Si Yu Shunfu ay naniniwala sa relihiyosong mundo na humahanga at sumasamba sa mga pastor at elder. Iniisip niya na "lahat ng pastor at elder ay itinatag ng Diyos, at ang pagsunod sa mga pastor at elder ay pagsunod sa Diyos," kaya nakikinig siya sa kanyang pastor sa lahat ng ginagawa niya, maging sa usaping pagsulubong sa pagbabalik ng Panginoon. Ngunit sa isang matalinong debate, mababatid ni Yu Shunfu na ang pagsunod sa mga relihiyosong palagay ay kalokohan at di-makatwiran, at sa wakas ay nababatid na niyang ang pagdakila sa Diyos ay dumarating una sa paniniwala, at dapat ilaan ng isang tao ang "templo" ng puso para sa Diyos. Kaya, pinipili niyang hanapin at siyasatin nang nag-iisa ang totoong daan…
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang ilang tao ay 'di nagagalak sa katotohanan, lalo na sa paghatol.
Sa halip, nagagalak sila sa kapangyarihan at kayamanan; ang mga taong
ito ay pinaniniwalaang mga magpagmataas na tao. Hinahanap lamang nila
ang mga sekta sa mundo na may impluwensya at ang mga pastor at mga
gurong galing sa mga seminaryo. Sa kabila ng pagtanggap ng daan ng
katotohanan, nananatili silang may pagaalinlangan at hindi nila mailaan
ang kanilang mga sarili nang lubusan. Sila ay nagsasalita ng
pagsasakripisyo para sa Diyos, ngunit ang kanilang mga mata ay nakatitig
sa mga dakilang pastor at mga guro, at si Cristo ay isinantabi. Ang
kanilang mga puso ay punong-puno ng kasikatan, kayamanan at karangalan.
Talagang hindi sila naniniwala na ang isang ganoong kahinang tao ay may
kakayahan ng panlulupig sa karamihan, na ang isang hindi kapansin-pansin
ay may kakayahang gawing perpekto ang mga tao. Talagang hindi sila
naniniwala na itong mga walang saysay na taong kasama sa mga alikabok at
mga tambak na dumi ay ang mga taong pinili ng Diyos. Sila ay naniniwala
na kung ang mga tulad ng mga taong ito ang layunin ng kaligtasan ng
Diyos, kung ganoon ang langit at lupa ay mababaliktad at lahat ng tao ay
magtatawanan nang malakas. Sila ay naniniwala na kung pinili ng Diyos
ang gayong walang saysay na mga tao na maging perpekto, kung ganoon ang
mga dakilang taong iyon ay magiging Diyos Mismo. Ang kanilang mga
pananaw ay nababahiran ng di-pananampalataya, sa katunayan, sa halip na
di-pananampalataya, ang mga ito ay malaking kahibangang mga halimaw.
Sapagkat ang pinahahalagahan lamang nila ay posisyon, reputasyon at
kapangyarihan; kanilang pinaguukulan ng mataas na pagpapahalaga ang mga
malalaking grupo at mga sekta. Talagang wala silang pagsasaalang-alang
para sa mga pinangungunahan ni Cristo; sila ay mga traydor lamang na
tumalikod kay Cristo, sa katotohanan, at sa buhay.