Nang maging tao ang Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, mukha siyang tao sa tingin, pero ginawa Niya ang gawain ng maipako sa krus at tubusin ang buong sangkatauhan. Sa mga huling araw, ipinahayag na ng Makapangyarihang Diyos ang lahat ng katotohanan para dalisayin at iligtas ang sangkatauhan at nagawa ang paghatol simula sa tahanan ng Diyos. ipinapakita nito ma amg Panginoong Jesus at ang Makapangyarihang Diyos ay parehong si Cristo sa katawang-tao, at ang Diyos Mismo. Kaya bakit inilalarawan ng CCP ang Panginoong Jesus at ang Makapangyarihang Diyos na karaniwang tao at tinatanggihan ang kabanalan ni Cristo? Hindi ba nakakatawa at nahihibang ang CCP?
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: Ang gawain ng Diyos ay tulad ng makapangyarihang umaalimbukay na alon. Walang sinuman ang maaaring pumigil sa Kanya, at wala ni isang maaaring magpahinto sa Kanyang mga yapak. Tanging ang mga taong nakinig nang mabuti sa Kanyang mga salita, at mga taong naghahanap at nauuhaw sa Kanya, ang maaaring sumunod sa Kanyang mga yapak at tanggapin ang Kanyang pangako. Ang mga taong hindi gagawa ay isasailalim sa napakahirap na kalamidad at karapat-dapat sa kaparusahan.
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Si Jesus ay isinilang sa isang sabsaban sa panahon na hindi
mapahintulutan ang Kanyang pag-iral, nguni’t hindi pa rin Siya
mahadlangan ng mundo, at Siya ay namuhay kasama ng mga tao sa loob ng
tatlumpu’t tatlong taon sa ilalim ng pangangalaga ng Diyos. Sa maraming
mga taong iyon ng pamumuhay, naranasan Niya ang kapaitan ng mundo at
natikman ang buhay na puno ng dalamhati sa lupa. Pinasan Niya ang
mabigat na pananagutan ng pagkapako sa krus upang tubusin ang buong
sangkatauhan. Tinubos Niya ang lahat ng mga makasalanan na patuloy na
namumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas, at sa wakas, ang Kanyang
katawang muling nabuhay ay bumalik sa Kanyang lugar na pahingahan.
Ngayon, nagsimula ang bagong gawain ng Diyos, at ito rin ang simula ng
bagong kapanahunan. Dinadala ng Diyos sa Kanyang tahanan ang mga tinubos
upang masimulan ang Kanyang bagong gawain ng pagliligtas. Sa
pagkakataong ito, ang gawain ng pagliligtas ay mas masusi kaysa
nakaraan. Hindi ito gagawin ng Banal na Espiritu na kumikilos sa tao
upang pahintulutan siyang magbago sa kanyang sarili, ni hindi rin ito
gagawin sa pamamagitan ng katawan ni Jesus na nagpapakita sa gitna ng
mga tao, at lalong hindi ito gagawin sa ibang paraan. Sa halip, ang
gawain ay gagawin at papatnubayan ng Diyos Mismo na nagkatawang-tao. Ito
ay ginagawa upang pangunahan ang tao patungo sa bagong gawain. Hindi ba
ito isang dakilang bagay? Hindi ginagawa ng Diyos ang gawaing ito na
kabahagi ang ilang mga tao o sa pamamagitan ng mga hula, kundi ng Diyos
Mismo. Ang ilan ay maaaring magsabi na ito ay hindi isang dakilang bagay
at hindi nito mabibigyan ang tao ng lubos na kaligayahan. Gayunman,
sasabihin ko sa iyo na ang gawain ng Diyos ay hindi ito lamang, kundi
isang bagay na lalong mas malaki at lalong higit pa.
Sa
pagkakataong ito, pumaparito ang Diyos upang gumawa ng gawain hindi sa
espirituwal na katawan kundi sa isang napakakaraniwang katawan. Hindi
lamang ito ang katawan ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, kundi
ito rin ang katawan kung saan magbabalik ang Diyos. Ito ay isang
napaka-ordinaryo na katawang-tao. Sa Kanya, wala kang makikitang anumang
kaiba kumpara sa iba, nguni’t maaari kang makatanggap mula sa Kanya ng
mga katotohanang hindi mo pa kailanman naririnig. Ang hamak na
katawang-taong ito ay ang pagsasakatawan ng lahat ng mga salita ng
katotohanan mula sa Diyos, na siyang pumapasan sa gawain ng Diyos sa mga
huling araw, at isang pagpapahayag ng kabuuan ng disposisyon ng Diyos
para malaman ng tao. Hindi ba labis ang iyong pagnanais na makita ang
Diyos sa langit? Hindi ba labis ang iyong pagnanais na maintindihan ang
Diyos sa langit? Hindi ba labis ang iyong pagnanais na makita ang
hantungan ng sangkatauhan? Sasabihin Niya sa iyo ang lahat ng mga lihim
na ito na wala pang sinumang tao ang nakapagsabi sa iyo, at sasabihin pa
Niya sa iyo ang mga katotohanan na hindi mo nauunawaan. Siya ang iyong
pintuan patungo sa kaharian, at ang iyong gabay patungo sa bagong
kapanahunan. Ang gayong karaniwang katawang-tao ay nagtataglay ng
maraming hindi maarok na mga hiwaga. Ang Kanyang mga gawa ay maaaring
hindi mo maabot, nguni’t ang tinutumbok ng lahat ng gawaing Kanyang
ginagawa ay sapat upang iyong makita na hindi Siya isang simpleng
katawang-tao gaya ng inaakala ng tao. Sapagka’t kinakatawan Niya ang
kalooban ng Diyos gayundin ang pangangalaga na ipinakita ng Diyos sa
sangkatauhan sa mga huling araw. Kahit na hindi mo naririnig ang mga
salitang Kanyang sinasabi na tila yumayanig sa langit at lupa, o
nakikita ang Kanyang mga mata na tila mga naglalagablab na ningas, at
kahit na hindi mo nararamdaman ang disiplina ng Kanyang bakal na pamalo,
naririnig mo mula sa Kanyang mga salita ang galit ng Diyos at nalalaman
na ang Diyos ay nagpapamalas ng pagkahabag sa sangkatauhan; nakikita mo
ang matuwid na disposisyon ng Diyos at ang Kanyang karunungan, at higit
sa lahat, natatanto ang pagmamalasakit at pag-aalaga ng Diyos sa buong
sangkatauhan. Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay ang pahintulutan
ang tao na makita ang Diyos sa langit na namumuhay sa kalagitnaan ng
mga tao sa lupa, at bigyang-kakayahan ang tao na makilala, sundin,
igalang at ibigin ang Diyos. Ito ang dahilan kung bakit nagbalik na Siya
sa katawang-tao sa pangalawang pagkakataon. Kahit na ang nakikita ng
tao sa kasalukuyan ay isang Diyos na katulad ng tao, ang Diyos na
mayroong ilong at dalawang mata, at isang di-katangi-tanging Diyos, sa
katapusan ay ipakikita sa inyo ng Diyos na kung wala ang pag-iral ng
taong ito, ang langit at lupa ay sasailalim sa napakalaking pagbabago;
kung wala ang pag-iral ng taong ito, ang langit ay magiging madilim,
magkakagulo sa lupa, at ang buong sangkatauhan ay mamumuhay sa taggutom
at mga salot. Ipakikita Niya sa inyo na kung wala ang pagliligtas ng
Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, matagal na sanang winasak
ng Diyos ang buong sangkatauhan sa impiyerno; kung wala ang pag-iral ng
katawang-taong ito, kung gayon kayo ay magiging pinakapinuno ng mga
makasalanan at mga bangkay magpakailanman. Nararapat ninyong malaman na
kung hindi umiiral ang katawang-taong ito, ang buong sangkatauhan ay
mahaharap sa di-maiiwasang kalamidad at mahihirapang makatakas sa mas
matinding kaparusahan ng Diyos sa sangkatauhan sa mga huling araw. Kung
hindi isinilang ang karaniwang katawang-taong ito, lahat kayo ay
mapupunta sa katayuan kung saan ang pagkabuhay ni ang kamatayan ay hindi
darating gaano man ninyo ito naisin; kung wala ang pag-iral ng
katawang-taong ito, kung gayon sa araw na ito hindi ninyo makakayang
tanggapin ang katotohanan at lumapit sa trono ng Diyos. Sa halip,
parurusahan kayo ng Diyos dahil sa inyong mabigat na mga kasalanan. Alam
ba ninyo? Kung hindi dahil sa muling pagkakatawang-tao ng Diyos, walang
magkakaroon ng pagkakataon sa kaligtasan; kung hindi dahil sa pagdating
ng katawang-taong ito, matagal nang tinapos ng Diyos ang lumang
kapanahunan. Kaya, magagawa ninyo pa bang tanggihan ang ikalawang
pagkakatawang-tao ng Diyos? Yamang maaari kayong lubhang makinabang sa
karaniwang taong ito, kung gayon bakit hindi ninyo Siya tanggapin nang
buong puso?
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento