Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pag-ibig. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pag-ibig. Ipakita ang lahat ng mga post

Huwebes, Disyembre 20, 2018

Tagalog Christian Worship Song | "Tinunaw ng Pag ibig ng Diyos ang Aking Puso"


Tagalog Worship Songs | "Tinunaw ng Pag ibig ng Diyos ang Aking Puso"
Naririnig ko ang Iyong mabait na tawag,
bumabalik ako sa Iyong harapan.
Sa Iyong mga salita naliliwanagan,
nakikita ko ang aking katiwalian.
I
Madalas akong malamig sa Iyo, sinaktan at pinalungkot Ka,
matigas ang puso, nagrebelde, iniwan Kang mag-isa.
Bakit ang Iyong pagmamahal sa tao ay nasuklian ng sakit?
Napopoot ako sa aking matigas na puso
at malalim na kasamaan.

Miyerkules, Oktubre 17, 2018

Tagalog music video | “Ang Kaligayahan sa Mabuting Lupa ng Canaan” | Praise and Worship

Tagalog music video | “Ang Kaligayahan sa Mabuting Lupa ng Canaan” | Praise and Worship

I
Balik sa pamilya ng D'yos, sabik, masaya.
Kamay ko'y tangan ang sinta, puso'y sa Kanya.
Lambak ng Luha ma'y dinaanan, rikit ng D'yos nakita.
Pag-ibig bawa't araw lumalago, D'yos aking galak.
Nagayuma ng ganda ng D'yos, puso'y kapit sa Kanya.
D'yos 'di maibig nang sapat, awiting papuri ay apaw.
II
Sa pinagpalang lupang Canaan, lahat sariwa, bago,
punô ng lakas ng buhay.
Buháy na tubig mula sa praktikal na D'yos, tustos sa aking buhay.
Lasap pagpapala ng langit, 'di na maghanap, magnasa.
Napasa-pinagpalang lupang Canaan, galak walang-kapantay!
Pag-ibig ko sa D'yos dulot ay lakas.
Himig ng papuri ay abot-langit, pag-ibig sa Kanya ay sambit.
Kayganda ng sinta ko! Ganda Niya ay binihag ang puso ko.
Bango ng sinta ko, pumipigil sa paglisan.

Lunes, Agosto 6, 2018

Ebangheliyong musika | Dalawang Libong Taon ng Pananabik

.•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸ .•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸.•*¨*•.¸¸


Dalawang Libong Taon ng Pananabik

I
Na ang Diyos ay nagkatawang-tao
niyayanig ang relihiyosong mundo,
nagugulong pangrelihiyong kaayusan,
at ginigising lahat ng kaluluwang
nananabik sa pagpapakita ng Diyos.
Sinong 'di namamangha dito?
Sino ang hindi nasasabik na makita ang Diyos?
Ilang taon ang ginugol ng Diyos sa piling ng tao,
ngunit 'di ito namalayan ng tao.
Ngayon, ang Diyos Mismong nagpakita
para muling ibalik ang dati Niyang pagmamahal sa tao.

Biyernes, Hulyo 27, 2018

Awit ng Pagsamba | Mamahalin Ko ang Diyos Magpasawalang-hanggan

✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️🙏✝️

🌳 🌳 🌳 🌳🌳 🌳🌳🌳 🌳 🌳 🌳


I
O Diyos! Mga salita Mo'y nagpabalik sa akin sa Iyo.
Tanggap ko na sanayin sa Iyong kaharian
araw at gabi.
Kayraming pagsubok at sakit,
kayraming mga paghihirap.
Malimit ako ay umiyak at ramdam puso'y nasugatan,
at maraming ulit nahulog sa bitag ni Satanas.
Nguni't 'di Mo ako iniwan kailanman.
Inakay Mo 'ko sa maraming hirap.
Iningatan sa maraming panganib.

Ngayo'y batid ko na iniibig Mo ako.

Linggo, Hunyo 17, 2018

Ebangheliyong musika | Pag Binuksan Mo'ng Puso Mo sa Diyos


'Pag ang Diyos ay 'di mo batid, at likas Niya'y di mo tanto,
puso mo'y hindi magbubukas ng tunay para sa Diyos.
'Pag naintindihan mo na'ng iyong Diyos,
ang nasa puso Niya'y mauunawaan mo,
at ito'y daranasin mong lubusan ng
may buong pananampalataya.
'Pag nilasap mo ang nasa puso ng Diyos nang unti-unti,
sa bawat araw,
'pag nilasap mo ang nasa puso ng Diyos,
pagbubuksan Siya ng iyong puso.
'Pag tunay na bukas ang 'yong puso,
'pag tunay na bukas ang 'yong puso,
iyong makikitang suklam
at kahihiyang mapaglustay't makasariling hiling.
'Pag tunay na bukas ang 'yong puso,
'pag tunay na bukas ang 'yong puso.
Makikita sa puso Niya'y mundong walang-hanggan,
tungo sa kahariang walang katulad.
Sa kaharia'y walang pandaraya,
walang panlilinlang, walang kadiliman, at walang kasamaan.
Tanging kataimtiman at katapatan;
tanging pagkamatuwid at kagandahang-loob.
Siya'y pag-ibig, Siya'y mapag-aruga,
walang hanggang kahabagan.
Sa iyong buhay, saya'y nadarama,
kung buksan ang puso mo sa Diyos.
Sa dunong Niya't lakas napupuspos ang kaharian,
maging ng awtoridad Niya't pag-ibig.

Biyernes, Mayo 25, 2018

Kanta ng Papuri | Dalisay na Pag-ibig na Walang Dungis

★⋰ * ⋱★⋰ *⋱★⋰*⋱★⋰ * ⋱★⋰ *★⋰ * ⋱★⋰ *⋱★⋰*⋱★⋰ * ⋱★

Ang pag-ibig ay isang dalisay na damdamin,
dalisay na walang dungis.
Gamitin ang iyong puso,
sa pag-ibig at makaramdam at mangalaga.
Ang pag-ibig ay 'di nagtatakda ng mga kondisyon
o mga hadlang o agwat.
Gamitin ang 'yong puso,
sa pag-ibig at makaramdam at mangalaga.
Kung ikaw ay nagmamahal, 'di ka manlilinlang,
magrereklamo at tatalikod,
naghihintay ng kapalit.
Kung ikaw ay umiibig magpapakasakit ka,
tinatanggap ang hirap at makaisa ng Diyos sa pagkaayon.

Lunes, Mayo 21, 2018

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Paano Mo Dapat Asikasuhin ang Iyong Hinaharap na Misyon


✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Naisip mo ba kung gaano namighati at nabalisa ang puso ng Diyos? Paano Niyang matitiis na makita ang inosenteng sangkatauhan na nilikha Niya ng Kanyang sariling mga kamay na dumaranas ng gayong pagdurusa? Pagkatapos ng lahat, ang sangkatauhan ay ang mga kapus-palad na nilason. Kahit na nanatili silang buhay hanggang sa araw na ito, sino ang makaiisip na sila ay matagal nang nilason ng masamang nilalang? Nakalimutan mo bang isa ka sa mga biktima? Dala ng iyong pag-ibig sa Diyos, hindi ka ba handang magsikap upang iligtas ang mga yaong nanatiling buhay? Hindi ba kayo handang gamitin ang lahat ng inyong pagsisikap upang gantihan ang Diyos na iniibig ang sangkatauhan tulad ng Kanyang sariling laman at dugo? Paano mo bibigyang kahulugan ang pagkasangkapan ng Diyos upang isabuhay ang iyong pambihirang buhay? Talaga bang mayroon kang pagpapasya at tiwala sa sarili na isabuhay ang isang makabuluhang buhay ng isang taong madasalin at naglilingkod sa Diyos?”

Lunes, Marso 26, 2018

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Ang Tiwaling Tao ay Walang Kakayanang Kumatawan sa Diyos

Espiritu, Diyos, krus, pag-ibig, Jesus

   Ang tao ay nabubuhay sa ilalim ng pagkabalot sa impluwensya ng kadiliman, nakagapos sa impluwensya ni Satanas nang walang matatakasan. At ang disposisyon ng tao, pagkatapos itong sumailalim sa proseso ni Satanas, ay nagiging mas tiwali. Masasabi ng isang tao ay patuloy na nabubuhay sa kanyang tiwali at mala-demonyong disposisyon, walang kakayahang umibig ng tunay sa Diyos. Dahil dito, kung nais ng tao na ibigin ang Diyos, kailangan niyang alisin ang kanyang sariling-katuwiran, sariling-kahalagahan, pagmamataas, pagmamalaki, at mga kauri nito, na nanggagaling lahat sa disposisyon ni Satanas. Kung hindi, ang pag-ibig ng tao ay isang maruming pag-ibig, pag-ibig ni Satanas, at isang bagay na siguradong hindi makakatanggap ng pagsang-ayon ng Diyos. Kung hindi direktang magawang perpekto, pakitunguhan, masira, pungusin, madisiplina, maparusahan, o gawing dalisay ng Banal na Espiritu, walang tunay na makakaibig sa Diyos. Kung sasabihin mo na ang isang bahagi ng iyong disposisyon ay kumakatawan sa Diyos at dahil dito ay kaya mong ibigin ng tunay ang Diyos, sa gayon ay isa kang tao na nagsasambit ng mga salita ng kayabangan at isang taong salungat sa katuwiran. At ang mga taong katulad nito ay ang arkanghel! Ang sadyang kalikasan ng tao ay hindi maaaring direktang kumatawan sa Diyos. Kailangang alisin ng tao ang sadyang kalikasan niya sa pamamagitan ng pagperpekto ng Diyos, at pagkatapos, sa pamamagitan lamang ng pagsaalang-alang sa kalooban ng Diyos, pagtupad sa kalooban ng Diyos at higit pang pagsailalim sa gawain ng Banal na Espiritu, na aaprubahan ng Diyos ang kanyang pagsasabuhay. Walang sinuman na nabubuhay sa laman ang maaaring direktang kumatawan sa Diyos, maliban kung siya ay isang tao na ginamit ng Banal na Espiritu. Gayunman, kahit sa taong katulad nito, ang kanyang disposisyon at kung ano ang kanyang isinasabuhay ay hindi maaaring sabihin na ganap na kumakatawan sa Diyos; maaari lamang sabihin ng isang tao na ang kanyang isinasabuhay ay ginabayan ng Banal na Espiritu. Ang disposisyon ng gayong tao ay hindi maaaring kumatawan sa Diyos.

Martes, Marso 13, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Cristianong Kanta | Maghandog ng Pag-ibig sa Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Cristianong Kanta | Maghandog ng Pag-ibig sa Diyos


Diyos nagkatawang-tao upang mamuhay sa gitna natin.
Sa kababaa't kahihiyan, inalay sa'tin kaligtasan.
Nguni't 'di ko S'ya kilala o naunawaan, panay karaingan.
Anong dalamhati ng puso N'ya sa pagrebelde ko't paglaban!
Mahal na Makapangyarihang Diyos, sala ko'y nilimot Mo na.
Natiis Mo na lahat ng pagkarebelde ko
nguni't biyaya muli'y alay.
Batid na itinataas Mo, ako'y puno ng kahihiyan.
Lubhang 'di 'ko karapat-dapat sa'Yong pagmamahal!


Huwebes, Pebrero 15, 2018

Salita ng Diyos | Ang Tunay na Pag-ibig sa Diyos ay Kusa


 buhay, Diyos, katotohanan, Pag-ibig, panalangin


Salita ng Diyos | Ang Tunay na Pag-ibig sa Diyos ay Kusa | Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos



    Ang lahat ng mga tao ay isinailalim sa pagpipino dahil sa mga salita ng Diyos. Kung hindi dahil sa Diyos na nagkatawang-tao ang sangkatauhan ay tiyak na hindi mabibiyayaan na magdanas sa gayong paraan. Maaari rin itong sabihin nang ganito—yaong mga nakatatanggap sa mga pagsubok ng mga salita ng Diyos ay mga taong pinagpala. Batay sa dating kakayahan ng mga tao, ang kanilang pag-uugali, at mga saloobin sa Diyos, hindi sila karapat-dapat na tumanggap ng ganitong pagpipino. Ito ay dahil pinatibay sila ng Diyos na tinatamasa nila ang Kanyang pagpapala. Dati nang sinasabi ng mga tao na hindi sila karapat-dapat na makita ang mukha ng Diyos o marinig ang Kanyang mga salita. Sa kasalukuyan, lubusang dahil sa pagpapatibay ng Diyos at sa Kanyang awa na tinatanggap ng mga tao ang pagpipino ng Kanyang mga salita. Ito ang pagpapala ng bawat isang tao na nabubuhay sa mga huling araw—personal ba ninyong naranasan ito? Kung saang aspeto dapat magdusa ang mga tao at magkaroon ng mga kabiguan ay itinatalaga ng Diyos, at hindi ito batay sa sariling mga kinakailangan ng mga tao. Ito ay talagang totoo. Ang bawat mananampalataya ay dapat magtaglay ng kakayahan na sumailalim sa mga pagsubok ng mga salita ng Diyos at magdusa sa loob ng Kanyang mga salita. Ito ba ay isang bagay na malinaw ninyong nakikita? Kaya ang pagdurusa na inyong pinagdadaanan ay kapalit ng kasalukuyang mga biyaya; kung hindi ka magdurusa para sa Diyos, hindi mo makakamit ang Kanyang papuri. Maaaring nagrereklamo ka noong nakaraan, ngunit hindi alintana kung gaano ka man nagrereklamo hindi naaalala ng Diyos ang mga iyon tungkol sa iyo. Sumapit ang araw na ito at walang dahilan na tumingin sa mga bagay ng kahapon.

Miyerkules, Pebrero 14, 2018

Mabuhay sa Pag-ibig ng Diyos | Sa Pamilya ng Diyos Tayo ay Nagkikita


Mabuhay sa Pag-ibig ng Diyos | Sa Pamilya ng Diyos Tayo ay Nagkikita | Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos




I Nagmamahal sa isa't-isa, tayo ay pamilya. Ahh ... ahh ... ahh … Sa pamilya ng Diyos tayo ay nagkikita; isang pagtitipon ng mga nagmamahal sa Diyos. Na walang kinikilingan; malapit na samasama, ang tamis at saya sa puso'y umaapaw. Pagsisisi sala'y iniwan natin kahapon; ngayon tayo'y nagkakaintindihan, namumuhay sa pag-ibig ng Diyos. Gaano kasaya kung tayo'y nagkakaintindihan at walang katiwalian. Mga kapatid na nagmamahal, tayo ay pamilya. Na walang kinikilingan, malapit na samasama. Ahh ... ahh ... ahh ... oohing……


Linggo, Pebrero 4, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Landas… (3)

Banal na Espiritu, buhay, Diyos, Gawain, Pag-ibig

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Landas… (3) | Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


     Sa Aking sariling buhay, Ako ay laging handang ibigay ang Aking sarili sa Diyos nang buo, katawan at isipan. Sa paraang ito, walang paninisi sa Aking konsensya at Ako ay nakatatamo ng kaunting kapayapaan. Ang isang tao na naghahabol sa buhay ay dapat munang ibigay ang kanilang puso sa Diyos nang buo. Ito ay paunang-kundisyon. Nais Kong ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay manalanging kasama Ko sa Diyos: “O Diyos! Nawa ang Iyong Espiritu sa langit ay magkaloob ng biyaya sa mga tao sa lupa upang ang Aking puso ay lubos na babaling sa Iyo, upang ang Aking Espiritu ay maantig Mo, at upang makita Ko ang Iyong kariktan sa Aking puso at Aking Espiritu, upang yaong mga nasa lupa ay mapagpala na makita ang Iyong kagandahan. Diyos! Nawa ang Iyong Espiritu ay minsan pang antigin ang aming mga espiritu upang ang aming pag-ibig ay tumatagal at kailanma’y hindi nagbabago!” Ang ginagawa ng Diyos sa ating lahat ay sinusubok muna ang ating mga puso, at kapag ibinuhos natin ang ating mga puso tungo sa Kanya, sa sandaling iyon ay nagsisimula Siyang antigin ang ating mga espiritu. Sa espiritu lamang makikita ng isa ang kariktan ng Diyos, kataasan, at kadakilaan. Ito ang landas ng Banal na Espiritu sa mga tao. Mayroon ka ba ng ganitong uri ng buhay? Naranasan mo na ba ang buhay ng Banal na Espiritu? Ang iyo bang espiritu ay naantig na ng Diyos? Nakita mo na ba kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu sa mga tao? Naibigay mo na ba ang iyong puso sa Diyos nang buo? Kapag buo mong ibinibigay ang iyong puso sa Diyos, nakakaya mong tuwirang maranasan ang buhay ng Banal na Espiritu, at ang Kanyang gawain ay maaaring patuloy na mabunyag sa iyo. Sa panahong iyon, maaari kang maging isang tao na ginagamit ng Banal na Espiritu. Handa ka ba na maging ganoong uri ng tao? Sa Aking alaala, noong Ako ay naantig ng Banal na Espiritu at unang ibinigay ang Aking puso sa Diyos, bumagsak Ako sa harapan Niya at umiyak: “O Diyos! Ikaw ang nagbukas ng Aking mga mata upang Aking makilala ang Iyong pagliligtas. Handa Akong ibigay ang Aking puso sa Iyo nang buo, at ang tangi Kong hinihiling ay mangyari ang Iyong kalooban. Ang tangi Kong inaasam ay makamit ng puso Ko ang Iyong pagsang-ayon sa Iyong presensya, at maisakatuparan ang Iyong kalooban.” Ang panalanging iyon ay pinaka-hindi-malilimutan para sa Akin; Ako ay masyadong naantig, at Ako ay mapait na tumangis sa harapan ng Diyos. Iyon ang Aking unang matagumpay na pananalangin sa presensya ng Diyos bilang isang tao na naligtas, at iyon ang una Kong hinahangad. Ako ay malimit na naaantig ng Banal na Espiritu matapos iyon. Nagkaroon ka na ba ng ganitong uri ng karanasan? Paano nakágáwâ ang Banal na Espiritu sa iyo? Sa palagay Ko ang mga tao na naghahanap na ibigin ang Diyos ay magkakaroong lahat ng ganitong uri ng karanasan, sa humigit-kumulang na mga antas, subali’t nakakalimutan ng mga tao ang tungkol sa mga iyon. Kung sinasabi ng isang tao na hindi pa sila nagkaroon ng ganitong karanasan, pinatutunayan niyan na sila ay hindi pa naliligtas at nasa ilalim pa rin ng sakop ni Satanas. Ang gawain na isinasakatuparan ng Banal na Espiritu sa bawa’t isa ay ang landas ng Banal na Espiritu, at ito rin ang landas ng isang tao na naniniwala at naghahanap sa Diyos. Ang unang hakbang ng gawain na ginagampanan ng Banal na Espiritu sa mga tao ay yaong pag-antig sa kanilang mga espiritu. Matapos iyon, sila ay magsisimulang mahalin ang Diyos at habulin ang buhay; ang lahat niyaong mga nasa landas na ito ay nasa loob ng daloy ng Banal na Espiritu. Ang mga ito ay hindi lamang ang mga paggalaw ng gawain ng Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, kundi sa buong sansinukob din. Ginagawa Niya ito sa buong sangkatauhan. Kung ang isang tao ay hindi pa naantig kahit minsan, ipinakikita nito na sila ay nasa labas ng daloy na ito ng pagbabawi. Aking idinadalangin sa Diyos nang walang-patid sa Aking puso na maaantig Niya ang lahat ng mga tao, na ang bawa’t isa sa ilalim ng araw ay maaantig Niya at lalakad sa landas na ito. Marahil ito ay isa Kong napakaliit na kahilingan sa Diyos, nguni’t Ako ay naniniwala na gagawin Niya ito. Ako ay umaasa na lahat ng Aking mga kapatirang lalaki at babae ay mananalangin para dito, upang ang kalooban ng Diyos ay mangyari, at nang ang Kanyang gawain ay matapos sa lalong madaling panahon upang ang Kanyang Espiritu sa langit ay makapahinga. Ito ang Aking sariling maliit na pag-asa.

Huwebes, Pebrero 1, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya

buhay, Diyos, Kristiyano, Pag-ibig, paniniwala

Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosPag-bigkas ng Diyos | Anong Pananaw ang Dapat Panghawakan ng mga Mananampalataya


       Ano na ang natanggap ng tao magmula nang siya ay unang naniwala sa Diyos? Ano na ang nalalaman mo tungkol sa Diyos? Gaano na kalaki ang iyong ipinagbago dahil sa iyong paniniwala sa Diyos? Ngayon ay alam na ninyong lahat na ang paniniwala ng tao sa Diyos ay hindi lamang para sa kaligtasan ng kaluluwa at kapakanan ng katawan at hindi rin upang mapayaman lamang ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pag-ibig ng Diyos, at iba pa. Sa ngayon, kung mahal mo ang Diyos alang-alang sa kapakanan ng katawan o panandaliang kasiyahan, sa gayon kahit na, sa katapusan, umabot sa rurok ang iyong pag-ibig sa Diyos at wala anumang hilingin, ang hanap mong pag-ibig na ito ay isa pa ring hindi dalisay na pag-ibig at hindi kalugud-lugod sa Diyos. Ang mga gumagamit ng pag-ibig sa Diyos upang mapayaman ang kanilang nakakabagot na mga buhay at punan ang isang puwang sa kanilang puso ay ang mga naghahanap upang mamuhay sa kaluwagan, hindi mga tunay na naghahanap na mahalin ang Diyos. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay laban sa kalooban ng sinuman, isang paghahangad ng madamdaming kasiyahan, at hindi kailangan ng Diyos ang ganitong uri ng pag-ibig. Anong uri, kung ganoon, ang pag-ibig na katulad ng sa’ yo? Para ano at mahal mo ang Diyos? Gaano kalaki ang tunay na pag-ibig sa Diyos na mayroon ka ngayon? Ang pag-ibig ng karamihan sa inyo ay katulad ng dati nang nabanggit. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay manatili sa kasalukuyang kalagayan; hindi nito makamit ang walang hanggang katapatan, ni hindi mag-ugat sa tao. Ang ganitong uri ng pag-ibig ay isang bulaklak na walang bunga pagkaraan nitong namukadkad at natuyo pagkatapos. Sa ibang salita, pagkatapos mong mahalin ang Diyos ng isang beses sa ganitong paraan at walang sinuman na umakay sa iyo sa landas na hinaharap, kung gayon ikaw ay mahuhulog. Kung iibigin mo lamang ang Diyos sa mga oras ng pagmamahal sa Diyos at hindi ka gagawa ng mga pagbabago sa iyong disposisyon sa buhay pagkatapos nito, kung gayon ay patuloy kang mababalot ng impluwensya ng kadiliman, hindi makatakas, at hindi pa rin magawang makawala mula sa pagmamanipula at panloloko ni Satanas. Walang ganitong tao ang ganap na makakamit ng Diyos; sa katapusan, ang kanilang espiritu, kaluluwa, at katawan ay pag-aari pa rin ni Satanas. Ito ay hindi mapag-aalinlangan. Lahat ng mga taong hindi ganap na nakamit ng Diyos ay babalik sa kanilang orihinal na lugar, iyon ay, pabalik kay Satanas, at sila ay mapupunta pababa sa lawa na nagniningas na apoy at asupre upang tanggapin ang susunod na hakbang ng kaparusahan mula sa Diyos. Yaong nakamit ng Diyos ay ang mga naghihimagsik laban kay Satanas at tumatakas mula sa kanyang sakop. Ang ganitong mga tao ay opisyal na mapapabilang sa mga bayan na nasa kaharian. Ito ang kung paano mapapabilang ang mga tao sa kaharian. Pumapayag ka ba na maging ganitong uri ng tao? Pumapayag ka ba na makamit ng Diyos? Pumapayag ka ba na tumakas mula sa sakop ni Satanas at manumbalik sa Diyos? Pag-aari ka na ba ni Satanas ngayon o ikaw ay nabibilang sa mga bayan na nasa kaharian? Dapat malinaw lahat ng mga ganitong bagay at hindi kinakailangan ang higit pang paliwanag.

Linggo, Enero 28, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Landas... (4)

Diyos, kaluwalhatian, buhay, Biblia, pag-ibig


Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosPag-bigkas ng DiyosAng Landas... (4)



Na nakakaya ng mga tao na matuklasan ang kariktan ng Diyos, mahanap ang daan ng pagmamahal sa Diyos sa kapanahunang ito, at na sila ay handang tanggapin ang pagsasanay ng kaharian ngayon—lahat ng ito ay biyaya ng Diyos at lalong higit pa, ito ay Siya na nagtataas sa sangkatauhan. Kapag iniisip Ko ito nadarama Ko nang matindi ang kariktan ng Diyos. Tunay na minamahal tayo ng Diyos. Kung hindi, sino ang makakatuklas sa Kanyang kariktan? Dito Ko lamang nakikita na ang lahat ng gawaing ito ay personal na ginagawa ng Diyos Sarili Niya, at ang mga tao ay ginagabayan at pinapatnubayan ng Diyos. Ako ay nagpapasalamat sa Diyos para dito, at nais Kong samahan Ako ng Aking mga kapatirang lalaki at babae sa pagpupuri sa Diyos: “Lahat ng kaluwalhatian ay suma-Iyo, ang pinakamataas na Diyos Sarili Niya! Nawa ang Iyong kaluwalhatian ay sumagana at mabunyag sa mga kasama namin na Iyong pinili at natamo.” Ako ay nakatamo ng pagliliwanag mula sa Diyos—bago ang mga kapanahunan tayo ay naitalaga na ng Diyos at nais na matamo tayo sa mga huling araw, sa gayon ay tinutulutan ang lahat ng mga bagay sa sansinukob na makita ang kaluwalhatian ng Diyos sa kabuuan nito sa pamamagitan natin. Sa gayon, tayo ang mga naibunga ng anim na libong taon ng planong pamamahala ng Diyos; tayo ang mga huwaran, ang mga halimbawa ng gawain ng Diyos sa buong sansinukob. Ngayon Ko lamang natuklasan kung gaano ang pag-ibig na tunay na iniuukol sa atin ng Diyos, at na ang gawaing ginagawa Niya sa atin at ang mga bagay na Kanyang sinasabi ay hinihigitang lahat yaong sa mga nakaraang kapanahunan nang milyong ulit. Kahit kay Israel at kay Pedro, ang Diyos ay hindi kailanman personal na gumawa ng napakalaking gawain at nagsalita ng napakarami. Ipinakikita nito na tayo, ang grupong ito ng mga tao, ay tunay na di-kapanipaniwalang pinagpala—di-maikukumparang mas pinagpala kaysa mga banal ng mga panahong nakaraan. Ito ang kung bakit laging nasasabi ng Diyos na ang mga tao sa huling kapanahunan ay pinagpala. Anuman ang sabihin ng iba, Ako ay naniniwala na tayo ang mga tao na pinakapinagpala ng Diyos. Dapat nating tanggapin ang mga pagpapala na ipinagkaloob sa atin ng Diyos; marahil ay mayroong ilan na dadaing sa Diyos, nguni’t Ako ay naniniwala na ang mga pagpapala ay nanggagaling sa Diyos at iyan ay nagpapatunay na ang mga iyon ang nararapat sa atin. Kahit na ang iba ay dumaing o hindi masayang kasama natin, Ako ay laging naniniwala na walang sinuman ang maaaring tumanggap o kumuha ng mga pagpapalang naibigay ng Diyos sa atin. Sapagka’t ang gawain ng Diyos ay isinasakatuparan sa atin at Siya ay nagsasalita sa atin nang mukhaan—sa atin, hindi sa iba—ginagawa ng Diyos anuman ang nais Niyang gawin, at kung ang mga tao ay hindi napapaniwala, hindi ba iyan ay paghingi lamang ng kaguluhan? Hindi ba iyan pagnanais ng kahihiyan? Bakit Ko sasabihin ito? Ito ay sapagka’t may malalim Akong karanasan dito. Gaya lamang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa Akin na Ako lamang ang makatatanggap—magagawa ba ito ng iba? Ako ay mapalad na ipinagkakatiwala ito ng Diyos sa Akin—magagawa ba iyan nang basta-basta ng iba? Nguni’t Ako ay umaasa na ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay makakaunawa sa Aking puso. Ito ay hindi upang itaas ang Aking sariling mga katibayan-ng-kakayahan upang ipagyabang sa mga tao, kundi upang ipaliwanag ang isang usapin. Ako ay handang ibigay ang lahat ng kaluwalhatian sa Diyos at hayaan Siyang masdan ang bawa’t isa sa ating mga puso upang ang ating mga puso ay madalisay lahat sa harapan ng Diyos. Nais Kong ipahayag ang isang inaasam mula sa kaibuturan ng Aking puso: Ako ay umaasa na maging ganap na natamo ng Diyos, maging isang dalisay na birhen na isinakripisyo sa dambana, at lalong higit magkaroon ng pagkamasunurin ng isang tupa, nagpapakita sa gitna ng buong sangkatauhan bilang isang banal na espirituwal na katawan.  Ito ang Aking pangako, ang panunumpa na Aking itinalaga sa harap ng Diyos. Ako ay handang tuparin ito at suklian ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan nito. Handa ka bang gawin ito? Ako ay naniniwala na ang Aking pangakong ito ay magpapalakas ng marami sa mga nakababatang kapatirang lalaki at babae, at magdadala sa maraming kabataan ng pag-asa. Aking nadarama na tila binibigyan ng Diyos ng tanging pagpapahalaga ang mga kabataan. Marahil ito ay Aking sariling pagkiling, nguni’t lagi Kong nadarama na ang kabataan ay may pag-asa para sa kanilang kinabukasan; tila gumagawa ang Diyos ng dagdag na gawain sa mga kabataan. Bagaman sila ay kulang sa panloob-na-pananaw at karunungan at silang lahat ay masyadong masisigla at mainitin-ang-ulo gaya ng isang bagong-silang na guya, Ako ay naniniwala na ang kabataan ay hindi lubos na walang silbi. Makikita mo ang kawalang-malay ng kabataan sa kanila at sila ay madaling tumanggap ng mga bagong bagay. Bagaman ang mga kabataan ay may disposisyong tungo sa kayabangan, kabagsikan, at pagiging dala ng emosyon, ang mga bagay na ito ay hindi nakaaapekto sa kanilang kakayahan na tumanggap ng bagong liwanag. Ito ay sapagka’t ang mga kabataan sa pangkalahatan ay hindi kumakapit sa lipás nang mga bagay. Iyan ang kung bakit nakikita Ko ang walang-hangganang pag-asa sa mga kabataan, at kanilang kasiglahan; ito ang pinagmumulan ng Aking pagiging malambot sa kanila. Bagaman hindi Ko kailanman inaayawan ang mas matatandang mga kapatirang lalaki at babae, hindi rin Ako interesado sa kanila. Gayunpaman, Ako ay taos-pusong humihingi ng paumanhin sa mas matatandang mga kapatirang lalaki at babae. Marahil ang Aking nasabi ay wala sa lugar o walang-pakundangan, subali’t Ako ay umaasa na kayong lahat ay maaaring magpatawad sa Aking kapabayaan, sapagka’t Ako ay napakabata at hindi masyadong nagpapahalaga sa Aking paraan ng pagsasalita. Gayunpaman, sa totoo lang, ang mas matatandang mga kapatirang lalaki at babae, matapos ang lahat, ay mayroong kanilang mga tungkulin na dapat nilang gampanan—sila ay hindi kailanman walang-silbi. Ito ay sapagka’t sila ay may karanasan sa pakikitungo sa mga pag-uugnayan, sila ay matatag sa kung paano tatanganan ang mga bagay-bagay, at sila ay hindi gumagawa ng ganoong karaming pagkakamali. Hindi ba ang mga ito ay kanilang mga kalakasan? Nais Ko na sabihin nating lahat sa harap ng Diyos: “O Diyos! Nawa ay magampanan naming lahat ang aming sariling mga tungkulin sa aming iba’t ibang mga katungkulan, at nawa ay magawa naming lahat ang aming sukdulang makakaya para sa Iyong kalooban!” Ako ay naniniwala na ito ay kalooban ng Diyos!

Huwebes, Enero 25, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Landas… (2)

katotohanan, buhay, pag-ibig, Diyos, kaluwalhatian


Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosPag-bigkas ng Diyos | Ang Landas… (2)


Marahil ang ating mga kapatirang lalaki at babae ay may bahagyang balangkas ng pagkakasunud-sunod, mga hakbang, at mga pamamaraan ng gawain ng Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, nguni’t lagi Kong nadarama na mas mabuting magkaroon ng pag-aalaala o isang munting kabuuan para sa ating mga kapatirang lalaki at babae. Ginagamit Ko lamang ang pagkakataong ito upang sabihin nang bahagya kung ano ang nasa Aking puso; Hindi Ako nagsasalita tungkol sa anuman sa labas ng gawaing ito. Ako ay umaasa na ang mga kapatirang lalaki at babae ay makakaunawa sa Aking pakiramdam, at Ako rin ay mapagkumbabang humihiling na lahat ng mga bumabasa ng Aking mga salita ay uunawain at patatawarin ang Aking maliit na tayog, na ang Aking karanasan sa buhay ay tunay na ‘di-sapat, at totoong hindi Ko maitaas ang Aking ulo sa harap ng Diyos. Gayunpaman, lagi Kong nararamdaman na ang mga ito ay mga pang-kinauukulang dahilan lamang. Sa madaling salita, kung anuman, walang mga tao, mga kaganapan, o mga bagay ang makahahadlang sa ating pagsasamahan sa presensya ng Diyos, at Ako ay umaasa na ang ating mga kapatirang lalaki at babae ay may kakayahang gumawa nang mas masigasig sa harap ng Diyos kasama Ko. Nais Kong ialay ang sumusunod na panalangin: “O Diyos! Aking isinasamo na maawa Ka sa amin upang Ako at ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay sama-samang makikipagtunggali sa ilalim ng pagkasakop ng aming nagkakaisang simulain, maging tapat sa Iyo hanggang kamatayan, at huwag itong tatalikuran!” Ang mga salitang ito ang paninindigan na itinalaga Ko sa harap ng Diyos, subali’t maaari ding sabihin na ito’y Aking sariling salawikain bilang isang taong nasa laman na ginagamit ng Diyos. Naibahagi Ko na ito sa pagsasamahan sa mga kapatirang lalaki at babae na kasama Ko nang maraming ulit, at naibigay Ko na ito sa mga yaon na kasabay Ko bilang isang mensahe. Hindi Ko alam kung ano ang iniisip ng mga tao rito, nguni’t kung anuman, Ako ay naniniwala na ang mga iyon ay hindi lamang mayroong aspeto ng pansariling pagsisikap, nguni’t higit pa, ang mga iyon ay may taglay ring aspeto ng teoryang pang-kinauukulan. Dahil dito, posible na may ilang mga tao na may tiyak na mga palagay, at maaari mong gawin ang mga salitang ito bilang iyong salawikain at tingnan kung gaano kalaki ang iyong magiging pagnanais na mahalin ang Diyos. May mga tao na magkakaroon ng tiyak na paniwala kapag binasa nila ang mga salitang ito, at iisipin: “Paanong ang gayong pang-araw-araw at karaniwang sinasabing bagay ay magbibigay sa mga tao ng matinding pagnanais na ibigin ang Diyos hanggang kamatayan? At ito ay walang kinalaman sa paksang ating tinatalakay, ‘Ang Landas.’” Aking kinikilala na ang mga salitang ito ay hindi gaanong kaakit-akit, subali’t lagi Kong naiisip na ito ay makapagdadala sa mga tao tungo sa tamang landas, at tutulutan silang sumailalim sa lahat ng uri ng mga pagsubok na nasa landas ng paniniwala sa Diyos nang hindi nasisiraan ng loob o umuurong. Ito ang kung bakit lagi Ko itong itinuturing bilang Aking salawikain, at Ako ay umaasa na maaari itong maingat na pag-isipan ng mga tao. Gayunpaman, ang Aking hangarin ay hindi upang pilitin ang bawa’t isa na tanggapin ang Aking sariling mga pananaw—ito ay isa lamang mungkahi. Anuman ang isipin ng ibang tao sa Akin, palagay Ko ay mauunawaan ng Diyos ang panloob na mga kaganapan sa bawa’t isa sa atin. Ang Diyos ay patuloy na gumagawa sa bawa’t isa sa atin, at ang Kanyang gawain ay walang kapaguran. Ito ay sapagka’t tayong lahat ay isinilang sa bansa ng malaking pulang dragon—ito ang kung bakit Siya ay gumagawa sa atin sa ganitong paraan. Yaong mga isinilang sa bansa ng malaking pulang dragon ay mapalad na makamit ang ganitong uri ng gawain ng Banal na Espiritu. Bilang isa sa kanila, damang-dama Ko ang kamahalan, pagiging kagalang-galang, gayundin ay ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos. Ito ang Diyos na kumakalinga sa atin. Ang ganitong uri ng nahuhulí, makaluma, maka-sistemang-piyudal, mapamahiin, at masamang imperyo ng uring-manggagawa ang nagsanhi na makamit ang ganitong uri ng gawain mula sa Diyos. Mula rito, malinaw na tayo, ang grupo ng mga taong ito sa huling kapanahunan, ay lubhang pinagpala. Ako ay naniniwala na lahat ng mga kapatirang lalaki at babae na ang espirituwal na mga mata ay nabuksan upang makita ang gawaing ito ay iiyak lahat ng mga luha ng kagalakan para dito, at sa sandaling iyon, hindi mo ba ipahahayag ito sa Diyos sa pamamagitan ng pagsayaw na may kagalakan? Hindi mo ba iaaalay ang awit sa iyong puso sa Diyos? Sa sandaling iyon hindi mo ba ipakikita ang iyong kapasyahan sa Diyos at gagawa ng isa pang plano sa harap Niya? Palagay Ko ang lahat ng mga ito ay mga bagay na dapat gawin ng isang wastong mananampalataya sa Diyos. Bilang mga tao, Ako ay naniniwala na ang bawa’t isa sa atin ay dapat na magkaroon ng isang uri ng pagpapahayag sa harap ng Diyos. Ito ang dapat gawin ng isang tao na may mga damdamin. Kung titingnan ang kakayahan ng bawa’t isa sa atin gayundin ang ating mga lugar ng kapanganakan, ipinakikita nito kung gaanong kahihiyan ang tiniis ng Diyos upang makaparito sa ating kalagitnaan. Bagaman mayroon tayong kaunting kaalaman tungkol sa Diyos sa loob natin, batay sa ating nalalaman, ang Diyos ay napakadakila, napakataas, at napakarangal, ito ay sapat upang malaman kung gaano katindi ang Kanyang naging pagdurusa sa gitna ng sangkatauhan kung ikukumpara. Nguni’t ito ay malabo pa ring bagay na sabihin, at kaya lamang itong ituring ng mga tao bilang mga salita at mga doktrina. Ito ay sapagka’t yaong mga nasa kalagitnaan natin ay masyadong manhid at mahina-ang-isip. Ako ay maaari lamang magtiyagang ipaliwanag ang usaping ito sa lahat ng mga kapatirang lalaki at babae na tatanggap dito upang ang ating mga espiritu ay maantig ng Espiritu ng Diyos. Nawa ay buksan ng Diyos ang ating espirituwal na mga mata upang ating makita ang halagang nabayaran ng Diyos, ang pagsisikap na Kanyang ginawa, at ang lakas na Kanyang nagugol para sa atin.