Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na gawa ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na gawa ng Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

Sabado, Enero 11, 2020

Paano Isinasagawa ng Diyos ang Kanyang Gawain ng Paghatol at Pagkastigo sa Kapanahunan ng Kaharian?


Tingnan natin kung paanong isinasakatuparan ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol at pagkastigo sa Kapanahunan ng Kaharian; kinakailangan dito na banggitin ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos upang patunayan ang gawain ng Diyos sa mga huling araw.

Huwebes, Enero 2, 2020

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Tungkol sa Biblia (1)


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Tungkol sa Biblia (1)


Paano dapat pag-aralan ang Biblia tungkol sa paniniwala sa Diyos? Ito ay isang tanong ng prinsipyo. Bakit natin pinag-uusapan ang tanong na ito? Dahil sa hinaharap ay ipalalaganap mo ang ebanghelyo at palalawakin ang gawain ng Kapanahunan ng Kaharian, at hindi sapat na pag-usapan lamang ang gawain ng Diyos ngayon. Upang palawakin ang Kanyang gawa, mas mahalaga na malutas mo ang mga lumang relihiyosong pagkaintindi ng tao at lumang paraan ng paniniwala, at iwan sila na lubos na kumbinsido—at ang pagtungo sa puntong ito ay may kinalaman sa Bibilia. Sa maraming taon, ang mga kinaugaliang paraan ng paniniwala ng mga tao (ng Kristiyanismo, ang isa sa tatlong pangunahing relihiyon ng mundo) ay ang basahin ang Biblia; ang paglihis mula sa Biblia ay hindi paniniwala sa Panginoon, ang paglihis mula sa Biblia ay paglihis sa pananampalataya, at hidwang paniniwala, at kahit na basahin pa ng mga tao ang ibang mga libro, ang pundasyon ng mga librong ito ay dapat ang pagpapaliwanag sa Bibilia.

Biyernes, Nobyembre 22, 2019

Paano eksaktong ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawaing paghatol upang iligtas at linisin ang sangkatauhan sa mga huling araw?


Sagot: Lahat ng kasalukuyang naghahanap at sumisiyasat sa totoong daan ay gustong maintindihan kung paano isinasagawa ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang gawaing ng paghatol sa mga huling araw. Nagpahayag ang Makapangyarihang Diyos ng maraming salita hinggil sa aspetong ito ng katotohanan. Basahin natin ang ilang sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos.

Martes, Oktubre 1, 2019

Filipino Variety Show | "May Isang Diyos Lamang"


Filipino Variety Show | "May Isang Diyos Lamang"


Sa loob ng dalawanlibong taon, ang teoryang teolohiko ng Trinidad ay nakita bilang isang pangunahing doktrina ng pananampalatayang Kristiyano. Pero, talaga bang isang Trinidad ang Diyos? Ano ba, mismo, ang relasyon sa pagitan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu? Wala pang sinuman ang malinaw na nakakasagot sa mga tanong. Isang araw, nag-post ng isang tanong si Brother Zhang sa online discussion group ng iglesia niya: Talaga Bang Umiiral ang Trinidad? Ang tanong na ito ang nagsimula ng matinding debate sa gitna ng mga mananampalataya, at pagkatapos ay tinalakay at pinagbahaginan nina Zheng Xun at Li Rui ang tanong na ito. Ano ang kongklusyon nila? Mangyaring tamasahin ang crosstalk na May Isang Diyos Lamang.


Rekomendasyon:Maikling Dula 

Linggo, Setyembre 15, 2019

Bakit hindi ginagawa ang gawain ng Diyos sa mga huling araw sa pamamagitan ng Espiritu? Bakit naparito ang Diyos sa katawang-tao para gawin ang Kanyang gawain?


Bakit hindi ginagawa ang gawain ng Diyos sa mga huling araw sa pamamagitan ng Espiritu? Bakit naparito ang Diyos sa katawang-tao para gawin ang Kanyang gawain?


Ang Sagot mula sa Salita ng Diyos:

Ang pagliligtas ng Diyos sa tao ay hindi direktang ginawa sa pamamagitan ng paraan ng Espiritu o bilang Espiritu, sapagka’t ang Kanyang Espiritu ay hindi maaaring mahawakan o makita ng tao, at hindi maaaring malapitan ng tao. Kung sinubukan Niyang direktang iligtas ang tao sa paraan ng Espiritu, hindi makakaya ng tao na tanggapin ang Kanyang pagliligtas. At kung hindi dahil sa Diyos na nagsuot ng panlabas na anyo ng isang nilalang na tao, hindi nila makakayang tanggapin ang kaligtasang ito. Sapagka’t walang paraan ang tao upang makalapit sa Kanya, katulad ng walang maaaring makalapit sa ulap ni Jehova. Tanging sa pamamagitan ng pagiging isang tao ng paglikha, iyan ay, ang paglalagay ng Kanyang salita sa Kanyang magiging laman, at saka lamang Niya personal na magagawa ang salita tungo sa lahat ng sumusunod sa Kanya. Saka lamang maaaring marinig ng tao para sa kanya mismo ang Kanyang salita, makita ang Kanyang salita, at matanggap ang Kanyang salita, at sa gayon sa pamamagitan nito ay lubusang mailigtas. Kung ang Diyos ay hindi naging laman, walang makalamang tao ang makakatanggap ng gayong dakilang kaligtasan, at wala rin kahit isang tao ang maliligtas. Kung ang Espiritu ng Diyos ay gumawa nang direkta sa tao, ang tao ay masasaktan o ganap na mabibihag ni Satanas dahil hindi kaya ng tao na makisama sa Diyos. …

Linggo, Agosto 4, 2019

Clip ng Pelikulang Paghihintay - Paano Natin Makilala ang Tinig ng Diyos? (2)


Tagalog Christian Movies |Clip ng Pelikulang Paghihintay - Paano Natin Makilala ang Tinig ng Diyos? (2)


"Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia" (Apocalipsis 2:29). Narinig mo na ba ang Banal na Espiritu na magsalita sa mga iglesia? Ang mga salita bang sinabi ng Makapangyarihang Diyos at ng Panginoong Jesus ay nabigkas mula sa iisang Espiritu, mula sa iisang pinanggalingan? Ibubunyag ito sa iyo ng movie clip na ito!

Biyernes, Agosto 2, 2019

Tagalog Christian Movies | Clip ng Pelikulang Paghihintay - Paano Natin Makilala ang Tinig ng Diyos? (1)



Tagalog Christian Movies | Clip ng Pelikulang Paghihintay - Paano Natin Makilala ang Tinig ng Diyos? (1)


"Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia" (Apocalipsis 2:29). Narinig mo na ba ang Banal na Espiritu na magsalita sa mga iglesia? Ang mga salita bang sinabi ng Makapangyarihang Diyos at ng Panginoong Jesus ay nabigkas mula sa iisang Espiritu, mula sa iisang pinanggalingan? Ibubunyag ito sa iyo ng movie clip na ito!

Martes, Hulyo 9, 2019

Paghatol sa mga Huling Araw | Paano pinadadalisay at inililigtas ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ang sangkatauhan?


Paghatol sa mga Huling Araw | Paano pinadadalisay at inililigtas ng gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw ang sangkatauhan?


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“At kung ang sinomang tao’y nakikinig sa aking mga pananalita, at hindi ingatan, ay hindi ko siya hinahatulan: sapagka’t hindi ako naparito upang humatol sa sanglibutan, kundi upang iligtas ang sanglibutan. Ang nagtatakuwil sa akin, at hindi tumatanggap sa aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw” (Juan 12:47-48).

“Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12-13).

Huwebes, Hunyo 27, 2019

Ang Pinagmumulan ng Kasaganaan ng Kidlat ng Silanganan


Sa bawat pagkakataon na mababanggit ang Kidlat ng Silanganan, maraming mga kapatid sa Panginoon ang nakadarama ng pagkalito: Bakit kaya habang ang relihiyosong komunidad sa kabuuan ay lalong nagiging mapanglaw at malala, habang ang bawat denominasyon ay lalo pang binabantayan at nagigingkonserbatibo sa pagkondena at pagtataboy sa Kidlat ng Silanganan, ang Kidlat ng Silanganan ay hindi lamang nagiging hindi mapanglaw at hindi umuunti, kundi dumadaluyong na tulad ng hindi mapigilang mga gumugulong na alon, na lumalaganap sa iba’t ibang panig ng mainland China? Ngayon na lumawak pa ito sa lampas ng mga hangganan ng China tungo sa mga banyagang bansa at mga rehiyon, habang tinatanggap ito ng mas marami pang tao sa buong mundo? Nahaharap sa katotohanang ito, ang mga taong relihiyoso ay lubusang nalilito, samantalang sa katotohanan ay simple lamang ang dahilan: Ang itinatawag ng bawat sekta ng relihiyon sa Kidlat ng Silanganan ay ang nagbalik na Tagapagligtas na si Jesus ng mga huling araw, na nakasakay sa “puting alapaap” pababa mula sa kalangitan; ito’y ang Diyos Mismo na nagbalik sa katawang-tao at tunay at aktuwal! Ang dala ng Makapangyarihang Diyos na si Cristo ng mga huling araw ay ang gawain ng paghatol na nagpapabago sa disposisyon ng tao at naglilinis sa kanya, upang makamit ng sangkatauhan ang kaligtasan at maging perpekto. Ang Makapangyarihang Diyos ay nagpapahayag ng lahat ng katotohanan na naglilinis, nagliligtas, at gumagawang perpekto sa sangkatauhan. Sa kadahilanang ito, kahit na tinututulan, inaatake, inuusig, nilalapastangan, o kinokondena ng bawat sekta ng relihiyon sa buong mundo ang nagkatawang-taong Diyos ng mga huling araw o ang Kanyang gawain, walang sinuman at walang puwersa na makahahadlang o makapipigil sa ninanais Niyang makamit. Ang awtoridad, kapangyarihan, at Kanyang pagka-makapangyarihan at karunungan ay hindi mapapantayan ng anumang puwersa ni Satanas.

Lunes, Hunyo 10, 2019

Mga Movie Clip | Pagtanggap sa Cristo ng mga Huling Araw at Pagkadala sa Kaharian ng Langit



Mga Movie Clip | "Pagtanggap sa Cristo ng mga Huling Araw at Pagkadala sa Kaharian ng Langit"


Kung naniniwala lang tayo sa Panginoong Jesus, at humagawak sa daan ng Panginoong Jesus, pero hindi tinatanggap ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, pa’no natin makakamit ang paglilinis at makakapasok sa kaharian ng langit?  Nais mo bang maging isang matalinong birhen na kayang sumabay sa mga yabag ng Diyos upang makamit ang mga biyaya sa kaharian ng langit? Mangyaring panoorin ang pelikulang ito.

Huwebes, Marso 21, 2019

Tagalog Music Video | Kinakailangan ng Gawain ng Banal na Espiritu ang mga Pagbabago sa Disposisyon


Tagalog Prayer Songs| Kinakailangan ng Gawain ng Banal na Espiritu ang mga Pagbabago sa Disposisyon


I
Ang gawain at presensya ng Banal na Espiritu
ang nagpapasiya kung taos-puso kang naghahanap,
hindi ang mga paghatol ng iba, ni ang kanilang mga opinyon.
Ngunit higit pa rito, ang nagpapasiya ng iyong katapatan ay,
sa paglipas ng panahon, kung ang gawain ng Banal na Espiritu
ay nagpapabago sa iyo at nakikilala mo ang Diyos.
Kung gumagawa ang Banal na Espiritu sa inyo, 
ang disposisyon ay magbabago,
magiging dalisay ang pananaw ninyo sa pananampalataya.
Ang ibig sabihin ng pagbabago'y kumikilos ang Banal na Espiritu,
gaano man kayo katagal nakasunod na sa Kanya.

Martes, Marso 19, 2019

Tagalog Worship Songs | Maging Bagong Tao at Aliwin ang Puso ng Diyos




Maging Bagong Tao at Aliwin ang Puso ng Diyos

I
Lubha na akong napasama ni Satanas,
nagiging mapagmataas ako sa anumang mayroon ako.
Nagpapasikat ako sa aking trabaho at mga sermon,
palagay ko'y kagulat-gulat ako.
Lubha akong mapagmagaling, lubhang mapagmapuri!
Wala akong wangis ng tao.
Masyado akong mababa, masyadong kasuklam-suklam!
Di kakikitaan ng bahid ng pagkatao.
Palaging ikinukubli ang sarili ko at nagkukunwaring tapat,
paanong 'di Ka magdadalamhati?
Nakita Mo ang puso ko,
napahiya ako sa ibinunyag ng mga salita Mo.
Labis na nahiya para makita ang Iyong mukha,
mahirap ipahayag ang aking sakit at wasak ang puso ko.
Matagal na akong nakasunod sa Iyo,
pero 'di ko naisaalang-alang ang puso Mo.
Mayroon akong mga liham at doktrina,
gayunman 'di nagbago ang disposisyon ko.
Lahat ay nagawang malinaw ng salita Mo,
ako ang 'di nagtataguyod sa puso ko.

Lunes, Marso 18, 2019

Pag-unawa sa Kalooban ng Diyos Maging sa Gitna ng mga Suliranin


Xiao Rui Siyudad ng Panzhihua, Lalawigan ng Sichuan

Noong nangangaral ako ng ebanghelyo nakasalamuha ko ang mga pinuno ng sekta na nagdadala ng huwad na pagsaksi upang lumaban at mangulo, at tumawag sa pulisya. Nagdulot ito upang hindi magtangka yaong mga pinangangaralan ko na magkaroon ng anumang kinalaman sa amin, at yaong mga katatanggap pa lamang ng ebanghelyo ay hindi makapagtiwala nang husto sa gawain ng DiyosDahil nagpakahirap ako nang husto sa trabaho ngunit hindi maganda ang naging resulta, naisip ko: Ang gawaing pag-eebanghelyo ay napakahirap na isagawa.

Biyernes, Marso 15, 2019

Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao

Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao

Nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o anumang walang materyal na katawan, kundi ang tao, na may katawan at ginawang tiwali ni Satanas. Ito ay tiyak na dahil ang laman ng tao ay naging tiwali kaya ginawa ng Diyos ang taong maka-laman na pakay ng Kanyang gawain; bukod dito, sapagka’t ang tao ay ang pakay ng katiwalian, ginawa Niya ang tao na tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng mga yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Ang tao ay isang nilalang na may kamatayan, na may katawan at dugo, at ang Diyos lamang ang tanging Isa na maaaring magligtas sa tao.

Martes, Pebrero 26, 2019

3. Paano dapat maranasan ng mga tao ang paghatol at pagkastigo ng Diyos para maligtas?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang tunay na pananampalataya sa Diyos ay nangangahulugan ng pagdanas sa mga salita at gawain ng Diyos na batay sa isang paniniwala na ang Diyos ang may tangan ng kapangyarihan sa lahat ng mga bagay. Sa gayon ikaw ay mapapalaya mula sa iyong masamang disposisyon, makakatupad sa ninanasa ng Diyos at makakakilala sa Diyos. Tanging sa pamamagitan ng ganoong paglalakbay maaaring masabing ikaw ay naniniwala sa Diyos.

Linggo, Pebrero 10, 2019

Tagalog Christian Song | "Ibang Panahon, Ibang Gawaing Banal"


Tagalog Christian Song | "Ibang Panahon, Ibang Gawaing Banal"


Sa mga huling araw, ito ang pangunahing katotohanan
na "Ang Salita ay magiging tao"
na isinakatuparan ng Diyos.
I
Sa pamamagitan ng Kanyang aktwal na gawain sa lupa,
pinangyayari ng Diyos na makilala Siya ng tao,
pinangyayari na ang tao ay makipag-ugnayan sa Kanya,
at ginagawang makita ng tao ang Kanyang aktwal na gawa.
Ginagawa Niyang makita nang malinaw ng tao
na kung minsan ay ginagawa Niya o hindi
na magpakita ng mga tanda at kababalaghan.

Sabado, Pebrero 2, 2019

Tagalog Christian Song | "Mas Nakikilala ng mga Tao ang Diyos sa Gawain ng mga Salita"


Tagalog Christian Song | "Mas Nakikilala ng mga Tao ang Diyos sa Gawain ng mga Salita"


I
Pangunahing ginagamit ng Diyos ng mga huling araw
ang salita para gawing perpekto ang tao,
hindi tanda't kababalaghan
para pahirapan o hikayatin s'ya,
dahil hindi maipaliliwanag ng mga ito
ang kapangyarihan ng Diyos.
Kung tanda't kababalaghan lang pinapakita ng Diyos,
magiging imposibleng linawin ang realidad ng Diyos,
at sa gayon imposibleng gawing perpekto ang tao.

Miyerkules, Enero 30, 2019

Tagalog Song | "Kailangan ng Masamang Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Nagkatawang-taong Diyos"


Tagalog Song | "Kailangan ng Masamang Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Nagkatawang-taong Diyos"


Diyos naging tao dahil pakay ng gawain N'ya
ay 'di espiritu ni Satanas, ni anumang 'di,
'di ng laman, pero ng tao.
Pinasama ni Satanas laman ng tao't
naging pakay ng gawain ng Diyos.
Ang lugar ng kaligtasan ng Diyos ay tao, ay tao.
Ang tao ay isang mortal, tanging laman at dugo,
Diyos lang makapagliligtas sa kanya.