Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na ang buhay. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na ang buhay. Ipakita ang lahat ng mga post

Biyernes, Enero 4, 2019

1. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nag-iisang Totoong Diyos na Namumuno sa Lahat ng Mga Bagay.


Kabanata 1 Dapat Mong Malaman na ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nag-iisang Totoong Diyos na Lumikha ng Kalangitan at ng Lupa at Lahat nang nasa Mga Yaon
1. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nag-iisang Totoong Diyos na Namumuno sa Lahat ng Mga Bagay.

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Hindi alam ng sangkatauhan kung sino ang Kataas-taasan sa lahat ng mga bagay sa sansinukob, mas lalong hindi niya alam ang simula at hinaharap ng sangkatauhan. Ang sangkatauhan ay namumuhay lamang, nang sapilitan, sa gitna ng batas na ito. Walang maaaring makatakas dito at walang maaaring makapagbago rito, sapagka’t sa gitna ng lahat ng bagay at sa mga kalangitan ay mayroon lamang Isa na mula sa kawalang-hanggan tungo sa kawalang-hanggan na siyang nagtataglay ng paghahari sa lahat ng mga bagay.

Huwebes, Disyembre 27, 2018

Isang Muling Pagsilang


Isang Muling Pagsilang
Yang Zheng Probinsya ng Heilongjiang


Ipinanganak ako sa isang mahirap na pamilya sa kanayunan na baliktad sa kanilang pag-iisip. Ako ay mapagmataas simula sa murang edad at talagang malakas ang aking pagnanais para sa katayuan. Sa paglipas ng panahon, sa pamamagitan ng panlipunang impluwensya at isang tradisyonal na edukasyon, kinuha ko ang lahat ng uri ng mga patakaran ni Satanas sa aking puso para sa kaligtasan. Ang lahat ng mga uri ng mga kamalian ang nagpalala sa aking pagnanais sa reputasyon at katayuan, tulad ng pagtatayo ng magandang lupain gamit ang iyong mga sariling kamay, gagawin kang imortal ng katanyagan, kailangan ng tao ng mukha tulad ng puno na kailangan ng balat, pangunguna at pagiging nasa ibabaw, prestihiyo ng pamilya, atbp. Dahan-dahang naging ganito ang buhay ko at pinaniwala ako nang matatag na hangga’t nabubuhay tayo sa mundong ito, kailangan nating magtrabao upang umangat ang tingin sa atin ng iba.

Huwebes, Disyembre 13, 2018

Tagalog Christian Gospel Video | "Pagpalain ng Diyos" | Being saved from disasters (Tagalog Dubbed)

Tagalog Christian Gospel Video | "Pagpalain ng Diyos" | Being saved from disasters (Tagalog Dubbed)
         Madalas sabihin ng mga tao na "Ang mga bagyo ay namumuo nang walang babala at ang kasawian ay sumasapit sa mga tao sa magdamag." Sa panahon natin ngayon na mabilis na umuunlad ang siyensya, modernong transportasyon at materyal na yaman, dumarami ang mga sakunang nangyayari sa buong paligid natin bawat araw. Kapag binuklat natin ang pahayagan o binuksan ang TV, ang pangunahing nakikita natin ay: mga digmaan, lindol, tsunami, bagyo, sunog, baha, pagbagsak ng mga eroplano, sakuna sa minahan, kaguluhan sa lipunan, matitinding alitan, pag-atake ng mga terorista, atbp. Lahat ng nakikita natin ay mga likas na kalamidad at mga sakunang dulot ng tao. Ang mga sakunang ito ay madalas mangyari at mas tumitindi. Ang masidhing pagdami ng sakuna ay may kasamang pagdurusa, dugo, pagkabalda at kamatayan. Nangyayari ang mga kasawian sa ating paligid sa lahat ng oras, na nagbibigay-diin na maikli at marupok ang buhay. Wala tayong paraan para mahulaan kung anong klaseng mga sakuna ang mararanasan natin sa hinaharap. Bukod pa rito, hindi natin alam kung ano ang dapat nating gawin. Bilang bahagi ng sangkatauhan, ano ang dapat nating gawin upang makalaya sa mga sakunang ito? Sa programang ito, malalaman mo ang sagot. Malalaman mo ang tanging paraan para matanggap ang proteksyon ng Diyos upang makaligtas ka sa nakaambang mga sakuna.

Biyernes, Disyembre 7, 2018

2. Ano ang Pagkakatawang-tao? Ano ang Sangkap ng Pagkakatawang-tao?


2. Ano ang Pagkakatawang-tao? Ano ang Sangkap ng Pagkakatawang-tao?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“At nagkatawang-tao ang Verbo, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan” (Juan 1:14).

“Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay” (Juan 14:6).