Nauugnay sa mga pagbibigkas ng Makapangyarihang Diyos
Bagaman
maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano
ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang
gawin upang makasunod sa puso ng Diyos. Ito ay dahil, bagaman ang mga
tao ay alam na alam ang salitang “Diyos” at mga parirala tulad ng “ang
gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, lalong hindi nila alam
ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na lahat niyaong
mga hindi nakakakilala sa Diyos ay nagtataglay ng isang magulong
paniniwala. Ang mga tao ay hindi seryoso sa kanilang paniniwala sa Diyos
sapagka’t ang paniniwala sa Diyos ay masyadong di-kilala, masyadong
kakaiba para sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi sila makaabot sa mga
hinihingi ng Diyos. Sa ibang salita, kung hindi kilala ng tao ang Diyos,
hindi alam ang Kanyang gawa, kung gayon hindi sila angkop para sa
paggamit ng Diyos, lalong hindi nila maaaring tuparin ang ninanasa ng
Diyos. Ang “paniniwala sa Diyos” ay nangangahulugang paniniwala na
mayroong Diyos; ito ang pinakasimpleng pagkakaintindi sa pananampalataya
sa Diyos. Bukod pa rito, ang paniniwalang mayroong Diyos ay hindi
kapareho ng tunay na pananalig sa Diyos; kundi, ito ay isang uri ng
simpleng pananampalataya na may malakas na pangrelihiyong mga kahulugan.
Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas sa
mga salita at gawain ng Diyos na batay sa isang paniniwala na ang Diyos
ang may tangan ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. Sa gayon ikaw ay
mapapalaya mula sa iyong tiwaling disposisyon, makakatupad sa ninanasa
ng Diyos at makakakilala sa Diyos. Tanging sa pamamagitan ng ganoong
paglalakbay maaaring masabing ikaw ay naniniwala sa Diyos. Datapwa’t ang
mga tao ay madalas makita ang paniniwala sa Diyos bilang isang bagay na
napakasimple at walang gaanong kabuluhan. Ang paniniwala ng mga ganoong
tao ay walang kabuluhan at hindi kailanman makakatamo ng pagsang-ayon
ng Diyos, pagka’t sila’y tumatahak sa maling landas. Ngayon, mayroon pa
ring mga naniniwala sa Diyos sa pamamagitan ng mga titik, sa mga
doktrinang walang laman. Wala silang malay na ang kanilang paniniwala sa
Diyos ay walang substansya at na hindi sila makatatamo ng pagsang-ayon
ng Diyos, at nananalangin pa rin sila para sa kapayapaan at sapat na
biyaya mula sa Diyos. Dapat tayong huminto at tanungin ang ating mga
sarili: Maaari kayang ang paniniwala sa Diyos ang tunay na
pinakamadaling bagay sa lupa? Ang paniniwala ba sa Diyos ay
nangangahulugan lamang ng pagtanggap ng maraming biyaya mula sa Diyos?
Maaari bang ang mga tao na naniniwala sa Diyos nguni’t hindi Siya
nakikilala, at naniniwala sa Diyos nguni’t tinututulan Siya, ay tunay na
makakatupad sa ninanasa ng Diyos?
mula sa “Punong Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Batas
ito ng langit at panuntunan ng lupa na maniwala sa Diyos at kilalanin
ang Diyos, at ngayon—personal Niyang gagawin ang Kanyang gawain sa
panahon na nagkatawang tao ang Diyos—isang tiyak na magandang
pagkakataon upang makilala ang Diyos. Nakakamit ang pagbibigay-kasiyahan
sa Diyos sa pundasyon ng pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at upang
maunawaan ang kalooban ng Diyos, kinakailangan na makilala ang Diyos.
Ang kaalamang ito ng Diyos ay ang pananaw na dapat magkaroon ang isang
mananampalataya; ito ang batayan ng paniniwala ng tao sa Diyos. Kung
walang ganitong kaalaman ang tao, sa gayon malabo ang kanyang paniniwala
sa Diyos, at nasa walang laman na teorya. Kahit na ito ay kapasiyahan
ng mga tao na tulad nito na sundin ang Diyos, wala silang nakamit. Ang
mga aalisin ay ang lahat ng mga walang nakamit sa daloy na ito, at sila
ang mga tao na gumagawa lamang nang pinaka mababa. Alinmang hakbang ng
gawain ng Diyos ang iyong maranasan, dapat kang samahan ng isang
makapangyarihang pananaw. Kung walang katulad ng ganitong pananaw,
magiging mahirap para sa iyo na tanggapin ang bawat hakbang ng mga
bagong gawain, dahil hindi kaya ng tao na ilarawan sa diwa ang mga
bagong gawa ng Diyos, lampas ito sa pagkaintindi ng tao. At kaya kung
walang pastol na gagabay sa tao, kung walang pastol na nagsama ng
tungkol sa mga pananaw, hindi magagawa ng tao na tanggapin ang bagong
gawain na ito. Kung hindi kayang tanggapin ng tao itong mga pananaw, sa
gayon hindi niya matatanggap ang mga bagong gawain ng Diyos, at kung
hindi kayang sundin ng tao ang bagong gawain ng Diyos, sa gayon hindi
kayang intindihin ng tao ang kalooban ng Diyos, at pati ang kanyang
kaalaman tungkol sa Diyos ay mawawalan ng halaga. Bago tuparin ng tao
ang mga salita ng Diyos, dapat niyang malaman ang mga salita ng Diyos,
iyon ay, ang maunawaan ang kalooban ng Diyos; sa ganitong paraan lamang
maaaring matupad nang tiyak ang mga salita ng Diyos at ayon sa puso ng
Diyos. Dapat itong taglayin ng lahat ng mga taong naghahanap ng
katotohanan, at ang proseso na dapat maranasan ng lahat ng mga taong
sinusubukang kilalanin ang Diyos. Ang proseso ng pagkilala ng mga salita
ng Diyos ay ang proseso ng pagkilala sa Diyos, at ang proseso rin ng
pag-alam ng gawain ng Diyos. At sa gayon, hindi lamang tumutukoy sa
pag-alam ng pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao ang pag-alam ng mga
pananaw, ngunit kabilang din ang pagkilala sa mga salita at gawa ng
Diyos. Mula sa mga salita ng Diyos ang mga tao ay dumating upang
maunawaan ang kalooban ng Diyos, at mula sa gawain ng Diyos dumating
sila upang malaman ang disposisyon ng Diyos at katauhan ng Diyos. Ang
paniniwala sa Diyos ay ang unang hakbang sa pagkilala sa Diyos. Ang
proseso ng pagsulong mula sa paunang paniniwala sa Diyos tungo sa
pinakamalalim na paniniwala sa Diyos ay ang proseso ng pagkilala sa
Diyos, at ang proseso ng pagdama sa gawa ng Diyos. Kung ikaw ay
naniniwala lamang sa Diyos alang-alang sa paniniwala sa Diyos, at hindi
naniniwala sa Diyos upang makilala ang Diyos, sa gayon ay walang
katotohanan sa iyong paniniwala, at hindi ito maaaring maging dalisay—at
gayon ito ay walang duda. Kung, sa oras ng proseso na kung saan
nadarama niya ang Diyos, unti-unting nakikilala ng tao ang Diyos, at ang
kanyang disposisyon ay unti-unting magbabago, at ang kanyang paniniwala
ay unti-unting magiging totoo. Sa ganitong paraan, kapag nakakamit ng
tao ang tagumpay sa paniniwala sa Diyos, ganap niyang makakamit ang
Diyos. Malayo ang pinagdaanan ng Diyos upang maging tao para sa
ikalawang pagkakataon at personal na gawin ang Kanyang gawa upang magawa
Siyang kilalanin ng tao, at upang makita Siya. Ang pagkilala sa Diyos[a]
ay ang huling epekto na makakamit sa katapusan ng gawain ng Diyos; ito
ang huling kinakailangan ng Diyos sa sangkatauhan. Ginagawa Niya ito
para sa kapakanan ng Kanyang huling pagpapatotoo, at upang sa wakas at
ganap ng makabalik ang tao sa Kanya. Magagawa lamang ng tao na mahalin
ang Diyos sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos, at para ibigin ang Diyos
dapat niyang makilala ang Diyos. Hindi mahalaga kung paano siya
naghahanap, o kung ano ang kanyang hinahangad na makamit, dapat niyang
makamit ang pagkilala sa Diyos. Tanging sa paraan lamang na ito
makakapagbigay ang tao ng kasiyahan sa puso ng Diyos. Tanging sa
pamamagitan ng pagkilala sa Diyos tunay na maniniwala ang tao sa Diyos,
at tanging sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos tunay niyang igagalang
at susundin ang Diyos. Hindi kailanman tunay na susunod at igagalang ang
Diyos ng mga hindi nakakakilala sa Diyos. Kabilang sa pagkilala sa
Diyos ang pagkilala sa disposisyon ng Diyos, pag-unawa sa kalooban ng
Diyos, at pagkilala sa katauhan ng Diyos. Ngunit kung ano man itong
aspeto ng pagkilala sa Diyos, kinakailangan ng bawat tao na magbayad ng
halaga, at kinakailangan ng kalooban na sumunod, na wala kung saan
walang makasusunod hanggang sa katapusan. Sadyang salungat sa mga
pagkaintindi ng tao ang gawa ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos at
sadyang mahirap para sa tao na malaman ang katauhan ng Diyos, at lahat
ng sinasabi at ginagawa ng Diyos ay sadyang hindi maunawaan ng tao; kung
ninanais ng tao na sumunod sa Diyos, ngunit hindi nais tumupad sa
Diyos, sa gayon walang makakamit ang tao. Simula nang lalangin ang
sanglibutan hanggang ngayon, marami ng tinupad na mga gawain ang Diyos
na hindi kayang unawain ng tao at kung saan nahirapan ang tao na
tanggapin, at maraming nasabi ang Diyos na nagpapahirap sa paglunas ng
mga pagkaintindi ng tao. Ngunit hindi Siya kailanman tumigil sa Kanyang
gawain dahil ang tao ay maraming kahirapan; ipinagpatuloy Niya ang
pagtatrabaho at pagsasalita, at kahit na maraming bilang ng mga
“mandirigma” ang bumagsak sa gilid ng daan, ginagawa pa rin Niya ang
Kanyang gawain, at nagpapatuloy sa pagpili ng grupo ng mga tao na nais
sumunod sa Kanyang bagong gawain. Hindi Siya nahahabag sa mga bumagsak
na mga “bayani,” ngunit sa halip ay pinapahalagahan ang mga taong
tumanggap ng Kanyang bagong gawain at mga salita. Ngunit hanggang saan
Siya gagawa sa ganitong paraan, baitang-baitang? Bakit palagi Siyang
nagtatanggal at pumipili ng mga tao? Bakit palagi Niyang ginagawa ang
ganitong kaparaanan? Ang makilala Siya ng mga tao ang layunin ng Kanyang
gawain, at sa gayon makamit Niya. Ang prinsipyo ng Kanyang gawain ay
upang gumawa sa mga kayang sumunod sa Kanyang mga gawaing ginagawa Niya
ngayon, at hindi gumawa sa mga sumusunod sa Kanyang nakaraang gawain,
ngunit sumasalungat sa Kanyang gawain ngayon. Ito ang tunay na dahilan
kung bakit Niya inalis ang napakaraming tao.
mula sa “Tanging ang mga Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Yaon
ay ang paniniwala sa Diyos nang sa gayon ikaw ay sumunod sa Diyos,
mahalin ang Diyos at gawin ang tungkulin na dapat gawin bilang isang
nilikha ng Diyos. Ito ang layunin ng paniniwala sa Diyos. Dapat mong
makamit ang isang kaalaman ng kariktan ng Diyos, kung gaano
karapat-dapat ang Diyos sa paggalang, kung paano, sa Kanyang mga
nilikha, ginagawa ng Diyos ang gawain ng pagliligtas at ginagawa silang
perpekto—ito ang pinakamababa na dapat mong taglayin sa iyong paniniwala
sa Diyos. Ang paniniwala sa Diyos ay pangunahin na pagpapalit mula sa
isang buhay sa katawang-tao tungo sa isang buhay ng nagmamahal sa Diyos,
mula sa isang buhay sa loob ng kalikasan tungo sa isang buhay sa loob
ng pagka-Diyos ng Diyos, ito ay ang paglabas mula sa ilalim ng sakop ni
Satanas at pamumuhay sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Diyos,
ito ay ang makayanang makamit ang pagkamasunurin sa Diyos at hindi
pagkamasunurin sa laman, ito ay pagpapahintulot sa Diyos na makamtan ang
iyong buong puso, pagpapahintulot sa Diyos na gawin kang perpekto at
pagpapalaya sa iyong sarili mula sa tiwaling mala-demonyong disposisyon.
Ang paniniwala sa Diyos ay pangunahin upang ang kapangyarihan at
kaluwalhatian ng Diyos ay mahayag sa iyo, nang sa gayon maaari mong
maisagawa ang kalooban ng Diyos, at maganap ang plano ng Diyos, at
makayanang magbigay patotoo sa Diyos sa harap ni Satanas. Ang paniniwala
sa Diyos ay hindi dapat upang makita ang mga tanda at mga kababalaghan,
ni hindi dapat para sa kapakanan ng iyong personal na laman. Ito ay
dapat para sa pagtugis sa pagkilala sa Diyos, at makayanang sumunod sa
Diyos, at tulad ni Pedro, sumunod sa Kanya hanggang kamatayan. Ito ay
kung ano ang pangunahin upang makamit. At kumain at uminom ng salita ng
Diyos ay upang makilala ang Diyos at upang mabigyan-kasiyahan ang Diyos.
Ang kumain at uminom ng salita ng Diyos ay nagbibigay sa iyo nang mas
higit na kaalaman sa Diyos, at tanging pagkatapos ay maaari kang sumunod
sa Diyos. Tanging kung makikilala mo ang Diyos maaari mo Siyang
mahalin, at ang pagkamit ng layuning ito ay ang tanging layon na dapat
mayroon ang tao sa kanyang paniniwala sa Diyos. Kung, sa iyong
paniniwala sa Diyos, palagi mong sinusubukang makita ang mga tanda at
mga kababalaghan, samakatwid ang pagtingin ng ganitong paniniwala ay
mali. Ang paniniwala sa Diyos ay pangunahin ang pagtanggap sa salita ng
Diyos bilang realidad ng buhay. Tanging sa pagsasagawa ng mga salita ng
Diyos mula sa Kanyang bibig at pagsasakatuparan nito sa iyong sariling
kalooban makakamit ang layon ng Diyos. Sa paniniwala sa Diyos, dapat
tugisin ng tao ang magawang perpekto siya ng Diyos, ang makayanang
pasailalim sa Diyos, at ang kumpletong pagkamasunurin sa Diyos. Kung
maaari kang makasunod sa Diyos na hindi nagrereklamo, maaalalahanin sa
mga pagnanais ng Diyos, makamtan ang tayog ni Pedro, at taglayin ang
estilo ni Pedro na tinukoy ng Diyos, sa gayon makakamtan mo ang tagumpay
ng paniniwala sa Diyos, at ito ay magiging tanda na ikaw ay nakamtan ng
Diyos.
mula sa “Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Dahil
ikaw ay naniniwala sa Diyos, ikaw ay dapat kumain at uminom sa Kanyang
salita, danasin ang Kanyang salita, at isabuhay ang Kanyang salita. Ito
lamang ang paniniwala sa Diyos. Kung sinasabi mong ikaw ay naniniwala sa
Diyos nguni’t hindi makapagpahayag ng kahit na ano sa Kanyang salita o
isagawa ang mga iyon, ikaw ay hindi masasabing naniniwala sa Diyos. Ito
ay “paghahanap ng tinapay upang pawiin ang gutom.” … Ang mga naniniwala
sa Diyos ay nararapat magtaglay ng mabuting pag-uugali sa panlabas, sa
pinakamababa, at higit na mahalaga ay ang pagkakaroon ng salita ng
Diyos. Kahit na anong mangyari, hindi mo kailanman matatalikuran ang
Kanyang salita. Ang iyong pagkakilala sa Diyos at pagtupad ng Kanyang
kalooban ay nakakamit lahat sa pamamagitan ng Kanyang salita. Ang lahat
ng mga bansa, sekta, taguri at sektor ay malulupig sa pamamagitan ng
salita sa hinaharap. Magsasalita ang Diyos nang tuwiran, at ang lahat ng
tao ay hahawakan ang salita ng Diyos sa kanilang mga kamay; sa
pamamagitan nito ay magagawang perpekto ang mga tao. Ang salita ng Diyos
ay lumalaganap saanman: Ang mga tao ay pinag-uusapan ang salita ng
Diyos at nagsasagawa ayon sa salita ng Diyos, habang ang iniingatan sa
kalooban ay salita pa rin ng Diyos. Kapwa sa loob at sa labas, sila ay
babad sa salita ng Diyos, at dahil dito sila ay ginagawang perpekto. Ang
mga tumutupad sa kalooban ng Diyos at kayang sumaksi sa Kanya ay yaong
mga nagtataglay ng salita ng Diyos bilang katunayan.
Ang pagpasok
tungo sa Kapanahunan ng Salita, iyan ay, ang Kapanahunan ng Milenyong
Kaharian, ay ang gawain na tinatapos ngayon. Mula ngayon, isagawa ninyo
ang pagbabahaginan tungkol sa salita ng Diyos. Tanging sa pagkain at
pag-inom sa Kanyang salita at pagdanas dito maaari mong ipakita ang
salita ng Diyos. Sa pamamagitan lamang ng iyong mga salita ng karanasan
maaaring mahikayat mo ang iba. Kung wala sa iyo ang salita ng Diyos,
walang mahihikayat! Ang lahat ng ginagamit ng Diyos ay may kakahayang
ipahayag ang salita ng Diyos. Kung hindi mo kaya, ito ay nagpapakita na
ang Banal na Espiritu ay hindi nakágáwâ sa iyo, at ikaw ay hindi
nagáwáng perpekto. Ito ang kahalagahan ng salita ng Diyos.
mula sa “Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang
pamamaraan kung saan nararanasan ng mga tao ang mga salita ng Diyos ay
ang kaparehong pamamaraan kung saan nakikilala nila ang pagpapakita ng
mga salita ng Diyos sa katawang-tao. Mas nararanasan ng mga tao ang mga
salita ng Diyos, mas lalong nakikilala nila ang Espiritu ng Diyos; sa
pamamagitan ng pagdanas sa mga salita ng Diyos, nauunawaan ng mga tao
ang mga prinsipyo na gawa ng Espiritu at nakikilala ang praktikal na
Diyos Mismo. Sa katunayan, kapag ginagawang perpekto ng Diyos ang mga
tao at nakakamit sila, Kanyang pinapaalam sa kanila ang mga gawa ng
praktikal na Diyos; ginagamit Niya ang gawa ng praktikal na Diyos upang
ipakita sa mga tao ang aktwal na kabuluhan ng pagkakatawang-tao, at
upang ipakita sa kanila na ang Espiritu ng Diyos ay talagang nagpakita
sa harapan ng tao. Kapag ang mga tao ay nakamtan ng Diyos at nagawang
perpekto ng Diyos, ang mga pagpapahayag ng praktikal na Diyos ay nalupig
sila, nabago sila ng mga salita ng praktikal na Diyos, at ibinigay ang
Kanyang buhay sa loob nila, pinupuspos sila ng kung ano Siya (ito man ay
kung ano Siya na pagkatao, o kung ano Siya sa pagka-Diyos), pinuspos
sila ng diwa ng Kanyang mga salita, at hinahayaang isabuhay ng mga tao
ang Kanyang mga salita. Kapag nakakamit ng Diyos ang mga tao,
pangunahing ginagawa Niya ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga salita
at pagbigkas ng praktikal na Diyos upang pakitunguhan ang mga kakulangan
ng tao, at upang hatulan at ibunyag ang kanilang mapanghimagsik na
disposisyon, na nagdudulot sa kanilang makamit ang kanilang kailangan,
at ipinapakita sa kanila na ang Diyos ay dumating na sa tao.
Pinakamahalaga, ang gawain na ginawa ng praktikal na Diyos ay ang
pagliligtas sa bawat tao mula sa impluwensya ni Satanas, paglayo sa mga
ito mula sa lupain ng karumihan, at pagpawaksi sa kanilang mga tiwaling
disposisyon. Ang pinaka-malalim na kabuluhan ng pagiging nakamit ng
praktikal na Diyos ay ang magawa bilang isang huwaran ang praktikal na
Diyos, bilang isang modelo, at mamuhay na normal na pagkatao, makayanang
magsagawa ayon sa mga salita at mga kinakailangan ng praktikal na
Diyos, nang walang kahit na maliit na paglihis o pag-alis, isinasagawa
sa paanong paraan ang Kanyang sinasabi, at nagagawang matamo ang anumang
hinihiling Niya. Sa ganitong paraan, nakamit mo na ang Diyos.
mula sa “Dapat Mong Malaman na ang Praktikal na Diyos ay ang Diyos Mismo” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Mas
malaki ang iyong pagkaunawa sa mga salita ng Diyos at mas isinasagawa
mo ang mga iyon, mas mabilis kang makapapasok tungo sa landas ng
pagpeperpekto ng Diyos. Sa pamamagitan ng pananalangin, ikaw ay
mapeperpekto sa gitna ng mga panalangin; sa pamamagitan ng pagkain at
pag-inom ng mga salita ng Diyos, pagunawa sa diwa ng mga salita ng
Diyos, at pagsasabuhay ng realidad ng mga salita ng Diyos, ikaw ay
mapeperpekto. Sa pamamagitan ng pagdaranas ng mga salita ng Diyos
araw-araw, dumarating ka sa pagkaalam ng kung ano ang kulang sa iyo, at
higit sa rito, dumarating ka sa pagkaalam sa iyong sakong ni Achilles at
sa iyong mga kahinaan, at nag-aalay ka ng panalangin sa Diyos, sa
pamamagitan nito ikaw ay unti-unting napeperpekto. Ang mga landas sa
pagpeperpekto: pananalangin, pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos,
pagkaunawa sa diwa ng mga salita ng Diyos, pagpasok tungo sa pagdaranas
ng mga salita ng Diyos, pagdating sa pagkakaalam ng kung ano ang kulang
sa iyo, pagsunod sa gawain ng Diyos, pagsasaisip sa pasanin ng Diyos at
pagdaig sa laman sa pamamagitan ng iyong mapagmahal na puso, at malimit
na pagsasamahan sa mga kapatid na lalaki at babae, na nagpapayaman sa
iyong mga karanasan. Kung ito man ay buhay-komunidad o iyong pansariling
buhay, at kung ito man ay mga malalaking pagtitipon o maliliit, ang
lahat ay makapagpapahintulot sa iyo na magkaroon ng mga karanasan at
makatanggap ng pagsasanay upang ang iyong puso ay mapapayapa sa harap ng
Diyos at makabalik sa Diyos. Lahat ng ito ay ang proseso ng pagiging
pineperpekto. Ang pagdaranas sa mga salita ng Diyos na aking sinalita ay
nangangahulugan ng tunay na pagtikim sa mga salita ng Diyos at
pagpapaubaya na ang mga salita ng Diyos ay makita sa iyong buhay upang
ikaw ay magkaroon ng mas malaking pananampalataya at pag-ibig tungo sa
Diyos. Sa pamamagitan ng paraang ito, unti-unti mong maiwawaksi ang
tiwaling maka-Satanas na disposisyon, unti-unti mong maaalis sa iyong
sarili ang di-wastong mga motibo, at isabuhay ang wangis ng isang normal
na tao. Mas malaki ang pag-ibig sa Diyos sa loob mo–na ibig sabihin,
mas malaking bahagi sa iyo ang naperpekto na ng Diyos-mas kaunti na ang
ginawang pagtiwali sa iyo ni Satanas. Salamat sa tunay na mga karanasan,
ikaw ay unti-unting makapapasok tungo sa landas ng pagpeperpekto.
Samakatuwid, kung nais mong maperpekto, ang pagsasaisip sa kalooban ng
Diyos at pagdaranas ng mga salita ng Diyos ay lalong mahalaga.
mula sa “Isaisip ang Kalooban ng Diyos Upang Makamit ang Pagka-perpekto” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kung
nais ng mga tao na maging buhay na katauhan, at magpatotoo sa Diyos, at
sang-ayunan ng Diyos, dapat nilang tanggapin ang pagliligtas ng Diyos,
dapat silang sumuko nang malugod sa Kanyang paghatol at pagkastigo, at
dapat nilang tanggapin nang malugod ang pagpupungos at pakikitungo ng
Diyos. Saka lamang nila magagawang isagawa ang lahat ng mga katotohanang
hinihingi ng Diyos na isabuhay, at saka lamang nila makakamtan ang
pagliligtas ng Diyos, at magiging tunay na mga buhay na katauhan.
mula sa “Ikaw Ba’y Nabuhay?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ginagawang
perpekto ng Diyos ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang pagtalima, sa
pamamagitan ng kanilang pagkain, pag-inom, at kasiyahan sa mga salita ng
Diyos, at sa pamamagitan ng mga pagdurusa at pagpipino sa kanilang mga
buhay. Sa pamamagitan lamang ng pananampalatayang gaya nito mababago ang
disposisyon ng mga tao, at saka lamang nila makakamit ang tunay na
karunungan sa Diyos. Ang hindi pagiging kuntento sa pamumuhay sa gitna
ng mga biyaya ng Diyos, pagiging laging nauuhaw para sa katotohanan, at
paghahanap para sa katotohanan, at paghahabol na maging pag-aari ng
Diyos—ito ang ibig sabihin ng maingat na pagtalima sa Diyos: ito ang
eksaktong uri ng pananampalatayang gusto ng Diyos.
mula sa “Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Dapat
mong hanapin ang buhay. Ngayon, sila na gagawing perpekto ay katulad ng
uri ni Pedro: Sila ay ang mga naghahanap ng mga pagbabago sa kanilang
sariling disposisyon, at malugod na maglahad ng testimonya sa Diyos at
gawin ang kanilang tungkulin bilang nilalang ng Diyos. Ang mga tao
lamang na gaya nito ang gagawing perpekto. Kung ikaw ay tumitingin
lamang sa mga gantimpala, at hindi sumusumpong na baguhin ang iyong
sariling disposisyon, kung gayon lahat ng iyong mga pagsisikap ay
magiging walang saysay—at ito ay isang katotohanang hindi na mababago!
mula sa “Ang Tagumpay o Pagkabigo ay Depende sa Daan na Tinatahak ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ano
ang pagbabago ng disposisyon? Dapat kang maging isang mangingibig ng
katotohanan, tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos
habang nararanasan mo ang Kanyang gawain, at danasin ang lahat ng uri ng
pagdurusa at pagpipino, sa pamamagitan nito ikaw ay dinadalisay sa
mala-satanas na mga lason sa loob mo. … Ang pagbabago sa disposisyon ay
nangangahulugan na ang isang tao, sapagkat iniibig niya at kayang
tanggapin ang katotohanan, sa wakas ay nakarating siya sa pagkaunawa sa
kanyang kalikasang masuwayin at lumalaban sa Diyos; nauunawaan niya na
ang katiwalian ng tao ay napakalalim at nauunawaan ang kabalintunaan at
pagiging mapanlinlang ng tao. Nalalaman niya ang kasalatan at pagiging
kahabag-habag ng tao, at nauunawaan sa wakas ang kalikasan at pinakadiwa
ng tao. Sa pagkaalam sa lahat ng ito, maitatanggi niya at matatalikuran
ang kanyang sarili nang lubos, mabubuhay sa pamamagitan ng salita ng
Diyos, at maisasagawa ang katotohanan sa lahat ng bagay. Nakikilala ng
gayong tao ang Diyos at nagawang baguhin ang kanyang disposisyon.
mula sa “Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
ng
isang pagbabago sa disposisyon ay pangunahing tumutukoy sa isang
pagbabago sa iyong kalikasan. Ang kalikasan ay hindi isang bagay na
maaari mong makita mula sa panlabas na mga paggawi; ang kalikasan ay
tuwirang may kinalaman sa halaga at kabuluhan ng pag-iral ng mga tao.
Ito ay may tuwirang kinalaman sa mga pagpapahalaga sa buhay ng tao, ang
mga bagay na nasa kaibuturan ng kaluluwa, at ang pinakadiwa ng tao. Kung
hindi kayang tanggapin ng mga tao ang katotohanan, kung gayon sila ay
walang mga pagbabago sa ganitong mga aspeto. Kapag naranasan ng mga tao
ang gawain ng Diyos at nakapasok nang tuluyan sa katotohanan, binago ang
kanilang mga pagpapahalaga at mga pananaw sa pag-iral at buhay, namalas
ang mga bagay sa katulad na paraan ng sa Diyos, at magagawang lubos na
magpasakop at italaga ang kanilang mga sarili sa Diyos saka lamang
maaaring sabihin na ang kanilang mga disposisyon ay nabago.
mula sa “Kung Ano ang Dapat Mong Malaman Tungkol sa Pagbabago ng Iyong Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
agkatapos
magdanas hanggang sa isang partikular na punto, ang mga pananaw sa
buhay ng isang tao, kabuluhan ng pag-iral, at ang saligan ng pag-iral ay
lubos na magbabago. Kaya naman, ikaw ay muling isisilang, at magiging
isang lubos na naiibang tao. Ito ay kamangha-mangha! Ito ay isang
malaking pagbabago; ito ay isang pagbabago na nagpapabaligtad sa lahat
ng bagay. Madadama na ang gayong katanyagan, pakinabang, posisyon,
kayamanan, mga kagalakan, at ang kaluwalhatian ng mundo ay balewala at
nagagawa mong pakawalan ang mga ito nang walang kahirap-hirap. Ito ay
isang tao sa wangis ng isang tao. Yaong mga sa bandang huli ay ginawang
ganap ay magiging isang grupong kagaya nito. Mabubuhay sila para sa
katotohanan, para sa Diyos, at para sa pagkamatuwid. Ito ang wangis ng
isang tao.
mula sa “Pagkaunawa sa mga Pagkakatulad at mga Pagkakaiba sa Kalikasan ng Tao ” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
Kung
nakikilala ng isa ang Diyos at taglay ang katotohanan doon pa lamang
siya nabubuhay sa liwanag; at kapag ang kanyang pananaw sa mundo at ang
kanyang pananaw sa buhay ay nagbago doon pa lamang siya talagang
nagbago. Kapag mayroon siyang isang mithiin sa buhay at iginagawi ang
sarili niya alinsunod sa katotohanan; kapag lubos siyang nagpapasakop sa
Diyos at nabubuhay sa salita ng Diyos; kapag nakatitiyak siya at
naliwanagan nang husto sa kanyang kaluluwa; kapag ang kanyang puso ay
malaya sa kadiliman; at kapag siya ay nabubuhay nang may lubos na
kalayaan at hindi napipigilan sa presensiya ng Diyos—sa gayon lamang
niya naisasabuhay ang isang tunay na buhay ng tao at nagiging isang tao
na tinataglay ang katotohanan. Bukod dito, ang lahat ng katotohanang
taglay mo ay mula sa salita ng Diyos at mula sa Diyos Mismo. Ang
Mananakop ng buong sandaigdigan at ng lahat ng mga bagay—ang Diyos na
Kataas-taasan—kinakasihan ka, bilang isang totoong tao na isinasabuhay
ang tunay na buhay ng tao. Ano pa ang hihigit pang mas makahulugan kaysa
dito? Ang gayon ay isang tao na taglay ang katotohanan.
mula sa “Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo
Mga Talababa:
a. Ang orihinal na teksto ay nagsasabi ng “Ang gawain ng pagkilala sa Diyos.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento