Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kaluwalhatian. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kaluwalhatian. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Enero 28, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Landas... (4)

Diyos, kaluwalhatian, buhay, Biblia, pag-ibig


Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosPag-bigkas ng DiyosAng Landas... (4)



Na nakakaya ng mga tao na matuklasan ang kariktan ng Diyos, mahanap ang daan ng pagmamahal sa Diyos sa kapanahunang ito, at na sila ay handang tanggapin ang pagsasanay ng kaharian ngayon—lahat ng ito ay biyaya ng Diyos at lalong higit pa, ito ay Siya na nagtataas sa sangkatauhan. Kapag iniisip Ko ito nadarama Ko nang matindi ang kariktan ng Diyos. Tunay na minamahal tayo ng Diyos. Kung hindi, sino ang makakatuklas sa Kanyang kariktan? Dito Ko lamang nakikita na ang lahat ng gawaing ito ay personal na ginagawa ng Diyos Sarili Niya, at ang mga tao ay ginagabayan at pinapatnubayan ng Diyos. Ako ay nagpapasalamat sa Diyos para dito, at nais Kong samahan Ako ng Aking mga kapatirang lalaki at babae sa pagpupuri sa Diyos: “Lahat ng kaluwalhatian ay suma-Iyo, ang pinakamataas na Diyos Sarili Niya! Nawa ang Iyong kaluwalhatian ay sumagana at mabunyag sa mga kasama namin na Iyong pinili at natamo.” Ako ay nakatamo ng pagliliwanag mula sa Diyos—bago ang mga kapanahunan tayo ay naitalaga na ng Diyos at nais na matamo tayo sa mga huling araw, sa gayon ay tinutulutan ang lahat ng mga bagay sa sansinukob na makita ang kaluwalhatian ng Diyos sa kabuuan nito sa pamamagitan natin. Sa gayon, tayo ang mga naibunga ng anim na libong taon ng planong pamamahala ng Diyos; tayo ang mga huwaran, ang mga halimbawa ng gawain ng Diyos sa buong sansinukob. Ngayon Ko lamang natuklasan kung gaano ang pag-ibig na tunay na iniuukol sa atin ng Diyos, at na ang gawaing ginagawa Niya sa atin at ang mga bagay na Kanyang sinasabi ay hinihigitang lahat yaong sa mga nakaraang kapanahunan nang milyong ulit. Kahit kay Israel at kay Pedro, ang Diyos ay hindi kailanman personal na gumawa ng napakalaking gawain at nagsalita ng napakarami. Ipinakikita nito na tayo, ang grupong ito ng mga tao, ay tunay na di-kapanipaniwalang pinagpala—di-maikukumparang mas pinagpala kaysa mga banal ng mga panahong nakaraan. Ito ang kung bakit laging nasasabi ng Diyos na ang mga tao sa huling kapanahunan ay pinagpala. Anuman ang sabihin ng iba, Ako ay naniniwala na tayo ang mga tao na pinakapinagpala ng Diyos. Dapat nating tanggapin ang mga pagpapala na ipinagkaloob sa atin ng Diyos; marahil ay mayroong ilan na dadaing sa Diyos, nguni’t Ako ay naniniwala na ang mga pagpapala ay nanggagaling sa Diyos at iyan ay nagpapatunay na ang mga iyon ang nararapat sa atin. Kahit na ang iba ay dumaing o hindi masayang kasama natin, Ako ay laging naniniwala na walang sinuman ang maaaring tumanggap o kumuha ng mga pagpapalang naibigay ng Diyos sa atin. Sapagka’t ang gawain ng Diyos ay isinasakatuparan sa atin at Siya ay nagsasalita sa atin nang mukhaan—sa atin, hindi sa iba—ginagawa ng Diyos anuman ang nais Niyang gawin, at kung ang mga tao ay hindi napapaniwala, hindi ba iyan ay paghingi lamang ng kaguluhan? Hindi ba iyan pagnanais ng kahihiyan? Bakit Ko sasabihin ito? Ito ay sapagka’t may malalim Akong karanasan dito. Gaya lamang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa Akin na Ako lamang ang makatatanggap—magagawa ba ito ng iba? Ako ay mapalad na ipinagkakatiwala ito ng Diyos sa Akin—magagawa ba iyan nang basta-basta ng iba? Nguni’t Ako ay umaasa na ang Aking mga kapatirang lalaki at babae ay makakaunawa sa Aking puso. Ito ay hindi upang itaas ang Aking sariling mga katibayan-ng-kakayahan upang ipagyabang sa mga tao, kundi upang ipaliwanag ang isang usapin. Ako ay handang ibigay ang lahat ng kaluwalhatian sa Diyos at hayaan Siyang masdan ang bawa’t isa sa ating mga puso upang ang ating mga puso ay madalisay lahat sa harapan ng Diyos. Nais Kong ipahayag ang isang inaasam mula sa kaibuturan ng Aking puso: Ako ay umaasa na maging ganap na natamo ng Diyos, maging isang dalisay na birhen na isinakripisyo sa dambana, at lalong higit magkaroon ng pagkamasunurin ng isang tupa, nagpapakita sa gitna ng buong sangkatauhan bilang isang banal na espirituwal na katawan.  Ito ang Aking pangako, ang panunumpa na Aking itinalaga sa harap ng Diyos. Ako ay handang tuparin ito at suklian ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan nito. Handa ka bang gawin ito? Ako ay naniniwala na ang Aking pangakong ito ay magpapalakas ng marami sa mga nakababatang kapatirang lalaki at babae, at magdadala sa maraming kabataan ng pag-asa. Aking nadarama na tila binibigyan ng Diyos ng tanging pagpapahalaga ang mga kabataan. Marahil ito ay Aking sariling pagkiling, nguni’t lagi Kong nadarama na ang kabataan ay may pag-asa para sa kanilang kinabukasan; tila gumagawa ang Diyos ng dagdag na gawain sa mga kabataan. Bagaman sila ay kulang sa panloob-na-pananaw at karunungan at silang lahat ay masyadong masisigla at mainitin-ang-ulo gaya ng isang bagong-silang na guya, Ako ay naniniwala na ang kabataan ay hindi lubos na walang silbi. Makikita mo ang kawalang-malay ng kabataan sa kanila at sila ay madaling tumanggap ng mga bagong bagay. Bagaman ang mga kabataan ay may disposisyong tungo sa kayabangan, kabagsikan, at pagiging dala ng emosyon, ang mga bagay na ito ay hindi nakaaapekto sa kanilang kakayahan na tumanggap ng bagong liwanag. Ito ay sapagka’t ang mga kabataan sa pangkalahatan ay hindi kumakapit sa lipás nang mga bagay. Iyan ang kung bakit nakikita Ko ang walang-hangganang pag-asa sa mga kabataan, at kanilang kasiglahan; ito ang pinagmumulan ng Aking pagiging malambot sa kanila. Bagaman hindi Ko kailanman inaayawan ang mas matatandang mga kapatirang lalaki at babae, hindi rin Ako interesado sa kanila. Gayunpaman, Ako ay taos-pusong humihingi ng paumanhin sa mas matatandang mga kapatirang lalaki at babae. Marahil ang Aking nasabi ay wala sa lugar o walang-pakundangan, subali’t Ako ay umaasa na kayong lahat ay maaaring magpatawad sa Aking kapabayaan, sapagka’t Ako ay napakabata at hindi masyadong nagpapahalaga sa Aking paraan ng pagsasalita. Gayunpaman, sa totoo lang, ang mas matatandang mga kapatirang lalaki at babae, matapos ang lahat, ay mayroong kanilang mga tungkulin na dapat nilang gampanan—sila ay hindi kailanman walang-silbi. Ito ay sapagka’t sila ay may karanasan sa pakikitungo sa mga pag-uugnayan, sila ay matatag sa kung paano tatanganan ang mga bagay-bagay, at sila ay hindi gumagawa ng ganoong karaming pagkakamali. Hindi ba ang mga ito ay kanilang mga kalakasan? Nais Ko na sabihin nating lahat sa harap ng Diyos: “O Diyos! Nawa ay magampanan naming lahat ang aming sariling mga tungkulin sa aming iba’t ibang mga katungkulan, at nawa ay magawa naming lahat ang aming sukdulang makakaya para sa Iyong kalooban!” Ako ay naniniwala na ito ay kalooban ng Diyos!

Lunes, Enero 1, 2018

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikalabing-anim na Pagbigkas

karunungan, buhay, Diyos, kaluwalhatian, maglingkod

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Ikalabing-anim na Pagbigkas

 
   Napakarami Akong gustong sabihin sa tao, napakaraming mga bagay na kailangan Kong sabihin sa kanya. Nguni’t ang mga kakayahan ng tao sa pagtanggap ay kulang na kulang: Hindi niya kayang arukin nang lubos ang Aking mga salita ayon sa Aking ipinagkakaloob, at isang aspeto lamang ang kanyang nauunawaan ngunit nananatiling mangmang sa iba. Gayunpaman hindi Ko pinarurusahan ang tao ng kamatayan dahil sa kawalan niya ng kapangyarihan, ni hindi Ako naagrabyado ng kanyang kahinaan. Ginagawa Ko lamang ang Aking trabaho, at nagsasalita gaya ng lagi Kong ginagawa, kahit na hindi nauunawaan ng tao ang Aking kalooban; kapag dumating na ang araw, makikilala Ako ng mga tao sa kaibuturan ng kanilang mga puso, at maaalala nila Ako sa kanilang mga isipan. Kapag umalis na Ako sa mundong ito, eksaktong aakyat Ako sa trono sa puso ng tao, ibig sabihin, ito ang panahon na makikilala Ako ng lahat ng tao. Kaya, ito rin, ang panahon kung kailan ang Aking mga anak na lalaki at bayan ang mamamahala sa buong mundo. Yaong mga nakakakilala sa Akin ay tiyak na magiging mga haligi ng Aking kaharian, at walang iba kundi sila ang magiging kwalipikado upang mamahala at gumamit ng kapangyarihan sa Aking kaharian. Ang lahat ng nakakakilala sa Akin ay mayroon ngang pagiging Ako, at nagagawang isabuhay Ako sa gitna ng lahat ng tao. Hindi Ko tinitingnan kung hanggang saan Ako nakikilala ng tao: Walang makahahadlang sa Aking gawain sa anumang paraan, at walang maitutulong sa Akin ang tao at walang magagawa para sa Akin. Masusundan lamang ng tao ang Aking paggabay sa Aking liwanag, at mahahanap ang Aking kalooban sa liwanag na ito. Sa araw na ito, naging kwalipikado ang mga tao, at naniniwalang kaya nilang magmayabang sa Aking harapan, at makitawa at makipagbiruan sa Akin nang wala man lamang kahit kaunting pangingimi, at pakitunguhan Ako bilang kapantay lamang. Hindi pa rin Ako kilala ng tao, naniniwala pa rin siyang halos pareho lamang kami sa diwa, na pareho kaming may laman at dugo, at parehong naninirahan sa mundo ng mga tao. Ang kanyang paggalang sa Akin ay masyadong kakaunti; iginagalang niya Ako kapag kaharap niya Ako, nguni’t walang kakayahang maglingkod sa Akin sa harap ng Espiritu. Ito ay tila, para sa tao, ang Espiritu ay hindi umiiral kailanman. Bilang resulta, walang taong nakakilala sa Espiritu; sa Aking pagkakatawang-tao, ang nakikita lamang ng mga tao ay isang laman at dugo, at hindi nararamdaman ang Espiritu ng Diyos. Maaari kayang tunay na matupad ang Aking kalooban sa ganitong paraan? Ang mga tao ay mga eksperto sa pandaraya sa Akin; parang sadya silang tinuruan ni Satanas upang lokohin Ako. Ngunit hindi Ako naliligalig ni Satanas. Gagamitin Ko pa rin ang Aking karunungan para lupigin ang buong sangkatauhan at talunin ang nagpapatiwali ng buong sangkatauhan, upang sa gayon ay maitatag ang Aking kaharian dito sa lupa.

Linggo, Disyembre 24, 2017

Ang Kalooban ng Diyos | Pagdating sa Diyos, Ano ang Iyong Pagkakaunawa

kaluwalhatian, Patotoo, katotohanan, buhay, sundin


Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosAng Kalooban ng Diyos | Pagdating sa Diyos, Ano ang Iyong Pagkakaunawa




Ang mga tao ay naniwala sa Diyos sa mahabang panahon, gayon pa man karamihan sa kanila ay walang nauunawaan sa salitang “Diyos.” Sila lamang ay sumusunod sa isang pagkalito. Wala silang palatandaan sa kung ano ang eksaktong dahilan kung bakit ang tao ay dapat maniwala sa Diyos o kung ano ba talaga ang Diyos. Kung alam lamang ng tao na sumampalataya at sumunod sa Diyos, ngunit hindi kung ano ang Diyos, ni hindi nila nauunawaan ang Diyos, kung gayon hindi ba ito ang pinakamalaking katatawanan sa mundo? Kahit na nakasaksi ang tao sa maraming makalangit na misteryo ngayon at nakarinig ng higit na malalim na kaalaman na hindi kailanman naunawaan ng tao noon, sila ay nasa dilim sa maraming pinakapayak, at mababaw na katotohanan. Ang ilan sa mga tao ay maaaring magsabi, “Kami ay naniwala sa Diyos sa loob ng maraming taon. Paanong hindi natin maaaring malaman kung ano ang Diyos? Hindi ba tayo minamaliit nito?” Ngunit sa katotohanan, kahit na ang lahat ay sumusunod sa Akin ngayon, walang sinuman ang may anumang mga pag-unawa ng lahat ng gawa ngayon. Binibitawan nila ang kahit na pinakapayak at pinakamadaling katanungan, lalo na ang pinaka-komplikadong tanong ng “Diyos.” Dapat mong malaman ang mga katanungan na sinantabi mo muna at hindi matuklasan ang siyang iyong dapat pinaka-malaman, dahil ang alam mo lamang ay sundin ang karamihan ng sambayanan, hindi binibigyang pansin at hindi kinakalinga ang mga bagay na dapat ay ginagamit mo sa iyong sarili. Alam mo ba talaga kung bakit dapat kang magkaroon ng pananampalataya sa Diyos? Alam mo ba talaga kung ano ang Diyos? Alam mo ba talaga kung ano ang tao? Bilang isang tao na may pananampalataya sa Diyos, kung ikaw ay mabigong maunawaan ang mga bagay na ito, hindi mo ba nawala ang iyong dignidad bilang isang mananampalataya ng Diyos? Ang Aking gawa ngayon ay ito: upang maunawaan ng tao ang kanilang kakanyahan, maunawaan ang lahat na Aking ginagawa, at malaman ang tunay na mukha ng Diyos—ito ang pagsasarang kilos ng Aking plano sa pamamahala, ang huling yugto ng Aking gawa. Kaya Ko sinasabi sa inyo ang lahat ng misteryo ng buhay nang maaga, upang lahat kayo ay maaaring tanggapin ito mula sa Akin. Dahil ito ay ang gawa sa huling panahon, dapat Kong sabihin sa inyo lahat ang katotohanan ng buhay na hindi ninyo pa nalaman noon, kahit na hindi niyo maunawaan ang mga ito at hindi kayang dalhin ang mga ito, dahil kayo ay masyadong kulang at walang paghahanda. Gusto Kong wakasan ang Aking gawa, upang matapos ang lahat ng Aking kinakailangan na gawa, at upang ipaalam sa inyo nang ganap ang kinakailangan ninyong gawin, baka kayo muli ay maligaw at maniwala sa panlilinlang ng kasamaan kapag dumating ang kadiliman. Maraming mga paraan na higit sa inyong pang-unawa, maraming mga bagay na hindi niyo maintindihan. Kayo ay masyadong mangmang. Alam Ko ang inyong tayog at gayundin ang inyong mga pagkukulang. Samakatuwid, kahit na maraming salita na hindi ninyo kayang maintindihan, nais Ko pa rin sabihin sa inyo ang lahat ng mga katotohanang ito na hindi niyo pa kailanman naririnig—dahil lagi Akong nababahala kung, sa inyong kasalukuyang tayog, magagawa ninyong maging patotoo para sa Akin. Hindi sa minamaliit Ko kayo. Kayong lahat ay mga hayop na hindi dumaan sa Aking pormal na pagsasanay, at ito ay tunay na nakapagdududa kung gaano kalaki ang kapurihan na nasa sa inyo. Kahit na Ako ay naggugol ng napakaraming enerhiya sa inyo, ngunit tila walang positibong elemento ang nabubuhay sa inyo, habang ang negatibong elemento ay maaaring bilangin sa mga daliri at nakatuon lamang sa mga patotoo sa kahihiyan ni Satanas. Halos lahat ng bagay sa inyo ay lason ni Satanas. Nakatingin kayo sa Akin na mistulang lampas kayo sa kaligtasan. Kaya, ang mga bagay kung nasaan ang mga ito ngayon, tumingin Ako sa inyong iba’t ibang pagkilos, at sa wakas nalaman Ko ang inyong tunay na tayog. Kaya Ako ay patuloy na nababahala sa inyo: Umalis siya upang mabuhay sa kanyang sarili, ang kalalabasan ng tao ay magiging maayos kaysa o maihahambing sa kung ano siya ngayon? Hindi ba kayo nababalisa sa inyong mababang tayog? Maaari ba kayong maging tulad ng mga piniling tao ng Israel, tapat sa Akin at Akin lamang sa lahat ng pagkakataon? Ang inyong ipinapakita ay hindi ang harot ng mga bata sa paningin ng kanilang mga magulang, ngunit ang kalupitang lumalabas sa hayop kapag sila ay malayo sa hagupit ng kanilang amo. Dapat ninyong malaman ang inyong mga kalikasan, gayundin din ang kahinaan sa lahat ng inyong ibinabahagi, ang inyong karaniwang sakit. Kaya ang Akin lamang pangaral sa inyo ngayon ay maging patotoo para sa Akin. Huwag kailanman sa anumang pangyayari hayaan ang lumang sakit na muling sumiklab. Ang pinaka-mahalagang bagay ay magbigay ng pagpapatotoo. Iyan ang sentro ng Aking gawa. Dapat ninyong tanggapin ang Aking mga salita tulad ng pagtanggap ni Maria sa paghahayag ni Jehova sa kanyang panaginip, na may pananampalataya at gayon din ang pagsunod. Tanging ito ang kuwalipikado bilang pagiging malinis. Dahil kayo ang madalas nakaririnig ng Aking mga salita, ang Aking mga pinaka-pinagpala. Binibigay Ko sa inyo ang lahat ng Aking mga mahalagang pag-aari, ibinibigay nang ganap ang lahat sa inyo. Ang inyong katayuan at ng mga anak ng Israel, gayunpaman, ay higit na magkaiba, ganap na magkahiwalay na mundo. Ngunit kung ikukumpara sa kanila, kayo ay tumatanggap nang marami. Habang gipit silang naghihintay sa Aking pagpapakita, gumugugol kayo ng kaaya-ayang araw kasama Ako, nakikibahagi ng Aking mga kayamanan. Sa pamamagitan ng paghahambing, ano ang nagbibigay sa inyo ng karapatang magputak at makipagbangayan sa Akin at humingi ng bahagi ng Aking pag-aari? Hindi ba kayo nakakatanggap nang sapat? Binigyan kayo nang sobra, ngunit ang isinukli niyo sa Akin ay nakadudurog sa pusong kalungkutan at pagkabalisa at hindi mapigil na sama ng loob at kawalang-kasiyahan. Kayo ay masyadong karima-rimarim, at pumupukaw rin kayo ng awa. Kaya’t Ako ay walang pagpipilian kung hindi lunukin lahat ng Aking sama ng loob at magpasubali nang paulit-ulit. Sa mahigit ilang libong taon ng trabaho, hindi Ako nagdala ng anumang mga pagtutol sa sangkatauhan noon dahil Ako ay may natuklasan sa kasaysayan ng pag-unlad ng sangkatauhan, tanging ang mga panlilinlang lamang sa inyo ang pinaka-kilala. Sila ay tulad ng mahalagang mga mana na iniwan sa inyo sa pamamagitan ng mga sikat na ninuno ng unang panahon. Talagang galit Ako sa mga mas mababa kaysa sa baboy at aso. Kayo ay walang konsiyensya! Ang inyong karakter ay masyadong mababa! Ang inyong puso ay masyadong matigas! Kung kinuha Ko ang mga salita Ko at Aking mga gawa sa Israel, matagal Ko na dapat nakamit ang kaluwalhatian. Ngunit hindi gayon sa inyo. Sa inyo mayroon lamang malupit na kapabayaan, ang inyong malamig na balikat, at ang inyong mga palusot. Kayo ay walang pakiramdam at masyadong walang halaga!

Sabado, Disyembre 16, 2017

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos| Ang Dagundong ng Pitong Kulog— Nangangahula Na ang Kaharian ng Ebanghelyo ay Lalaganap sa Buong Sansinukob

Canaan, ebanghelyo, Jesus, kaluwalhatian, Biyaya

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Pag-bigkas ng Diyos| Ang Dagundong ng Pitong Kulog— Nangangahula Na ang Kaharian ng Ebanghelyo ay Lalaganap sa Buong Sansinukob



    Pinapalaganap Ko ang Aking gawa sa mga bansang Gentil. Sa buong sansinukob ay kumikislap ang Aking kaluwalhatian; ang Aking kalooban ay nasa pagpapakalat ng mga tao, lahat ay pinakikilos ng Aking kamay at isinasagawa ang kilos na Aking pinapalaganap. Magmula ngayon, pumasok Ako sa isang makabagong panahon at dadalhin ang lahat ng tao sa ibang mundo. Kapag bumalik Ako sa Aking “lupang tinubuan,” magsisimula Ako ng isa pang bahagi ng gawa na nasa orihinal Kong plano, upang ang tao ay humayo nang higit pang malaman ang tungkol sa Akin. Isinasaalang-alang Ko ang sansinukob sa kabuuan nito at nakikita na[a] ito ay isang magandang pagkakataon para sa Aking gawa, kaya’t naglalakbay Ako paroon at parito upang gawin ang Aking bagong tungkulin sa tao. Tutal naman, ito ay isang bagong panahon, at nagdudulot Ako ng bagong gawa upang dalhin ang maraming tao na bago sa panibagong panahon at upang palayasin ang marami sa mga dapat Kong alisin. Sa bayan ng malaking pulang dragon, nagsasagawa Ako ng isang yugto ng Aking gawa na hindi maarok ng tao at magdudulot sa kanila na manginig sa hangin, pagkatapos noon ay marami ang tahimik na maaanod paalis sa pag-ihip ng hangin. Ito ay ang “giikan” na nais Kong linisin; ito ay ang Aking hangad at ito rin ay Aking plano. Ito ay dahil maraming masasamang nilalang ang tahimik na lumipat habang Ako ay kumikilos, ngunit hindi Ako nagmamadali na sila ay palayasin. Bagkus, marapat Ko silang hawiin sa tamang panahon. Pagkatapos lang noon Ako ay magiging bukal ng buhay, upang ang mga tunay na nagmamahal sa Akin ay makatanggap mula sa Akin ng bunga ng puno ng igos at ang samyo ng lila. Sa lupain kung saan naninirahan nang panandalian si Satanas, ang disyerto, ay walang purong ginto, kundi buhangin lamang. Sa harap nito, nagsasagawa Ako ng nasabing yugto ng Aking gawa. Dapat mong malaman na ang Aking nakukuha ay puro, pinong ginto, at hindi buhangin. Paanong mananatili ang mga masasama sa Aking pamamahay? Paano Kong pahihintulutan ang mga soro na maging peste sa Aking paraiso? Gumagamit Ako ng lahat ng posibleng paraan upang sila ay mapaalis. Bago mabunyag ang Aking kalooban, walang sinuman ang nakakaalam kung ano ang Aking nais gawin. Gamit ang oportunidad na ito, iwinawaksi Ko ang mga masasama, at napilitan silang Ako ay iwan. Ito ang Aking ginagawa sa mga masama, ngunit mayroon pa ring araw para sa kanila na maghandog ng kanilang serbisyo para sa Akin. Ang pagnanais ng tao para sa mga pagpapala ay malabis; sa gayon ay iginagalaw ko ang Aking katawan at ipinapakita ang Aking maluwalhating mukha sa mga Gentil upang ang mga tao ay manirahan sa isang mundo nang sila lang at hatulan ang kanilang mga sarili, habang winiwika Ko ang mga salita na dapat Kong sabihin at binibigyan ang mga tao ng kanilang pangangailangan. Kapag ang mga tao ay natauhan na, matagal Ko nang naisakatuparan at naipalaganap ang Aking gawa. Pagkatapos, dapat Kong ipahayag ang Aking kalooban sa mga tao, at simulan ang pangalawang bahagi ng Aking gawa para sa tao, hinahayaan ang lahat ng tao na sundan Ako nang malapitan upang makiisa sa Aking gawa, at hinahayaan silang gawin sa abot ng kanilang makakaya ang gawain kasama Ako na marapat kong isakatuparan.