✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•
Batay sa mga
kilos at gawa ng inyong buhay, lahat kayo ay kailangan ang araw-araw na
pagdaloy ng mga salita upang tustusan at muling punan kayo, dahil kayo
ay masyadong nagkukulang, at ang inyong kaalaman at kakayahan upang
makatanggap ay masyadong kakaunti. Sa inyong araw-araw na pamumuhay,
nakatira kayo sa isang kapaligiran at kaligiran na walang katotohanan o
mabuting katinuan. Kulang kayo sa puhunan para sa pag-iral at hindi
nagkaroon ng batayan na makilala Ako o ang katotohanan. Ang inyong
pananampalataya ay itinayo lamang sa isang di-malinaw na pagtitiwala o
sa mga ritwal ng relihiyon at kaalamang lubos na batay sa doktrina.
Araw-araw Kong minamasdan ang inyong mga pagkilos at sinusuri ang inyong
mga intensyon at masamang bunga. Hindi Ako kailanman nakatagpo ni isa
na totoong inilagay ang kanyang puso at espiritu sa Aking altar, na
hindi kailanman nalipat. Samakatuwid, hindi Ko nais na ibuhos nang
walang kabuluhan ang lahat ng salita na nais Kong ihayag sa
sangkatauhan. Sa Aking puso, Ako ay nagpaplano lamang na kumpletuhin ang
Aking hindi natapos na gawain at dalhin ang kaligtasan sa sangkatauhan
na ililigtas Ko pa lang. Gayon pa man, nais Ko para sa lahat ng sumunod
sa Akin na makatanggap ng Aking kaligtasan at ang katotohanan ng Aking
salita na ipinagkaloob sa tao. Umaasa Ako na isang araw, kapag isinara
mo ang iyong mga mata, makikita mo ang isang lupain kung saan ang samyo
ay pupuno sa hangin at ang mga balon ng buhay na tubig ay dadaloy, hindi
isang walang sigla, malamig na mundo kung saan ang kadiliman ay
binabalot ang kalangitan at ang mga alulong ay hindi kailanman
magwawakas.
Bawat araw, ang mga gawa at pag-iisip ng lahat ng
tao ay isinasaalang-alang Niya, kasabay nito, ay naghahanda para sa
kanilang sariling kinabukasan. Ito ang landas na dapat tahakin ng lahat
ng mga buhay at Aking itinalaga para sa lahat. Walang makatatakas dito
at walang ginawang mga eksepsyon. Hindi mabilang ang mga salitang Aking
binanggit, at bukod dito’y gumawa ng napakaraming bilang ng gawain.
Araw-araw, Aking pinanonood habang ang bawa’t tao ay tinutupad ang lahat
ng dapat niyang gawin alinsunod sa kanyang katutubong kalikasan at kung
paano ito umuusbong. Walang kamalay-malay, marami nang tumahak sa
“tamang landas,” na Aking itinalaga para sa paghahayag ng lahat ng uri
ng tao. Aking nailagay na ang bawat uri ng tao sa iba’t ibang mga
kapaligiran, at sa kanilang lugar ang bawat isa ay naghahayag ng kanyang
mga likas na katangian. Walang sinuman ang nagbibigkis sa kanila, wala
ni isa mang umaakit sa kanila. Sila ay malaya sa kanilang kabuuan at
lumabas na natural ang kanilang naihahayag. Mayroon lamang isang bagay
na nagpapanatili sa kanila, at iyon ang Aking mga salita. Kaya nga,
ilang bilang ng mga tao ang labag sa kaloobang binabasa ang Aking mga
salita upang ang kanilang katapusan ay hindi maging isa nang kamatayan,
ngunit hindi kailanman isinasagawa ang Aking mga salita. Sa kabilang
dako, nahihirapang tiisin ng ilang tao ang mga araw na wala ang Aking
mga salita para gabayan at matustusan sila, kaya natural nilang
pinanghahawakan ang Aking mga salita sa lahat ng oras. Habang ang
panahon ay lumilipas, saka nila natutuklasan ang lihim ng buhay ng tao,
ang hantungan ng sangkatauhan, at ang halaga ng pagiging tao. Ang
sangkatauhan ay hindi hihigit dito sa presensya ng Aking salita, at
hinahayaan Ko lang ang mga pangyayari na matapos nang natural. Wala
Akong ginagawa upang pilitin ang tao na mabuhay sa pamamagitan ng Aking
mga salita bilang pundasyon ng kanilang pag-iral. Kung kaya ang mga
taong hindi kailanman nagkaroon ng konsensya o kahalagahan sa kanilang
pag-iral ay tahimik na inoobserbahan kung paano nangyayari ang mga bagay
at pagkatapos ay mapangahas na isinasantabi ang Aking mga salita at
ginagawa ang kanilang gusto. Nagsisimula silang mapagod sa katotohanan
at lahat ng nagmumula sa Akin. Bukod dito, sila’y napapagod sa
paninirahan sa Aking tahanan. Ang mga taong ito ay pansamantalang
nanunuluyan sa loob ng Aking tahanan para sa kapakanan ng kanilang mga
hantungan at upang makatakas sa kaparusahan, kahit na sila ay
naglilingkod. Ngunit hindi kailanman nagbabago ang kanilang mga
intensyon maging ang kanilang mga pagkilos. Higit pa nitong hinihikayat
ang kanilang pagnanais para sa mga pagpapala, para sa nag-iisang daanan
sa kaharian kung saan maaari silang manatili nang walang hanggan, at
maging ang daanan sa walang hanggang langit. Lalo pa nilang hinahangad
na mas mapabilis ang pagdating ng Aking araw, mas lalo nilang
nararamdaman na naging isang balakid ang katotohanan, isang sagabal sa
kanilang daan. Hindi na sila makapaghintay na tumapak sa kaharian upang
tamasahin magpakailanman ang mga biyaya ng kaharian ng langit, nang
hindi nangangailangang hanapin ang katotohanan o tanggapin ang paghatol
at pagkastigo, at higit sa lahat, nang hindi nangangailangang manirahang
sunud-sunuran sa Aking bahay at gawin ang Aking utas. Ang mga taong ito
ay pumapasok sa Aking bahay hindi upang tuparin ang isang puso na
naghahanap ng katotohanan o upang gumawa nang magkakasama sa Aking
pamamahala. Naglalayon lamang silang maging isa sa mga taong hindi
wawasakin sa susunod na kapanahunan. Kaya ang kanilang mga puso ay hindi
kailanman nakilala kung ano ang katotohanan o kung paano tanggapin ang
katotohanan. Ito ang dahilan kung bakit ang mga naturang tao ay hindi
kailanman isinagawa ang katotohanan o natanto ang matinding lalim ng
kanilang kasamaan, at gayunpaman ay nakatira sa Aking tahanan bilang
“tagapaglingkod” hanggang sa wakas. Sila ay “matiyagang” naghihintay sa
pagdating ng Aking araw, at walang kapaguran kahit nalilito na silasa
paraan ng Aking gawain. Hindi mahalaga kahit gaano man ang kanilang
naging mga pagsisikap. at kung ano ang halaga na kanilang ibinayad, wala
sa kanila ang makakakitang sila ay nagdusa para sa katotohanan o
nagsakripisyo para sa Akin. Sa kanilang mga puso, hindi nila kayang
hintayin na makita ang araw na wawakasan Ko ang lumang kapanahunan, at
bukod pa rito, balisa nilang ninanais alamin kung gaano kadakila ang
Aking kapangyarihan at awtoridad. Na kung saan hindi nila kailanman
minadaling baguhin ang kanilang sarili o hinanap ang katotohanan. Mahal
nila ang nakapapagod sa Akin at napapagod sa minamahal Ko. Nananabik
sila sa bagay na kinapopootan Ko ngunit kasabay nito ay natatakot na
mawala ang mga bagay na Aking kinasusuklaman. Nakatira sila sa masamang
mundong ito ngunit hindi kailanman nasuklam dito at natatakot nang
masidhi na ito ay Aking wawasakin. Ang kanilang mga layunin ay
magkakasalungat: Nalulugod sila sa mundong itong Aking kinapopootan,
ngunit hinahangad din na wasakin Ko sa lalong madaling panahon ang
mundong ito. Sa ganitong paraan, sila ay patatawarin sa pagkawasak at
gagawing mga panginoon ng mga susunod na kapanahunan bago sila malihis
mula sa tunay na landas. Ito ay dahil hindi nila minamahal ang
katotohanan at napapagod sa lahat ng nanggagaling sa Akin. Marahil sila
ay magiging “masunuring tao” sa maikling panahon para sa kapakanan na
huwag mawalan ng mga pagpapala, ngunit ang kanilang di-mapakaling
pag-iisip tungo sa pagpapala at ang kanilang takot sa pagkapuksa at
pagpasok sa lawa ng nagniningas na apoy ay hindi kailanman maitatago.
Habang papalapit ang Aking araw, unti-unting lumalakas ang kanilang
pagnanais. At mas malaki ang kalamidad, mas lalo silang walang magawa,
hindi alam kung saan magsisimula upang mapasaya Ako at upang maiwasang
mawalan ng mga pagpapala na matagal na nilang inaasam-asam. Kapag
nag-umpisang gumawa ang Aking kamay, ang mga taong ito ay sabik gumawa
ng pagkilos upang maglingkod bilang pangunang hanay. Iniisip lamang nila
na lumusob sa pinakaunahang linya ng mga hukbo, sobrang takot na hindi
Ko sila makita. Ginagawa at sinasabi nila ang sa palagay nila ay tama,
hindi kailanman nalalaman na ang kanilang mga gawa at kilos ay hindi
kailanman naugnay sa katotohanan, at basta lamang pinatitigil at
ginagambala ang Aking mga plano. Bagaman gumawa sila ng malaking
pagsisikap at maaaring totoo sa kanilang kalooban at layuning tiisin ang
mga paghihirap, lahat ng ginagawa nila ay walang kinalaman sa Akin,
dahil hindi Ko kailanman nakitang galing sa mabuting intensyon ang
kanilang mga gawa, at mas lalo Ko silang hindi nakitang naglagay ng
anumang bagay sa Aking altar. Ganyan ang kanilang mga gawa sa Aking
harapan sa maraming mga taon.
Sa simula, ninais Kong tustusan
kayo nang higit pang mga katotohanan, ngunit habang ang inyong saloobin
ay masyadong malamig at walang pakialam, kailangan Ko nang sumuko. Hindi
Ko nais masayang ang Aking mga pagsisikap, ni hindi Ko rin nais makita
na hawakan ng mga tao ang Aking mga salita ngunit sa lahat ng lugar ay
ginagawa ang paglaban sa Akin, sinisiraan Ako, at nilalapastangan Ako.
Dahil sa inyong mga saloobin at pagkatao, binibigyan Ko lamang kayo ng
maliit na bahagi ng mga salitang napakahalaga sa inyo bilang Aking
pagsubok sa sangkatauhan. Ngayon Ko lamang tunay na nakumpirma na ang
mga desisyon at planong ginawa Ko ay ayon sa inyong kailangan, at bukod
dito, nakumpirma na ang Aking saloobin sa sangkatauhan ay tama. Ang
inyong maraming taon ng mga pagkilos sa Aking presensya ay nagbigay sa
Akin ng sagot na hindi Ko natanggap noong una. At ang tanong sa sagot na
ito ay: “Ano ang saloobin ng tao sa harap ng katotohanan at sa totoong
Diyos?” Ang pagsisikap na ibinubuhos Ko sa tao ay nagpapatunay ng Aking
diwa ng pagmamahal sa tao, at ang mga pagkilos at gawa ng tao sa harap
ng Aking presensya ay pinatunayan din ang diwa ng tao na pagkamuhi sa
katotohanan at pagsalungat sa Akin. Sa lahat ng oras Ako ay nag-aalala
sa lahat ng sumunod sa Akin, ngunit walang oras na ang mga taong sumunod
sa Akin ay magagawang makatanggap ng Aking salita; lubos nilang hindi
matanggap kahit na anumang mga mungkahi na nanggaling sa Akin. Ito ang
nagpapapalungkot sa Akin higit sa lahat. Walang sinuman ang kayang
umunawa sa Akin at, higit pa rito, walang may kakayahang tanggapin Ako,
kahit na ang Aking saloobin ay taimtim at ang Aking mga salita ay
banayad. Ang lahat ay ginagawa ang gawain na ipinagkatiwala Ko alinsunod
sa kanilang mga orihinal na intensyon; hindi nila hinahanap ang Aking
mga saloobin, lalo na ang hingin ang Aking mga kahilingan. Sinasabi pa
rin nilang naglilingkod sila sa Akin nang tapat, habang ang lahat ay
nagrerebelde laban sa Akin. Marami ang naniniwala na ang mga katotohanan
ay hindi katanggap-tanggap sa kanila o ang hindi nila kayang isagawa ay
hindi mga katotohanan. Dahil sa ganitong uri ng mga tao, ang Aking mga
katotohanan ay nagiging bagay na dapat tanggihan at isantabi. Kasabay
nito, Ako rin pagkatapos ay naging isa na kinilala ng tao sa salita
lamang bilang Diyos, ngunit itinuring na isang tagalabas na hindi ang
katotohanan, daan, o ang buhay. Walang nakaaalam sa katotohanang ito:
Ang Aking mga salita ay ang walang hanggang di-nagbabagong katotohanan.
Ako ang panustos ng buhay para sa tao at ang tanging gabay para sa
sangkatauhan. Ang kahalagahan at kahulugan ng Aking mga salita ay hindi
pinagpapasyahan kung ang mga ito man ay kinikilala at tinatanggap ng
sangkatauhan, ngunit sa pamamagitan ng diwa ng mga salita mismo. Kahit
na wala ni isang tao sa daigdig na ito ang maaaring makatanggap ng Aking
mga salita, ang halaga ng Aking mga salita at ang tulong nito sa
sangkatauhan ay hindi masusukat ng sinumang tao. Samakatuwid, kapag
nahaharap sa maraming tao na nagrerebelde, tumatanggi, o lubos na
nilalait ang Aking mga salita, ang Aking paninindigan ay ito lamang:
Hayaang Aking maging saksi ang panahon at mga katunayan at ipakita na
ang Aking mga salita ay ang katotohanan, daan, at buhay. Hayaang ipakita
ng mga ito na lahat ng Aking nasabi ay tama, at iyon ang dapat
ipagkaloob sa tao, at, higit pa rito, ang dapat tanggapin ng tao.
Hahayaan Ko ang lahat ng sumusunod sa Akin na malaman ang katunayang
ito: Sa mga hindi kayang tanggapin nang lubos ang Aking mga salita, ang
mga hindi kayang isagawa ang Aking mga salita, ang mga hindi makahanap
ng layunin sa Aking mga salita at ang mga hindi kayang tanggapin ang
kaligtasan dahil sa Aking mga salita, ay ang mga taong nahusgahan ng
Aking mga salita, bukod dito, nawalan ng Aking kaligtasan, at hindi
kailanman nalilihis ang Aking pamalo sa kanila.
Abril 16, 2003
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento