustusan at muling punan kayo, dahil kayo ay masyadong nagkukulang, at ang inyong kaalaman at kakayahan upang makatanggap ay masyadong kakaunti. Sa inyong araw-araw na pamumuhay, nakatira kayo sa isang kapaligiran at kaligiran na walang katotohanan  o mabuting katinuan. Kulang kayo sa puhunan para sa pag-iral at hindi nagkaroon ng batayan na makilala Ako o ang katotohanan. Ang inyong pananampalataya ay itinayo lamang sa isang di-malinaw na pagtitiwala o sa mga ritwal ng relihiyon at kaalamang lubos na batay sa doktrina. Araw-araw Kong minamasdan ang inyong mga pagkilos at sinusuri ang inyong mga intensyon at masamang bunga. Hindi Ako kailanman nakatagpo ni isa na totoong inilagay ang kanyang puso at espiritu sa Aking altar, na hindi kailanman nalipat. Samakatuwid, hindi Ko nais na ibuhos nang walang kabuluhan ang lahat ng salita na nais Kong ihayag sa sangkatauhan. Sa Aking puso, Ako ay nagpaplano lamang na kumpletuhin ang Aking hindi natapos na gawain at dalhin ang kaligtasan sa sangkatauhan na ililigtas Ko pa lang. Gayon pa man, nais Ko para sa lahat ng sumunod sa Akin na makatanggap ng Aking kaligtasan at ang katotohanan ng Aking salita na ipinagkaloob sa tao. Umaasa Ako na isang araw, kapag isinara mo ang iyong mga mata, makikita mo ang isang lupain kung saan ang samyo ay pupuno sa hangin at ang mga balon ng buhay na tubig ay dadaloy, hindi isang walang sigla, malamig na mundo kung saan ang kadiliman ay binabalot ang kalangitan at ang mga alulong ay hindi kailanman magwawakas.

Linggo, Hunyo 24, 2018

Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus | Ang Ikaapat na Pagbigkas


╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮╭✿╮
 
Kristiyanong Pelikula, awa ng Diyos, langit, buhay, Espiritu

    Dapat magbalik-tanaw sa nakaraan ang lahat ng Aking mga tao na naglilingkod sa Aking harapan: Nadungisan ba ng karumihan ang inyong pag-ibig para sa Akin? Dalisay ba at taos-puso ang inyong katapatan sa Akin? Tunay ba ang inyong kaalaman tungkol sa Akin? Gaano ba kalaki ang lugar na Aking hawak sa loob ng inyong mga puso? Napunan Ko ba ang kanilang kabuuan? Gaano ba ang natupad ng Aking mga salita sa loob ninyo? Huwag mo Akong ituring na isang mangmang! Ganap na malinaw sa Akin ang mga bagay na ito! Ngayon, yamang binigkas ang tinig ng Aking pagliligtas, mayroon bang nadagdag sa inyong pag-ibig para sa Akin? Mayroon bang bahagi ng inyong katapatan para sa Akin ang naging dalisay? Lumalim ba ang inyong kaalaman tungkol sa Akin? Naglatag ba ang nakaraang papuri ng isang matatag na pundasyon para sa inyong kaalaman ngayon? Gaano kalaki ang okupado ng Aking Espiritu sa loob ninyo? Gaano kalaki ang lugar na hawak ng Aking imahe sa loob ninyo? Tumama ba ang Aking mga pagbigkas sa inyong Achilles’ heel? Tunay bang nararamdaman ninyo na kayo ay walang mapagtataguan ng inyong kahihiyan? Tunay bang naniniwala kayo na hindi kayo karapat-dapat na maging Aking mga tao? Kung ikaw ay ganap na walang kamalayan sa mga katanungan sa itaas, sa gayon nagpapakita ito na ikaw ay nangingisda sa madilim na tubig, na nandoon ka lamang upang mapadami ang bilang, at sa panahong iyon ay Aking naunang itinalaga, sa pangalawang pagkakataon, ikaw ay tiyak na maaalis at itatapon sa napakalalim na hukay. Ito ang Aking mga salitang pangbabala, at ang sinumang magwalang-bahala sa mga ito ay tatamaan ng Aking paghatol, at, sa takdang panahon, ay sasalakayin ng kalamidad. Hindi nga ba ganito? Kailangan Ko pa bang magbigay ng mga halimbawa upang ilarawan ito? Kailangan Ko bang magsalita nang mas malinaw upang magbigay ng halimbawa sa inyo? Mula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, maraming mga tao ang sumuway sa Aking mga salita at sa gayon ay ihinagis at inalis mula sa Aking daloy ng pagpapanumbalik; sa huli, namatay ang kanilang mga katawan at itinapon ang kanilang mga espiritu sa Hades, at kahit ngayon sakop pa rin sila ng mabigat na kaparusahan. Maraming mga tao ang sumunod sa Aking mga salita, ngunit nawala sila sa Aking pagliliwanag at pagpapalinaw at sa gayon ay tinaboy Ko sa isang tabi, nahulog sa ilalim ng sakop ni Satanas at nagiging yaong mga tutol sa Akin. (Ngayon lahat yaong mga direktang tumututol sa Akin ay sumusunod lamang sa kababawan ng Aking mga salita, at sumusuway sa diwa ng Aking mga salita.) Mayroong marami, rin, ang nakinig lamang sa mga salitang Aking sinabi kahapon, na tangan ang basura ng nakaraan at hindi pinahalagahan ang bunga ng kasalukuyan. Hindi lamang naging bihag ni Satanas ang mga taong ito, ngunit naging walang hanggang mga makasalanan at naging Aking mga kaaway, at direkta silang tumututol sa Akin. Ang ganitong mga tao ay ang mga layon ng Aking paghatol sa Aking pinakamatinding poot, at ngayon bulag pa rin sila, nasa loob pa rin ng mga madilim na piitan (na ang ibig sabihin, ang mga taong tulad nito ay bulok, manhid na mga bangkay na kontrolado ni Satanas: sapagka’t ang kanilang mga mata ay Aking tinakpan ng tabing, Aking masasabi na sila ay mga bulag). Makabubuting magbigay ng isang halimbawa para sa inyong pagtukoy, upang may matutunan kayo mula rito:

Martes, Hunyo 19, 2018

Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao?


           

Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus | Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao?


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kailangan ninyong makita na ang kalooban at ang gawa ng Diyos ay hindi payak katulad ng paglikha sa langit at lupa at sa lahat ng bagay. Dahil ang gawain sa kasalukuyan ay ang baguhin ang mga ginawang tiwali at nadungisan, ang naging labis na manhid, at dalisayin ang mga nilikha ng Diyos na ginamit ni Satanas, hindi para likhain si Adan o si Eba, hindi rin upang gawin ang liwanag o likhain ang lahat ng halaman at hayop. Ang Kanyang gawain ngayon ay gawing dalisay ang lahat ng ginawang tiwali ni Satanas upang sila ay Kanyang mabawi bilang Kanyang pag-aari at maging Kanyang kaluwalhatian. Ang ganoong gawain ay hindi payak tulad nang inaakala ng iba, at hindi rin ito tulad ng pagsumpa kay Satanas sa hukay na walang hanggan tulad ng inaakala ng iba. Sa halip, ito ay upang mabago ang tao, upang ang negatibo ay maging positibo at upang makamit ang Kanyang pag-aari na hindi naman sa Kanya. Ito ang kuwentong napapaloob sa yugtong ito ng gawain ng Diyos.”

Lunes, Hunyo 11, 2018

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ano ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao

*★**★**★**★**★**★**★**★*

Jehovah, Langit, Jesus, krus, buhay

Ang pamamahala sa tao ang Aking gawain, at ang siya ay malupig Ko ay isang bagay na tunay na naitakda noong likhain Ko ang mundo. Maaring hindi alam ng mga tao na ganap Ko silang lulupigin sa mga huling araw at maaari ding walang kamalay-malay na ang katibayan ng Aking pagtalo kay Satanas ay ang paglupig sa mga mapaghimagsik sa gitna ng sangkatauhan. Ngunit, nang ang Aking kaaway ay nakipaglaban sa Akin, napagsabihan Ko na ito na Ako ang magiging tagalupig nilang nabihag na ni Satanas at ginawang mga anak nito at mga tapat nitong tagapaglingkod na nagbabantay ng bahay nito. Ang orihinal na kahulugan ng lupigin ay talunin, upang isailalim sa kahihiyan. Kasama sa wika ng mga Israelita, ito ay upang ganap na talunin, sirain, at alisan ng kakayahan sa higit pang paglaban sa Akin. Nguni’t ngayon, gaya ng paggamit sa gitna ninyong mga tao, ang kahulugan nito ay lupigin. Dapat ninyong malaman na ang Aking hangarin ay ganap na patayin at pasukuin ang masama sa sangkatauhan, upang hindi na ito makapaghimagsik laban sa Akin, lalong hindi magkaroon ng pagkakataon upang guluhin o gambalain ang Aking gawain. Sa gayon, sa kaalaman ng tao, nagkaroon ito ng kahulugan na paglupig. Anuman ang mga ipinahihiwatig ng salita, ang Aking gawain ay talunin ang sangkatauhan. Sapagka’t, magkagayunman na ang sangkatauhan ay kasama sa Aking pamamahala, sa higit na eksaktong pananalita, ang sangkatauhan ay walang iba kundi Aking kaaway. Ang sangkatauhan ay ang masama na sumasalungat at sumusuway sa Akin. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang anak ng masama na Aking isinumpa. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang inapo ng arkanghel na nagkanulo sa Akin. Ang sangkatauhan ay walang iba kundi ang pamana ng diyablo na, tinanggihan Ko nang matagal na, ay naging Aking hindi muling-makakasundong kaaway mula noon. Sa ibabaw ng sangkatauhan, ang papawirin ay bumababa, madilim at malungkot, walang anumang banaag ng kalinawan, at ang mundo ng tao ay nalubog sa lubhang kadiliman, upang ang isa na nabubuhay dito ay hindi man lamang makita ang kanyang nakaunat na kamay sa harap ng kanyang mukha o ang araw kapag siya ay tumitingala. Ang daan sa ilalim ng kanyang mga paa, maputik at puno ng lubak, ay paliku-liko; ang buong lupain ay nakakalatan ng mga bangkay. Ang madidilim na mga sulok ay puno ng mga labi ng patay, at sa malamig at madidilim na mga sulok ay naninirahan ang mga pulutong ng mga demonyo. At saanman sa mundo ng mga tao ang mga demonyo ay umaalis at dumarating nang sama-sama. Ang mga anak ng lahat ng klase ng mga ganid, puno ng putik, ay subsob sa matinding paglalaban-laban, na ang ingay ay nakasisindak sa puso. Sa gayong mga pagkakataon, sa gayong mundo, gayong “makalupang paraiso,” Saan tutungo ang isa upang maghanap ng kagalakan ng buhay? Saan pupunta ang isa upang masumpungan ang hantungan ng kanyang buhay? Ang sangkatauhan, niyurakan sa ilalim ng mga paa ni Satanas matagal nang nakalipas, mula pa sa simula ay naging artistang tinataglay ang larawan ni Satanas–lalong-lalo na, ang pagsasakatawan ni Satanas, nagsisilbing katibayan na sumasaksi kay Satanas, malinaw na malinaw. Paanong ang ganyang lahi ng tao, ang gayong pangkat na masama't kasuklam-suklam, at ang ganyang supling ng masamang pamilyang ito ng tao ay sasaksi sa Diyos? Saan nagmumula ang Aking luwalhati? Saan ang isa ay maaaring mag-umpisang magsalita ng Aking pagsaksi? Dahil ang kaaway na, nagawang masama ang sangkatauhan, naninindigan laban sa Akin, ay nakuha na ang sangkatauhan—ang sangkatauhang nilikha Ko noong sinaunang panahon at napuspos ng Aking luwalhati at Aking pagsasabuhay—at dinumihan sila. Naagaw na nito ang Aking luwalhati, at ang tanging inilipos nito sa tao ay lasong labis na hinaluan ng kapangitan ni Satanas, at katas mula sa bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama. Sa pasimula, Aking nilikha ang sangkatauhan, ibig sabihin, Aking nilikha ang ninuno ng sangkatauhan, si Adan. Siya ay binigyan ng anyo at larawan, puno ng kalakasan, puno ng buhay, at, higit pa rito, nasa piling ng Aking luwalhati. Iyan ang maluwalhating araw nang Aking nilikha ang tao. Pagkatapos niyan, si Eba ay ibinunga mula sa katawan ni Adan, at siya rin ay ang ninuno ng tao, kaya’t ang mga taong Aking nilalang ay puno ng Aking hininga at puno ng Aking luwalhati. Si Adan ay orihinal na isinilang mula sa Aking kamay at ang pagkakatawan ng Aking larawan. Sa gayon ang orihinal na kahulugan ng “Adan” ay isang katauhan na nilikha Ko, sinamahan ng Aking buhay na lakas, sinamahan ng Aking luwalhati, nagtataglay ng anyo at larawan, nagtataglay ng diwa at hininga. Siya ang nag-iisang nilalang, may angking espiritu, na may kakayahan ng pagkatawan sa Akin, ng pagtataglay ng Aking larawan, at pagtanggap ng Aking hininga. Sa pasimula, si Eba ang ikalawang taong pinagkalooban ng hininga na ang paglikha ay Aking naitalaga, kaya ang orihinal na kahulugan ng “Eba” ay isang nilikhang magpapatuloy sa Aking luwalhati, puno ng Aking sigla at lalo pang masaganang pinagkalooban ng Aking luwalhati. Si Eba ay nagmula kay Adan, kaya taglay rin niya ang Aking larawan, sapagka’t siya ang ikalawang taong nilalang sa Aking larawan. Ang orihinal na kahulugan ng “Eba” ay isang buhay na tao, may espiritu, laman, at buto, ang Aking ikalawang patotoo gayundin ang Aking ikalawang larawan sa gitna ng sangkatauhan. Sila ang mga ninuno ng sangkatauhan, ang dalisay at mahalagang kayamanan ng tao, at, mula sa nauna, ay buhay na mga nilalang na pinagkalooban ng espiritu. Subali’t kinuha ng masama ang mga anak ng mga ninuno ng sangkatauhan at niyurakan sila at binihag sila, inilulubog ang mundo ng tao sa ganap na kadiliman, at ginagawa ito upang ang mga anak ay hindi na maniniwala sa Aking pag-iral. Lalo pang higit na kasuklam-suklam na, habang ang siyang masama ay pinasasama ang mga tao at niyuyurakan sila, malupit nitong inaagaw ang Aking luwalhati, ang Aking patotoo, ang siglang ipinagkaloob Ko sa kanila, ang hininga at ang buhay na iniihip Ko tungo sa kanila, ang buo Kong luwalhati sa mundo ng tao, at ang lahat ng dugo ng puso na Aking nagugol sa sangkatauhan. Ang sangkatauhan ay wala na sa liwanag, at naiwala na ang lahat ng Aking naipagkaloob sa kanila, tinatanggal ang luwalhating Aking naipagkaloob. Paano nila maaaring kilalanin na Ako ang Panginoon ng lahat ng mga nilalang? Paano sila makapagpapatuloy na maniwala sa Aking pag-iral sa langit? Paano nila matutuklasan ang mga pagpapamalas ng Aking luwalhati sa ibabaw ng lupa? Paano maipapalagay ng mga apong lalaki at babaeng ito ang Diyos na iginalang ng kanilang sariling mga ninuno bilang ang Panginoon na lumikha sa kanila? Malugod na "iniharap" nitong mga kawawang apong lalaki at babae sa masama ang luwalhati, ang larawan, gayundin ang patotoo na ipinagkaloob Ko kina Adan at Eba, gayundin ang buhay na ipinagkaloob Ko sa sangkatauhan at kung saan sila ay umaasa upang umiral, at, nang wala ni katiting na pag-aalala sa presensya ng masama, ay naibigay ang Aking buong luwalhati dito. Hindi ba’t ito ang pinagmulan ng paggamit ng “linab”? Paanong maaangkin ng gayong sangkatauhan, gayong kasamang mga demonyo, gayong lumalakad na mga bangkay, gayong mga anyo ni Satanas, at gayong Aking mga kaaway ang Aking kaluwalhatian? Aangkinin Kong muli ang Aking kaluwalhatian, aangkinin ang Aking patotoo na umiiral sa gitna ng mga tao, at lahat ng dating pag-aari Ko na ibinigay Ko sa sangkatauhan noong unang panahon—lulupigin Kong ganap ang sangkatauhan. Gayunman, dapat mong malaman, ang mga taong nilikha Ko ay mga banal na tao na taglay ang Aking larawan at Aking luwalhati. Hindi sila pag-aari ni Satanas, ni sakop sila ng pagyurak nito, kundi Aking kahayagan lamang, malaya sa katiting na bahid ng lason ni Satanas. At gayon nga, hinahayaan Ko ang sangkatauhan na malaman na ang tanging nais Ko ay yaong nilikha ng Aking kamay, ang mga banal na Aking minamahal at hindi pag-aari ng iba pang kalikhaan. Bukod diyan, masisiyahan Ako sa kanila at ituturing silang Aking luwalhati. Datapwa’t, ang nais Ko ay Hindi ang sangkatauhan na nagawang masama ni Satanas, na pag-aari ni Satanas ngayon, at hindi na ang Aking orihinal na likha. Dahil layunin Kong angkining muli ang Aking luwalhati na umiiral sa mundo ng tao, kakamtin Ko ang ganap na paglupig sa mga natitirang nakaligtas sa gitna ng sangkatauhan, bilang patunay ng Aking luwalhati sa pagtalo kay Satanas. Tanging ang Aking patotoo ang tinatanggap Ko bilang pagliliwanag ng Aking sarili, bilang layon ng Aking kasiyahan. Ito ang Aking kalooban.

Martes, Hunyo 5, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang tinig ng Diyos | Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (2)

★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★*。:゚*☆*゚:。:*★
pananampalataya sa Diyos, Jehovah, krus, pagmamahal sa Diyos, Langit


    Dati kayong naghangad na maghari bilang mga hari, at ngayon hindi pa rin ninyo ganap itong isinasantabi; nais pa rin ninyong mamahala bilang hari, upang hawakan ang langit at tumulong sa lupa. Ngayon, pag-isipan ito: Iyo bang taglay ang mga nasabing kwalipikasyon? Hindi ka ba nawawalan ng pakiramdam? Makatotohanan ba ang bagay na inyong hinahanap at pinagtutuunan ng pansin? Hindi man lang ninyo taglay ang normal na pagkatao—hindi ba ito kahabag-habag? Kaya, ngayon binanggit Ko lang ang pagiging nalupig, pagtaglay ng pagpapatotoo, pagpapabuti ng iyong kakayahan, at pagpasok sa landas ng pagiging perpekto, at wala nang ibang sasabihin. Pagod na ang ilang tao sa purong katotohanan, at kapag nakita nila ang lahat ng pag-uusap ng karaniwang normal na pagkatao at pagpapabuti ng kakayahan ng mga tao, sila ay nag-aatubili. Ang mga hindi nagmamahal sa katotohanan ay hindi madaling gawing perpekto. Kung kayo ay papasok ngayon, at kikilos ayon sa kalooban ng Diyos, sa bawat hakbang, maaari ka bang maalis? Matapos ang labis na gawain sa lupain ng Tsina—ang naturang napakalaking gawain—at matapos ng napakaraming salitang binigkas, maaari bang magpaubaya ang Diyos? Ihahatid ba Niya ang mga tao paibaba sa hukay na hindi maarok? Ang mahalaga ngayon ay dapat ninyong malaman ang kahalagahan ng tao, at dapat malaman kung ano ang dapat ninyong pasukin; dapat kang magsalita ng pagpasok sa buhay, at mga pagbabago sa katangian, kung paano ba talaga ang malupig, at kung paanong ganap na sumunod sa Diyos, na magdala ng huling pagpapatotoo sa Diyos, at makamit ang pagsunod hanggang kamatayan. Kailangan mong tumuon sa mga bagay na ito, at ang mga hindi makatotohanan o mahalaga ay kinakailangan munang isantabi at hindi isinasaalang-alang. Ngayon, dapat mong mabatid kung paano malupig, at kung paano ikilos ng mga tao ang kanilang sarili matapos na sila ay malupig. Maaaring ikaw ay siya nang nalupig, ngunit maaari ka bang sumunod hanggang kamatayan? Kailangan mong magawang sumunod hanggang sa pinakasukdulan hindi alintana kung mayroong anumang tagumpay, at hindi ka dapat mawalan ng pananampalataya sa Diyos sa kahit ano mang larangan. Sa huli, kailangan mong matamo ang dalawang aspeto ng pagpapatotoo: ang patotoo ni Job—pagtupad hanggang kamatayan—at ang patotoo ni Pedro—ang kataas-taasang pagmamahal ng Diyos. Sa isang banda, kailangan mong maging gaya ni Job: Siya ay walang ari-ariang materyal, at siyang pinahirapan ng sakit ng katawang-tao, nguni't hindi niya tinalikuran ang pangalan ng Jehovah. Ito ang testimonya ni Job. Nagawang mahalin ni Pedro ang Diyos hanggang kamatayan. Noong siya ay namatay—noong siya ay ipinako sa krus—nanatili ang kanyang pagmamahal sa Diyos; hindi niya inisip ang kanyang sariling mga inaasam o maghanap ng maluwalhating pag-asa o maluhong saloobin, at ninais lamang niya na mahalin ang Diyos at sundin ang lahat ng mga pagsasa-ayos ng Diyos. Iyan ang batayan na dapat mong makamit bago ka ituring na nagpatotoo, bago ka maging isang tao na ginawang perpekto matapos na malupig. Ngayon, kung tunay na batid ng mga tao ang kanilang sariling kahalagahan at estado, maghahanap pa ba sila ng mga inaasam at pag-asa? Ito ang dapat mong malaman: Hindi alintana kung ginawa akong perpekto ng Diyos, dapat akong sumunod sa Diyos; ang lahat ng Kanyang ginagawa ngayon ay mabuti, at para sa ating kapakanan, at upang ang ating disposisyon ay maaaring magbago at maaari nating tanggalin sa ating sarili ang impluwensya ni Satanas, upang hayaan tayong mamuhay sa lupain ng mga marurumi at ngunit maaari natin pawalan ang ating sarili sa karumihan, ipagpag ang dumi at impluwensiya ni Satanas, upang magawa nating iwanan ang impluwensiya ni Satanas. Siyempre, ito ang kinakailangan sa iyo, ngunit para sa Diyos ito ay isa lamang paglupig, upang ang mga tao ay magkaroon ng matatag na kapasyahan na tumalima, at maaring sumailalim sa lahat ng Pagtutugma ng Diyos, na siya lamang kinakailangan. Ngayon, karamihan sa mga tao ay nalupig na, ngunit sa loob nila ay marami pa ring mga paghihimagsik at pagsuway. Ang totoong estado ng mga tao ay masyadong maliit, at sila ay bumabangon lamang kung may mga pag-asa at pagkakataon; kung wala, sila ay nagiging negatibo, at nag-iisip pa na lisanin ang Diyos. At ang mga tao ay walang matinding pagnanais upang hanapin ang pagsasabuhay ng normal na pagkatao. Hindi iyon maaari! Kaya, dapat Ko pa rin pag-usapan ng paglupig. Sa katunayan, nangyayari ang kasakdalan kasabay ng paglupig: Kung ikaw ay nalupig, ang unang epekto ng pagiging perpekto ay nakamit. Kung saan mayroong pagkakaiba sa pagitan ng pagka-lupig at kasakdalan, ito ay ayon sa antas ng pagbabago sa mga tao. Ang pagkalupig ay ang unang hakbang ng pagiging perpekto, at hindi nangangahulugang sila ay lubusang ginawang perpekto, o napatotohanang sila ay ganap nang nahimok ng Diyos. Matapos lupigin ang tao, may ilang mga pagbabago sa kanilang katangian, ngunit ang mga nasabing pagbabago ay lubhang kaunti kaysa sa mga tao na ganap nang makamtan ng Diyos. Ngayon, ang nagawa na ay ang paunang gawain upang gawing perpekto ang mga tao—nilulupig sila—at kung hindi mo makamit ang panlulupig, walang paraan upang ikaw ay gawing perpekto at lubusang makamtan ng Diyos. Ikaw ay makakukuha lamang ng ilang salita ng pagpaparusa at paghatol, ngunit hindi nila ganap na mapagbabago ang iyong puso. Kaya ikaw ay isa sa mga maaalis; ito ay hindi naiiba mula sa pagtingin sa isang katakam-takam na kapistahan sa ibabaw ng mesa ngunit hindi kinakain ito. Hindi ba ito trahedya? At kaya dapat kang humanap ng mga pagbabago: Ito man ay paglupig o ginawang perpekto, parehong kaugnay ito kung mayroong pagbabago sa’yo, at kung ikaw man o hindi masunurin—at ito ay tumutukoy kung ikaw man ay maaaring makamtan ng Diyos o hindi. Tandaan na ang "pagkalupig" at "kasakdalan" ay simpleng nakabatay sa hangganan ng pagbabago at pagsunod, pati na rin sa kung gaano kalinis ang iyong pag-ibig sa Diyos. Ang kinakailangan ngayon ay gawin kang ganap na perpekto, ngunit sa simula ay dapat kang malupig—dapat ay mayroon kang sapat na kaalaman sa kaparusahan at paghatol ng Diyos, dapat ay mayroong kang pananampalataya na sumunod, at maging isang tao na naglalayon ng pagbabago at para magkaroon ng mga epekto. Doon ka lamang magiging isang tao na naghahangad maging perpekto. Dapat mong maunawaan na sa kurso ng kasakdalan kayo ay malulupig, at sa kurso ng panlulupig kayo ay gagawing perpekto. Ngayon, maaari mong hangaring magawang perpekto o humanap ng mga pagbabago sa iyong panlabas na pagkatao at mga pag-unlad sa iyong kakayahan, nguni’t ang pinakamahalaga ay iyong nauunawaan na ang lahat ng ginagawa ngayon ng Diyos ay may kahulugan at kapaki-pakinabang: Hinahayaan ka nito, ikaw na nakatira sa lupain ng karumihan, na makatakas sa karumihan at maipagpag ito, hinahayaan ka nitong mapagtagumpayan ang impluwensiya ni Satanas, at iwanan ang madilim na impluwensiya ni Satanas—at sa pagtutok sa mga bagay na ito, ikaw ay iniingatan dito sa lupain ng karumihan. Sa kahuli-hulihan, anong patotoo ang hihingin sa iyong ibigay? Ikaw ay nakatira sa lupain ng karumihan nguni’t nagawang maging banal, at hindi na magiging marumi at may-bahid, ikaw ay nakatira sa ilalim ng nasasakupan ni Satanas nguni’t inaalis sa iyong sarili ang impluwensiya ni Satanas, at hindi pagmamay-ari o ginigipit ni Satanas, at ikaw ay nakatira sa mga kamay ng Makapangyarihan-sa-lahat. Ito ang patotoo, at katibayan ng tagumpay sa pakikipaglaban kay Satanas. Nagagawa mong iwaksi si Satanas, kung ano ang iyong pagsasabuhay ay hindi nagbubunyag kay Satanas, kundi yaong kinailangan ng Diyos na abutin ng tao noong nilikha Niya ang tao: normal na pagkatao, normal na pagkamakatwiran, normal na pananaw, normal na paninindigang mahalin ang Diyos, at katapatan sa Diyos. Ganyan ang patotoo na taglay ng isang nilalang ng Diyos. Sabi mo, “Tayo ay nakatira sa isang lupain ng burak, ngunit dahil sa pag-iingat ng Diyos, dahil sa Kanyang pamumuno, at dahil nilupig Niya tayo, naalis natin ang ating mga sarili sa impluwensiya ni Satanas. Na angkakayahan nating sumunod ngayon ay epekto rin ng paglupig ng Diyos, at ito ay hindi dahil tayo ay mabuti, o dahil natural nating iniibig ang Diyos. Ito ay dahil pinili tayo ng Diyos, at itinalaga tayo, na tayo ay nalupig ngayon, na magagawang magpatotoo sa Kanya, at makapaglingkod sa Kanya; kaya, pati, ito ay dahil pinili Niya tayo, at protektado, na tayo ay nailigtas at nabawi mula sa ilalim ng nasasakupan ni Satanas, at maaaring nang iwanan ang dumi at maging malinis sa bayan ng dakilang pulang dragon. Dagdag pa rito, kung ano ang iyong isinasabuhay ay magpapakita na taglay mo ang normal na pagkatao, mayroong pagkamakatuwiran sa iyong sinasabi, at ikaw ay kahalintulad ng isang normal na tao. Kapag nakikita kayo ng iba hindi nila dapat sabihin, Hindi ba ito ang imahe ng dakilang pulang dragon? Ang pag-uugali ng kapatid na babae ay hindi angkop sa pagiging isang kapatid na babae, ang pag-uugali ng kapatid na lalaki ay hindi angkop sa pagiging isang kapatid na lalaki, at wala silang anumang asal ng mga santo. Hindi sila dapat sumambit, Hindi nakakapagtaka na sinabi ng Diyos na sila ay mga inapo ni Moab, Siya ay ganap na tumpak! Kung titingnan kayo at sasabihin sa inyo ng mga tao, “Kahit na sinabi ng Diyos na ikaw ay inapo ni Moab, kung paano ka mamuhay ay nagpapatotoong iniwan mo ang impluwensiya ni Satanas; bagaman ang mga bagay na iyon ay naka paloob sa iyo, nagawa mong tumalikod sa kanila,” sa gayon ito ay nagpapakita na ikaw ay ganap na nalupig. Ikaw na nalupig at nailigtas ay magsasabi, “Tunay na kami ang mga inapo ni Moab, ngunit kami ay nailigtas ng Diyos, at bagaman ang mga inapo ni Moab noong nakalipas ay pinabayaan at sinumpa, at iwinaksi kasama ng mga Hentil ng mga tao ng Israel, ngayon iniligtas tayo ng Diyos. Tunay na kami ang pinakatiwali sa lahat ng tao—ito ay itinalaga ng Diyos, ito ay katotohanan, at ito ay hindi maikakaila ng lahat. Ngunit ngayon kami ay nakatakas na sa nasabing impluwensiya. Kinamumuhian namin ang aming mga ninuno, handa kaming tumalikod sa aming mga ninuno, upang lubusan itong talikuran at sundin ang lahat ng mga pag-aayos ng Diyos, kumikilos ayon sa kalooban ng Diyos at nakakamit ang Kanyang kahilingan sa amin, at nakukuha ang kasiyahan ng kalooban ng Diyos. Ipinagkanulo ni Moab ang Diyos, hindi siya kumilos ayon sa kalooban ng Diyos, at siya ay kinasusuklaman ng Diyos. Ngunit tayo ay dapat mangalaga sa puso ng Diyos, at ngayon, dahil nauunawaan natin ang kalooban ng Diyos, hindi natin maaaring ipagkanulo ang Diyos, at dapat talikuran ang ating mga nakatatandang ninuno!” Noong nakaraan Aking binanggit ang pagtalikod sa dakilang pulang dragon—at ngayon, iyon ang pangunahing pagtiwalag ng mga tao sa nakatatandang ninuno. Ito ay isang patotoo ng paglupig sa mga tao, at hindi alintana kung paano ka pumasok ngayon, ang iyong pagpapapatotoo sa bagay na ito ay hindi dapat nagkukulang.