Tagalog music video | “Ang Kaligayahan sa Mabuting Lupa ng Canaan” | Praise and Worship
I
Balik sa pamilya ng D'yos, sabik, masaya.
Kamay ko'y tangan ang sinta, puso'y sa Kanya.
Lambak ng Luha ma'y dinaanan, rikit ng D'yos nakita.
Pag-ibig bawa't araw lumalago, D'yos aking galak.
Nagayuma ng ganda ng D'yos, puso'y kapit sa Kanya.
D'yos 'di maibig nang sapat, awiting papuri ay apaw.
II
Sa pinagpalang lupang Canaan, lahat sariwa, bago,
punô ng lakas ng buhay.
Buháy na tubig mula sa praktikal na D'yos, tustos sa aking buhay.
Lasap pagpapala ng langit, 'di na maghanap, magnasa.
Napasa-pinagpalang lupang Canaan, galak walang-kapantay!
Pag-ibig ko sa D'yos dulot ay lakas.
Himig ng papuri ay abot-langit, pag-ibig sa Kanya ay sambit.
Kayganda ng sinta ko! Ganda Niya ay binihag ang puso ko.
Bango ng sinta ko, pumipigil sa paglisan.