★⋰ * ⋱★⋰ *⋱★⋰*⋱★⋰ * ⋱★⋰ *★⋰ * ⋱★⋰ *⋱★⋰*⋱★
I
Ngayon ang araw, kita mo ba?
'Di simpleng bagay Diyos dumating sa gitna ng tao
upang tao'y iligtas, talunin si Satanas,
kaya Diyos nagkatawang-tao.
Kung di rito, di S'ya gagawa sa Sarili N'ya.
D'yos nagkatawang-tao upang si Satanas ay labanan
at akayin ang tao,
na lama'y naging tiwali't nais iligtas ng D'yos.
D'yos muling nagkatawang-tao
upang talunin si Satanas, at tao'y iligtas.
D'yos lang makalalaban kay Satanas sa Espiritu
o sa katawang-tao.
II
Anghel di makalalaban, walang kapangyarihan.
At taong tiwali'y walang kakayahan.
Kaya D'yos nagkatawang-tao
nang sa tao'y maging buhay,
gumawa sa kanila't sila'y iligtas,
ng likas N'yang pagkakakilanlan,
at gawaing dapat N'yang gawin.
Labana'y magpapatuloy, magpakailanman,
kung Diyos di nagkatawang-tao.
Kung sa Espiritu ng Diyos o tao lang,
walang magiging daan.
Ang Diyos ay nagkatawang-tao
upang labanan si Satanas.
Saka lamang tao'y maliligtas.
Sa gayon lang magagapi si Satanas.
Sa gayon lang plano nito'y masasaway.
Kung tao ang s'yang lalaban,
tatakas lang s'yang walang kaayusan.
Tiwaling disposisyon ng tao ay di kayang mabago.
Tao'y di maililigtas ng tao sa krus,
ni malulupig sangkatauhang suwail.
Magagawa lang ng tao ang lumang gawa,
o walang ugnayan sa pagtalo kay Satanas.
III
Tao'y dapat tumalima't sumunod.
Di nila kayang dalhin bagong kapanahunan,
ni kayang labanan si Satanas.
Talo si Satanas 'pag D'yos sa tao'y nalulugod.
Pagka't bawa't bagong labana't kapanahunan,
D'yos Mismo ang gumagawa,
pangunahan ang kapanahuna't
buksan ang bagong daan,
tao'y dinadala sa mas mabuting kinasasaklawan.
D'yos nagkatawang-tao
upang si Satanas ay labanan
at akayin ang tao,
na lama'y naging tiwali't nais ng D'yos na iligtas.
D'yos muling nagkatawang-tao
upang talunin si Satanas, at tao'y iligtas.
D'yos lang makalalaban kay Satanas sa Espiritu
o sa katawang-tao.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: Ang tao ay ginawang tiwali ni Satanas, at siya ang pinakamataas sa lahat
ng mga nilalang ng Diyos, kaya ang tao ay nangangailangan ng kaligtasan
ng Diyos. Ang pakay ng kaligtasan ng Diyos ay ang tao, hindi si
Satanas, at ang maliligtas ay ang katawan ng tao, at ang kaluluwa ng
tao, at hindi ang demonyo. Si Satanas ang layon ng paglipol ng Diyos,
ang tao ay ang layon ng kaligtasan ng Diyos, at ang katawan ng tao ay
ginawang tiwali ni Satanas, kaya ang unang ililigtas dapat ay ang
katawan ng tao. Ang laman ng tao ay pinakamatinding ginawang tiwali, at
ito ay naging isang bagay na lumalaban sa Diyos, na siyang lantarang
sumasalungat at tinatanggihan ang pag-iral ng Diyos. Ang tiwaling
laman-tao na ito ay talagang masyadong hindi mapaamo, at walang mas
mahirap na pakitunguhan o baguhin kaysa sa tiwaling disposisyon ng
laman. Pumasok si Satanas sa katawan ng tao upang lumikha ng gulo, at
ginagamit ang laman ng tao upang abalahin ang gawain ng Diyos, at
pahinain ang plano ng Diyos, at sa gayon ang tao ay naging si Satanas,
at ang kaaway ng Diyos. Upang mailigtas ang tao, dapat muna siyang
lupigin. Ito ang dahilan kung bakit humaharap ang Diyos sa hamon at
pumasok sa katawang-tao upang gawin ang gawain na balak Niyang gawin, at
labanan si Satanas. Ang Kanyang layunin ay ang kaligtasan ng
sangkatauhan, na naging tiwali, at ang pagkatalo at pagkalipol ni
Satanas, na naghihimagsik laban sa Kanya. Natatalo Niya si Satanas sa
pamamagitan ng Kanyang gawaing panlulupig sa tao, at kasabay na
inililigtas ang tiwaling sangkatauhan. Kung kaya, malulutas ng Diyos ang
dalawang problema kaagad. Siya ay kumikilos sa katawang-tao, at
nagsasalita sa katawang-tao, at isasagawa ang lahat ng trabaho sa
katawang-tao upang mas mahusay na makipag-ugnayan sa tao, at mas mahusay
na lupigin ang tao. Sa huling sandaling nagkatawang-tao ang Diyos, ang
Kanyang gawain sa mga huling araw ay matatapos sa katawang-tao.
Pagbubukud-bukurin Niya ang lahat ng tao ayon sa uri, tinatapos ang
Kanyang buong pamamahala, at tinatapos din lahat ng Kanyang gawain sa
katawang-tao. Matapos ang lahat ng Kanyang gawain sa lupa ay dumating sa
katapusan, Siya ay magiging ganap na matagumpay. Sa paggawa sa
katawang-tao, ang Diyos ay ganap na malulupig ang sangkatauhan, at ganap
na makakamit ang sangkatauhan. Hindi ba ito nangangahulugan na ang
Kanyang buong pamamahala ay parating na sa katapusan? Kapag winakasan ng
Diyos ang Kanyang gawain sa katawang-tao, bilang lubos na Niyang natalo
si Satanas at naging matagumpay, si Satanas ay wala nang pagkakataon
upang itiwali ang tao. Ang gawain ng unang pagkakatawang-tao ng Diyos ay
ang pagtutubos at kapatawaran ng mga kasalanan ng tao. Ngayon ito ang
gawaing panlulupig at ganap na pagkamit ng sangkatauhan, upang si
Satanas ay hindi na magkaroon ng anumang mga paraan upang gawin ang
gawain nito, at magiging ganap na matalo, at ang Diyos ay magiging ganap
na matagumpay. Ito ang gawa ng katawang-tao, at ang gawain na ginawa ng
Diyos Mismo. Ang paunang gawain ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos ay
direktang nagawa sa pamamagitan ng Espiritu, at hindi sa pamamagitan ng
katawang-tao. Ang huling gawain ng tatlong yugto ng gawain ng Diyos,
gayunpaman, ay ginawa sa pamamagitan ng nagkatawang-taong Diyos, at
hindi direkta sa pamamagitan ng Espiritu. Ang gawain ng pagtubos sa mga
tagapamagitan na yugto ay ginawa din ng Diyos sa katawang-tao. Sa buong
gawaing pamamahala, ang pinaka-mahalagang gawain ay ang kaligtasan ng
tao mula sa impluwensya ni Satanas. Ang pinaka-susing gawain ay ang
ganap na paglupig sa tiwaling tao, sa gayon ay pinapanumbalik ang
orihinal na paggalang sa Diyos sa puso ng nalupig na tao, at
pinahihintulutan siyang makamit ang isang normal na buhay, na ang ibig
sabihin, ang normal na buhay ng isang nilikha ng Diyos. Ang gawain na
ito ay maselan, at ito ang saligan ng gawaing pamamahala. Sa tatlong
yugto ng gawain ng pagliligtas, ang unang yugto ng gawain ng kautusan ay
malayo mula sa saligan ng gawaing pamamahala; ito lamang ay nagkaroon
ng bahagyang pagpapakita ng gawain ng pagliligtas, at hindi ang simula
ng gawain ng pagliligtas ng Diyos sa tao mula sa sakop ni Satanas. Ang
unang yugto ng gawain ay direktang ginawa sa pamamagitan ng Espiritu
dahil, sa ilalim ng kautusan, ang tanging alam ng tao ay sumunod sa
kautusan, at hindi magkaroon ng mas maraming katotohanan, at sapagka’t
ang gawain sa Kapanahunan ng Kautusan ay halos hindi nilakipan ng mga
pagbabago ng disposisyon ng tao, lalong hindi ito nagpahalaga sa gawain
kung paano maliligtas ang tao mula sa sakop ni Satanas. Kung kaya ang
Espiritu ng Diyos ay ginawang ganap itong sukdulang na simpleng yugto ng
gawain na walang kinalaman sa tiwaling disposisyon ng tao. Ang bahaging
ito ng gawain ay mayroon lamang maliit na kaugnayan sa saligan ng
pamamahala, at walang malaking ugnayan sa opisyal na gawain ng
pagliligtas ng tao, at sa gayon ito ay hindi kinailangan ng Diyos na
maging katawan upang personal na gawin ang Kanyang gawain. Ang gawain na
ginawa ng Espiritu ay ipinapahiwatig at hindi maarok, at ito ay
kakila-kilabot at hindi malapitan ng tao; ang Espiritu ay hindi angkop
sa direktang paggawa ng gawain ng pagliligtas, at hindi angkop sa
direktang pagbibigay-buhay sa tao. Ang pinaka-angkop para sa tao ay ang
pagbabagong-anyo ng gawain ng Espiritu sa isang paraan na malapit sa
tao, na ang ibig sabihin, kung ano ang pinaka-angkop para sa tao ay ang
Diyos na maging isang ordinaryo, karaniwang katauhan upang gawin ang
Kanyang gawain. Kinakailangan nito na magkatawang-tao ang Diyos upang
halinhan ang gawain ng Espiritu, at para sa tao, wala nang mas angkop na
paraan para gumawa ang Diyos. Sa tatlong mga yugtong gawaing ito,
dalawang yugto ang natupad sa pamamagitan ng katawan, at ang dalawang
yugto na ito ay ang susing antas ng gawaing pamamahala. Ang dalawang
pagkakatawang-tao ay bahaginang magkatugma at ginagawang perpekto ang
isa’t-isa. Ang unang yugto ng pagkakatawang-tao ng Diyos ang siyang
naglatag ng pundasyon para sa ikalawang yugto, at maaari itong sabihin
na ang dalawang anyo ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay bumuo ng isang
kabuuan, at hindi di-magkatugma sa isa’t-isa. Ang dalawang yugto ng
gawain ng Diyos na ito ay isinagawa ng Diyos sa Kanyang pagkakakilanlan
na pagkatawang-tao dahil ang mga ito ay napakahalaga sa buong gawaing
pamamahala. Halos masasabi na, kung wala ang gawain ng dalawang
pagkakatawang-tao ng Diyos, ang buong gawaing pamamahala ay maaaring
nahinto, at ang gawain ng pagliligtas ng sangkatauhan ay magiging walang
anuman kundi walang saysay na salita. Kung mahalaga o hindi ang gawain
na ito ay batay sa mga pangangailangan ng sangkatauhan, at ang
pagkatotoo ng kabuktutan ng sangkatauhan, at ang kalubhaan ng pagsuway
ni Satanas at ang kanyang panggugulo sa gawain. Ang isang tama para sa
gawain ay nakasalalay sa kalikasan ng kanyang gawain, at ang kahalagahan
ng gawain. Kung nauukol sa kahalagahan ng gawain na ito, sa kung anong
paraan ng gawain ang gagamitin—ang gawain na direktang ginawa sa
pamamagitan ng Espiritu, o gawain na ginawa ng Diyos na nagkatawang-tao,
o gawaing ginampanan sa pamamagitan ng tao—ang unang aalisin ay ang
gawain na ginampanan sa pamamagitan ng tao, at, batay sa kalikasan ng
gawain, at ang kalikasan ng gawain ng Espiritu laban sa yaong sa
katawan, ito ay napagpasyahan sa huli na ang gawain na ginawa sa katawan
ay mas kapaki-pakinabang para sa tao kaysa sa gawain na direktang
ginawa sa pamamagitan ng Espiritu, at nag-aalok ng higit na mga
pakinabang. Ito ang kaisipan ng Diyos sa oras ng pagpapasya kung ang
gawain ay ginawa sa pamamagitan ng Espiritu o sa pamamagitan ng
katawang-tao. May isang kabuluhan at batayan sa bawat yugto ng gawain.
Ang mga ito ay hindi walang batayan na mga pag-guniguni, at ni hindi ang
mga ito nagkataong isinagawa; mayroong tiyak na karunungan sa mga ito.
Gayon ang katulad ng katotohanan sa likod ng lahat ng gawain ng Diyos.
Sa partikular, may mas higit pa sa plano ang Diyos sa gayong isang
dakilang gawain kung saan ang Diyos na nagkatawang-tao ay personal na
gumagawa sa gitna ng tao. At sa gayon, ang karunungan ng Diyos at ang
kabuuan ng pagiging ano Siya ay nasasalamin sa Kanyang bawat kilos,
pag-iisip, at ideya sa paggawa; ito ang kung ano ang Diyos na mas
kongkreto at sistematiko. Ang hindi kapansin-pansing mga saloobin at mga
ideya ay mahirap guni-gunihin para sa tao, at mahirap para sa tao na
paniwalaan, at, higit pa rito, mahirap para sa tao na malaman. Ang
gawain na ginawa ng tao ay ayon sa pangkalahatang prinsipyo, na kung
saan, para sa tao, ay lubos na kasiya-siya. Ngunit kung ihahambing sa
gawa ng Diyos, may talagang masyadong malaking pagkakaiba; kahit na ang
mga ginawa ng Diyos ay dakila at ang gawain ng Diyos ay isang
kagila-gilalas na antas, sa likod ng mga ito ay maraming mumunti at
eksaktong mga plano at mga pag-sasaayos na hindi mailarawan ng isip ng
tao. Bawat yugto ng Kanyang gawain ay hindi lamang ayon sa prinsipyo,
ngunit naglalaman din ng maraming bagay na hindi maaaring magsalita nang
maliwanag sa pamamagitan ng wika ng tao, at ito ang mga bagay na hindi
nakikita ng tao. Hindi alintana kung ito ay gawain ng Espiritu o gawain
ng Diyos na nagkatawang-tao, ang bawat isa ay naglalaman ng mga plano ng
Kanyang gawain. Hindi siya gumagawa nang walang batayan, at hindi
gumagawa ng walang-kabuluhang gawain. Kapag ang Espiritu ay gumagawa
nang direkta ito ay sa Kanyang mga layunin, at kapag Siya ay nagiging
tao (na ang ibig sabihin, nang magbagong-anyo ang Kanyang panlabas na
balat) upang gumawa, ito ay higit pa sa Kanyang layunin. Bakit pa Niya
malayang babaguhin ang Kanyang pagkakakilanlan? Bakit pa Siya malayang
naging isang katauhan na itinuring na hamak at pinag-uusig?
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento