Nahuhulog ang tao sa
kalagitnaan ng Aking liwanag, at mabilis siyang nakakabangon dahil sa
Aking kaligtasan. Noong dinala Ko ang kaligtasan sa buong sandaigdigan,
sinusubukan ng tao na hanapin ang mga paraan upang makapasok sa daloy ng
Aking pagpapanumbalik, ngunit marami ang mga natangay nang walang bakas
sa malakas na agos ng panunumbalik na ito; marami ang mga nalunod at
nilamon ng malakas na agos ng mga tubig; at marami rin ang nanatili sa
gitna ng malakas na agos, na hindi kailanman nawalan ng kanilang diwa ng
direksiyon, at sumunod sa malakas na agos hanggang ngayon. Humahakbang
Ako kasabay ng tao, ngunit hindi pa rin niya Ako nakikilala; alam lamang
niya ang mga panlabas Kong kasuotan, at wala siyang kaalam-alam sa mga
kayamanan na nakatago sa Aking kaloob-looban. Kahit na tinutustusan Ko
ang tao at nagbibigay Ako sa kanya sa bawat araw, hindi niya kaya ang
tunay na pagtanggap, wala siyang kakayahang tanggapin ang lahat ng mga
kayamanang ibinibigay Ko. Wala sa katiwalian ng tao ang nakakaiwas sa
Aking paningin; para sa Akin, ang panloob na mundo niya ay katulad ng
maliwanag na buwan sa tubig. Hindi Ako nakikipaglaro sa tao, ni hindi
basta nakikisabay lang sa kanya; wala lang talagang kakayahan ang tao na
panagutan ang kanyang sarili, at dahil dito palaging ubod ng sama ang
buong sangkatauhan, at kahit ngayon nananatili siyang walang kakayahang
lumaya mula sa naturang kasamaan. Kaawa-awa, kalunus-lunos na
sangkatauhan! Bakit nga ba mahal Ako ng tao, ngunit hindi niya kayang
sundin ang mga layunin ng Aking Espiritu? Talaga bang hindi Ko ibinunyag
ang Aking Sarili sa sangkatauhan? Talaga bang hindi nakita kailanman ng
sangkatauhan ang Aking mukha? Maaari kayang masyadong maliit ang awa na
Aking ipinakita sa sangkatauhan? O ang mga rebelde ng buong
sangkatauhan! Dapat silang mawasak sa ilalim ng Aking talampakan, dapat
silang maglaho sa gitna ng Aking pagkastigo, at dapat, sa araw ng
pagkakumpleto ng Aking dakilang plano, ay maitataboy sila mula sa
kalagitnaan ng sangkatauhan, upang makita ng buong sangkatauhan ang
pangit nilang pagmumukha. Bihirang makita ng tao ang Aking mukha o
bihira niyang marinig ang Aking tinig dahil masyadong nakalilito ang
buong mundo, at masyadong malakas ang ingay nito, at dahil dito naging
masyadong tamad ang tao na hanapin ang Aking mukha at subukang unawain
ang Aking puso. Hindi ba ito ang dahilan ng katiwalian ng tao? Hindi ba
dahil dito kaya nangangailangan ang tao? Ang buong sangkatauhan ay
palaging nasa gitna ng Aking pagtustos; kung di gayon, kung hindi Ako
maawain, sino ang mabubuhay hanggang ngayon? Ang mga kayamanan na nasa
Akin ay walang kapantay, ngunit ang lahat ng mga kalamidad ay nandito
rin sa Aking mga kamay—at sino ang makaliligtas mula sa kalamidad kung
kailan nila gusto? Ang mga panalangin ba ng tao ang magpapahintulot sa
kanya upang gawin ito? O ang mga luha sa puso ng tao? Hindi kailanman
tunay na nanalangin ang tao sa Akin, at dahil dito walang kahit isa sa
buong sangkatauhan ang ganap na namuhay sa gitna ng liwanag ng
katotohanan, at namuhay lamang ang mga tao sa gitna ng pasumpung-sumpong
na paglitaw ng liwanag. Ito nga ang nagdulot sa pangangailangan ng
sangkatauhan ngayon.
Masigasig sa pagkainip ang bawat isa, handa
silang ibuhos ang lahat para sa Akin upang may mapala sila mula sa Akin,
at dahil dito, sa pagsang-ayon sa sikolohiya ng tao, nagbibigay Ako sa
kanya ng mga pangako upang udyukan ang tunay na pag-ibig sa kanya. Totoo
bang ang tunay na pag-ibig ng tao ang nagbibigay sa kanya ng lakas? Ang
katapatan ba ng tao sa Akin ang umantig sa Aking Espiritu sa langit?
Hindi kailanman nakaapekto nang kahit kaunti sa langit ang mga pagkilos
ng tao, at kung ang pagtrato Ko sa tao ay batay sa bawat pagkilos niya,
ang buong sangkatauhan ay mabubuhay sa kalagitnaan ng Aking pagkastigo.
Maraming mga tao ang nakita Kong may mga luhang dumadaloy sa kanilang
mga pisngi, at maraming mga tao ang nakita Kong naghandog ng puso bilang
kapalit ng mga kayamanan Ko. Sa kabila ng ganyang “kabanalan,”
kailanman hindi Ko ibinigay nang ganap ang lahat Ko sa tao bilang
resulta ng biglaan niyang mga simbuyo, dahil kailanman hindi inilaan ng
tao ang kanyang sarili sa harapan Ko na nagkukusang may kagalakan.
Tinanggal Ko ang mga maskara ng lahat ng mga tao at itinapon Ko ang mga
maskarang ito sa lawa ng apoy, at bilang resulta, hindi nanatiling
matibay ang ipinapalagay na katapatan at mga pagsamo ng tao sa harapan
Ko. Ang tao ay parang isang ulap sa kalangitan: Kapag umugong ang
hangin, kinatatakutan niya ang kalakasan ng pwersa nito at agad na
lumulutang sa pagsunod dito, malalim ang takot niyang mapapabagsak siya
dahil sa kanyang pagsuway. Hindi ba ganito ang pangit na mukha ng tao?
Hindi ba ito ang kunwari’y tinatawag na pagkamasunurin ng tao? Hindi ba
ito ang “tunay na pakiramdam” at huwad ng kabutihan ng tao? Maraming mga
tao ang ayaw maniwala sa lahat ng mga salitang nagmumula sa Aking
bibig, at marami ang ayaw tumanggap ng Aking pagsusuri, at dahil dito
ipinagkakanulo ng mga salita at pagkilos nila ang mapaghimagsik nilang
mga layunin. Salungat ba ang tinutukoy Ko sa lumang kalikasan ng tao?
Hindi ba naaangkop ang ibinigay Kong sapat na kahulugan sa tao na ayon
sa “mga batas ng kalikasan”? Hindi tunay na sumusunod sa Akin ang tao;
kung tunay na hinanap niya Ako, hindi Ko na sana kailangang magsalita ng
napakarami. Ang tao ay walang halagang basura, at kailangan Kong
gamitin ang Aking pagkastigo upang pilitin siyang umusad; kung hindi Ko
ginawa ito, paano—kahit sapat ang mga pangakong ibinibigay Ko sa kanya
para sa kanyang kasiyahan—maaantig ang kanyang puso? Nabuhay ang tao sa
gitna ng masakit na pagpupunyagi sa loob ng maraming taon; maaaring
sabihin na palagi siyang nabubuhay sa kawalan ng pag-asa. Bilang
resulta, naiwan siyang walang pag-asa, at pagod sa pisikal at sa
pag-iisip, at dahil dito hindi niya masayang tinatanggap ang mga
kasaganaang ibinibigay Ko sa kanya. Kahit ngayon, walang sinuman ang may
kakayanang makatanggap sa lahat ng katamisan ng espiritung nagmula sa
Akin. Mananatili na lamang mahirap ang mga tao, at hihintayin ang huling
araw.
Maraming tao ang nais Akong mahalin nang tapat, ngunit
dahil hindi nila pag-aari ang mga puso nila, wala silang kontrol sa
kanilang mga sarili; maraming mga tao ang tunay na nagmamahal sa Akin sa
kabila ng mga pagsubok na ibinigay Ko sa kanila, ngunit wala silang
kakayahang intindihin na talagang umiiral Ako, at minamahal lang nila
Ako sa gitna ng kawalan, at hindi dahil sa mismong pag-iral Ko; maraming
mga tao ang pagkatapos ialay ang kanilang mga puso sa Akin ay
isinasawalang bahala lang nila ito, kaya inaagaw ni Satanas ang mga puso
nila sa tuwing may pagkakataon siya, pagkatapos nito ay nililisan na
nila Ako; maraming mga tao ang tunay na nagmamahal sa Akin pagkaraan
Kong ibigay ang Aking mga salita, ngunit hindi nila pinahahalagahan ang
mga salita Ko sa kanilang mga espiritu, sa halip ay pangkaraniwan nilang
ginagamit ito na parang pampublikong ari-arian at itinatapon nila ang
mga ito sa kanilang pinanggalingan sa tuwing gusto nilang gawin.
Hinahanap Ako ng tao sa kalagitnaan ng sakit, at tumitingala siya sa
Akin sa gitna ng mga pagsubok. Tinatamasa niya Ako sa panahon ng
kapayapaan, kapag nasa panganib ipinagkakaila niya Ako, nakakalimutan
niya Ako kapag siya ay abala, at kapag tinatamad siya sumasabay lang
siya sa agos para sa Akin—ngunit wala kailanman ang sinumang nagmahal sa
Akin sa buong panahon ng kanilang buhay. Gusto Ko na maging taimtim ang
tao sa harapan Ko: Hindi Ko hinihiling na magbigay siya ng anumang
bagay sa Akin, ngunit seryosohin lamang sana Ako ng lahat ng mga tao, na
sa halip na inililigaw Ako, hahayaan sana nila Akong ibalik ang
katapatan ng tao. Tumatagos ang pagliliwanag, pagpapalinaw, at ang
halaga ng mga pagsisikap Ko sa lahat ng tao, ngunit katotohanan na
tumatagos rin ang bawat pagkilos ng tao sa kalagitnaan ng lahat ng tao,
tumatagos sa panlilinlang nila sa Akin. Parang ang mga sangkap ng
panlilinlang ng tao ay nasa kanya na mula pa sa sinapupunan, parang
taglay na niya ang mga natatanging kasanayan sa panlilinlang mula
kapanganakan. Ano pa, hindi niya kailanman ibinunyag ang plano; walang
sinuman ang nakaaninag sa ugat ng mga kasanayan sa pandarayang ito.
Bilang resulta, nabubuhay ang tao sa gitna ng panlilinlang at wala man
lang siyang kamalay-malay dito, at parang pinatatawad niya ang kanyang
sarili, na parang ang mga ito ay mga pagtatakda ng Diyos sa halip
sinadyang panlilinlang niya sa Akin. Hindi ba ito ang pinakapinagmulan
ng panlilinlang ng tao sa Akin? Hindi ba kanyang tusong gawain ito?
Hindi Ako nalito kailanman ng mga pambobola at panlilinlang ng tao,
dahil matagal Ko nang napagtanto ang kanyang diwa. Sino ang nakaaalam
kung gaano karumi ang nasa dugo niya, at kung gaano karami ang kamandag
ni Satanas sa kanyang kaibuturan? Mas lumalagong nasasanay ang tao dito
sa bawat pagdaan ng araw, kaya wala na siyang malay sa mga kapighatiang
dulot ni Satanas, at dahil dito wala na siyang pagkawiling hanapin ang
“paraan ng isang malusog na pamumuhay.”
Kapag malayo ang tao sa
Akin, at kapag sinusubok niya Ako, itinatago Ko ang Aking sarili mula sa
kanya sa kalagitnaan ng mga ulap. Bilang resulta, wala siyang mahanap
na anumang bakas Ko, at nabubuhay na lamang siya sa mga kamay ng mga
masasama, ginagawa ang lahat ng hinihiling nila. Kapag malapit ang tao
sa Akin, nagpapakita Ako sa kanya at hindi Ko itinatago ang Aking mukha
sa kanya, at sa pagkakataong ito, nakikita ng tao ang mabait Kong mukha.
Bigla siyang natatauhan, at bagaman hindi niya mapagtanto ito, nabubuo
sa kanya ang pag-ibig sa Akin. Sa kanyang puso, bigla niyang
nararamdaman ang walang kapantay na tamis, at nahihiwagaan siya kung
paanong wala siyang malay sa pag-iral Ko sa sansinukob. Kaya nagkaroon
ang tao ng mas malalim na pakiramdam sa Aking kagandahan, at, higit pa
rito, sa Aking kahalagahan. Bilang resulta, kailanman ay ayaw na niya
Akong iwanan, tumitingala siya sa Akin bilang liwanag ng kanyang
kaligtasan, at, malalim ang takot niya na siya’y Aking iwanan, yumayakap
siya sa Akin nang mahigpit. Hindi Ako naaantig ng kasigasigan ng tao,
ngunit maawain Ako sa kanya dahil sa kanyang pag-ibig. Sa panahong ito,
kaagad-agad nabubuhay ang tao sa gitna ng mga pagsubok Ko. Naglalaho ang
Aking mukha sa kanyang puso, at agad niyang naramramdaman na walang
saysay ang kanyang buhay at pinag-iisipan niyang kumawala. Sa sandaling
ito, nalantad na hubad ang puso ng tao. Hindi niya Ako niyayakap dahil
sa Aking disposisyon, ngunit hinihiling niya na ingatan Ko siya sa
pamamagitan ng Aking pagmamahal. Ngunit kapag namintas ang pagmamahal Ko
sa tao, nagbabago agad ang kanyang isipan; sinisira niya ang tipan niya
sa Akin at sinusuway ang Aking paghatol, ayaw na niyang muli pang
tumingin sa maawain Kong mukha, at kaya binabago niya ang pananaw niya
tungkol sa Akin, at sasabihing kailanman ay hindi Ko iniligtas ang tao.
Awa lang ba ang bumubuo sa tunay na pag-ibig? Minamahal lang ba Ako ng
tao kung ang buhay niya ay nasa ilalim ng nagniningning na liwanag Ko?
Lumilingon siya sa nakaraan ngunit nabubuhay siya sa kasalukuyan—hindi
ba ganito ang kalagayan ng tao? Sadyang ganito pa rin ba kayo bukas?
Gusto Kong magkaroon ang tao ng isang puso na ang kaibuturan ay
nasasabik lamang sa Akin, hindi puso na nasisiyahan sa mga mabababaw na
bagay.
Marso 21, 1992
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Rekomendasyon: Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento