Xinyi Lungsod ng Xi'an, Lalawigan ng Shaanxi
Sa
aking kamakailang mga pagbisita sa mga iglesia, madalas kong narinig na
sinasabi ng mga pinuno at manggagawa na ang ilang mga tao, matapos
dumalo sa pagbabahaging kasama ako, ay naging negatibo, mahina at kulang
sa paghahangad na magpatuloy sa paghahanap. Nadama ng iba na masyadong
mahirap ang maniwala sa Diyos at hindi naunawaan ang Diyos. Sinabi ng
ilan na ang kanilang kalagayan ay mainam bago sila nakipagkilala sa
akin, ngunit sa sandaling nakita nila ako, labis nilang nadama ang
pagkagipit at hindi komportable. ... Nang marinig ko ang lahat ng ito,
nanghina ang aking puso, at labis na nasaktan-sa tuwing nagkaroon ako ng
pagbabahagi sa kanila ay mananatili ako sa loob ng ilang araw, at,
upang malutas ang kanilang mga problema, nagpasiklab ako at nagbanggit
ng di mabilang na mga sipi ng salita ng Diyos, na nagsasalita hanggang
sa ang aking bibig ay natuyo, at sa lahat ng sandali ay iniisip na ang
aking mga pagsisikap ay nagbunga ng mga magagandang resulta. Hindi ko
naisip kailanman na ang mga bagay ay magiging ganito. Bakit ito
nangyari? Inilagay ko ang tanong na ito sa aking mga saloobin nang
nanalangin ako sa Diyos, "O Diyos, tiyak na ako ang may kasalanan sa
lahat ng nangyari, ngunit hindi ko alam kung saan ako nagkamali.
Hinihingi ko ang Iyong patnubay, upang higit kong malaman ang aking mga
pagkakamali. Nakahanda akong maghintay na tanggapin ang Iyong
pagliliwanag. "
Nang matapos ang aking panalangin, sinimulan ko
ang pagbubulay pabalik sa pagbabahagi sa aking mga kapatid: Nang
nagpahayag sila ng mga suliranin sa mga kaayusan ng gawain ay susuriin
ko ang kanilang mapagmataas na kalikasan at ipaliliwanag ang mga
kahihinatnan ng pagmamataas, na nagsasabing ang lahat ng pagmamataas ay
tiyak na magbabayad ng kaparusahan. Kapag nakita ko na ang mga suliranin
ay nagmumula sa proseso ng halalan, magsasalita ako kung papaanong ang
pagpili sa mga maling tao ay hahadlang sa gawain ng iglesia at sisira sa
buhay ng aming mga kapatid. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay magagalit
sa amin at kami ay aalisin. Pagka nakita ko ang mga kapatid na
nagmamakupad sa gawain, itataas ko si "Zhenxin" bilang isang halimbawa.
Sasabihin ko sa kanila na sila ay mapanlinlang at na ito ay katumbas ng
pagkakanulo sa Diyos. Kapag hindi nila binago ang kanilang mga paraan,
ang kanilang kapalaran ay magiging katulad ng kay Judas. Pagka hindi
nila gustong ipalaganap ang ebanghelyo, tatalakayin ko kung paanong ang
mga pagkilos na iyon ay pagrebelde at paglaban sa Diyos. … O Diyos! Sa
anong diwa ko nagagamit ang katotohanan upang lutasin ang kanilang mga
problema? Gumagamit ako ng purong pananakot! Sa ilalim ng patnubay ng
Diyos, naisip ko ang mga sumusunod na sipi mula sa pagbabahagi ng tao,
"Ang paglilingkod na ayon sa kalooban ng Diyos ay nangangailangan na sa
lahat ng mga bagay at tungkol sa lahat ng mga suliranin ay dapat nating
itampok ang Diyos, magpatotoo sa Diyos, makipagniig tungkol sa kalooban
ng Diyos, makipagniig tungkol sa mga kahilingan ng Diyos, at
pahintulutan ang iba na kumilos alinsunod sa salita ng Diyos. Hindi
natin dapat pakilusin ang mga tao nang alinsunod sa mga alituntunin,
panuntunan at kasabihan ng tao. Ang iyong pakikipag-isa ay dapat na
magpahintulot sa mga tao na lumapit sa Diyos at sundin ang Kanyang
kalooban, kumilos alinsunod sa salita ng Diyos at, sa huli, makilala ang
Diyos at masunod Siya" ("Paano Magpatotoo at Magtampok sa Diyos" sa mga
Tala ng mga Pakikipag-usap ni Cristo sa mga Lider at Manggagawa ng
Iglesia). Sa sandaling ito, nakaranas ako ng isang biglaang pagbubunyag.
Ipinagkakatiwala ng Diyos sa mga lider ang gawain ng pagtatampok sa
Diyos, pagpapatotoo sa Diyos, pakikipagniig tungkol sa kalooban at mga
kahilingan ng Diyos, na nagpapahintulot sa mga iba na kumilos alinsunod
sa mga hinihingi ng Diyos at, sa huli, maunawaan at masunod ang Diyos.
Sa paglutas sa mga suliranin ng aking mga kapatid ako, gayunman, ay
bihirang nagsalita tungkol sa mga hinihingi ng Diyos, sa Kanyang
kalooban o sa Kanyang mga inaasahan. Bihira ko ring ginamit ang
katotohanan upang makipagniig tungkol sa mga kalagayan ng aking mga
kapatid. Sa halip, walang humpay kong sinuri ang kanilang kalikasan at
ang paraan ng kanilang pagkilos. Magmumungkahi ako ng mga maaaring
kahihinatnan ng kanilang mga aksyon upang takutin sila sa pagkilala sa
kanilang mga sarili. Nagdulot ito sa mga kapatid na hindi maunawaan ang
kalooban ng Diyos, walang tunay na pagkaunawa sa kanilang mga sarili at
maging mas lalo pang walang kakayahang makita ang lubos na layunin ng
kaligtasan at pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan. Bilang resulta, namuhay
sila sa lahat ng uri ng mga hindi normal na sitwasyon. Sa punto lamang
na ito ko napagtanto na kumikilos ako sa bulag na pagsunod sa aking mga
sariling kagustuhan. Ako ay lumalaban na sa Diyos! Sa pangunguna sa
aking mga kapatid sa ganitong paraan, hindi lamang sa hindi ako
nakapagbigay ng tulong sa kanila sa pag-unawa at pagsunod sa Diyos, sa
katotohanan ay nagdudulot ako sa kanila na hindi maunawaan at tumungo sa
lalo’t lalong pagsalungat sa Diyos. Sa ganitong paraan, napalayo sila
ng napalayo sa Diyos at gumawa ng higit at higit pang mga paglabag. Sa
kabila ng katotohanan na nalutas ko ang mga suliranin ng aking mga
kapatid nang ayon sa salita ng Diyos at ang lahat ng sinabi ko ay totoo,
sa katotohanan, hindi ako gumagawa sa isang nakatutulong na paraan. Sa
katunayan, ang ginagawa ko ay ganap na walang silbi. Ang ganitong paraan
ng paggawa ay magiging lubhang nakakapinsala sa gawain ng iglesia. Noon
ko lamang napagtanto na ang pinakamagandang paraan ng pagsuporta sa mga
kapatid ay ang payagan silang maunawaan ang kalooban ng Diyos sa
pamamagitan ng salita ng Diyos, mapagtanto ang maalab na layunin ng
kaligtasan ng Diyos, malaman ang diwa ng kanilang sariling kalikasan at,
sa paggawa nito, matutunan na kapootan ang kanilang mga sarili, kumilos
ayon sa mga hinihingi ng Diyos at, sa huli, makilala at masunod ang
Diyos. Ito ang tunay na kahulugan ng paglilingkod na alinsunod sa
kalooban ng Diyos at tanging ang ganitong uri ng paglilingkod ang may
konsiderasyon sa kalooban ng Diyos.
Naghahandog ako ng pasasalamat
sa Diyos sa pagpapakita sa akin ng tunay na dahilan kung bakit hindi
naging epektibo ang aking gawain. Pagkatapos nito, sinadya kong magsikap
na makipagniig tungkol sa kalooban at mga kahilingan ng Diyos ayon sa
mga kalagayan ng aking mga kapatid. Tinalakay ko kung bakit gusto ng
Diyos na kumilos sila sa paraang hiningi Niya, kung paanong ang Kanyang
mga masisigasig na hangarin ay nahayag sa kanilang mga buhay at kung
anong uri ng resulta ang inasahan Niyang maganap. Tinalakay ko rin kung
paano sila makikipagtulungan sa Diyos upang maging alinsunod sa Kanyang
kalooban. ... Pagkatapos makipagniig sa ganitong paraan, totoong nakita
ko ang mga pagpapala ng Diyos: Ang aking mga kapatid ay nagsimulang
maunawaan ang kalooban ng Diyos at masaksihan ang kaligtasan ng Diyos.
Naunawaan nila na ang halaga na binayaran ng Diyos para sa lahat ng tao
ay hindi abot ng pang-unawa. Sinimulan nilang unawain ang kanilang
mapaghimagsik na kalikasan, handa na hanapin ang katotohanan at naging
ganyak upang matupad ang kanilang mga tungkulin.
Sa pagbubunyag ng
mga katotohanan sa kanilang sarili, nagkaroon ako ng malalim na
pakiramdam sa talagang tunay na kalikasan ng pag-ibig ng Diyos. Pagka
gumawa ako ng ayon sa aking sariling kalooban, na nilalabanan ang Diyos
sa aking paglilingkod sa Kanya, ibinunyag agad ng Diyos ang aking mga
pagkukulang at mga kakulangan at itinuwid ang lahat ng mga pagkakamali
sa aking gawain. Kung hindi, talagang hindi ko alam kung saan maihahatid
ng aking mga pagkilos ang aking mga kapatid o kung gaano katagal ko
silang malilinlang. Makapangyarihang Diyos, salamat sa Iyo sa Iyong
tunay at totoong gawain, na nagpahintulot sa akin na makita ang Iyong
kamangha-manghang mga pagkilos at sa kaligtasan na pinatungo mo sa akin.
Mula ngayon, namamanata ako na magpupunyagi sa katotohanan at gagawa ng
mas mabuti upang matupad ang Iyong mga hinihingi, maging ang hanapin at
maunawaan ang Iyong kalooban at makamit ang kakayahang gumawa ayon sa
Iyong kagustuhan sa lahat ng bagay, na naglilingkod nang alinsunod sa
Iyong kalooban.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento