✝️🙏✝️ ⭐🙏✝️ ⭐🙏✝️ ⭐🙏✝️ ⭐🙏✝️ ⭐🙏✝️ ⭐🙏✝️ ⭐🙏✝️ ⭐🙏✝️
Nauugnay sa pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos
Ang gawaing
panlulupig ngayon ay upang mabawi ang lahat ng patotoo at kaluwalhatian,
at ang lahat ng tao ay pasambahin sa Diyos, upang mayroong patotoo sa
mga nilikha. Ito ang dapat na matapos sa hakbang na ito ng gawain. Paano
ba talaga malulupig ang sangkatauhan? Ito ay magagawa sa paggamit
nitong gawa ng mga salita upang lubos na mahikayat ang tao; sa paggamit
ng pagsisiwalat, paghatol, pagkastigo, at walang-awang sumpa upang siya
ay lubos na masupil; at sa pagsisiwalat ng pagka-mapaghimagsik ng tao
at paghatol sa kanyang paglaban upang malaman niya ang di-pagkamatuwid
at karumihan ng sangkatauhan, na gagamitin upang itampok ang matuwid na
disposisyon ng Diyos. Higit sa lahat, itong mga paggamit ng mga salitang
ito ang lumulupig sa tao at lubos na humihikayat sa kanya. Ang mga
salita ay ang paraan sa kahuli-hulihang panlulupig sa sangkatauhan, at
silang lahat na tumatanggap ng pag-lupig ay dapat tanggapin ang
pananakit at paghatol ng mga salita. Ang kasalukuyang proseso ng
pagsasalita ay ang proseso ng panlulupig. Paano ba talaga dapat
makipagtulungan ang mga tao? Sa pamamagitan ng mabisang pagkain at pag
inom ng mga salitang ito at pag-unawa sa mga ito. Hindi maaaring malupig
ang mga tao ng kanilang mga sarili. Dapat, mula sa pagkain at pag-inom
ng mga salitang ito, ay makilala nila ang kanilang kasamaan at
karumihan, ang ka-nilang pagka-mapaghimagsik at di-pagkamatuwid, at
magpatirapa sa harap ng Diyos. Kung kaya mong unawain ang kalooban ng
Diyos at pagkatapos ay isagawa ito at, bukod diyan, magkaroon ng
pangitain, at kung kaya mong lubos na sundin ang mga salitang ito at
hindi tutuparin ang kahit na alin sa iyong mga sariling pagpili, saka ka
nalulupig. At itong mga sali-tang ito ang nakalupig sa iyo. Bakit
nawala ng sangkatauhan ang patotoo? Dahil walang sinuman ang may
pananampalataya sa Diyos o tangan sa paanuman ang Diyos sa kanyang puso.
Ang panlulupig sa sangkatauhan ay nangangahulugan ng panunumbalik ng
tao sa pananampalatayang ito. Ang mga tao ay laging nakahilig sa
kamunduhan, nagkikimkim ng napakaraming inaasahan, nagnanasa nang
sobra-sobra para sa kanilang kinabukasan, at may napakaraming maluhong
pangangailangan. Lagi nilang iniisip ang patungkol sa at pagplano para
sa kanilang laman at hindi kailanman interesado sa paghahanap ng daan sa
paniniwala sa Diyos. Ang kanilang mga puso ay nabihag na ni Satanas,
nawala na nila ang kanilang paggalang sa Diyos, at itinatalaga nila ang
kanilang puso kay Satanas. Ngunit ang tao ay nilikha ng Diyos. Gayon,
nawala ng tao ang kanyang patotoo, ibig sabihin ay nawala na niya ang
kaluwalhatian ng Diyos. Ang layunin ng panlulupig sa tao ay upang mabawi
ang kaluwalhatian ng paggalang ng tao sa Diyos.
mula sa “Ang Katotohanang Napapaloob sa Gawaing Panlulupig (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang
layunin ng Aking gawain upang lupigin ay hindi lamang para sa kapakanan
ng panlulupig, kundi manlupig upang sa gayon ay ibunyag ang
pagkamatuwid at kalikuan, upang makakuha ng patunay para sa parusa ng
tao, upang sumpain ang masama, at higit pa, upang lumupig para sa
kapakanan ng pagka-perpekto sa yaong mga nakahandang sumunod.
mula
sa “Yaong Mga Sumusunod sa Diyos na Mayroong Isang Tunay na Puso ay
Tiyak na Makakamit ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa
Katawang-tao
Ang kasalukuyang gawaing panlulupig ay gawaing
nilayong liwanagin ang magiging katapusan ng tao. Bakit Ko sinasabi na
ang pagkastigo at paghatol ngayon ay ang paghatol sa harap ng dakilang
puting trono sa mga huling araw? Hindi mo ba nakikita ito? Bakit ang
gawaing panlulupig ang huling yugto? Hindi ba tiyak na ito ay upang
ihayag kung ano ang kahihinatnan ng bawat uri ng tao? Hindi ba ito ay
para hayaan ang lahat, sa pagpapatuloy ng gawaing panlulupig ng
pagkastigo at paghatol, upang ipakita ang kanyang mga tunay na kulay at
sa gayon pangkatin ayon sa uri pagkatapos? Sa halip na sabihing ito ay
ang panlulupig sa sangkatauhan, baka mas maiging sabihin na pinapakita
nito kung ano ang kahihinatnan ng bawat uri ng tao. Iyon ay, ito ang
paghatol sa kanilang mga kasalanan at pagkatapos ipinakikita ang iba't
ibang mga uri ng tao, sa gayon pinapagpasyahan kung sila ay masama o
matuwid. Matapos ang gawaing panlulupig ay susunod ang gawain ng
paggantimpala sa mabuti at pagparusa sa masama: Ang mga tao na lubusang
sumusunod, nangangahulugang silang mga puspusang nalupig, ay ilalagay sa
susunod na hakbang ng pagpalaganap ng gawain sa buong sansinukob; ang
mga di-nalupig ay ilalagay sa kadiliman at mahaharap sa kalamidad. Sa
gayon, ang tao ay papangkatin ayon sa uri, ang mga gumagawa ng masama ay
magsama-sama sa masama, hindi na kailanman makakakita ng sikat ng araw,
at ang mga matuwid ay magsama-sama sa mabuti, upang tumanggap ng
liwanag at mabuhay sa liwanag magpakailanman. Ang katapusan ay nalalapit
na para sa lahat ng bagay, ang katapusan ng tao ay maliwanag nang
ipinakita sa kanyang mga mata, at ang lahat ng bagay ay papangkatin ayon
sa uri. Paano gayon makatatakas ang mga tao sa paghihirap ng
pagpapangkat na ito? Ang pagbubunyag ng katapusan ng bawat klase ng tao
ay tapos na kapag ang katapusan ay nalalapit na ukol sa lahat ng bagay,
at ito ay gagawin habang ginagawa ang panlulupig sa buong sansinukob
(kabilang ang lahat ng gawaing panlulupig nagsisimula sa kasalukuyang
gawain). Itong pagbubunyag ng katapusan ng sangkatauhan ay gagawin sa
harap ng luklukan ng paghatol, sa pagpapatuloy ng pagkastigo, at sa
pagpapatuloy ng gawaing panlulupig sa mga huling araw. ... Ang
kahuli-huling yugto sa panlulupig ay naglalayong magligtas ng mga tao at
magbunyag din ng mga katapusan ng mga tao. Ito ay upang isiwalat ang
pagpapakasama ng mga tao sa pamamagitan ng paghatol at sa gayon sila ay
magsisi, bumangon, at itaguyod ang buhay at ang tamang landas ng buhay
ng tao. Ito ay upang gisingin ang mga puso ng mga manhid at mapurol na
tao at upang ipakita, sa pamamagitan ng paghatol, ang kanilang panloob
na paghihimagsik Subalit, kung ang mga tao ay hindi pa rin makayang
magsisi, hindi pa rin makayang itaguyod ang tamang landas ng buhay ng
tao at hindi pa rin makayang itakwil ang mga kasamaang ito, sa gayon
sila ay magiging mga layon na hindi na maililigtas para malulon ni
Satanas. Ito ang kabuluhan ng panlulupig—upang iligtas ang mga tao at
upang ipakita rin ang kanilang katapusan. Magandang katapusan, masamang
katapusan-itong lahat ay ibinubunyag ng gawaing panlulupig. Kung ang mga
tao ay maliligtas o isusumpa ay ibinubunyag lahat sa panahon ng gawaing
panlulupig.
Ang mga huling araw ay kung kailan ang lahat ng mga
bagay ay pagpapangkat-pangkatin ayon sa kanilang uri sa pamamagitan ng
panlulupig. Ang panlulupig ay ang gawain sa mga huling araw; sa ibang
salita, ang paghatol sa bawat kasalanan ng tao ay ang gawain sa mga
huling araw. Sa gayon, paano pagpapangkat-pangkatin ang mga tao? Ang
gawain sa pagpapangkat-pangkat sa inyo ay ang umpisa ng ganitong gawain
sa buong sansinukob. Pagkatapos nito, ang lahat ng tao ng iba’t-ibang
bansa saanman ay mapasasailalim sa gawaing panlulupig. Nangangahulugan
ito na ang bawat tao ng sangnilikha ay pagpapangkat-pangkatin ayon sa
uri, paglapit sa luklukan ng paghatol upang hatulan. Walang tao at
walang bagay ang makakatakas sa pagdurusa nitong pagkastigo at paghatol,
at walang tao at walang bagay ang makakaiwas sa pagpapangkat-pangkat
ayon sa uri; ang lahat ay isasaayos ayon sa mga klase. Ito ay dahil ang
katapusan ay nalalapit na para sa lahat ng mga bagay at lahat ng mga
kalangitan at ang lupa ay humahantong sa wakas nito. Paano makatatakas
ang tao sa katapusan ng kanyang pag-iral?
mula sa “Ang Katotohanang Napapaloob sa Gawaing Panlulupig (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kung
ang gawain ng Diyos ay naglaan sa tao ng isang katapusan, isang
kamangha-manghang hantungan, nang mas maaga, at kung ginagamit ito ng
Diyos upang hikayatin ang tao at magawang pasunurin ang tao sa
Kanya—kung gumawa Siya ng kasunduan sa tao—kung gayon hindi ito magiging
paglupig, ni hindi ito para trabahuin ang buhay ng tao. Kung gagamitin
ng Diyos ang katapusan upang kontrolin ang tao at matamo ang kanyang
puso, kung gayon sa ganito ay hindi Niya magagawang sakdal ang tao, at
ni hindi Niya magagawang matamo ang tao, ngunit sa halip gagamitin ang
hantungan upang kontrolin siya. Walang inaalala ang tao nang higit pa sa
hinaharap na katapusan, ang huling hantungan, at kung mayroon man o
walang inaasahang mabuti. Kung ang tao ay nabigyan ng magandang pag-asa
sa panahon ng gawain ng panlulupig, at kung, bago pa ang paglupig sa
tao, siya ay nabigyan ng isang angkop na hantungan upang hangarin, kung
gayon hindi lamang sa hindi matatamo ang epekto ng gawain ng panlulupig
sa tao, ngunit ang epekto ng gawain ng panlulupig ay maiimpluwensyahan
din. Iyon ay upang sabihin, natatamo ang epekto ng gawain ng panlulupig
sa pamamagitan ng pag-aalis sa kapalaran at mga inaasam ng tao at
paghatol at pagpaparusa sa mapaghimagsik na disposisyon ng tao. Hindi
ito matatamo sa paggawa ng isang kasunduan sa tao, iyon ay, sa
pamamagitan ng pagbibigay sa tao ng mga biyaya at mga pagpapala, ngunit
sa pamamagitan ng pagbunyag sa katapatan ng tao sa pamamagitan ng
pagtanggal sa kanyang kalayaan at pagpuksa sa kanyang mga inaasam. Ito
ang diwa ng gawain ng panlulupig. Kung ang tao ay nabigyan na ng
magandang pag-asa sa simula pa lamang, at ang gawaing pagkastigo at
paghatol ay ginawa pagkatapos, kung gayon ay tatanggapin ng tao ang
ganitong pagkastigo at paghatol sa batayang nagkaroon siya ng mga
inaasam, at sa katapusan, ang walang pasubaling pagsunod at pagsamba sa
Lumikha ng Kanyang mga nilikha ay hindi makakamit; magkakaroon lang ng
bulag, walang malay na pagsunod, kung hindi ay magkakaroon ng bulag na
mga kahilingan ang tao sa Diyos, kung kaya magiging imposible na ganap
na lupigin ang puso ng tao. Dahil dito, hindi makakaya ng gayong gawaing
panlulupig na matamo ang tao, ni hindi, higit pa rito, maglalahad ng
patotoo sa Diyos. Ang gayong mga nilalang ay hindi na makatutupad ng
kanilang tungkulin, at makikipagtawaran na lamang sa Diyos; hindi ito
magiging paglupig, ngunit habag at biyaya. Ang pinakamalaking suliranin
ng tao ay ang wala siyang iniisip kundi ang kanyang kapalaran at mga
inaasam, na sinasamba niya ang mga ito. Hinahanap ng tao ang Diyos para
sa kanyang kapalaran at mga inaasam; hindi niya sinasamba ang Diyos
dahil sa kanyang pag-ibig sa Kanya. Kung kaya, sa paglupig sa tao, ang
pagiging makasarili ng tao, kasakiman at ang mga bagay na pinakahadlang
sa kanyang pagsamba sa Diyos ay dapat maalis. Sa paggawa nito, ang mga
epekto ng paglupig sa tao ay matatamo. Bilang resulta, sa mga
pinakaunang paglupig sa tao, mahalaga na linisin muna ang mga ligaw na
ambisyon at ang pinakamalalang mga kahinaan ng tao, at, sa pamamagitan
nito, upang ibunyag ang pag-ibig ng tao sa Diyos, at mapalitan ang
kanyang kaalaman sa buhay ng tao, kanyang pagtingin sa Diyos, at ang
kahulugan ng kanyang pag-iral. Sa ganitong paraan, ang pag-ibig ng tao
sa Diyos ay malilinis, na ang ibig sabihin, ang puso ng tao ay nalupig.
Ngunit sa Kanyang saloobin sa lahat ng mga nilalang, hindi lumulupig ang
Diyos para lamang sa kapakanan ng panlulupig; sa halip, Siya ay
lumulupig upang matamo ang tao, para sa kapakanan ng Kanyang sariling
kaluwalhatian, at upang mabawi ang pinakauna at orihinal na wangis ng
tao. Kung Siya ay lulupig para lamang sa kapakanan ng paglupig, kung
gayon ang kabuluhan ng gawain ng panlulupig ay mawawala. Ito ay upang
masabi na kung, pagkatapos ang panlulupig sa tao, kung pababayaan na
lang ng Diyos ang tao, at hindi na makikialam sa kanyang buhay at
kamatayan, hindi na ito magiging pamamahala sa sangkatauhan, ni ang
paglupig sa tao ay magiging para sa kapakanan ng kanyang kaligtasan. Ang
pagtatamo lamang sa tao pagkatapos ng kanyang paglupig at ang kanyang
posibleng pagdating sa isang kamangha-manghang hantungan ay nasa puso ng
lahat ng gawain ng pagliligtas, at ito lamang ang makapagtatamo ng
layunin sa kaligtasan ng tao. Sa madaling sabi, ang pagdating lamang ng
tao sa magandang hantungan at ang kanyang pagpasok sa pamamahinga ay ang
mga inaasam na dapat taglay ng lahat ng mga nilalang, at ang gawain na
dapat isagawa ng Lumikha. …
… Kapag isinasagawa na Niya ang gawain
ng panlulupig, hindi ka kokontrolin ng Diyos gamit ang iyong mga
inaasam, kapalaran o hantungan. Hindi naman talaga kailangang gumawa sa
ganitong paraan. Ang layunin ng gawain ng panlulupig ay upang
maisakatuparan ng tao ang tungkulin ng isang nilalang, upang pasambahin
siya sa Maylalang, at pagkatapos lamang nito siya maaaring pumasok sa
kamangha-manghang hantungan.
mula sa
“Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa
Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa
Katawang-tao
Ang resultang makakamit mula sa gawaing panlulupig ay
una sa lahat upang ang laman ng tao ay huminto sa paghihimagsik, iyon
ay, upang magkaroon ang isipan ng tao ng panibagong pagkaunawa sa Diyos,
ang kanyang puso ay lubusang sumunod sa Diyos, at upang siya ay
magpasya na maging para sa Diyos. Kung paano nagbabago ang pag-uugali o
laman ng tao ay hindi sukatan kung siya ay nalupig na. Sa halip, kapag
ang iyong pag-iisip, ang iyong kamalayan, at ang iyong pandama ay
nagbago—iyon ay, kapag ang iyong buong saloobing pang-isipan ay
nagbago—ikaw ay nalupig na ng Diyos. Kapag ikaw ay nagpasyang sumunod at
nagkaroon na ng panibagong kaisipan, kapag hindi mo na dinadala ang
kahit na alin sa iyong mga paniwala o mga hangarin sa mga salita at
gawain ng Diyos, at kapag ang iyong utak ay nakakapag-isip na nang
matuwid, iyon ay, kapag kaya mo nang magsikap para sa Diyos nang buong
puso—ang ganitong uri ng tao ay siyang lubusan nang nalupig. Sa
kinasasaklawan ng relihiyon, maraming tao ang nagdurusa nang hindi
walang-kabuluhan sa kabuuan ng kanilang buhay, sinusupil ang kanilang
katawan at pinapasan ang kanilang krus, kahit pa naghihirap at nagtitiis
hanggang sa huli nilang hininga! Ang ilan ay nag-aayuno pa rin sa umaga
ng kanilang kamatayan. Buong buhay nila ay ipinagkait nila sa kanilang
mga sarili ang mga masasarap na pagkain at magarang mga kasuotan,
pinahahalagahan lamang ang pagdurusa. Kinaya nilang supilin ang kanilang
katawan at biguin ang kanilang laman. Ang kanilang diwa para sa
pagtitiis ng pagdurusa ay kahanga-hanga. Nguni’t ang kanilang pag-iisip,
ang kanilang mga paniwala, ang kanilang saloobing pang-isipan, at tunay
na ang kanilang lumang kalikasan—wala kahit isa sa mga ito ang
napakitunguhan man lamang. Wala silang tunay na pagkaunawa sa kanilang
mga sarili. Ang nasa isip nilang anyo ng Diyos ay isang makalumang anyo
ng isang walang-hugis at malabong Diyos. Ang kanilang paninindigan na
magdusa para sa Diyos ay galing sa kanilang sigasig at kanilang
positibong mga kalikasan. Kahit na sila ay naniniwala sa Diyos, hindi
nila nauunawaan ang Diyos o alam ang Kanyang kalooban. Sila ay bulag na
gumagawa at bulag na nagdurusa lamang para sa Diyos. Hindi nila
binibigyan ng kahit anong halaga ang pagiging mapanuri at halos walang
malasakit sa kung paano matitiyak na ang kanilang paglilingkod ay tunay
ngang tumutupad sa kalooban ng Diyos. Lalong hindi nila alam kung paano
makakamtan ang pagkaunawa sa Diyos. Ang Diyos na kanilang
pinaglilingkuran ay hindi ang Diyos na nasa Kanyang orihinal na anyo,
kundi isang Diyos na sila mismo ang may katha, isang Diyos na kanilang
nabalitaan, o isang maalamat na Diyos na natatagpuan sa mga babásáhín.
Sa gayon, ginagamit nila ang kanilang matalas na mga imahinasyon at ang
kanilang maka-Diyos na mga puso upang magdusa para sa Diyos at akuin
para sa Diyos ang gawain na nais gawin ng Diyos. Ang kanilang
paglilingkod ay masyadong di-tumpak, sa gayo’y wala kahit isang tunay na
naglilingkod sa Diyos sa paraang nakatutupad ng Kanyang kalooban. Kahit
na gaano pa sila kahandang magdusa, ang kanilang orihinal na pananaw sa
paglilingkod at kanilang nasa isip na anyo ng Diyos ay nananatiling
hindi nagbabago dahil hindi pa nila napapagdaanan ang paghatol at
pagkastigo ng Diyos at ang Kanyang pagdadalisay at pagpeperpekto, at
dahil walang kahit isang umakay sa kanila sa katotohanan. Kahit na
naniniwala sila kay Jesus na Tagapagligtas, walang kahit isa sa kanila
ang nakakita sa Tagapagligtas. Napag-alaman lamang nila ang tungkol sa
Kanya sa pamamagitan ng alamat at sabi-sabi. Sa gayon, ang kanilang
paglilingkod ay katumbas lamang ng patukmu-tukmong paglilingkod nang
nakapikit, tulad ng isang taong bulag na naglilingkod sa kanyang
sariling ama. Ano ang kahuli-hulihang makakamit sa ganitong uri ng
paglilingkod? At sino ang sasang-ayon dito? Mula sa umpisa hanggang sa
huli, ang kanilang paglilingkod ay hindi kailanman nagbabago. Sila ay
tumatanggap lamang ng mga aral na gawa ng tao at ibinabatay lamang nila
ang kanilang paglilingkod sa kanilang pagiging likas at kung ano ang
kanila mismong kinahihiligan. Anong gantimpala ang aanihin nito? ...
Sila ay sumusunod hanggang sa huli, nguni’t, sila ay hindi pa rin
nalupig at wala silang maibigay na patotoo sa pagkalupig. Hindi kakaunti
ang kanilang paghihirap na dinanas, nguni’t sa loob ay talagang hindi
nila kilala ang Diyos. Wala sa kanilang makalumang mga pag-iisip,
makalumang mga paniwala, mga relihiyosong pagsasagawa, mga pagkaunawang
gawa ng tao, at mga kuro-kuro ng tao ang napakitunguhan. Wala man lamang
silang taglay na bagong pagkaunawa. Kahit ang katiting man ng kanilang
pagkaunawa sa Diyos ay hindi totoo o tumpak. Mali ang pagkaunawa nila sa
kalooban ng Diyos. Maaari kayang ito ay para maglingkod sa Diyos? Kung
paano mo man naintindihan ang Diyos sa nakaraan, ipagpalagay na
pananatilihin mo iyon ngayon at ipagpapatuloy ang pagbabatay ng iyong
pagkaunawa sa Diyos sa iyong sariling mga paniwala at mga kuro-kuro
kahit ano pa ang gawin ng Diyos. Iyan ay, ipagpalagay na wala kang
taglay na bago at tunay na pagkaunawa sa Diyos at nabigo kang malaman
ang tunay na anyo at tunay na disposisyon ng Diyos. Ipagpalagay na ang
iyong pagkaunawa sa Diyos ay pinapatnubayan pa rin ng pyudal at
mapamahiing pag-iisip at nanggaling pa rin sa mga likhang-isip at mga
paniwala ng tao. Kung ganito ang kaso, hindi ka pa nalupig kung gayon.
Ang Aking adhikain sa pagsasabi ng mga salitang ito sa iyo ngayon ay
upang tulutan kang maintindihan at gamitin ang kaalamang ito upang
pangunahan ka sa tumpak at bagong pagkaunawa. Ang layunin din ng mga
iyon ay ang pag-aalis niyaong mga lumang paniwala at lumang kaalaman na
iyong dala sa loob mo upang ikaw ay magkaroon ng panibagong pagkaunawa.
Kung tunay mong kinakain at iniinom ang Aking mga salita, sa gayon ang
iyong pagkaunawa ay lubhang magbabago. Hangga’t pinananatili mo ang
isang masunuring puso habang kinakain at iniinom mo ang mga salita ng Diyos, ang iyong pananaw ay babalik. Hangga’t kaya mong tanggapin ang
paulit-ulit na mga pagkastigo, ang iyong lumang kaisipan ay unti-unting
magbabago. Hangga’t ang iyong lumang kaisipan ay lubos na napalitan ng
bago, ang iyong pagsasagawa ay magbabago nang naaayon. Sa ganitong
paraan, ang iyong paglilingkod ay magiging paayon nang paayon, lalo’t
lalo pang makakayang tuparin ang kalooban ng Diyos. Kung kaya mong
baguhin ang iyong buhay, ang pagkaunawa mo sa buhay, at ang iyong
maraming paniwala tungkol sa Diyos, kung gayon ang iyong pagiging likas
ay unti-unting mababawasan. Ito, at wala nang iba, ang bunga matapos
malupig ng Diyos ang tao; ito ang pagbabago na makikita sa tao.
mula sa “Ang Panloob na Katotohanan sa Gawaing Panlulupig (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang
gawaing panlulupig na ginagawa sa inyong mga tao ay may pinakamalalim
na kabuluhan. Sa isang banda, ang layunin ng gawaing ito ay upang gawing
perpekto ang isang pangkat ng mga tao, iyon ay, upang gawin silang
perpekto para maging pangkat ng mga mandaraig, bilang ang unang pangkat
ng mga tao na ginawang ganap, nangangahulugang ang mga unang bunga. Sa
kabilang banda, ito ay upang hayaan ang mga nilalang na kabuuan na
tamasahin ang pag-ibig ng Diyos, tanggapin ang pinakadakilang
pagliligtas ng Diyos, at tanggapin ang buong pagliligtas ng Diyos, upang
hayaan ang tao na tamasahin hindi lamang ang awa at mapagmahal na
kabaitan, kundi mas mahalaga, ang pagkastigo at paghatol. Simula sa
paglikha ng mundo hanggang sa ngayon, ang lahat ng ginawa ng Diyos sa
Kanyang gawain ay pag-ibig, na walang kahit anong poot sa tao. Kahit ang
pagkastigo at paghatol na iyong nakita ay pag-ibig din, isang mas totoo
at mas tunay na pag-ibig na pumapatnubay sa tao patungo sa tamang
landas ng buhay. Sa pangatlong banda, ito ay upang magdala ng patotoo sa
harap ni Satanas. At sa pang-apat na banda, ito ay upang magtatag ng
saligan sa pagpapalaganap ng gawaing ebanghelyo sa hinaharap. Ang lahat
ng gawain na Kanyang ginawa ay para sa layunin ng pag-aakay sa mga tao
sa tamang landas ng buhay ng tao, upang maaari silang magkaroon ng
normal na buhay ng sangkatauhan, sapagka’t hindi alam ng tao kung paano
ang mabuhay. Kung wala ang gayong pag-aakay, ikaw ay makakapamuhay
lamang ng isang buhay na walang-saysay, makakapamuhay lamang ng isang
walang-halaga at walang-kabuluhang buhay, at hindi mo malalaman kung
paano talaga maging isang normal na tao. Ito ang pinakamalalim na
kabuluhan ng paglupig sa tao.
mula sa “Ang Panloob na Katotohanan sa Gawaing Panlulupig (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang
magawang perpekto ay isang bagay na dapat tanggapin ng lahat ng
nilalang. Kung ang gawain ng yugtong ito ay kinapapalooban lamang ng
pagpeperpekto sa mga tao, kung gayon maari itong magawa sa Inglatera, o
sa Amerika, o sa Israel; maari itong magawa sa mga tao ng anumang bansa.
Nguni’t ang gawaing panlulupig ay namimili. Ang unang hakbang ng
gawaing panlulupig ay sa maikling panahon lamang; higit pa rito, ito ay
gagamitin upang hiyain si Satanas at lupigin ang buong sansinukob. Ito
ang panimulang gawaing panlulupig. Maaaring sabihin ng isa na sinumang
nilalang na naniniwala sa Diyos ay magagawang perpekto dahil ang gawing
perpekto ay isang bagay na makakamit lamang ng isa pagkatapos ng
mahabang-panahong pagbabago. Nguni’t ang malupig ay iba. Ang tao na
lulupigin ay dapat yaong isa na pinaka-nahuhuli sa lahat, namumuhay sa
pinakamalalim na kadiliman, siya ring pinakamababa, ang pinaka-ayaw na
tanggapin ang Diyos, at ang pinakamasuwayin ng Diyos. Ito ang uri ng tao
na makakapagpatotoo sa pagiging nalupig. Ang pangunahing layunin ng
gawaing panlulupig ay talunin si Satanas. Ang pangunahing layunin ng
pagpeperpekto sa mga tao, sa kabilang banda, ay magtamo ng mga tao. Ito
ay upang bigyang-kakayahan ang mga tao na magkaroon ng patotoo
pagkatapos na malupig kaya ang gawaing panlulupig na ito ay inilagay
dito, sa mga taong katulad ninyo. Ang layunin ay upang sumaksi ang mga
tao pagkatapos na malupig. Ang nalupig na mga taong ito ay gagamitin
upang makamit ang layunin ng pagpapahiya kay Satanas.
mula sa “Tanging ang Nagawang Perpekto ang Makakapamuhay ng Makahulugang Buhay” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa
simula, isinagawa ang gawain ng Diyos sa mga napiling tao sa Israel, at
ito ang simula ng bagong panahon sa pinakabanal sa lahat ng mga lugar.
Ang huling yugto ng gawain ay isinagawa sa mga pinakamarumi sa lahat ng
mga bansa, upang hatulan ang mundo at ihatid ang kapanahunang ito sa
isang katapusan. Sa unang yugto, ang gawain ng Diyos ay isinagawa sa
pinakamaliwanag na lugar sa lahat, at ang huling yugto at isinagawa sa
pinakamadilim na lugar sa lahat, at ang kadilimang ito ay mapapaalis,
ibibigay ang kaliwanagan, at ang lahat ng tao ay malulupig. Kapag ang
mga tao sa pinakamarumi at pinakamadilim sa lahat ng mga lugar ay
nalupig, at ang buong populasyon ay kinilalang mayroong isang Diyos, na
Siyang tunay na Diyos, at ang bawat isa ay lubusang nakumbinsi, gayon
ang katotohanang ito ay magagamit upang maisagawa ang gawain ng
panlulupig sa buong sansinukob. Ang yugtong ito ay makahulugan: Kapag
natapos na ang gawain sa kapanahunang ito, ang gawain sa 6,000 taon ng
pamamahala ay makakarating sa isang ganap na katapusan. Sa oras na yaong
mga nasa pinakamadilim sa lahat ng lugar ay nalupig na, tiyak na ganoon
din ang mangyayari sa iba’t ibang lugar. Sa gayon, tanging ang gawain
ng panlulupig sa Tsina ang nagtataglay ng makabuluhang sagisag.
Kinakatawan ng Tsina ang lahat ng mga puwersa ng kadiliman, at ang mga
tao sa Tsina ay kumakatawan sa lahat ng nasa laman, kay Satanas, at ang
mga mula sa laman at dugo. Ang mga Tsino ang siyang mga pinaka-lubos na
ginawang tiwali ng malaking pulang dragon, siyang mga may masidhing
pagsalungat sa Diyos, ang kanilang mga pagkatao ay masama at marumi, at
kaya sila ang mga orihinal na modelo ng lahat ng ginawang tiwaling
sangkatauhan. Ito ay hindi upang sabihin na ang ibang mga bansa ay
walang anumang mga suliranin; ang pagkaintindi ng tao ay magkakapareho
lahat, at bagamat ang mga tao sa mga bansang ito ay mayroong mahusay na
kakayahan, kung hindi nila nakikilala ang Diyos, kung gayon maaaring
kinakalaban nila Siya. … Ang mga tao ng Tsina ay ginawa lamang
halimbawa, at kapag sila ay nilupig sila ay magiging isang modelo at
ispesimen at magsisilbing sanggunian para sa iba. Bakit Ko palaging
sinasabi na kayo ay mga karagdagan sa Aking plano sa pamamahala? Sa mga
tao sa Tsina naipakikita nang pinakabuong-buo at nabubunyag sa iba’t
ibang mga anyo nito ang katiwalian, karumihan, di-pagkamatuwid,
pagtutol, at ang paghihimagsik. Sa isang banda, sila ay mula sa mahinang
uri, at sa kabila, ang kanilang mga buhay at pag-iisip ay paurong, at
ang kanilang mga gawi, kapaligirang panlipunan, pamilya ng
kapanganakan—ang lahat ay kaawa-awa at paurong. Ang kanilang mga estado,
ay mababa rin. Ang gawain sa lugar na ito ay makahulugan, at matapos
maisagawa ang gawaing pagsusulit sa kabuuan nito, ang Kanyang mga
susunod na gawain ay magiging higit na mabuti. Kapag naisakatuparan ang
yugto ng gawain na ito, gayon ang mga susunod na gawain ay matitiyak. Sa
oras na matapos ang yugto ng gawain na ito, at makakamit nang lubusan
ang dakilang tagumpay, at ang gawain ng panlulupig sa lahat ng dako ng
buong sansinukob ay dadating sa isang ganap na katapusan. Sa
katotohanan, kapag nagtagumpay ang mga gawain sa inyo, ito ay magiging
katumbas ng tagumpay sa lahat ng dako ng buong sansinukob. Ito ang
kahalagahan ng kung bakit ninanais Kong gawin kayong huwaran at uliran.
Ang pagiging suwail, pagsalungat, karumihan, at kawalan ng
katarungan—ang lahat ay matatagpuan sa mga taong ito, at sa kanila ay
kumakatawan ang pagiging suwail ng sangkatauhan—sila ay tunay ngang
mahalaga. Kaya’t sila ay itinuring na halimbawa ng panlulupig, at sa
oras na sila ay malupig sila ay natural na magiging mga huwaran at
uliran para sa iba.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang
yugto sa mga huling araw, kung saan ang tao ay lulupigin, ay ang huling
yugto sa digmaan kay Satanas, at ito rin ang gawain sa lubos na
kaligtasan ng tao sa sakop ni Satanas. Ang panloob na kahulugan ng
paglupig sa tao ay ang pagbabalik ng sagisag ni Satanas, ang tao na
pinasama ni Satanas, sa Lumikha kasunod ng kanyang paglupig, sa
pamamagitan nito ay pababayaan niya si Satanas at tuluyang magbabalik sa
Diyos. Sa ganitong paraan, ang tao ay tuluyan nang maliligtas. At kaya,
ang gawain ng panlulupig ay ang huling gawain sa pakikidigma laban kay
Satanas, at ang huling yugto sa pamamahala ng Diyos para sa kapakanan ng
pagtalo kay Satanas. Kung wala ang gawain na ito, ang lubos na
kaligtasan ng tao sa huli ay magiging imposible, ang ganap na pagkatalo
ni Satanas ay magiging imposible rin, at ang sangkatauhan ay hindi
kailanman makapapasok sa kamangha-manghang hantungan, o makalalaya sa
impluwensya ni Satanas. Dahil dito, ang gawain sa pagliligtas ng tao ay
hindi maaaring matapos hanggang ang pakikidigma kay Satanas ay matapos,
sapagkat ang buod ng gawain sa pamamahala ng Diyos ay para sa kapakanan
ng kaligtasan ng tao. Ang pinakaunang sangkatauhan ay nasa mga kamay ng
Diyos, ngunit dahil sa tukso at katiwalian ni Satanas, ang tao ay
nagapos ni Satanas at nahulog sa mga kamay ng masama. Kaya, si Satanas
ay naging bagay na tatalunin sa gawain ng pamamahala ng Diyos. Sapagkat
ang tao ay inari ni Satanas, at dahil ang tao ang produkto sa lahat ng
pamamahala ng Diyos, kung ililigtas ang tao, kung gayon ay kailangang
siyang agawin sa mga kamay ni Satanas, ito ay upang sabihin na ang tao
ay kailangang mabawi pagkatapos nitong mabihag ni Satanas. Si Satanas ay
natalo sa pamamagitan ng mga pagbabago sa lumang disposisyon ng tao na
nagpanumbalik sa kanyang orihinal na pakiramdam, at sa ganitong paraan,
ang tao, na nabihag, ay maaaring maagaw muli sa mga kamay ni Satanas.
Kung mapalalaya ang tao sa impluwensya at pagkaalipin ni Satanas,
mapapahiya si Satanas, ang tao sa huli ay mababawi, at si Satanas ay
magagapi. At dahil ang tao ay napalaya mula sa madilim na impluwensya ni
Satanas, at ang tao ang magiging samsam sa lahat ng mga labanang ito,
at si Satanas ay magiging bagay na parurusahan sa oras na matapos ang
labanang ito, pagkatapos na ang kabuuang gawain sa kaligtasan ng
sangkatauhan ay makumpleto na.
mula sa
“Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa
Isang Kamangha-manghang Hantungan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa
Katawang-tao
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento