Ang pangalan niya ay Xiao Li. Naninwala siya sa Diyos
nang mahigit sa isang dekada. Noong taglamig ng 2012, inaresto siya ng
pulisya ng Komunistang Tsino sa isang kongregasyon. Sa panahon ng
pagsisiyasat, paulit-ulit siyang hinikayat, binantaan, binugbog at
pinahirapan ng pulisya sa kanilang pagtatangka na akitin siya na
ipagkanulo ang Diyos sa pamamagitan ng pagbubunyag ng kinaroroonan ng
mga lider at pera ng iglesia.
Partikular sa isang nagyeyelong gabi nang ang temperatura ay mas mababa
ng 20 degrees sa zero, pinuwersa siyang hubaran, ibinabad sa
nagyeyelong tubig, sinindak ng kuryente sa kanyang maselang bahagi, at
puwersahang pinainom ng mustasang tubig ng mga pulis….Nagdusa siya sa
malupit na pagpapahirap at hindi maipaliwanag na pagkapahiya. Sa panahon
ng pagsisiyasat, nasaktan at napahiya siya. Desperado siyang nanalangin
sa Diyos nang paulit-ulit. Binigyan siya ng napapanahong pagliliwanag
at patnubay ng salita ng Diyos. Sa pananampalataya at lakas na tinanggap
niya mula sa salita ng Diyos, nalampasan niya ang mabagsik na
pagpapahirap at malademonyong pinsala at nagbigay ng kahanga-hanga at
tumataginting na pagsaksi. Tulad ng bulaklak ng sirwelas sa taglamig,
nagpakita siya ng matatag na kalakasan sa pamamagitan ng pamumukadkad
nang may buong kapurihan sa gitna ng matinding kahirapan, na
pinagmumulan ng kalugud-lugod na katahimikan …
Ang Kidlat ng Silanganan, ang Makapangyarihang Diyos ay ang pangalawang pagdating ng Panginoon Jesus. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos! Tinatanggap natin ang lahat ng naghahanap ng katotohanan na pumarito at maghanap.
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kinaroroonan. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na kinaroroonan. Ipakita ang lahat ng mga post
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)