Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Trinidad. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Trinidad. Ipakita ang lahat ng mga post

Lunes, Mayo 21, 2018

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Paano Mo Dapat Asikasuhin ang Iyong Hinaharap na Misyon


✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•┈┈┈┈•✼•

Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Naisip mo ba kung gaano namighati at nabalisa ang puso ng Diyos? Paano Niyang matitiis na makita ang inosenteng sangkatauhan na nilikha Niya ng Kanyang sariling mga kamay na dumaranas ng gayong pagdurusa? Pagkatapos ng lahat, ang sangkatauhan ay ang mga kapus-palad na nilason. Kahit na nanatili silang buhay hanggang sa araw na ito, sino ang makaiisip na sila ay matagal nang nilason ng masamang nilalang? Nakalimutan mo bang isa ka sa mga biktima? Dala ng iyong pag-ibig sa Diyos, hindi ka ba handang magsikap upang iligtas ang mga yaong nanatiling buhay? Hindi ba kayo handang gamitin ang lahat ng inyong pagsisikap upang gantihan ang Diyos na iniibig ang sangkatauhan tulad ng Kanyang sariling laman at dugo? Paano mo bibigyang kahulugan ang pagkasangkapan ng Diyos upang isabuhay ang iyong pambihirang buhay? Talaga bang mayroon kang pagpapasya at tiwala sa sarili na isabuhay ang isang makabuluhang buhay ng isang taong madasalin at naglilingkod sa Diyos?”

Linggo, Mayo 13, 2018

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Awit ng Pagsamba | Disidido Akong Sundin ang Diyos

☆✧


Tinangan nang matagal ang pananalig,
nakita ngayon ang liwanag.
Dumanas ng tagumpay, kabiguan, pag-uusig at kahirapan.
Tinanggihan ng mundo; nilayuan ng mga mahal ko.
Maraming gabing nanatiling gising at nanalangin?
Ligaya at kalungkutan, damit na basa ng luha.

Huwebes, Marso 29, 2018

Salita ng Diyos | Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao

 At pagtingin ni Jesus ay sinabi sa kanila, Hindi mangyayari ito sa mga tao; datapuwa't sa Dios ang lahat ng mga bagay ay mangyayari.(Mateo 19:26)



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung wala ang gawa ni Jesus, hindi makakababa ang sangkatauhan mula sa krus, nguni’t kung wala ang pagkakatawang-tao ngayon, yaong mga bumaba mula sa krus ay hindi ipagtatagubilin ng Diyos o makapapasok tungo sa bagong kapanahunan. Kung hindi dumating ang karaniwang taong ito, kung gayon hindi kayo kailanman magkakaroon ng pagkakataon o magiging karapat-dapat upang makita ang tunay na mukha ng Diyos, dahil lahat kayo ay matagal nang dapat na winasak. Dahil sa pagdating ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, napatawad kayo ng Diyos at pinakitaan kayo ng habag. Sa kabila nito, ang mga salita na dapat Kong iwan sa inyo sa katapusan ay ang mga ito pa rin: Ang karaniwang taong ito, na Siyang Diyos na nagkatawang-tao, ay napakahalaga sa inyo. Ito ang dakilang bagay na nagáwâ na ng Diyos sa gitna ng mga tao."

Miyerkules, Marso 21, 2018

Kanta ng Papuri | Bumababa ang Diyos nang may Paghatol


Ebanghelyo, Trinidad, Iglesia, Jesus, Paghatol

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kanta ng Papuri  | Bumababa ang Diyos nang may Paghatol

I
Sa pagbaba sa bayan ng malaking pulang dragon,
hinaharap ng Diyos ang sansinukob
at ito'y nagsimulang mayanig.
Mayro'n bang lugar na 'di abot ng hatol Niya?
O nabubuhay sa Kanyang hagupit?
Sa'n man Siya magpunta
kinakalat Niya'y mga buto ng sakuna,
sa pamamagitan nito ay ibinibigay Niya
ang kaligtasan at pag-ibig Niya.
Nais ng Diyos na makilala Siya ng mas maraming tao,
makita at igalang ang Diyos na di nila nakita ng napakatagal,
ngunit Siya ngayon ay tunay.