Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na ang katotohanan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na ang katotohanan. Ipakita ang lahat ng mga post

Huwebes, Nobyembre 28, 2019

Filipino Variety Show | Ang mga "Mabuting" Layunin ng Pastor


Filipino Variety Show | Ang mga "Mabuting" Layunin ng Pastor


Si Yang Xiangming ay isang manggagawa sa isang denominasyon, at nang matiyak niya na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, ginagabayan na niya ang ilan niyang kapatid na bumaling sa Makapangyarihang Diyos. Dahil dito, naligalig ang kanyang pastor, kaya ginagamit ng pastor niya ang katayuan at pera upang tuksuhin siya, at ginagamit din ang kasal ng anak niya upang pagbantaan si Yang Xiangming na talikuran ang tunay na daan. Sa pagharap sa mga "mabuting" intensyon ng kanyang pastor, ano kaya ang kanyang gagawin sa huli?  Sa kritikal na sandaling ito kung kailan natin sasalubungin ang pagdating ng Panginoon, bakit pinipigilan ng pastor na iyon ang mga mananampalataya sa pagsusuri sa tunay na daan? Matutulungan kayo ng maikling dulang "Ang Mga 'Mabuting' Intensyon ng Pastor" na maunawaan ang katotohanan ng ganitong sitwasyon.

Sabado, Hunyo 8, 2019

| Ang Kaibahan sa Pag-itan ng Panlabas na Mabubuting Mga Gawa at mga Pagbabago sa Disposisyon.



 Ang Kaibahan sa Pag-itan ng Panlabas na Mabubuting Mga Gawa at mga Pagbabago sa Disposisyon.


Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ano ang pagbabago ng disposisyon? Dapat kang maging isang mangingibig ng katotohanan, tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng salita ng Diyos habang nararanasan mo ang Kanyang gawain, at danasin ang lahat ng uri ng pagdurusa at pagpipino, sa pamamagitan nito ikaw ay dinadalisay sa mala-satanas na mga lason sa loob mo. Ito ang pagbabago sa disposisyon. … Ang pagbabago sa disposisyon na sinasabi sa tahanan ng Diyos ay nangangahulugan na ang isang tao, sapagkat iniibig niya at kayang tanggapin ang katotohanan, sa wakas ay nakarating siya sa pagkaunawa sa kanyang kalikasang masuwayin at lumalaban sa Diyos; nauunawaan niya na ang katiwalian ng tao ay napakalalim at nauunawaan ang kabalintunaan at pagiging mapanlinlang ng tao. Nalalaman niya ang kasalatan at pagiging kahabag-habag ng tao, at nauunawaan sa wakas ang kalikasan at pinakadiwa ng tao. Sa pagkaalam sa lahat ng ito, maitatanggi niya at matatalikuran ang kanyang sarili nang lubos, mabubuhay sa pamamagitan ng salita ng Diyos, at maisasagawa ang katotohanan sa lahat ng bagay. Nakikilala ng gayong tao ang Diyos at nagawang baguhin ang kanyang disposisyon.

Miyerkules, Mayo 22, 2019

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Anuman ang Sabihin ng Diyos ay ang Mismong Paghatol sa Tao




Ang Patotoo ng isang Cristiano | Anuman ang Sabihin ng Diyos ay ang Mismong Paghatol sa Tao


Xunqiu Lungsod ng Nanyang, Lalawigan ng Hena


Madalas kong iniisip na hinatulan at kinastigo lang ng Diyos ang tao kapag ibinunyag Niya ang likas na katiwalian ng tao o nagpahayag ng masasakit na salita na humatol sa katapusan ng tao. Kailan lang nang isang insidente ang naghatid sa akin upang mapagtanto na kahit ang mga magiliw na salita ng Diyos ay Kanya ring paghatol at pagkastigo. Napagtanto ko na bawat salitang sinabi ng Diyos ay ang Kanyang paghatol sa tao.

Biyernes, Mayo 17, 2019

Q&A tungkol sa Ebanghelyo | Tungkol sa mga matagal nang nanalig sa Panginoong Jesus at buong buhay na nagsakripisyo para sa Kanya, kung hindi nila tatanggapin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, hindi talaga sila madadala sa kaharian ng langit?


Sagot: Tungkol sa problemang ito, malinaw na tayong sinagot ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kung hindi mo hahanapin ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, sa gayon, ikaw ay hindi kailanman makakakuha ng pagsang-ayon ni Jesus, at hindi kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat ikaw ay kapwa sunud-sunuran at bilanggo ng kasaysayan. Silang mga kontrolado ng mga tuntunin, ng mga nasusulat, at nakagapos sa kasaysayan ay hindi kailanman makakamtan ang buhay, at hindi kailanman makakamtan ang walang hanggang daan ng buhay. Iyan ay dahil ang mayroon lang sila ay malabong tubig na nanatiling walang pag- unlad nang libu-libong mga taon, sa halip na ang tubig ng buhay na dumadaloy mula sa luklukan.

Martes, Mayo 7, 2019

Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan

Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan


daan ng buhay ay hindi isang bagay na maaaring taglayin ng kahit na sino lang, ni hindi rin ito madaling makamtan ng lahat. Dahil ito sa ang buhay ay maaari lang magmula sa Diyos, na ibig sabihin, ang Diyos Mismo lang ang may taglay ng sangkap ng buhay, walang ibang daan ng buhay kung wala ang Diyos Mismo, sa gayon ang Diyos lang ang pinanggagalingan ng buhay, at ang walang hanggang umaagos na bukal ng buhay na tubig ng buhay.

Lunes, Mayo 6, 2019

Salita ng Diyos | Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan


Salita ng Diyos | Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan


    Ang gawain ng mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa kanilang uri, upang tapusin ang plano sa pamamahala ng Diyos, sapagka’t ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay nakárátíng na. Dinadala ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan, tungo sa kapanahunan ng Diyos Mismo. Subali’t, hanggang sa pagdating ng kapanahunan ng Diyos Mismo, ang gawaing gagawin ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa ng tao o magtanong tungkol sa buhay ng tao, kundi upang hatulan ang kanyang paghihimagsik, sapagka’t dadalisayin ng Diyos ang lahat ng lalapit sa harap ng Kanyang luklukan. Lahat ng mga nakásúnód sa mga yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsilapit sa harap ng luklukan ng Diyos, at yamang ganito, ang bawat isang tao na tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng pagdadalisay ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang pinag-uukulan ng paghatol ng Diyos.

Martes, Abril 16, 2019

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Paalam sa mga Araw ng Pakikipagbuno sa Kapalaran


Ang Patotoo ng isang Cristiano | Paalam sa mga Araw ng Pakikipagbuno sa Kapalaran

Isang payak na nayon na napag-iwanan na ng panahon, ang aking mga magulang na hapung-hapo mula sa kanilang trabaho, isang buhay na gipit sa pinansyal … ito ang malulungkot na ala-ala na nakatatak sa aking murang isipan, ito ang mga una kong pagkakilala sa salitang “kapalaran.” Pagkatapos kong magsimulang mag-aral, sa unang pagkakataong narinig ko ang aking guro na nagsabi ng “Hawak mo ang iyong kapalaran sa sarili mong mga kamay,” pinakatandaan ko ang mga salitang ito. Naniwala akong kahit na hindi ko mababago ang katotohanan na ako ay ipinanganak sa kahirapan, maaari ko pa ring baguhin ang sarili kong kapalaran sa pamamagitan ng pagsusumikap. Bilang resulta, ibinuhos ko ang lahat ng aking lakas upang makipagbuno sa aking “kapalaran,” at makamtan ang isang kapirasong langit na matatawag kong akin.

Linggo, Marso 10, 2019

Bakit Makapangyarihang Diyos ang Pangalang Ginamit ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian?



    Yamang ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw, maraming tao ang hindi nakakaunawa kung bakit tinatawag na Makapangyarihang Diyos ang Panginoong Jesus kapag dumarating Siya para gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Bakit hindi Siya patuloy na tawaging Panginoong Jesus? Sa katunayan, may bagong pangalan ang Diyos tuwing ginagawa Niya ang isang yugto ng Kanyang gawain. Ang bagong pangalang ito ang ginagamit ng Diyos Mismo dahil akma sa gawain—hindi ito isang pangalan na itinatawag sa kanya ng mga tao dahil gusto nila.

Sabado, Disyembre 29, 2018

Salita ng Buhay | "Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi X"(Pagpapatuloy ng Ikalawang bahagi)

Salita ng Buhay | "Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi X"(Pagpapatuloy ng Ikalawang bahagi)

    Ang mga salita ng Diyos sa video na ito ay mula sa librong "Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
" Ang nilalaman ng video na ito:
2) Ang Pag-inog ng Buhay at Kamatayan ng Iba’t Ibang Tao na Mayroong Panampalataya

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita.

Miyerkules, Disyembre 26, 2018

Tagalog Gospel Songs | “Sinusundan Mo Ba ang Kasalukuyang Gawain ng Diyos”

Tagalog Gospel Songs | “Sinusundan Mo Ba ang Kasalukuyang Gawain ng Diyos”
I
Kung hindi mo kayang sundan ang liwanag ngayon,
kung gayon may agwat sa pagitan mo at ng Diyos,
ang ugnayang iyon ay maaaring naputol na,
ikaw ay walang normal na espirituwal na buhay.
Ang normal na relasyon sa Diyos ay naitatatag
sa pagtanggap sa mga salita ng Diyos ngayon.

Sabado, Disyembre 22, 2018

Tagalog Christian Skit | Ang mga "Mabuting" Layunin ng Pastor

Tagalog Christian Skit | Ang mga "Mabuting" Layunin ng Pastor

       Si Yang Xiangming ay isang manggagawa sa isang denominasyon, at nang matiyak niya na ang Makapangyarihang Diyos ang nagbalik na Panginoong Jesus, ginagabayan na niya ang ilan niyang kapatid na bumaling sa Makapangyarihang Diyos. Dahil dito, naligalig ang kanyang pastor, kaya ginagamit ng pastor niya ang katayuan at pera upang tuksuhin siya, at ginagamit din ang kasal ng anak niya upang pagbantaan si Yang Xiangming na talikuran ang tunay na daan. Sa pagharap sa mga "mabuting" intensyon ng  kanyang pastor, ano kaya ang kanyang gagawin sa huli?  Sa kritikal na sandaling ito kung kailan natin sasalubungin ang pagdating ng Panginoon, bakit pinipigilan ng pastor na iyon ang mga mananampalataya sa pagsusuri sa tunay na daan? Matutulungan kayo ng maikling dulang "Ang Mga 'Mabuting' Intensyon ng Pastor" na maunawaan ang katotohanan ng ganitong sitwasyon.


Biyernes, Disyembre 7, 2018

2. Ano ang Pagkakatawang-tao? Ano ang Sangkap ng Pagkakatawang-tao?


2. Ano ang Pagkakatawang-tao? Ano ang Sangkap ng Pagkakatawang-tao?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).

“Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay” (Juan 14:6).