Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos-Buhay-Iglesya Nati’y kaibig-ibig (Opisyal na Music Video)

23

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na matapat. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na matapat. Ipakita ang lahat ng mga post

Linggo, Setyembre 16, 2018

Isang Napakaseryosong Problema: Pagkakanulo (2)

kaligtasan, Cristo, Diyos, matapat, panginoon


    Ang kalikasan ng tao ay ganap na naiiba sa Aking diwa; ito ay sapagkat ang tiwaling kalikasan ng tao ay lahat nagmumula kay Satanas at ang kalikasan ng tao ay naproseso na at nagawang tiwali na ni Satanas. Yan ay, nananatili ang tao sa ilalim ng impluwensiya ng kasamaan at kapangitan nito. Ang tao ay hindi lumalaki sa isang mundo ng katotohanan o sa isang banal na kapaligiran, at dagdag pa hindi namumuhay sa liwanag. Samakatuwid, hindi posible para sa katotohanan na likas na mataglay sa loob ng kalikasan ng bawat tao, at dagdag pa hindi sila maaaring ipanganak na may takot-sa-Diyos, sumusunod-sa-Diyos na diwa. Sa kabaligtaran, sila ay nagtataglay ng isang kalikasan na tumututol sa Diyos, sumusuway sa Diyos, at walang pagmamahal para sa katotohanan. Ang kalikasang ito ay ang problemang nais Kong pag-usapan pagkakanulo. Ang pagkakanulo ang pinagmumulan ng pagtutol ng bawat tao sa Diyos. Ito ay isang problema na umiiral lamang sa tao at hindi sa Akin. May ilang magtatanong ng ganitong uri ng tanong: Yamang silang lahat ay nabubuhay sa daigdig ng tao, bakit ang lahat ng tao ay may isang kalikasan na nagkakanulo sa Diyos, subali’t si Cristo ay hindi? Ito ay isang tanong na dapat maipaliwanag sa inyo nang malinaw.

   
kaligtasan, Cristo, Diyos, matapat, panginoon

 Ang pag-iral ng sangkatauhan ay nakabatay sa pagkakatawang-tao naman ng kaluluwa. Sa ibang salita, bawat tao ay nagtatamo ng isang pantaong pamumuhay sa laman sa pagkakatawang-tao ng kanilang kaluluwa. Pagkatapos na ang katawan ng isang tao ay maipanganak, ang buhay na iyon ay nagpapatuloy hanggang sa pinakamalaking limitasyon ng laman, yan ay, ang pangwakas na sandali kapag nilisan ng kaluluwa ang balat nito. Ang prosesong ito ay muli’t muling nauulit sa kaluluwa ng isang tao na dumarating at umaalis, at dumarating at umaalis, sa gayon ay napapanatili ang pag-iral ng lahat ng sangkatauhan. Ang buhay ng laman ay ang buhay din ng kaluluwa ng tao, ang kaluluwa ng tao ay sumusuporta sa pag-iral ng laman ng tao. Na ang ibig sabihin, bawat buhay ng tao ay nanggagaling mula sa kanilang kaluluwa; hindi ang kanilang laman ang orihinal na may buhay. Sakamatuwid, ang kalikasan ng tao ay nanggagaling mula sa kanilang kaluluwa, hindi mula sa kanilang laman. Tanging ang bawat kaluluwa ng tao ang nakakaalam kung paano sila ay sumailalim sa mga tukso, mga paghihirap, at katiwalian ni Satanas. Hindi maaaring malaman ito ng laman ng tao. Kaya, ang sangkatauhan ay hindi sinasadyang nagiging higit at mas marumi, masama at madilim, habang ang distansiya sa pagitan Ko at ng tao ay lumalaki nang palayo nang palayo, at ang mga araw ng sangkatauhan ay nagiging padilim nang padilim. Ang mga kaluluwa ng sangkatauhan ay lahat nasa abot-kamay ni Satanas. Sa gayon, hindi na kailangang sabihin pa na ang laman ng tao ay naokupahan na rin ni Satanas. Paanong maaaring ang laman tulad nito at mga taong tulad nito ay hindi tututulan ang Diyos at maging likas na kaayon sa Kanya? Ang dahilan kung bakit si Satanas ay itinapon Ko sa hangin ay sapagkat ipinagkanulo nito Ako, kung kaya paanong maaaring mapakawalan ng mga tao ang kanilang mga sarili mula dito? Ito ang dahilan na ang kalikasan ng tao ay pagkakanulo. Nagtitiwala Ako na kapag inyong naunaawaan ang pangangatwirang ito kayo ay dapat ding magkaroon ng paniniwala sa diwa ni Cristo! Ang laman na sinuot ng Espiritu ng Diyos ay ang sariling laman ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ay kataas-taasan; Siya ay makapangyarihan, banal at matuwid. Gayon din naman, ang Kanyang laman ay kataas-taasan, makapangyarihan, at matuwid din. Ang laman na tulad nito ay may kakayanang lamang na gumawa nang matuwid at kapaki-pakinabang sa sangkatauhan, na kung saan ay banal, maluwalhati, at makapangyarihan, at walang kakayanang gumawa ng anumang lalabag sa katotohanan o moralidad at katarungan, mas higit ng anumang bagay na magkakanulo sa Espiritu ng Diyos. Ang Espiritu ng Diyos ay banal, at sa gayon ang Kanyang laman ay hindi magagawang tiwali ni Satanas; ang Kanyang laman ay naiibang diwa kaysa sa laman ng tao. Sapagkat ang tao, hindi ang Diyos, ang siyang ginawang tiwali ni Satanas; hindi maaaring posibleng gawing tiwali ni Satanas ang laman ng Diyos. Sa gayon, sa kabila ng katotohanang ang tao at si Cristo ay nananahan sa loob ng parehong espasyo, tanging ang tao lamang ang siyang nadomina, nagamit at nabitag ni Satanas. Sa kabaligtaran, si Cristo ay magpasawalang-hanggang hindi tinatablan ng katiwalian ni Satanas, sapagkat si Satanas ay kailanman hindi makakayanang umakyat sa lugar ng kataas-taasan, at hindi kailanman maaaring makalapit sa Diyos. Ngayon, dapat ninyong lahat maunawaan na ang sangkatauhan lamang, na siyang ginawang tiwali ni Satanas, ang siyang nagkakanulo sa Akin, at na ang problemang ito ay palaging magiging walang kaugnayan kay Cristo.