Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na relihiyon. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na relihiyon. Ipakita ang lahat ng mga post

Miyerkules, Pebrero 20, 2019

Tanong 3: Sa ngayon, laganap ang mapapanglaw na simbahan sa lahat ng relihiyon, pero hindi pa namin lubos na nauunawaan ang pangunahing dahilan. Kaya nga masigasig naming binabasa ang Lumang Tipan at pinagtutuunan namin kung paano humantong sa kapanglawang iyon sa relihiyon ang mga ikinilos ng mga punong saserdote, eskriba at Fariseong Judio noong mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan. Bagama’t may natuklasan na ang ilang problema, hindi naging malinaw ang kabuuan nito. Nagpunta na rin kami sa mga simbahan sa maraming iba’t ibang lugar at mula sa iba’t ibang sekta, pero hindi pa namin nakikita ang gawain ng Banal na Espiritu. Hindi gaanong malinaw sa amin kung bakit napakapanglaw ng lahat ng relihiyon. Ano ang tunay na dahilan nito?

Sagot: Ngayon, laganap ang kapanglawan sa lahat ng relihiyon, wala roon ang gawain ng Banal na Espiritu, at nanlamig na ang pananampalataya at pagmamahal ng maraming tao—tanggap na ang katotohanang ito. Anuman ang eksaktong pangunahing dahilan ng kapanglawan ng lahat ng relihiyon ay isang tanong na kailangang maunawaan nating lahat nang lubusan. Gunitain muna natin sandali kung bakit naging mapanglaw ang templo sa mga huling araw ng Kapanahunan ng Kautusan, at saka natin mauunawaan nang lubusan ang dahilan ng kapanglawan ng mga relihiyon sa mga huling araw.

Sabado, Disyembre 1, 2018

Tagalog Christian Crosstalk | "Interogasyon sa Paaralan" | The Proof of the CCP's Persecution of Religious Freedom

Tagalog Christian Crosstalk | "Interogasyon sa Paaralan" | The Proof of the CCP's Persecution of Religious Freedom

    Inilalarawan ng crosstalk na Interogasyon sa Paaralan ang mga katotohanan kung paano nakikiisa ang CCP sa mga mabababang paaralan at ginagamit ang mga pulis para linlangin, takutin, bantaan, at pinipilit paaminin ang mga mag-aaral para malaman kung naniniwala sa relihiyon ang kanilang mga magulang. Mula nang magkaroon ng kapangyarihan, inatake at inapi na ng CCP ang relihiyosong pananampalataya, at ngayon, para maimbestigahan at maaresto ang mga Kristiyano,  inaabot na rin ng malademonyo nitong mga kamay ang mga estudyante sa mga eskwelahan, gamit ang malulupit at mararahas na pamamaraan para abusuhin at takutin nang matindi ang mga bata. Talagang kasuklam-suklam ang kasamaan ng CCP! 

Lunes, Nobyembre 12, 2018

Tagalog Christian Crosstalk | "Mga Mata sa Lahat ng Dako" | The Status Quo of Christians in China

Tagalog Christian Crosstalk | "Mga Mata sa Lahat ng Dako" | The Status Quo of Christians in China
         Inilalarawan ng crosstalk na Mga Mata Sa Lahat ng Dako kung paano tinatangka ng Partido Komunista ng Tsina na itaboy ang relihiyon sa pamamagitan ng pagsasagawa ng malawakang paghahanap sa buong bansa, pati na rin ang paggamit sa mga tao mula sa bawat uri at antas ng buhay bilang mga mata para mag-imbestiga, magbantay, at magmanman sa mga Kristiyano. Sa pamamagitan ng nakakatawa at malinaw na pagtatanghal, ipinakikita ng komedyang pangdalawahan na ito sa ating lahat ang mga kasuklam-suklam na pamamaraan at mga karumaldumal na intensyon kung saan inaaresto ng CCP ang mga Kristiyano, at ipinakikita rin nito sa atin kung paano umaasa ang mga Kristiyano sa Diyos para makaiwas sa isang pares ng mga mata at sa iba pa, maipalaganap ang ebanghelyo at sumaksi sa Diyos.   

Sabado, Nobyembre 10, 2018

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa"


Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Dapat Ninyong Isaalang-alang ang Inyong mga Gawa"

      Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa inyong araw-araw na pamumuhay, nakatira kayo sa isang kapaligiran at kaligiran na walang katotohanan o mabuting katinuan. Kulang kayo sa puhunan para sa pag-iral at hindi nagkaroon ng batayan na makilala Ako o ang katotohanan. Ang inyong pananampalataya ay itinayo lamang sa isang di-malinaw na pagtitiwala o sa mga ritwal ng relihiyon at kaalamang lubos na batay sa doktrina.

Biyernes, Nobyembre 2, 2018

Pagbubunyag sa Katotohanan ng mga Paliwanag ng mga Pinuno ng Relihiyon sa Biblia (2)

Pagbubunyag sa Katotohanan ng mga Paliwanag ng mga Pinuno ng Relihiyon sa Biblia (2)

        Madalas ipaliwanag ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ang Biblia sa mga tao at hinihikayat silang manghawakan sa Biblia. Sa paggawa nito, talaga bang pinupuri at pinatototohanan nila ang Panginoon? Hindi ito maunawaan ng karamihan sa mga tao. Pinupuri ng mga pastor at elder ang mga salita ng tao na nasa Biblia, ginagamit ang mga salita ng tao na nasa Biblia para palitan at suwayin ang mga salita ng Panginoon, at hinihikayat ang mga tao na maniwala sa mga pamahiin at sambahin ang Biblia, kaya kapag ginawa ng Diyos ang bago Niyang gawain, Biblia lang ang alam ng maraming at hindi nila kilala ang Diyos, hanggang sa ipako na nila sa krus ang Diyos na nagkatawang-tao alinsunod sa Biblia. Batay sa katotohanang ito, talaga bang pinupuri ng mga pastor at elder ng relihiyon ang Panginoon sa pagpapaliwanag sa Biblia? Ibubunyag sa inyo ng maikling videong ito ang katotohanan.

Huwebes, Nobyembre 1, 2018

Clip ng Pelikulang Kumawala sa Bitag (1) | "Paano Malalaman ang Diwa ng mga Relihiyosong Fariseo"

Clip ng Pelikulang Kumawala sa Bitag (1) | "Paano Malalaman ang Diwa ng mga Relihiyosong Fariseo"
      Ang mga pastor at elder ng mga relihiyon ay pawang mga tao na naglilingkod sa Diyos sa mga simbahan. Madalas silang magbasa ng Biblia at mangaral sa mga nananalig, ipinagdarasal nila ang mga ito at nagpapakita sila ng habag sa kanila, pero bakit sabi natin, mga ipokritong Fariseo sila? Lalo na sa pag-unawa nila sa pagbalik ng Panginoon, hindi lang nila hindi hinahanap o sinusuri ang anuman, kundi bagkus ay matindi nilang sinusuway at tinutuligsa ang gawain ng Makapangyarihang Diyos. Bakit ganito?

Linggo, Oktubre 28, 2018

Tagalog Christian Movie | "Kumawala sa Bitag" | Attending the Wedding Feast With the Lord


Tagalog Christian Movie | "Kumawala sa Bitag" | Attending the Wedding Feast With the Lord

    2,000 taon na ang nakararaan, nang gawin ng Panginoong Jesus ang pagtubos, siniraan at tinuligsa siya ng mga relihiyosong Judio. Nakipagtulungan ang mga pinunong Judio sa gobyernong Romano at ipinako Siya sa krus. Sa mga huling araw, dumating na sa China ang Makapangyarihang Diyos—ang Panginoong Jesus sa katawang-tao—para gawin ang paghatol.

Lunes, Oktubre 22, 2018

Maikling Dula - "Isang Babala Mula sa Kasaysayan" (Tagalog Christian Video)

Maikling Dula - "Isang Babala Mula sa Kasaysayan" (Tagalog Christian Video)


Dalawang libong taon na ang nakakaraan, noong nagpakita at gumawa ang Panginoong Jesus, pinanghawakan ng mga Fariseo ang mga kautusan at kinondena ang Kanyang gawain, sinasabing ang gawain Niya ay labas sa Banal na Kasulatan. Para maprotektahan ang kanilang katayuan at kabuhayan, ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para pigilan ang mga tao sa paghahanap sa gawain ng Panginoong Jesus, at nakipagsanib puwersa sa pamahalaang Romano para ipako Siya sa krus. Sa mga huling araw, sa muling pagpapakita ng Panginoon Jesus sa katawang-tao para isagawa ang Kanyang gawain, inuulit ng mga pinuno sa mundo ng relihiyon ang makasaysayang trahedya ng paglaban ng mga Fariseo sa Panginoong Jesus. Paano nila nilalabanan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw? Sa pamamagitan ng pagganap ng isang pastor bilang Fariseo sa isang palabas, inihahayag ng dulang ito kung paano pinanghahawakan ng mga makabagong pastor at elder ang Biblia para labanan ang , at malinaw na ipinapakita na walang pinagkaiba ang landas na tinatahak nila sa landas ng mga Fariseo.

Biyernes, Oktubre 19, 2018

The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (5)

The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (5)

       Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Nitong nakaraang mga taon nakita rin ang malawakang pagpapasimula ng pamahalaang CCP ng mga patakarang nakatutok sa "Pagpapailalim sa Impluwensya ng Lipunang Han" ng Kristiyanismo. Libu-libong krus ng iglesia ang winasak, maraming gusali ng iglesia ang giniba, at maraming Kristiyano sa mga bahay-sambahan ang inaresto at inusig. Dumanas ng malupit at madugong pang-uusig ang mga iglesiang Kristiyano sa China … 

Rekomendasyon:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Martes, Oktubre 9, 2018

Tagalog Christian Movie | "Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo" (Clips 1/6)


Tagalog Christian Movie | "Ang Mga Kasinungalingan ng Komunismo" (Clips 1/6) Ang Intensiyon ng CCP sa Paggamit ng Pyudal na Pamahiin sa Paghatol sa mga Relihiyosong Paniniwala


    Iniisip ng Partido Komunista ng Tsina na ang paniniwala sa relihiyon ay sumibol mula sa takot at pagsamba sa pwersa ng kababalaghan ng tao na napag-iwanan na ng kaalaman sa syensya, at sinasabi nilang isang pamahiin lamang ang relihiyon. Bukod pa rito, kinokondena rin nila at ipinagbabawal ang paniniwala sa relihiyon sa ngalan ng pagkalaban sa piyudal na pamahiin. Ano ang basehan ng mga pananaw na ito ng Partido Komunista ng Tsina? Sa huli, nasaan ang kasamaan ng Partido Komunista ng Tsina na kumakalaban sa paniniwala sa relihiyon bilang piyudal na pamahiin?

Biyernes, Oktubre 5, 2018

Pag-uusap - "Serbisyo sa Pagmamanman" (Tagalog Christian Video)


Pag-uusap - "Serbisyo sa Pagmamanman" (Tagalog Christian Video)

     Sa China, kung saan ang CCP ang mayhawak ng lahat ng kapangyarihan sa pulitika, ang malupit na pang-uusig sa mga Kristiyano ay nangyayari araw-araw. Para mawala ang paniniwala sa relihiyon, ang CCP ay mayroon pang "tracking service" para sa mga Kristiyano. Itinuturo sa inyo ng crosstalk Tracking Service ang lahat ng kasuklam-suklam na pamamaraan na gamit ng CCP para manmanan at tuntunin ang mga Kristiyano, at ipinakikita ang pagpapaimbabaw ng China ukol sa “kalayaan sa relihiyon”.

Manood ng higit pa:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Martes, Setyembre 11, 2018

Tagalog Christian Movie | "Nagbago Ang Pangalan ng Diyos?!" (Clips 1/5)


Madalas ipangaral ng mga pastor at elder ng relihiyon sa mga mananampalataya na ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus para sa mga kasalanan ng lahat ng tao at na ang tao ay tinubos mula sa kasalanan. Ipinapangaral nila na, kung lalayo ang isang tao sa Panginoong Jesus at naniniwala sa Makapangyarihang Diyos, ito ay katumbas ng pagtataksil sa Panginoong Jesus at apostasiya. Ganito ba talaga ang nangyayari? Noong dumating ang Panginoong Jesus para gawin ang Kanyang gawain, hindi ba't ang mga umalis sa templo at sumunod sa Panginoong Jesus ay kinondena rin ng mga Fariseong Judio sa ganitong paraan bilang pagtataksil sa Diyos na Jehova? Kung gayon, ang pagtanggap ba sa bagong gawain ng Diyos ay pag- apostasiya at pagtataksil sa Diyos? O pagsunod ito sa mga yapak ng Cordero at pagkakamit ng kaligtasan ng Diyos? Sama-sama nating aalamin ang mga bagay na ito sa maikling video na ito.

Miyerkules, Agosto 15, 2018

Tanong at Sagot ng Ebanghelyo | Ang Kabuluhan ng Gawain ng Diyos ng Panlulupig


salita ng Diyos, pag-ibig ng Diyos, ebanghelyo, relihiyon, katapatan,
✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️

Nauugnay sa pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos

    Ang gawaing panlulupig ngayon ay upang mabawi ang lahat ng patotoo at kaluwalhatian, at ang lahat ng tao ay pasambahin sa Diyos, upang mayroong patotoo sa mga nilikha. Ito ang dapat na matapos sa hakbang na ito ng gawain. Paano ba talaga malulupig ang sangkatauhan? Ito ay magagawa sa paggamit nitong gawa ng mga salita upang lubos na mahikayat ang tao; sa paggamit ng pagsisiwalat, paghatol, pagkastigo, at walang-awang sumpa upang siya ay lubos na masupil; at sa pagsisiwalat ng pagka-mapaghimagsik ng tao at paghatol sa kanyang paglaban upang malaman niya ang di-pagkamatuwid at karumihan ng sangkatauhan, na gagamitin upang itampok ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Higit sa lahat, itong mga paggamit ng mga salitang ito ang lumulupig sa tao at lubos na humihikayat sa kanya. Ang mga salita ay ang paraan sa kahuli-hulihang panlulupig sa sangkatauhan, at silang lahat na tumatanggap ng pag-lupig ay dapat tanggapin ang pananakit at paghatol ng mga salita. Ang kasalukuyang proseso ng pagsasalita ay ang proseso ng panlulupig. Paano ba talaga dapat makipagtulungan ang mga tao? Sa pamamagitan ng mabisang pagkain at pag inom ng mga salitang ito at pag-unawa sa mga ito. Hindi maaaring malupig ang mga tao ng kanilang mga sarili. Dapat, mula sa pagkain at pag-inom ng mga salitang ito, ay makilala nila ang kanilang kasamaan at karumihan, ang ka-nilang pagka-mapaghimagsik at di-pagkamatuwid, at magpatirapa sa harap ng Diyos. Kung kaya mong unawain ang kalooban ng Diyos at pagkatapos ay isagawa ito at, bukod diyan, magkaroon ng pangitain, at kung kaya mong lubos na sundin ang mga salitang ito at hindi tutuparin ang kahit na alin sa iyong mga sariling pagpili, saka ka nalulupig. At itong mga sali-tang ito ang nakalupig sa iyo. Bakit nawala ng sangkatauhan ang patotoo? Dahil walang sinuman ang may pananampalataya sa Diyos o tangan sa paanuman ang Diyos sa kanyang puso. Ang panlulupig sa sangkatauhan ay nangangahulugan ng panunumbalik ng tao sa pananampalatayang ito. Ang mga tao ay laging nakahilig sa kamunduhan, nagkikimkim ng napakaraming inaasahan, nagnanasa nang sobra-sobra para sa kanilang kinabukasan, at may napakaraming maluhong pangangailangan. Lagi nilang iniisip ang patungkol sa at pagplano para sa kanilang laman at hindi kailanman interesado sa paghahanap ng daan sa paniniwala sa Diyos. Ang kanilang mga puso ay nabihag na ni Satanas, nawala na nila ang kanilang paggalang sa Diyos, at itinatalaga nila ang kanilang puso kay Satanas. Ngunit ang tao ay nilikha ng Diyos. Gayon, nawala ng tao ang kanyang patotoo, ibig sabihin ay nawala na niya ang kaluwalhatian ng Diyos. Ang layunin ng panlulupig sa tao ay upang mabawi ang kaluwalhatian ng paggalang ng tao sa Diyos.

Huwebes, Hunyo 14, 2018

Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus | Pagsasagawa (6)

Jesus, relihiyon, ebanghelyo, iglesia, Salita ng Diyos
    Sa kasalukuyan, maraming mga tao ang ni hindi taglay ang pagkamaykatwiran o ang pansariling kamalayan ni Pablo, na, bagamat siya ay pinabagsak ng Panginoong Jesus, tinaglay na ang paninindigan na gumawa at magdusa para sa Kanya. Binigyan siya ng karamdaman ni Jesus, at kalaunan, patuloy na tiniis ni Pablo ang karamdamang ito sa sandaling nagsimula siyang gumawa. Bakit niya sinabi na mayroon siyang tinik sa laman? Ang tinik, sa totoo lang, ay karamdaman, at para kay Pablo, ito ay isang nakamamatay na kahinaan. Gaano man siya kahusay gumawa o gaano man katindi ang kanyang paninindigang magtiis, palagi niyang tinaglay ang karamdamang ito. Si Pablo ay mayroong mas matatag na kakayahan kaysa sa inyong mga tao sa kasalukuyan; hindi lamang na siya ay mayroong mahusay na kakayahan, ngunit tinaglay din niya ang kamalayang pansarili at tinaglay niya ang higit na pagkamaykatwiran kaysa sa inyo. Sa kasalukuyan, huwag nang isipin kailanman ang pagtatamo sa pagkamaykatwiran ni Pedro—maraming mga tao ang ni hindi magagawang matamo ang pagkamaykatwiran ni Pablo. Matapos na si Pablo ay pabagsakin ni Jesus, siya ay tumigil sa pag-uusig sa mga disipulo, at nagsimulang mangaral at magdusa para kay Jesus. At ano ang gumabay sa kanyang pagdurusa? Pinaniniwalaan ni Pablo na, yamang nakita niya ang dakilang liwanag, kailangan niyang magpatotoo sa Panginoong Jesus, dapat hindi na usigin pa ang mga disipulo ng Panginoong Jesus, at hindi na dapat salungatin pa ang gawain ng Diyos. Pagkatapos niyang makita ang dakilang liwanag, sinimulan niyang magdusa para sa Diyos, at ialay ang sarili niya sa Diyos, at kanyang itinakda ang kanyang paninindigan. Pagkatapos na ang “dakilang liwanag” ay lumiwanag sa kanya, nagsimula siyang gumawa para sa Diyos, at nagawa niyang itakda ang kanyang paninindigan, na nagpapatunay na taglay niya ang pagkamaykatwiran. Sa relihiyon, si Pablo ay isang mataas-na-ranggong tao. Siya ay totoong maalam at likas na matalino, mababa ang tingin niya sa karamihan ng mga tao, at taglay ang isang higit na mas malakas na pagkatao kaysa sa karamihan. Ngunit pagkatapos na ang “dakilang liwanag” ay lumiwanag sa kanya, sinabi niya na dapat siyang gumawa para sa Panginoong Jesus—at ito ang kanyang pagkamaykatwiran. Nang inusig niya ang mga disipulo, si Jesus ay nagpakita sa kanya at sinabing: “Pablo, bakit mo ako inuusig?” Kaagad natumba si Pablo at sinabing: “Sino Ka?” Isang tinig mula sa langit ang nagsabing: “Ako ang Panginoong Jesus, na iyong inuusig.” Sa isang iglap, nagising si Pablo, kanyang naunawaan, at sa gayon lamang niya nalaman na si Jesus ay si Cristo, na Siya ay Diyos. Dapat akong sumunod, ibinigay sa akin ng Diyos ang biyayang ito, at inusig ko Siya sa halip, gayunman hindi Niya ako pinabagsak, ni hindi Niya ako sinumpa—dapat akong magdusa para sa Kanya. Kinilala ni Pablo na inusig niya ang Panginoong Jesuscristo at sa kasalukuyan ay pinapatay ang Kanyang mga disipulo, na hindi siya sinumpa ng Diyos, ngunit pinagliwanag ang ilaw sa kanya; ito ang gumabay sa kanya, at kanyang sinabi: “Bagamat hindi ako tumingin sa Kanyang mukha, narinig ko ang Kanyang tinig at nakita ang Kanyang dakilang liwanag. Ngayon ko pa lamang tunay na nakikita na iniibig talaga ako ng Diyos, at na ang Panginoong Jesus ay talagang ang Diyos na mayroong habag sa tao at pinatatawad Niya ang mga pagkakasala ng tao magpakailanman. Tunay kong nakikita na ako ay isang makasalanan.” Bagamat, pagkatapos, ginamit ng Diyos ang mga kaloob ni Pablo upang gumawa, kalimutan ito sumandali. Ang kanyang paninindigan sa panahong iyon, ang kanyang normal na pantaong pagkamaykatwiran, at ang kanyang pansariling kamalayan—wala kayong kakayahan na matamo ang mga bagay na ito. Sa kasalukuyan, hindi ba kayo nakakatanggap ng gaanong liwanag? Hindi ba nakikita ng maraming mga tao na ang disposisyon ng Diyos ay isa na kamahalan, poot, paghatol, at pagkastigo? Madalas mayroong mga sumpa, mga pagsubok, at pagpipino ang sumasapit sa mga tao—at ano ang kanilang natutunan? Nakapagkamit ba kayo ng anuman mula sa inyong displina at pakikitungo? Ang malabis na mga pananalita, paghampas, at paghatol ay sumapit sa inyo sa maraming mga pagkakataon, ngunit hindi ninyo pinag-ukulan ng pansin ang mga ito. Ni hindi ninyo taglay ang kaunting pagkamaykatwiran na taglay ni Pablo—hindi ba kayo masyadong paurong? Napakarami ang hindi nakita nang malinaw ni Pablo. Nalaman lamang niya na ang liwanag ay nagliwanag sa kanya, at hindi namalayang siya ay pinabagsak. Sa kanyang personal na paniniwala, pagkatapos na ang ilaw ay magliwanag sa kanya, dapat niyang gugulin ang sarili niya para sa Diyos, magdusa para sa Diyos, gawin ang lahat upang ihanda ang daan para sa Panginoong Jesucristo, at magtamo ng mas maraming makasalanan upang iligtas ng Panginoon. Ito ang kanyang paninindigan, at ang tanging layunin ng kanyang gawain—ngunit kapag siya ay gumawa, hindi pa rin siya iniwan ng karamdaman, hanggang sa kanyang kamatayan. Si Pablo ay gumawa nang mahigit sa dalawampung taon. Siya ay nagdusa nang husto, at nagdanas ng maraming mga pag-uusig at mga kapighatian, bagamat, mangyari pa, ang kanyang mga pagsubok ay higit na kaunti kaysa doon kay Pedro. Gaano pa ito kahabag-habag kung hindi pa ninyo taglay ang pagkamaykatwiran ni Pablo? Sa ganito, paano makapagsisimula ang Diyos sa mas higit na gawain sa inyo?

Miyerkules, Hunyo 13, 2018

Kristianong video | "Red Re-Education sa Bahay" (1) | Debate: Ano ba Talaga ang Kulto?

My understanding: The Christian film Red Re-Education at Home: A Debate between the returnee Christian and the Minister at the United Front-- Which is a cult after all?


Mula nang magkaroon ng kapangyarihan, walang-tigil nang sinugpo at pinagmalupitan ng Chinese Communist Party ang mga paniniwala sa relihiyon, at hayagan pang binansagan ang Kristiyanismo at Katolisismo na mga kulto at tinawag na babasahing pangkulto ang Biblia. Sa pagdaan ng mga taon, nagpapatotoo na ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa pagbalik ng Panginoong Jesus, at hinatulan din ito ng CCP na isang kulto. Ang CCP ay isang ateistang partido. Isa itong napakasamang rehimen na kaaway ng Diyos, kaya paano ito nagkaroon ng karapatang magsabi na ang anumang partikular na relihiyon ang tunay na daan, o isang kulto? Paano maiintindihan ng isang tao kung ano talaga ang kulto?

Lunes, Marso 12, 2018

Salita ng Diyos | Gawa at Pagpasok (1)

Diyos, landas, Langit, relihiyon, buhay


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Salita ng Diyos | Gawa at Pagpasok (1)


   Mula pa nang ang tao ay nagsimulang yumapak sa tamang landas ng buhay, nagkaroon ng maraming bagay na nananatiling hindi malinaw. Sila ay ganap pa rin ang kalabuan tungkol sa gawain ng Diyos at kung gaano karaming trabaho ang dapat nilang gawin. Ito ay dahil, sa isang banda, pagkalihis ng kanilang mga karanasan at ang mga limitasyon sa kanilang kakayahang tumanggap; sa kabila, ito ay dahil ang gawain ng Diyos ay hindi pa nadala ang mga tao sa yugtong ito. Kaya, hindi maliwanag sa lahat ang tungkol sa pinaka-espirituwal na mga bagay. Hindi lamang na hindi malinaw sa inyo ang inyong dapat pasukan; mas lalo kayong mangmang tungkol sa gawain ng Diyos. Ito ay mas higit pa kaysa sa simpleng bagay na pagkukulang sa inyo: Ito ay isang malaking kapintasan sa lahat ng kabilang sa mundo ng relihiyon. Nandito ang susi kung bakit hindi kilala ng mga tao ang Diyos, at kaya ang kapintasang ito ay isang pangkaraniwang depekto na bahagi ng lahat ng mga taong humahanap sa Kanya. Walang sinuman ang kailanman nakakilala sa Diyos, o kailanman nakakita sa Kanyang tunay na mukha. Dahil dito kaya ang gawain ng Diyos ay naging mahirap kagaya nang paglilipat ng isang bundok o pagpapatuyo ng dagat. Gaano karaming mga tao ang nagsakripisyo ng kanilang buhay para sa gawain ng Diyos; gaano karami ang napaalis nang dahil sa Kanyang gawa; gaano karami, para sa kapakanan ng Kanyang gawain, ang pinahirapan hanggang kamatayan; gaano karami, ang kanilang mga mata ay napuno ng luha ng pag-ibig para sa Diyos, namatay nang di-makatarungan; gaano karami ang nakatagpo nang malupit at di-makataong pag-uusig...? Na ang mga trahedyang ito ay dumaan lamang—hindi kaya lahat ng ito ay dahil sa kakulangan ng kaalaman ng mga tao tungkol sa Diyos? Paanong ang isang tao na hindi kilala ang Diyos ay may mukha na ihaharap sa Kanya? Paanong ang isang tao na naniniwala sa Diyos at datapwat umuusig sa Kanya ay may mukhang ihaharap sa Kanya? Hindi lamang ito mga kakulangan ng mga nasa loob ng pang-relihiyong mundo, ngunit sa halip ay parehong pangkaraniwan sa inyo at sa kanila. Naniniwala ang mga tao sa Diyos nang walang kaalaman sa Kanya; ito ang dahilan kung bakit hindi nila iginagalang ang Diyos sa kanilang mga puso, at hindi Siya kinatatakutan sa kanilang mga puso. May mga tao pa nga na, kasama ang malaking karangyaan at kalagayan, ang gumagawa ng mga gawa na kanilang naisip sa loob ng daloy na ito, at ipinagpapatuloy ang gawain ng Diyos ayon sa kanilang sariling mga pangangailangan at alibughang mga hangarin. Maraming mga tao ang kumikilos nang marahas, humahawak sa Diyos nang walang pagpapahalaga ngunit sumusunod sa kanilang sariling kalooban. Hindi ba ang mga ito ay perpektong pinakadiwa ng mga pusong sakim ng mga tao? Hindi ba nito inihahayag ang sobrang saganang elemento ng panlilinlang na mayroon ang tao? Tunay ngang ang mga tao ay napakatalino, ngunit paanong maaaring halinhinan ng kanilang mga kaloob ang gawain ng Diyos? Tunay ngang ang mga tao ay may pakialam sa pasanin ng Diyos, ngunit hindi sila maaaring kumilos ng masyadong makasarili. Talaga bang ang gawa ng tao ay tunay na banal? Maaari bang ang sinuman ay maging positibong sigurado? Upang sumaksi sa Diyos, upang magmana ng Kanyang kaluwalhatian—ito ay ang paggawa ng Diyos ng kataliwasan at pag-aangat sa mga tao; sa kanilang sarili, hindi sila kailanman magiging karapat-dapat. Kasisimula pa lamang ng gawain ng Diyos, ang Kanyang mga salita ay nagsisimula pa lamang bigkasin. Sa puntong ito, maganda ang pakiramdam ng mga tao tungkol sa kanilang mga sarili; hindi ba ito ay simpleng pananawagan sa kahihiyan? Hindi nila masyadong naiintindihan. Kahit na ang pinakalikas-na-matalinong teoretista, ang pinaka-pilak-na-dilang mananalumpati, ay hindi maaaring ilarawan ang lahat ng kasaganaan ng Diyos—mas lalo pa kaya kayo? Mas mabuti pa na hindi ninyo itakda ang inyong sariling halaga nang mas mataas pa kaysa sa langit, ngunit sa halip ay tingnan ang inyong mga sarili na mas mababa pa kaysa sa pinakamababa sa makatwirang mga tao na nagsisikap na mahalin ang Diyos. Ito ang landas na inyong papasukin: na makita ang inyong mga sarili na mas maikli ng isang dangkal kaysa sa iba. Bakit itinuturing ninyo ang inyong mga sarili nang sobrang taas? Bakit ninyo ilalagay sa naturang mataas na pagpapahalaga ang inyong mga sarili? Sa mahabang lakbayin ng buhay, inyo lamang nagawa ang kakaunting unang mga hakbang. Braso lamang ng Diyos ang nakikita ninyo, hindi ang kabuuan ng Diyos. Marapat lamang na makita ninyo ang mas marami pang gawain ng Diyos, na mas matuklasan pa ninyo ang dapat ninyong pasukin, dahil kakaunti ang inyong pinagbago.

Linggo, Oktubre 29, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tanging ang mga Nakaaalam ng Gawain ng Diyos Ngayon ang Makapaglilingkod sa Diyos

 Kaalaman, Diyos, relihiyon, Biblia, buhay

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tanging ang mga Nakaaalam ng Gawain ng Diyos Ngayon ang Makapaglilingkod sa Diyos 


    Upang makapagpatotoo sa Diyos at mapahiya ang malaking pulang dragon, dapat mayroon kang prinsipyo at isang kondisyon: Dapat mong mahalin ang Diyos sa iyong puso, at pumasok sa mga salita ng Diyos. Kung hindi ka papasok sa mga salita ng Diyos, kung gayon wala kang paraan na pahiyain si Satanas. Sa iyong pagsulong sa buhay, itinatakwil mo ang malaking pulang dragon at lubos na ikinahihiya ito, at sa pamamagitan lamang nito talagang mapapahiya ang malaking pulang dragon. Habang higit mo pang sinasang-ayunang isagawa ang mga salita ng Diyos, lalo mong napatutunayan ang pag-ibig mo sa Kanya at ang pagkamuhi mo sa malaking pulang dragon; habang higit mo pang sinusunod ang mga salita ng Diyos, lalong napatutunayan ang pagkasabik mo sa katotohanan. Ang mga taong hindi nasasabik sa mga salita ng Diyos ay mga taong walang buhay. Ang mga gayong tao ay nasa labas ng mga salita ng Diyos, at mga kaanib sa relihiyon. Ang mga taong tunay na naniniwala sa Diyos ay may mas malalim na kaalaman sa mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom sa Kanyang mga salita. Kung 'di mo kinasasabikan ang mga salita ng Diyos, hindi ka totohanang nakakakain at nakaiinom ng Kanyang mga salita, at kapag wala kang kaalaman sa mga salita ng Diyos, wala kang paraan para magpatotoo sa Diyos o magbigay kasiyahan sa Kanya.