🙏 ✝️ 🙏 ✝️ 🙏 ✝️ 🙏 ✝️ 🙏 ✝️ 🙏 ✝️ 🙏 ✝️ 🙏 ✝️ 🙏 ✝️ 🙏 ✝️ 🙏 ✝️ 🙏 ✝️
Ang pinagmulan:Ang Ebanghelyo ng Kaharian ng Langit
Nauugnay sa mga Salita ng Makapangyarihang Diyos
Ang gawain na ginawa ni
Jehova sa mga Israelita ay itinatag sa gitna ng sangkatauhan ang lugar
na pinagmulan ng Diyos, na siya ring banal na lugar kung saan Siya
naroon. Nilimitahan Niya ang Kanyang gawain sa bayan ng Israel. Noong
una, hindi Siya gumawa sa labas ng Israel; sa halip, pinili Niya ang
isang bayan na natagpuan Niyang angkop upang itakda ang sakop ng Kanyang
gawain. Ang Israel ang lugar kung saan nilikha ng Diyos si Adan at Eba,
at mula sa alabok sa lugar na iyon nilikha ni Jehova ang tao; ang lugar
na ito ay naging himpilan ng Kanyang gawain sa daigdig. Ang mga
Israelita, na siyang mga inapo ni Noe at mga inapo din ni Adan, ay ang
mga pantaong saligan ng gawain ni Jehova sa daigdig.
Sa panahong
ito, ang kabuluhan, layunin, at mga yugto ng gawain ni Jehova sa Israel
ay upang simulan ang Kanyang gawain sa buong daigdig, na mula sa Israel
bilang sentro, ay unti-unting lumaganap sa mga bansang Gentil. Ito ang
prinsipyong batayan ng Kanyang mga ginagawa sa buong sansinukob—ang
magtatag ng modelo at pagkatapos ay palawakin ito hanggang sa ang lahat
ng tao sa sansinukob ay tumanggap ng Kanyang ebanghelyo. Ang mga unang
Israelita ay mga inapo ni Noe. Ang mga taong ito ay pinagkalooban lamang
ng hininga ni Jehova, at nakaunawa nang sapat upang pangalagaan ang mga
pangunahing pangangailangan sa buhay, ngunit hindi nila alam kung anong
uri ng Diyos si Jehova, o ang Kanyang kalooban para sa tao, lalong
higit kung paano nila dapat pagpipitaganan ang Panginoon ng buong
sangnilikha. Patungkol naman sa kung mayroong mga alituntunin at
kautusan para sundin, at kung mayroong gawaing dapat gawin ng mga
nilikhang nilalang para sa Manlilikha: Walang alam ang mga inapo ni Adan
sa mga bagay na ito. Ang alam lang nila ay na ang asawang lalaki ay
dapat magpawis at magpagal upang tustusan ang kanyang pamilya, at na ang
asawang babae ay dapat magpasakop sa kanyang asawang lalaki at
magpanatili ng lahi ng mga tao na nilikha ni Jehova. Sa madaling salita,
ang mga taong ito, na ang tanging mayroon lamang ay ang hininga ni
Jehova at ang Kanyang buhay, ay walang alam sa kung paano sumunod sa mga
kautusan ng Diyos o kung paano bigyang-kasiyahan ang Panginoon ng buong
sangnilikha. Lubhang kakaunti ang kanilang naunawaan. Kaya kahit na
wala namang baluktot o mapanlinlang sa kanilang mga puso at bihirang
magkaroon ng pagseselos at pagtatalo sa kalagitnaan nila, gayunman wala
silang kaalaman o kaunawaan kay Jehova, ang Panginoon ng buong
sangnilikha. Ang alam lamang ng mga inapong ito ng tao ay kumain ng mga
bagay ni Jehova, at tamasahin ang mga bagay ni Jehova, ngunit hindi nila
alam paano magpitagan kay Jehova; hindi nila alam na si Jehova ang
Siyang dapat nilang sambahin nang nakaluhod. Kaya paano sila matatawag
na mga nilikha Niya? Kung ito ay ganito nga, ano ang mga salitang, “Si
Jehova ay Panginoon ng buong sangnilikha” at “Nilikha Niya ang tao upang
ang tao ay ipahayag Siya, luwalhatiin Siya, at katawanin Siya”—hindi ba
kaya nasabi nang walang saysay ang mga iyon? Paanong ang mga taong
walang pagpitagan kay Jehova ay maaaring maging patotoo ng Kanyang
kaluwalhatian? Paano sila maaaring maging kapahayagan ng Kanyang
kaluwalhatian? Ang salita kaya ni Jehova na “Nilikha Ko ang tao ayon sa
Aking wangis” ay maging sandata sa mga kamay ni Satanas—na siyang
masama? Ang mga salita kayang ito ay hind maging tatak ng kahihiyan sa
pagkalikha ni Jehova sa tao? Upang gawing ganap ang yugtong iyon ng
gawain, si Jehova, pagkaraang likhain ang mga tao, ay hindi nagturo o
naggabay sa kanila mula sa panahon ni Adan hanggang sa kay Noe. Sa
halip, pagkaraan wasakin ng baha ang daigdig at saka lamang Niya pormal
na sinimulang gabayan ang mga Israelita, na mga inapo ni Noe at ni Adan
din. Ang Kanyang gawain at mga pagbigkas sa Israel ay nagbigay sa Israel
ng patnubay sa lahat ng bayan ng Israel habang sila ay namuhay sa buong
lupain ng Israel, at sa ganitong paraan ipinakita sa mga tao na si
Jehova ay hindi lamang kayang hingahan ang tao, upang magkaroon siya ng
buhay mula sa Kanya at magbangon mula sa alabok at maging nilikhang tao,
kundi na Siya rin ay kayang sunugin hanggang sa maging abo ang
sangkatauhan, at sumpain ang sangkatauhan, at gumamit ng Kanyang tungkod
upang pamahalaan ang sangkatauhan. At, ganoon din, nakita nila na si
Jehova ay maaaring pumatnubay sa buhay ng tao sa lupa, at magsalita at
gumawa sa kalagitnaan ng sangkatauhan ayon sa mga oras ng araw at ng
gabi. Ginawa lamang niya ang gawain upang ang Kanyang mga nilalang ay
makaalam na ang tao ay nagmula sa alabok na pinulot Niya, at higit dito
na ang tao ay nilikha Niya. Hindi lamang ito, kundi ang gawain na
sinimulan Niya sa Israel ay upang ang ibang mga tao at mga bansa (na sa
totoo lang ay hindi hiwalay sa Israel, kundi nagsanga mula sa mga
Israelita, subalit nagmula pa rin kina Adan at Eba) ay makatanggap ng
ebanghelyo ni Jehova mula sa Israel, upang ang lahat ng nilikhang
nilalang sa sansinukob ay makapagpitagan kay Jehova at itangi Siyang
dakila. Kung hindi sinimulan ni Jehovah ang Kanyang gawain sa Israel,
ngunit sa halip, nang likhain na ang sangkatauhan, ay hinayaan silang
mamuhay nang walang inaalala sa daigdig, kung ganyan ang kalagayan,
dahil sa pisikal na kalikasan ng tao (ang ibig sabihin ng kalikasan ay
hindi malalaman ng tao kailanman ang mga bagay na hindi niya nakikita,
na ibig sabihin hindi niya malalaman na si Jehova ang lumikha sa
sangkatauhan, at lalong hindi bakit Niya ito ginawa), hindi niya
malalaman na si Jehova ang lumikha sa sangkatauhan o na Siya ang
Panginoon ng buong sangnilikha. Kung nilikha ni Jehova ang tao at
inilagay siya sa daigdig upang maging layon para sa Kanyang pansariling
kasiyahan, at pagkatapos ay basta pinagpag ang alikabok sa kanyang mga
kamay at umalis, sa halip na manatili sa kalagitnaan ng mga tao para
bigyan sila ng patnubay sa loob ng ilang panahon, kung magkagayon ang
lahat ng sangkatauhan ay babalik sana sa kawalan; maging ang langit at
lupa at ang lahat ng hindi mabilang na mga bagay na Kanyang ginawa, at
ang lahat ng sangkatauhan, ay babalik sa kawalan at higit pa ay
yuyurakan ni Satanas. Sa ganitong paraan ang naisin ni Jehova na “Sa
daigdig, iyon ay, sa kalagitnaan ng Kanyang nilikha, dapat Siyang may
lugar na titindigan, isang banal na lugar” ay mabubuwag sana. At kaya,
matapos likhain ang tao, na nagawa Niyang manatili sa kanilang
kalagitnaan upang patnubayan sila sa kanilang buhay, at mangusap sa
kanila mula sa kanilang kalagitnaan, lahat ng ito ay upang matupad ang
Kanyang nais, at makamtan ang Kanyang plano. Ang gawain na ginawa Niya
sa Israel ay nilayon lamang na isakatuparan ang plano na Kanyang
inilagay sa lugar bago ang paglikha Niya ng lahat ng mga bagay, at dahil
dito ang Kanyang pagkilos una sa kalagitnaan ng mga Israelita at ang
Kanyang paglikha ng lahat ng mga bagay ay hindi salungat sa isa’t isa,
kundi kapwa para sa kapakanan ng Kanyang pamamahala, Kanyang gawain, at
Kanyang kaluwalhatian, at gayon din upang mapalalim ang kahulugan ng
Kanyang paglikha sa sangkatauhan. Pinatnubayan Niya ang buhay ng mga tao
sa daigdig ng dalawang libong taon pagkatapos ni Noe, na sa panahong
ito ay tinuruan Niya ang tao na unawain paano pagpipitaganan si Jehova
na Panginoon ng lbuong sangnilikha, paano magpakaayos sa kanilang mga
buhay at paano magpapatuloy sa pamumuhay, at higit sa lahat, paano
kikilos bilang saksi para kay Jehova, sundin Siya, at bigyan Siya ng
pagpipitagan, maging purihin Siya gamit ang musika tulad ng ginawa ni
David at ng kanyang mga saserdote.
Bago ang dalawang libong taon
kung saan ginawa ni Jehova ang Kanyang gawain, walang alam ang tao, at
halos lahat ng tao ay nahulog sa kabuktutan, hanggang, bago ang pagwasak
ng mundo sa pamamagitan ng baha, umabot sila sa lalim ng kahalayan at
katiwalian kung saan sa kanilang mga puso ay walang laman na Jehova, at
lalong walang laman ng Kanyang paraan. Hindi nila kailanman naunawaan
ang gawain na gagawin ni Jehova; kulang sila ng katuwiran, lalong walang
kaalaman, at, tulad ng isang makinang humihinga, ay lubusang ignorante
sa tao, sa Diyos, sa mundo, sa buhay at sa mga katulad nito. Sa daigdig
nasangkot sila sa maraming tukso, tulad ng ahas, at nagsabi ng maraming
bagay na nakasakit kay Jehovah, ngunit dahil sila ay ignorante hindi
sila kinastigo o dinisiplina ni Jehova. Tanging pagkatapos ng baha, nang
si Noe ay 601 taong gulang, pormal na nagpakita si Jehova kay Noe at
gumabay sa kanya at sa kanyang pamilya, nanguna sa mga ibon at mga hayop
na nakaligtas sa baha kasama si Noe at ang mga inapo niya, hanggang sa
katapusan ng Kapanahunan ng Kautusan, lahat sa loob ng 2,500 taon. Siya
ay gumawa sa Israel, iyon ay, pormal na gumawa, para sa kabuuang 2,000
taon, at sabay na gumawa sa Israel at sa labas nito ng 500 taon,
sama-sama ay 2,000 taon. Sa panahong ito, inatasan Niya ang mga
Israelita na upang maglingkod kay Jehova, dapat silang magtayo ng isang
templo, magsuot ng mga kasuotang pangsaserdote, at lumakad nang
nakayapak sa templo sa madaling araw, kung hindi ay madudumihan nila ang
templo at padadalhan sila ng apoy mula sa ibabaw ng templo at susunugin
sila hanggang mamatay. Ginawa nila ang kanilang mga tungkulin at
nagpasakop sa mga plano ni Jehova. Nanalangin sila kay Jehova sa templo,
at pagkatapos tanggapin ang kapahayagan ni Jehova, iyon ay, pagkatapos
makapagsalita ni Jehova, pinangunahan nila ang napakaraming tao at
tinuruan sila na dapat magpakita ng pagpitagan kay Jehova. At sinabihan
sila ni Jehova na magtayo ng templo at ng altar, at sa panahong itinakda
ni Jehova, iyon ay, sa Paskwa, dapat silang maghanda ng mga bagong
panganak na guya at mga tupa upang ihain sa dambana bilang mga handog
upang magsilbi kay Jehova, upang higpitan sila at lagyan ng pagpipitagan
para kay Jehova sa kanilang mga puso. Kung sinunod nila ang kautusang
ito ang naging sukatan ng kanilang katapatan kay Jehova. Inilaan din ni
Jehova ang araw ng Sabbath para sa kanila, ang ikapitong araw ng Kanyang
paglikha. Ang araw pagkaraan ng Sabbath ay ginawa Niyang unang araw,
ang araw para purihin nila si Jehova, para mag-alay sa Kanya ng mga
handog, at lumikha ng musika para sa Kanya. Sa araw na ito, tinawag ni
Jehova ang lahat ng mga saserdote upang hatiin ang mga handog na nasa
dambana para kainin ng mga tao, upang tamasahin nila ang mga handog sa
dambana ni Jehova. At sinabi ni Jehova na sila ay pinagpala, na sila ay
may takdang bahagi sa Kanya, at sila ay Kanyang piniling bayan (na
siyang tipan ni Jehova sa mga Israelita). Iyan ang dahilan, kung bakit
hanggang ngayon, ang bayan ng Israel ay nagsasabi pa ring si Jehova ang
tanging Diyos nila, at hindi ang Diyos ng ibang mga tao.
Noong
Kapanahunan ng Kautusan, naglatag si Jehova ng maraming mga utos kay
Moises upang ipasa sa mga Israelitang sumunod sa kanya palabas ng
Egipto. Ang mga utos na ito ay ibinigay ni Jehovah sa mga Israelita, at
walang kaugnayan sa mga Egipcio; ang mga ito ay nilayon upang higpitan
ang mga Israelita. Ginamit ng Diyos ang mga utos upang hingan sila. Kung
sinunod nila ang Sabbath, kung iginalang nila ang kanilang mga
magulang, kung sinamba nila ang mga diyos-diyosan, at iba pa: ito ang
mga prinsipyo kung saan sila ay hinatulan na makasalanan o matuwid. Sa
kanilang kalagitnaan, mayroong ilan na tinamaan ng apoy ni Jehova, may
ilan na binato hanggang sa mamatay, at may ilan na tumanggap ng
pagpapala ni Jehova, at ito ay pinagpasyahan ayon sa kung sila ay
sumunod o hindi sumunod sa mga utos. Ang mga hindi nakasunod sa Sabbath
ay babatuhin hanggang mamatay. Ang mga saserdote na hindi nagpakita ng
paggalang sa kanilang mga magulang ay babatuhin din hanggang mamatay.
Lahat ng ito ay itinagubilin ni Jehova. Itinatag ni Jehova ang Kanyang
mga utos at batas upang, habang pinangungunahan Niya sila sa kanilang
buhay, ang mga tao ay makikinig at tatalima sa Kanyang salita at hindi
magrerebelde laban sa Kanya. Ginamit Niya ang mga batas na ito upang ang
bagong-silang na lahi ng tao ay makokontrolado, mas mainam upang
mailatag ang pundasyon para sa Kanyang gawain sa hinaharap. At kaya,
batay sa gawain na ginawa ni Jehova, ang unang kapanahunan ay tinawag na
Kapanahunan ng Kautusan. Bagama’t maraming ginawang pagbigkas si Jehova
at gumawa ng maraming gawain, pinatnubayan lamang Niya ang mga tao nang
positibo, tinuturuan ang mga ignoranteng tao paano maging tao, paano
mamuhay, paano maunawaan ang paraan ni Jehova. Sa kalakhang bahagi, ang
gawain na ginawa Niya ay upang gawin ang mga tao na sumunod sa Kanyang
daan at sundin ang Kanyang mga kautusan. Ang gawain ay ginawa sa mga
taong mababaw pa ang pagkatiwali; hindi ito ipinaabot hanggang sa
pagbabago ng kanilang disposisyon o pag-unlad sa buhay. Ang Kanyang
pakay lamang ay ang paggamit ng mga kautusan para pigilan at kontrolin
ang mga tao. Para sa mga Israelita noong panahong iyon, si Jehova ay isa
lamang Diyos na nasa templo, isang Diyos na nasa mga kalangitan. Siya
ay isang haliging ulap, isang haliging apoy. Ang hiningi ni Jehova sa
kanila ay ang sumunod sa alam ngayon ng mga tao bilang Kanyang mga batas
at utos—maaaring sabihin pa nga ng isa na mga alituntunin—dahil ang
ginawa ni Jehova ay hindi nilayon para baguhin sila, kundi para bigyan
sila ng mas maraming bagay na dapat magkaroon ang mga tao, para turuan
sila mula sa sarili Niyang bibig, dahil pagkaraang malikha, ang tao ay
walang anuman ng dapat na mayroon siya. At kaya, ibinigay ni Jehovah sa
mga tao ang mga bagay na dapat nilang ariin para sa kanilang mga buhay
dito sa lupa, kaya ang mga taong pinangunahan Niya ay nilagpasan pa ang
kanilang mga ninuno, sina Adan at Eba, dahil ang anumang ibinigay ni
Jehovah ay lumabis pa sa anumang ibinigay Niya kay Adan at Eba sa
simula. Kahit na ano pa, ang gawain na ginawa ni Jehova sa Israel ay
upang patnubayan lamang ang sangkatauhan at ipakilala sa sangkatauhan
ang kanilang Manlilikha. Hindi Niya sila sinakop o binago, kundi
pinatnubayan lamang. Ito ang kabuuan ng gawain ni Jehova sa Kapanahunan
ng Kautusan. Ito ang pinagmulan, ang totoong salaysay, ang diwa ng
Kanyang gawain sa buong lupain ng Israel, at ang simula ng Kanyang anim
na libong taon ng gawain—ang panatilihin ang sangkatauhan sa ilalim ng
kontrol ng kamay ni Jehova. Mula dito ay ipinanganak ang mas marami pang
gawain sa Kanyang anim-na libong-taong plano ng pamamahala.
mula sa “Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa
pasimula, ang paggabay sa tao sa Kapanahunan ng Kautusan ng Lumang
Tipan ay kagaya ng paggabay sa buhay ng isang bata. Ang pinakaunang
sangkatauhan ay bagong silang kay Jehova, na siyang mga Israelita. Hindi
nila naunawaan kung paano igalang ang Diyos o mabuhay sa lupa. Iyon ay
upang sabihin, nilikha ni Jehova ang sangkatauhan, iyon ay, nilikha Niya
si Adan at Eba, ngunit hindi Niya sila binigyanng mga kaisipan upang
maunawaan kung paano igalang si Jehova o kung paano sundin ang mga batas
ni Jehova sa lupa. Kung wala ang tuwirang paggabay ni Jehova, walang
sinuman ang makaaalam nito nang tuwiran, sapagkat sa pasimula hindi
tinaglay ng tao ang gayong mga kaisipan. Alam lamang ng mga tao na si
Jehova ay Diyos, at hindi nagkaroon ng ideya kung paano Siya igalang,
kung ano ang gagawin upang Siya ay igalang, sa kung anong kaisipan Siya
igagalang, at kung ano ang ihahandog sa paggalang sa Kanya. Alam lamang
ng mga tao kung paano tamasahin yaong maaaring tamasahin sa gitna ng
lahat ng mga bagay na nilikha ni Jehova. Walang kamalayan ang tao sa
kung anong uri ng buhay sa lupa ang naaangkop sa isang nilalang ng
Diyos. Kung walang mga tagubilin, walang sinuman na gagabay sa kanila
nang personal, ang gayong sangkatauhan ay hindi kailanman maaaring
humantong sa isang tamang buhay, at mabibihag lamang nang palihim ni
Satanas. Nilikha ni Jehova ang sangkatauhan, iyon ay upang sabihin na
nilikha Niya ang mga ninuno ng sangkatauhan: Si Eba at Adan. Ngunit
hindi Niya ipinagkaloob sa kanila ang karagdagang talino at karunungan.
Bagamat sila ay naninirahan na sa lupa, halos wala silang anumang
nauunawaan. At kaya, ang gawain ni Jehova sa paglikha sa sangkatauhanay
nangalahati lamang. Hindi ito tapos sa anumang paraan. Hinubog lamang
Niya ang isang modelo ng tao mula sa putik at binigyan Niya ito ng
hininga, ngunit hindi ipinagkaloob sa tao ang sapat na kahandaan upang
igalang Siya. Sa pasimula, ang tao ay walang balak na igalang Siya, o
matakot sa Kanya.Ang alam lamang ng tao ay ang makinig sa Kanyang mga
salita ngunit mangmang sa pangunahing kaalaman para sa buhay sa lupa at
sa mga wastong patakaran sa buhay. At kaya, bagamat nilikha ni Jehova
ang lalaki at babae at tinapos ang pitong araw ng proyekto, hindi Niya
ganap na nabuo ang tao, sapagkat ang tao ay isa lamang ipa, at hindi
tunay na isang tao. Ang alam lamang ng tao ay si Jehova ang lumikha sa
sangkatauhan, ngunit walang kamalayan ang tao kung paano sumunod sa mga
salita at mga batas ni Jehova. At kaya, pagkatapos ng paglikha sa
sangkatauhan, ang gawain ni Jehova ay matagal pa bago magtapos.
Kinailangan din Niyang gabayan ang sangkatauhan sa harap Niya kaya
nagawang mamuhay ng sangkatauhan nang magkakasama sa lupa at igalang
Siya, at upang ang sangkatauhan ay makapasok sa tamang landas ng isang
wastong buhay ng tao sa lupa pagkatapos na ginabayan Niya. Sa gayon
lamang ganap na nabuo ang gawain na pangunahing isinagawa sa ilalim ng
pangalan ni Jehova; iyon ay, sa gayon lamang ganap na natapos ang gawain
ni Jehova sa paglikha sa mundo. At kaya, yamang nilikha Niya ang
sangkatauhan, kinailangan Niyang gabayan ang buhay ng sangkatauhan sa
lupa sa loob ng ilang libong taon, upang magawang sumunod ng
sangkatauhan sa Kanyang mga kautusan at mga batas, at makibahagi sa
lahat ng mga gawain ng isang wastong buhay ng tao sa lupa. Sa gayon
lamang ganap na natapos ang gawain ni Jehova. Sinimulan Niya ang gawaing
ito matapos Niyang likhain ang sangkatauhan, at ang kanyang gawain ay
nagpatuloy hanggang sa panahon ni Jacob, nang ang labindalawang anak na
lalaki ni Jacob ay naging labindalawang lipi ng Israel. Mula sa panahong
iyon pasulong, ang bawat isa sa Israel ay naging mga taona pinangunahan
Niya nang opisyal sa lupa, at ang Israel ang naging partikular na lugar
sa lupa kung saan Niya ginawa ang Kanyang gawain. Ginawa ni Jehova ang
mga taong ito na unang grupo ng mga tao kung kanino Niya ginawa ang
kanyang opisyal na gawain sa lupa, at ginawang panimulang punto ang
kabuuang bayan ng Israel para sa Kanyang gawain. Ginamit Niya sila
bilang panimula ng lalong higit na dakilang gawain, upang malaman ng
lahat ng mga taong isinilang mula sa Kanya sa lupakung paano Siya
igalang ay mabuhay sa lupa. At kaya, ang mga gawa ng mga Israelita ay
naging isang halimbawa para sundan ng mga Gentil, at kung ano ang sinabi
sa kalipunan ng mga tao sa Israel ay naging mga salita na diringgin ng
mga Gentil. Sapagkat sila ang unang nakatanggapsa mga batas at mga
utosni Jehova, at sila din ang unang nakaalam kung paano igalang ang mga
pamamaraan ni Jehova. Sila ang mga ninunong tao na nakaalam sa mga
pamamaraan ni Jehova, at mga kinatawan ng sangkatauhan na pinili ni
Jehova.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ngayon,
nabasa ninyo ang mga alituntunin at prinsipyo ng Panahon ng Kautusan,
di ba? Malawak ba ang pinalilibutan ng mga alituntuning ito? Una, suklob
nito ang Sampung Utos, matapos ay ang mga alituntunin kung paano bumuo
ng mga dambana, at iba pa. Ang mga ito ay sinundan ng mga alituntunin
para sa pagpapanatili ng Sabbath at paggaganap ng tatlong pista, matapos
ay ang kautusan tungkol sa mga handog. Nakita niyo ba kung ilang uri ng
handog ang mayroon? May mga handog na susunugin, mga handog na harina,
handog para sa kapayapaan, handog para sa kasalanan, at iba pa, na kung
saan ay sinundan ng mga alituntunin para sa mga handog ng mga saserdote,
kabilang handog na susunugin at mga handog na harina ng mga saserdote,
at iba pang mga uri ng mga handog. Ang ika-walong alituntunin ay para sa
pagkain ng mga handog ng mga saserdote, at pagkatapos ay may mga
alituntunin para sa kung ano ang dapat ma-obserbahan sa panahon ng buhay
ng mga tao. May mga takda para sa maraming mga aspeto ng buhay ng mga
tao, tulad ng mga alituntunin para sa kung ano ang kanilang maaaring o
hindi maaaring kainin, para sa pagdadalisay ng mga babae matapos
manganak, at para sa mga taong pinagaling sa ketong. Sa mga alituntunin
na ito, ang Diyos ay pumupunta sa malayo upang nagsalita ng patungkol sa
mga sakit, at mayroon mga panuntunan para sa pagpatay ng mga tupa at
mga baka, at iba pa. Ang mga tupa at mga baka ay nilikha ng Diyos, at
dapat mong patayin ang mga ito sa kung paano sa iyo sabihin ng Diyos;
mayroong, ng walang pagdududa, dahilan ang mga salita ng Diyos, at
walang duda na tama lang na kumilos ng naayon na itinalaga ng Diyos, at
tiyak na kapaki-pakinabang sa mga tao! Mayroon ding mga kapistahan at
mga panuntunan na dapat ganapin, tulad ng mga Araw ng Sabbath, Paskua,
at madami pa—ang Diyos ay sinabi ang lahat ng mga ito. Tingnan natin ang
mga nahuhuli: Iba pang mga Mga Alituntunin—Pagsusunog ng Mga Lampara,
Ang Taon ng Jubileo, ang Pagtubos ng Lupa, Paggawa ng mga Panata, ang
Paghahandong ng Ikasampug bahagi, at iba pa. Malawak ba ang sakop nito?
Ang unang bagay na dapat pag-usapan ay ang paksa ng mga handog ng tao,
pagkatapos ay ang mga alituntunin para sa pagnanakaw at kabayaran, at
ang pagganap ng araw Sabbath...; bawat isang bahagi ng buhay ay kasama.
Na ang ibig sabihin, nang nagsimula ang Diyos sa gawain ng Kanyang plano
sa pamamahala, naglatag Siya ng madaming alituntunin na dapat sundin ng
tao. Ang mga alituntunin na ito ay hinayaan ang tao na mamuhay ng
normal na buhay ng tao sa mundo, isang pangkaraniwang buhay ng tao na
hindi maihihiwalay sa Diyos at sa Kanyang patnubay. Unang sinabi ng
Diyos sa tao kung paano gumawa ng mga dambana, paano ilagay ang mga
dambana. Pagkatapos yaon, sinabi Niya sa tao kung paano gumawa ng mga
handog, at itinatag kung paano ang tao ay dapat mabuhay—kung ano ang
dapat niyang bigyang-pansin sa buhay, kung ano ang dapat niyang sundin,
kung ano ang dapat at hindi niya dapat gawin. Ang ibinigay Diyos para sa
tao ay sumasakop sa lahat, at sa mga kaugalian na ito, alituntunin, at
mga prinsipyo ay nagbigay Siya ng pamantayan para sa pag-uugali ng mga
tao, ginabayan ang kanilang mga buhay, ginabayan ang kanilang pagtanggap
sa mga kautusan ng Diyos, ginabayan sila sa paglapit sa harap ng
dambana ng Diyos, pinatnubayan sila sa pagkakaroon ng buhay sa lahat ng
mga bagay na ginawa ng Diyos para sa tao na may kaayusan, kapanayan, at
kahinahunan. Unang ginamit ng Diyos ang mga simpleng mga alituntunin at
mga prinsipyo upang magtakda ng mga hangganan para sa tao, sa gayon ay
sa lupa man ay magkaroon ang tao ng isang pangkaraniwang buhay na
sumasamba sa Diyos, magkaroon ng pangkaraniwang buhay ng tao; ito ang
tiyak na nilalamin ng panimula ng Kanyang anim-na-libong-taon na plano
sa pamamahala. Ang mga alituntunin at mga patakaran ay nakakasakop sa
napaka-lawak na nilalaman, ang mga ito ay mga detalye ng paggabay ng
Diyos sa sangkatauhan sa Panahon ng Kautusan, sila ay tatanggapin at
pararangalan ng mga tao na dumating bago pa man ang Panahon ng Kautusan,
ang mga ito ay isang talaan ng mga gawain na ginawa ng Diyos sa Panahon
ng Kautusan, at ang mga ito ay tunay na katibayan ng pamumuno at
patnubay ng Diyos sa lahat ng sangkatauhan.
mula
sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo
II” sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang
pinakaunang sangkatauhan ay walang alam, at sa gayon ang Diyos ay
kailangan simulan ang pagtuturo sa kanila sa pinaka-mababaw at mga
pangunahing mga prinsipyo para sa kaligtasan ng buhay at mga
alituntuning kinakailangan para sa pamumuhay, pinupuspos ang mga bagay
na ito sa puso ng tao nang unti-unti, at binibigyan ang tao ng
paunti-unting pang-unawa sa Diyos, isang paunti-unting pagpapahalaga at
pang-unawa ng pamumuno ng Diyos, at isang pangunahing konsepto ng
kaugnayan sa pagitan ng tao at Diyos, sa pamamagitan ng mga alituntunin
na ito, at sa pamamagitan ng mga patakaran, na mga salita. Pagkatapos
makamit ang kinalabasang ito, saka lamang ang Diyos nakapagsimulang unti
unting gawin ang trabaho na gagawin Niya, kaya ang mga alituntunin at
gawa na ginawa ng Diyos sa Panahon ng Kautusan ay ang pundasyon ng
Kanyang gawain sa pagliligtas ng sangkatauhan, at ang unang yugto ng
gawain ng Diyos sa kanyang plano sa pamamahala.
mula
sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo
II” sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang
gawain ni Jehovah ay upang tuwirang pangunahan at akayin ang tao sa
pamamagitan ng pagtatalaga ng mga batas upang ang tao ay makapamuhay
nang normal at sambahin si Jehovah sa isang normal na paraan sa lupa.
Ang Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan ay Isa na hindi nakikita ni
nahihipo ng tao. Pinangungunahan lamang Niya ang mga tao na unang
ginawang-tiwali ni Satanas, at Siya ay naroon upang turuan at akayin ang
mga taong ito, kaya ang mga salitang Kanyang binitawan ay yaon lamang
ng mga batas, mga kautusan, at karaniwang kaalaman sa pamumuhay bilang
isang tao, at hindi kahit kailan ng mga katotohanang nagtutustos ng
buhay ng tao. Ang mga Israelita na nasa ilalim ng Kanyang pangunguna ay
hindi yaong mga malalim ang pagkatiwali ni Satanas. Ang Kanyang gawain
ng kautusan ay ang pinakaunang yugto lamang sa gawain ng pagliligtas,
ang pinakasimula ng gawain ng pagliligtas, at sa praktikal ay walang
kinalaman sa mga pagbabago sa pambuhay na disposisyon ng tao.
mula
sa “Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Nagkatawang-taong Diyos
at ng Tungkulin ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa
Kapanahunan ng Kautusan, ang gawain ng paggabay sa sangkatauhan ay
isinagawa sa ilalim ng pangalan ni Jehovah, at ang unang yugto ng gawain
ay isinagawa sa lupa. Ang gawain sa yugtong ito ay upang magtatag ng
mga templo at dambana, at upang gamitin ang kautusan upang gabayan ang
mga tao sa Israel at gumawa sa kalagitnaan nila. Sa pamamagitan ng
paggabay sa mga tao sa Israel, Siya ay nagtatag ng himpilan para sa
Kanyang gawain sa lupa. Sa himpilang ito, pinalawak Niya ang Kanyang
gawain lampas ng Israel, samakatuwid, mula sa Israel, pinalawak Niya ang
Kanyang gawain palabas, nang sa gayon ang mga susunod na salinlahi ay
unti-unting malaman na si Jehovah ay ang Diyos, at na nilikha ni Jehovah
ang langit at ang lupa at ang lahat ng bagay, nilikha ang lahat ng
nilalang. Ipinalaganap Niya ang Kanyang gawain sa mga tao sa Israel. Ang
lupain ng Israel ang pinakaunang banal na lugar ng mga gawain ni
Jehovah sa lupa, at ang mga unang gawain ng Diyos sa lupa ay sa lahat ng
dako ng lupain ng Israel. Iyon ang mga gawain sa Kapanahunan ng
Kautusan.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:
“Sapagka't
hindi sinugo ng Dios ang Anak sa sanglibutan upang hatulan ang
sanglibutan; kundi upang ang sanglibutan ay maligtas sa pamamagitan niya” (Juan 3:17).
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Si
Jesus ang kumakatawan sa lahat ng mga gawain ng Kapanahunan ng Biyaya;
Siya ay nagkatawang-tao at ipinako sa krus, at Kanya ring pinasinayaan
ang Kapanahunan ng Biyaya. Siya ay ipinako sa krus upang tapusin ang
gawain ng pagtubos, upang wakasan ang Kapanahunan ng Kautusan at
pasimulan ang Kapanahunan ng Biyaya, at kung kaya Siya ay tinawag na
"Kataas-taasang Pinuno", ang "Alay para sa Kasalanan", ang "Manunubos".
Kaya ang gawain ni Jesus ay naiba sa nilalaman mula sa gawain ni Jehova,
kahit magkapareho ang mga iyon ng prinsipyo. Inumpisahan ni Jehova ang
Kapanahunan ng Kautusan, itinatag ang punong himpilan, iyan ay, ang
dakong pinagmulan, ng Kanyang gawain sa lupa, at nagpalabas ng mga
kautusan; ang mga ito ay dalawa sa Kanyang mga naisakatuparan, na
kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang gawain na tinupad ni Jesus
sa Kapanahunan ng Biyaya ay hindi upang magpalabas ng mga utos, kundi
upang isakatuparan ang mga utos, sa gayon ay inihahatid ang Kapanahunan
ng Biyaya at tinatapos ang Kapanahunan ng Kautusan na tumagal nang
dalawang libong taon. Siya ang tagatuklas, na dumating upang pasimulan
ang Kapanahunan ng Biyaya, datapuwa't ang pagtubos ang pangunahing
bahagi ng Kanyang gawain. Kung kaya ang Kanyang mga naisakatuparan ay
may dalawa ring bahagi: ang pagbubukas ng isang bagong kapanahunan, at
pagkumpleto sa gawain ng pagtubos sa pamamagitan ng pagpapapako Niya sa
krus. At Siya ay umalis. Sa puntong ito, dumating sa katapusan ang
Kapanahunan ng Kautusan at pumasok ang sangkatauhan sa Kapanahunan ng
Biyaya.
Ang gawaing tinupad ni Jesus ay naaayon sa mga
pangangailangan ng tao sa kapanahunang iyon. Ang Kanyang gagawin ay
tubusin ang sangkatauhan, patawarin ang kanilang mga pagkakasala, kaya’t
ang Kanyang disposisyon ay lubos na isa ng kapakumbabaan, pagtitiis,
pag-ibig, kabanalan, pagtitiyaga, habag, at kagandahang-loob. Pinagpala
Niyang mayaman ang sangkatauhan at dinalhan sila ng masaganang biyaya,
at lahat ng mga bagay na maaari nilang tamasahin, Kanyang ibinigay sa
kanila para sa kanilang kasiyahan: kapayapaan at kaligayahan, ang
Kanyang pagpapaubaya at pag-ibig, Kanyang kaawaan at kagandahang-loob.
Nang mga panahong iyon, lahat ng nakatagpo ng tao ay kasaganaan ng mga
bagay na nagpapasaya: Ang kanilang mga puso ay napayapa at nabigyan ng
katiyakan, ang kanilang mga espiritu ay inaliw, at sila ay inalalayan ni
Jesus na Tagapagligtas. Na maaari nilang matamo ang mga bagay na ito ay
ang kinahinatnan ng kapanahunan kung kailan sila nabuhay. Sa
Kapanahunan ng Biyaya ang tao ay sumailalim sa pagtitiwali ni Satanas,
kung kaya ang gawaing pagtubos sa buong sangkatauhan ay nangailangan ng
masaganang biyaya, walang-hanggang pagtitiis at pagtitiyaga, at higit pa
rito, isang handog na sapat para magbayad-sala sa mga kasalanan ng
sangkatauhan, upang makarating sa bunga nito. Ang nakita lamang ng mga
tao sa Kapanahunan ng Biyaya ay ang Aking handog na pantakip ukol sa
kasalanan ng sangkatauhan, iyan ay, si Jesus. Ang alam lamang nila ay
maaaring maging maawain at matiisin ang Diyos, at ang nakita lamang nila
ay ang habag at kagandahang-loob ni Jesus. Ito sa kabuuan ay dahil
nabuhay sila sa Kapanahunan ng Biyaya. Kaya’t, bago sila matubos,
kinailangan nilang matamasa ang maraming uri ng biyaya na ipinagkaloob
ni Jesus sa kanila; ito lamang ang kapaki-pakinabang sa kanila. Sa
ganitong paraan, maaari silang mapatawad sa kanilang mga kasalanan sa
pamamagitan ng pagtatamasa nila ng biyaya, at maaari silang magkaroon ng
pagkakataon na matubos sa pamamagitan ng pagtatamasa nila sa pagtitiis
at pagtitiyaga ni Jesus. Tanging sa pamamagitan lamang ng pagtitiis at
pagtitiyaga ni Jesus sila nakatamo ng karapatang makatanggap ng
kapatawaran at magtamasa sa kasaganaan ng biyaya na ipinagkaloob sa
pamamagitan ni Jesus—gaya ng sinabi ni Jesus, “Ako ay pumarito hindi
upang tubusin ang matuwid kundi ang mga makasalanan, upang pahintulutan
ang mga makasalanan na mapatawad sa kanilang mga kasalanan.” Kung si
Jesus ay nagkatawang-tao na may disposisyon ng paghatol, sumpa, at
hindi-pagpapaubaya sa mga kasalanan ng tao, kung gayon ang tao ay hindi
kailanman magkakaroon ng pagkakataon na matubos, at mananatili silang
makasalanan magpakailanman. Kung nagkagayon, ang anim-na-libong-taong
plano sa pamamahala ay napahinto sana sa Kapanahunan ng Kautusan, at ang
Kapanahunan ng Kautusan ay napatagal ng anim na libong taon. Ang mga
kasalanan ng tao ay mas lalo pa sanang dumami at mas lalong lumubha, at
ang paglikha sa sangkatauhan ay mauuwi sa wala. Ang mga tao ay maaring
nakapaglingkod lamang kay Jehova sa ilalim ng kautusan, ngunit ang
kanilang mga kasalanan ay mas marami kaysa roon sa mga unang nilikhang
tao. Habang mas minamahal ni Jesus ang sangkatauhan, pinatatawad ang
kanilang mga kasalanan at pinagkakalooban sila ng sapat na awa at
kagandahang-loob, ang sangkatauhan ay mas nagkakaroon ng kakayahan na
maligtas, na matawag na mga nawawalang tupa na binili ni Jesus sa
napakalaking halaga. Si Satanas ay hindi maaring makialam sa gawaing
ito, dahil pinakitunguhan ni Jesus ang Kanyang mga tagasunod na gaya ng
pakikitungo ng isang mapagkalingang ina sa sanggol na nasa kanyang
sinapupunan. Hindi Siya nagtanim ng galit sa kanila ni hinamak man sila,
kundi Siya ay puno ng kaaliwan; hindi kailanman sumiklab ang Kanyang
galit sa kanilang kalagitnaan, kundi nagtiis sa kanilang mga pagkakamali
at nagbulag-bulagan sa kanilang mga kahangalan at kamangmangan, anupa’t
sinabing, “Patawarin ninyo ang iba nang pitumpu’t pitong beses.” Kaya
binago ng puso Niya ang mga puso ng iba. Sa ganitong paraan nakatanggap
ang mga tao ng kapatawaran ng mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang
pagtitiis.
mula sa “Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kahit
na si Jesus sa Kanyang pagkakatawang-tao, ay lubos na walang damdamin,
lagi Niyang inaaliw ang Kanyang mga tagasunod, binibigyan sila,
tinutulungan sila, at pinananatili sila. Gaano man karaming gawain ang
Kanyang ginawa o gaano man katindi ang pagdurusang Kanyang tiniis, hindi
Siya kailanman humingi nang labis sa mga tao, kundi laging matiyaga at
matiisin sa kanilang mga pagkakasala, anupa’t sa Kapanahunan ng Biyaya
Siya ay magiliw na kinilala bilang “ang kaibig-ibig na Jesus na
Tagapagligtas.” Sa mga tao nang panahong iyon—sa lahat ng mga tao—kung
anong mayroon si Jesus at kung ano Siya, ay kaawaan at kagandahang-loob.
Hindi Niya kailanman tinandaan ang mga pagsalangsang ng mga tao, at ang
Kanyang pakikitungo sa kanila ay hindi nakabatay sa kanilang mga
pagsalangsang. Dahil iyon ay ibang kapanahunan, madalas Siyang magkaloob
ng masaganang pagkain at inumin sa mga tao upang sila ay mangabusog.
Pinakitunguhan Niya ang lahat ng Kanyang mga tagasunod nang may
kabaitan, pinagagaling ang maysakit, pinalalayas ang mga demonyo, at
binubuhay ang mga patay. Upang ang mga tao ay maniwala sa Kanya at
makita na lahat ng Kanyang ginawa ay ginawa nang buong sigasig at
katapatan, anupa’t Siya ay gumawa hanggang sa sukdulang Kanyang buhayin
ang isang naaagnas na bangkay, ipinakikita sa kanila na sa Kanyang mga
kamay, kahit na ang patay ay muling mabubuhay. Sa paraang ito tahimik
Siyang nagtiis at ginawa ang Kanyang gawain ng pagtubos sa kanilang
kalagitnaan. Bago pa man Siya ipinako sa krus, pinasan na ni Jesus ang
mga kasalanan ng sangkatauhan at naging handog para sa kasalanan ng
sangkatauhan. Nabuksan na Niya ang daan patungo sa krus upang tubusin
ang sangkatauhan bago pa man siya mapako. At sa huli ipinako Siya sa
krus, isinasakripisyo ang Kanyang sarili para sa kapakanan ng krus, at
ipinagkaloob Niya ang lahat ng Kanyang awa, kagandahang-loob, at
kabanalan alang-alang sa sangkatauhan. Palagi Siyang nagparaya sa
sangkatauhan, hindi kailanman mapaghiganti, kundi pinatawad sila sa
kanilang mga kasalanan, pinayuhan sila na magsisi, at tinuruan sila na
magkaroon ng pagtitiyaga, pagtitiis, at pagmamahal, upang sumunod sa
Kanyang mga yapak at isakripisyo ang kanilang mga sarili alang-alang sa
krus. Ang Kanyang pag-ibig para sa mga kapatid na lalaki at babae ay mas
higit pa kaysa sa pag-ibig Niya kay Maria. Ang prinsipyo ng gawaing
Kanyang tinupad ay pagpapagaling ng mga tao at pagpapalayas ng mga
demonyo, lahat para sa kapakanan ng Kanyang pagtubos. Kahit saan Siya
pumunta, pinakitunguhan Niya nang may kabaitan ang mga sumunod sa Kanya.
Ginawa Niyang mayaman ang mahirap, pinalakad Niya ang pilay, nakakita
ang bulag, at nakarinig ang bingi; inanyayahan Niya kahit ang
pinakamababa, ang mga pinakasalat, ang mga makasalanan, na saluhan
Siyang kumain, anupa’t hindi Niya sila kailanman nilalayuan kundi
palaging matiyaga, anupa’t sinasabing, “Kung ang isang pastol ay
nawawalan ng isa sa isang daan niyang mga tupa, iiwan niya ang
siyamnapu’t-siyam upang hanapin ang nawawalang isang tupa, at kapag
nakita niya ito ay lubos siyang magagalak.” Minahal Niya ang Kanyang mga
tagasunod gaya ng pagmamahal ng isang inang tupa sa mga anak nito.
Kahit na sila ay hangal at ignorante, at mga makasalanan sa Kanyang
paningin, at higit pa rito ay mga latak ng lipunan, itinuring Niya ang
mga makasalanang ito—mga tao na hinamak ng iba— bilang natatangi sa
Kanyang mga mata. Dahil pinaboran Niya sila, ibinigay Niya ang Kanyang
buhay para sa kanila, gaya ng isang kordero na inihandog sa altar.
Sumama Siya sa kanila gaya ng isang lingkod, hinayaan Niya silang
gamitin Siya at patayin Siya, sumunod sa kanila nang walang-pasubali.
Para sa Kanyang mga tagasunod, Siya ay ang mapagmahal na Tagapagligtas
na si Jesus, ngunit para sa mga Fariseo na nagsermon sa mga tao mula sa
mataas na katayuan, hindi Siya nagpakita ng kaawaan at kagandahang-loob,
sa halip ay pagkasuklam at paglaban. Hindi Siya gumawa ng maraming
gawain sa gitna ng mga Fariseo, paminsan-minsan lamang silang
sinesermunan at sinasaway; hindi Siya nag-abala sa kanilang kalagitnaan
sa gawain ng pagtubos, ni nagpakita ng mga tanda at ng mga himala.
Inilaan Niya ang kanyang awa at kagandahang-loob sa Kanyang mga
tagasunod, nagtitiis para sa kapakanan ng mga makasalanang ito hanggang
sa kahuli-hulihan, nang ipinako Siya sa krus, at tinitiis ang bawat
kahihiyan hanggang sa lubos na Niyang matubos ang buong sangkatauhan.
Ito ang kabuuan ng Kanyang gawain.
Kung wala ang pagtubos ni
Jesus, ang sangkatauhan ay magpakailanman nang mabubuhay sa kasalanan,
at magiging mga anak ng kasalanan, ang mga inapo ng mga demonyo. Sa
pagpapatuloy sa paraang ito, ang buong daigdig ay naging dakong tirahan
sana ni Satanas, isang dako para maging tahanan nito. Ngunit ang gawain
ng pagtubos ay nangailangan ng pagpapakita ng awa at kagandahang-loob
tungo sa sangkatauhan; sa pamamagitan lamang nito makatatanggap ng
kapatawaran ang sangkatauhan at sa huli ay maging karapat-dapat na
magawang ganap at lubos na makamit. Kung wala ang yugtong ito ng gawain,
ang anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ay hindi sana nakasulong.
Kung si Jesus ay hindi ipinako sa krus, kung nagpagaling lamang Siya ng
mga tao at nagpalayas ng mga demonyo, kung gayon hindi lubusang
mapapatawad ang mga tao sa kanilang mga kasalanan. Sa tatlo at
kalahating taon na ginugol ni Jesus sa pagtupad ng Kanyang gawain sa
lupa, tinapos lamang Niya ang kalahati ng Kanyang gawain ng pagtubos;
pagkatapos sa pamamagitan ng pagpapapako Niya sa krus at pagiging wangis
ng makasalanang laman, sa pamamagitan ng pagbibigay sa Kanya ng
masamang isa, naisakatuparan Niya ang gawaing pagpapapako sa krus at
sinupil ang tadhana ng sangkatauhan. Pagkatapos lamang na naibigay Siya
sa mga kamay ni Satanas natubos Niya ang sangkatauhan. Sa loob ng
tatlumpu’t-tatlo at kalahating taon na nagdusa Siya sa lupa, tinuya,
siniraang-puri, at pinabayaan, anupa’t hanggang sa punto na wala Siyang
mahigaan ng Kanyang ulo, walang lugar na mapagpapahingahan; at
pagkatapos ay ipinako Siya sa krus, ang Kanyang buong pagkatao—isang
malinis at walang-salang katawan—ipinako sa krus, at nagdanas ng lahat
ng paraan ng pagdurusa. Tinuya Siya ng mga nasa kapangyarihan at Siya ay
nilatigo, anupa’t dinuraan pa Siya ng mga sundalo sa Kanyang mukha;
datapuwa’t Siya ay nanatiling tahimik at nagtiis hanggang sa katapusan,
sumunod Siya nang walang-pasubali hanggang sa punto ng kamatayan, kung
saan tinubos Niya ang buong sangkatauhan. Saka lamang Siya hinayaang
makapagpahinga. Kumakatawan lamang sa Kapanahunan ng Biyaya ang gawaing
tinupad ni Jesus; hindi ito kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan, ni
hindi ito panghalili para sa gawain ng mga huling araw. Ito ang diwa ng
gawain ni Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya, ang ikalawang kapanahunan na
dinaanan ng sangkatauhan—ang Kapanahunan ng Pagtubos.
mula sa “Ang Tunay na Kasaysayan sa Likod ng Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa
Kapanahunan ng Biyaya, dumating si Jesus upang tubusin ang buong
nagkasalang sangkatauhan (hindi lamang ang mga Israelita). Ipinakita
Niya ang awa at mapagkandiling pagmamahal sa tao. Ang Jesus na nakita ng
tao sa Kapanahunan ng Biyaya ay puno ng mapagkandiling pagmamahal at
laging mapagmahal, dahil Siya ay dumating upang iligtas ang tao mula sa
kasalanan. Maaari Niyang patawarin ang tao sa kanilang mga kasalanan
hanggang sa Kanyang pagpapako sa krus na tunay na nagligtas sa
sangkatauhan mula sa kasalanan. Sa panahong iyon, nagpakita ang Diyos sa
tao ng awa at mapagkandiling pagmamahal; iyon ay, Siya ay naging alay
sa kasalanan para sa tao at ipinako sa krus para sa mga kasalanan ng tao
upang sila ay mapatawad magpakailanman. Siya ay maawain, mahabagin,
walang-maliw at mapagmahal. At ang lahat ng sumunod kay Jesus sa
Kapanahunan ng Biyaya ay naghangad din na maging walang-maliw at
mapagmahal sa lahat ng mga bagay. Kanilang tiniis ang lahat ng
paghihirap, at hindi kailanman lumaban kahit pa bugbugin, sumpain o
batuhin.
mula sa “Ang Dalawang
Pagkakatawang-tao ay Kukumpleto sa Kahalagahan ng Pagkakatawang-tao” sa
Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Nang naparito si Jesus,
ginawa rin Niya ang bahagi ng gawain ng Diyos, at nangusap ng ilang mga
salita-subalit ano ang pangunahing gawain na natupad Niya? Ang
pangunahing natupad Niya ay ang gawain ng pagkakapako sa krus. Naging
kalarawan Siya ng makasalanang laman upang makumpleto ang gawain ng
pagkakapako sa krus at matubos ang lahat ng sangkatauhan, at para sa
kapakanan ng lahat ng kasalanan ng sangkatauhan Siya ay nagsilbi bilang
pinakahandog dahil sa kasalanan. Ito ang pangunahing gawain na natupad
Niya. Sa kahuli-hulihan, inilatag Niya ang daan ng krus upang gabayan
ang yaong mga dumating nang huli. Nang dumating si Jesus, pangunahing
kinumpleto Niya ang gawain ng pagtubos. Tinubos Niya ang lahat ng
sangkatauhan at dinala ang ebanghelyo ng kaharian ng langit sa tao, at,
karagdagan, dinala Niya ang kaharian ng langit. Bilang bunga, yaong mga
dumating pagkatapos ay lahat nagsabi, "Dapat tayong tumahak sa daan ng
krus, at isakripisyo ang ating mga sarili para sa krus." Mangyari pa, si
Jesus ay gumawa rin ng ilang iba pang mga gawain at nangusap ng ilang
mga salita upang papagsisihin ang tao at ikumpisal ang kanyang mga
kasalanan. Subalit ang Kanyang ministeryo ay ang pagkakapako pa rin sa
krus, at ang tatlo't kalahating taon na iginugol Niya sa pangangaral ng
daan ay paghahanda para sa pagkakapako sa krus na sumunod pagkatapos. Na
ang ilang ulit na nagdasal si Jesus ay para rin sa kapakanan ng
pagpapapako. Ang buhay ng isang normal na tao na pinamunuan Niya at ang
tatlumpu't-tatlong taon Niyang buhay sa lupa ay pangunahin para sa
kapakanan ng pagsasakumpleto ng gawain ng pagkakapako sa krus, na siyang
nagbigay sa Kanya ng lakas, na nagbunsod sa Kanya na maisagawa ang
gawaing ito, na ang bunga ay ang pagkakatiwala ng Diyos sa Kanya ng
gawaing pagkakapako sa krus.
mula sa “Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa
gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, si Jesus ang Diyos na nagligtas sa
tao. Kung ano Siya at kung ano ang Kanyang taglay ay biyaya, pag-ibig,
awa, pagtitiis, tiyaga, kababaang-loob, pag-aalaga, at pagpaparaya, at
marami sa mga gawaing Kanyang isinagawa ay ang pagtubos sa tao. At para
sa Kanyang disposisyon, ito ay isang may ang awa at pagmamahal, dahil
Siya ay maawain at mapagmahal, kinailangan Niyang maipako sa krus para
sa tao, nang sa gayon ay maipakita Niya na mahal ng Diyos ang tao gaya
ng Kanyang sarili, sa lawak na inialay Niya ang Kanyang sarili sa
Kanyang kabuuan. Sinabi ni Satanas, "Yamang iniibig Mo ang tao, dapat Mo
siyang ibigin hanggang sa pinakasukdulan: dapat Kang maipako sa krus,
upang iligtas ang tao mula sa krus, mula sa kasalanan, at ihahandog Mo
ang Iyong Sarili kapalit ng buong sangkatauhan." Ginawa ni Satanas ang
sumusunod na pusta: "Yamang Ikaw ay isang maibigin at mahabaging Diyos,
dapat Mong ibigin ang tao hanggang sa pinakasukdulan: dapat Mong ihandog
ang Iyong Sarili sa krus." Sinabi ni Jesus, "Hangga't ito ay para sa
sangkatauhan, kung gayon Ako ay nakahanda na isuko ang lahat sa Akin."
Pagkatapos nito, Siya ay umakyat sa krus nang walang pag-aatubili at
tinubos ang buong sangkatauhan. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang pangalan
ng Diyos ay Jesus, na nangangahulugan na ang Diyos ay ang Diyos na
nagligtas sa tao, at Siya ay isang maawain at mapagmahal na Diyos.
Kasama ng tao ang Diyos. Ang Kanyang pagmamahal, ang Kanyang awa, at ang
Kanyang kaligtasan ay naging kapiling ng bawat tao. Ang tao ay maaari
lang magkamit ng kapayapaan at kagalakan, makatanggap ng Kanyang
pagpapala, makatanggap ng Kanyang marami at malawak na biyaya, at
matanggap ang Kanyang kaligtasan kung tinanggap ng tao ang Kanyang
pangalan at tinanggap ang Kanyang presensiya. Sa pamamagitan ng
pagkakapako ni Jesus sa krus, ang siyang mga sumunod sa Kanya ay
nakatanggap ng kaligtasan at pinatawad sa kanilang mga kasalanan. Sa
Kapanahunan ng Biyaya, ang pangalan ng Diyos ay Jesus. Sa madaling
salita, ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya ay isinagawa una sa lahat sa
ilalim ng pangalan ni Jesus. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos ay
tinawag na Jesus. Gumawa Siya ng gawain na higit pa sa Lumang Tipan, at
ang Kanyang gawain ay natapos sa pagpapapako sa krus, at iyon ang
kabuuan ng Kanyang gawain.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang
mga pagbigkas at gawain ni Jesus sa panahong iyon ay hindi batay sa mga
doktrina, at hindi Niya isinagawa ang Kanyang mga gawain ayon sa gawain
ng kautusan ng Lumang Tipan. Ito ay ayon sa gawain na dapat isagawa sa
Kapanahunan ng Biyaya. Gumawa Siya ayon sa gawaing Kanyang ipinadala,
ayon sa sarili Niyang plano, at ayon sa Kanyang ministeryo; hindi Siya
gumawa ayon sa kautusan ng Lumang Tipan. Wala sa Kanyang mga ginawa ang
ayon sa kautusan ng Lumang Tipan, at hindi Siya gumawa upang
isakatuparan ang mga salita ng mga propeta. Ang bawat yugto ng gawain ng
Diyos ay hindi isinaayos upang isakatuparan ang mga hula ng mga
sinaunang propeta, at hindi Siya pumarito upang sumunod sa mga aral o
kusang maunawaan ang mga hula ng mga sinaunang propeta. Gayon pa man,
ang Kanyang mga kilos ay hindi pumigil sa mga hula ng mga sinaunang
propeta, hindi ito naging sagabal sa mga gawain na Kanyang isinagawa.
Ang kapansin-pansing bahagi ng Kanyang gawain ay hindi ang pagsunod sa
anumang aral, at ang pagsasagawa ng mga gawain na nararapat Niyang
gawin. Hindi Siya isang propeta o manghuhula, siya ay gumagawa, Siyang
pumarito upang isagawa ang gawaing nararapat Niyang gawin, at upang
magbukas ng bagong panahon at ipagpatuloy ang Kanyang bagong gawain.
mula sa “Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Maaari
lang magkaroon ng bagong panahon kapag nagsimula ng bagong gawain si
Jesus, naglunsad ng bagong panahon, at pumasok sa gawain na isinagawa
noon sa Israel, at hindi isinagawa ang Kanyang gawain ayon sa gawaing
isinagawa ni Jehovah sa Israel, hindi sumunod sa luma Niyang mga
tuntunin, at hindi sumunod sa anumang tuntunin, at isinagawa ang bagong
gawain. Ang Diyos Mismo ang nagsimula rin ng bagong panahon, at ang
Diyos Mismo ang magtatapos sa panahong ito. Walang kakayahan ang tao na
isagawa ang gawain ng pagsisimula ng isang panahon at pagwawakas ng
isang panahon. Kung hindi tinapos ni Jesus ang gawain ni Jehovah, ito ay
magpapatunay na Siya ay tao lang, at hindi kumakatawan sa Diyos. Ito ay
tiyak dahil pumarito si Jesus at winakasan ang gawain ni Jehovah,
ipinagpatuloy ang gawain ni Jehovah sa pamamagitan ng pagsisimula ng
Kanyang sariling gawain, bagong gawain, ito ay nagpapatunay na ito ay
bagong kapanahuan, at si Jesus ay Siya ring Diyos Mismo.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa
panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong
sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng yaong mga naniniwala sa Kanya ay
napatawad; hangga't ikaw ay naniniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang
tutubusin; kung ikaw ay naniniwala sa Kanya, hindi ka na isang
makasalanan, ikaw ay hinalinhan sa iyong mga kasalanan. Ito ang
kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan ng pananampalataya.
Ngunit sa yaong mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga
mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangang dahan-dahang
alisin. Ang kaligtasan ay hindi nangangahulugan na ang tao ay lubusang
nakamit ni Jesus, sa halip na ang tao ay wala na sa kasalanan, na sila
ay pinatawad na sa kanilang mga kasalanan: Kapag ikaw ay naniwala, hindi
ka na kailanman nasa kasalanan pa.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa
tao, winakasan ng pagpapapako sa krus ng Diyos ang gawain ng
pagkakatawang-tao ng Diyos, tinubos ang lahat ng sangkatauhan, at
pinayagan Siyang agawin ang susi sa Hades. Iniisip ng lahat na ang
gawain ng Diyos ay ganap nang natapos. Sa katunayan, sa Diyos, maliit
lamang na bahagi ng Kanyang gawain ang natapos. Tinubos Niya lamang ang
sangkatauhan; hindi Niya nilupig ang sangkatauhan, pabayaang mag-isang
magbago ang kapangitan ni Satanas sa tao. Iyon ang dahilan kung bakit
sinabi ng Diyos, "Kahit na dumanas ng sakit ng kamatayan ang Aking
nagkatawang-taong laman, hindi iyon ang buong layunin ng
pagkakatawang-tao Ko. Ang sinisinta Kong Anak ay si Jesus at ipinako sa
krus para sa Akin, ngunit hindi Niya ganap na natapos ang Aking gawain.
Ginawa Niya lamang ang kapiraso nito." Kaya nagsimula na ang Diyos sa
ikalawang ikot ng mga plano upang ipagpatuloy ang gawain ng
pagkakatawang-tao. Ang gawing perpekto at makuha ang lahat ng taong
sinagip mula sa mga kamay ni Satanas ang hantungan ng layunin ng Diyos….
mula sa "Gawa at Pagpasok (6)" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Nauugnay na mga Salita ng Diyos:
Nang
si Jesus ay naparito sa mundo ng mga tao, dinala Niya ang Kapanahunan
ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa panahon ng mga
huling araw, ang Diyos ay muling nagkatawang-tao, at nang Siya's naging
tao sa panahong ito, tinapos Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at dinala
ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang lahat ng mga tumatanggap sa ikalawang
pagkakatawang-tao ng Diyos ay madadala sa Kapanahunan ng Kaharian, at
personal na makakatanggap ang paggabay ng Diyos. Bagaman maraming ginawa
si Jesus kapiling ang tao, tanging kinumpleto lamang Niya ang
pagtutubos sa lahat ng sangkatauhan at naging pinakahandog para sa
kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling
disposisyon. Ang ganap na pagligtas sa tao mula sa impluwensya ni
Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga
kasalanang pag-aalay ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi
nangailangan rin sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap
na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na sinira ni Satanas. At sa
gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay
bumalik sa nagkatawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong
kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ito
ay nagdala sa tao sa mas mataas na kaharian. Ang lahat ng napapasailalim
sa Kanyang dominyon ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at
makakatanggap ng mas malaking mga pagpapala. Sila'y tunay na mamumuhay
sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.
mula sa “Punong Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang
gawain ng mga huling araw ay upang pagbukud-bukurin ang lahat ayon sa
kanilang uri, upang tapusin ang plano sa pamamahala ng Diyos, sapagka’t
ang oras ay malapit na at ang araw ng Diyos ay nakárátíng na. Dinadala
ng Diyos ang lahat ng nakapasok sa Kanyang kaharian, iyon ay, lahat ng
naging tapat sa Kanya hanggang sa katapusan, tungo sa kapanahunan ng
Diyos Mismo. Subali’t, hanggang sa pagdating ng kapanahunan ng Diyos
Mismo, ang gawaing gagawin ng Diyos ay hindi upang magmasid sa mga gawa
ng tao o magtanong tungkol sa buhay ng tao, kundi upang hatulan ang
kanyang paghihimagsik, sapagka’t dadalisayin ng Diyos ang lahat ng
lalapit sa harap ng Kanyang luklukan. Lahat ng mga nakásúnód sa mga
yapak ng Diyos hanggang sa araw na ito ay yaong mga nagsilapit sa harap
ng luklukan ng Diyos, at yamang ganito, ang bawat isang tao na
tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang
pinag-uukulan ng pagdadalisay ng Diyos. Sa ibang salita, ang lahat ng
tumatanggap sa gawain ng Diyos sa huling yugto nito ang siyang
pinag-uukulan ng paghatol ng Diyos.
mula sa “Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kapag
ang Diyos ay nagkatawang-tao sa panahong ito, ang Kanyang gawain ay
upang ipahayag ang Kanyang disposisyon, pangunahin sa pamamagitan ng
pagkastigo at paghatol. Gamit ito bilang pundasyon, nagdadala Siya ng
mas higit na katotohanan sa tao, nagpapakita ng mas maraming mga paraan
ng pagsasagawa at sa gayon nakakamit ang Kanyang layunin ng panlulupig
sa tao at pagligtas sa tao mula sa kanyang tiwaling disposisyon. Ito ang
nasa likod ng gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian.
mula sa “Punong Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa
pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta
nililinaw ng Diyos ang kalikasan ng tao sa pamamagitan ng ilang mga
salita; inilalantad Niya, pinakikitunguhan, at pinupungusan ito nang
pangmatagalan. Ang ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo,
at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhinan ng mga ordinaryong salita
kundi ng katotohanan na hindi tinataglay ng tao kailanman. Ang ganitong
uri ng mga pamamaraan lamang ang itinuturing na paghatol; sa pamamagitan
lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi
nang husto na magpasakop sa Diyos, at higit pa ay makamtam ang tunay na
pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang
pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol
sa kanyang sariling pagiging-mapanghimagsik. Ang gawain ng paghatol ay
nagbibigay-daan sa tao na makatamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban
ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwaga na hindi niya
maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang
kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin ay
matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat
ng gawain ng paghatol, sapagka't ang diwa ng ganitong gawain ay ang
mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng
Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang
gawain ng paghatol na ginawa ng Diyos.
mula sa “Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa
pamamagitan ng gawaing ito ng paghatol at pagkastigo, lubusang
malalaman ng tao ang marumi at tiwaling sangkap na nasa loob niya, at
makakaya niyang ganap na magbago at maging malinis. Tanging sa ganitong
paraan maaaring maging karapat-dapat na bumalik ang tao sa harap ng
trono ng Diyos. Ang lahat ng mga gawain na ginawa sa araw na ito ay
upang ang tao ay magawang malinis at mabago; sa pamamagitan ng paghatol
at pagkastigo gamit ang salita, pati na rin ang pagpipino, makakaya ng
tao na maiwaksi ang kanyang katiwalian at magawang dalisay. Sa halip na
ituring ang yugtong ito ng gawain bilang doon sa pagliligtas, mas akmang
sabihin na ito ay ang gawain ng pagdadalisay. Sa katotohanan, ang
yugtong ito ay yaong panlulupig pati na rin ang pangalawang yugto ng
pagliligtas. Ang tao ay nakamit ng Diyos sa pamamagitan ng paghatol at
pagkastigo gamit ang salita; sa pamamagitan ng paggamit ng salita upang
pinuhin, hatulan at ibunyag, ang lahat ng mga karumihan, mga paniwala,
mga motibo, at mga indibidwal na pag-asam sa kalooban ng puso ng tao ay
ganap na naibubunyag.
mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ginagawa
ng Diyos ang gawain ng paghatol at pagkastigo upang makilala Siya ng
tao, at para sa kapakanan ng Kanyang patotoo. Kung wala ang Kanyang
paghatol sa tiwaling disposisyon ng tao, hindi malalaman ng tao ang
Kanyang matuwid na disposisyon na hindi nagpapahintulot ng kasalanan, at
hindi maaaring ilipat ang kanyang mga lumang kaalaman ng Diyos patungo
sa panibago. Para sa kapakanan ng Kanyang patotoo, at para sa kapakanan
ng Kanyang pamamahala, isinasa-publiko Niya ang Kanyang kabuuan, na
nagbibigay daan sa tao na makamit ang kaalaman ng Diyos, at baguhin ang
kanyang disposisyon, at gumawa ng umuugong na patotoo sa Diyos sa
pamamagitan ng pampublikong pagpapakita ng Diyos. Nakakamit ang
pagbabago sa disposisyon ng tao sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng
gawain ng Diyos; kung wala ang nasabing pagbabago sa disposisyon ng tao,
hindi magagawang magbigay ng patotoo ng tao sa Diyos, at hindi maaaring
makuha ang puso ng Diyos. Ang pagbabago sa katangian ng tao ay tanda na
ang tao ay pinalaya ang kanyang sarili mula sa pagkaalipin ni Satanas,
at pinalaya ang kanyang sarili mula sa impluwensiya ng kadiliman, at
tunay na maging isang modelo at uliran ng gawain ng Diyos, ay tunay na
maging isang saksi ng Diyos at isang tao na nagnanais ng puso ng Diyos.
Ngayon, dumating ang Diyos na nagkatawang-tao upang gawin ang Kanyang
gawa sa lupa, at Kanyang hinihingi sa tao na makamit ang kaalaman
tungkol sa Kanya, pagsunod sa Kanya, patotoo sa Kanya—malaman ang
Kanyang praktikal at normal na gawain, sundin ang lahat ng Kanyang mga
salita at gawa na hindi ayon sa mga pagkaintindi ng tao, at magpatotoo
sa lahat ng gawain ng pagliligtas Niya sa tao, at ang lahat ng mga gawa
Niya na lupigin ang tao. Yaong mga nagpapatotoo sa Diyos ay dapat
magkaroon ng kaalaman sa Diyos; ang ganitong uri lamang ng patotoo ang
tiyak, at totoo, at ang ganitong uri lamang ng patotoo ang maaaring
magbibigay kahihiyan kay Satanas. Ginagamit ng Diyos ang mga taong
nakakilala sa Kanya sa pamamagitan ng pagsasailalim sa Kanyang paghatol
at pagkastigo, pakikitungo at pagpupungos, upang magbigay ng patotoo sa
Kanya. Ginagamit Niya yaong mga ginawang tiwali ni Satanas upang
magpatotoo sa Kanya, at gayon din ay ginagamit Niya yaong ang mga
disposisyon ay nagbago, at kung sino ang nagkamit ng Kanyang mga
pagpapala, upang magbigay ng pagpapatotoo sa Kanya. Hindi niya kailangan
ng tao na sambahin lamang Siya sa salita, at hindi rin Niya kailangan
ang papuri at patotoo ng kauri ni Satanas, na hindi pa Niya naligtas.
Tanging yaong mga nakakakilala sa Diyos ang karapat-dapat na magbigay ng
pagpapatotoo sa Diyos, at yaon lamang na ang disposisyon ay nagbago ang
karapat-dapat na magbigay ng pagpapatotoo sa Diyos, at hindi papayagan
ng Diyos ang tao na sadyang magdala ng kahihiyan sa Kanyang pangalan.
mula sa “Tanging ang mga Nakakakilala sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa
Kapanahunan ng Kaharian, ang Diyos na nagkatawang-tao ay nagwika ng mga
salita upang lupigin ang lahat ng naniniwala sa Kanya. Ito "ang Salita
na napakita sa katawang-tao"; ang Diyos ay naparito sa panahon ng mga
huling araw upang gawin ang ganito, na ibig sabihin, Siya ay naparito
upang tuparin ang aktwal na kabuluhan ng Salita na napapakita sa
katawang-tao. Tanging nagwiwika Siya ng mga salita, at bihirang mayroong
pagdating ng mga katunayan. Ito ang pinakasubstansya ng Salita na
napakita sa katawang-tao, at nang ang Diyos na nagkatawang-tao ay
nagwika ng Kanyang mga salita, ito ang pagpapakita ng Salita sa
katawang-tao, at ang Salita na naging katawang-tao. "Nang pasimula siya
ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios. At
nagkatawang-tao ang Verbo". Ito (ang gawain ng pagpapakita ng Salita sa
katawang-tao) ay ang gawain na tutuparin ng Diyos sa mga huling araw, at
sa pangwakas na kabanata ng Kanyang buong plano sa pamamahala, at sa
gayon ang Diyos ay naparito sa lupa at naghayag ng Kanyang mga salita sa
katawang-tao.
mula sa “Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa
Kapanahunan ng Kaharian, ginagamit ng Diyos ang salita upang ihatid ang
isang bagong kapanahunan, upang baguhin ang paraan ng Kanyang gawain,
at upang gawin ang gawain para sa buong kapanahunan. Ito ang panuntunan
ng paggawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita. Siya ay nagkatawang-tao
upang magsalita mula sa iba't-ibang pananaw, binibigyang-kakayahan ang
tao na tunay na makita ang Diyos, na Siyang Salita na nagpapakita sa
katawang-tao, at ang Kanyang karunungan at himala. Ang ganoong gawain ay
ginagawa upang mas makamit ang mga layunin ng paglupig sa tao,
paggawang perpekto sa tao, at pag-aalis sa tao. Ito ang tunay na
kahulugan ng paggamit sa salita upang gumawa sa Kapanahunan ng Salita.
Sa pamamagitan ng salita, nalalaman ng tao ang gawain ng Diyos, ang
disposisyon ng Diyos, ang kakanyahan ng tao, at kung ano ang kailangang
pasukin ng tao. Sa pamamagitan ng salita, ang lahat ng gawain na nais
isagawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Salita ay natutupad. Sa pamamagitan
ng salita, nahahayag ang tao, naaalis at sinusubukan. Nakita ng tao ang
salita, narinig ang salita, at nabuksan ang kamalayan patungkol sa
pag-iral ng salita. Ang bunga nito, naniniwala ang tao sa pag-iral ng
Diyos; naniniwala ang tao sa pagiging-makapangyarihan at karunungan ng
Diyos, gayundin sa puso ng Diyos para sa pagmamahal sa tao at Kanyang
pagnanais na iligtas ang tao. Bagaman ang salitang "salita" ay payak at
karaniwan, ang salita mula sa bibig ng Diyos na nagkatawang-tao ay
niyayanig ang buong sansinukob; binabago ng Kanyang salita ang puso ng
tao, ang mga paniwala at ang lumang disposisyon ng tao, at ang lumang
anyo ng buong mundo. Sa pagdaan ng mga kapanahunan, tanging ang Diyos ng
kasalukuyan ang gumagawa sa ganoong paraan, at Siya ang tanging
nagsasalita at nagliligtas sa tao. Pagkatapos noon, namumuhay ang tao sa
ilalim ng patnubay ng salita, inaakay at tinutustusan ng salita; sila
ay namumuhay sa mundo ng salita, namumuhay sa gitna ng mga sumpa at mga
pagpapala ng salita ng Diyos, at higit pa ay namumuhay sa ilalim ng
paghatol at pagkastigo ng salita. Ang mga salita at gawaing ito ay para
lahat sa kapakanan ng kaligtasan ng tao, pagkamit sa kalooban ng Diyos,
at pagbabago sa orihinal na anyo ng mundo ng unang paglikha. Nilikha ng
Diyos ang mundo sa pamamagitan ng salita, pinamumunuan ang mga tao sa
buong sansinukob sa pamamagitan ng salita, nilulupig at inililigtas sila
sa pamamagitan ng salita. Sa huli, gagamitin Niya ang salita upang
dalhin ang buong lumang mundo sa katapusan. Doon lamang ganap na
matatapos ang plano sa pamamahala. Sa buong Kapanahunan ng Kaharian,
ginagamit ng Diyos ang salita upang gawin ang Kanyang gawain at makamit
ang mga bunga ng Kanyang gawain; hindi Siya gumagawa ng kababalaghan o
gumaganap ng mga himala: ginagawa lamang Niya ang Kanyang mga gawain sa
pamamagitan ng salita.
mula sa “Ang Kapanahunan ng Kaharian ay ang Kapanahunan ng Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ngayon,
ang Diyos ay pangunahing nagkatawang-tao upang kumpletuhin ang gawain
ng "ang Salita ay napakita sa katawang-tao," upang gamitin ang salitang
gawing perpekto ang tao, at tanggapin ng tao ang pakikitungo sa salita
at kapinuhan ng salita. Sa Kanyang mga salita Siya ang sanhi upang iyong
matamo ang tadhana at matamo ang buhay; sa Kanyang salita, nakikita mo
ang Kanyang gawa at mga gawain. Ginagamit ng Diyos ang salita upang
kastiguhin at papinuhin ka, at samakatwid kung magdurusa ka, ito ay
dahil din sa salita ng Diyos. Ngayon, ang Diyos ay hindi gumagawa na
gamit ang mga katunayan, kundi mga salita. Tanging matapos ang Kanyang
mga salita ay makarating sa iyo ay saka lamang makakagawa ang Banal na
Espiritu sa kalooban mo. at magdudulot sa iyo na dumanas ng sakit o
makaramdaman ng katamisan. Tanging ang salita ng Diyos ang maaaring
makapagdala sa iyo sa realidad, tanging ang salita ng Diyos ang may
kakayanang gawin kang perpekto. Kung ganoon, sa paano man dapat mong
maunawaan na ang gawa na ginawa ng Diyos sa panahon ng mga huling araw
ay pangunahin ang paggamit ng Kanyang mga salita upang gawing perpekto
ang bawat tao at gabayan ang tao. Ang lahat ng gawain na ginagawa Niya
ay sa pamamagitan ng salita; hindi Siya gumagamit ng mga katunayan upang
kastiguhin ka. … At sa gayon, sa panahon ng mga huling araw, nang ang
Diyos ay nagkatawang-tao, pangunahin Niyang ginamit ang salita upang
tuparin ang lahat at gawing payak ang lahat. Tanging sa Kanyang salita
maaari mong makita kung ano Siya; tanging sa mga salita Niya maaari mong
makita na Siya ay Diyos Mismo. Nang ang Diyos na nagkatawang-tao ay
naparito sa lupa, wala Siyang ibang ginawa kundi ang mangusap ng mga
salita-samakatwid hindi na kailangan ang mga katunayan; sapat na ang mga
salita. Yaon ay sapagkat pangunahing naparito Siya upang gawin ang
gawaing ito, hayaan ang tao na makita ang Kanyang kapangyarihan at
kataas-taasang kapangyarihan sa Kanyang mga salita, hayaan ang mga tao
na makita ang Kanyang mga salita kung gaano mapagkumbaba Niyang
itinatago ang Kanyang Sarili, at hayaan ang tao na malaman ang Kanyang
kabuuan sa Kanyang mga salita. At lahat ng anong mayroon Siya at sino
Siya ay nasa Kanyang mga salita, ang Kanyang karunungan at
pagka-nakakamangha ay nasa sa Kanyang mga salita. Sa ganito ipinakikita
sa iyo ang maraming mga paraan na kung saan winiwika ng Diyos ang
Kanyang mga salita. … Ngayon, ang totoong Diyos Mismo na nagkatawang-tao
ay nangungusap, at hindi kumikilos. Ito ang katotohanan! Gumagamit Siya
ng mga salita upang maging perpekto ka, at gumagamit ng mga salita
upang pakanin at diligan ka. Ginagamit din Niya ang mga salita upang
gumawa, at ginagamit Niya ang mga salita sa halip na mga katunayan upang
malaman mo ang Kanyang realidad. Kung may kakayanan kang maramdaman ang
aspetong ito ng gawain ng Diyos, samakatwid mahirap maging di-aktibo.
mula sa “Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang
Diyos ng mga huling araw ay pangunahing gumagamit ng salita upang
gawing perpekto ang tao. Hindi Siya gumagamit ng mga tanda at mga
kababalaghan upang apihin ang tao, o kumbinsihin ang tao; hindi nito
maaaring gawing payak ang kapangyarihan ng Diyos. Kung nagpakita lamang
ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, samakatwid magiging
imposible na gawing payak ang realidad ng Diyos, at sa gayon imposibleng
gawing perpekto ang tao. Hindi ginagawang perpekto ng Diyos ang tao sa
pamamagitan ng mga tanda at mga kababalaghan, subalit gumagamit ng
salita upang diligin at pastulan ang tao, at pagkatapos nito ay
makakamit ang ganap na pagkamasunurin ng tao at ang kaalaman ng tao sa
Diyos. Ito ang layon ng gawaing ginagawa Niya at ang mga salitang
winiwika Niya. Hindi ginagamit ng Diyos ang paraan ng pagpapakita ng mga
tanda at mga kababalaghan upang gawing perpekto ang tao-gumagamit Siya
ng mga salita, at gumagamit nang maraming iba-ibang mga paraan ng gawain
upang gawing perpekto ang tao. Maging ito man ay ang kapinuhan,
pakikitungo, pagpupungos, o pagbibigay ng mga salita, ang Diyos ay
nagwiwika mula sa maraming iba-ibang perspektibo upang gawing perpekto
ang tao, at upang bigyan ang tao ng mas malaking kaalaman sa gawain,
karunungan at pagka-kamangha-mangha ng Diyos.
mula sa “Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Sa
huling yugtong ito ng gawain, ang mga resulta ay nakakamit sa
pamamagitan ng salita. Sa pamamagitan ng salita, dumarating ang tao sa
pagkaunawa sa maraming mga hiwaga at sa gawain ng Diyos sa buong
nakaraang mga henerasyon; sa pamamagitan ng salita, naliliwanagan ang
tao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu; sa pamamagitan ng salita,
dumarating ang tao sa pagkaunawa sa mga hiwaga na kailanman ay hindi pa
nalutas ng mga nagdaang henerasyon, pati na rin sa gawain ng mga propeta
at mga apostol ng mga nakaraang panahon, at sa mga prinsipyo na kung
saan sila ay gumawa; sa pamamagitan ng salita, dumarating ang tao sa
pagkaalam sa disposisyon ng Diyos Mismo, pati na rin sa
pagka-mapanghimagsik at paglaban ng tao, at dumarating sa pagkaalam ng
kanilang sariling sangkap. Sa pamamagitan ng mga hakbang na ito ng
gawain at lahat ng mga salitang winika, dumarating ang tao sa
pagkakilala sa gawain ng Espiritu, sa gawain ng nagkatawang-taong laman
ng Diyos, at lalo na, sa Kanyang buong disposisyon. Ang iyong kaalaman
sa gawain ng pamamahala ng Diyos sa loob ng anim na libong taon ay
nakamit din sa pamamagitan ng salita. Hindi ba ang iyong kaalaman ng
iyong dating mga paniwala at tagumpay sa pagsasantabi sa mga ito ay
nakamit din sa pamamagitan ng mga salita?
mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang
gawain sa mga huling araw ay naglalantad sa gawain ni Jehova at ni
Jesus at sa lahat ng hiwaga na hindi naintindihan ng tao. Ginagawa ito
upang ibunyag ang hantungan at ang katapusan ng sangkatauhan at tapusin
ang lahat ng gawain ng pagliligtas sa gitna ng sangkatauhan. Itong
yugtong ito ng gawain sa mga huling araw ay naghahatid sa lahat ng bagay
sa katapusan. Lahat ng hiwaga na hindi naintindihan ng tao ay dapat
malutas upang pahintulutan ang tao na magkaroon ng panloob-na-pananaw sa
bagay na ito at magkaroon ng malinaw na pagkaunawa sa kanilang mga
puso. Doon pa lamang maaaring mahati ang mga tao ayon sa kanilang mga
uri.
mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang
tao ay lubusang gagawing ganap sa Kapanahunan ng Kaharian. Pagkatapos
ng gawain ng panlulupig, ang tao ay papasailalim sa kapinuhan at
pagdurusa. Ang mga magtatagumpay at tatayo upang maging patotoo sa
pagdurusa ay ang mga gagawing ganap sa huli; sila ang mga nagtagumpay.
Sa pagdurusang ito, ang tao ay inatasang tanggapin ang kapinuhan na ito,
at ang kapinuhan na ito ang huling pagkakataon sa gawain ng Diyos. Ito
ang huling pagkakataon na dadalisayin ang tao bago ang pagtatapos ng
lahat ng gawain ng pamamahala ng Diyos, ang lahat ng sumusunod sa Diyos
ay kailangang tanggapin ang huling pagsubok, kailangang tanggapin ang
huling pagpipino.
mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang
yugto ng gawa na ito ay lumikha ng grupo ng mga mananagumpay, at
matapos Niyang malikha ang grupong ito ng mga mandaraig, magagawa nilang
patotohanan ang Kanyang mga gawa, maisasabuhay nila ang katotohanan, at
aktwal na magpasaya sa Kanya at maging tapat sa Kanya hanggang sa
kamatayan, at sa ganitong paraan ang Diyos ay maluluwalhati.
mula sa “Isang Maikling Pagtalakay Tungkol sa ‘Dumating na ang Milenyong Kaharian’” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang
bawat yugto ng gawain ng Diyos ay mas lumalalim kaysa sa huli, at sa
bawat yugto ang mga atas sa tao ay mas tumindi kaysa sa huli, at sa
paraang ito, ang buong pamamahala ng Diyos ay unti-unting nabubuo. Dahil
ang mga atas sa tao ay lalong tumataas, ang disposisyon ng tao ay mas
lumalapit sa pamantayang kailangan ng Diyos, at saka lamang lubusang
makalalayo ang buong sangkatauhan sa impluwensya ni Satanas hanggang sa
matapos ang gawain ng Diyos, ang buong sangkatauhan ay maililigtas mula
sa impluwensya ni Satanas. Kapag dumating ang oras na iyon, ang gawain
ng Diyos ay darating na sa katapusan, at ang pakikipagtulungan ng tao sa
Diyos nang sa gayon ay magkamit ng pagbabago sa kanyang disposisyon ay
magwawakas na rin, at ang buong sangkatauhan ay mamumuhay sa kaliwanagan
ng Diyos, at mula rito, mawawala na ang pagkasuwail at paglaban sa
Diyos.
mula sa “Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Matapos
ang mapanlupig na gawa ay susunod ang gawain ng paggantimpala sa mabuti
at pagparusa sa masama: Ang mga tao na lubusang sumusunod,
nangangahulugang silang mga puspusang nalupig, ay ilalagay sa susunod na
hakbang ng pagpalaganap ng gawain sa buong sansinukob; ang mga
di-nalupig ay ilalagay sa kadiliman at masasalubong ang sakuna. Gayon,
ang tao ay uuriin ayon sa klase, ang mga gumagawa ng masama ay isasama
sa masama, hindi na kailanman makakakita ng sikat ng araw, at ang mga
matuwid ay isasama sa mga mabuti, upang tumanggap ng liwanag at mabuhay
sa liwanag magpakailanman. Ang katapusan ay nalalapit na para sa lahat
ng bagay, ang katapusan ng tao ay maliwanag nang ipinakita sa kanyang
mga mata, at ang lahat ng bagay ay uuriin ayon sa klase. Paano gayon
makatatakas ang mga tao sa paghihirap ng pag-uring ito?
mula sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Dumating
na ang mga huling araw. Ang lahat ng bagay ay isasaayos ayon sa uri, at
hahatiin sa iba't ibang klase ayon sa kanilang kalikasan. Ito ang oras
kung kailan ibubunyag ng Diyos ang katapusan at ang hantungan ng tao.
Kapag hindi sumailalim sa pagkastigo at paghatol ang tao, gayon walang
paraan upang ibunyag ang pagsuway at di-pagkamatuwid ng tao. Tanging sa
pamamagitan lang ng pagkastigo at paghatol maibubunyag ang katapusan ng
lahat. Ipinapakita lang ng tao ang kanilang tunay na kulay kapag sila ay
nakakastigo at hinahatulan. Ang kasamaan ay ibabalik sa kasamaan, ang
kabutihan ay ibabalik sa kabutihan, at ang tao ay isasaayos ayon sa uri.
Sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol, ang katapusan ng lahat ng
bagay ay maibubunyag, nang sa gayon ay maparusahan ang mga masasama at
magantimpalaan ang mga mabubuti, at ang lahat ng tao ay nasa ilalim ng
dominyon ng Diyos. Ang lahat ng gawain ay nangangailangan ng matuwid na
pagkastigo at paghatol upang ito ay makamit. Dahil ang katiwalian ng tao
ay naabot na ang rurok at ang kanyang pagsuway ay naging masyadong
malala, tanging ang matuwid na disposisyon lang ng Diyos, na pangunahin
ay isang pagkastigo at paghatol, at ibinunyag sa mga huling araw, ay
maaaring baguhin at gawing ganap ang tao. Tanging ang disposisyong ito
ang makapaglalantad ng kasamaan at gayon ay malubhang maparusahan ang
lahat ng mga hindi matuwid. Samakatuwid, ang disposisyong ito ay
nagtataglay ng kahalagahan ng kapanahunan, at ang pagbubunyag at
pagpapakita ng Kanyang disposisyon ay para sa kapakanan ng gawain sa
bawat bagong kapanahunan. Hindi ibinubunyag ng Diyos ang Kanyang
disposisyon nang gayon-gayon lang at nang walang kabuluhan.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang
mga huling araw ay kung kailan ang lahat ng mga bagay ay
pagbubukud-bukurin ayon sa kanilang uri sa pamamagitan ng paglupig. Ang
paglupig ay ang gawain sa mga huling araw; sa ibang salita, ang paghatol
sa bawat kasalanan ng tao ay ang gawain sa mga huling araw. Sa gayon,
paano pagbubukud-bukurin ang mga tao? Ang gawain sa pagbubukud-bukod sa
inyo ay ang umpisa ng ganitong gawain sa buong sansinukob. Pagkatapos
nito, ang mga tao sa lahat ng lahi saanman ay mapasasailalim sa
mapanlupig na gawa. Nangangahulugan ito na ang lahat ng mga tao na
nilalang ay pagbubukud-bukurin ayon sa kanilang uri, paglapit nila sa
luklukan ng paghatol upang husgahan. Walang tao at walang bagay ang
kayang tumakas sa pagdurusa nitong pagparusa at paghatol, at walang tao
at walang bagay ang kayang umiwas sa pagbubukud-bukod ayon sa kanilang
uri; ang lahat ay isasaayos ayon sa mga klase. Ito ay dahil ang
kawakasan ay nalalapit na para sa lahat ng mga bagay at lahat ng mga
kalangitan at ang lupa ay hahantong sa pasya. Paano makatatakas ang tao
upang wakasan ang kanyang pag-iral?
mula sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Nauunawaan
mo na ba ngayon kung ano ang paghatol at ano ang katotohanan? Kung
naintindihan mo na, kung gayon ay ipinapayo Ko sa iyo na magpasakop nang
masunurin sa pagiging hahatulan, kung hindi, hindi ka na magkakaroon pa
ng pagkakataon na mapapurihan ng Diyos o madala Niya sa Kanyang
kaharian. Silang mga tumatanggap lamang ng paghatol subali’t hindi
kailanman maaaring madalisay, iyon ay, silang mga nagsisitakas sa gitna
ng gawain ng paghatol, ay magpakailanmang kamumuhian at itatakwil ng
Diyos. Ang kanilang mga kasalanan ay lalong marami, at lalong mas
mabigat, kaysa roon sa mga Fariseo, sapagka’t pinagtaksilan nila ang
Diyos at mga rebelde laban sa Diyos. Ang gayong mga tao na ni hindi
karapat-dapat magsagawa ng paglilingkod ay makatatanggap ng mas mabigat
na kaparusahan, isang kaparusahan na higit pa ay walang-hanggan. Hindi
patatawarin ng Diyos ang sinumang taksil na minsan ay nagpakita ng
katapatan sa mga salita subali’t ipinagkanulo rin Siya. Matatanggap ng
gayong mga tao ang kagantihan sa pamamagitan ng kaparusahan ng espiritu,
kaluluwa, at katawan. Hindi ba ito isang tiyak na pagbubunyag ng
matuwid na disposisyon ng Diyos? Hindi ba ito ang layunin ng Diyos sa
paghatol sa tao at pagbubunyag sa kanya? Dadalhin ng Diyos ang lahat ng
gumaganap ng lahat ng uri ng masamang gawa sa panahon ng paghatol sa
isang lugar na pinamumugaran ng mga masasamang espiritu, hinahayaan ang
masasamang espiritung ito na sirain ang kanilang mga katawang laman ayon
sa kagustuhan. Ang kanilang mga katawan ay mangangamoy-bangkay, at
gayon ang nararapat na ganti sa kanila. Isinusulat ng Diyos sa kanilang
mga talaang aklat ang bawat isa sa mga kasalanan nilang mga hindi-tapat
at huwad na tagasunod, mga huwad na apostol, at mga huwad na manggagawa;
at pagkatapos, kapag tama na ang panahon, itatapon Niya sila sa gitna
ng mga maruruming espiritu, hinahayaan ang mga maruruming espiritung ito
na dungisan ang kanilang buong katawan ayon sa kagustuhan, upang hindi
na sila kailanman maaaring muling magkatawang-tao at hindi na kailanman
muling makita ang liwanag. Yaong mga ipokrito na nagsipaglingkod minsan
nguni’t hindi nakapanatiling tapat hanggang katapusan ay ibinibilang ng
Diyos sa mga makasalanan, nang sa gayon lumakad sila sa payo ng
makasalanan at maging bahagi ng kanilang magulong karamihan; sa
katapusan, wawasakin sila ng Diyos. Isinasantabi at hindi pinapansin ng
Diyos yaong mga hindi kailanman naging tapat kay Cristo o nag-alay ng
anumang pagsisikap, at wawasakin silang lahat sa pagbabago ng mga
kapanahunan. Hindi na sila iiral sa lupa, lalong hindi makapapasok tungo
sa kaharian ng Diyos. Yaong hindi kailanman naging tapat sa Diyos
nguni’t napilit ng kalagayan sa pakikitungo sa Kanya nang paimbabaw ay
ibibilang doon sa mga taong naglingkod para sa Kanyang bayan. Maliit na
bilang lamang ng gayong mga tao ang mananatiling buháy, samantalang ang
karamihan ay mamamatay kasama ng mga ni hindi kwalipikadong magsagawa
man lamang ng paglilingkod. Panghuli, dadalhin ng Diyos sa Kanyang
kaharian lahat niyaong kapareho ng isipan ng Diyos, ang mga tao at mga
anak-na-lalaki ng Diyos pati na yaong mga itinakda ng Diyos na maging
mga saserdote. Ang gayon ay ang bungang nakamit ng Diyos sa pamamagitan
ng Kanyang gawain. At para sa mga yaong hindi mapapabilang sa mga
kategoryang inilatag ng Diyos, sila ay ibibilang kasama ng mga hindi
sumasampalataya. At tiyak na inyong maguguni-guni kung ano ang kanilang
kahihinatnan. Nasabi Ko na sa inyo ang lahat ng dapat Kong sabihin; kayo
ang magpapasya kung alin ang landas na inyong pipiliin. Ang dapat
ninyong maintindihan ay ito: Ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman
naghihintay para sa sinuman na hindi nakasasabay sa bilis ng Kanyang
paghakbang, at ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi nagpapakita
ng kaawaan sa sinumang tao.
mula sa “Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol
sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kapag
ang mga bansa at ang mga tao ng daigdig ay bumalik lahat sa harap ng
Aking trono, agad Kong kukunin ang lahat ng kasaganaan ng langit at
ibigay ito sa mundo ng tao, kaya't, salamat sa Akin, ito ay mapupuno
nang walang kapantay na kasaganaan. Ngunit habang ang lumang mundo ay
patuloy na umiiral, itataboy Ko ito pabalik sa Aking galit sa mga bansa
nito, lantarang ipapahayag ang Aking utos ng pamamahala sa buong
sansinukob, at bibisitahin ng kaparusahan ang sinumang lumabag sa mga
ito:
Sa oras na Ako ay tumingin sa sansinukob upang magsalita, ang
buong sangkatauhan ay maririnig ang Aking tinig, at sa gayon ay
makikita ang lahat na mga gawa na Aking isinaboy sa buong sansinukob.
Silang mga sumasalungat sa Aking kalooban, iyon ay upang sabihin, sa mga
tututol sa Akin sa mga gawa ng tao, ay babagsak sa ilalim ng Aking
kaparusahan. Kukunin Ko ang napakaraming bituin sa mga kalangitan at
gagawin silang bago, at salamat sa Akin ang araw at ang buwan ay
magiging bago—ang kalangitan ay hindi na gaya ng dati; ang hindi
mabilang na mga bagay sa mundo ay magiging bago. Lahat ay magiging ganap
sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ang madaming mga bansa sa loob ng
sansinukob ay muling hahatiin at papalitan ng Aking bansa, upang ang mga
bansa sa ibabaw ng lupa ay mawawala magpakailanman at maging isang
bansa na sumasamba sa Akin; lahat ng bansa sa lupa ay mawawasak, at
titigil sa pag-iral. Sa mga tao sa loob ng sansinukob, ang lahat ng mga
kasama sa diyablo ay pupuksain; lahat ng sumasamba kay Satanas ay
ilalapag sa Aking lumiliyab na apoy—iyon ay, maliban sa mga nasa loob ng
agos, ang lahat ay magiging abo. Kapag kinastigo Ko ang maraming tao,
ang mga nasa relihiyosong mundo ay, sa magkakaibang antas, babalik sa
Aking kaharian, nilupig ng Aking mga gawa, dahil makikita nila ang
pagdating ng ang Isang Banal na nakasakay sa puting ulap. Ang lahat ng
sangkatauhan ay susunod sa kanilang sariling uri, at makatatanggap ng
parusa na naiiba sa kung ano ang kanilang ginawa. Yaong mga nanindigan
laban sa Akin ay malilipol; para naman sa yaong hindi Ako isinama sa
kanilang gawain sa lupa, sila’y, dahil sa kung paano nila pinalaya ang
kanilang mga sarili, patuloy na iiral sa lupa sa ilalim ng pamamahala ng
Aking mga anak at ng Aking bayan. Ipapahayag Ko ang Aking sarili sa
hindi mabilang na mga tao at sa hindi mabilang na mga bansa, tumutunog
mula sa Aking sariling tinig sa ibabaw ng lupa upang ipahayag ang
pagkumpleto ng Aking dakilang gawain para sa buong sangkatauhan upang
makita ng kanilang sariling mga mata.
mula sa “Ang Ikadalawampu’t-anim na Pagbigkas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang
Kanyang panghuling gawain ng pagpaparusa sa kasamaan at paggantimpala
sa mabuti ay ganap na matatapos upang lubos na dalisayin ang lahat ng
sangkatauhan, sa gayon ay maaari Niyang dalhin ang isang ganap na banal
na sangkatauhan sa walang hanggang kapahingahan. Ang yugtong ito ng
Kanyang gawain ay ang pinaka-mahalaga Niyang gawain. Ito ang huling
yugto ng kabuuan ng Kanyang gawaing pamamahala. Kung hindi pupuksain ng
Diyos ang masasama at sa halip ay pababayaan Niya silang manatili, kung
gayon ang buong sangkatauhan ay hindi pa rin maaaring pumasok sa
kapahingahan; at hindi magagawang dalhin ng Diyos ang lahat ng
sangkatauhan sa isang mas mabuting kaharian. Ang ganitong uri ng gawain
ay hindi ganap na matatapos. Kapag natapos na Niya ang Kanyang gawain,
ang buong sangkatauhan ay magiging ganap na banal. Sa ganitong paraan
lamang maaaring matiwasay na mananahan ang Diyos sa kapahingahan.
mula sa “Ang Diyos at Tao ay Papasok sa Kapahingahan na Magkasama” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang
kaharian na ninanais Niyang maitatag ay ang Kanyang sariling kaharian.
Ang sangkatauhan na inaasam Niya ay isa na sumasamba sa Kanya, isa na
ganap na sumusunod sa Kanya at mayroong Kanyang kaluwalhatian. Kung
hindi Niya ililigtas ang tiwaling sangkatauhan, ang kahulugan ng Kanyang
paglikha sa tao ay mauuwi sa wala; mawawalan Siya ng awtoridad sa tao,
at ang Kanyang kaharian ay hindi na magagawang umiral sa ibabaw ng lupa.
Kung hindi Niya wawasakin ang mga kaaway na iyon na hindi masunurin sa
Kanya, hindi Niya makukuha ang Kanyang ganap na kaluwalhatian, at hindi
rin Niya maaaring itatag ang Kanyang kaharian sa ibabaw ng lupa. Ito ang
mga simbolo ng pagtatapos ng Kanyang gawain at ang mga simbolo ng
pagtatapos ng Kanyang dakilang pagsasakatuparan: upang lubos na wasakin
yaong mga nasa gitna ng sangkatauhan na hindi sumusunod sa Kanya, at
upang dalhin yaong mga nagáwáng ganap tungo sa kapahingahan.
mula sa “Ang Diyos at Tao ay Papasok sa Kapahingahan na Magkasama” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Kasunod
ng kaganapan ng mga salita Ko, unti-unting nabubuo ang kaharian sa
mundo at unti-unting babalik sa pagiging-karaniwan ang tao, at sa gayon
naitatatag sa mundo ang kahariang nasa Aking puso. Sa kaharian, mababawi
ng buong bayan ng Diyos ang buhay ng normal na tao. Wala na ang
nagyeyelong taglamig, napalitan na ng isang mundo ng mga lungsod sa
tagsibol, kung saan tagsibol sa buong taon. Hindi na nahaharap ang mga
tao sa madilim, mahirap na mundo ng tao, hindi na nila tinitiis ang
maginaw na mundo ng tao. Hindi na nakikipag-away ang mga tao sa isa't
isa, hindi na makikipagdigma ang mga bansa sa isa't isa, wala na ang
patayan at ang dugong dumadaloy mula sa patayan; mapupuno ang lahat ng
mga lupain ng kaligayahan, at punung-puno ng init sa pagitan ng mga tao
ang lahat ng dako.
mula sa “Ang Ikadalawampung Pagbigkas” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:
Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento