Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Pelikula Tungkol sa Ebanghelyo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Mga Pelikula Tungkol sa Ebanghelyo. Ipakita ang lahat ng mga post

Miyerkules, Nobyembre 20, 2019

Kristianong video | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo" | God Is My Salvation



Tagalog Christian Movies | "Pagtakas mula sa Yungib ng Diablo" | God Is My Salvation


Ang kanyang pangalan ay Zhang at siya ay isang Kristiyano na kabilang sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Dahil naniniwala siya sa Diyos, siya ay palihim na minanmanan ng pamahalaan ng Komunistang Tsino at nahuli ng kanilang pulisya. Pinilit siya ng pulisya na ipagkanulo ang mga pinuno ng iglesia gayundin ang mga gugulin ng iglesia. Tinangka nilang gamiting sandata ang kanyang mga kaanak upang guluhin ang kanyang isip. Pinalibutan nila siya at hindi siya hinayaang matulog sa loob ng kalahating buwan upang sirain ang kanyang loob. Hinarap niya ang walang tigil na pagpapahirap ng pulisya ng Komunistang Partido ng Tsino. Siya ay nagpatuloy sa isang lubhang nakatutuliro, nakatatakot na kalagayan. Sa mapanganib na kapaligirang ito, paulit-ulit siyang nanalangin sa Diyos at hiniling sa Diyos na ingatan siya upang siya ay makapanindigan at makapagpatotoo. Sa ilalim ng paggabay at pangunguna ng salita ng Makapangyarihang Diyos, napagtagumpayan niya ang masamang mga pakana ng pulisya at napaglabanan niya ang kanilang paulit-ulit na pagpapahirap. Sa bandang huli, sa ilalim ng pag-iingat ng Makapangyarihang Diyos, himalang nagawa niyang makatakas sa loob ng lungga ng demonyo. Pagkatapos maranasan ang pag-uusig ng pamahalaan ng Komunistang Tsino, malinaw niyang nakita na sila ay masasamang demonyo at na kinasusuklaman nila ang katotohanan. Ang kanilang esensiya ay gaya sa isang radikal na kalaban ng Diyos. Nakita niya mismo ang dakilang kapangyarihan ng Diyos sa ibabaw ng lahat ng bagay at ang Kanyang kamangha-manghang mga gawa. Nadama niya ang pagkalinga at pag-ibig ng Diyos sa bawat posibleng paraan, Nanindigan siya na ibigay ang kanyang buong buhay sa Diyos at tuparin ang kanyang mga pananagutan bilang isa sa Kanyang mga nilikha upang masuklian ang biyaya ng Diyos.

Sabado, Nobyembre 16, 2019

Maigsing Pelikula ng Ebanghelyo | "Ang mga Araw ni Noe ay Dumating Na" | God’s Warning in the Last Days


Maigsing Pelikula ng Ebanghelyo | "Ang mga Araw ni Noe ay Dumating Na" | God’s Warning in the Last Days (Tagalog Dubbed)


Gunitain natin ang sangkatauhan sa kapanahunan ni Noe. Abala ang tao sa lahat ng uri ng masasamang gawain nang hindi iniisip ang pagsisisi. Walang nakinig sa salita ng Diyos. Ang kanilang katigasan ng ulo at kasamaan ay pumukaw sa galit ng Diyos at sa huli, nilamon sila ng sakunang dulot ng malaking baha. Tanging si Noe at ang kanyang pamilyang may walong miyembro ang nakinig sa salita ng Diyos at nakaligtas. Ngayon, sumapit na ang mga huling araw. Palala nang palala ang katiwalian ng sangkatauhan. Lahat ay sumasamba sa kasamaan. Ang buong mundo ng mga relihiyoso ay nagpapatangay sa agos ng mundo. Ni katiting ay hindi nila gusto ang katotohanan. Dumating na ang mga araw ni Noe! Para mailigtas ang sangkatauhan, nagbalik na muli ang Diyos upang gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw sa sangkatauhan. Ito ang huling beses na inililigtas ng Diyos ang tao! Ano ang dapat piliin ng sangkatauhan?

Lunes, Oktubre 21, 2019

Mga Pelikula tungkol sa Pang-uusig sa Relihiyon | "Seventeen? Ano Ngayon!" God is My Salvation (Tagalog Dubbed)


Mga Pelikula tungkol sa Pang-uusig sa Relihiyon | "Seventeen? Ano Ngayon!" God is My Salvation (Tagalog Dubbed) 


"Bata! Alam mo ba'ng ang Partido Komunista ay ateista at tutol sa paniniwala sa Diyos? Sa China, Ano'ng Diyos ang naroon para sa iyo para paniwalaan mo? Nasaan ba ang Diyos mo?" "Huwag mo'ng ipalagay na dahil bata ka, magiging maluwag kami sa iyo! Kung patuloy ka'ng maniniwala sa Diyos, mamatay ka agad!" Hawak ang mga de-kuryenteng pamalo, sinugod ng mga pulis ng Komunistang Tsino ang binatilyo na puno ng mga pasa. Ang pangalan ng binatilyo ay Gao Liang at labimpitong taong gulang lang siya nuong taong iyon. Pauwi siya ng bahay niya mula sa pagpapakalat ng ebanghelyo kasama ang nakatatanda niyang kapatid nuong inaresto siya ng mga pulis ng Komunistang Tsino.

Miyerkules, Oktubre 9, 2019

Kristianong video | "Anak, Umuwi Ka Na!" | Amazing Grace of God (Tagalog Dubbed)


Kristianong video | "Anak, Umuwi Ka Na!" | Amazing Grace of God (Tagalog Dubbed)


Si Li Xinguang ay isang estudyante sa senior high school. Noon pa mang bata siya ay matino at masunurin na siya. Gustung-gusto siya ng kanyang mga magulang at guro. Habang nasa middle school, nahumaling siya sa internet computer games. Madalas siyang lumiliban sa klase para magpunta sa internet café. Ginawa ng kanyang mga magulang ang lahat para maputol niya ang adiksyon niya sa online gaming. Sa kasamaang-palad, lumala nang lumala ang adiksyon ni Li Xinguang. Nawalan siya ng gana at dahan-dahang naging basagulero. … Nang wala nang maisip na remedyo ang mga magulang ni Li Xinguang, nabalitaan nila na kayang iligtas ng Diyos ang mga tao, na tutulungan Niya silang putulin ang kanilang adiksyon sa online gaming at makaalpas mula sa kasamaan ni Satanas. Dahil dito, ipinasiya nilang manalig sa Diyos at inasam na mailigtas ng Diyos ang kanilang anak. Mula sa mga salita ng Diyos, naunawaan nila ang pinagmumulan ng kasamaan at kabuktutan ng sangkatauhan. Nakita nila ang katotohanan sa likod ng kadiliman at kasamaan ng tao at naunawaan na Diyos lamang ang makapagliligtas at makapagpapalaya sa mga tao mula sa kasamaan at pagpapahirap ni Satanas. Kinailangan lang maniwala ni Xinguang sa Diyos at maunawaan ang katotohanan, at makakalaya siya sa kanyang adiksyon sa online gaming. Dahil dito, ipinangaral nila ang ebanghelyo kay Xinguang at inakay siyang basahin ang mga salita ng Diyos. Ipinagdasal nila sa Diyos na iligtas ang kanilang anak at tulungan itong putulin ang kanyang adiksyon sa online gaming. … Matapos magtalo ang kalooban, nagsimulang magdasal at manalig sa Diyos si Xinguang. Sa patnubay ng mga salita ng Diyos, naputol niya kalaunan ang kanyang adiksyon sa online gaming at napalaya ang sarili mula sa kasamaan at pagpapahirap ni Satanas. Nakauwi na rin sa wakas ang anak na ito na nawalan na ng pag-asa dahil sa internet games at internet cafés!

Pinagmumulan:https://tl.godfootsteps.org/videos/child-come-back-home.html

Higit pang pansin:Tagalog Christian Movies

Martes, Setyembre 17, 2019

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Pananampalataya sa Diyos 2 – Nang Bumagsak ang Simbahan"


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Pananampalataya sa Diyos 2 – Nang Bumagsak ang Simbahan"


Mula nang maging makapangyarihan ang Chinese Communist Party, patuloy na nitong sinugpo at inusig ang Kristiyanismo at Katolisismo upang lubos na mapawi ang lahat ng paniniwala sa relihiyon at maitatag ang China bilang lugar ng ateismo. Lalo na nang maging Pangulo si Xi Jinping umabot na sa sukdulan ang mga pag-atake ng CCP sa pananampalataya, at pati na ang Three-Self Church na opisyal na pinahintulutan ay winawasak at binabaklas ang mga krus. Si Yu Congguang ay isang evangelista na gagawa ng mapanganib na pagtakas mula sa isang maramihang pag-aresto ng CCP. Pagkatapos niyon, pupunta siya sa bahay ng Kristiyanong si Chen Song'en ng Three-Self Patriotic Movement. Gigibain ng CCP ang simbahan ng Three-Self Patriotic Movement ni Chen Song'en, at ipagdarasal ng ilan sa simbahan, matapos makinig sa mga turo ng kanilang mga pastor at elder, ang rehimeng CCP, sa paniwalang sa paggawa nito, sinusunod nila ang mga salita ng Panginoong Jesus na, "Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig" (Mateo 5:44). Gayunman, maraming nananalig ang nalilito, dahil sa kabila ng katotohanan na matagal na nilang ipinagdarasal na mapagpala ang CCP, hindi lamang hindi nagsisi ang CCP, kundi giniba pa ang kanilang simbahan. Nagtaka sila: Talaga bang naaayon sa kalooban ng Diyos ang pagdarasal para sa CCP? Magtatalo ang kongregasyon tungkol sa tanong na ito pero hindi sila magkakasundo. Kalaunan, sa pagbasa sa mga salita ng Diyos at pagbabahagi ni Yu Congguang at ng kanyang kasamahan, malalaman ni Chen Song'en at ng iba pa ang tunay na kahulugan ng turo ng Panginoong Jesus na "ibigin ang inyong mga kaaway." Mahihiwatigan din nila ang kademonyohan ng CCP, na labanan ang Diyos at kamuhian ang katotohanan, at malinaw nilang makikita ang mapanganib na mga bunga ng pagsunod sa mga pastor at elder sa Three-Self church at pag-asa sa proteksyon ng isang napakasamang namumunong kapangyarihan …

Pinagmumulan:https://tl.kingdomsalvation.org/videos/after-the-church-falls-movie.html


Biyernes, Agosto 30, 2019

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Pagbibinyag sa Pamamagitan ng Apoy"



Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Pagbibinyag sa Pamamagitan ng Apoy"


Sabi ng Panginoong Jesus, "Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit" (Mateo 7:21). Paano ba talaga natin dapat pagsikapang maging mga tao na gumagawa ng kalooban ng Ama sa langit at masunurin sa Diyos, para dalhin tayo ng Diyos sa kaharian ng langit? Ang Kristiyanong si Song Enze ay inaresto at ikinulong ng Chinese Communist Party nang pitong taon dahil naniwala siya sa Diyos at nangaral ng ebanghelyo ng Diyos. Nang makalaya na siya, nagpilit siyang magpatuloy sa paggugol para sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng ebanghelyo.

Sabado, Agosto 24, 2019

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Ang Pag-ibig ng Isang Ina" | The True Story of a Christian


Ang Pagmamahal ng Isang Ina ay Isang pelikulang pampamilyang Kristiyano na sumusuri sa paksa kung paano magpalaki ng mga anak. Ang "Mababago ng kaalaman ang iyong kapalaran" at "Naging dragon ang anak na lalaki, naging phoenix ang anak na babae" ay mga pag-asang taglay ng halos lahat ng magulang para sa kanilang mga anak. Para matiyak na makakapasa ang kanyang anak na babaeng si Jiarui sa kanyang university entrance exams at test sa isang magandang unibersidad, ipinasiya ni Xu Wenhui na magretiro sa kanyang trabaho bilang sales director para samahan si Jiarui nang mag-aral ito para muling kumuha ng kanyang mga test. Ang sibsibang mga pamamaraan ng pagtuturo ni Xu Wenhui at ang napakahirap na college entrance examinations ay naging sanhi para himatayin ang kanyang anak, at halos maging desperado. Labis iyong pinagsisihan ni Xu Wenhui: Inakala niya na lahat ng ginawa niya ay para sa kapakanan ng kanyang anak, ngunit sa halip, nasaktan lamang niya ito…. Noon ipinangaral ng dati niyang kaklaseng si Fang Xinping ang ebanghelyo ng Diyos sa kanya. Sa pamamagitan ng pagbasa sa salita ng Diyos, sa wakas ay naunawaan din ni Xu Wenhui kung bakit masasaktan lamang siya at ang kanyang anak sa pagsisikap na matamo ang mga ideal na gaya ng "Mababago ng kaalaman ang iyong kapalaran," at kung paano tuturuan ang kanyang anak sa paraang nagpapahayag ng tunay na pagmamahal …

Pinagmumulan:

Martes, Hulyo 23, 2019

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Isang Kaligayahang Pinakahihintay"


Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | "Isang Kaligayahang Pinakahihintay"


Para kumita nang sapat para mabuhay nang maayos, talagang nagpursigi si Ding Ruilin at ang kanyang asawa na makapagbukas at magpatakbo ng isang negosyo. Ngunit, dahil sa pananamantala at pang-aabuso ng gobyernong CCP, nanatili silang lubog sa utang, at wala silang nagawa kundi mangibang-bansa para magtrabaho. Para kumita ng mas malaki, nagdalawang trabaho si Ding Ruilin. Dahil sa bigat ng kanyang trabaho at pagwawalang-bahala ng mga tao sa kanyang paligid, napagtanto niya ang sakit at kawalan ng kakayahang mabuhay para kumita. Sa gitna ng kanyang pasakit at pagkalito, nakilala niya ang kaklase niya sa high school na si Lin Zhixin. Sa kanilang mga pag-uusap, nakita ni Ding Ruilin na maraming bagay nang nauunawaan si Lin Zhixin dahil sa kanyang pananampalataya sa Diyos. Sa presensya ng Diyos, nadarama niya ang espirituwal na kapayapaan at kaligayahan at pahingado at maginhawa ang kanyang buhay, kaya ginusto ni Ding Ruilin na maniwala rin sa Diyos. Di naglaon, para kumita ng mas malaki, pumalit si Ding Ruilin at ang kanyang asawa sa isang restawran, ngunit dahil sa pangmatagalang kapaguran ay nagkasakit nang malubha si Ding Ruilin, kaya nanganib siyang maparalisa. Dahil sa hirap ng kanyang karamdaman, nagsimula si Ding Ruilin na magnilay-nilay tungkol sa buhay. Para saan dapat mabuhay ang tao? Sulit bang isakripisyo ang buhay mo para sa kayamanan at katanyagan? Matutulungan ba ng pera ang mga tao na matakasan ang kahungkagan at kalungkutan? Maililigtas ba nito ang mga tao mula sa kamatayan? Sa pagbabahagi ng kanyang mga kapatid na babae ng salita ng Diyos, malinaw na nakita ni Ding Ruilin ang mga sagot sa mga tanong na ito tungkol sa buhay, nalaman niya ang pinakamahalagang bagay na dapat hangarin sa buhay, at sa huli’y natagpuan niya ang espirituwal na paglaya. Sa patnubay na nasa salita ng Diyos, sa wakas ay natuklasan ni Ding Ruilin ang kaligayahan sa buhay…

Miyerkules, Hulyo 3, 2019

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pagsugpo at Pagpapahirap ng Gobyerno ng Tsina sa mga Kristiyano: Ang Matibay na Ebidensya



 Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pagsugpo at Pagpapahirap ng Gobyerno ng Tsina sa mga Kristiyano: Ang Matibay na Ebidensya 


Simula nang umupo sa kapangyarihan ang ateistang Partido Komunista ng Tsina, ipinagpatuloy nito ang matinding pagkalaban sa Diyos at ang pagiging kaaway Niya. Hindi lamang nila binansagan ang Kristiyanismo at Katolisismo bilang "mga kulto," ngunit tinawag din nila ang Biblia bilang aklat ng kulto, hindi mabilang ang mga kinukuha at winawasak nilang kopya. Walang-awa rin nilang binihag ang mga Kristiyano, dahilan para maaresto at mabilanggo ang halos isang milyong mananampalataya. Sa kanila, umabot na ng halos 10,000 katao ang pinahirapan hanggang sa mamatay.

Lunes, Hunyo 17, 2019

Tagalog Christian Movies "Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" | Only the Honest Can Enter God's Kingdom


Tagalog Christian Movies | "Ang mga Tao ng Kaharian ng Langit" | Only the Honest Can Enter God's Kingdom


Sabi ng Panginoong Jesus, "Truly I say to you, Except you be converted, and become as little children, you shall not enter into the kingdom of heaven" (Matthew 18:3). Sinabi sa atin ng Panginoong Jesus na matatapat na tao lamang ang makakapasok sa kaharian ng langit; matatapat na tao lang ang maaaring maging mga tao ng kaharian. Ikinukuwento ng pelikulang ito ang karanasan ng Kristiyanong si Cheng Nuo sa gawain ng Diyos at ang patuloy na paghahangad niyang maging matapat na tao sa buhay.

Martes, Mayo 21, 2019

Tagalog Christian Movies | "Pananalig sa Diyos" What Is True Faith in God? (Tagalog Dubbed)


Tagalog Christian Movies |"Pananalig sa Diyos" What Is True Faith in God? (Tagalog Dubbed) 


Si Yu Congguang ay nangangaral ng ebanghelyo para sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Habang nangangaral ng ebanghelyo, tinugis siya ng Komunistang gobyerno ng Tsina. Tumakas siya sa mga kabundukan, kung saan nakatanggap siya ng tulong mula kay Zheng Xun, isang katrabaho sa lokal na bahay iglesia. Nang una silang nagkita, pakiramdam nila ay matagal na nilang kilala ang bawat isa. Dinala ni Zheng Xun si Yu Congguang sa kubo kung saan siya at ng kanyang mga katrabaho ay nagtipon. Doon, nangyari ang isang debate kila Zheng Xun at ng kanyang mga katrabaho kung ang isang mananampalataya sa Diyos ay dapat bang sundin o hindi yaong mga nasa kapangyarihan. Si Yu Congguang ay nagbahagi kaugnay sa isyung ito at iwinaksi ang kanilang pagkakalito. Lubos na nakatulong sa kanila ang pagbabahagi ni Yu Congguang, at nagsimula silang lahat na hanapin at pag-aralan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Gayun pa man, nang malaman ni Elder Sun mula sa lokal na iglesia na si Yu Congguang ay isang saksi mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, ginawa niya ang lahat ng bagay na maaari niyang gawin para saraduhan ang iglesia at pigilan ang mga tagasunod mula sa paghahanap ng tunay na landas. Nagbahay-bahay si Sun na naghahanap kay Yu Congguang, at inutusan pa ang mga tagasunod na iulat si Yu sa mga pulis at arestuhin siya …

Miyerkules, Mayo 8, 2019

Tagalog Christian Movies | "Hindi Naglalaho ang Integridad"



Tagalog Christian Movies | "Hindi Naglalaho ang Integridad"


Wang Xinyu and her husband run a clothing shop, and though at first they try to operate their store with integrity and conscience, they don't earn much money, and their lives are very difficult. But when they see their peers who rely on lying and deception to do business buying cars and houses and living lavish lives, they decide they don't want to be left behind. Guided by their peers, they follow the social trend and begin to do business through lying and trickery.

Lunes, Abril 29, 2019

Pelikula ng Ebanghelyo (Tagalog) | "Ang Biblia at Diyos"


Pelikula ng Ebanghelyo (Tagalog) | "Ang Biblia at Diyos"


      Isang pastor si Liu Zhizhong sa isang lokal na bahay iglesia sa Tsina. Naging isa siyang mananampalataya sa mahigit 30 taon, at patuloy na pinananatili na "Ang Banal na Biblia ay kinasihan ng Diyos," "Kumakatawan sa Diyos ang Banal na Biblia, ang paniniwala sa Diyos ay paniniwala sa Biblia, ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Diyos." Sa kanyang puso, ang Biblia ay napakahalaga. Dahil sa kanyang pagsamba at bulag na pananampalataya sa Biblia , hindi niya kailanman napag-aralan o natingnan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Hanggang sa isang araw, nang hinarangan niya ang mga mananampalataya mula sa online na pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nagkaroon siya ng pagkakataong makaharap ang mga mangangaral mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Matapos sumailalim sa mga matinding debate tungkol sa katotohanan, nagawa ba niyang makita nang malinaw sa huli ang relasyon sa pagitan ng Banal na Biblia at Diyos? Nagawa ba niyang lumayo mula sa Biblia upang maunawaan na si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay? Siya ba ay dadalhin sa harapan ng Diyos?

Biyernes, Abril 19, 2019

Mga Movie Clip (3) | Umiiral ba Ang Salita ng Diyos Bukod sa Biblia?


Mga Movie Clip (3) | Umiiral ba Ang Salita ng Diyos Bukod sa Biblia?


     Naniniwala ang ilang relihiyosong tao na ang lahat ng mga salita at gawain ng Diyos ay nasa Biblia, at walang mga salita at gawain ng Diyos maliban sa yaong mga nasa Biblia. Naaayon ba ang pananaw na ito sa katotohanan? Sinasabi ng Biblia, "At mayroon ding iba't ibang mga bagay na ginawa si Jesus, na kung susulating isa-isa, ay inaakala ko na kahit sa sanglibutan ay hindi magkakasiya ang mga aklat na susulatin" (Juan 21:25). Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Ang kung ano ang Diyos at kung ano ang mayroon Siya ay magpakailanmang di-nauubos at walang-hangganan. ... Huwag muling lilimitahan ang Diyos sa mga aklat, mga salita, o Kanyang nakaraang mga pagbigkas. Mayroon lamang iisang salita para sa katangian ng gawain ng Diyos—bago. Ayaw Niyang tahakin ang lumang mga landas o ulitin ang Kanyang gawain, at higit pa ayaw Niyang sambahin Siya ng mga tao sa pamamagitan ng paglilimita sa Kanya sa loob ng isang tiyak na sakop. Ito ang disposisyon ng Diyos" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).

Sabado, Abril 13, 2019

Tagalog Christian Movie 2018 | "Kaligtasan" | Have You Truly Been Saved? (Tagalog Dubbed)


Tagalog Christian Movie 2018 | "Kaligtasan" | Have You Truly Been Saved? (Tagalog Dubbed)

     Ano ang kaligtasan? Iniisip ng mga nananalig sa Panginoong Jesus na kung taos-puso silang magdarasal sa Panginoon, magtatapat ng kanilang mga kasalanan, at magsisisi, mapapatawad ang kanilang mga kasalanan, at pagkakalooban sila ng kaligtasan, at pagdating ng Panginoon, diretso silang iaakyat sa kaharian ng langit. Pero gayon ba talaga kasimple ang kaligtasan? Ang bida ng pelikula, si Xu Zhiqian, ay maraming taon nang nananalig sa Diyos, marubdob na naglilingkod sa Kanya, at tinalikuran ang lahat para gampanan ang kanyang mga tungkulin. Dahil dito, inaresto siya at pinahirapan ng Chinese Communist Party. Nang palabasin siya ng bilangguan, patuloy niyang ginampanan ang kanyang mga tungkulin, nagtamo ng kaunting praktikal na karanasan, at nilutas ng kanyang mga sermon at gawain ang ilang praktikal na problema para sa kanyang mga kapatid. Kalaunan, inaresto rin ang kanyang asawa, pero hindi siya nagreklamo, naging negatibo, o nanghina…. Dahil sa lahat ng ito binati at pinuri siya ng kanyang mga kapatid. Naniniwala si Xu Zhiqian na nasa kanya ang realidad ng katotohanan at na walang problema sa pagpasok sa kaharian ng langit. Pero di nagtagal, nagkaroon siya ng di-inaasahang pagsubok— ang asawa niya ay namatay sa pagpapahirap ng mga pulis ng CCP. Si Xu Zhiqian, na balisa, ay may mga paniwala, maling pagkaunawa, at reklamo tungkol sa Diyos, at naiisip ding magrebelde at magtaksil sa Diyos…. Kalaunan, nang matanto niya na nagtataksil siya sa Diyos, nagsimula siyang magnilay-nilay, at nag-isip kung ang mga taong nagdaraan sa mga pagsubok, na katulad niya, at pagkatapos ay nagrereklamo, nagkakamali ng pag-unawa sa Diyos, at nagtataksil sa Kanya ay talagang maliligtas. Talaga bang nararapat silang makapasok sa kaharian ng Diyos?

Linggo, Abril 7, 2019

Tagalog Christian Movie | "Kumakatok sa Pintuan" God Knocks at the Door of My Heart (Tagalog Dubbed)


Tagalog Christian Movie | "Kumakatok sa Pintuan" God Knocks at the Door of My Heart (Tagalog Dubbed)


    Dalawang libong taon na ang nakararaan, iprinoposiya ng Panginoong Jesus, "Datapuwa't pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya" (Mateo 25:6). "Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko" (Pahayag 3:20). Sa loob ng huling dalawang libong taon, naging mapagmatyag ang mga nananampalataya sa Panginoon at hinihintay ang pagkatok Niya sa pintuan, kung ganon paano Siya tutuktok sa pintuan ng sangkatauhan sa Kanyang pagbabalik? Sa mga huling araw, pinatototohanan ng ilang tao na nagbalik na ang Panginoong Jesus — ang Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao — at gagawin Niya ang gawain ng paghatol sa mga huling araw. Ginimbal ng balitang ito ang buong mundo ng relihiyon. Si Yang Aiguang, ang bida ng pelikula, ay ilang dekada ng naniniwala sa Panginoon at matagal ng nakikiisa nang buong-puso sa gawain at pangangaral, naghihintay na salubungin ang pagbabalik ng Panginoon. Isang araw, may dumating na dalawang tao at kumatok sa pinto, sinabi nila kay Yang Aiguang at sa asawa nito na nagbalik na ang Panginoong Jesus at ibinahagi sa kanila ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Labis silang naantig sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, pero dahil natuklasan ni Yang Aiguang ang mga kasinungalingan, panlilinlang at paghihigpit ng mga  pastor at elder, pinalayas niya sa bahay nila ang mga saksi ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Pagkatapos noon, ilang beses pang kumatok sa pintuan nila ang mga saksi at ibinahagi kay Yang Aiguang ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, pinatotohanan nila ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Sa mga sandaling ito, paulit-ulit na ginulo at pinigil ng pastor si Yang Aiguang, at hindi nawala ang kanyang pag-aalinlangan. Ganunpaman, sa pakikinig sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, tuluyang naintindihan ni Yang Aiguang ang katotohanan at naunawaan ang tungkol sa mga tsismis at kasinungalingang ikinalat ng mga pastor at elder. Naiintindihan na niya sa wakas kung paano kumakatok ang Panginoon sa pintuan ng mga tao sa Kanyang pagbabalik sa mga huling araw, at kung paano natin Siya dapat salubungin. Nung maglaho ang hamog, narinig na ni Yang Aiguang ang tinig ng Diyos at tinanggap na talagang ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Huwebes, Abril 4, 2019

Tagalog Christian Movies|"Paghihintay" Sasalubungin ng mga Matatalinong Birhen ang Panginoon



Tagalog Christian Movies|"Paghihintay" Sasalubungin ng mga Matatalinong Birhen ang Panginoon

     Si Yang Hou'en  ay isang pastor sa isang bahay-iglesia sa China. Maingat niyang hinintay ang pagbaba ng Panginoong Jesus mula sa mga ulap at pagdadala sa kanya sa kaharian ng langit. Dahil dito, masigasig siyang naglingkod sa Panginoon, mahigpit na nanangan sa Kanyang pangalan, at naniwala na sinumang hindi ang Panginoong na bumababa mula sa mga ulap ay isang huwad na Cristo. Kaya nga, nang mabalitaan niya ang ikalawang pagparito ng Panginoon, tumanggi siyang siyasatin iyon…. Samantalang naghintay siya nang walang kibo, inilahad sa kanya ng kanyang pinsang si Li Jiayin ang ebanghelyo ng pagbalik ng Panginoong Jesus. Matapos ang ilang matitinding talakayan, sa wakas ay naunawaan ni Yang Hou'en ang tunay na kahulugan ng "magbantay at maghintay," at nakita niya na ang Makapangyarihang Diyos ang ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus na napakatagal na niyang hinintay.


Lunes, Abril 1, 2019

Tagalog Christian Movies | "Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train" | Welcome the Return of Lord Jesus


Tagalog Christian Movies | "Umabot sa Huling Tren Caught the Last Train" | Welcome the Return of Lord Jesus

  
   Si Chen Peng ay pastor sa isang bahay-iglesia. Noon pa man ay marubdob na siyang naglingkod sa Panginoon, at kadalasa’y nagsilbing pastor, sa pagtulong sa kanyang mga alagad, at binalikat ang malalaking pasanin para sa iglesia. Pero nitong nakaraang mga taon, mas lalong nawalan ng tao sa iglesia. Nanghina ang espiritu ng mga mananampalataya at hindi na nagsimba, at hindi na dumadalo sa mga miting. Kaya nga kahit si Pastor Chen ay nakadama ng kadiliman sa kanyang kaluluwa, na para bang natuyo na ang balon ng kanyang espiritu, at hindi na niya madama ang presensya ng Panginoon. Sa mga miting, nalaman niya na wala siyang maipangaral. … Ginawa niya ang lahat ng maaari niyang maisip para muling pasiglahin ang iglesia, pero nawalan ng saysay ang lahat ng pagsisikap niya. … Naging miserable si Chen Peng, nalito, at hindi maunawaan kung bakit nagiging mapanglaw ang kanyang iglesia, at bakit nawala sa kanila ang presensya ng Panginoon.


Linggo, Marso 24, 2019

Tagalog Christian Movies | Mapanganib Ang Landas Papunta sa Kaharian Ng Langit (Tagalog dubbed)


Tagalog Christian Movies | Mapanganib Ang Landas Papunta sa Kaharian Ng Langit (Tagalog dubbed)


    Ang Kristiyanong si Zhong Xin ay isang pastor sa isang bahay-iglesia sa mainland China. Hinikayat niya ang kanyang mga kapatid na siyasatin ang tunay na daan at ipinasiya na ang Makapangyarihang Diyos ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Gayunman, naguluhan ang ilan sa hibang na paglaban at pagtuligsa ng gobyernong CCP at mga relihiyoso sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Sa pagbasa sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at pakikinig sa paliwanag ng mga saksi mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, naunawaan nila ang pinagmulan ng pagsuway ng sangkatauhan sa Diyos, malinaw nilang nakita kung bakit ang daan patungo sa kaharian ng langit ay puno ng mga paghihirap, at nahiwatigan nila ang diwa ng makademonyong rehimen ng CCP at mga lider ng mga relihiyon na namumuhi sa katotohanan at kontra sa Diyos. Sa wakas, matatag na natanggap ng mga taong katulad ni Zhong Xin ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos.


     

Martes, Pebrero 19, 2019

Tagalog Christian Movies | "Kaligtasan" | Have You Truly Been Saved? (Tagalog Dubbed)



Tagalog Christian Movies| "Kaligtasan" | Have You Truly Been Saved? (Tagalog Dubbed)


Ano ang kaligtasan? Iniisip ng mga nananalig sa Panginoong Jesus na kung taos-puso silang magdarasal sa Panginoon, magtatapat ng kanilang mga kasalanan, at magsisisi, mapapatawad ang kanilang mga kasalanan, at pagkakalooban sila ng kaligtasan, at pagdating ng Panginoon, diretso silang iaakyat sa kaharian ng langit. Pero gayon ba talaga kasimple ang kaligtasan?